MASKARA

By PaulitoX

215K 6.5K 721

There is temporary peace among the four magic schools. The Institute is in place to control magical use to pr... More

Prologue
Chapter 1: Juan Miguel
Chapter 2: Paranoia
Chapter 3: The Good Boy
Chapter 4: Ang Ate
Chapter 6: City Of Pines
Chapter 7: Kaibigan
Chapter 8: Maskara
Chapter 9: Ivan
Chapter 10: Kapangyarihan
Chapter 11: Ang Guro
Chapter 12: Young Witch
Chapter 13: Young Elder
Chapter 14: Opening
Chapter 15: Ang Kuya
Chapter 16: First Encounter
Chapter 17: Manifestation
Chapter 18: First Battle
Chapter 19: Target
Chapter 20: Charlotte
Chapter 21: Crush
Chapter 22: Little Bro
Chapter 23: White Demon
Chapter 24: Elder Geron
Chapter 25: Mga Hinala
Chapter 26: Problem Child
Chapter 27: Protection
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 28: Inner Circle
Chapter 29: Leopoldo
Chapter 30: Mga Elemento
Chapter 31: Temper
Chapter 32: Superhero
Chapter 33: Nicanor
Chapter 34: Ang Kuya
Chapter 35: Stella
Chapter 36: Trio
Chapter 37: Tropa
Chapter 38: Unang Sabak
Chapter 39: Team Work
Chapter 40: Gate Keeper
Chapter 41: Genie
Chapter 42: House of Masks
Chapter 43: The Kiss
Chapter 44: Bond
Chapter 45: Break Out
Chapter 46: Dark Warlock
Chapter 47: Aftermath
Chapter 48: Hunted
Chapter 49: Awakening
Chapter 50: The Promise
Chapter 51: Cute Vigilantes
Epilogue

Chapter 5: The Institute

4.1K 114 12
By PaulitoX

Chapter 5: The Institute

Kinabukasan ng gabi biglang nagising si Joey, umakyat siya sa may bintana at may nakitang mga kotseng nagdatingan. Bumaba ang pusa sa bintana saka umakyat sa kama ni Miggy. Nagising ang bata, "Joey sleep pa" bulong niya pero hinila ng pusa yung kumot ng bata paalis.

Napaupo si Miggy at napakamot, nagtitigan sila ng pusa kaya ang bata agad agad nagtungo sa may bintana. "Sino sila?" tanong niya habang paakyat ang pusa sa kanyang balikat. "Miggy gising ka?" tanong ni Althea mula sa walkie talkie.

"Oo, ginising ako ni Joey" sagot ni Miggy. "Ginising din ako ni Max, sino mga yan?" tanong ni Althea. "Hindi ko alam, baka mga pulis" sabi ni Miggy. "Hindi e, gusto ko lumapit" sabi ng batang babae. "Hindi pwede magagaling si mama at papa. Kasi gabi na hindi na pwede lumabas" sabi ni Miggy.

"Ano kaya ginagawa nila?" tanong ni Althea. "Wait, magsend ako ng friends" sabi ni Miggy. Nag meow dalawang beses si Joey, ilang saglit may dalawang kalapati ang naglanding sa may bintana.

"Friends punta kayo don, tignan niyo ano ginagawa nila" sabi ni Miggy at agad agad lumipad yung dalawang kalapati.

Malapit sa bahay nina Chester nagtipon tipon yung mga bagong salta. "Sir dito po nakatira yung binata na may anomalya" sabi ng isang dalaga. "Gano na kalala yung sitwayson? Kumalat na ba yung news tungkol sa kanya?" tanong ng isang matandang lalake.

"Hindi pa masyado, hindi naman tsismoso at tsismosa ang mga nakatira dito. Maliban sa isang bahay doon sa harapan, kinalat niya konti kaya bukas ng umaga may media crew na dadating dito" sagot ng isang dalaga.

