(Brylle POV)
Noon pa man, alam na namin ni Vander ang tungkol sa black crystal ball na kasama sa mga gamit ng Mama ni Yana. But we didn't expect na mapapagana niya yun. Nang sinubukan kasi namin noon, wala kaming nakuhang sagot mula sa crystal. It didn't work so we thought it was just a wortless crystal ball.
So how did Yana used it? Or mas tamang itanong ngayon ay, ano ang nakita niya?
"Kalma, kalma, kalma ka lang Yana. Kalma, kalma, kalma..."
"Vander, more than three times mo nang pinaulit-ulit yan."
"Gusto ko lang siyang kumalma, Master Brylle."
"Tama na Vander, okay na ako." Pero hindi halata sa boses at mukha niya na okay siya. Tinitigan ko ang mga mata niya at nandun pa rin ang takot.
"Okay ka na ba talaga? Can you tell us now what happened?"
Nag-dalawang isip pa siya pero hindi rin nagtagal ay kinuwento niya saamin ang lahat. Nakita niya ang nangyari sa mag-inang Seline at Cerina. Napanood niya ang pagpatay sa kanila at ang mukha ng pumatay sa kanila.
"Brylle, yun ba?" At habang nagkukwento siya, umiiyak siya. "Yun ba yung Karmic Spell? Bakit kailangan silang patayin sa ganung paraan?"
"Yana, hindi kagustuhan yun ni Master Brylle." Pagtatanggol naman saakin ni Vander. "Hindi rin niya alam na ganun pala ang katumbas ng lahat ng kasamaan nila."
"Tama na Vander." Ayokong palalain pa ang sitwasyon lalo pa at ramdam ko ang paghihirap ni Yana ngayon. "I'm sorry Yana. I'm so sorry..."
Humagulgol na lang uli si Yana.
Tumayo na lang ako kaysa titigan siya na umiiyak! Nakakasama lang kasi lalo sa loob! Bakit wala akong alam pagdating sa mga ganitong bagay? Ano pang silbi ng pagiging Class B+ Wizard ko kung sa ganito lang, hindi ko siya kayang patahanin!
"Brylle, hindi naman kita sinisisi. Pero—" Pinipilit niyang magsalita ng maayos kahit pa humihikbi siya. "Tulungan mo ako. Tulungan mo akong hanapin yung nilalang na gumawa sa kanila nun."
Pagkasabi niya nun, naalala ko bigla ang sinabi niya rin kanina. "Tama, sinabi mo kanina na nakita mo na rin ang nilalang na yun sa Otherworld?"
Tumango naman siya. "Naalala mo yung unang beses na isinama mo ako sa Necro Market? Dun sa bookshop? Nung iniwan mo ako, dun siya unang nagpakita saakin."
"Bakit wala kang nakwento saakin tungkol dyan?"
"Kasi hindi naman niya ako sinaktan. Tinakot niya ako pero wala naman siyang ibang ginawa saakin. Bukod pa dun, akala ko siya yung taga-bantay sa bookshop."
"Ano bang itsura niya?"
"Lalaki siya. Sobrang puti niya na kasing kulay ng snow. Ganun din ang kulay ng buhok niya. May bloody red lips at may silver eyes."
"I know a creature that matches that description."
Pero naguluhan lang tuloy ako lalo. Kung ganung nilalang nga ang nagpakita kay Yana at pumatay sa mag-ina, malaking problema yun!
"But we have to be sure. Kung magagamit mo lang uli itong crystal ball para masiguro ko talaga kung sino o anong nilalang ang tinutukoy mo."
Muling iniabot ni Vander ang black crystal ball kay Yana. "Basta gawin mo lang ang ginawa mo kanina Yana para makita na namin kung sino ang tinutukoy mo." Sabi ni Vander.
Kahit na parang ini-stress namin siya, wala namang choice. Kailangan namin ng kasagutan. And so Yana tried rubbing the crystal ball again. I know she tried but nothing happened.
"Hindi ko maintindihan! Bakit hindi na siya gumagana?" Sigaw ni Yana na may kahalong iyak.
"Wag kang ma-frustrate. It's okay." And at last, I was able to shed her tears.
Kaso naiilang naman ako sa tingin ni Vander saakin na parang binibigyang malisya pa yung ginawa ko!
"Mas mabuti sigurong magpahinga ka muna, Yana. Ipagpabukas na lang natin 'to."
"Pero paano ako makakatulog nito!" Hindi siya tumigil sa paghagulgol. Ang iyakin niya lang talaga! Mukhang wala na akong magagawa kundi gawin ang tanging paraan na naiisip ko.
"Yana, tanggalin mo muna ang suot mong Lux Amulet."
Hindi naman siya nagtanong pa at sinunod agad ang utos ko. Pagkaabot niya saakin ng amulet, ibig sabihin nun ay malaya ko na siyang magagamitan uli ng spell.
"Peto somnus, und drøm yndig!"
Natulala si Yana ng tatlong segundo, saka tuluyang nakatulog. Sinalo ko siya agad bago bumagsak.
"Hala, hala, hala Master Brylle! Ginamitan mo ng spell si Yana!"
"I have no choice. Kung wala akong gagawin, baka magdamag lang siyang mag-iiyak." Isinuot ko na uli ang amulet kay Yana at saka ko siya binuhat. "We'll patch things up tomorrow kapag nakapagpahinga na siya at nakakausap na ng matino"
"Ayiiieh! Ang sweet, sweet, sweet na talaga ng Master ko!"
