MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 5: The Institute
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 6: City Of Pines

4.4K 117 15
By PaulitoX

Chapter 6: City Of Pines

Kinabukasan ng umaga, "Saan mo nakuha yan?" tanong ni Althea. "Basta, masarap ano?" sabi ni Miggy. "Oo ang sarap sarap, saan mo kinuha?" sagot ng batang babae. "Basta nga" sagot ng batang lalake.

"Oh are you two ready? Aalis na tayo" sabi ni Vivian. "Tita galit ba si mama?" tanong ni Althea. "Oh no iha, sinabi ko naman safe ka kasama namin. Madami lang siya bilin" sabi ni Vivian.

"You all ready? Come on" sabi ni Lawrence kaya pinasok na ni Anabelle yung mga bag sa likod ng SUV. "Joey! Max, pasok na kayo" sabi ng kasambahay at tulala nalang si Lawrence pagkat pumasok yung mga pusa sa SUV.

Nung nasa kotse na sila lahat napalingon si Lawrence at tinignan yung dalawang bata. "Are you two excited? We are going to Baguio" sabi niya. "Papa I wanna see the big lion" sabi ni Miggy. "Of course anak, so are you two ready?" tanong ng matanda.

"Lets go tito" sigaw ni Althea sa tuwa. "Sana sama din mama at papa mo" sabi ni Miggy. "Busy sila e, nevermind sabi naman nila next time sasama sila para tayo lahat. Don't feel sad Althea ha na hindi sila kasama" sabi ni Vivian. "Its okay tita kasi they have to work" sabi ni Althea.

"Yes, me and your tito will have a confernence in Baguio but only for two days. The rest we will make pasyal" sabi ni Vivian. "Aayy you will work?" tanong ni Miggy. "Conference anak its like meeting only. Two days only but your lolo and lola are already there so they will make pasyal you three" sabi ni Vivian.

"Why?! Madaya" sigaw ni Miggy. "Anak I promise you we will make pasyal for many days" sabi ni Lawrence. "Para sa work nila yon Miggy" sabi ni Althea. "Okay but I will ask lolo and lola to buy me many things" sabi ng batang lalake. "Hahaha sige lang anak" sabi ni Lawrence.

Ilang oras lumipas ginising nila yung mga bata. Napasigaw si Miggy, si Althea napangiti nang makita na nila yung Lion's head sa may Kennon road. "Wear your sweaters first before you go out. Its cold" sabi ni Vivian.

"Its soooo big" sabi ni Miggy. "Anabelle kunan mo nga kami ng photos" sabi ni Vivian. "Opo madam" sagot ng kasambahay. "Dapat kasama si ate" sabi ni Miggy. "Then who will take the photos?" tanong ni Lawrence at may isang lalake ang biglang lumapit.

"Ako, kukunan ko kayo" alok niya pero nagdududa sina Lawrence at Vivian pero inagaw ni Miggy yung camera kay Anabelle. "Kunan mo kami kuya ha" sabi ni Miggy at napalunok yung lalake nang magkatitigan sila ng bata. "Kukunan mo kami ha, yung maganda ha" sabi ng bata.

Pagkakuha ng camera nakaramdam ng kakaibang takot yung binata kaya hindi na niya tinuloy balak niyang itakbo yung camera. "Mabait naman pala" bulong ni Anabelle. Matapos ang sobrang daming photos sinoli ng lalake yung camera kay Miggy.

"Bigyan mo naman pang meryenda" bulong ni Vivian. "Wag na po, sige po" sabi nung lalake saka nagmadaling umalis. "Is this lion real before?" tanong ni Miggy. "Hindi, gawa lang sa bato yan. Wala naman ganyan kalaking lion" sabi ni Althea. "Pano kung meron?" tanong ni Miggy.

