Always unwanted 💯

Door Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... Meer

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 19

10.5K 203 1
Door Dream_Secretly

MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Abala ang mga tito, tita at mga pinsan ko sa mga negosyo namin kaya minsan nalang talaga kami nagkakasamasama.

Si kuya naman ay nadadalas na rin sa kumpanya niya kasama si dad na tinutulungan siya. Si mommy naman ay abala rin sa kaniyang botique kaya madalas ay sinasama niya si cain at lola, lalo na kapag abala ako sa pagpi-paint.

Ngayong araw ay ako lang at si jethro sa bahay. Wala siyang gagawin ngayon kaya lakas ng loob na mag-ayang manood ng movie. Puyatan daw kami sabi niya. As if naman kaya niya eh alam ko namang kulang siya sa tulog dahil nga sunod sunod ang mga shows niya this past few weeks. Ngayon lang talaga naging libre ang araw niya.

"Gusto ko 'yong nakakatawa!" Sabi niya nang ayusin ko ang dvd sa sala.

"Horror nalang!" Giit ko.

"Di pwede. Takot ako sa multo!" Iling niya.

Natawa ako. "Ang laki mong tao jethro! Mahiya ka naman kay cain!" Natatawang sabi ko.

Sinimangutan niya lang ako at inirapan. Umiling nalang ako at umupo na sa tabi niya ng maayos ko na iyong papanuorin naming COMEDY. Siya muna ang boss ngayon kasi alam kong pagod siya.

Iyong pelikula ni vice ganda iyong pinapanuod namin, matagal na 'to pero ngayon ko lang napanuod kasi wala naman nito sa states. This guys in love with you pare ata ang title...kasama dito si luiz manzano at tony gonzaga.

Natatawa nga ako kasi ang lakas ng tawa ni jethro hindi tuloy ako makapag-focus sa panunuod. Sa hagalpak niya lang na nakakaawa ako natatawa eh. Para siyang bata na ngayon lang nakanuod ng comedy.

Napailing nalang ako at hinayaan siya kahit masakit minsan sa tenga. 'Yong tawa niya kasi minsan parang nang-aasar na eh. Nilalapit niya pa sa tenga ko ang bibig niya atsaka siya hahalakhak kahit nasa drama scene naman.

Hay nako.

Nang matapos naman ang movie ay nag-aya siyang pumunta sa botique ni mommy. Magpapasukat na daw siya para sa damit na susuotin sa launching ni mommy, sa mismong araw iyon ng party for a cause kaya lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga batang kapus palad at di makapag aral. Nasa finale kami ni jethro doon, first time ko iyon kaya kabado ako. Buti nalang at nangako naman si jethro na aalalayan niya ako.

"Nagpasukat kana ba sa mommy mo?" Tanong niya nang makabalik na ako sa sala pagkatapos kong magbihis.

"Alam na ni mommy sukat ko. Diba nga siya gumagawa ng mga damit na suot ko?" Sabi ko.

"Oo nga pala." Ngumisi siya. "Tara na?"

Tumango ako at sumunod na sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng frontseat ng sasakyan niya bago siya umikot papunta sa driver seat.

"Hindi ba magagalit manager mo?" Tanong ko.

"Nagpaalam na ako." Sabi niya naman habang nagmamaneho.

Tumango nalang ako at natahimik.

Nang makarating kami sa botique ni mommy ay kaagad nagsuot ng shades si jethro bago bumaba ng sasakyan.

"Salamat." Sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Marami kayang sinusukatan si tita ngayon?" Tanong niya.

"Ewan ko lang. Hindi ko natanong." Kibit balikat kong sagot.

Dumiretso na ako papasok sa loob. Maraming mga halatang mayayaman ang tumitingin sa mga naka-display na gowns ni mommy, ang iba pa dito ay tila may nagustuhan na.

Napangiti ako ng makita ang secretary ni mommy, buhat buhat si cain. Kumaway ako at agad lumapit dito. "Hi shiela! Hi cain!" Bati ko sa kanila.

"Awte!!" Utal na wika ni cain nang makita ako.

Natawa ako at kinuha ito ng akmang magpapabuhat na naman siya. Tiningnan ko si shiela na namumula na ang mukhang sumusulyap sa lalaking nasa likod ko.

Ngumisi ako. "Nasan si mommy?" Tanong ko.

Kumurap ito atsaka pilit na ngumiti sa 'kin. "Nasa o-opisina niya po! Nagsusukat ng mga customer!" Aniya.

