Her Love Story [Completed]

By wannabeangel

291K 2.1K 244

She had never been in love....She doesn't know what's the meaning of Love and What's the feeling of being in... More

Prologue
Chapter 1: No Boyfriend Since Birth
Chapter 2: The New Student
Chapter 3: Homecoming Party
Chapter 4: Court
Chapter 5: Her Feelings
Chapter 6: Our First Date?
Chapter 7: Falling...
Chapter 8: Confused
Chapter 9: Her CRUSH
Chapter 10: Trust
Chapter 11: Bet
Chapter 12: The Result
Chapter 13: Box
Chapter 14: Secret Admirer
Chapter 15: Terrified
Chapter 16: Mutual Understanding
Chapter 17: Meet Salvador (Part 1)
Chapter 18: Shawn Panget
Chapter 19: Shocking Truth
Chapter 20: Flashbacks
Chapter 21: Bipolar
Chapter 22: The Boy is Mine
Chapter 23: Curious
Chapter 24: The Real Story
Chapter 25: Let Go
Chapter 26: Small talk
Chapter 27: Kate's side
Chapter 28: Just A Challenge
Chapter 29: Joke?
Chapter 30:Perfect?
Chapter 31: Cloud
Chapter 32: Move On
Chapter 33: I can't breath
Chapter 34: Date With Shawn Panget!
Chapter 35: Acceptance
Chapter 36: Hindi lang ikaw
Chapter 37: Sorry
Chapter 38: Pinky Promise
Chapter 39: Love is Blind
Chapter 40[Part 1]: 1:43
Chapter 40[Part 2]: 3 Gifts
Chapter 40[Part 3]: I Love You
Chapter 41[Part 1]: Cried Again Because of You
Chapter 41[Part 2]: Fall and Catch
Chapter 41[Part 3]: His Handwriting
Chapter 42: Why?
Chapter 43: The Answer
Chapter 44[Part 1]: Spend a night with him?!
Chapter 44[Part 2]: Her Gift
Chapter 44[Part 3]: Ignored
Chapter 45: Today Was A Fairytale
Chapter 46: 'MAHAL KO'
Chapter 47: Hand Gesture and The News! Good or Bad?
Chapter 48: First Monthsary
Chapter 49: Her Never-Ending Love But Every Love Story Has Its Ending
Chapter 50: Nothing(His POV) The Last Chapter
Epilogue
Author's Important and Last Note [Edited]

Chapter 17: Meet Salvador (Part 2)

4.1K 21 4
By wannabeangel

-Chapter 17: Meet Salvador (Part 2)-

"Ang gwapo ni Clyde!!!"

"Onga!! Ang galing niya pa mag basketball!"

"Ang hot pang sumayaw!"

"Nako, kahit di pa siya sumayaw, Hot pa rin siya noh!"

"Grabe talaga! Kinikilig ako sakanya!"

Ano na naman ba to. Sino ba yang Clyde na yan? =_= Bagong idol na naman ba yan? Katulad nung Salvador?

Okay, bat naman pumasok sa isip ko yung Salvador yabang na yun? Tsk.

Naiinis pa rin talaga ako sakanyaaa!!!!

"Girl, sino yung pinaguusapan nila?" -Lorraine.

"Aba'y ewan ko.. Bat niyo sakin tinatanong?"

"Eh kasi.. Nakasimangot ka eh.. Baka kilala mo?" -Kate.

"Hindi noh. di ko kilala yun.. at saka may naalala lang ako kaya ako nakasimangot."

"Sino? Si Paolo? Bakit nag-away ba kayo?" -Myka.

Amp! Pag may naalala si Paolo na kaagad? Eto talaga si Myka.

"Hindi noh.. Hindi siya yung naaalala ko.. Ibang tao.. Kaya nga ako nakasimangot eh tsk."

"Whoa.. Sino yang naalala mo GFF ha?" -Rhia.

"Wala. Wag niyo na tanungin please. Nevermind nalang."

So ayun, nag stop na sila sa pag-ask.

Sports competition pa rin namin.. and this time, sa school namin i h-held.. Kaya maraming taga iba't ibang school nandito.

2nd game na ata yung nandun sa basketball court. Elementary ata eh..

Humiwalay muna ako sa mga GFFs ko dahil gusto ko magpakaloner dito.. Manonood din daw muna sila ng game ng elementary..

Actually,Di naman talaga ako magpapakaloner eh.. Sa totoo lang, hinahanap ko si Yabang..

