Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 320K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XXXV.

119K 4.9K 949
By CloudMeadows

Gemma

"Rose? Ikaw na naman ba nagkalat dito?" Nakita ko yung basag na vase pagkapasok ko palang. Si Rose lang naman ang alam kong clumsy at isa pa bukas na yung pinto pagkadating ko kaya siya agad ang naisip ko.

"Hoy Rose may kailangan akong ikwento sa'yo...Rose?" Napakunot noo ako. Wala rin siya sa kitchen.

"Nakatulog ka na naman ba sa kwarto ko?" Nakita ko yung pinto ng kwarto ko na bukas kaya napabuntong hininga ako. Sabi ko na nga ba andito lang siya.

"Ro.." My room is a mess. Napatigil ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Sakto namang nag ring yung phone ko at tumambad yung pangalan ni Rose sa screen kaya agad ko itong sinagot.

"Girl! Nakauwi ka na ba? Gusto mong sumama sa akin ngayon sa bagong bukas na club sa ***? Doon daw kami mag rereunion ng mga ka batch ko noon sa high school, mas maganda kung ipakilala kita sa kanila. Talino ko no? Para naman hindi puro bahay ang alam mo at isa pa baka makahanap mo doon si Mr...."

"Saan ka?"

"Huh?"

"Saan ka?"

"Ha? Ah nasa bahay, bakit?"

"Hindi ka nagpunta dito?"

"Girl hindi, magdamag lang aketch ditey sa bahay. Bakit?"

Sh*t.

"Gemma? Hello? Uy keribels ka lang ba diyan?"

"Sigurado ka ba?"

"Anong sigurado ako? Ako naguguluhan sayo Gemmy ha."

This is not good. Napatakbo ako sa mga drawer ko at nagsikalat din yung mga gamit ko doon. Pati yung mga damit ko sa closet nagkalat rin sa sahig. Para bang may bagyo na dumaan sa kwarto ko at nakakapanlumong tignan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kung hindi lang nagsalita si Rose sa kabilang linya.

"Gemma? Kung hindi ka pa sasagot, pupunta na talaga ako diyan. Linapakaba mo aketch dito. Di ka na funny."

"Rose..."

"Ano? Hoy ba't ka nanginginig? Ayos ka lang ba talaga?"

"May nakapasok dito sa bahay. Gulong-gulo lahat ng gamit ko dito sa kwarto." Nilapitan ko yung mga gamit ko para i-check kaso mukhang wala namang nakuha ni isa. Sunod na pinuntahan ko yung jewelry box ko, kokonti lang ang laman non pero puro bigay ni mama. Napansin kong natanggal yung lock nito at pagkabukas ko, gulo gulo ito kaso wala ring nawawala. Kaso napatingin ako sa isang baseball bat na hindi ko natatandaan na andito.

"Tatawag na ako ng pulis."

"Huwag! May kailangan muna akong tignan."

"Jusko naman mas pinapakaba mo ako."

Kung ang inaakala ko mas nakakagulat ang nangyari dito, nagkakamali ako. Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa dating kwarto ni mama at doon ko nakita kung paano nawasak ang pinto nito at katulad nung nasa kwarto ko, gulong gulo rin lahat ng mga gamit dito. Para bang may galit kung sino man ang pumasok dito at ni isa bagay dito sa kwarto ay hindi pinatawad. Lahat wasak, lahat sira.

"R-Rose..."

"Bakit Gemma? Mas maigi kung lumabas ka na sa bahay na yan."

"Yung kwarto ni mama..."

Napahinto ako nang may marinig akong yabag ng paa mula sa attic. Tumayo lahat ng balahibo ko at nahihirapan na akong huminga dahil sa tinding kaba.

"Gemma? Naririnig mo ba ako? Lumabas ka na sa bahay na yan! Isa pa ala una ng umaga ngayon, paniguradong magnanakaw yung nakapasok diyan!"

