Rosa Magica

Door EMbabebyyy

11.2K 1.9K 381

Ano'ng gagawin mo kung sakaling bibigyan ka ng isang mahiwagang bulaklak? Isang mahiwagang bulaklak na kayang... Meer

ROSA MAGICA
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabindalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabinlimang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabingwalong Kabanata
Huling Kabanata
ROSARIA
AUTHOR'S NOTE

Ikalabimpitong Kabanata

346 73 19
Door EMbabebyyy

Ikalabimpitong Kabanata

Lumipas ang maghapon pero hindi ako pinansin ni Jairo. Kahit anong pagpapapansin ang gawin ko ay parang balewala lang sa kanya. Nawalan din ako ng pakialam sa mga taong nakakakita sa katangahan ko. Parang wala lang sa akin kahit na pag-usapan nila ako.

Argh!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Desperada na akong makuha si Jairo kaya ginamit ko ang pulang talulot, pero bakit hindi iyon gumagana sa kanya?!

Uwian na namin kaya sinundan ko si Jairo sa parking lot. Naabutan ko naman siya pero hindi ko inaasahang kasama niya pala ro'n si Jorina. Nakita kong nagyakap silang dalawa at nang kumalas sila ay parehong may ngiti sa kanilang mga labi.

Pilit kong pinakalma ang sarili nang makitang umalis na si Jorina. Bago pa makasakay sa kotse si Jairo ay nilapitan ko na siya.

"Sydney! Ano—"

Agad ko siyang sinunggaban ng halik. Ngayon ko lang ginawa 'to, ngayon lang ako humalik ng isang lalaki. Pero wala na akong pakialam kung malaman ni Jairo na hindi ako marunong humalik. Ginagawa ko 'to dahil nagbabakasakali ako na ito ang paraan para gumana ang kapangyarihan ng pulang talulot.

Ilang saglit pa'y itinulak ako ni Jairo palayo sa kanya at inis na tiningnan.

"Sydney! What the hell are you doing?!"

Napahawak ako sa labi ko habang nakatulala kay Jairo. Wala pa ring epekto?

Napasabunot ako sa aking buhok saka napaupo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Gustong-gusto kong mapasaakin si Jairo! Pero paano mangyayari 'yon kung ayaw tumalab ng kapangyarihan ni Rosa sa kanya?!

B'wisit naman kasing bulaklak 'yan! Bakit kay Jairo pa siya pumalpak?!

"Sydney," tawag ni Jairo kaya napatingin ako sa kanya.

Nakaupo na rin siya kaya naging magka-level kami.

"Bakit hindi umeepekto sa 'yo ang kapangyarihan?" wala sa sariling tanong ko.

Nangunot ang kanyang noo. "Anong kapangyarihan?"

"Si Rosa . . . bakit hindi tumatalab sa 'yo ang kapangyarihan niya?"

"Sydney, hindi kita maintindihan."

"Bakit hindi tumatalab sa 'yo ang kapangyarihan ng mahiwagang bulaklak na 'yon?! Bakit hindi natutupad ang kahilingan ko na mahalin mo rin ako?! Bakit hindi natupad ang hiling ko sa pulang talulot?!"

Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw at mapaiyak. Halos magwala na rin ako sa parking lot. Ilang beses ko ring sinubukang halikan uli si Jairo pero itinutulak niya lang ako palayo.

"Bakit mo 'ko itinutulak?! Ayaw mo ba sa halik ko?! Ayaw mo ba sa akin?!" sigaw ko sa kanya.

"Sydney! Please, calm down! Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa 'yo at nagkakaganyan ka!"

"Bullshit! May ibinigay na kakaibang bulaklak sa akin ang isang napakagandang babae! Sinabi niya na kayang baguhin ng bulaklak na 'yon ang buhay ko! Bawat talulot ay may katapat na kahilingan. Halos lahat ng hiniling ko sa bulaklak na 'yon ay natupad. Yumaman kami. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Nagkaroon ako ng kakayahang marinig ang usapan ng ibang tao. Pero bakit ayaw gumana sa 'yo?!"

Gulat na gulat si Jairo, para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"A-ano'ng . . . i-ibig mong sabihin?" nauutal niyang tanong.

"Hiniling ko sa kakaibang bulaklak na 'yon na sana ay mahalin mo rin ako! Na sana ay mapasaakin ka! Pero bakit ganito?! Bakit hindi natupad ang kahilingan ko?!"

