7 Color Prodigies: The Story...

By riyusen

18.4K 289 118

Hi! may itatanong lang ako sayo.. paano kung isang araw, kung saan napakaganda ng panahon na halos masilaw ka... More

Let's Start From Mis-Under-Standing!
chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27
Chapter 28
Extra 1
Chapter 29
Chapter 30
GOODBYE RIYUSEN

Chapter 26 (Part 1)

323 9 9
By riyusen

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

 

CONFRONTATION 26

(Part 1)

 

“What is Her Real Identity?”

REED:

Bwahahahah!! Bwahahahaha!

Sarap na ng buhay ko ngayon! Di ko akalaing darating din pala ang araw ng tagumpay ko! akalian mo nga namang ako na ang hinihintay ngayon? Bwahahaha!

Kung dati rati eh mas maaga pa ako sa pagsikat ng araw para sunduin si shit head, ngayon eh asensado na! Ako na ang hinihintay! Nyahaha!

Ayun, nakikita ko na syang nakatayo sa labas ng apartment nila, iba nga naman ang panghatak ng karisma ko. kahit ang tigre, napapaamo ko! dugong Samaniego ata to! Hehe.

Lalabasin ko na, tama na siguro yung isang oras na pagpapahintay ko sa kanya hehehe.

Bumaba na ako sa kotse, at.. yun oh! Nakangiti na sya agad pagkakita nya sa akin!

Tsk tsk wala nga atang babaeng ipinanganak na kayang tanggihan ang kagwapuhan ko!

Makatawid na nga—

“hi pogi! Gwapo mo naman! Wala ka bang kasama? hihihi”

 

Napatingin ako sa babaeng biglang humawak sa braso ko.

“oi babae, kutsilyo ka ba?”

 

“ayeee! Ke aga aga pa, bumabanat ka na hihih. Bakit pogi? Paano mo nasabing kutsilyo ako? Dahil ba sa kasing tindi ng kutsilyo ang tama mo sakin? ahhihihi?”

 

“hindi. kasing tulis kasi ng kutsilyo yang baba mo.”

 

“ayyy! Kaw talaga! Palabiro ka pala ahihihi”

 

“ako!? Nagbibiro?! sira ulo ka ba? Bumitaw ka nga! Baka mahagip pa ng baba mo yang braso ko, masugatan pa ko!”

 

Sino ba tong kutong lupang to!!??

“pogi wag ka nang pa-hard to get! hihihihi”

 

san ba to galing!?

Itutulak ko na sana yung sira ulong babaeng mukhang bakla nang bigla ko na lang maramdaman na may napakalakas na humila sa kabilang braso ko kaya napalayo ako dun sa babae. Mas nagulat pa ako nang Makita kong si shit head pala! At mukhang galit na galit!

Magsasalita pa dapat ako kaya lang bigla nyang niyakap ang braso ko!

“hoy babae! Pwede lumayo layo ka sa BOYFRIEND ko?”

 

Waw! Possessive na nga talaga!

“tsss. Taken pala! Punyeta!” sabay walk out nung babae.

Ang bangis talaga netong girlfriend ko! wahaha.

Ibang level na nga ata tong pagkahumaling nya saken! ipinagdadamot nya na ako! Maganda yan! Hahaha!

“sa susunod, pumunta ka agad sa tabi ko para di ka dinidikitan ng mga babae. Ayos ka lang ba?”

 

“Ah, o-oo hehehe”

 

Tae! Ilang araw na syang ganito saken pero di pa rin ata ako sanay! Kumakabog pa rin!

“kapag may napansin kang babaeng umaaligid sayo, sabihin mo agad saken para mapalayo ko. alam kong nauumay  ka na sa kanila.”

 

Hmm.. oo, nakakaumay na nga yung lagi akong nilalapatan ng kung sinu sinong babae lang. pero teka, paano nya nalaman yun? Tsk tsk mukhang hindi ko lang napapansin pero matagal na ata akong pinagtutuunan ng pansin nitong babaeng to. Gusto ko yan! Bwahaha!

Ngayong sigurado ko na ang panalo ko, nasa akin na lang kung paano at kelan ko gagawin ang atake ko. mapatutunayan ko na rin sa kanyang hindi dapat binabangga ang isang Reedinson Kerf Samaniego! Hehehe

“ah boyfriend, sandali lang ha, may nakalimutan lang ako. Babalik  muna ako sa taas, pakihawak lang muna to sandali.” Sabay abot nya ng bag nya saken tapos tumakbo na pabalik sa unit nila.

Tsss. Maghihintay nanaman ako? Kaasar! Gumaganti ba sya!?

Hmm..?

napatingin ako sa bag nyang hawak ko nang may maramdaman ako parang basa.

Bakit may basaa? Ano ba to?

Hmm..

0_0

 

t-teka.. b-bakit m-may p-pula?

Napatingin ako sa kamay kong may bahid ng pulang likido. Ayaw kong maniwala sa sinasabi ng utak ko pero bakit … imposible! Imposibleng totoo ang mga iniisip ko! ha-ha-ha! i-imposible t-talaga!

Tsk! Takte! Ano ba talaga to!? Bakit malagkit? At bakit pula!?

Ilang beses kong itinanggi sa sarili ko ang sinasabi ng utak ko pero nang amuyin ko yung kamay kong kinapitan nung pulang likido, bigla akong nanigas..

PUCHA! Dugo to!

Halos hindi ako makapaniwla habang pinagmamasdan ko ang mga kamay ko. bakit may dugong tumutulo mula sa bag nya! siguradong dugo to dahil malansa!

Tiningnan ko ulit yung bag nya.

Anak ng tae! Ano bang laman nito!?

Hmmm? Teka.. ngayon ko lang napansin, ang bigat ata ng bag nya ngayon? At bat ang laki? Hindi to ang bagpack na lagi nyang gamit ah? Ano bang nasa loob nito?

Kahit kinakabahan ako sa maari kong Makita sa loob ng bag nya, mas pinili ko pa ring silipin yun.. at hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok nang Makita ko kung saan galing yung dugong tumutulo mula sa bag nya…

POTANGINA!! BAKIT MAY ULO NG TAO SA BAG NYA!!!!?

*********************

REED:

 

“ui boss Reed! Ayos ka lang ba?”

 

“oi Lu, ndi ka ba nagsasawang magtanong? Kanina ka pa ah.”

 

“wag ka ngang singit nang singit ng usapan Eiji, lalo na kung hindi mo naman kilala ang kausap mo.”

 

“wag ka nang magpanggap! Lam kong ikaw si Lu! Kakasabi lang saken ni Ru kanina nang makasalubong ko sya! Nyahaha!”

 

“bopols. Si Lu yung kausap mo kanina. Hahahaha!”

 

“ha? tsk! Ewan ko sa inyo! Balik ko kayo sa sinapupunan ng nanay  nyo eh!”

 

“hahaha oi san ka pupunta!?”

 

“sa labas. “

 

“anong gagawin mo sa labas?”

 

“Magpapakita ng abs.”

 

Lumipat ako ng pwesto sa tabi ng bintana. Ang iingay nitong mga kumag! Di ko tuloy maayos ayos tong takbo ng utak ko!

Potek! Ano ba talaga yung nakita ko sa bag nya!? kahit anong gawin ko, hindi mawala sa utak ko eh!

Nung una, iniisip ko naman talagang may balak syang masama saken kaya sya biglang naging sweet, pero nung marinig ko yung usapan nila nung kaibigan nya, nabuhayan ako. confident na ako sa panalo ko eh! Kahit saang anggulo mo tingnan, iisa lang an conclusion na lumalabas eh, at yun ay walang iba kundi ang pagkahulog nya saken. Sigurado na akong nahulog na sya saken, pero nung Makita ko yung laman ng bag nya, tae! Bumalik yung una kong hinala! Mukhang ulo ko na ang susunod na ipapasok nya sa bag nya! ano ba talaga ang babaeng yun!? Paimbistigahan ko na kaya!? Delikado na ata to!

“oi Reed, di ka pa ba magwa-warm up?.”

 

“wag mo kong storbohin Yuram, nag iisip ako.”

 

Napalingon ako agad nang bigla akong pasahan ni Gin ng bola.

“ano nanaman ba yan? Di ka na nauubusan ng iisipin ah.”

 

“hahah! Tinatanong pa ba yan Gin? Malamang iniisip na nya kung sino ang susunod nyang punching bag.”

 

Ibinato ko kay Arc ang bola. “tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang gawin kong punching bag. Magsilayas nga kayo sa harap ko! nababanas ako sa mga pagmumukha nyo!”

 

“waw! Kami pa ang nakakabanas? Eh kaw nga tong madalas mambalahura eh hahah”

“tsk!”

 

“ano ba kasi yan tol?”

 

Haaay.. wala atang balak ang mga mokong na to na tigilan ako hanggat hindi nila nalalaman ang gusto nilang malaman.

“ang totoo..”

 

“…”

 

Tingnan mo tong mga ulupong na to! Halatang interesado! Talagang tumahimik ah.

“… may nakita akong ulo ng tao..”

 

“pre, sira ka ba o may sa pagka abnormal ka lang talaga? Hindi mo ba alam na normal nang makakita ka ng ulo ng tao? Ano to? Insultuhan? Hindi ba mukhang ulo sa paningin mo tong mga nakapatong sa mga leeg namin? Mas dapat mo sigurong pag isipan yan kung taong walang ulo ang nakita mo. Aysss. Ano ba yan, tayo na nga mga tol, nanggogoyo ata tong si Reed eh.”

 

“eh kung sabihin ko sayong ulo na walang katawan ang nakita ko?”

 

Bigla silang natigilan lahat.

“teka boss Reed, sabihin mo nga, may third eye ka ba?”

 

“tsss. Tigilan mo nga ako Ru.”

 

“di nga pre? Nakakita ka ng multo? Saan?”

 

“waw! Interesado si Cley! Napapatagalog na! hahaha”

 

“ssshhh. Manahimik ka nga Kai.”

 

Tsk. Tama ba talagang sabihin ko pa to sa kanila?

“oi Reed. Ano na?”

 

“hindi multo yung nakita ko.”

 

“oo hindi yun multo, kunsensya mo yun. Maniwala ka, kunsensya yun. Sa dami ba naman ng ginulpi mo, yan pati kunsensya mo nagpapakita na sayo.”

 

“ulo lang ang natira sa kunsensya nya tol?”

 

“gusto nyo tapyasin ko na yang mga nguso nyo?”

 

“oi ndi ah! – kaw kasi Gin eh, ndi yun kunsensya, walang kunsensya yan eh.”

 

“gago mo Kai. Kaw kaya nagsabi nun!”

 

“ndi ba talaga kayo titigil na dalawa?”

 

“oi to naman, biro yun pre! Biro! hahaha”

 

“saan mo ba yun nakita Reed? Tae naman, wag mong sabihing dito!?”

 

“hindi..”

 

“sa school? Naku tol, uso ang mga ganyan sa mga school kaya wag ka ng magulat.”

 

“hindi din..”

 

“sa C. R noh?”

 

“hindi.”

 

“eh saan ba!?”

 

“..sa bag ng girlfriend ko.”

 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 

 

(0_0!) (0_0!)  (0_0!) (0_0!) (0_0!) (0_0!)

Yan. Eh di nganga kayong lahat.

“pota tol! Sa bag ng girlfriend mo!? Bakit may ulo ng tao sa bag ng syota mo!? Cannibal pa ata yang napulot mong girlfriend!”

 

“oi Reed! Yan ba talaga ng mga tipo mo? Criminal ka na nga, criminal pa sinyota mo? Saan nyo ba balak mag honeymoon? Sa kulungan? Tsk tsk.”

 

“gago ka! At kelan ako naging criminal!?”

 

“hahaha boss Reed, kalma lang. hindi yan ang problema. Ang tanong, bakit may ulo ng tao sa bag ng syota mo? Or.. ulo ba talaga yun ng tao?”

 

“oo. Sigurado ako ulo yun  ng tao! Nakadilat pa nga eh! Tapos may dugo! Sigurado din akong dugo yun dahil ang lansa!”

 

“anong ginagawa ng ulo ng tao sa bag ng gf mo?”

 

“pota Dranz! Alam ko ba!? Kung alam ko, sa tingin mo mababaliw pa ko sa kaiisip dito!? Tapon ko yang teddy bear mo ngayon eh!”

 

“hahaha naha – high blood nanaman oh, dinamay pa ang teddy bear haha”

 

“sabi ko na nga ba Reed! Wag kang mag gi-girlpren! Nakakatakot sila!”

 

“Stint, oo at nakakatakot nga ang mga babae, pero wala pa naman ata akong nabalitaan na may namugot na ng ulo.”

 

“Sus! Kung makapagsalita ka jan Gin para namang nagkanobya ka na. ni hindi ka nga nakahawak ng kamay ng babae eh.”

 

“hoy! Kumag! Bat ka namemersonal!”

 

“hahaha! Napaghahalataan tuloy tong si Gin haha”

 

“manahimik nga kayo!”

 

“baka ex nya kaya nya pinugutan ng ulo?”

 

Tangina! Kung ganon, posibleng ganun din ang kahinatnan ko pag nakipag break na ko? pucha!

Ngayon ko lang naisip, hindi kaya talagang mga underground criminal ang lahi nila kaya laging wala sa bahay yung parents nya? di kaya sa gabi sila gumagala para pumatay ng tao—

“oh!”

 

Napatingin ako sa cp na hinagis ni Stint sa kamay ko. “anong gagawin ko dito?”

 

“tawagan mo yung nobya mo. Kesa kung anu anong hula ang iniisp nyo, tawagan mo na lang at nang malaman mo kung ano ang totoo.”

 

“oo nga pre, tapos itanong mo na rin kung kaninong ulo yun hahaha!”

 

“eh kung yang ulo mo kaya ang ipasok ko sa bag ko Kai?”

 

“hahaha! Yung kay Klein na lang, total wala namang utak yung loob ng bungo nya hahaha”

 

Tsk! Mas mabuti nga atang tanungin ko na lang.

Chapter 26 (Part 1) End

 

~Riyusen

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...