Oops, wag kayo mag isip ng kung anu-ano diyan. Hinahanap ko siya dahil gusto kong ibalik yung jacket niya! =_=

Well, no choice ako nung isang araw kaya napilitan talaga ako suotin yung jacket niya.

Nagtataka nga yung mga GFFs ko at saka si Paolo nung nakita nila naka jacket ako eh. Nag palusot nalang ako at sinabing bigla kong naalala na nagdala pala ako ng jacket. Buti nalang malamig nung araw na yun.. Di ako nagmukhang tanga na nag jacket ako...

Nilibot ko nang nilibot yung school namin. Dumaan na ako sa Tennis Court, Volleyball Court, Sa Field ng Track and Field.. 

Dumaan na din ako sa Basketball court bago ako lumayo sa mga GFFs ko..Wala.. Di ko pa rin siya nakikita..

Baka di pumasok yun? Pero imposible.. Nandito na nga yung mga taga Crescent eh.. Tsk bahala na nga.

Dumaan muna ako sa locker para mag check kung may nilagay ba..

Yeah, Lagi ko na inaabang yung notes and roses na binibigay nung Anonymous.. Kulang nalang, maging collection ko na yun dun sa Kwarto ko eh.. Tsk..

Binuksan ko to at nakakita na naman ako ng Note...

'Congrats sa 1st game.. Good luck sa 2nd game mo mamaya! Ingat ah..Bawal kang ma injured.. :)

 

-Anonymous'

Unconciously, napasmile ako sa note niya.. ewan ko pero na touch ako... Tinignan ko pa yung locker ko and may nakita akong maliit na bear na keychain.. Ang cute!! Kinuha ko yung keychain at note then pumasok ako sa classroom para ilagay yun sa bag ko.

Anonymous' POV:

Tinitingnan ko siya habang binubuksan yung locker niya.. Napa smile siya dun sa note.. Nag smile din ako.. Halata ko sa itsura niya na natuwa siya dun sa keychain.. cute nung keychain na binigay ko eh..

Ganito pala yung feeling na nakikita mo yung taong mahal mo na masaya dahil sa binigay mo..

MASAYA at INSPIRED :) 

Chelsea's POV: 

Pagkagaling ko sa classroom. tiningnan ko yung relo ko..

OMG!! 10:30 na pala!! nagsisimula na ata yung 3rd game ngayon!! Waaaa. Sina Paolo yun...

Dali-dali akong naglakad papuntang basketball court..Siyempre di ako tumakbo noh.. Ang dami kayang tao.. 

Pagkadating ko dun, hinanap ko kaagad kung san bleachers nakaupo yung mga GFFs ko.. Sa dami ng tao, di ko nahanap!! Waaa.

Umupo nalang ako sa random bleachers.. 2nd quarter na pala! Grabe. Late na late ako..

Tiningnan ko yung score board.

Greensville vs. Star

14                  25

Grabe!! Lamang masyado yung star samen!! Amp!! Hinanap ko si Paolo sa court.. Ano ba yan! Parang wala siyang gana maglaro! 

Nag try siyang mag shoot, pero ugh!! Hindi pumasok!! Tsk..

HOY PAOLO ANONG NANGYAYARI SAYO!!

Ang galing kaya niya nung isang araw!! Tapos ano to ngayon? =_= Halata ko sa itsura niya na hindi siya nag e-enjoy maglaro. Di man lang nag s-smile tuwing may nag ch-cheer sakanya! Tsk. Di na ako makapag pigil..

"GO PAOLO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

as in sigaw ko sobrang lakas.. Nung nakita niya ako. Bigla nalang siya nag smile. Amp!

Nung naagaw na niya yung bola dali-dali siyang tumakbo at shinoot yung bola.. Okay. 3 points!

"PAOLO GALINGAN MO PA!!!!!!!!!!!!" 

cheer pa rin ako nang cheer. Psht.. Bahala na kahit nakakahiya..

So ayun, sa huli, Greensville nanalo. Nakabawi naman kahit papano.

"Congrats Crush!"

"Thank You Crush. hug naman diyan!" tapos inispread niya yung arms niya.

"Yak. Pawis ka noh!" >////<

tapos tumawa siya. "Sige later na nga lang pagkatapos ko mag shower at magpalit.."

"Shut up!!" =___=

"Sige, una muna ako ha.. Punta na ako sa shower room."

"Okay. Congrats ulit!"

"Thank You.. Buti nalang dumating ka."

narinig kong bulong niya.. "Che! Sorry naman na late."

"Okay lang yun.." nag smile siya at umalis na..

4th game na at ibang school na naman yung maglalaban sa Volleyball.

