Intimate Obsession

markiilabial

534K 5K 1.3K

Your father died. Your mother is dying. You are left with two siblings. You're working in a big company being... Еще

Intimate Obsession
Chapter 1: Downfall Celebration
Chapter 2: Last Wishes
Chapter 3: New Boss Part 1
Chapter 3: New Boss Part 2
Chapter 4: Letting Go and Moving On
Chapter 5: Surreptitious Romance
Chapter 6: Hide and Seek
Chapter 7: Big Deal
Chapter 8: Damsel in Distress
Chapter 9: Agreement
Chapter 10: Two Rivers at a Time
Chapter 11: Seduction
Chapter 12: Jealousy
Chapter 13: Caught by Scene
Chapter 14: Undesirable Truth
Chapter 15: Surreal Chase
Chapter 16: Fierce Obsession
Chapter 17: Moonlight Whisper
Chapter 18: Blazing Flame
Chapter 19: She's a Gooseberry
Chapter 20: His Silent Tears
Chapter 21: A Walk in Heaven
Chapter 22: Surprise or Disaster?
Chapter 23: The Untold Past
Chapter 25: Love in Despair
Chapter 26: Rivalry + Obstinacy = Desperate Persuasion
Chapter 27: Intimate Moments
Chapter 28: Am I Ready?
Chapter 29: Crazy Little Thing
Chapter 30: The Persona
Chapter 31: Unexpected Gift
Chapter 32: She's a Bad News
Chapter 33: Intimate Affair
Chapter 34: Reward
Chapter 35: Meeting a Family?
Chapter 36: Hopeless Questions
Chapter 37: The Broken Glass and The Paper
Chapter 38: His Evil Intention
Chapter 39: His Pleasure and Hers
Chapter 40: The Consent
Chapter 41: Foreplay
Chapter 42: I Love You

Chapter 24: He Saved Me

9.3K 94 42
markiilabial

ROSIE'S POV

Ang bango. Parang nasa langit lang ako habang inaamoy ang mabangong bagay o kung ano man yun.

Ang gaan ng pakiramdam ko. Napakatiwasay. Tahimik at animo'y huni lang ng ibong ang maririnig mo. Nakapikit lang ako.

Pinapakiramdaman ang bawat galaw kung saan man ako ngayon.

Pero bigla akong nanigas nang may dumamping mainit na hangin sa mukha ko. Di pa rin ako gumising.

Unti-unti kong naramdaman ang pananakit ng paa ko. Teka, ano bang nangyari?

Naalala ko bigla. Nung makita ko siya sinampal ko. Nagsimula na akong umiyak. Tas tumakbo ako palabas ng bahay. Takbo lang ako nang takbo hanggang wala na akong maalala. Yun lang.

Pero bakit parang ang lambot ng likod ko. Nasa langit na ba ako pagkatapos nun? Kinuha na ba ako ni Lord dahil alam niyang nasaktan ako?

O___O

Pano ang pamilya ko? Si mama? May sakit pa naman yun. Sino na lang ang mag-aalaga sa kanya. Yung mga kapatid ko. Kailangan ko pa silang alagaan dahil wala na si papa.

Si Che at si Jhong. Di man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila. Mahal ko yung mga yun eh kahit palagi kaming nag-aasaran sa trabaho.

At si Kyle. Pano na lang siya? Alam kong magagalit o di kaya'y iiyak yun dahil sakin. Baka sisihin pa niya ang sarili niya sa nangyari.

Boink! Napapraning na tuloy ako. Parang sure na akong patay eh! Pero ano ba talaga ang nangyari? Parang di ko mamulat ang mata ko sa sarap ng hinihigaan ko ngayon. Amoy ko pa naman yung mabangong bagay. Mukhang pagkain pa naman.

Nanigas ulit ako. Bigla kasing may huminga malapit sa bibig ko. Sino ba 'to at parang ang lapit niya?

Baka naman hayop 'to pagkatapos akong tulungan eh kakainin na nila ako ngayon?

O_O

Jusko po! Pauwiin niyo na ako samin. Tulungan niyo po ako.