Papalapit nang papalapit yung yabag ng mga paa at mukhang pababa na ito. Hindi ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko at hindi ko na rin maproseso yung sinasabi ni Rose sa kabilang linya. Mas pabilis nang pabilis yung kabog ng dibdib ko habang papalapit din yung naririnig kong yabag. Hindi ko alam kung may iba talagang tao dito sa bahay o nag i-illusion lang ako.

Medyo napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may mabasag sa taas. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo. Para bang may galit na naghahagis ng mga gamit sa itaas at mukhang sinasadya niya ngayong andito na ako at mag-isa pa. Mas lalo akong kinabahan lalo na't madaling araw na at walang masyadong kotse na napapadaan dito sa bahay at wala ngayon yung mga kapit bahay kasi nagsi-uwi sila sa kani-kanilang probinsya ngayong papalapit ang pasko.

Paano kung ito na ang katapusan ko?

Paano kung maabutan niya ako at patayin?

Gusto kong sumigaw ng tulong kaso nanunuyo lang ang lalamunan ko at gaya ng sabi ko, walang masyadong katao tao.

"Gemma tumakbo ka na!"

Sakto namang huminto yung ingay sa taas, wala na akong inaksayang oras at tumakbo papalabas ng bahay. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero may naririnig akong yabag ng paa na parang tumatakbo mula sa likuran ko. Natatakot akong lumingon dahil pakiramdam ko meron talagang tao na sumusunod sa akin. Namamanhid na yung buong paa ko kakatakbo kaso hindi ko ito ininda at mas binilisan ko pa. Malapit na ako sa gate ng subdivision namin, konti nalang at nakita ko pa yung guard na....nakabulagta? Doon na ako napahinto at nanlalaki ang matang napatingin sa guard na halos mamutla na.

Sisigaw na sana ako ng tulong pero nakaramdam ako ng malamig na presensya sa likod ko at ang malalamig na kamay nito sa bibig ko. Sinubukan kong sikuin kung sino man ito kaso napakalakas niya. Naiiyak na ako sa takot at nanghihina na ako sa kapupumiglas hanggang sa nandilim na ang paningin ko.

****

"Gemma!" Naramdaman kong may tumatapik si pisngi ko kaya napadilat ako. Bumungad sa akin ang mukha ni Rose na may bahid ng pag aalala.

"Baliw ka talaga! Akala ko ba may nakapasok dito sa bahay mo? Halos patakbuhin ko pa yung kotse ko para lang makarating dito tapos nadatnan lang kita na mahimbing na nakatulog?! Anak ng pinagpatong patong na kagandahan ko, gusto mo ba akong patayin?!"

"Teka hinay hinay nga lang. Anong ginagawa mo dito?"

"Aba tignan mo 'tong baliw na 'to. Diba ikaw nga yung tumawag sa akin na napasukan ka ng bahay? Ano 'to? Nagka amnesia ka? Kung hindi lang kita bestfriend matagal na kitang isinako at itinapon sa kanal."

Bumalik sa akin yung nangyari at napatingin ako sa paligid. Nakakapagtaka dahil ang linis na para bang walang nangyari. Napabangon ako at pumunta sa kwarto ni mama, ganun din, ang ayos tapos yung pinto na nawasak, maayos itong nakakabit at mukhang bago ba. Ano bang nangyari? Panaginip ko lang ba yung nangyari kanina? Kung panaginip nga eh dapat hindi nagrereklamo ngayon sa akin si Rose. Hindi panaginip ang lahat, totoo yung mga nakita ko pero naguguluhan ako kung bakit biglang nagkaganito.

"Ano? Magsasalita ka ba bes? I NEED AN ACCEPTABLE REASON, may gasgas na nga yung baby ko para lang makapunta rito kaya hustisya bes! Magsalita ka!"

Humarap ako sa kanya.

"Anong oras na?"

"Mag a-alas dos na."

Mga ala una nangyari ang lahat at mag iisang oras na kaso ganun kabilis naayos lahat ng gulo dito sa bahay.

Inikot ko yung buong bahay at ni isang sulok, walang kalat.

"Huy, ano na? Nahihilo na ako kakasunod sa'yo, ano ba hinahanap mo?"

"Ganito kalinis mo ba naabutan ang bahay?"

