Rewind

By stupidlyinlove

158K 3.1K 390

[On hold/Hiatus] Sabi nila, deserve ng lahat ang second chance pero hindi lahat nabibigyan nito. What if you'... More

Rewind
Present 1: Ego
Present 2: Life-taker
Rewind 1: First Meeting
Rewind 2: First Talk
Rewind 3: First Deal
Rewind 4: Closeness
Rewind 5: Comparison
Rewind 6: Suspicion

Present 3: Chance

7.7K 281 25
By stupidlyinlove

Present 3: Chance

------------♡------------

"Please tell me my best friend's okay. Please tell me she'll be fine." 

"Huminahon ka, Kylie."

"No, Paolo!"

Wala akong ibang marinig kundi ang pag-iyak ni Kylie. Pero wala akong ibang gustong marinig at malaman kundi kung anong nangyayari sa loob ng kwarto kung nasaan siya.

"Kawawa naman ang family niya when something happens to her." and she bursted.

Hindi ko alam kung anong iisipin. Wala akong ibang maramdaman kundi takot at ang pagkabog ng dibdib ko. 

Isa lang ang alam ko, hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. 'Wag ngayon. 'Wag kahit kelan. 

"You!" naramdaman ko na lang may tumulak sa akin ng malakas, "This is all your fault!"

"Kylie, tama na yan." pagpigil sa kanya. 

Tuloy lang sa pagpalo at pananakit sakin si Kylie pero hindi ko siya kayang pigilan. I deserve that. Ang nakakapagtaka, para bang hindi ko maramdaman yung pananakit niya.

"Don't stop me, guys!" she shouted, "Ikaw ang may kasalanan dito! Kung hindi ka pumunta dun, hindi sana siya susunod!"

Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot.

"She got worried, don't you know that? Kaya ka niya sinundan, Theodore! Na--" her voice shaking, "--nabasag kasi yung picture frame na may picture mo and she freaked out and texted you but you didn't reply! Hindi mo alam kung paano siya nagfreak out sakin sa phone. You didn't even bother to tell her where you are!" she slapped me hard, "You don't deserve Phia at all!"

Masakit pero alam kong hindi ko siya deserve lalo na ngayon. Alam ko kaso naging mahina ako at walang ginawa para maging deserving sa kanya. Alam ko pero mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala.

"Wag mo nang sisihin si Theo, Kylie. Natatakot din siya tulad mo."

"Oonga, mahal niya din si Phia.

"Natatakot? Mahal huh?" her voice cracked, "That's not what I see. Pinabayaan niya yung best friend ko!"

Tumigil si Kylie at naupo sa gilid at umiyak. Naramdaman ko yung pagtapik ng mga kaibigan ko sa balikat ko pero parang nag-iisa pa din ako.

Wala akong magawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Madami pang pangarap si Bless at lahat ng yon deserve niyang makuha. Pero nang dahil sakin...

Parang isipin ko pa lang na mawala siya sa akin, naiisip ko na kung gaano kahirap mag-isa---mahirap, masakit. Sana ako na lang yung sinaksak.

Naalala ko yung sinabing text ni Kylie. I got my phone and checked her first message.

From Bless
Kasama mo ba sina Pao? Bigla akong nag-alala. Please tell me where you are, Theo love.
8:16 PM 01/26/2015

She has this tendency to freak out because of little things. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pag-aalala niya o maiinis pero nang dahil doon, nandito siya at nag-aagaw buhay. Sana nabasa ko 'to at sinalubong siya sa labas. Kasalanan ko...

From Bless
I'll go there just to check on you and leave immediately. I just want to see that you're safe. I love you so so so much, Theo.
9:03 PM  01/26/2015

Please, give me another chance to say I love you too, so so so much. Plea---

But I suddenly heard a long buzzing sound. The door opened but I can't move and ask. Biglang tumigil yung pagtibok ng puso ko, yung pag-ikot ng mundo ko.

"Doc, kamusta po si Sophia?"

"Is she fine now?"

Bumuntong-hininga yung doctor at at umiling.

No, no. She can't be gone.

"I'm sorry. We did our best."

Hindi, hindi niya ako pwedeng iwan.

"No, doc! P-please, please do something! Her family needs her. We need her!"

Please, huwag muna ngayon.

"Tama na, Kylie. F*ck, imposible 'to."

Hindi sa ganitong paraan.

"Theo!"

Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam saan papunta yung mga paa ko. Gusto ko siyang makita pero hindi ko kayang makitang wala na yung mapupulang pisnging gustong-gusto ko panggigilan. Hindi ko kayang makitang talagang iniwan niya na ako.

Bless, bakit ngayon pa?

Bakit sa lahat ng mapupuntahan ko, dito pa? Bakit dito pa?!

Wala Siyang nagawa para kay Bless. Wala!

"Nagdasal ako diba?! Bakit, bakit Mo pa rin siya kinuha?!"

I shouted at Him.

"Bakit? Bakit siya pa ang kinuha Mo? Bakit hindi na lang ako?! Ako, ako yung gago!"

I felt anger.

Galit ako sa nakasaksak sa kanya.

Galit ako sa Kanya.