Tumango ako at inabot kay jethro si cain. "Where is lola baby?" Tanong ko rito.

Umiling siya. "I downt know..." nguso niya.

Hinarap ko ulit si sheila. "Pwede ba kaming pumasok?" Tukoy ko sa opisina ni mommy.

"O-Opo!" Mabilis naman itong tumango.

Ngumiti nalang ako at hinili sila jethro. Naglalambingan ang dalawa kaya di ko maiwasan ang hindi ngumisi kapag naririnig ko ang bolahan nila sa isa't isa.

"Wag mo ngang turaan ng kalokohan!" Iling ko ng marinig kong tinuturuan niya ng kung ano ano si cain.

"Di kaya!" Depensa niya.

Napairap nalang ako at binuksan ang opisina ni mommy. Una kong nakita si fira sa gilid, may sinusukatan. Natawa pa ako kasi mukhang tsansing na ang ginagawa niya.

"Uy! Nandito si ganda at pogi!" Rinig kong sigaw ni jaya nang mamataan kaming papasok ng opisina ni mommy.

Natawa ako at kinindatan ito. "Victoria! Jethro!" Gulat akong nilapitan ni mommy at hinalikan sa pisngi. "Bat kayo nandito?" Tanong niya.

Ngumisi ako at hinalikan siya sa pisngi. "Magpapasukat po sana ako tita pero mukhang busy ata kayo." Sabi ni jethro atsaka inilibot ang paningin sa mga customer ni mommy. "Sa susunod nalang po." Aniya.

"Sigurado ka?" Tanong ni mommy rito atsaka ngumiti.

"Opo!" Masayang tugon ni jethro.

"Alam mo pogi kung gusto mo ako nalang ang magsusukat sa'yo!" Suggestion ni jaya na agad niyang tinanggihan.

Ngumiwi siya kaya pareho kaming natawa ni mommy. Ayaw na ayaw niya kasing nagpapahawak sa bakla. "Si tita nalang." Simpleng aniya.

"Ay sayang...." Dismayadong bulong ni jaya na narinig naman namin.

Nagkatinginan nalang kami ni mommy atsaka nagtawanan.

"Nga pala mommy, nasan si lola?" Tanong ko.

"Kinuha ng daddy mo, sasamahan lang magpa-check up." Aniya.

"Ngayon ho ba 'yong schedule niya sa check up? Sana pala ako nalang ang sumama sa kaniya." Sabi ko.

"Hayaan mo nang makapag-bonding sila ni lola mo...."Aniya.

Ngumuso nalang ako at tumango.

Sa bandang huli ay tumulong na rin kami ni jethro sa pagsusukat, dumami kasi ang customer ngayong araw. Tapos dalawa lang naman ang assistant ni mommy, si jaya at fira lang naman kaya tumulong na din kami. Pinaubaya na muna namin si cain kay sheila at sa mga staff.

"Jethro!" Tili ko nang hagisan niya ako ng mga retasong nagkalat sa sahig.

Sinamaan ko siya ng tingin ng tawanan niya lang ako. "Stop it!" Saway ko sa kaniya.

"What?" Pa-inosenteng tanong niya.

"May sinusukatan ako!" Irap ko na natatawa na rin sa kakulitam niya.

Naiiling nalang sa'min sila mommy. Sanay na kasi sila sa asaran naming dalawa ni jethro at sa huli alam nilang ako ang talo. Kainis diba?!

"Wala akong ginagawa sa'yo." Natatawang aniya.

"Whatever!" Umirap nalang ako at nag-focus sa ginagawa.

Sinusukatan ko na ang maliit na baywang ng model na isasali ni mommy sa launching. Hindi ko pa ito kilala pati ang iba dahil mga pilipino at mga bagong mukha ang mga sinali ni mommy. Mukha naman silang mabait kasi ang tahimik nila ngayon eh siguro kasi naiilang rin sila kay jethro.

"Girls! Isang practice lang tayo bago ang big event ha? Alagaan ang mga katawan! Bawal ang tumaba o pumayat!" Paalala ni fira sa mga model bago pauwiin ang mga ito.

"Okay fira!" Sang-ayon ng mga ito.

"Good." Sagot niya.

Nang magsialisan na ang mga dancer ay napabagsak kaming lahat ng upo sa sofa. Nakakapagod pala.

"Hay grabe! Na-stress ang beauty ko! Buti nalang at tumulong itong dalawa." Turo ni jaya sa'min.

Tumawa ako. "Oo nga! Kung wala kayo baka baog na ako ngayon!" Sabat pa ni fira.

