MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 8: Maskara

3.7K 113 14
By PaulitoX

Chapter 8: Maskara

Kinabukasan sa isang wood shop, "Miggy bakit parang weak ka?" tanong ni Althea. "Hindi ako nakatulog kasi hindi ko maalis chain ni Ivan" bulong ng bata. "Sino si Ivan?" tanong ng batang babae. "Ikaw kasi tulog ka ng tulog" sagot ng bata.

"Just wait okay? Nagtitingin lang kami ng lolo niyo ng magandang furniture set" sabi ni Marifel. "Uy ang ganda" sabi ni Miggy saka tinuro yung isang tribal mask na nakadisplay. "Eeh nakakatakot" sabi ni Althea.

"Ang ganda, ang hirap siguro gawin yan o" sabi ng bata saka lumapit sa maskara. "Lola gusto koi to" sabi ng bata. "What will you do with it?" tanong ni Marifel. "Of course ididisplay ng bata" sagot ni Elberto.

"No I want to wear it" sagot ni Miggy. "Ang laki laki niyan o, parang body mo na" sabi ni Althea. "E di yung maliit" sabi ng batang lalake. "Meron kami mas maliit" sabi ng may ari ng shop saka dinala yung bata sa isang kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Miggy sa dami ng maskara na nakasabit na gawa sa kahoy.

"Lola! Gusto ko!" sigaw ng bata. "Okay, sige you buy one only" sabi ni Marifel. "Hmmm...wait lang lola" sabi ni Miggy pagkat nahirapan siya mamili. "Hindi mo naman masusuot kasi mabigat" kontra ni Althea. "Gusto ko nga e" sigaw ng batang lalake kaya hinaplos ni Marifel ulo ni Althea.

Nakapili si Miggy ng isa, tumabi sa kanya si Althea saka kinuha yung maskara. "Maganda siya, mahirap siguro gawin ito" sabi ng batang babae. "Gusto niyo makita? Dito sama kayo at papakita ko" sabi ng may ari kaya sumama yung dalawang bata sa isang kwarto kung saan may isang matandang lalake na umuukit ng mga maskara.

Tumayo sa upuan si Miggy para mapanood yung matanda habang si Althea naupo at pinagmasdan yung nabili nilang maskara. Ilang minuto lumipas sumulpot si Elberto. "Come on kids lets go" sabi niya. "Lolo gusto ko pa ng isang mask" sabi ni Miggy.

"Tell me what will you do with it first" sabi ng matanda. "Gusto ko siya lolo" sabi ni Miggy. "Sige na pagbigyan mo na para tumigil na" sabi ni Marifel kaya kumuha pa ng isang si Miggy.

Pagdating sa bahay kunwari nagsisigaw si Vivian at Lawrence, dalawang bata hawak yung mga masakara sa mukha nila saka nagsisigaw. "Mama lola and lolo are so mabait they bought me masks pero yung isa ibibigay ko kay ate" sabi ni Miggy.

"Its nice anak, o ayan tapos na conference namin for today. Where do you want to eat?" tanong ni Vivian. "Kahit saan po pero mama bilhan mo pa ako maskara" sabi ng bata. "Why? Aanhin mo ba?" tanong ng matanda.

"Gusto ko lang mama, ilalagay sa room ko tapos gusto ko din matuto gumawa pero may sharp object e" sabi ni Miggy. "Son why do you like the masks?" tanong ni Lawrence palambing.

"Papa look o, its so hard to make this one and look o its so nice" sabi ni Miggy. "Hindi ka natatakot sa itsura nila?" tanong ni Lawrence. "No papa, it is only a mask papa. Papa but the old man is so good. He just makes carve the wood then it has shape na papa" sabi ng bata.

"Okay anak, sige na itago mo na yan at lalabas na tayo" sabi ni Lawrence. Tumakbo yung bata, habang walang nakatingin lumuhod siya saka kinatok yung sahig sa salas. "Ivan itago mo mask ko ha" sabi niya saka nilapag yung mask, nabalot ito ng usok saka agad nawala.

Dalawang araw lumipas kamot ulo si Lawrence habang kinakarga mga gamit nila sa likuran ng SUV. "Ayan kasi inispoil mo" sabi ni Elberto. "Hindi namin matanggihan e, sobrang dami naman na maskara ito" sabi ni Lawrence.

"How many is that?" tanong ni Elberto. "Twenty lahat ata, oh twenty four pala" sagot ni Lawrence. "Sige sa amin na isasakay yung mga nabili niyong pagkain" sabi ni Elberto. "Salamat po, tsk mahirap kasi tanggihan si Miggy lalo na ngayon lang siya humiling ng ganito" sabi ni Lawrence.

"I know anak, pero alam mo natutuwa mama mo kasi it seems he can appreciate hard work and art" sabi ng matanda. "Kaya nga po e, I cannot believe he wants to enroll in wood carving. Di ko alam if meron ganon na art school" sabi ni Lawrence.

"Nag enjoy naman sila, sige na go get them ready" sabi ni Elberto. Sa ilalim ng bahay kasama ni Miggy si Ivan. "Sama ka sa amin, kawawa ka naman dito nag iisa ka" sabi ng bata. Inuga ng nilalang ulo niya saka hinaplos tagiliran niya.

Hinawakan ni Miggy yung kadena, "Aalisin ko ito!" sigaw niya pero bigla siyang napaupo. Ilang ulit sumubok si Miggy, naiiyak na siya kaya hinaplos ng nilalang likod ng bata. "Gusto ko isama kasi kawawa ka naman" sabi ng bata.

"Sorry ha, hindi ko kasi maalis e. Dibale babalikan kita lagi dito. Sasabihin ko mama at papa ko babalik kami" sabi ng bata saka yumakap sa nilalang kaya ang nilalang may kakaibang naramdaman.

Ilang minuto lumipas, "O bakit ka umiiyak?" tanong ni Althea. Di sumagot si Miggy, sumakay siya sa kotse saka nagtakip ng mukha. "Wala na ba tayo naiwan?" tanong ni Lawrence. "Wala na, sige mauna na kayo. Dahan dahan lang ha, magkita tayo sa may Dau for lunch" sabi ni Elberto.

"Sige po papa, ingat din kayo" sabi ni Lawrence. Sa ilalim ng bahay nanginig yung nilalang, agad siya naging usok saka lumitaw sa loob ng bahay. Binuksan niya back door ng bahay, nagpumilit lumabas pero isang kadena nagpipigil sa kanya.

Nakita niya sa kotse si Miggy, inabot niya kamay niya. "Ayaw magstart" sabi ni Lawrence kaya lumabas siya. "Bakit ayaw magstart?" tanong ni Elberto. "Di ko po alam" sabi ni Lawrence kaya binuksan nila yung hood.

"Kabagong kotse ayaw magstart?" sabi ni Elberto. "Baka naginawan" sabi ni Marifel. Sa loob ng bahay bumalik sa baba yung nilalang at nakita niya yung isang piraso ng tinapay, basket ng strawberry at baso. Pinaghihila ng nilalang yung kadena, kahit na nasasaktan nagpumilit parin siya.

Sa loob ng kotse, "Stop shaking the car" sigaw ni Vivian. "Lumilindol" sigaw ni Lawrence kaya yung dalawang bata nagtitigan lang. "Calm down, tapos na ata" sabi ni Elberto. "Oo wala na, umalis na tayo dito" sabi ni Marifel. "Pano tayo aalis e hindi nga magstart itong kotse nila" sabi ni Elberto.

Napalingon si Anabelle pagkat parang naramdaman niya biglang bumigat sa likuran ng kotse. "Hon paki try istart" sabi ni Lawrence. Si Miggy lumuhod sa upuan saka humarap sa likuran. Napangiti siya nang makita yung itim na usok na bumabalot sa mga maskara.