"Oo? Kaya nga nagtataka ako sa'yo."

"Pero..."

Yung attic...tama yung attic. Napatakbo ako papunta doon at pagkabukas ko ng pinto, hindi nga ako nagkakamali. Ang daming basag na gamit, para bang ginawang piñata lahat ng gamit dito at lahat basag. Si Rose na nasa likod ko, narinig kong napasinghap.

"Anong nangyari dito?!"

Hindi ko rin alam ang isasagot ko.

****

Unknown

"You're so fucking careless!" Napatingin ako kay Raven na nakaupo sa sofa habang nilalaro-laro yung nginunguya niya. This bitch.

"What? Can you buy me another baseball bat? Naiwan ko kasi yung akin sa bahay ng-uhn what do I call her again? Slut? Bitch? Whore? Peasant?- I don't care I just want my bat."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko para hindi siya sakalin ngayon.

She was having the time of her crazy life smashing things everywhere inside her house.

"Nahanapan mo ba yung pinapahanap ko sa'yo?"

"The slut knows how to hide her things so no."

"Damn it!"

Naiinis na ako at idagdag mo pa 'tong pokpok na walang alam kundi ibuka ang hita niya sa mga kliyente ko. The more money, the better. Yan lang ang napapakinabangan ko diyan.

Narinig kong nagbukas ang pinto at pumasok naman ang isa pang babae. Finally, my favorite toy. She looks like my wife. A walking replica. Eventhough it's all plastic, she still resembles my wife in my eyes. Umupo siya sa tabi ko at agad ko siyang hinalikan sa labi. But this plastic bitch is getting boring, I want the perfect resemblance of my wife.

And I know where to get her. Soon.

****

"So...may isa pa akong tanong." Napansin ko si Rose na nakatingin sa kamay ko.

"Yung singsing...nagkabalikan kayo?"

Ito yung gusto kong sabihin sa kanya pagkauwi ko kanina pero biglang nawala sa isipan ko dahil sa insidenteng ito.

Matagal ko nang kaibigan si Rose at isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at parang ang unfair sa kanya kapag ano ba talaga ang totoong sitwasyon ko ngayon. Alam kong naguguluhan na siya sa akin pero alam kong nirerespeto niya yung desisyon ko na huwag magsalita. At nirerespeto ko rin yung pasensya na ibinuhos niya sa akin. Sino ang magtatagal sa isang kaibigan na hindi sinasabi kung sino ang asawa? Para bang loko loko lang ang lahat kung titignan pero nagpapasalamat ako dahil wala siyang sinasabing masama tungkol sa akin.

Karapatan niyang malaman ang lahat dahil mababaliw na ata ako kapag kikimkimin ko itong lahat. Sa ngayon, andito kami sa bahay niya. Siya yung nag insist na dito muna ako at nagpapasalamat ako dahil meron akong kaibigan na tulad niya.

"Rose, sa tingin mo ba maiinlove ka sa taong nagbibigay sa'yo ng text at mga regalo?"

"Aba sinong hindi ma-fafall doon? Siguro nga halos lahat ng babae, pangarap nila ng ganyan."

"Ma-iinlove ka pa rin ba kahit hindi mo kilala yung taong nagbibigay sa'yo ng mga regalo?"

"Bakit hindi? Ganyan yung nangyari sa amin ni Harold diba?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

"Paano kung nahulog sa'yo yung tao dahil lang sa dahilan na kamukha mo yung dati niyang asawa?"

"Ano 'to? Kambal? Hmm alam kong hindi yun tama pero baka naman may rason siya. Baka yun lang ang akala mo pero malay mo, may malalim na dahilan kung bakit siya may nahulog sa'yo."

"Pero paano kung nagbalik yung asawa niya? Anong gagawin mo?"

"Kung talagang mahal ko na yung tao, ipaglalaban ko siya."

Napangiti ako ng mapakla. Pati si Rose, ipinamukha niya sa akin kung gaano ako katanga. She was right.