"Ano ba problema sa target?" tanong ng matanda. "Sir, yung tunog ng utot niya sobrang lakas, parang bomba na sumasabog" sagot ng isang binata kaya ang matanda nagpigil ng tawa. Hindi natiis ng iba ang matawa kaya ang lahat bungisngisan.

"Sir primary scan hindi siya magic user" sabi ng isang dalaga. "Natural, I cannot imagine a magic user manifesting such magic power. Ano sense ng pag utot ng ganon kalakas?" sabi ng matanda kaya napatawa niya mga kasama niya. "So if hindi siya magic user then kagagawa ito ng mga bruha" sabi ng matanda.

"For sure hindi galing sa amin" sagot ng isang matandang babae. "Of course, so Filomena kayo na bahala gumamot don sa binata, kami na ang bahala sa iba" sabi ng matandang lalake. "Alam mo Hilario wala naman kayo dapat gawin, kasi nabasa ko police report, sabi doon may mga nagpasabog lang ng malakas na paputok diyan sa bakod"

"Ang problemahin mo nalang siguro yung tsismosa, you better fix their memory" sabi ni Filomena. "Of course my friend, two teams proceed to the second target house, isama niyo narin yung mga gwardya and let us all stick to one story. May nagpaputok lang ng malakas na paputok" sabi ni Hilario.

Sampung minuto lumipas lumabas si Filomena. "Kaibigan, we cannot cure him" sabi niya. "What do you mean?" tanong ni Hilario. "Binalot namin siya sa loob ng isang sound proof barrier for now kasi matindi yung sumpa na pinataw sa kanya" sabi ni Filomena.

"Matindi? Akala ko ba isa malakas ka? What are you trying to tell me?" tanong ni Hilario. "Hindi simpleng sumpa ang pinataw sa kanya, I honestly have never seen or experienced this" sabi ni Filomena.

"Sandali nga, plain and simple sabihin mo sa akin ano ang problema natin?" tanong ni Hilario. "Well a powerful witch did this to him" sabi ni Filomena. "Why? Bakit siya target? Danny basahin mo nga yung report tungkol sa pamilya na yan" sabi ni Hilario.

"Boss, wala naman masyado. Kilala lang silang mayabang pero normal naman yon. Pero ayon dito sa side reports itong si Chester e nakatanggap na ng madaming complaints dahil sa kotse niya. Dito po lahat galing sa mga kapitbahay pero walang aksyon kasi mga magulang niya ang may officers dito" sabi ni Danny.

"E sa labas? May mga nakaaway ba siya?" tanong ni Hilario. "Wala boss, malinis record, mayabang ang asta pero duwag sa totoo. Pinipili lang niyayabangan niya. Dito lang talaga madami complaints sa kanya" sabi ni Danny. "Pero sir meron dito police report na finile nila, may bumiktima daw sa kotse niya at pinag gagasgas at pinuno pa ng dumi ng mga ibon" sabi ng isang babae.

"Ayon dito sir dito nangyari yon" dagdag niya kaya napaisip si Hilario. "Therefore taga dito din siguro yung nagbayad sa bruha" sabi niya. "Therefore we really have to scan everyone's memory to find out sino yung nagpasumpa at sino yung bruha na gumawa ng sumpa" sabi ni Filomena.

"Bakit kailangan malaman yon?" tanong ni Hilario. "Kasi siya lang makaalis ng sumpa, I am telling you its very powerful. Kakaiba yung sumpa sa totoo, I would have not even thought about doing something like that to someone, at kung maisip ko man hindi ko alam pano gawin" sabi ng matandang babae.

