100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[41] Confessions.

225K 4.4K 4.4K
By Girlinlove

Hi guys! Announcement lang. First, gusto ko magsorry kasi alam kong super tagal ng update! Second, gusto ko magthank you kasi naghihintay pa rin kayo. Third, maglalaw school na po ako and magstastart na ako sa May 26. Sa orientation namin, 20-25 cases per class ang dapat basahin, isang subject lang yun. So, kakainin talaga ng law school lahat ng oras ko. 5 hours of sleep nga daw ang average for law students, but anyway... Right now, hindi ko alam kung kailan ko matatapos ang 100STHH o kung paano ko tatapusin kasi sobrang walang oras, pero ittry ko. Nakikiusap lang po ako na intindihin ako and maging patient sa pagbabasa. Isa lang naman ang promise ko, papagandahin ko ang story na 'to. PROMISE ;) 

**

Chapter 41

Hope’s POV

“Let’s do this.”

Kasama ko ngayon si Venice at Bryle. Papunta kami ngayon sa bahay ni Mico para pilitin siyang pumasok, kumain at bumalik sa tamang katinuan niya. Hindi namin lahat alam kung anong problema niya dahil wala naman siyang kinakausap sa amin. Si Tita hindi pa alam lahat ‘to dahil kapag nalaman niya malalagot si Mico. Kahit ayos na sila, siguradong magagalit si Tita kapag nalaman niyang ganito si Mico.  

Pagpasok namin ganoon pa rin ang kwarto ni Mico, mas magulo lang. Si Mico nakahiga sa kama niya. Naliligo ba ‘to?! Sabagay mukha pa rin siyang mabango.

“Mico, wake up!” Ginising ni Venice si Mico kaso pagmulat ni Mico at ng makita niyang si Venice nagtakip lang siya ng unan.

“Bro, what’s happening to you? What’s going on? Tell us. We’re all worried about you.” Sinabi naman ni Bryle na naupo sa gilid ng kama.

“Mico, please. Don’t do this to yourself. Go to school na please. You’re missing a lot.” Hahawakan sana ni Venice si Mico para alisin yung unan sa mukha niya pero noong hinigit niya tinulak siya ni Mico. Kami ni Bryle napatayo bigla.

“BRO ANO BA?! SI VENICE YAN! Don’t you dare lay a hand on my girl, you hear me? Not Venice!” Sigaw ni Bryle habang tinutulungang tumayo si Venice at chinecheck kung may masakit ba. Okay kinilig ako.

“Can you all freaking shut up?! Who are you to tell me what to do?! Can you just leave me alone?! I’m sick of all of you!” Sigaw ni Mico tapos binato niya yung desk lamp sa tabi niya. Shocks! Ang ganda pa naman noon tapos binato niya. Rich kid problems. Wait, Hope ano ba! Umayos ka nga!

“WHAT’S YOUR PROBLEM LOYOLA?! We’re here because we’re worried and you’re acting like we don’t have any right to care.” Nabubuo na yung tension kay Bryle at Mico.

“Pakialam mo ba bro? Unahin mo na lang yang pambababae mo.”

*BOOOG*

Natigil kaming lahat.

Sinuntok ni Bryle si Mico. Ngayon dumudugo yung medyo putok na labi ni Mico. Sinamaan ng tingin ni Mico si Bryle at sinuntok din niya pabalik. Oh my god! Nagbalikan lang sila ng suntok doon. Ang lakas. Tama na. Tama na.

“TAMA NA! ANO BA KAYO?!”

Tumigil naman yung dalawa pagkasigaw ko. Inis na inis na ako. Hindi ganito ang Tres Gwapitos na nakilala at hinangaan ko. Hindi.

“Sa tingin niyo ba malulutas niyo yang problema na ‘to sa pagsusuntukan?! Tumigil na nga kayo. Hindi ganito ang Tres Gwapitos na kilala ko. Bryle tigilan mo na yan alam mong hindi sagot ang pagsusuntukan. At ikaw naman Mico Loyola, ano bang problema mo? Ilang linggo ka na ha. Sawang sawa na ako sa pagiinarte mo. Kunin mo yung towel, maligo ka at pagkatapos bumaba ka para kumain. Kuha mo?!”

Tumayo naman siya, agad na kinuha ang towel at pumasok sa C.R niya. Pagtingin ko kay Bryle at Venice…

“Bakit?”

“Ganon lang yun? Isang sigaw mo lang napasunod mo na agad? Ako kailangan ko pa makipagbugbugan?” sabi sa akin ni Bryle.

“Kung susunod nga siya sa’yo, Hope eh pinagkakatiwala na namin siya sa’yo. Kung hindi pa rin siya papasok kahit ako na ang magawa ng mga notes para sa kanya basta ipaaral mo sa kanya dahil malapit na ang 3rd Quarterly Exam. Hope, can we trust you?” Pressure naman ‘tong si Venice! Nakakaloka!

“Oo sige ako na bahala, gagawin ko ang lahat para maging ayos yang si Mico.”

“Thank you, Hope.” Tapos niyakap ako ni Venice. Nakakatuwa kasi nagaalala talaga sila kay Mico. Nakakatuwa rin na talagang kasali na ako sa kanila.

Pagkatapos naming, pinaayos namin sa mga maid ang kwarto ni Mico at nagpahanda na kami ng pagkain. Si Bryle at Venice kailangan ng umalis kasi may aasikasuhin pa sa varsity si Bryle, may practice pa ata.

Noong bumaba si Mico mas umayos yung itsura niya. Noong makita niya ako, sumimangot siya tapos medyo nagdabog. Hay naku, ito na naman yung isip batang side niya.