"Bakit? gusto mo na bang bumuntis ng babae?" Banat ni jaya.

"Gaga! Paano ang mga papa ko! Baka diko sila mabigyan ng anak, iwanan pa ako."

"Tanga! Wala kang matris wag kang ano diyan! Atsaka hanggat may trabaho ka hindi ka iiwan ng mga papa mo!" Banat pa ni jaya kay kira.

Natatawa nalang ako sa mga away nila. Napatingin ako kay jethro ng mapansing tahimik na ito. Nakasandal na siya sa upuan at nakapikit. Napagod nga talaga ata.

"Napagod ata victoria." Sabi ni mommy nang mapansing tiningnan ko si jethro.

Tumango ako. "Knock out na po eh." Sabi ko.

Napailing ito atsaka sinilip si jethro na kaagad nang nakatulog. "Ang mabuti pa ay ibili mo muna siya ng kape diyan sa coffee shop sa labas para mahimasmasan." Sabi ni mommy.

Tumango ako at kaagad na tumayo para abutin ang bag ko sa mesa niya. "Idamay mo na kami victoria ha?" Hirit ng dalawang bakla.

"Sure!" Sabi ko sa kanila bago lumabas ng opisina ni mommy.

Nilapitan ko si cain ng makitang tulog na tulog na ito sa sofa. Mag unan na nakaharang sa kaniya kaya hindi siya nahuhulog. Yumuko ako at banayad siyang hinalikan sa noo.

"Kanina pa po siya nakatulog sa kakalaro." Sabi ni sheila sa likod ko.

Hinarap ko siya at nginitian. "Salamat sa pagbabantay sa kaniya." Sabi ko.

"Walanganuman ho!" Masayang aniya.

Natawa nalang ako at nagpaalam na sakaniya. Nginitian ko ang mga staff at customer na nadadaanan ko. Actually, kahit yata mga hindi ko kilala nginingitian ko. Ayoko ko kasing ipagdamot ang kakaunting ngiting kaya ko namang ibigay sa lahat.

"Welcome ma'am!" Bati ng guard sa'kin ng pagbuksan niya ako ng pinto ng coffee shop.

"Thank you." Ngisi ko rito.

Dumiretso na ako sa counter habang nasa bag ang mga mata, kinakalkal ko kasi kung nasan ang wallet ko. Masyado kasing maliit iyon kaya mahirap hanapin.

Ay! Sh*t!

Nabigla ako ng tumama ang katawan ko sa kung sino. Hindi ako na-out of balance o ano kasi napahawak agad ako sa.....sa damit niya!

"S-Sorry!" Hinging paumanhin ko rito atsaka bahagya umatras palayo sa kaniya. Nakayuko lang ako. Nahihiyang mag-angat ng mukha. Nakakahiya!

Nakagat ko ang labi ko at nang akmang lalagpasan ko na siya ng bigla niyang banggitin ang dati kong pangalan.

"Aria...."

Napatigil ako at nanigas sa kinatatayuan ng makilala ko ang boses niya. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam ko na agad na siya itong nabangga ko. Alam ko.

Alam ko kasi....kabisado ko na ang boses niya.

Matagal kong hinihiling noon na sana makausap ko siya. Na sana makita ko man lang siya....ito na ba 'yong katuparan sa kahilingan ko?

Nangilid ang mga luha ko pero pinigilan kong makita niya pa 'yon. That's too much!

Hindi niya na dapat makita pang apektado ako sa presensiya. Hindi niya na dapat malaman na hanggang ngayon at sa kabila ng mga ginawa niya ay mahal ko pa rin siya.

"Can we talk?" Tanong niya sa malambot na tono.

Napalunok ako at pilit na pinatatag ang sarili.

Diretso ko siyang tinitigan sa mga mata.

"Sige skyrile." Mapait akong ngumiti. "Mag-usap tayo." Madiing sabi ko.

"Marami akong gustong malaman tungkol sa'yo at sa pinsan ko na asawa mo na ngayon."

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

22.4K 2K 22
𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟐 𝗥𝗮𝘁𝗲𝗱 𝟭𝟴 | 𝗧𝗵𝗲𝗺𝗲𝘀, 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲, 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗡𝘂𝗱𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝗲𝘅 Unedited 𝐓𝐡𝐞 𝐝𝐲𝐧𝐚𝐬...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
44.9K 3.5K 41
[Completed] Jade Kyrie Archer is a beautiful and smart woman but she experienced to much pain from the past. Her parents and her older brother died b...
112K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...