Naramdaman kong may humawak sa mukha ko. Ang soft ng kamay niya. Di siguro 'to gumagawa ng gawaing bahay. (_ _ ")

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Ako --> O__O

Siya --> O/////O

Nagkatitigan kami sandali. Hanggang nag-sink in sakin ang posisyon namin. Nakahiga ako habang siya naka-lean sakin at inches away lang ang layo ng mga mukha naming dalawa.

"Uh..." bigla siyang namula.

"WAAAAAAAAH!!!" sigaw ako nang sigaw.

Siya naman nakatakip lang sa tenga niya.

"Wag kang sumigaw!"

"AAAAAAH!!! SINO KA? BA'T KA ANDITO? ANONG GAGAWIN MO SAKIN HA?" diretso kong sabi.

Napapikit siya habang nakatakip pa rin sa tenga.

"Ba't ba sumisigaw ka ha? Ang lapit lang natin sa isa't-isa!" inis niyang tugon.

"WAAAAAAH! YUN NGA EH ANG LAPIT NATIN? PINAGNANASAAN MO BA AKO HA? GAGAHASAIN, PAPATAYIN TAS ITATAPON SA ILOG? TAPOS---O/////O???"

"Ang ingay mo..." natigilan ako.

Di ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong hinalikan.

O.M.G! Hinalikan niya ako! Hinalikan. Niya. AKO!

#PAAAK!#

Sinampal ko siya. Bigla siyang napahawak sa pisngi niya.

"Bastos ka! Ba't mo yun ginawa ha? Sino ka para halikan ako? Ang kapal ng mukha mo!" galit kong sabi.

Nakatingin siya sakin na gulat na gulat ang mukha. 

Tumayo ako sa kama at galit na tumingin sa kanya.

"Ano? Masakit ba yung sampal ko? Tama lang yan sayo! Akala mo kung sinong tao!"

Biglang bumukas yung pinto. Isang matandang babae ang pumasok na may dalang damit.

"Um... Excuse me, sir. Ito na po yung pinalabhan niyong damit." sabi nung matanda.

Tumayo siya at lumapit dun. Kinuha niya lang yung damit tas pinalabas na.

Nagulat ako. Kapareho kasi nung sinuot kong damit ni Kyle yung hawak niya. Yun kasi ang suot ko bukod sa undies at bra ko.

>/////<

Lumapit siya sakin at binigay yun. Pero di siya nakatingin sakin. Di rin umiimik. Ako naman, tulala. Di makapaniwala sa nalaman ko.

Hiyang-hiya ako dahil sa pinagsasabi ko kanina sa kanya. Ramdam kong nag-iinit ang mukha ko.

"Pinalabhan ko yan dahil basang-basa ka kanina sa daan. Wag mo ring isiping ako ang nagpalit sayo..." seryoso niyang sabi. "Si manang Tessie ang gumawa nun."

Nakonsensya tuloy ako. Mabagal kong kinuha yung damit. Tiningnan ko naman yung suot ko ngayon.

Naka-dress pala ako. Tas kulay white pa. Bagay sa kama, parehong puti pati na rin ang kwarto. Maaliwalas tuloy tingnan at ang sarap ng pakiramdam.

"Um... Salamat." nahihiyang kong sambit.

"Kumain ka muna. Andyan sa table yung pinahanda ko. Mainit pa yan. Kung may kailangan ka tumawag ka lang." tas naglakad na siya palabas.

Tumango na lang ako. Bigla kong naalala...

"Teka!" tumigil siya pero di lumingon. "Pwedeng malaman ang pangalan mo?"

Naghintay ako ng ilang segundo bago siya sumagot.

"TJ Montes." at lumabas na.

TJ Montes.

Haay. Ano bang ginawa ko? Ako na nga 'tong tinulungan ako pa ang may ganang magalit kanina.

Pero kahit na noh, mali pa rin siya sa ginawa niya. Di porke't tinulungan niya ako pwede na niya akong halikan.

Tiningnan ko yung pagkain sa tabi ng kama. Hmm... Yun pala yung kanina ko pa naaamoy na mabango.

Nagugutom na rin ako. Kinain ko na agad. Ang sarap pa naman. Parang gusto ko pang humingi. Lels.

Nung tapos na ako, inaliw ko na lang ang sarili sa pagtingin sa loob.

Nakakasilaw yung kulay. Bukod sa flatscreen TV sa wall tas component at maraming DVDs, at maliit na mga furnitures at curtains, wala ng masyadong gamit sa loob.