Dahil di ko pa rin nakikita GFFs ko, mag-isa pa rin ako ngayon.. nauuhaw ako kaya bumili ako sa cafeteria ng Iced Tea.. Ang dami pa ngang tao eh! kaya matagal ako sa pila..

Nung nakabili na ako... nag-ingat ako.. Baka naman may makakabangga na naman ako! Tsk.. Nung naglalakad ako paalis ng cafeteria, timing nakita ko sa harapan ko yung kanina ko pang hinahanap..

"Oh ikaw pala.." tapos tiningnan niya yung hawak ko.. "Iced Tea again.. may balak ka na naman ibang taong basain niyan?"

CHELSEA, MAGPIGIL KA... MAGPIGIL KA!!!

I smiled sweetly.. "Oo! Ikaw.." 

"Wow talaga lang ha? Saan na yung jacket ko?"

Uminom muna ako ng Iced Tea at napapalo sa noo ko. Amp.

"Hey.. Anong meron?" confused na tanong niya.

"Sumama ka sakin.." nauna na akong naglakad paalis. sumunod naman siya..

Dumating kami sa classroom namin..Buti walang tao.. hinanap ko yung bag ko at kinuha ko yung jacket niya at itinapon din sa ulo niya. Gantihan lang noh.

"Tsk. San thank you mo?"

"Thank You." then ni roll ko yung eyes ko.

"Ang sunget mo.."

"Sayo lang..."

"Wow. Special pala ako.." then umupo siya dun sa chair ni Paolo..

"Oo special ka. Special Child.."

straight face lang siya. "Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi..."

"Sabihin mo lang kung tatawa na ako."

Aba!!!! Ang Sarcastic ng lalakeng to!!! nakakainisssss!!!! Magpigil ka Chelsea!! Tae, feel ko makakasapak ako ng tao ng di oras!!!

Tumawa na siya ngayon. "Pfft. Hahahahahahahahhahahahahaha!!!!"

Confuse na tiningnan ko siya. "Sinabi ko bang tumawa ka? Bat ka tumatawa?"

"Nakakatawa kasi itsura mo eh. Hahahahhahahahaha."

ABA!!!! INSULTO TALAGA TONG TAONG TO!!!!

"Kainis ka!! Umalis ka na nga dito! At pwede ba, wag kang umupo jan sa chair.. Feeling mo naman taga dito ka.."

Tumayo na siya then tumingin sa bintana sa classroom namin. "Sorry naman..."

"Psht.. Whatever.. Alis ka na nga.."

Humarap siya sakin. "Sino seatmate mo?" 

"Si Paolo.. bakit ba?"

"Ahh. Boyfriend mo?"

Namula naman ako sa sinabi niya.. OMG! HOW I WISH! >/////< "P-pakialam mo?"

"You're blushing.." nakangiting sabi niya saken...


"S-so what?" Okay this time nauutal ako kasi.. Ang gwapo ng nasa harap ko!! Ugh.. Dimples niya kasi ehhhhh. Bat ba siya nag smile >/////< 

"Hoy sunget! Tinatanong kita kung boyfriend mo ba yung seatmate mo! Wag kang mag blush nang mag blush diyan."

"Tsk. Di ko siya boyfriend okay? manliligaw lang!"

"Anong tawagan niyo?"

"C-crush.. B-bakit ba?" Okay I dunno why kung bat ko nasasabi sakanya yung mga bagay na to.. Di naman kami close!

"Ahhh.... Bat ka naman niya naisipan ligawan?"

Hinampas ko siya... "Aba!!! Bakit, hindi ba ako pwedeng ligawan ha?"

"Ewan ko.. Bat mo sakin tinatanong?"

"Alam mo? Wala kang kwentang kausap! Nakakainis ka!!!"

"Eh bat mo ako kinakausap?"

GRABE. FEEL KO MA H-HIGHBLOOD TALAGA AKO SA TAONG TO!!! 

"SHUT UP OKAY! WILL YOU PLEASE?!" 

"No. I don't wanna shut up." then ngumiti siyang nakakaloko.

"BAHALA KA SA BUHAY MO KUNG AYAW MO!!!!" 

"Tsk.. Kung makasigaw ka, para kang taga bundok ah!"

"Heh! Wag mo akong kakausapin!"

"Eh gusto ko eh.."

"Bat gusto mo?"

"Kasi maha-" bigla siyang natigilan.

"Maha?"

"MAHAROT ka." then tumakbo na siya palabas ng classroom.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!! AKO MAHAROT?! SINCE WHEN?!!!!!!!! UGHHHH!!!! I HATE YOU SALVADOR PANGETTT KAAA!!! HINDI KA LANG MAYABANG!!! PANGET KA DIN!!!! UGH. I HATE HIM!!!