Sinubukan niya akong lapitan pero lumayo ako.

"Lahat ng 'to . . . lahat ng hiniling ko . . . lahat ng 'to ay dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Gusto kong yumaman dahil bukod sa gastusin sa pamilya namin ay gusto kong bumagay sa 'yo. Gusto kong maging pareho tayo ng estado sa buhay. Gusto kong yumaman dahil gusto kong maging bagay tayo."

"Sydney . . . h-hindi mo kailang—" itinaas ko ang kanang kamay ko, senyales na pinahihinto ko siya.

"Yumaman kami . . . pero napagtanto ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Ayokong ma-friendzone kaya umiwas ako sa 'yo. Umiwas din ako dahil sa takot ko na mas lalo akong mahulog sa 'yo. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko napigilan ang nararamdaman ko. Tuluyan pa rin akong nahulog sa 'yo."

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nagsasalita. Nalalasahan ko na rin ang luha ko dahil sa walang tigil na pag-agos nito sa aking mga pisngi.

"Nagselos ako sa inyo ni Jorina. Pakiramdam ko'y pinalitan niya ako sa buhay mo. Pakiramdam ko'y inagaw ka niya sa akin. At dahil sobrang desperada na ako, hiniling ko kay Rosa na sana'y maging akin ka. Na sana'y mahalin mo rin ako. Pero hindi iyon natupad."

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luhang umagos sa aking pisngi.

"Pero tingin ko . . . alam ko na kung bakit hindi natutupad ang hiling ko." Tumingin ako kay Jairo habang nakangiti. "Dahil kaibigan lang ako para sa 'yo. Hanggang magkaibigan lang talaga tayo."

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Jairo. Walang nagsasalita. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Hanggang sa maisipan kong humakbang palayo sa kanya.

"Sydney . . ." sinubukan niya akong lapitan pero pinigilan ko siya.

"Jairo, please . . . huwag mo muna akong lapitan. Please . . . huwag mo rin akong susundan. Hayaan mo muna akong mag-isa. Hayaan mo muna akong mag-isip. At hayaan mo muna akong tanggapin ang katotohanang iyon."

Pagkasabi ko n'on ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Siguro nga, iyon ang dahilan kung bakit hindi natutupad ang hiling ko. Ang katotohanang hindi maaaring maging kami. Na hindi kami para sa isa't isa.

***

Umuwi ako sa bahay nang may mugtong mga mata. Huminto na sa pag-agos ang mga luha ko pero parang wala na ako sa aking sarili. Mabuti nga at nakauwi pa ako.

Nasa labas pa lang ako ng pinto ng bahay namin ay may naririnig na akong sigawan sa loob. Para naman akong nagising dahil sa mga naririnig ko. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga magulang ko na nag-aaway.

"Hayop ka! Dito pa talaga sa pamamahay natin?! Dito pa talaga kayo gumagawa ng milagro ng babae mo?!" sigaw ni Nanay na sa tingin ko'y ipinaparating niya kay Tatay.

"E, ano ngayon? Bahay ko rin naman 'to, a! May karapatan akong gawin kung ano'ng gusto ko sa bahay na 'to!" sigaw naman ni Tatay.

"At may karapatan din ako na palayasin ka sa pamamahay na 'to!" Lumapit si Nanay kay Tatay at pinaghahahampas ang asawa. "Lumayas ka rito! Kayo ng babae mo! Mga hayop! Nakakadiri kayo!"

Humagulgol ang nanay ko at tuluyang napaupo sa sahig. Noong una'y hindi ko malaman kung ano'ng nangyayari sa mga magulang ko, pero nang makita ko ang nakahubad na katawan ng tatay ko at tanging boxer short lang ang suot at ang katulong namin na may balot ng kumot ang katawan ay napagtanto ko na kung ano'ng nangyayari. Nagkabukingan na.

"Oo, sige! Lalayas kami! Aalis na ako rito sa bahay na 'to kung iyon ang gusto mo! Ayoko na rin namang tumira sa pamamahay na 'to! Ayoko nang makasama ang isang babae na lulong sa pagsusugal! Ayoko nang makasama ang isang babae na naturingang asawa ko pero hindi naibibigay ang pangangailangan ko!"

"Kaya ba niloko mo 'ko?! Kaya ba nagpakasarap ka sa piling ng babaeng iyan?!" itinuro ni Nanay si Ate Shahara na hindi ko kinakitaan ng takot sa maaaring gawin ni Nanay sa kanya. Mukha ngang masayang-masaya pa ang bruha.