Nagstart na yung kotse, "Ayan, pag balik sa Manila idaan mo sa dealership ito ha. Ikwento mo nangyari. Mahirap na baka simula ng sira yan" sabi ni Elberto. "Yes dad, okay lets go now" sabi ni Lawrence.

Sa loob ng kweba napatayo si Lorna. "Hindi normal na lindol yon" sigaw niya. "Ano ibig niyo po sabihin apo?" tanong ng isang dalaga. "Nakawala ang isang nilalang!" sigaw ng isang matanda kaya si Lorna agad agad kinuha tungkod niya.

"Nakawala nga...sinabi ko sa inyo hanapin niyo yung bruha!" sigaw niya sa galit. "Naglibot naman po kami, wala talaga kami mahanap sa buong siyudad" sabi ng isang babae. "Sinabi niyo nakakulong ng maayos yung mga nilalang, e bakit nakawala yung isa?!" sigaw ni Lorna.

"Matitibay yung mga kulungan mo, pero ramdam ko nakawala yung isa" sabi nung isang matanda. "Alam ko, nararamdaman ko. Lumabas kayo at hanapin niyo! Magmasid! Kailangan naman ng bruha na yon mag alay ng sampung kasama"

"Pag may nakita kayong sampung patay sa isang kulungan delikado na tayo" sabi ni Lorna. "Bakit po apo?" tanong ng isang dalaga. "Kung napakawalan niya ang isa, kaya niya din pakawalan yung dalawa. Dalian niyo" sigaw ni Lorna.

Ilang oras lumipas, lumabas ng kotse si Lawrence saka nag inat. "Gisingin mo na sila" utos ni Vivian kaya ginising ni Anabelle sina Miggy at Althea. "Nandito na tayo" sabi niya kaya namulat si Miggy, agad siya lumuhod saka tinignan yung likod ng SUV.

"Ikaw talaga, kumpleto pa mga maskara mo" sabi ni Anabelle. "O Althea wake up, your mom and dad are here" sabi ni Vivian kay nagising si Althea at agad siya lumabas ng kotse.

Habang busy ang lahat sa pagpasok ng gamit si Miggy naiwan sa garahe, "Ivan, sama ka kay Joey ha. Joey dalhin mo muna siya sa room ko muna" utos ng bata kaya lumabas ng kotse si Joey saka lumingon. "Sige na Ivan, wag ka matakot. Sama ka kay Joey. Hindi naman kita ikukulong pero magrest ka muna sa room ko" sabi ng bata.

Ilang minuto lumipas sa kwarto ni Miggy, "Ivan, yoohoo" bigkas ng bata. Itim na usok lumabas mula sa ilalim ng kama ng bata, nabuo ang katawan ng nilalang kaya humarap ang bata sa kanya. "Eto room ko, tapos dito tignan mo o. Diyan o bahay nina Althea tapos yan room niya"

"Dito ka muna kasi ipapagawa ko kay papa room mo sa baba. Doon ko nalang ilalagay mga mask ko kasi baka pag dito e mabigat na sila. Baka bumagsak tong house" sabi ng bata. Nilibot ng Ivan yung kwarto saka naupo siya sa isang sulok.

"Hindi ka prisoner dito ha, kung gusto mo lumabas e lumabas ka lang. Sa likod ng house nandon ibang friends ko. Sana maligo ka, may bathroom kami kasi ang bantot mo" sabi ni Miggy.

"Pakilala sana kita kay mama at papa pero baka isumbong nila ako kay lolo e. Kasi sabi ni lolo hindi daw maganda ang kidnapping. Ang kidnapping ay yung pag kinuha mo isang tao tapos tinago mo. E malungkot ka doon e, kaya sinama kita dito"

"Kaya di ko nalang sasabihin sa kanila. Si Althea hindi naniniwala pero siguro sasabihin ko sa kanya" sabi ng bata saka nagtungo sa pintuan. "Joey dito ka lang ha, samahan mo muna si Ivan" sabi niya.

