Walter
"Uy tara na Walter! Aalis na yung bus!"
Madali kong kinuha ang bag ko at tumakbo na papunta kay Rustlene na pasakay na ng bus at hinihintay ako.
Pagkaakyat namin ng bus ay nakita kong nakaupo na ang anim at kami nalang ang hindi pa nakakaupo kaya naman kami nalang ang magtatabi. Umupo kami sa likuran nila Mich at Mhargot na naka-earphones at tulog na tulog na kaagad. Paano ba naman kasi, alas-tres palang ng madaling araw ngayon at byabyahe na kami.
"Gusto mo sa may bintana?" tanong sa akin ni Rust pero umiling nalang ako. Alam ko namang gusto niya sa may bintana eh, mag-eemote yan. Miss niya na kasi si Jin hyung.
Nauna na siyang naupo at sumunod naman ako. Agad naman siyang nagsalpak ng earphones niya at sinuot niya na ang neck pillow niyang color pink na may nakalagay pa na pangalan ni Jin hyung.
Napahikab naman ako at nakaramdam na kaagad ng antok. Mukhang mahaba-habang byahe to. Makatulog na nga lang muna.
----
"Uy Walter, Rustlene! Gising na! Uy!"
Naalimpungatan ako dahil sa nararamdaman kong pagtapik sa pisngi ko. Para ngang di tapik eh, parang sampal.
Kinusot ko na ang mga mata ko at naaninag ko ang mukha ni Margarette na mukhang kanina pa inis na inis. Tinignan ko ang katabi ko na mukhang kakagising lang din.
"Wala ba kayong balak bumaba? Hello? Kanina pa tayo nandito. Baba na!" singhal saamin ni Margarette bago siya bumaba ng bus kaya naman nagmadali na kaming bumaba.
Pagkababa namin ay tumambad sa amin sila Mhargot na kayakap na ang mga magulang nila.
"Rustlene."
Nabitawan naman ng katabi ko ang mga bagahe niya at tumakbo papalapit sa mga magulang niya at niyakap sila ng mahigpit. Oo, nandito na kami ulit sa Cypher City. Nag-hire na rin daw kasi yung mga magulang nila ng personal guards galing sa ARMY para sa security nila kaya safe na sila dito.
Nakaramdam naman ako ng konting lungkot at inggit habang nakikita ko silang kayakap at kasama ang mga magulang nila.
Sana nandito rin sila mama at papa.
Pero hindi na pwede, kasi wala na sila. Nasa langit na sila.
Mady
"Really!? Nakabalik na kayo!?"
Ngumiti naman ako at tumango, "Oo, kani-kanina lang. Ang dami ngang bantay sa labas ng bahay namin eh." sabi ko pa habang natatawa.
"Okay lang yan Mady. It's for your own safety naman."
Napatango naman ako sa sinabi ni Namjoon, well may point nga naman siya.
"Basta Mady, if ever na pwede ka nang mag-travel ulit, punta ka dito ah? Kayo. We miss you all so so much."
Ngumiti naman ako sakaniya. "Dadating din ang panahon na yun, Joon. But I know hindi pa ngayon. Kailangan pa nating ayusin ang mga bagay bagay."
He just sighed and nodded. "By the way, where's Walter?"
"Ah. Nasa custody na siya ng ARMY Protection Squad. Hinahanap na ngayon sina Vinze at David para maprotektahan din nila."
"Well, I really hope na mahanap na rin ang dalawa. Lalo na yung tatlo, para matigil na to."
"I hope so."
"Hyung! Tawag na tayo ni Manager! Mamaya na yan!" rinig kong sigaw ni Kookie mula sa kabilang linya.
"Ah sige! Just a minute!" Namjoon replied.
"So, I'll call you later again nalang?"
"I'm fine with it. Sige na. Bye, i love you Joon."
"I love you too Madz." he said then tsaka sya nag-flying kiss before he ended the video call.
Napabuntong-hininga nalang ako at in-exit ang Messenger app atsaka in-open nalang ang Twitter app. Ang tagal ko rin kasing di to nabuksan. Nakakamiss!
Habang nag twi-Twitter ako, bigla namang nag-dm sa akin si Elle unnie.
@Ellestastic
Mady. Wer u at?
@Madylicious
Here at house lang unnie. Waeyo?
@Ellestastic
Something happened to Walter. We need to go at the camp asap.
Nabitawan ko naman ang phone ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman sila Mom na mukhang papunta na rin siguro saakin para sabihin yun.
"Mady--"
"Let's go Dad."
------
"What the hell.."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Walter na nakaratay sa ICU. Parang..parang hindi siya. Hindi ko siya nakilala.
"WHO THE HELL DID THIS TO HIM!?" pagwawala ni Elle unnie na mangiyak-ngiyak na. Napalapit na kasi saamin si Walter. Sobra. Parang siya yung tumayong tatay at kuya namin nung mga panahong kami kami lang ang magkakasama.
Umiiyak namang lumabas si Anilyn ng ICU habang inaalis ang mask niya at dirediretsong pumunta kay Rust at niyakap siya.
Gusto kong lapitan si Walter. Gustong gusto. Kaya naman humingi ako ng lab gown at mask para makapasok na sa ICU.
Nanginginig akong pumasok sa ICU dahil sa pag-iyak. Akala ko, marami na yung mga nakakabit sakaniya pero mas marami pa pala pag makikita ko siya ng malapitan. Parang di ko kaya.
May nakabalot na bandage sa may bandang tiyan niya, nakabenda rin yung banda sa noo niya, ang dami dami niyang pasa atsaka sugat.
Pero sa likod ng maraming sugat na yun, nakangiti pa rin siya. Nakangiti pa rin ang isang Walter.
"W-Walter.." yan na lamang ang nasabi ko bago hawakan ang kamay niya at humagulgol na.
"Shh, w-wag ka n-nang umiyak Mady. B-baby g-girl."
Mas naiyak ako nang tawagin niya akong baby girl. Simula kasi noong tumira kami sa N.City ay iyon na ang tawag niya sa akin. Dahil daw naaalala niya saakin yung little sister niya na nasa Korea.
"S-sinong gumawa sayo nito?" I asked him.
Nang sabihin niya kung sino yun ay hindi ko maiwasang magalit ng sobra. But also, natakot din ako.
Umiyak lang ako sa tabi niya at patuloy niya naman among pinapatahan kahit na minsan ay iniinda niya ang sakit ng mga sugat at pasa niya.
Hindi ko siya iniwanan doon kahit na pinapaalis na ako ng mga nurses dahil sa visiting hours. Gusto ko siyang bantayan, gusto kong bantayan ang kuya ko.
"M-mady, uuwi n-na ata kayo. T-tsaka gabi na r-rin oh." sabi niya kaya napatingin naman ako sa bintana at nakita kong tinatawag na nga ako nila Mich.
"Basta babalik kami dito ulit bukas kuya ha? Magpapagaling ka. Ha?"
Nakangiti naman siyang tumango at pinilit kumaway kahit na may sugat din siya sa kamay.
Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ni Elle unnie na galit na galit.
"Mady, I'm dead sure that he told you who did that to him."
With her bloodshot red eyes because of crying , Elle unnie looked at me.
"Now tell me, sino ang gumawa nun kay Walter?"
I blinked twice before answering.
"It's..it's Cody and the gang again, unnie."
~~~~~~
UPDATED AGAIN GUYSEU! AND OMGGGG 100K READS NA TO. SUPER SUPEEEER THANK YOU TALAGA NG MARAMI. KEEP ON READING THIS STORY GUYS! LOVELOTS ✨💕