Pagtingin ko sa table clock (meron bang ganun?), almost 6 na. Malapit na palang maggabi. Baka hinahanap na ako ni Kyle sa bahay. Di ko pa naman alam kung saan ako ngayon. Tas naiwan ko pa yung phone ko.

Aish! Pano 'to? Nung tingnan ko naman sa labas, sobrang lakas ng ulan. Anong gagawin ko? Nakakahiya naman kay TJ kung magpapahatid pa ako.

Pero naglakas-loob pa rin akong lumabas ng kwarto.

@____@

Waaah! Ang lawak ng bahay nila. Pangmayaman yung hallway. Parang di 'to normal na bahay ah! Akalain mo ang daming kwarto at pare-pareho lang ang design. Hirap hanapin kung saang kwarto ka.

Naglakad ako. Sinalubong ako ng ngiti ng mga maid habang dumadaan ako sa harap nila. Yung iba ginigreet pa ako.

Parang prinsesa tuloy ako dito. Where's Kyle my prince? O__o Ano daw?

Agad kong nakitang naka-nerdy look si TJ habang nagbabasa ng mga papeles. Nasa parang sala ata nila siya nakaupo at nakalatag lahat ng papel sa table.

Naglakad ako palapit sa kanya. Nagdadalawang-isip pa akong kausapin siya pero inisip kong saan pa ang patutunguhan nito.

"Uhm... TJ?..." bigla niyang nabitawan ang hawak-hawak na pen.

"Geez... Wag kang manggulat ... Bakit?" humarap siya. Ang cute niyang tingnan habang nakasalamin siya.

"Alam kong ang gwapo ko pag ganito." nag-smirk siya. "Anong kailangan mo?"

Napansin kong ang lagkit ng tingin niya sakin kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon. Nailang tuloy akong kausapin siya.

"Ano kasi eh..." na-drain ata lahat ng sasabihin ko sa kanya.

Nakataas lang yung kilay niya habang nakaupo pa rin at ako naman nakatayo sa gilid.

"...salamat pala sa pagtulong mo sakin at pagpapahiram ng damit..." nahihiya pa rin akong tingnan siya.

"No biggie. Di ko naman pwedeng pabayaan ka habang walang malay at umuulan. Konsensya ko pa kung ano ang mangyari sayo."

Nag-smile ako. He did the same. Nagkatitigan kami sandali. Pero agad akong umiwas.

Umupo ako sa malaking sofa sa harap niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko para mawala ang awkward feeling sa kanya.

"Chinicheck ko lang yung status ng sales this month ng kompanya. Sa akin kasi binilin ni dad kaya malaki ang expectations nila sakin." tugon niya pero nakatingin pa rin sakin.

Ugh! Ano ba naman 'to? Nahihiya ako pag ganyan. Di tuloy akong mapakali habang nakaupo sa harapan niya.

Napansin niya siguro kaya agad siyang humingi ng paumanhin.

"Sorry..." tas bumalik sya sa ginagawa niya.

Nakahawak lang ako sa gilid ng damit ko.

"Taga-saan ka ba at bakit nawalan ka ng malay sa daan? Kung wala ako dun baka kung ano na nangyari sayo." uminom sya ng kape sandali.

Hinintay nya ang sagot ko. Ako naman, tahimik lang walang masagot kung ba't ganun ang nangyari sakin.

"Wag kang mailang sakin... Teka, di pa pala kita nakikilala..." inilahad niya ang kamay niya. "I'm Troy James Montes... You can call me TJ or Troy or whatever you like. And you?"

Nahihiya kong inabot ito. Nang maglapat ang kamay namin, sobrang firm ng pagkakahawak niya. Parang ayaw niyang i-let go yung kamay ko sa higpit ng pagkakahawak.

"Rosie Lyn Dominguez... Just call me Lyn." di nya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit hinihila ko na.

Mas lalo tuloy siyang ngumiti. "Nice to meet you, Rosie... Mas gusto kong tawagin kang ganun. Mas nakakaakit kang tingnan."

Napasinghap ako agad nang bitawan na niya yung kamay ko.

Umayos ako ng upo. Ramdam kong tinitingnan nya ako. Sus! Kung kilala ko lang to baka kanina ko pa nasapak.