"Please don't start again, Vander. Matulog ka na rin."
Naglakad na ako papunta sa itaas at ipinasok si Yana sa loob ng kwarto niya. Pagkahiga ko sa kanya sa kama niya, "Don't worry, Yana. Aside from having sweet dreams tonight, you'll be okay when you wake up tomorrow."
* * *
The following day, mas matino na ngang kausap si Yana. Hindi mo mababakas sa mukha niya na ang tindi ng hagulgol na ginawa niya kagabi.
"Good morning, Brylle."
"Good morning. How was your sleep?"
Hindi siya makatingin saakin at napakamot na lang siya sa ulo niya. "Strangely, nakatulog naman ako ng mahimbing."
"Good." Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil wala na akong balak sabihin sa kanya na ginamitan ko siya ng spell kagabi.
"Good talaga, Yana! Ginamitan ka kasi ng spell kagabi ni Master Brylle!"
"Ano?"
Anak ng! Ang daldal talaga nitong si Vander! "Ah wala yun! So, how are you feeling?"
"Much better."
"Dahil nga yun sa spell!"
"Vander!" Pinandilatan ko na si Vander. At mukhang nakuha naman siya sa tingin. "Now that you're feeling okay, handa ka na bang subukan uli na paganahin itong crystal ball?"
Tumango naman si Yana. Inabot ko na sa kanya ang crystal ball and this time, kalmado niya itong sinubukang paganahin.
It was effective dahil nagliwanag na nga ang crystal ball sa mga kamay niya. And just seconds after Yana rubbed it, nakita na namin ang talagang tinutukoy niya.
"Heto Brylle! Tingnan mo habang maliwanag pa! Siya yun! Siya yun..."
Tinitigan kong maigi ang nilalang na ipinapakita ng bola at hindi nga ako pwedeng magkamali. Sa itsura pa lang ng nilalang na yun alam kong isa siyang, "Snow Vetter."
"Ano klaseng nilalang ang Snow Vetter?"
Nagkatinginan na lang kami ni Vander. Marahan naming ipinaliwang kay Yana kung anong klaseng nilalang ang pumatay sa mag-ina.
Ang mga Snow Vetters ay isang kilalang tribo sa Otherworld. But they are usually the silent type of creature na hindi masyadong nakikihalubilo. Inilayo nila ang tribo nila sa karamihan para makaiwas sa gulo.
Ang kapangyarihang ginagamit kasi nila ay Dark Sorcery. Black magic yun kung tawagin dito sa Mortal World. Maaaring tahimik lang ang mga Snow Vetters pero kapag ginalit sila, nananakit sila sa pinakamasamang paraan. Ang pagiging Dark Sorcerers nila ang dahilan kung bakit salot ang tingin sa tulad nila.
"Malaking, malaking, malaking problema talaga!"
"Bakit Vander? Dahil ba yun sa Dark Sorcery?"
"Hindi lang yun dahil doon, Yana. May mas malalim pang dahilan." Ang sagot ko. "Di ba sabi mo, naglilingkod ang Snow Vetter na yun sa isang Luxurian?"
"Oo, sa isang Lux Prince. At hinahanap nila ang amulet."
"Ang White Light Clan ang pilit na bumubuwag sa mga tulad ng Snow Vetters Tribe na gumagamit ng Dark Sorcery. Kalaban ang turingan nila sa isa't isa. Kaya malaking palaisipan kung bakit magkakampi ang isang Luxurian at Dark Sorcerer."
* * *
(Alyanna POV)
Nakakapanghina ang mga nalaman ko. Pero dahil na rin sa payo nina Brylle at Vander kaya hindi ko na muna masyadong didibdibin ang mga pangyayari.
Nangako naman sila na gagawin nila ang lahat para matulungan ako, lalo pa dahil kilala na ako ng Snow Vetter na yun. Ako ang anak ng tinuturing nilang traydor at hawak ko pa hinahanap nilang Lux Amulet.
"Wag kang mag-alala, habang suot mo naman yan, hindi ka niya masasaktan." Sabi ni Brylle at ito ang dapat kong paniwalaan.
Napilitan pa rin akong pumasok kinabukasan kahit wala pa rin akong gana. Ayoko namang um-absent at sayangin ang pag-aaral ko.
"Why such a long face, Alyanna?"
"Alam kong mahaba mukha ko. Pero wala ako sa mood sa mga lait mo, Elysse."
"Stupid! It means why do you seem so sad?"
"Ahh!" Sorry! Ako na tanga! "Basta lang."
"Is it about Dustin? Balita ko nakapag-date nga kayo noong Saturday pero hindi naman natuloy ang dinner niyo."
"Ah—oo." Isa pa pala yun sa dahilan! Muntik ko na ring makalimutan!
"I feel sorry for you, girl. You're feeling sorry because of what you did. Dapat lang noh! Nauwi lang tuloy sa wala ang surprise ni Dustin for you."
"Surprise? Anong surprise? Hindi ko alam yun ha!"
"Kaya nga tinawag na surprise! Duh!"
"Eh ano nga yung surprise sana ni Prince Dustin? Sabihin mo na."
Nagpapapilit pa talaga siya! Pero sa huli, sinabi niya rin saakin. "He was about to introduce you to his parents." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Elysse! Sa Hari at Reyna—este sa Daddy at Mommy ni Prince Dustin?