"Wala" sabi ng batang babae. "Kasi alam ko may giant turtle, nakita ko" sabi ni Miggy. "Here we go again, Miggy remember what we told you? It is not good to tell lies" sabi ni Lawrence. "Hindi naman lie yon e, nakita ko talaga kasama nung pretty girl sa water" bulong ng batang lalake na bumalik na sa loob ng kotse.

Ilang minuto lumipas sa tapat ng isang malaking cabin house, "Come inside" sabi ni Elberto pero agad agad nagmano sina Miggy at Althea. "Is this our house lolo?" tanong ni Miggy. "Oh no, this belongs to a friend but we can stay here" sabi ng matanda.

"This is a nice house" sabi ni Althea. "Yes it is big, they are in the States now so only the caretaker is here" sabi ni Elberto. "I am hungry lolo" sabi ni Miggy. "I know apo, your lola is cooking inside. Come inside, it is warm inside" sabi ng matanda.

After lunch nakatambay yung dalawang bata sa second floor terrace. "Its like heaven" sabi ni Miggy. "Hindi ko na nakikita yung mountain, kanina nakikita pa" sabi ni Althea. "Are you two okay?" tanong ni Lawrence. "Yes papa, but papa look its all white now" sabi ni Miggy.

"Walang fog kasi sa Manila e" sabi ni Lawrence. "Fog, its nice. You can hide" sabi ni Miggy. "If you shout your name you will hear the echo" sabi ni Lawrence. Tumayo yung mga bata, sumigaw si Lawrence kaya naaliw yung mga bata nung nag echo boses niya.

"Papa who is shouting also?" tanong ni Miggy. "It is called echo anak, diba you already read about it. The sound bounces back" sabi ng matanda. Sumigaw si Althea, lalong naaliw yung mga bata kaya si Miggy naman ang sumubok.

Sa loob ng kweba sa may bundok agad napatayo ang isang sobrang tandang babae. Lumabas siyang kweba, ilang saglit may mga kasama na siya. "Narinig niyo yon?" tanong ng matandang babae. "Opo" sagot ng iba. "Nandito siya...nandito siya" bulong ng matandang babae.

"Sino po siya?" tanong ng isa. "Si Agamathea, nandito siya" sabi ng matanda. "Pero patay na siya. Matagal na siyang patay" sabi ng isang babae. "Hindi ako nagkakamali, hindi man niya boses yon ngunit naramdaman niyo naman lahat diba?" sabi ng matanda.

"Baka nagkakamali lang ho kayo" sabi ng isang babae. "Hindi ako pwede magkamali! Alam ko ang boses ng kaaway ko" sigaw ng matanda saka hinaplos mukha niyang durog. "Lumabas kayo at hanapin niyo siya! Hanapin niyo saan galing yung boses na yon" sigaw ng matanda.

Samantala sa top floor ng isang office building, "Gumalaw yung mga bruha sa bundok ng Baguio" sabi ng isang babae. "Anong ibig mo sabihin gumalaw?" tanong ng isang matandang babae. "Boss, gumalaw yung mga alagad ni Lorna" sabi ng dalaga.

"Ano nga ibig mo sabihin?" diin ng matanda. "Ngayon lang ho sila kumilos ng sabay sabay at gumagamit sila ng kapangyarihan at tila may hinahanap sila" sabi ng dalaga. "Ganon ba? Ipatawag mo nga yung mga alagad natin sa Baguio, tapos sabihan mo narin yung Institute at main branch" sabi ng matanda.

"Opo boss" sabi ng dalaga. "Sandali lang, Lorna hindi ba siya yung kalaban na mortal ni Agamatea dati?" tanong ng matanda. "Opo boss, yung nadurog yung mukha" sabi ng dalaga. "Hmmm...matagal nang hindi sila kumilos, huling pagkilos nila mga panahon na buhay pa si Agamatea" sabi ng matanda.