"What do you want? Wait. Let me rephrase it..." ngumiti sila lalo. "Who do you want?"

Namula agad ako. Nag-smirk sya tas tumayo palapit sakin. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng sofa. Unti-unti syang lumalapit tas nag-squat sa harap ko.

"You're sexy..." nag-pout siya. "You're hot..." tas nag-smirk. "..and beautiful." 

Pulang-pula na ako at di makatingin ng diretso sa kanya. Ang lapad ng ngiti niya.

Nagulat ako ng ipatong nya ang kanyang kamay sa tuhod ko.

"Ang boring pag walang makakausap ditong matino." tumayo siya at nilagay ang kamay sa binulsa. "Let's have some fun..."

Agad akong napatingin sa kanya. Takang-taka kung anong ibig sabihin niya.

"Anong gagawin natin?"

"Hmm... Tagu-taguan?" natawa ako. "Kidding! Uh, how about padalian tayo ng sasabihin regarding certain things. Tas pag di nakasagot within three seconds, may consequence. Game?" nag-aalinlangan akong sumagot.

Pano pag palagi akong talo, di ko pa naman alam ang takbo ng utak ng taong 'to. Baka ipagawa ako ng mahirap na bagay.

"Sige na... Di ka naman pwedeng umuwi sa inyo ngayon. Ang lakas ng ulan sa labas baka di na natin makita ang daan." umupo siya sa tabi ko.

Tahimik pa rin ako habang tinitimbang ang pwedeng isasagot ko.

"Ano na? Para may pagkaabalahan tayo... Hey, magsalita ka naman diyan."

Haay. Tama naman sya. Siguradong di ako makakauwi. Ok na rin 'to dahil ayoko munang harapin si Kyle ngayon. Galit ako sa nalaman ko. Dito na lang ako magpapalipas ng gabi.

"GAME! Anong gagawin?" humarap ako sa kanya tas pinatong ang paa sa sofa. Pero di yung naka-cross ha. I'm a girl kaya! Naka-dress pa ako. Lels.

Napangiti sya lalo at ginawa rin ang ginawa ko. Pero naka-cross lang.

"First category..." nag-isip siya. "SPORTS."

(_ _ ")

Anong alam ko sa sports? Tumbang-preso? Patintero? Naku talo na ako nito.

"Ako magsisimula. Tatlong segundo dapat makasagot ka. Ready?" tumango ako. "Game!... Basketball!"

"Badminton!"

"Soccer"

"Gymnastics"

"Baseball"

"Volleyball"

"Boxing"

"Bowling"

"Archery"

"Table Tennis"

"Lawn Tennis"

"Um... Ano..." nagsimula na syang mag-count.

Wala akong maisip na iba pa. Ano pa ba? Patulong oh! Suggest kayo.

"3! I win..." nagsmirk sya. "Pano ba yan?" napasimangot ako.

"Anong gagawin ko?"

"Hmm... Truth or Dare?" sabi niya.

What? Truth or Dare? I didn't expect this. Akala ko pitik sa tenga lang. LOL

Nag-isip ako. Pag nag-truth ako baka maisip niyang itanong an kalagayan ko ngayon. Ayoko nun! Pag dare naman, I don't know baka ipaglinis ako ng kalat sa sahig.

"DARE"

"Hmm... Ano bang pwedeng ipagawa sayo?" parang tuloy syang bata na nagpo-pout habang nag-iisip. "Pahalik na lang..." na pa-huh? ako. "...sa cheeks."

Hmm... Wala naman sigurong masama pag sa cheeks lang diba? Oh sige na nga!

Bahagya akong tumayo at lumapit sa kanya tas hinalikan sya. Nung tapos na, nakangiti ng sobrang laki. Nagmukha tuloy syang manyak... manyak naman talaga. Lels.

Naglaro ulit kami. Ayun, palagi akong talo kaya kung ano-ano ang pinapagawa niya. Kiss ilong. tenga. mata. pisngi. Nakakaasar tuloy. Lakas ng trip nung mokong.

Kahi papano nakatsamba naman ako. Pinatakbo sa buong bahay. Tawa lang ako nang tawa. Pawis na kasi sya. Laki ng bahay kawawa tuloy.