Pumunta na ako sa Volleyball Court.. Ni r-ready na yung net... Tsk. tinignan ko yung oras.. 11:00.. maya maya mag s-start na din yung game namin.. Kalaban namin yung Canterbury this time..

Nag assemble na kami lahat ng mga kateammates ko at kinausap kami ng coach.. As usual, reminders..

Lumapit saakin si Paolo.. "Good luck Crush.. Ingat ah..Dahan dahan lang.."

Nag nod ako. "Thank You.." 

umalis na siya at umupo dun sa bleachers na malapit sa pwesto ng mga players...

Nung magsisimula na yung game...

"Good luck guyss!!!" Ginoodluck namin mga ka teammates ko ang isa't isa...

"Good luck GFF." hinug ko si kate.

"Good luck din GFF."

Everything went okay nung naglalaro kame until....

Napunta sa court namin yung bola.. Nasalo ni Kate pero natumba siya.. "Araayy!!"

Naipit ata yung paa niya. Nag whistle kaagad yung referee at dali dali akong tumakbo papunta kay Kate. "Hey GFF, anong masakit?"

"Y-yung paa ko.." 

dumating naman yung coach namin "Dalhin natin siya sa clinic.."

Kaagad naman lumapit si Paolo samen... "Coach bubuhatin ko nalang siya."

"Okay Dela Cruz Kaw na bahala..." 

tinulungan namin tumayo si Kate.. nung okay na, binuhat siya ni Paolo na pang bridal style...

I dunno what is happening p-pero...

B-bat ang sakit ng nararamdaman ko habang tinitingnan ko sila palayo? 

W-what is this feeling? 

Tae Chelsea! Don't tell me selos ka?! =_=

No... It can't be.. Kaibigan ko si Kate noh! Tsk. Lukaret na ata ako nag seselos sa wala namang dahilan.. 

Nag continue pa rin yung game.. and kahit wala yung captain ball namin, nakayanan pa rin namin..

We won :)

YEAHHHHHHHH!!!!!!!! siyempre group hug kame ng mga ka teammates ko!!!

"Congrats Sateeeeeeennnnnn!!!!!!!!!!!" 

"Good Job guys.." sabi nung coach namin.

Pagkatapos, dumiretso kaagad ako ng clinic para i check si Kate.. Malapit na sana ako kaso Nakasalubong ko naman yung mga GFFs ko..

"H-hey Chels!" -Lorraine.

"How's Kate?"

"S-she's fine.." -Myka.

"Bat kayo nauutal? Di nga? Is she really fine?"

"She's fine.. She's sleeping lang..At saka, let's not disturb nalang her muna." -Rhia

"Okay fine.. Have you guys seen Paolo?"

"H-hindi eh..." 

"Hmm. Okaay.. Sige aayusin ko lang muna sarili ko." 

"Okay.. Congrats nga pala GFF!" -Myka.

"Gusto ka sana namin i group hug but you're pawis.." -Lorraine.

"Ngek. hahaha. sige na gotta go..love you guys"

"love you too!!" sabay nilang sabi.

tumawa ako at naglakad na ako papalayo at pumunta na ng locker room...

Nung nakapagbihis na ako at lahat-lahat, nagkita kita kami ng mga GFFs ko at sabay kumain ng lunch.. As usual, ang dami naming chika about saan-saan.. Mga chismosa talaga kame. hahahaha.

Pagkatapos kumain, pumunta kame ng basketball court dahil may next game.. di na muna kami pumunta sa clinic kasi nga sabi ng mga GFFs ko is wag daw i disturb si Kate...

Crescent vs. Canterbury ang maglalaban ngayon sa Basketball Boys..

Psht.. mapapanood ko na naman maglaro yung pangetyabang na sa Salvador na yun!!! 

Well, di na ako magtataka, as usual.. madami na naman nag ch-cheer sakanya.. pati yung tatlo kong kasama is wagas din mag cheer sakanya. Dafuq lang.. Ayoko naman umepal at sabihin na wag siyang i cheer. 

Pero kasi.. naiinis talaga ako sakanya!! Parang nung unang araw na nagkabanggaan kame, tinawag niya akong 'TANGA' kanina naman, 'MAHAROT' 

nakakainis talaga!!!!! nakaka highblood!!!

Di na ako magtataka, at saka, wag na din kayo magtaka, SILA NA NAMAN NANALO. Well. Ang galing talaga ng players nila eh.. Siguro ang magkakalaban sa championship is ang Crescent at saka Greensville.. 