"We have no choice then, Danny contact mo yung higher ups sa Institute, sabihin mo mapipilitan tayo gumamit ng mahika dito" sabi ni Hilario. "Yes boss" sagot ng binata. "Everyone! Do not use your magic yet, pag nag go signal na yung Institute saka kayo gumamit. Now go spread out, para mabilis isabay sabay lahat ng bahay"

"Scan their memories only, if you find out who hired the witch then call us so we can totally scan her memory" sabi ni Hilario. "Babalik kami kay Chester, we shall try whatever we can to silence his farts" sabi ni Filomena. "Ayaw ko sana matawa pero nakakatawa siya" sabi ni Hilario kaya nagtawanan sila.

"Sir may go signal na" sabi ng isang dalaga kaya naglabas ng wand si Hilario. Tinaas niya ito saka may binigkas na orasyon, may malakas na liwanag ang lumabas mula sa dulo ng wand niya saka biglang nabalot yung buong subdivision ng kakaibang liwanag na ito.

"Alright! Go!" sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ni Miggy, "Ate nakita mo yon?" tanong niya. "Oo ang galing parang sa movies. Gusto ko ng ganon Miggy" sabi ng batang babae. "They are coming, may papunta dito" sabi ni Miggy. "Ano gagawin nila?" tanong ni Althea.

May isang lalake ang tumayo sa tapat ng bahay nina Althea, tinutok niya wand niya saka may malabnaw na liwanag ang bumalot sa bahay nila. "Ate...ate" bigkas ni Miggy sa walkie talkie pero hindi na sumagot si Althea. Nakita ni Miggy na may tumayo din sa tapat ng bahay nila, ganon din ang ginawa at biglang nahilo yung batang lalake.

Napaluhod si Miggy, si Joey napahiga at nakatulog. Nakayanan ng bata tumayo, agad siya nagtungo sa kwarto ng mga magulang niya. Kahit ano gawin niya hindi sila magising kaya ang bata kinakabahan.

Sa first floor pumasok na yung isang lalake, una niya pinasok yung kwarto ni Anabelle, nilapit niya lang yung wand niya sa ulo ng dalaga saka siya umalis. Paakyat na siya ng hagdanan, napatigil nang makita si Miggy kaya gulat na gulat siya.

Tinutok niya yung wand niya sa bata, "Ano ginawa mo sa mama at papa ko?" sigaw ng bata. "Shhhh...do not be afraid little boy, we are friends" sabi ng binata. "What did you do to my papa and papa!" sigaw ng bata sa galit at kinilabutan yung binata pagkat napaatras siya ng mainit na hangin.

Sa malayo napatingin si Hilario sa bahay nina Miggy, "Something is wrong" sabi niya kaya napasugod siya. Pagpasok niya ng bahay nakita niya yung binata na inaatake ng mga kalapati at pusa. "Anong nangyayari dito?" tanong ni Hilario pero inatake narin siya ng mga hayop.

"Ano ginawa niyo sa mama at papa ko?!" sigaw ni Miggy sa tindi ng galit. "Do not hurt him" sigaw ni Hilario saka tinutok wand niya sa kasama niyang binata. "Little boy, mabait kami, hindi kami kalaban" sigaw ni Hilario pero nanginig si Miggy sa tindi ng galit at biglang namilipit yung binata at napahiga.

Bumulong ng dasal si Hilario, nakatulog ang lahat ng hayop at biglang nahirapan gumalaw si Miggy. "Hello little boy, I am a friend, do not be afraid" sabi ni Hilario. Nilapitan niya si Miggy, hinaplos ulo nito pero nagulat ang matanda pagkat hindi natulog yung bata.

"Oh no..." bulong niya nang nakagalaw si Miggy at inagaw bigla ang wand niya. "Ano ginawa niyo sa mama at papa ko?" tanong ni Miggy kaya si Hilario nagpalabas ng chocolate sa kamay niya. "Eto o, gusto mo?" lambing niya kaya napatingin si Miggy sa chocolate.

"Gusto mo diba?" landi ni Hilario kaya ang bata napangiti. Kinuha niya yung tsokolate, naupo siya saka sinimulan buksan ito. Lumuhod si Hilario saka hinaplos pisngi ng bata. "What is your name?" tanong niya.