Pero higit sa lahat, galit ako sa sarili ko.

"Please, ibalik mo siya sakin. Hindi ko pa kaya...H-hindi pa."

I cried. I knelt and begged.

"Gusto ko pa siyang makasama. Parusa ba 'to ha? Ha?! Ako yung kunin mo!"

Bakit kasi ang gago gago gago gago ko?!

"I'll trade anything and everything just to see her beautiful eyes again, just to smell how sweet her scent is, just to hear her angelic voice again, just to feel her warmt, her hugs, her kis--ses."

Please, ibalik mo siya, kahit ano gagawin ko.

"Pero higit sa lahat, gusto ko pang itama lahat ng pagkakamali ko sa kanya. Just one last chance, I want to give her everything she deserves. I want...I want to make her feel that I really, really, really love her."

Bakit siya pa? Bakit yung babaeng mahal na mahal ko pa? Bakit ngayon ko lang nalaman kung gaano ko siya kamahal kung kailan wala na siya?

"If I could only turn back time, I----"

"Do you really want her back?"

Agad akong napatigil din ako sa pag-iyak at hinanap ang nagsalitang iyon pero wala akong nakitang ibang tao.

"Sino yan?"

"Tell me, gusto mo bang bumalik para itama lahat ng pagkakamali mo?"

"Sino yan?!"

I almost shouted, but my voice cracked with fear. But out of nowhere, napatingin ako sa harap.

Sa altar.

"Ikaw ba yan?" I doubted and felt stupid asking that, "Kung Ikaw yan, oo, gusto ko. Gusto kong bumalik sa nakaraan at itama ang lahat. Please."

"You really love her, don't you?"

"You should know, right?"

A long silence.

"In one condition."

"Anything," paghahamon ko, "kahit buhay ko pa ang kapalit gagawin ko, ibalik Mo lang si Bless sakin. Ibalik Mo lang yung pinakamagandang blessing Mo sa akin.."

"No," His voice full of power, "Sa parehas na araw, mangyayari pa rin ang mga nangyari. Ang mga dapat mangyari."

"A-anong ibig Mong sabihin?"

"Bibigyan lang kita ng pagkakataong makasama siyang muli at ipakita sa kanya kung gaano mo siya kamahal pero--"

"Kukunin mo pa rin siya sakin?"

Hindi Siya sumagot. Ganon ba talaga Siya? Ibibigay pero babawiin ulit?

Pwes, hindi ko hahayaan yun. Hindi na ito mangyayari ulit. Hind---

"Alam ko lahat ng iniisip mo, lahat ng gagawin bago mo pa isipin at gawin."

Bago pa ako makasagot at makapagtanong ulit, isang liwanag ang halos bumulag sa akin.

"This is your last chance, Theo."

Siya ba talaga 'to? Bakit Niya ako tinutulungan?

"Teka," sinubukan kong buksan ang mga mata ko pero puro liwanag lang ang mga nakikita ko, "Bakit Mo ako tinutulungan? Hindi ako naging mabuting tao. I almost believed that You didn't exist----"

"Everyone deserves a second chance, My child."

There His voice slowly faded as I involuntarily closed my eyes and smiled.

Another chance to spend time with her.
Another chance to make everything right.
Another chance to let her know and feel how important and how much I love her.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid nang dahil sa liwanag na'to. Para bang binubuhat ako. Parang umikot ang mundo ng sobrang bilis at napapikit na lang ako.

Nung maramdaman kong biglang tumigil ang lahat, unti-unti kong inangat ang ulo ko at binuksan ang mga mata ko. Nasa loob na ako ng isang classroom kasama yung mga blockmates ko, kung hindi ako nagkakamali.

"Okay class, settle dow---"

"Sorry ma'am, I'm late!" at dali-dali siyang naghanap ng upuan niya.

There, I saw her---the girl I love, the girl I've taken for granted, but still loved me until her last breath---alive again, breathing.

Imposible. Siya Bless at hindi ako pwedeng magkamali. Pero panaginip ba ito?

But then I realized, this day was the first day I met her. The same scene of how I first met the girl of my life.

Yung pagpasok niya ng classroom, yung posisyon ng upuan kung saan ako unang umupo nung unang araw ko sa college, ganitong-ganito lahat noon.

Totoo ba talaga 'to?

"No matter how much you try to change everything Child, all important things will still happen. All you can do is change the way your treat her. And remember, this will be your last and only chance." I suddenly heard the same powerful voice inside my head, His voice, "Don't waste the rewind, child."

Hindi ko na lang inintindi yung nagsalita sa isip ko dahil masyado akong natuwa na totoo nga lahat ng ito. Kung panaginip man 'to, sana hindi na ako magising, makasama ko lang ulit ang pinakamagandang blessing na dumating sa buhay ko...

si Bless.

------------♡------------

Vote if you liked the chapter.
Comment for some reactions, insights or anything that you feel or think about this chapter.

*Yay, another update. Achievement! Hahaha. :))

*What to expect next update? Rewind 1. :)

*Thank you for reading and supporting me. Love ya all. :*

*Dedicated to my ever loving Achi. :")

XoXo,

Jandra<3

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
65.3K 52 41
R18
234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...