Parang hindi ako napapansin ng mga magulang ko. Patuloy lang sila sa pag-aaway. Patuloy lang sila sa pagpapasahan ng mga masasakit na salita. Patuloy lang sila sa pagsisisihan, pero pareho naman silang may kasalanan.

"Oo! Nagpakasarap ako sa piling niya dahil naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko! Parang siya ang naging asawa ko sa pamamahay na 'to! Siya ang nag-aasikaso ng pagkain ko, ng mga damit ko. Siya rin ang nagpapasaya sa akin. Siya ang nag-aalis ng pagod ko! E, ikaw? Ikaw nga ang tunay kong asawa pero nasaan ka? Nandoon ka sa sugalan kasama ang mga kaibigan mo! Mas gusto mo pa silang kasama kaysa sa amin ng anak mo!"

"Ikaw rin naman noon, a! Abalang-abala ka sa trabaho mo, halos araw-araw ay nag-o-overtime ka! Wala ka na ring oras sa amin—sa akin! Kaya hindi mo 'ko masisisi kung naghanap ako ng mapaglilibangan! Mabuti nga ako at sugal lang ang napaglibangan ko. E, ikaw? Babae!"

Nakatingin lang ako sa mga magulang ko na nagtatalo, at habang tinitingnan ko sila ay bumuhos na naman ang luha sa aking mga mata. Gusto kong tumakbo palayo. Gusto ko silang patigilin sa pagsisigawan. Gusto ko silang sumbatan. Pero hindi ko magawa. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Parang nanigas ang katawan ko. Hindi ako makagalaw.

Kung alam ko lang na magkakaganito ang pamilya namin, sana'y hindi na lang kami yumaman.

"Lumayas ka rito! Kayo ng malanding putang 'to!"

Pumasok si Nanay sa kuwarto nila ni Tatay at inilabas ang lahat ng damit ng tatay ko. Inihagis niya 'yon sa asawa at saka pinagtulakan palabas ng bahay. Pati si Ate Shahara ay itinulak niya kahit na nakahubad ang babae. Nasa gilid lang ako at pinanonood na magwala ang nanay ko habang pinupulot naman ng tatay ko ang mga damit niya. Sumakay sila ng katulong namin sa kotse saka umalis. Pumasok uli ng bahay si Nanay at isinara nang mabuti ang pinto saka nagkulong sa kanilang kuwarto.

Naiwan ako sa sala na nakatulala habang umaagos ang mga luha sa pisngi. Pilit kong isinisiksik sa utak ko ang mga nangyari mula kanina sa school hanggang dito sa bahay.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kasalanan ko kung bakit nasira ang pamilya ko. Kasalanan ko kung bakit nasira ang pagkakaibigan namin ni Jairo. Ako ang may sala kaya nawala ang scholarship ko. Ako ang may kagagawan kaya naagaw ni Jorina ang puwesto ko sa honor. Kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito . . . kung bakit naging ganito ang buhay ko.

Makasarili ako.

Nakuha ko ang lahat ng gusto ko nang hindi iniisip ang ibang tao. Hiniling ko ang mga bagay na sarili lamang ang iniisip. Gumawa ako ng mga desisyon na walang ibang inisip kundi ang sarili. Sarili ko lang ang inisip ko. Ayokong masaktan kaya ginawa ko ang mga desisyong hindi ko dapat ginawa. Iniwasan ko ang mga pagsubok na maaaring makasakit sa akin, pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to.

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kuwarto ko. Inilabas ko mula sa cabinet ang mahiwagang bulaklak at ang lumang papel. Kusang gumalaw ang mga kamay ko upang pitasin ang kulay puting talulot.

Pinagmasdan ko pa ang bulaklak na ngayon ay may isang talulot na lang. Ang bulaklak na ito ang naging daan para makamit ko ang yaman na hinahangad ko. Ito ang naging dahilan kung bakit guminhawa ang buhay namin. Ito rin ang naging daan para maranasan ko ang mga bagay na hindi ko nararanasan noon gaya ng pagsha-shopping ng mga mamahaling gamit, pagbili ng kotse, pagkain ng masasarap, at pagpunta sa bar.

Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko. Ang perang nakuha ko mula rito ang naging mitsa sa relasyon ng nanay at tatay ko. Ang kakaibang bulaklak din na 'to ang naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan bukod kay Jairo. 'Yon nga lang, plastik ang nakuha ko.