"Maghanda ka, pupunta tayo sa Baguio. Kung ano mang ginagawa nila ayaw ko mabulaga. Inform the main branch we are heading to Baguio. Inform the branch in Baguio too" sabi ng matanda. "Okay boss, how about the Institute?" tanong ng dalaga. "Hmmm...kahit wag muna, we can inform them later when things happen. Tutal wala naman sila primary jurisdiction sa mga bruha" sagot ng matanda.

Sa cabin house sa Baguio tinuturuan ni Elberto yung dalawang bata mag ayos ng kahoy sa fireplace. Pagsindi ng apoy napangiti si Miggy. "Hindi ilalagay lahat ng wood lolo?" tanong ni Althea. "Oh no, dapat yung tama lang, tapos pag naaubos na kahoy dagdagan nalang" sabi ni Elberto.

"Lumayo na kayo, hindi niyo kailangan lapitan ang fireplace" sabi ni Marifel. "Iinit na whole house lola?" tanong ni Miggy. "Not the whole house but here only in the living room apo" sabi ng matanda. "Fire is nice" bulong ni Miggy saka pinagmasdan yung apoy.

Nilapit ni Miggy kamay niya habang nakatingin, biglang namatay yung apoy kaya napalingon si Elberto. "O bakit namatay?" tanong ng matanda kaya ang batang lalake umatras. Kinuha ni Elberto yung lighter, si Miggy nilapit kamay niya sa fireplace at biglang sumindi yung apoy.

"Lolo meron na" sabi niya. "Anong meron na?" tanong ng matanda kaya lumingon siya at nagulat. "Huh, bakit.." bigkas niya saka tinignan apo niya. "Kanina namatay, what did you do?" tanong niya. "Baka humangin lang tapos sumindi ulit" sabi ni Marifel.

Pasimpleng lumayo si Miggy saka tumabi sa kaibigan niya sa sahig. "Just wait for it, nagisisimula palang masunog yung mga kahoy e, antayin niyo lang iinit din" sabi ni Elberto. "Ate kaya mo din mag fire?" bulong ni Miggy.

"Ano?" tanong ng batang babae. "Lolo can we go out habang its not hot yet?" lambing ni Miggy. "Okay but come back at once" sabi ni Elberto kaya paspas na lumabas yung mga bata. Sa likod ng bahay nagtago sila, "Kuha ako leaves" sabi ni Miggy saka nilapag niya sa sahig.

"Ano gagawin mo?" tanong ni Althea. "Kaya ko mag fire" sabi ni Miggy pabulong. "Sige nga" sabi ni Althea kaya hinarap ni Miggy kamay niya sa mga dahon. "Wala naman" sabi ni Althea. "Teka kasi kanina sa fireplace nung nilapit ko hand ko namatay fire tapos nung nilapit ko ulit sumindi ulit" paliwanag ng batang lalake.

"E sabi ni lola humangin lang, diba if iblow mo candle akala mo patay na pero meron pa pala sometimes" sabi ng batang babae. "E kung dalawa tayo" sabi ni Miggy. "Pano? Ilalapit ko lang hand ko?" tanong ng batang babae.

"Try natin" sabi ni Miggy kaya hinarap nila mga kamay nila, walang nangyari kaya nainis si Miggy. "Last na ate" sabi niya. Ilang segundo lumipas nagsimulang umusok yung isang dahon. Napaatras sila, hindi natuloy yung pagsunog ng dahon pagkat nagcelebrate agad yung dalawa.

"Come inside" sabi ni Elberto kaya pumasok yung dalawa na tuwang tuwa. Naupo sila kaharap yung fireplace, bungisngis sila pareho saka nila tinignan mga palad nila. "Nagstart na ate diba" sabi ni Miggy. "Hala, pero uy wag dapat gamitin kasi mahirap masunugan"

"Yung classmate ko nasunog house nila tapos nag stop na siya mag school kaya wala na siya" sabi ni Althea. "Oo hindi pero pag kailangan lang ng fire dapat" sabi ni Miggy. "E pano mo pinatay kanina yung fireplace?" bulong ni Althea.