"May problema ba sa itsura ko?" tanong ng sobrang lalim na boses kaya nanginig si Miggy saka nabalot ng takot. Dahan dahan siya napalingon, "Ikaw ba yon?" bulong niya. "Oo, bakit importante sa iyo itong itsura ko?" tanong ni Ivan. "E kasi nakakatakot ka tignan" sagot ng bata.

"Natatakot ka sa akin?" tanong ni Ivan. "Hindi" sagot ni Miggy. "Hindi ka natatakot sa akin?" tanong ni Ivan. "Hindi, kaibigan kita e. Pero ang bantot mo talaga e" sabi ni Miggy kaya ang nilalang nilingon ang buong kwarto.

"Dito ka lang ha" sabi ni Miggy saka lumabas at sinara pintuan ng kwarto niya. Bumaba ang bata, sakto naipasok na lahat ng maskara niya sa salas. "Papa, yung isang room dito sa baba akin nalang" lambing ng bata. "What room?" tanong ni Lawrence.

"Yung room doon o papa, doon ilalagay masks ko tapos gusto ko lagyan mo din ng bed" sabi ng bata. "Bed? What for? Doon ka matutulog?" tanong ni Lawrence. "No papa, but please papa. Please papa" makaawa ng bata kaya kamot ulo si Lawrence. "Ano nanaman?" tanong ni Elberto.

"Gusto niya yung kwarto para sa mga maskara niya pero lalagyan daw ng kama" sabi ni Lawrence. "Hindi ba balak niyo gawin temporary room yon para sa pagbubuntis ni Vivian?" tanong ni Elberto kaya nagsimangot bigla yung bata at tumalikod.

"Dibale nalang papa" bulong niya. "Naku, anak please don't be like that. Kasi anak pag lumaki na tummy ng mama mo mahihirapan na siya umakyat sa room namin. So sana gagawin muna namin room yung extra room dito sa baba" lambing ni Lawrence.

"Okay papa" sabi ni Miggy na sobrang lungkot na naglalakad palayo. "Wait" sabi ni Elberto kaya napalingon yung bata. "Maluwag sa likod ng bahay, papatayuan kita ng display area mo" sabi ng matanda. "May kama lolo?" tanong ni Miggy.

"Yes, whatever you want apo. Display and work area mo" sabi ni Elberto kaya napasigaw sa tuwa ang bata. Sinugod niya lolo niya at pinagyayakap. "Daddy you are spoiling him again" sabi ni Lawrence.

"It is not spoiling, it is supporting him. Di ko alam ano binabalak niya pero may tiwala ako sa kanya. Ipapatawag ko mga kaibigan ko para masimulan na nila construction agad. For now let him use the extra room" sabi ni Elberto.

After dinner pumasok si Miggy sa extra room, napangiti siya pagkat lahat ng maskara niya nandon sa sahig. May maliit na kama sa isang gilid kaya biglang pumasok yung itim na usok. "Ivan eto muna room mo ha. Kasi ipapagawa pa ni lolo room mo"

"Dito ka muna ha" sabi ni Miggy kaya ang nilalang napatitig ng matagal sa bata. "Kung gust mo lumabas okay lang, pero pag pagod ka na dito ka ha" sabi ni Miggy kaya natawa yung nilalang.

"Alam mo ba kung ano ako?" tanong ni Ivan. "Hindi pero alam ko parang pareho tayo nina Althea" sagot ng bata. "Ano ka ba sa pagkakaalam mo?" tanong ni Ivan kaya napaisip yung bata.

"Di ko alam pero gusto ko superhero ako" bulong niya kaya naupo si Ivan sa sahig saka hinaplos ang ilang mga maskara. "Hindi mo alam?" tanong niya. "Hindi, ikaw alam mo?" sagot ng bata.

"Napaka inosente mo pa, madami ka pang kailangan matutunan" bulong ni Ivan saka kinuha isang maskara saka pinagmasdan ito. "Bata pa ako pero matalino daw ako kaya matututo din ako" sabi ni Miggy. "Hmmm totoo kung may gagabay sa iyo" sabi ni Ivan.

