Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 22

255K 4.6K 94
By Aver_Cris

Lulan na kami ng sasakyan ngayon at papunta na sa pupuntahan naming restaurant. Nakasandal ako ngayon sa balikat ni Ken habang nakayapos sa kanyang kanang braso. Ang mga mata namin ay nasa daan at komportable ako sa posisyon namin ngayon.

“Gutom ka na ba?” biglaang pagbabasag niya sa katahimikan.

“Hindi pa naman.”

“Okay.”

“Malapit na ba tayo?”

“Oo.”

Napaangat ako ng aking ulo nang madaanan namin ang kanyang kumpanya. “H'wag mong sabihin na...” I paused. Lumilipad ngayon ang isip ko.

“Ayaw mo bang kumain tayo ro'n sa La Ignacio?”

“Hindi naman pero...” hinarap ko siya at binasa ang aking ibabang labi. “masyadong mahal do'n, 'di ba? Ni ang tubig ay umaabot sa halagang ₱150.00 tapos do'n mo pa ako dadalhin? Ken, mapapagastos ka na naman. Do'n tayo sa ibang restaurant.”

Ang La Ignacio ay restaurant para sa mga artista, mayaman, modelo at mga taong nagtatrabaho sa Gobyerno o kasapi niyon. Masyadong mahal ang mga pagkain do'n at kailangan may room kang pipiliin. Madodoble lang ang paggastos niya ngayong gabi. Okay na ako sa restaurant na hindi gaya ng La Ignacio.

“Nah, hindi naman.” nakangisi niyang wika habang ang mga mata ay nanatili sa daan.

Palibhasa eh mayaman!

“Don't worry about the money, okay? Makikita ko pa naman bukas 'yong magagastos natin ngayon.” dagdag pa niya.

I heaved a sigh at sinandal muli ang ulo sa kanyang balikat. “Bahala ka...” anong magagawa ko na rin? Papunta na kami ro'n. Natatanaw na namin ang La Ignacio.

Huminto na kami sa gilid niyon kung saan nando'n naka-park ang mga sasakyan. Mula sa salamin ng La Ignacio ay mapapansin ang pagdami ng tao ro'n. Everyone had their tossed, sa labas lamang 'yon ng mga rooms pero ang daming tao na agad and they looked happy. Sa rooftop ng La Ignacio ay makikita ang pagkakaroon ng maraming ilaw.

Bumaba na si Ken sa kotse matapos niyang iparada 'yon at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba na ako at na eexcite na kinakabahan sa surprise niya sa'kin. Sa dami-daming lugar, ba't sa La Ignacio pa niya naisip na i-surprise ako?

Hindi naman sa nag-iinarte ako pero inaalala ko ang perang magagastos niya ngayong gabi. Hindi ako sanay na dinadala sa gan'tong lugar. Para sa'kin, sobra na 'to.

Pumapayag akong kumain kami sa restaurant at ipatikim sa'kin ang mamahaling pagkain pero ibang usapan na pag sa La Ignacio.

“C'mon.” inilahad niya ang kanyang kanang braso sa'kin at agad ko 'yong niyapos. Naglakad na kami papasok sa loob ng La Ignacio.

“Welcome, Sir Ken.” bati ng Guard at may lumapit na lalaking waiter sa'min. “This way, Sir.” anito.

Nagtataka kong tinignan si Ken habang sumusunod na kami sa waiter. “Ba't parang kilalang-kilala ka nila?” pero hindi lang siya palabatiing tao.

“Madalas ako rati rito.”

“Ah,” kaya pala. “Bakit?”

“Sometimes, I got invited by some wealthy people and this is actually a place where we had fun and talked about our agendas.”

Tumango-tango ako. Siguro, iyon 'yong mga panahon na wala akong pake sa kanya at na kay Dave lamang ang aking atensyon. Marami pa akong 'di alam sa kanya pero palagay na ang aking loob.

Huminto ang waiter sa tapat ng isang pinto at nagbigay ng daan.

“This is your room, Sir. Everything is okay na po and enjoy your meal with your wife.” sabay sulyap nito sa'kin.

Ken nodded his head, “Thanks.”

The waiter opened the door for us. “Have a nice night, Sir and Ma'am.” wika pa nito bago umalis na.

Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanyang serbisyo.

Pagpasok namin sa loob ay napasinghap ako nang makitang may three candles sa table at may petals ng roses do'n pati sa floor. The ambiance of this room is cozy and lovable. I'm comfortable with this. There is a soft music filled the air and I can't help but to feel the butterflies in my stomach.

“Surprise...” he said in a low and sexy voice.

Hinarap ko siya habang malawak ang ngiti sa labi. “This is...” I paused. “This is so romantic. Thank you.” and my eyes roamed the room. Ang pinapangarap kong dinner ay natupad ngayong gabi. Sa libro ko lang nababasa ang ganitong sorpresa ng lalaki sa babae at ngayon, nangyari na sa akin.

“You like it?”

“No,” I paused, still smiling widely. “I actually love it.”

“That's good to hear.” a smile form in his lips.

Naglakad na kami palapit sa mesa, maraming pagkain do'n at halatang mga special dishes ang nakahain. Mapapaiyak na lamang ako ngayong gabi sa nakikita.

This is really too much.

“Sobra-sobra na 'to.”

“Para sa'yo, gagawin ko ang lahat. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lamang.” he breathed. “Habang nabubuhay ako, walang pwedeng magbibigay sa'yo ng lungkot. Habang nabubuhay ako, ipaparamdam ko sa'yo araw-araw kung gaano kita kamahal. Habang nabubuhay ako, pasasayahin kita hanggang sa tumanda tayo't mamatay. You deserve that, love. You deserve that...”