"Kaya ko din mag wind?" tanong ng batang lalake. Sabay sila napalingon, wala yung mga matatanda kaya hinarap ni Miggy kamay niya sa fireplace. Natili si Althea pagkat hinangin konti yung apoy. "Bakit?" tanong ni Miggy. "Gumalaw yung fire" sabi ng batang babae.

"Hindi naman" sabi ng batang lalake. "Sige try mo ulit" sabi ni Althea. Hinarap ulit ni Miggy kamay niya, natili ulit si Althea kaya lumapit na yung mag matanda. "What is wrong?" tanong ni Marifel.

"Nothing lola, its warm na" palusot ng batang babae. "Ay oo nga, so you two can take a nap. The rug is clean, wait I will go get some pillows" sabi ni Marifel. "Nagka wind?" bulong ni Miggy.

"Oo, nakita ko talaga gumalaw yung fire" sabi ni Althea. "E wala naman ako nafeel e" sabi ng batang lalake. "Basta nakita ko e, siguro kung dalawa tayo mamatay yang fire" sabi ng batang babae. "Try natin?" tanong ni Miggy.

"Ano gagawin niyo?" tanong ni Elberto kaya napalingon yung dalawa. "Ah iblow namin yung fire lolo" pacute ni Miggy. "Hahahaha, malakas na masyado, hindi yan parang kandila mga apo" sabi ng matanda kaya nagbehave yung dalawa.

Di nila namamalayan may isang nilalang na nagtatago sa ilalim ng bahay at pinagmamasdan sila. Nung lumayo si Elberto hinarap ng mga bata yung mga kamay nila sa fireplace. Hinipan ng nilalang yung apoy kaya nagsigawan yung mga bata sa tuwa pagkat napatay nila yung apoy.

Hinarap ulit nila mga kamay nila, nilapit ng nilalang yung nag aapoy na kamay niya sa fireplace. Sigawan at tilian yung mga bata nang sumindi ulit yung apoy. "Why are you two so noisy?" tanong ni Marifel na dumating dala yung mga unan.

Behave ulit yung dalawang bata, nahiga sila at ilang minuto lumipas pareho silang nakatulog. Naiwan sila sa salas, mula sa sahig lumabas ang itim na usok at unti unti nabuo yung isang nilalang.

Pinagmasdan niya yung dalawang bata na natutulog, hinaplos niya yung dibdib ni Miggy pero agad niya nilayo kamay niya pagkat para siyang nakuryente. Biglang namulat si Miggy, ang nilalang nakipagtitigan sa bata at gulat siya pagkat hindi natakot yung bata sa kanya.

Lumapit na si Joey, tumabi siya kay Miggy kaya yung nilalang lumayo konti. Naupo si Miggy at sinundan ng tingin yung nilalang. Lumapit yung nilalang at sinubukan takutin yung bata pero hindi man lang ito kumibo. Si Joey ang humarap kaya lumayo yung nilalang kaya tinignan ni Miggy pusa niya.

Tumayo ang bata saka nagtungo sa kusina, ilang saglit bumalik siya saka inabutan ng tinapay yung nilalang. "Ang dumi dumi mo, maligo ka naman" sabi ni Miggy kaya inuga ng nilalang ulo niya. "Kunin mo" sabi ni Miggy kaya kinuha ng nilalang yung tinapay.

Narinig yung boses ni Elberto kaya paspas na nawala yung nilalang. "O gising ka, sino kausap mo?" tanong ng matanda. "Nothing lolo, I will go back to sleep" sabi ni Miggy saka nahiga pero ngayon tumabi na si Joey sa kanya at ilang saglit tumabi si Max kay Althea.

Sa ilalim ng bahay tila tuliro yung nilalang, pinagmasdan niya yung hawak niyang tinapat saka tumingala para tignan si Miggy at pusa niya.