Nung pagkatapos ng game, lumabas na kami ng basketball court at tumambay kung san-san... Kanina ko pa di nakikita si Paolo. San na ba yun?

Humiwalay muna ako sa GFFs ko at nagpaalam na dadaan lang ako sa classroom para kunin yung cellphone ko... Iniwan ko kasi eh..

nung dumating ako ng classroom, kinuha ko yung cellphone ko sa bag... may chineck din ako saglit sa bag ko.. pero...

YUNG I.D KO NAWAWALA!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!HALA!!! SAN YUN NAPUNTA? BAKA NAIWAN KO SA BAHAY? PERO.. HINDI EH!! ALAM KO DINALA KO YUN.. NO I.D NO ENTRY ANG DRAMA NG SCHOOL NAMIN EH..

PAANO TO? TT_________TT

Iiyak na sana talaga ako nang..

"Looking for this?"

Napatingin ako sa nagsalita... hawak niya yung I.D ko..

ARRRRRRRRRRRRRRGHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!

"Hoy! ibigay mo nga yan!!!"

"Ayoko nga.." tapos ngumisi siya.. tiningnan niya yung I.D ko.. "Chelsea Sheila Reyes Concepcion pala whole name mo..ganda mo dito sa picture ah.."

"Matagal na akong maganda! Bigay mo na nga yan." 

"Hahahahahahahahahaha. Dream on Sheila sunget."

"What? Anong tawag mo sakin?"

"Sheila Sunget."

"Bakit naman yon? HA?!"

"Eh gusto ko eh.. Alangan naman tawagin kitang Sheila tanga or Sheila Maharot."

Amp!!!! "Hoy! Pwede ba? Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako maharot!!"

"Oo nga.. Masunget ka kaya Sheila Sunget."

"ugh! whatever! Give it back! Ang magnanakaw mo!" 

"Lol.. Nahulog to sa bag mo kanina habang nag uusap tayo.. di mo napansin eh kaya pinulot ko. Hahahaha."

"Sige tawa ka pa." tiningnan ko siya ng masama at lumapit sakanya.. sinubukan ko abutin yung I.D ko sa kamay niya pero ayaw niya talaga ibigay!! "bigay mo na nga yan!!"

"Fine." ngumiti siya at nilagay sa ulo ko. Amp.

Kinuha ko to sa ulo ko "Nakakainis ka!!!"

"Okay.." tumawa siya at lumabas na ng classroom. Aba, feel na feel niya ang pagpunta sa classroom namin ha!

Lumabas ako at hinabol siya sa corridor. Buti walang tao.

"Anong name mo?" tanong ko sakanya.

lumingon siya sakin. "Bakit? crush mo ako? Hahahahhaha."

"Pwede ba? Wag kang assuming. Tinatanong ko lang.. and it's kinda unfair na alam mo yung whole name ko pero sayo hindi ko alam!" 

"Kasalanan mo na yun."

"Kasalanan ko ang ano?"

"Kasalanan mo na hindi mo nakita na nahulog yung i.d mo kaya nalaman ko whole name mo. Diskarte lang yun."

"UGHHH!!!! I Hate You!"

"The feeling is mutual." tumawa siya at naglakad na papalayo.

Tatalikod na sana ako at babalik sa classroom nang sumigaw siya.

"CLYDE STEPHEN SHAWN DELOS REYES SALVADOR!"

Napaharap ako sa kanya. Nakatalikod pa rin siya saken. "W-what?"

"Yan ang name ko."

"Ang haba!!!!" 

"Ganun talaga. Gwapo ako eh."

"Feeler!"

"Gwapo naman."

"UGH WHATEVER!! ANO NGA ULIT? DI KO NARINIG NG MAAYOS!" 

"CLYDE STEPHEN SHAWN DELOS REYES SALVADOR!" humarap siya sakin ng nakasmile. "That's my name. Taga mo sa bato yan." 

Tumalikod na siya sakin at umalis na...

SERIOUSLY? ANO DAW NAME NIYA? ANG HABA AH!

Clyde Stephen Shawn Delos Reyes Salvador..






Naalala ko yung pinag-uusapan ng mga babae kanina..


"Ang gwapo ni Clyde!!!"

 

"Onga!! Ang galing niya pa mag basketball!"

 

"Ang hot pang sumayaw!"

 

"Nako, kahit di pa siya sumayaw, Hot pa rin siya noh!"

 

"Grabe talaga! Kinikilig ako sakanya!"



Siya ba yung tinutukoy nila? 

Continue Reading

You'll Also Like

393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
293K 20.7K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...