“Kumain ka na.” Utos ko sa kanya. “Mico, pumasok ka na bukas ha? Please? December 16-18 na yung 3rd quarterly exam. December 19 naman ang Christmas party. December 2 na po. Ilang araw na lang at ilang linggo ka ng wala sa school. Nabasa mo na ba yung binigay ko sa’yong notes?” Umiling lang siya.

“Basahin mo na uy! Sarili ko ngang notes di ako nagpapaphotocopy eh! Yung iyo pa lang! Kaya basahin mo naman. Si Venice daw gagawan ka ng notes ng mga namiss mo. Aralin mo please ha? Lahat kami nagaalala sa’yo.”

“Psh.” Yun lang sinabi niya habang kinakain yung tinapay at soup niya.

“Tigilan mo nga ako Mico ha. Ano bang problema mo?”

“None of your biz.” Biz? Anong biz?! Ineenglish na naman ako.

“Pero seryoso Mico, bumalik ka na sa dati please? Bakit ka ba nagkakaganyan? Tama na yan ha? Kahit mambully ka ulit or what basta wag ka ng ganito ha? Miss na kita eh.” Sinabi ko habang hawak yung braso niya, napatingin siya sa kamay ko tapos sa akin. Tumitig siya tapos biglang naging patay na naman yung mata niya.

“People change.”

Matigas pa rin talaga siya. Kung ano man yang problema niya malamang mabigat. Hindi ko naman masabi kay Tita kasi baka magalit siya.

“Basta hindi kita susukuan Mico.”

“You already did.”

“Ano yun?” Pero hindi na niya sinagot.

Mico, bumalik ka na please.

**

December 3, 2013 Tuesday 5:00 PM

“Hope, where are you going?” tanong sa akin ni Enzo na kakarating lang sa classroom namin.

“Pupunta ako kina Mico, bibigay ko ‘tong notes ni Venice na ginawa niya para sa kanya.”

“Mico? Again? Why do you always go there?”

“Pwede ka namang sumama eh. Bakit ba ayaw mong sumama?”

“I don’t want to see Mico like that. I don’t want to see him rebelling. Bryle told me everything that happened yesterday. Ayoko ng ganoon.” Ah, kaya naman pala. Si Bryle din eh, bago pa siya napilit ni Venice na pumunta kay Mico kahapon.

“Pero nagpromise talaga ako kay Venice na dadalhin ko kay Mico ‘to eh.”

“Bakit ikaw pa?”

“Bakit ka sad?” tanong ko pabalik.

“Not really. It’s just that, kaninang lunch pumunta ka kay Venice, right now kay Mico naman. When’s my time? Kailan kita masosolo?” Uy ang damot naman ni Enzo ko. Sige magdamot ka pa, gusto ko yan.

“Ikaw naman. Marami pa tayong oras na magkasama. Pero sa ngayon si Mico muna kasi baka bumagsak siya sa 3rd Quarter. Ayaw mo naman yun hindi ba? Nagaalala lang ako.”

“I also worry for him.”

“Kaya nga sama ka na sa akin sa bahay niya?”

“As much as I want to, I have a paper in Social Science due tomorrow. I’ll stay sa library today, I was about to ask if okay lang na samahan mo ako para I won’t get bored.” Mico o Enzo? Ay sige si Enzo na lang. Bukas na lang magaral si Mico matalino naman siya.

“Ganon? Sige na nga. Matitiis ba naman kita—Wait lang ah may nagtext.”

Pagtingin ko sa phone ko, yung maid nina Mico tinext ako. Ang sabi ayaw na naman daw lumabas ng kwarto ni Mico at buong araw ng hindi kumakain.

“Eh, Enzo…”

“Mico?” Umoo na lang ako. Nagsmile na lang siya tapos inayos yung bangs ko.

“I’m so proud of you. Thankful, too. Thank you for doing this to Mico. Thank you for helping us. He’s like my brother and I don’t want to see him this way kaya I don’t want to go to his house, but thank you for doing this.”

“Mahalaga din sa akin si Mico. Hindi ko hahayaang maging ganito siya. Isa pa, miss na miss ko na kaya si Mico. Kahit masama ang ugali sa akin noon minsan, may pinagsamahan naman kami.”

“That’s my girl. Do you want my driver to—“

“Naku hindi na, okay na. Susunduin na ako ng driver ni Mico.”

“Ganon? Okay fine, but next time driver ko na ang maghahatid sa’yo okay?” Napangiti na lang ako. Ganito pala kapossessive si Enzo. To think manliligaw ko pa lang ‘to. Oh my god, kinikilig ako. Hope, kalma!

Pagkatapos noon naghiwalay na kami, dumating yung driver ni Mico at nandito na ako ngayon sa bahay nila. Pagpasok ko sa kwarto niya, nakahiga na naman siya tapos nakataklob ng kumot. Ang dumi na naman ng kwarto niya! Kakainis.

“Mico Loyola, tumayo ka na diyan.” Hindi siya sumasagot. Umupo ako sa tabi ng kama niya tapos mahina kong tinapik yung balikat niya. Noong wala pa ring sumasagot, hinila ko na yung kumot niya tapos nakita kong tulog pala siya.

Noong tinitigan ko, mukhang peaceful naman ang mukha niya. Ang gwapo rin pala talaga ni Mico. Ang tangos ng ilong niya, kissable lips, tapos ang kintab ng buhok niya. Napangiti na lang ako. Buti pa pag tulog ‘to mukhang matino. Pero nalungkot ako… Mico Loyola, ano ba talagang problema mo? Bakit ka nagkakaganito? Sabihin mo sa akin para matulungan kita.

Maya maya, unti unting mumulat yung mata niya. Noong nakapagadjust na, nagulat siya kasi nakaupo ako sa kama niya.

“What are you doing here?!” Inis na sinabi niya. Pero hindi ko alam kung bakit na imbis na mairita ako, lalo lang ako naawa sa kanya. Lalo ko lang siyang gustong tulungan.

“Mico, pahiga ako ah?”

“What?! No—“ Pipigilan pa sana niya ako pero nahiga ako sa harap niya. Medyo malayo naman sa kanya. Mga 3 ruler ang pagitan namin. Humiga lang ako kaharap niya. Gusto ko lang siya titigan. Gusto ko lang pagaralan yung mata niya. Malungkot ba siya? Galit ba siya? Ano bang nangyayari?

“What are you doing, Hope?! Lumayo ka nga sa akin.” Sinabi niya tapos dapat tatalikod siya sa akin kasi naiilang siya pero hinawakan ko yung kamay niya tapos pinigilan siya sa pagtalikod sa akin.

“Wag ka munang tumalikod sa akin, Mico. Wag ka ng tumalikod. Please, bumalik ka na sa dati.” Naramdaman kong nanigas siya at napatigil sa pagtalikod. Bigla naman siyang nagbago ng mood at naging cold yung expression ng mukha niya.

“Why are you always acting like you care? Why do you always do that?”

“Kasi nagaalala ako sa’yo, Mico. Oo aminado ako na minsan masungit ka, o kaya makulit ka tapos moody pero mahalaga ka sa akin. Noong una galit na galit talaga ako sa’yo kasi ang init init ng ulo mo sa akin, pero noong nakilala kita narealize ko na hindi ka naman ganoon. Nalaman ko yung mga issue mo kay tita, at masaya ako noong naayos. Naging close ako sa pamilya mo pati sa’yo. Tinutulungan mo ako pag may problema ako. Kaya Mico Loyola wag mo ng itanong sa akin kung bakit ako nagaalala sa’yo kasi mahalaga ka sa akin.” Naramdaman kong lumambot na yung katawan at expression niya. Nakikinig na siya.

“Mico, ano ba kasing problema? Bakit ka ba nagkakaganito? Si Tita ba? Hindi ko naman siya matanong kasi baka magalit siya sa’yo. Please, sabihin mo sa akin. Alam kong nangingialam ako sa’yo pero gusto kitang tulungan. Please, Mico wag ka ng ganito. Tama na.”

“You can’t help me, Hope. Just drop this.” Bakit ba ang tigas niya?

“Hindi nga pwede, Mico. Hindi ko kayang makita kang ganito. Hindi ko pwedeng hayaan na lang.”

“Why?! Why do you always have to meddle?!”

“At bakit hindi?! Ayaw mong tulungan yang sarili mo. Ayaw mong sabihin kung anong dahilan kung bakit ka nagkakaganito! Lahat kami nagaalala na sa’yo!”

“Sinabi ko bang magalala kayo sakin? Hindi naman diba?”

“Bakit?! Kapag ako baa ng hindi pumasok, kapag ako ba ang makipagaway ng makipagaway at magkulong sa kwarto ng hindi kumakain, hindi ka ba magalala. Okay fine baka hindi—“

“Of course, magaalala ako sa’yo.” Biglang sinabi ni Mico. Nagulat ako kasi mula sa iritang mukha, naging sincere siya.

“See. You care for me, I also care for you. Hindi ko alam kung tama ba yung English ko pero kasi kapag nageenglish feeling mo ang lakas ng point mo pero okay balik sa point… Tama na ‘to, Mico. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, kung hindi ko talaga kayang tulungan ka, tulungan mo ang sarili mo. Kung ano man yang problema mo, hindi pa katapusan ng mundo okay? Kaya wag mong sirain ang buhay mo.”

Natahimik lang siya. Hinawakan ko ang mukha niya habang nakatitig sa kanya. Nagulat lang siya, namula din.

“Mico Loyola, tama na ‘to ha? Please? Bumalik ka na sa dati. Pumasok ka na. Wag ka ng makipagaway. Kumain ka ng tama kasi baka magkasakit ka. Ha? Please. Wag mo na akong pagalalahanin ng ganito.” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Ako tuloy ang namula. Masyado atang intimate ang pwesto namin dito!

“Sorry, Hope for making you worry. But… I… I need time. You have to understand. I can’t tell you what’s going on. But in time, I’ll be okay.”

“Kung ano man yang pinagdadaanan mo sige, iintindihin ko. Pero, please makipagcooperate ka rin sa akin. Araw araw dadalhin ko dito yung mga notes na gagawin ni Venice para sa quarterly exam. Marami ka ng namimiss na seatworks at quizzes, pero kung napagdesisyunan mo ng bumalik sa school sigurado namang papakuhanin ka nila ng special quiz magdahilan ka na lang. Magaral ka para sa 3rd Quarterly exams para makabawi ka kung hindi ka man nila bigyan ng special projects o kung ano man. Please.”

“Fine, fine. I’ll study lahat ng handouts na ibibigay mo at notes ni Venice. Ang lakas mong magsabi na magaral ako ha. Eh ikaw, papasa ka ba sa 3rd quarterly exams?” Toinks. Pwedeng wag na tayong magpunta doon? Napatayo tuloy ako sa kama.

“Eh, umm, problema ko na yun. Papasa din naman ako doon. Atsaka kung bumagsak man ako ayos lang kasi—“

“No. You can’t fail. If I’m going to study here, then you have to study with me. You don’t want me to fail, I don’t want you to fail. See that’s your English kanina right?” Kakainis. Nangaasar na naman.

“Che, ewan ko sa’yo. Basta aralin mo ‘tong lahat ng notes mo ha. Gabi na uuwi na ako. Lumabas ka diyan, kumain ka at maligo ka! Pogi ka pa naman.”

“Ano? Pogi ako?”

“Pogita ka. Maglinis ka na ng mga ink mo, Mr. Octopus. Sige na. Bye!”

Nagbye na ako sa mga maid, nakita ko naman na sumunod sa akin si Mico tapos binulungan ko yung mga maid na kakain na siya. Napangiti na lang sila sa akin at nagthank you. Noong chineck ko naman ang phone ko para itext si Ate na uuwi na ako nakita kong may text galing kay Enzo, siguro kakamustahin ako nito.

From: Enzo Gutierrez

I’m with Eula. She’s doing some paperworks din sa lib. Having fun. How are you?

Whoo. Buti naman kasama niya si Eula! At least hindi siya nabore! Thank you, Eula!

After 2 weeks, ganoon lang din ang nangyari. Naexplain ko na kay Enzo yung ginagawa ko kina Mico. Sinabi ko na araw araw ibibigay ko sa kanya yung notes ni Venice. Minsan tumutulong si Enzo kasi idadagdag niya yung notes niya para pagaralan ni Mico. Siya naman every hapon may inaasikaso. Minsan paper, minsan family thing. Palagi rin siyang sinasamahan ni Eula kasi kilala ni Eula ang family ni Enzo. Nakakatuwa din kasi unti unti nawawala yung awkwardness nila.

Kami naman ni Mico ganoon ang nangyayari araw araw. Pupunta ako sa kanila tapos magaaral kami ng sabay. Nakakatulong din sa akin kasi kapag hindi ko naiintindihan ang mga assignments ko tinutulungan niya ako. Araw araw kinukulit ko pa rin siya na pumasok na sa school, wag na muna daw. Ewan ko nga ba dito, ano bang meron sa school?

Ngayon, December 15, 2013, magkasama kami ni Enzo. Sa lunch na lang kami nagkakasama. Minsan pa kasama ko si Venice kasi nagpapatulong din ako sa pinapacompose sa akin ni Miss Inigo. Busy naman ako masyado, kailan pa ako naging ganito? Di ko kinakaya. Konti na lang Valedictorian na ako. Oha, taas ko ding mangarap eh.

Pero bakit? Mangangarap ka na lang taas taasan mo na! Tapos konting tiyaga at viola, chuva chenelyn chukchak chenes wingardium leviosa (kung ano mang spelling nito) at BOOM PANES manliligaw ko na si Enzo! Oh, dream high nga sabi ni Suzy hindi ba?

“So, after the exams Christmas Party na right?” tanong bigla sa akin ni Enzo. Okay tama na, Hope ang pagiimagine dahil mas maganda ang realidad mo!

“Oo! Yahoo! Tapos sembreak na—“

“After the Christmas party we have one week pa sa school.”

“ANO?! BAKIT?!” Oo medyo nagwewelga ako kasi hindi ba, pagkatapos ng Christmas party sembreak na?!

“We have to do some clearance pa ata and finalizations, like if you have to talk to your teachers and ask for some special projects then you have to go to school the week after the Christmas Party, but if not then after Christmas Party sembreak na.”

“Shocks. Ipapasa ko pa kay Miss Inigo yung composition ko eh.”

“Good! I have to do something for some projects for our school. I’m helping some organizations with other events for next year.” Wow ang sipag talaga. Sige na nga papasok na ako, dagdag oras pa yun kay Enzo ng hindi nagpapaalam kay Ate na may ‘date’ dahil aasarin lang ako noon.

“Siya nga pala, papasok na si Mico bukas para kumuha ng quarterly exams.”

“Good for him. Thank you, Hope for doing that to Mico.”

“Wala yun. Sorry nga pala kasi hindi kita palaging nasasamahan ha?”

“That’s okay. I can manage. Besides, Eula’s always accompanying me naman. We’re not that awkward anymore. Slowly, we’re becoming close na ulit.”

“Talaga?! Eh di ayos! Yan naman ang gusto kong mangyari sa inyo eh. Two birds in one stone pala ang nangyayari dito eh.” Nagsmile na lang sa akin si Enzo tapos nagkwento pa siya sa mga ginagawa nila ni Eula, nakikinig lang ako.

Pero maya maya pa… Nagselos na ako.

Hindi ako selosa, promise. Pero kasi… Kilala ng pamilya ni Enzo si Eula tapos nagdinner pala sila kasama ang whole family niya noong isang araw. Samantalang ako, ni hindi ko pa nga kilala ang mom at dad ni Enzo. Tapos parehas pala sila ng hobby, kesyo nagfencing daw sila sa bahay ni Eula. Fencing fencing. Manguha lang ng manga ng kapitbahay over the bakod lang ang alam ko eh.

Pagkatapos niya pang magkwento hinatid na niya ako sa bahay ko. Manhid din ‘tong si Enzo eh. Hindi ba niya nahahalata na kanina pa ako puro ‘Ah’ ‘Ganon?’ ‘Galing naman’ ‘Wow’ sa mga kinekwento niya. Poker face na nga ako eh. Nakakainis! Ang mas nakakainis pa, magkatext na nga kami Eula, Eula, Eula pa din.

Kinabukasan, iritang irita akong pumasok sa school dahil nga kay Enzo dahil Eula siya ng Eula pero noong nakita kong nakauniform si Mico at papasok na ng Section A, napatalon ako! PUMASOK SI MICO! Oh my gosh! Lalapitan ko sana siya pero tiningnan lang niya ako ng masama tapos pumasok na sa room. Okay! Ang sungit na naman niya, pero at least pumasok siya!

Natapos ang first day ng 3rd Quarterly Exams. Sobrang okay! Ngayon ko lang ata nafeel yung hindi ako nanghula sa halos 60% ng exam! Naalala ko lahat ng nireview namin ni Mico! Kaya okay ako doon. Pagkatapos ng exam sinundo ako ni Enzo para sabihin na may pupuntahan sila ni Eula kaya hindi siya makakasama sa akin. Babawi na lang daw siya. Sobrang nabadtrip lang ako, buti na lang nakita ko si Mico! Tinanong ko sa kanya kung kamusta ang exams niya…

“Madali lang. Ako pa.” OKAY! ANG YABANG!

“Fine, eh di ikaw na! Nadalian lang din ako ano, for your information.” Napatawa na lang siya sa sinabi ko tapos ginulo niya yung bangs ko. Aba! Akala ba niya nagjojoke ako!?

Pagkatapos noon dumeretso kami sa bahay niya para magreview sa second day ng exams. Sumama na ako kasi effective talaga yung pagrereview sa kanila.

The next day, ayos na naman yung exams ko. Nadalian ako. Hindi ko alam kung bakit pero lahat ng tinuro ni Mico lumabas kaya ayun nasagutan ko. Pagkatapos na pagkatapos din ng class pinuntahan ko na si Mico para sabihin na gusto ko ulit magreview sa kanila, napakamot na lang siya ng ulo at sinabing nakakabagal lang daw ako sa pagrereview niya pero pumayag naman siya. Noong pauwi na ako galing sa bahay nila, saka ko na lang naalala si Enzo na ni text walang paramdam. Inisip ko na lang baka busy sa pagrereview kasi mahirap yung third day kasi nagsabay sabay ang Social Science, Physics at Economics.

Third day ng quarterly exams, medyo nahirapan ako sa Physics pero may naisagot naman ako kahit konti. Sa Economics nakadrawing naman ako ng graph ng Demand at Supply tapos sa Social Science nasagot ko naman yung mga tanong. All in all, confident ako sa 3rd Quarterly Exams ko! Yahoo!

“Mico!” tawag ko agad sa kanya noong makita ko siya sa hallway ng school.

“Ano na naman? Wala na tayong exam kaya lumayo ka na sa akin.”

“Ganon?! Jeller, dapat magthank you ka sa akin kasi nageffort ako sa’yo.”

“Ah ganon? Eh ‘JELLER’ din sa’yo, hirap na hirap akong magturo sa’yo mas mabuti pa ata na pumasok na lang ako at hindi na umabsent.”

“Siguro nga kapag pumasok ka hindi ka na aabsent, ano Mico?” Tapos sinamaan niya ako ng tingin at dapat babatukan niya ako pero tumakbo na lang ako papalayo sa kanya at nabunggo kay…

“Enzo?”

“Hi, Hope. How’s the exam?” tanong niya sa akin.

“Ah. Ayos lang.” Ewan ko ba. Bakit ganito? Hindi ko alam kung galit pa rin ako sa kanya oh ano pero hindi ako makapagkwento. Maya maya pa, naabutan kami ni Mico na mula sa nagjojoke at makulit na expression ay naging cold at masungit. Teka nga, magkaaway ba sila? Kaya ba ayaw pumasok ni Mico? Kaya ba hindi niya masabi sa akin?

“Mico. Welcome back.” Cold din na sinabi ni Enzo. Hindi na lang siya pinansin ni Mico. Maya maya medyo hinigit ako ni Enzo at tinabi sa side niya.

“Thank you for ‘tutoring’ Hope, but siguro naman tapos na yung ganoon niyo? Siguro naman pwede ko ng bawiin yung nililigawan ko sa’yo?” Napabuka na lang ako ng bibig noong sinabi ni Enzo yun. Nakita ko yung inis ni Mico sa mukha.

“Eh di kunin mo. Pakialam ko.” Tapos nagwalk out si Mico. Hindi ko alam kung bakit ganito si Enzo ngayon pero kung nagaway man sila… Bakit? Dahil ba sa akin? Ay imposible, ang haba naman ng hair ko kung ganoon.

Noong makalayo na si Enzo, nagtanong lang siya kung kamusta yung exam ganoon. Balik na sa dati. Nakapagkwento na nga ako sa kanya. Ewan ko ba, kanina lang may ibang era si Enzo na parang nakakatakot siya kausapin. Ngayon, balik na siya sa dati.

Kaso bigla kong naitanong kung bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin, kinwento niya na nagaaral sila ni Eula kaya hindi na siya nakapagtext tsaka daw ayaw niya akong maistorbo.

NAGAARAL SILA NI EULA?! Bakit hindi ko alam ‘to?! Aish nakakainis. Christmas Party pa naman bukas, dapat naeexcite ako eh ngayon iritang irita lang ako. Maya maya nagtext si Venice…

From: Venice Buenaventura

Hope! I’m going to your house tomorrow morning okay? I bought you a dress! Thank you gift for Mico. Heard na he’s going to take the exam tomorrow. Plus, I’m going to do your hair and makeup! Christmas Party eh. See you! xx

Gusto ko sanang magreply ng wag na, kaso naisip ko, nabili na niya yung damit at mangungulit lang si Venice na pumayag ako. Kaya sabi ko na lang sa kanya na salamat at see you tomorrow.

Noong maihatid ako sa bahay ni Enzo, hindi pa rin siya tapos sa pagkekwento niya sa ginawa ni Eula. Hindi ko alam kung maiirita ba ako kasi puro si Eula o matutuwa kasi madaldal siya sa akin at sinasabi niya ang lahat. Okay fine, doon na lang ako sa maiirita. Nakakairita eh. Tinext ko tuloy siya.

To: Enzo Gutierrez

Go, magsama na kayo ng Eula mo mas enjoy ka naman sa company niya eh.  Night

Pagkatapos pinatay ko yung phone ko. Nakakairita lang kasi. OA ba? Pag kasama ko naman siya hindi ko kinekwento si Mico pero siya puro Eula, Eula. Ewan ko sa kanila magsama sila.

**

December 16, 2013. Christmas Party.

Umagang umaga pa lang nandito na agad si Venice para ayusan ako. Pagkakita naman niya sa akin tinanong niya agad kung bakit ganoon ako, parang bad mood. Kinewento ko sa kanya lahat ng sama ng loob ko kay Eula at Enzo. Hindi ko alam kung bakit pero parang nanahimik siya tapos medyo namutla. Sinabi na lang niya sa akin na baka nagcacatch up lang yung dalawa. Wala akong galit kay Eula dahil pinsan siya ni Chelsea pero si Enzo kasi… Puro Eula. Kesyo, marunong magFrench si Eula, close si Eula sa parents niya, magaling magfencing si Eula, marunong magviolin si Eula, hindi nagmamakeup si Eula pero maganda ang balat niya. PATI BA NAMAN YUN!? HINDI RIN NAMAN AKO NAGMAMAKEUP PERO SINABI BA NIYANG MAGANDA ANG BALAT KO!? Okay. Sige. Makinis si Eula pero makinis din ako ano!

Kaya ito ako, buong araw na badtrip. Nagagames ang Section F pero ako nakasimangot. Pinipilit akong patawanin ni Miks pero lalo lang akong naiinis kasi ang kulit niya. Tapos nakikita ko pa si Eula, naiinsecure tuloy ako. Ngayon pag nakikita ko siya maiisip ko na ang: French, Fencing, Violin, Close sa parents, at MAKINIS NA MUKHA! Kaya lumipas ang buong araw na badtrip ako.

“HOY HOPE! Yung handa para sa buong section, aba eh kulang na lang kalhatiin mo ah. Magkano baa ng inambag mo!? ½ ba ng sa class?! Hinay hinay lang!” biglang sita sa akin ni Miks noong nakita niyang balik lang ako ng balik sa handa ng class habang nagagames yung iba.

“Stress eating nga ‘to, bakla! Nagseselos kasi ako kay Eula at Enzo. Lagi silang magkasama.”

“Oh, eh sino bang nililigawan?”

“Ako! Eh iyon na nga eh. Ako ang nililigawan, mas magkasama pa sila.”

“Eh engot ka pala eh, nasaan ka ba? Nandoon kay Mico!”

“Kasi tinutulungan ko yung tao, sila? Noong una okay pa na magkasama sila, eh biglang wala ng bukambibig ‘tong si Enzo kung hindi ‘Eula, Eula’. Naiirita lang ako.”

“Ako eh wag mong artehan ng ganyan, Hope ah? Una sa lahat, hindi kasalanan ni Eula at Enzo na nagkakasama sila. Nasaan ka ba? Na kay Mico. Iba rin ang kasama mo. Kung free ka naman, si Enzo ang sasama sa’yo eh. Pero wala ka. Kaya wag kang mabadtrip diyan.”

“Sino bang kaibigan mo? Isa pa, sinasabi ko naman kay Enzo na sumama siya kina Mico pero ayaw niya. Ang point ko lang, porket wala ako kelangan kasama niya si Eula?”

“Eh anong magagawa mo kung magkasama sila? Si Enzo ba pinipigilan ka kapag araw araw kang pumupunta kay Mico?” Natahimik na lang ako. Nakakainis. Kapag kausap ko si Miks lagi na lang siyang may point. Inirapan ko na lang siya tapos lumabas ng room. Kailangan ko ng hangin utang na loob—

“ANO BA—Bryle!?” Pagkalabas na pagkalabas ko kasi doon sa may veranda sa labas ng room bigla akong niyakap ni Bryle.

“Hi, Love. Miss mo ko?” tapos ngumiti siya. Napangiti na rin tuloy ako. Sa Tres Gwapitos siya lang ang gusto kong makita ngayon kasi siya lang yung matino.

“Love bakit wala ka sa loob?”

“Eh ikaw bakit wala ka sa classroom niyo?”

“Bibisitahin ko lang si Chelsea.” Napataas ako bigla ng kilay. “Relax lang. Hindi ko nilalandi si Chelsea. May sasabihin lang ako sa kanya.”

“Okay. Subukan mo lang landiin ulit si Chelsea malalagot ka sa akin.”

“Chelsea is one of a kind, but I already found my other half. Si Venice yun. And call me lame, but I’m still and will always be head over heels for that girl.” Shocks! Grabe ka naman Bryle! Hinay hinay lang sa pagpapakilig please. Sige na, ikaw na in love. Kayo na perfect! <3

Sabay na kaming pumasok ni Bryle sa classroom. May konting sigawan at kiligan na naganap sa mga babae kong kaklase pero pagkatapos noon deretso na ulit sa program. After ilang hours, natapos na rin ang Christmas Party. Si Miks ang monito ko at hulaan niyo kung anong binigay niya sa akin?

English-Filipino dictionary.

Wow.

Noong uuwi na sana ako, biglang may nagpiring ng mata ko. Tanong lang ako ng tanong kung sino yun pero walang sagot kaya nakicooperate na lang ako. Kung ano man ‘tong pakulo na ‘to dapat bongga kasi matagal ko ng iniimagine yung ganito, yung mapipiringan ako tapos pag alis ng piring sa akin—

Okay. Wow.

Napanganga ako. Literal. Bakit? Pagalis kasi ng piring sa akin (ni Bryle! Siya pala yun!) bumungad sa akin ang isang table na may mataas na kandila sa gitna, dalawang plato sa gilid, bulaklak sa tabi ng kandila tapos patay lahat ng ilaw at ang ilaw lang ay yung mga scented candles sa paligid.

Maya maya lumabas na si Enzo na may hawak hawak na bouquet ng red roses.

“Hi, Hope.” Bati niya sa akin sabay abot ng red roses. Kinuha ko naman. Ano bang nangyayari? Birthday ko ba? Bitay ko na ba bukas?

“Bakit may ganito, Enzo?” Napangiti na lang siya.

“First, I want to thank Bryle, Venice, Miks and Chelsea for helping me with all of these. They hid it from you.” Kaya naman pala pumunta si Bryle kanina kay Chelsea! Ito pala yun!

“Para saan ba ‘to?” tanong ko.

“I prepared all of this para magsorry. I know puro si Eula ang sinasabi ko sa’yo and I have been insensitive kaya I made this para magsorry sa’yo. Besides, this is my Christmas Party gift for you. I’m not your classmate, but I still want to be your monito.”

Bigla naman niya akong inalalayan, hinila yung upuan, pinaupo ako tapos tinulak niya pabalik yung upuan. Ang gentleman! Ang perfect ni Enzo Gutierrez bakit ganito? Talaga bang ganito na ako kaswerte? Sobrang malapit na sa perfect ‘tong buhay ko!

“Thank you, Enzo.”

“Why?”

“Dito. Sa lahat ng mga ginagawa mo sa akin. First time lahat. Pakiramdam ko ang special special ko. Dati patingin tingin lang ako sa’yo ngayon sinusurprise mo na ako ng ganito. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko noong kabilang buhay ko at bakit ako pinagpapapala ng ganito. Salamat, Enzo.”

Natahimik lang siya tapos ngumiti.

“Kulang pa lahat ‘to, Hope.”

Wait. Kulang? Bakit?

Itatanong ko pa sana kung bakit ng biglang nagring ng nagring ang phone ko. Napatingin si Enzo tapos nagsignal siya na okay lang na sagutin ko. Noong makita ko yung caller I.D…

“Enzo, mommy ni Mico tumatawag sa akin.” Parehas kami nagulat. Sinagot ko agad. Ano kayang nangyayari?

“Hope? Where are you?” tanong agad sa akin ni Tita na mukhang nagpapanic at galit. Bakit? Ano na namang ginawa ni Mico?!

“T-Tita nasa school po. B-Bakit po?” Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig. Kinakabahan kasi ako. Bakit ba?

“I’m sorry to disturb you right now. But, tumawag sa akin ang mga maid sa bahay at sinabi nilang nagwawala si Mico. Binasag na daw niya halos lahat ng vase sa bahay, pinagbabato lahat ng plates, at sinuntok daw niya ang malaking mirror sa may sofa namin. I know this has nothing to do with you, but the maids told me that you were the only one who can calm Mico down. I’m here in Europe and I can’t do anything about it. Please, Hope. Help Mico. If not… Uuwi talaga ako ngayong gabi at isasama ko si Mico dito sa Europe.”

Halos mabitawan ko na yung cellphone ko. Nanigas buong katawan ko. Sinasabi ko na nga ba. Kaya ayokong sabihin kay Tita yung pagrerebelde at hindi pagpasok ni Mico dahil dito. Hindi na ako nakapagsalita, pagkakita ko namatay na yung call.

“Hope? What happened? What did Tita Mindy say? Tell me.” Alalang tanong ni Enzo.

“Sabi niya nagwawala daw si Mico sa bahay nila, kapag daw hindi ko naayos uuwi daw siya at dadalhin niya si Mico sa Europe.” Nakita kong nagulat si Enzo tapos kumalma ulit. Paano siya nakakakalma?! Paano?! Paano kung hindi ko mapatigil si Mico? Ibig sabihin mawawala na siya?!

“Haay, Mico. He should have known that sooner or later this will happen.” Sooner or later? Anong ibig sabihin niya?

“Sooner or later? Ganyan ba kayong mayayaman? Konting mali, alis agad ng bansa? Hindi niyo ba naiisip yung mga maiiwan niyo? Konting problema, rebelde? Hindi ko na kayo maintindihan! Naprepressure na ako. Hindi ko alam bakit ko pinasok ‘to!” Nasabi ko kay Enzo ‘to kasi nagpapanic ako, naprepressure tapos naiinis na din sa timing. May dinner kami ni Enzo tapos ganito!?

“Calm down, Hope. It’s not your fault. I’m sorry.”

“Naiinis ako. Bakit ngayon pa? Hinanda mo lahat ng ‘to para sa akin!” Bigla naman siyang tumayo, pumunta sa likod ko at bigla akong niyakap.

“Calm down. This is just a simple dinner. I know napressure ka ni Tita Mindy dahil kay Mico, but you know how she is. Right now, you have to go to Mico and try to calm him down or what… I don’t really know how you help him.”

“Pero yung dinner—“

“We can always have dinner anytime. Alam ko ding pag pinigilan kita hindi ka mapapanatag kasi iisipin mo si Tita Mindy. So, go to Mico. I’ll have the driver come with you.”

Napangiti na lang ako kay Enzo. Nagsorry ako pero sinabi niyang okay lang, sabi niya magpapaiwan siya kasi aayusin na lang muna niya ‘to. Ako naman dumeretso na sa bahay nina Mico. Noong makarating ako, basag basag na nga ang mga gamit. Ano na naman ‘to?! PUNONG PUNO NA AKO!

Tinanong ko sa maid kung nasaan si Mico, sinabi nila na nasa may garden daw nila kaya agad agad ko siyang pinuntahan. Nakita ko nga siyang nakaupo doon, nakahawak sa may ulo niya.

“Hoy! Mico Loyola! Ano na naman ba ‘to? Akala ko ba okay ka na? Ano ‘to? Bakit naging ganito na naman?! Kakatawag lang sa akin ni Tita Mindy! Kapag hindi ka nagtino dadalhin ka niya sa Europe! Nakakapagod ka na ha!” Agad ko siyang nilapitan sa kinauupuan niya. Noong makita niya ako sinamaan lang niya ako ng tingin.

“Alam mo Hope, kung pagod ka na, kung naiirita ka na, kung nagsasawa ka na, eh di tigilan mo na. Pinilit ba kitang tulungan ako? Pinilit ba kitang pumunta dito? Hindi naman diba? Kaya kung ayaw mo na, wag na!”