“Thank you.” lagi na lang. Kapag nagbibigay siya ng mga nakakakilig na lines, walang ibang salita ang lumalabas sa bibig ko kung 'di ang ‘salamat.’

Tumawa siya nang mahina sa sinabi ko at pinaghila ako ng upuan. “Your welcome, love.”

Pagkaupo ko'y umupo na siya sa harap ko. “Gutom ka na?”

“Medyo.” napalabi ako.

A lopsided smile form his lips. “Okay, let's eat now.” dumampot siya ng kubyertos at gano'n din ako.

Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan. We talked about how our lives went when we are kids and teenagers. Marami akong nalaman sa kanya, mostly mga kagaguhan.

Tawa ako nang tawa habang kumakain. Naikuwento niya sa'kin ang mga kagaguhan na nagawa niya no'ng first year high school siya. Nagka-cutting classes siya when he got bored. Nagpapahabol siya sa mga Guards sa school na pinapasukan niya no'ng Intrams nila at marami pang iba.

Naikuwento ko naman sa kanya na tamad akong umattend sa JS Prom at sa kung anong event ng school namin noon. Bukod do'n, na i-kuwento ko sa kanya ang mga naging pangarap ko sa buhay. Tawa siya nang tawa habang nagkukwento ako. Naikuwento ko ang mga kalokohan na ginawa ng aking mga Kuya noon and suddenly, I missed my parents and brothers.

“Gusto kong umuwi ng La Union.”

Napahinto siya sa pagtawa at napakunot-noo. “Why?”

“I suddenly miss my family. Ang tagal kong 'di na sila nakikita.”

Kahit pa nakakausap ko sina Mama sa chat, sa video call or call ay ay iba pa rin kapag talaga 'yong nakikita at nakakasama ko sila. Ang mga Kuya ko'y may sarili ng pamilya at busy din kaya minsanan ko ring nakakachat.

“You want to visit them?”

“Yup.” and I nodded my head. “Plano ko pag nanganak na ako, dadalhin ko ro'n ang ating anak pati ikaw at ipapakilala ko kayo sa kanila.”

Tumango-tango siya habang umiinom ng red wine. Nagpatuloy ako sa pagkuwento habang si Ken ay tahimik na nakikinig sa'kin, sa sobrang pag ka-miss sa magulang, naikuwento ko sila sa kanya.

“You actually had a wonderful parents.”

“Yup, and I'm proud of that.”

“I wonder,” sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin sa tatlong kandila na sa harap namin. “if we become a parents, magagaya kaya tayo sa mga magulang natin? Kaya kaya natin na mapalaki ang ating anak in a good way?”

“Kaya natin 'yan.” hinawakan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa at ngumiti.

He smiled back and hold my hand. Tumayo siya't hinila ako patayo.

“Let's dance.”

“Teka, 'di pa ako tapos kumain.”

“Mamaya na 'yan ulit.” he smirked. “Pati ako kainin mo rin.”

Hinampas ko siya sa kanyang braso nang mahina at napatawa. “Loko.”

Tumawa rin siya, he encircled his one arm to my waist and his left hand still held my right hand. He began to sway his body so I do, too.

Habang sumasayaw kami nang dahan-dahan ay sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso, malakas 'yon at mabilis pero masarap sa taingang pakinggan.

Patuloy lamang kami sa pagsayaw nang magpalit kami ng pwesto. Gano'n na lamang ang pagkagulat ko when I saw a tarpaulin na may nakasulat na ‘Thank you, Ali. You're now my girlfriend and soon to be my wife, sana, ano? Enjoy this night with me, love. I love you.

Lumayo ako kay Ken at humigpit ang kanyang hawak sa'kin.

“Like that?”

Tumango ako. “Yes, I like that. I actually love that. I love you.”

I tiptoed and kissed him on his lips. Naramdaman kong ngumiti siya at hinawakan ang aking mukha, tumugon siya sa halik.

Masyado niya akong ini-spoil sa ganitong bagay, masyado niya akong binubusog ng kanyang pagmamahal.

“I love you too, I love you too, I love you too...” walang sawa niyang wika. “I do really love you.” pinagdikit niya ang aming noo at napapikit kami ng sabay pero sa pagpikit kong 'yon ay may lumandas na luha sa'king pisngi.

Sa sobrang saya ko ngayong gabi, napaiyak ako.

H'wag sanang matapos itong gabi na 'to. Ayaw ko nang matapos pa ito.

Nang magmulat na kami ng aming mga mata at nang makita niya akong umiiyak ay lumayo siya sa'kin and he used his finger to dry my cheeks.

“Stop crying.”

“I can't.” nag-uumapaw ang aking kaligayahan ngayon. This is a tears of joy, I can't help but to cry now while smiling like an idiot.

Niyakap niya ako pero 'di mahigpit dahil baka maipit ang aking tiyan. Char.

“Tahan na.” malumanay niyang boses.

“Sa sobrang saya ko, 'di ko kayang huminto sa pag-iyak.”

“Kung gano'n, iiyak din ako gaya mo.”

“Huh?” napahinto nga ako sa pag-iyak at gulat siyang tinignan.

He smiled, “Iiyak din ako dahil masaya rin ako ngayon. Masaya akong makitang masaya ka ngayon at ako ang dahilan niyon.” and breathed.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
976K 12.3K 61
[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti s...
3.2M 32.7K 49
This is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...