"Hindi ko maintindihan sinasabi mo minsan, marunong ka mag English? English nalang sana" sabi ni Miggy kaya natawa yung nilalang. "You are a very interesting young boy" sabi ni Ivan.

"Ivan inaantok na ako, sleep ka narin ha. Sorry small lang yung bed e pero sana kasya ka" sabi ni Miggy. "Miggy" bigkas ni Ivan kaya napatingin yung bata. "Bakit?" tanong ng bata. "Wala naman, sige na umalis ka na" sabi ni Ivan.

"Goodnight Ivan" sabi ng bata saka napatigil sa may pintuan. "You are supposed to say goodnight too" sabi niya kaya napatingin yung nilalang at natawa. "You are supposed to say goodnight too" ulit ng bata kaya si Ivan napaisip.

"Goodnight Miggy" sagot niya kaya napangiti ang bata at tuluyan nang umalis. Tinignan ni Ivan yung mga maskara, "Napaka inosente mo...pero pinagplaplanuhan mo na yung kinabukasan mo..."

"Napaka inosente mo pa...pero eto ang magiging mukha ng mga..." sabi ng nilalang saka napatigil may dumapong kalapati sa may bintana. Tumingala si Ivan, naramdaman niya kausap ni Miggy yung ibang kalapati kaya ilang saglit may isa pang kalapati ang dumapo sa may bintana.

"Hahaha...really interesting boy"

Samantala sa cabin house na pinagtirhan nila Miggy nagtipon tipon ang mga bruha sa pamumuno ni Lorna. "Apo ayos lang ba kayo?" tanong ng isang dalaga. "Ang halimaw na muntik nang pumatay sa akin ay nakawala" sagot ni Lorna.

"Papano siya nakawala?" tanong ng isang matanda. "Hindi ko alam, treseng mga kadena nakakabit sa kanyang katawan...napaka imposible pagkat kahit ano lakas ng bruha na sumubok lumigtas sa kanya hindi nila kaya putulin ang mga kadena"

"Pero tignan niyo...walang naputol, kusang napigtas" sabi ni Lorna. "Ano ibig sabihin niyan?" tanong ng isang dalaga. "Ibig sabihin alam niya yung sumpang ginamit ko para ikulong yung nilalang"

"Pero wala naman ako pinagsabihan. Wala din naman nakakabasa ng utak ko kaya napaka imposible neto" sabi ni Lorna saka hinaplos yung isang kadena saka napapikit.

"Ano nakikita mo?" tanong ng isang matanda kaya namulat si Lorna saka nilingon yung piraso ng tinapay, basket ng strawberry at baso na walang laman. "Ayan...hahahahaha" bigkas ni Lorna saka siya tumawa ng tumawa kaya lahat napatingin sa kanya.

"Pinaamo siya" bulong ni Lorna saka lumuhod at hinaplos yung tinapay. "Eto yung nauna...eto yung pumutol sa tatlong kadena. Eto sumunod" sabi niya saka hinaplos yung baso na walang laman.

"Pero yung pang treseng kadena, hindi maalis yon hanggang hindi kusang gusto sumama ng nilalang...ang sumpa na nakakabit sa ika treseng kadena...kailangan kusang gustong sumama ng nilalang..."

"I cannot believe this...sumama siya ng kusa..."

"Napaka imposible neto...no one can read my mind but someone was able to break my prison curses" bigkas niya saka nanggalaiti sa inis.

Continue Reading

You'll Also Like

589K 19.3K 166
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Alternative: 空间之农家女是团宠 Author: 小糊涂大仙 Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with...
4.6M 350K 91
Betrayed by the people she once loved, cared for, and protected, Queen Gatria is determined to make everyone suffer and feel her wrath. With the inte...
46.3M 1.2M 37
Zoe is a rogue who is forced to attend a school for werewolves for a year thanks to a new law. There she meets her mate, a certain Alpha who holds a...
11.4M 152K 10
*completed NOW A PUBLISHED NOVEL!* An ancient Cursed bloodline, a world-crossed romance, tyrant kings, a princess with dragon wings, a forbidden love...