“Talaga? Tapos ano? Tapos magwawala ka dito sa bahay niyo? Tapos hindi ka papasok? Babagsak ka? Tapos aalis ka ng bansa tapos kakalimutan ka na lang namin? Ganoon na lang yun? Sa tingin mo hahayaan ko yun dahil lang sa naiirita ako sa’yo? Hindi! Madaming beses na akong naiirita sa’yo pero hinding hindi kita susukuan!”

“HOPE, YOU ALREADY DID! SINUKUAN MO NA AKO!”

Bigla na lang siyang sumigaw. Ano bang nangyayari, Mico?

“Sinukuan kita? Saan? Kailan? Hindi pa ba sapat ‘tong ginagawa ko para iparating sa’yo na nandito lang ako para sa’yo? Huh?”

“No, Hope! You’re not there for me, no.”

“Ano bang sinasabi mo diyan ha? Nandito na nga ako hindi ba? Lagi akong nandito para sa’yo, hindi kita susukuan! Kahit ilang baso at plato pa ang basagin mo at kahit ilang lampara pa ang ibato mo, nandito lang ako para sa’yo Mico.”

“Stop it! Tama na, Hope okay?”

“Kulang pa ba lahat ng ginagawa ko?! Kulang pa ba ‘to?!”

“OO! KULANG NA KULANG PA! KASI GINAGAWA KO LAHAT NG ‘TO DAHIL SA’YO!”

Natigilan naman ako. A-Ako? Ako ang dahilan? B-Bakit? Anong ginawa ko?!

“Sinasabi mong hindi mo ako susukuan, sinasabi mong hindi mo ako iiwan, pero kung hindi ba ako nagkaganito nandito ka ngayon? Hindi diba? Bakit? Nasaan ka? Na kay Enzo ka!”

“Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Mico? Ano naman kung kasama ko si Enzo?!”

“Hindi ko maintindihan kung tanga ka, bobo ka, o sadyang manhid ka lang talaga. Hindi mo ba nahahalata? Naiinis ako kapag magkasama kayo, naiirita ako kapag siya ang bukambibig mo, nasasaktan ako kapag siya ang katabi mo at hindi ako.”

A-Anong pinagsasasabi mo, Mico?!

“Kaya ayokong pumasok sa school kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko kayang magkasama ni Enzo. Ngingiti ka, ngingiti siya, oh eh di kayo na ang masaya! Naiirita ako kasi iniisip ko palagi kung saan ako nagkulang? Mas nauna naman tayong maging mas malapit kesa sa inyong dalawa. Saan ako nagkulang? Nahuli ba ako? Narealize ko lang ba lahat ng ‘to noong magkasama na kayo?”

“Mico…”

“Kaya ako pumasok at nag3rd Quarterly Exam kasi araw araw nandito ka, nagrereview tayo ng sabay, masaya. Kaso noong last day, ang yabang ni Gutierrez. Ibalik na daw kita. Anong karapatan niyang ipagdamot ka?! Kayo na ba?! Isa pa, Hope, mahal ka ba niya talaga?! Sigurado ka ba? Hindi mo pa siya kilala, Hope.”

“Ano bang gusto mong palabasin ha, Mico!? Naninira k aba? Bakit mo sinisiraan si Enzo?! Magkaibigan kayo!”

“Hindi ko siya sinisiraan! Kilala ko siya, Hope. Ginagamit ka lang niya! Maniwala ka sa akin! Hindi ka mahal ni Enzo!”

*SLAP*

Bigla ko na lang sinampal si Mico.

“Hindi ko alam kung paanong ako ang naging problema mo, o kung ako ba talaga ang problema mo. Pero tangina Mico, huwag mong gaguhin si Enzo kasi hindi ka naman inaano noong tao. Ano bang problema mo?! HA? Ano bang ginawa ni Enzo sa’yo!? Ha?!”

“INAGAW KA NIYA SA AKIN, HOPE! AKIN KA DAPAT! AKIN KA!”

“Ang kapal ng mukha mong kanyahin ako! Bakit?! Anong dahilan mo ha? Gusto mo ba ako—“

“Tangina, Hope. Ang tanga, bobo at manhid mo. Hindi pa ba halata sa sinasabi ko?”

“Na ano?!”

“NA HINDI LANG KITA GUSTO, HOPE. Mahal kita. Mahal na ata kita. Hindi ko alam! Basta ang alam ko, ikaw ang gusto ko dito sa tabi ko at naiinis ako kapag nakikita kong si Enzo ang dapat na nasa posisyon ko. Ako ang dapat kasama mo. Ako dapat yun.”

Nagulat ako. Namanhid. M-Mahal ako ni Mico? Paanong nangyari yun? Eh lagi niya akong inaasar? Lagi siyang galit sa akin? Paanong nangyaring mahal niya ako?

“Hope, please wag na si Enzo.”

“Bakit ba? Bakit ba hindi ka na lang maging masaya para sa aming dalawa?!”

“Kasi sigurado akong hindi ka niya mahal. Ginagamit ka lang niya! Wag kang maniwala sa kanya. Ni minsan ba nag I love you siya? Hope, hindi ka mahal ni Enzo. Niloloko ka lang niya.”

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko na. Tapos na ako. Punong puno na ako kay Mico. Lahat ginawa ko tapos ito pa ang igaganti niya?

“Anong alam mo sa amin ni Enzo? Tumigil ka na nga. Wag mo ng siraan si Enzo. Sinisira mo pa yang buhay mo dahil dito?! Sorry pero kahit anong gawin mo, siya pa rin ang mahal ko. At kahit nga niloloko niya ako… Hindi ko pa rin mamahalin ang isang tulad mo.”

Si Enzo ang mahal ko. Kaya tigilan mo na ako, Mico. 

Continue Reading

You'll Also Like

106K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
605K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
107K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
9.3M 285K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...