Hanggang sa last na lang daw. Feeling daw nya mananalo sya. Hah! 

"Ako naman!" nag-isip ako. "Hmm... Okay! Hollywood Celebrities."

Nagulat siya. Haha! Wala sigurong 'tong alam pagdating sa artista. Panalo na ako nito. Yey!

"Game."

"Nicholas Cage"

"Hugh Grant"

"Mandy Moore"

"Keanu Reeves"

"Britney Spears"

"Johnny Depp"

"Kim Kardashian"

"Will Smith"

"Paris Hilton"

"Jim Carrey"

"Kristen Stewart"

Grabe. Di ba papatalo? Akala ko ba wala 'tong alam. Hmpft! Nakakaasar na.

"Daniel Radcliffe"

"Jessica Simpson"

"Jackie Chan"

"Chace Crawford"

"Ian Somerhaulder"

Lels. Crush ko yung sinabi nya. Sshh! Ano pa ba? Celebrity ba yung si Carolina Bang? Di naman ata hollywood yun eh but I like her vibes. Duh?

"Carolina..."

"...1"

O__O

"WIN!"

WAAAAAH!!!!!! Talo na!!!

"Anong pwede mong gawin kaya? Hmmm.." tas nag-henyo look pa siya.

"UGH! Ano? Tagal mag-isip! Dali na!"

Ngiti sya nang ngiti. Ako naman kanina pa naiinis.

"Nakakahiya kung ipaglilinis kita... Hmm, pano ba 'to?" nakataas lang ang kilay ko. "Ahh... you can kiss my lips."

-__-

Yun lang?! Wala palang ka-effort---

"ANOOO???"  biglang sigaw ko.

"Ilang 'O' ba yun? Haba nung sigaw mo!" tawa siya nang tawa.

"Che! Anong klaseng dare yan? Adik ka ba? Ba't ko naman gagawin yun?"

"Because I said so... And this is my house. I can ask whatever I want."

"Ganun? Dahil ba bisita lang ako ikaw na pwedeng mag-utos? Di ba pwedeng magrequest?"

"Hahahaha! Nung nangyari sa'yo?"

"Wala!... Palitan mo nga!"

"Ayoko! Bahala ka. Isa lang naman. Anong problema dun?" seryosong sabi niya.

Eh kasi may boyfriend soon-to-be husband na ako! Baka magalit yun pag nalaman niya.

"Um... Wala naman.... Siguro?" tugon ko.

"Ahh... Di ka sigurado. Haha! Ayos. Games!" pilit niya.

Nakatingin lang siya habang tinuturo yung lips nya. Di ako mapakali. Hinihintay na sana may himalang mangyayari.

"Walang mangyayari kung di ka gagalaw dyan. Halika nga!" nagulat ako nang bigla nya akong higitin.

Agad nyang hinawakan ang batok ko. Gulat na gulat ako sa susunod na pwedeng gawin nya.

"A-Anong...?" napatigil na lang ako nang agad nya akong hinalikan ng marahas.

Di ako makagalaw sa pagkakahawak nya. Bahagya nya akong tinulak kaya agad akong napahiga sa sofa. Nakapatong lang sya sakin habang patuloy pa rin sya sa ginagawa.

Agad ko syang tinulak. Pero wala akong lakas. Nanghihina sa halik nya. Ba't ba ako nagkakaganito? Akala ko ba kay Kyle ko lang nararamdaman ang ganito.

Litong-lito ako. Na-realize ko na lang na unti-unti kong nilalasap ang bawat dampi ng labi nya. Gumanti ako. Napatigil sya sandali pero bumalik din.

Hanggang naramdaman kong inaalis na nya ang suot kong dress.

"STOP!" tinulak ko sya. Napaupo sya ng maayos at hinawakan ang dibdib nya.

Ang laki ng ngiti nya habang nakatingin sakin. Mas lalo tuloy akong nainis.

Agad akong tumayo at naglakad pabalik ng kwarto.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko. "That's awesome..."

Kinabig ko agad nang di lumilingon sa kanya. "Night..."

Tas umalis na. Napansin ko na lang na hinahawakan ko ang labi ko nang makapasok na ako ng kwarto.

Продолжить чтение

Вам также понравится

MONTGOMERY 5 : Waiting For Superman Ms. Patch

Любовные романы

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...