Si Rosa rin ang nagdala sa akin sa bar. Ito rin ang ginamit ko para mabili ang lahat ng gusto kong bilhin. At ito rin ang dahilan kaya ko nasabi kay Jairo ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.

Muling tumulo ang mga luha ko. Sa una lang pala talaga masaya ang lahat. Darating talaga 'yong oras na mapapagod ako at susuko dahil sa bigat ng dinadala. Darating 'yong punto na ako na mismo ang magsasabi ng mga katagang, "Ayoko na. Pagod na ako." At darating talaga ang panahong hihilingin ko rin na sana . . . hindi na lang nangyari ang lahat ng ito.

Inilapit ko na sa aking bibig ang puting talulot at saka bumulong.

"Ayoko na ng ganitong klase ng buhay. Gusto ko nang bumalik sa dati, 'yong panahong hindi ko pa nakukuha ang bulaklak na 'to. 'Yong panahong . . . masaya pa ako kahit na wala ang mga bagay na meron ako ngayon."

Huminga ako nang malalim at kasabay noon ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha. Kung matutupad man ang mga hiniling ko, alam kong hindi ko na 'yon mararanasan pa dahil mawawala na ako sa mundong 'to. Dahil iyon ang kapalit ng paghiling sa puting talulot.

Pero . . . kung mabubuhay akong muli, sana . . . sana hindi ko na maranasan ang ganito. Kung sakali namang hindi na ako makabalik sa mundong ito, sana ibalik na lang sa dati ang buhay ng mga magulang ko. Kahit sila na lang ang bumalik sa dati. Isama na rin si Jairo. Kahit sila na lang . . . sila na mga mahal ko sa buhay.

"Hoc volo."

Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at naramdaman ko na unti-unting nawawala sa aking kamay ang talulot na hawak ko. Naging abo na ito at tinangay ng hangin.

Nang mawala ang puting talulot ay biglang nagliwanag si Rosa. Sobrang liwanag na akala ko'y mabubulag na ako. Sobrang liwanag na parang pumasok ang araw sa aking kuwarto.

Ilang saglit pa'y nawala na ang liwanag at nagulat ako nang makitang nalanta na ang kakaibang bulaklak na ibinigay sa akin ni Rosaria. Nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo kaya napahawak ako rito. Segundo lang ang lumipas, nakaramdam naman ako ng paninikip ng dibdib hanggang sa mapahiga na ako sa sahig. Damang-dama ko ang sakit ng pagkakabagsak ko.

Napatingin uli ako sa bulaklak. Kusang nalagas ang itim na talulot mula rito at para bang naging slow motion ang pagbagsak nito sa sahig. At habang ito'y nasa ere, nakita ko ang ilang masasayang pangyayari sa buhay ko bago dumating ang kakaibang bulaklak na ito.

Nakita ko ang isang pamilya na sabay-sabay na kumakain sa hapag habang may ngiti sa kanilang mga labi. Masayang-masaya sila kahit na pritong talong at nilagang itlog lang ang ulam nila. Masaya silang nagkukuwentuhan tungkol sa mga pangarap nila sa buhay. Iyon ang pamilya ko . . . ang pamilya ko na ngayo'y wasak na.

Nakita ko rin ang isang babae at isang lalaki, na masayang nagkukuwentuhan habang kumakain ng street food. Nagbibiruan silang dalawa at nag-uusap tungkol sa mga homework at project sa school. Nakita ko pa ang eksena kung saan nagkaroon ng sauce ang gilid ng labi ng babae at inalis 'yon ng lalaki gamit ang kanyang daliri. Nagkatitigan pa silang dalawa, at matapos ang ilang minutong pagtititigan ay pareho silang nag-iwas ng tingin na parang nahiya sa isa't isa. Kami 'yon ni Jairo. Kami 'yon ng best friend ko.

Naramdaman ko ang tuluyang panghihina ng aking katawan. Masaya ako noong hindi pa dumarating ang kakaibang bulaklak na ito sa buhay ko. Pero ngayon ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mga pangyayaring iyon.

Tuluyan nang bumagsak ang itim na talulot na ngayo'y lanta na sa sahig. Kasabay rin n'on ang tuluyang pagpikit ng aking mga mata.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
7.1M 277K 46
Standalone novel || After hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming dan...
1.9M 53.2K 40
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...