"Juan Miguel Dizon but my nickname si Miggy" sagot ng bata saka kumagat sa tsokolate. "Don't sumbong me kasi sabi ni mama wag daw ako kukuha ng food sa di ko kilala" sabi ng bata. "Hahaha don't worry I am a friend, my name is Hilario" sabi ng matanda.

Tumawa si Miggy kaya kamot ulo ang matanda, "Pwede mo ako bigyan pa ng isa kasi gusto ko bigyan yung ate ko, dalawa sana pero wala pa sister ko nasa tummy pa ni mama" sabi ni Miggy. "Sure, bibigyan kita ng madami" sabi ni Hilario saka tinignan wand niya na nasa tabi ng bata.

"Miggy, how did you control the animals?" tanong ni Hilario. "They are my friends" sagot ng bata. "I see, can your mama and papa do the same?" tanong ni Hilario. "No" sagot ni Miggy. "Miggy don't be afaid, we are here to protect the people" sabi ng matanda.

"Like the police?" tanong ni Miggy. "Ah..yes but not from normal criminals. We are from the institute" sabi ni Hilario. "I know how to spell that" sabi ng bata saka inispell yung salitang institute. "Very good, you are intelligent" sabi ni Hilario. "I know, they always tell me that. This chocolate is delicious. I will give ate Althea" sabi ng bata.

"Is she your sister too?" tanong ni Hilario. "No, my ate is my neighbor" sagot ng bata. "I see" sagot ng matanda. "E sino hinahabol niyo?" tanong ng bata. "Ah, kasi kami na taga Institute we are here to make sure that no person with magic abuses their power" sabi ni Hilario.

"Kasi Miggy hindi pwede malaman ng normal na tao na meron talaga mga katulad namin. Hindi talaga pwede kasi magkakagulo" dagdag ng matanda. "Why? Why in the movies?" tanong ng bata. "They are only movies iho, in real life it is more complicated" sabi ng matanda. "Ahhh..i don't understand" sabi ng bata. "Hahahaha well I know but for now you can ask me anything and I will tell you the truth but later I have to erase your mind and forget this ever happened...let me just ask you Miggy"

"Ikaw ba sumumpa don kay Chester?" tanong ni Hilario. "I don't understand" sabi ng bata. "I think you know what I am talking about" sabi ng matanda. "E bad boy siya e. Ang ingay ingay ng car niya tapos nung lumapit lang kami ni ate nagagalit siya e" sabi ng bata.

"How did you do it?" tanong ni Hilario. "Sinabi ko lang" sagot ng bata. "Sinabi mo lang?" tanong ng matanda. "Oo" sagot ng bata saka kumagat sa tsokolate. "Alam mo ba iho hindi maganda yung ginawa mo?" tanong ng matanda pero hindi sumagot yung bata.

"Miggy what you did is bad, can you remove it?" tanong ng matanda. "I don't like" sagot ng bata. "Miggy it is really bad, kawawa naman siya" sabi ni Hilario. "Bad boy siya" bulong ng bata. "I know but it is not right to hurt him, kawawa naman siya iho. Natatakot na siya" sabi ng matanda.

"Umiyak siya?" tanong ni Miggy. "Oo" sagot ni Hilario kaya natawa bigla yung bata. "Miggy don't laugh, it is not nice. Pag ikaw ba nagkasakit din gusto mo may tatawa din?" tanong ni Hilario. "Ayaw ko" sagot ng bata. "O see, so will you stop it? Kasi ikaw lang may kaya itigil yon iho"

"Alam mo iho, hindi porke may nagawang kasalanan ang isang tao you have to punish them already. That is not right. You have to talk to them nicely" sabi ni Hilario. "Bad boy yon" bulong ng matanda. "Okay, what if I promise you magbabago na siya?" tanong ng matanda.

Binaba ng bata yung tsokolate saka hinawakan yung wand. "Parang sa cartoons, pano gamitin ito?" tanong ng bata. "Be careful iho, that is not a toy" sabi ng matanda. Tumayo ang bata saka umakyat ng hagdanan, "Where are you going?" tanong ng matanda.

"To see if my mama and papa are awake" sabi ni Miggy. "They are still asleep but I can wake them up if you remove the curse from Chester" sabi ng matanda. Lumingon ang bata, kinilabutan ang matanda sa talim ng titig nito. "Listen to me iho, kasi pinatulog namin sila. Hindi kasi dapat malaman ng mga tao na meron ang katulad namin"

"Sit down and let me explain" sabi ni Hilario pero nagulat siya nang makita yung puti na pusa na tumabi sa bata. "Miggy please, will you listen to me" sabi ni Hilario. "Magiging ba mama at papa ko mamaya?" tanong ng bata. "Oo naman, pag wala na kami. Kailangan lang namin tapusin trabaho namin"

"Kailangan namin magamot si Chester kasi iho pag hindi madami makakaalam ano nangyari sa kanya. Mapapahiya sila, baka mamaya malulungkot na siya tapos madami tao mang aasar sa kanya. Ang ayaw namin e matakot yung mga tao na may tao na katulad namin. How I wish I could explain it well to you but you are still a child" sabi ni Hilario.

"Sige" sagot ng bata. "You will remove it?" tanong ni Hilario. "Inalis ko na" sabi ng bata. "Huh, are you sure?" tanong ni Hilario. "Masama ang mag lie sabi ng lolo ko" sagot ng bata. "Okay, I trust you iho, so can you give that back to me please" sabi ng matanda. "Ayaw ko, akin na ito. Sabi ni lolo pag ang ibang tao pumasok sa bahay e trespassing daw yon"

"Hindi maganda yon. Pumasok kayo sa bahay namin e hindi naman namin kayo kilala. Tapos pina sleep mo pa mama at papa ko. Galit ako sa inyo" sabi ni Miggy saka nanlisik ang kanyang mga mata. Napahaplos si Hilario sa ulo niya saka napaluhod.

"Miggy stop it please" sabi ng matanda. May dumapong kalapati sa balikat ng bata at tila nagbubulong kaya biglang bumigkas ng dasal ang bata. "How did you know that spell?" tanong ni Hilario pero tinuloy ng bata yung binibigkas niya.

Ilang saglit lumabas yung binata ng bahay, si Hilario parang robot na naglalakad pero tumigil siya. "Nakakalimutan mo promise mo" sabi ng bata kaya pinagdikit ni Hilario mga kamay niya, may hinulma siyang bola ng liwanag at natuwa si Miggy pagkat nakita niya laman nito ay panay tsokolate.

"Umalis ka na, wag kayo mag trespass. Sige ka papakulong ka ni lolo. Judge siya" sabi ng bata kaya lumabas si Hilario at bumalik sa mga kasama niya.

"Hilario, saan ka galing?" tanong ni Filomena. "Ha? Ah.." bigkas ng matanda. "Biglang naalis yung sumpa kay Chester" sabi ng matandang babae. "Ganon ba? Mabuti naman" sagot ni Hilario. "Saan ba kayo galing na dalawa? We scanned the whole area at wala naman daw sila nabasa na memorya kung saan kumukuha sila tulong ng bruha" sabi ni Filomena.

"Then our job here is finished" sabi ni Hilario. Lumapit si Filomena, "Something is wrong with you" sabi niya. "What do you mean?" tanong ni Hilario. "Pati ikaw, nabura mga memorya niyo" sabi ni Filomena saka napatingin sa bahay nina Miggy.

Ang batang lalake nakatayo sa harapan ng bahay kasama pusa niya. "Why is that boy awake?" tanong ni Filomena. "Why does he have a wand?" tanong ni Danny kaya naglabasan sila ng wands nila. "Bata lang yan! Itago niyo mga armas niyo" sigaw ni Filomena.

Lumapit si Miggy, sinalubong siya ni Filomena. "Hello little boy" bati ng matanda at napangiti si Miggy. "Safe, he is not a magical being" sabi ni Danny. "I know, I can sense it" sabi ni Filomena na lumuhod saka hinaplos pisngi ni Miggy. "Oh are you here to return the wand of my friend?" tanong niya. "No, this is mine" sabi ng bata.

"Yours?" tanong ng matanda. "Yes this is mine, you are all bad people because you go inside the houses. It is trespassing. My lolo said you can go to jail" sabi ng bata. "Hahaha very intelligent boy, can you return that to me? I will you go another one instead" sabi ni Filomena.

"No, I like this. This one is nice" sabi ng bata saka tinutok yung wand sa noo ng matanda. Umalma yung iba, tinaas ni Filomena kamay niya para sabihin ayos lang siya. "You will all forget you saw me" bulong ni Miggy. "What?" tanong ni Filomena.

"You all will forget you saw me. Makakalimutan niyo nakita niyo ako" bulong ni Miggy saka napaatras si Filomena pagkat biglang nagbulong ng orasyon ang bata. "He is the..." sigaw niya pero paglingon niya tulog na lahat ng mga kasama niya.

Humarap si Filomena sa bata, nilalabanan ng matanda yung antok habang si Miggy lumalapit sa kanya. "Ayaw ko na bumalik kayo kasi baka saktan niyo ulit sina mama at papa ko. Pati si ate pinatulog niyo. Tapos pumapasok pa kayo sa bahay ng iba"

"Bad people kayo...wag na wag na kayo babalik dito ha. Pag naalala niyo ako uutot din kayo ng sobrang lakas sige kayo. Paki sabi kay lolo salamat sa chocolates pala. Bye lola" sabi ng bata kaya si Filomena biglang napahiga at nakatulog.

Ilang minuto lumipas nagising ang lahat pero parang normal lang na pabalik na sila sa kanilang mga sasakyan. "So mission accomplished" sabi ni Hilario. "Yes sir, all is normal dito sa area. Mga loko loko lang siguro na nananakot gamit ang mga paputok" sabi ni Danny.

"Nagsayang lang tayo ng oras, oh well let us go" sabi ni Filomena. "Oh come one Filomena, we are all here to protect the normal people. Alam mo naman ano mangyayari pag nalaman nila totoo yung mga magic users o kaya yung mga sumpa sumpa" sabi ni Hilario.

"Yes I know oh by the way salamat daw sa mga tsokolate" sabi ni Filomena. "Anong tsokolate?" tanong ni Hilario. "Ewan ko, di ko din alam bakit ko sinabi yon" sabi ni Filomena. "Nevermind, tell the institute we are done here. Tell them to take down the barrier" sabi ni Hilario.

Pagalis ng mga kotse nila sinara na ni Miggy bintana niya saka pinuntahan kwarto ng kanyang mga magulang. Nakita niya papa niya nakaupo kaya bumalik na siya sa kwarto niya. Nakita niya sa bintana si Althea na kumakamot sa ulo at pabalik na sa kama kaya ang bata nahiga na at napangiti habang pinagmamasdan wand niya.

Continue Reading

You'll Also Like

65.3K 4.8K 56
In their previous life, taehyung had been overweight. His face was covered in acne. Yet jungkook still forcefully ate him up. Exactly how much did h...
204K 9.8K 54
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
110K 4.4K 43
(This is not machine translated!) (Starts from chapter 241.) A guy in his late twenties one day wakes up in someone else's body and realises he's gon...
572K 18.5K 163
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Alternative: 空间之农家女是团宠 Author: 小糊涂大仙 Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with...