Pagsapit ng gabi hindi makatulog si Miggy, bumaba siya sa salas saka napalingon sa buong paligid. Naupo siya sa sahig, hinaplos ito at ilang saglit lumabas na yung usok at nabuo yung mukha ng nilalang.

"Hindi ka parin naligo, ang dungis mo. Puno ka na ng libag o" sabi ni Miggy kaya nalito yung nilalang at natatawa na. Lumabas siya ng tuluyan saka nakipagtitigan sa batang lalake.

"Ang bantot mo pa" bulong ni Miggy saka nagtakip ng ilong pero sumulpot si Joey at Max kaya yung nilalang umatras ng umatras. "Wag ka matakot, mga kaibigan ko to" sabi ni Miggy pero inuga ng nilalang ulo niya.

Napansin ng nilalang na giniginaw yung bata kaya hinarap niya kamay niya sa fireplace at biglang nag apoy ito. "Wow, kaya mo din?" tanong ni Miggy. Natatawa yung nilalang pagkat hinarap ni Miggy kamay niya sa fireplace. "Ako siguro bata pa kasi ako e, kaya mahina pa ako"

"Ano name mo? Ako si Miggy tapos eto si Joey at si Max. Ano name mo?" tanong ng bata pero hindi sumagot yung nilalang. "Wala ka name? Ikaw siguro yung nakikita sa kalsada ano? Sa work ni lolo meron katulad mo pero sabi nila siraulo daw siya. Siraulo ka din ba?" tanong ng bata.

Parang nagbiro sina Joey at Max na nilapitan yung nilalang kaya umatras ng umatras ito. "Joey...Max" bigkas ni Miggy kaya napalingon yung mga pusa. "Layuan niyo siya, natatakot siya sa inyo. Doon kayo" utos ng bata pero hindi lumayo yung mag pusa at tumabi lang sa kanya.

"Inubos mo ba yung tinapay? Gusto mo pa? Juice gusto mo?" tanong ni Miggy kaya litong lito yung nilalang. Umalis si Miggy at pagbalik niya may dala ulit siyang tinapat pero ngayon may baso ng tubig na kasama.

"O yan o, gusto mo din ba maligo?" tanong ng bata kaya natawa na yung nilalang kaya nakitawa yung bata. Naupo sa sahig yung nilalang, humarap sa kanya si Miggy saka nakipagtitigan.

"Nahihiya ka pa siguro kaya ayaw mo magtalk. Pero okay lang kasi ganyan din ako nung first time ko nakilala si Althea. Siya yung kasama ko kanina dito yung natutulog. Mabait yon at pareho kami mag power din kami pero wag mo sasabihin sa iba ha" bulong ng bata.

"Ay alam mo meron mga bad people pumunta noon sa house tapos pinatulog sina papa at mama. Teka papakita ko sa iyo" sabi ni Miggy saka may kinuha sa isang kwarto sa baba. Pagbalik niya pinakita niya wand niya, natakot yung nilalang at mabilis ito naging usok at pumasok sa sahig.

"Hoy wag kang matakot. Hello? Uy nasan ka na?" tanong ng bata saka lumingon sa buong paligid. Kinatok niya yung sahig pero hindi na bumalik yung nilalang kaya napaupo yung bata.

"Gusto ko lang naman ipakita tong wand na kinuha ko don sa lolo. Sila kasi e, pinatulog nila mama at papa ko. Bad sila" sabi ng bata kaya sa ilalim ng sahig litong lito yung nilalang pagkat unang pagkakataon na may taong hindi natakot sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

82.7K 2.4K 19
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
29.1M 940K 58
An Abnormality. That is what Nicolette is. A monster that has to be kept hidden from the world. A witch. A vampire. A werewolf. All in one person...
32K 1.1K 19
Cassandra is an independent woman. She can have anything that money can afford. She has the face of an angel that any girl can envy. Sabi ng karam...
43.3K 3.3K 24
in which sunoo makes a mistake and 'suffers' the consequences. alternative universe lowercase intended on hold