"Nagdududa ka lang sa sarili mo dahil marami kang katanungan diyan." Itinuro niya yung puso ko. "Sinabi mong nahulog siya sa'yo dahil kamukha mo yung dati niya asawa, sigurado ka ba na yun talaga ang rason? May pruweba ka ba? At isa pa kung sakali mang bumalik talaga si past wife, malamang wala na siyang pake doon. Alam kong may pinagsamahan kayo at hindi malabong may gusto siya sa'yo. Ikaw lang 'tong nagdududa sa lahat. Hindi ko naman sinasabing kasalanan mo pero kailangan mo ring buksan ang mata mo girl. Hindi lahat puro takot ang pinapairal. Huwag mong pangunahan ang sarili mo dahil ikaw lang ang gumagawa ng problema na wala naman nung una pa lang."

Hindi pa niya alam ang kabuuan ng storya kaso mukhang naiintindihan niya na yung ibang gusto kong iparating sa kanya.

She deserves to know this at buti nalang handa siyang makinig. Ikinuwento ko lahat sa kanya yung nangyari, bawat detalye ay hindi ko pinalampas. Hindi siya nagsalita sa buong oras na nagkwento ako at hindi ko siya masisisi dahil maski ako ay hindi ko rin maproseso lahat ng nangyari sa akin. Pero nagpapasalamat ako dahil nailabas ko na sa kanya ang lahat kaya kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.

"Teka..." Hinilot niya yung ulo niya. "Sa buong oras na nagkwento ka, hindi mo binanggit yung pangalan ng asawa mo. Pasuspense ka rin bes."

"Kapag ba sasabihin ko sa'yo, maniniwala ka?"

"Hmm depende kung sino yan."

"Rose naman e."

"Oo na! Oo na! Maniniwala na ako basta sabihin mo na!"

Napabuntong hininga ako. "Si..."

"Oh my god sino?!"

"Luc."

"Luke? Sinong Luke? Ang daming Luke sa mundo."

"Hamilton."

May dumaang katahimikan sa pagitan namin. Naningkit yung mata niya tapos maya maya ay bigla nalang tumawa.

"Si LUC HAMILTON? Wag ako Gemma ha, wag ako. Nasisiraan ka na ng bait. Remind mo ako mamaya at ipapa-check up kita sa psychiatrist--"

"Sabi ko nga hindi ka maniniwala."

"TALAGANG HINDI. Gemma naman seryoso tayo kanina tapos bigla kang magpapatawa? Girl, wag ako. Ayokong maniwala. Hindi pwede. Hindi. Nagpapatawa ka lang. Nababaliw ka na. Stop okay stop?"

Pinaypayan niya yung sarili niya at sabay bukas sa T.V. Umagang umaga pa at lahat ng channel dito sa Pinas ay naka-off kaya inilipat niya sa US based channel. Sakto namang lumabas ang isang balita at nagulat ako sa headline nito.

Hamilton's heir and high paid supermodel, Luc Hamilton's rumored wife.

Yung mga litrato ay nakuha mula sa club kanina. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng litrato kanina pero kitang kita yung mukha ni Luc at buti nalang nakayuko ako noong mga panahon na yun. Wala namang malisya yung posisyon namin dahil magkatabi lang kami na nakaupo. Napatingin sa akin si Rose na nakaawang na ngayon ang bibig. Tinignan niya yung suot kong damit tapos yung suot ng babae sa litrato.

Kahit na madilim yung lugar kung nasasaan kami kanina, medyo malinaw yung pigura ko doon.

"Asawa ka talaga ni Luc?!"

END OF CHAPTER 35.

I don't know if this update turned out well. I tried to, I hope. We know how depression is a pest in our society. It's dangerous how it can deceive you. My deep condolence to every kpop fan out there and to Jonghyun's family. I know how depression feels like and I salute him for his strong battle til yesterday. It was hard but today, all his sorrows will vanish for he will be with our Father. If someone here is battling depression, if you need someone to talk to, please don't isolate yourself with darkness. You can talk to me if you can't handle it, I will listen. :)

Btw, my plot was messed up. Let's just hope for the best haha. Enjoy still!

Continue Reading

You'll Also Like

9.6M 291K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
23.9M 386K 60
(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin...