Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 4] - Post It
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 4] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 4 [Part 3] - Courage

221K 1.4K 74
By iloveaxclu

Luigi's POV

 

Iniangat nito ang mukha nya at hinalikan ako sa labi. Di ako nakasagot ng halik. Nabigla ako.

 

Binigla nya ako. I was not expecting it.

  

Hinawakan ko ang mukha nya at marahan na nilayo sa mukha ko. Pero split second lang at nilapit nya ulit ang mukha nya sa akin at hinalikan uli ako sa labi. Naramdaman kong pinulupot nya ang mga kamay nya sa batok ko. Pinipigilan ko ang sarili ko. Pinipigilan ko nung una pero -- she's tempting. Irresistible.

Di ko na alam, sumabay na din ako sa paghalik sa kanya. I kissed her. It felt so good. Her lips are so soft. And I was starting to lose my mind.

Tumunog ang cellphone sa bulsa ko. May nagtext sa akin, 'yon ang tunog ng iphone ko pag may nagtetext sa akin. Then suddenly, seemed like I was pulled to reality back again.

What the hell? Ano 'tong ginagawa ko?

Humawak ako sa balikat nya. Di pwede 'to.

"Laureen, wait-this-is-not-right", putol-putol kong sabi, in between our kisses.

Nakainom ako. Lasing sya. Lalake ako. Babae sya. Masamang kumbinasyon. Baka ano pa ang magawa ko sa kanya pag 'di ko 'to tinigil kaagad. Pag hindi ko napigil ang sarili ko.

  

Bumitaw sya, "Why? Dahil ba manang ako? Am I not pretty?", nagsimulang mag-crack ang boses nya.

Hinawakan ko ang mukha nito. "Hey, hey, look at me. You're beautiful. Wag ka ngang nagiisip ng ganyan".

Hindi sya umimik. Laureen, Laureen, Laureen, kung sino man ang taong nagtext sa akin, magpasalamat ka sa kanya.

  

"Come on, magshower ka, tapos magpahinga ka na", tinulungan ko syang makatayo at inakay papunta sa shower. Wala pa din itong imik.

"Are you gonna be fine here?", tanong ko sa kanya.

  

Tumango ito ng mabagal.

"Ok, nasa labas lang ako, tawagin mo ko kung kelangan mo ng tulong", sabi ko sa kanya.

Tumango lang ulit ito sa akin.

Lumabas na ako at narinig kong pumapatak na ang tubig sa shower.

Umupo muna ako sa kama. Napamuni ng saglit.

Ano ba yung nangyaring yun? Whew!

  

Napapatingin ako sa pinto ng shower. Binuksan ko ang air-con sa room. Ang init ng pakiramdam ko. Halu-halo na, mainit na suit, nainom na alak at pati na siguro dahil sa nangyari sa loob ng cr.

  

Hinubad ko ang suit ko at tinanggal  ang tie na suot-suot ko. Tinanggal ko din sa pagkakabutones ang unang 3 buttons ng long sleeves ko.

Pahinga muna ko. Binunot ko ang cellphone sa bulsa ko at chineck kung sino ang nagtext, pinsan ko pala, si Migs, "Wag ka mawawala sa engagement party namin ni Biancs. Pag wala ka don, ikaw ang sasagot ng reception sa kasal namin".

Haha. Nagawa pang magbiro ng g*go. Nagreply ako, "Ok lang, malakas ang kutob ko na matatauhan din si Biancs".

  

Nagreply ito, "G*go ka talaga".

Di na ako nagreply ulit. Bukas na lang.

Speaking of party, naalala ko ang mga trophies at certificates namin ni Dad, takte naiwanan ko sa ilalim ng table kanina.

  

Bababa muna ako para kunin. Di pa din naman tapos si Laureen mag-shower.

  

Ni-lock ko ang main door paglabas ko.

Pagbalik ko sa table namin ni Laureen andoon pa din ang mga bagay na hinahanap ko. Nagsisimula ng tanggalin ng mga nag-aayos ang mga cover ng tables pero nasa gitna pa lang sila, sa bandang dulo kami nakaupo kanina.



Pagbalik ko sa kwarto, nakasara pa din ang pinto ng cr, tuloy pa din ang patak ng tubig sa loob. Nilagay ko sa side table ang mga dala kong trophies at certificates. Pati yung para sa Lolo ni Laureen andon din sa table namin.

Ang tagal naman mag-shower ni Laureen. Kanina pa sya don ah.

Kinuha ko ang phone ko, parang gusto kong itext si Dad para makibalita kung ano na ang nangyari, pero parang ayoko dahil baka pati ako problemahin pa nito.

  

Isa pa baka tanungin sa akin kung kamusta na si Laureen, ano naman ang isasagot ko? 'Ah, ayun po lasing na lasing at kung anu-ano ang pinagsasabi'. Di naman pwede ganon.

  

Pinaikot-ikot ko na lang tuloy ang cellphone sa kamay ko.

  

Ang tagal naman ni Laureen.

Tumayo ako at pumunta sa pinto ng shower, kakamustahin ko lang baka nag-iiiyak pa din sya, kumatok ako, "Laureen? Hey, are you ok?"


Walang sagot.

Nilakasan ko ang boses ko, "Laureen, Luigi here".


Kumatok ulit ako. Wala pa ding sagot.


Anak ng....baka may nangyari na don ah. Dito pa sa kwarto ko mamaya ako pa ang pagbintangan na gumawa ng krimen pag nagkataon! Ako pa naman ang huling nakita ng mga tao na kasama nya.


Tinry ko buksan ang pinto. Hindi naka-lock.

  

No reaction galing sa loob, ine-expect ko na sisigaw sya. 


Sumilip muna ako, "Laureen? Teka chine-check lang kita ha", depensa ko, baka mabato ako eh.

No reaction pa din.


Pumasok ako at hinawi ko ang shower curtain.

  

Ayun sya.

Nakaupo. Naka-tiklop ang mga binti nito at nakayakap ang mga kamay nya dito. Nakayuko sya sa ibabaw nito. Basang-basa sya. 


Nagmadali ako pumunta sa side nya. Pinatay ko ang shower, medyo nabasa ako ng konti.

"Hey! Come here!",  hinawakan ko ang ulo nya at inangat ang mukha nito, nakapikit sya, tulog ba sya? "Bakit di ka muna nagbihis, magkakasakit ka nyan sa ginawa mo".  Ang lamig-lamig ng braso nya. Basang-basa sya.


Yari. Ano ba ang gagawin ko?

  

Alam ko lang kelangan nya ng tulong ko. Bahala na si batman. Bihunat ko sya at inilabas ng cr. Hiniga ko sya sa sofa at tinanggal ko ang sapatos nito.

Umupo ako sa sahig gamit ang isang tuhod ko, hinawi ko ang mga buhok nya na napunta sa mukha nito. Tinitigan ko sya. Baket ba sya nagkakaganyan. Maganda sya pero hindi ganon ang tingin nya sa sarili nya.

Biglang napaubo si Laureen at hinarap ang katawan nya sa sandalan ng sofa, parang tumalikod sya sa akin. Hinaplos ko ang likod nito. Basang-basa talaga sya, kelangan nya magpalit. Bahala na si Batman ulit.

  

Paano ko ba tatanggalin ito? Kinapa ko ang likuran ng dress nya para malaman kung may zipper ba doon. Wala.

Definitely wala sa harap, dapat napansin ko na iyon kanina nung dumating sya.

Dito kaya sa kanang tagiliran na hindi nya naiipit? Wala din.

Baka nasa kabila, baka nadadaganan nya. Inikot ko ang katawan nya paharap sa akin.

Kapa. Andito nga.

  

Isang mahaba at nakatagong zipper sa tagiliran mula sa baba ng kili-kili hanggang sa bewang.

  

Hinawakan ko ang zipper, pero binawi ko agad ang kamay ko.

Nag-aalinlangan akong ibaba.

Kinakabahan ako. For the first time, I feel nervous undressing a woman. Ginagawa ko naman ito, pero tonight, I don't feel like doing it, specially to her, to this girl.

Umubo ulit ito. Haay, pasaway. Bahala na si Batman ulit.

Kung totoo ang kasabihan na nakakasamid ang pagbigkas ng pangalan ng isang tao ng paulit-ulit, nasamid na si Batman. Natawa ako sa kag*guhang naisip ko, pati si Batman nadadamay na.

Kelangan Luigi. Kaya mo 'to. Kaya mo 'to!

I started unzipping her dress, tinry ko i-focus ang mga mata ko sa mukha nya, ang hirap whew! Syempre lalaki ako.

Ilang seconds pa lang pero ayaw na bumaba ng zipper, alam kong hindi ko pa ito naibababa ng husto, hindi ako tumitingin, pero tantya ko nasa kalagitnaan na ako.

  

Sinubukan ko ulit, ayaw pa din, isa pa ulit ---- at OUCH!

  

May tumusok sa daliri ko. Napatingin ako, perdible ba yun?

  

Tinignan kong mabuti, perdible nga.

 Hindi lang isa, kundi anim na magkakasunod. Sa malapitan ko lang nakita na sira pala ang zipper ng dress nya.

Naalala ko tuloy na may sinabi syang nagkaaberya sa damit nya kaya sya na-late. Ito siguro yung sinasabi nya.

Tinanggal ko isa-isa ang mga perdible, -- at bumagsak ang harapan ng dress nya.

  

What the hell! Wala itong suot-suot na bra. Pasaway talaga. Napalunok ako sa nakita ko.

  

Tumalikod ako, huminga ng malalim.

  

Tumayo ako at pumunta sa cabinet para maghanap ng pwedeng ipam-palit nya. Kinuha ko ang extra long sleeves na dala ko, pwede na yun. Wala ng iba eh.

  

Binalikan ko sya sa sofa, dali-dali kong sinuot sa kanya ang long sleeves para naman ma-cover ang upper body nito kahit papano, saka ko hinubad pababa ng tuluyan ang dress nniya. Gumalaw ito.

P*cha!

Nagkusot ito ng mata. At hinaplos nito ng dahan-dahan ang leeg niya.

Para itong bata nung nagkusot sya ng mata. Pero ng haplusin nya ang batok nya ay parang nag-send ito ng kakaibang pakiramdam sa balat ko.

Naghintay ako saglit saka ko sya binuhat at inihiga sa kama.  Kumapit pa nga ito sa leeg ko. Naisip ko tuloy na baka gising na ito. 

Humiga na din ako, natatamad na akong magpalit. Di naman ako mabaho eh. Naligo naman ako kanina bago pumunta sa party. Napatingin ako ulit sa mukha niya, di maitatangging maganda ito.

  

Tumingin ako sa relo ko, 2:58am na pala. Hinubad ko ang relo ko at inilagay ito sa ibabaw ng side table. Kinuha ko ang iphone sa bulsa ko at sinet ang alarm nito sa 6:00am. Mahaba-haba pa ang ida-drive ko bukas. Pagkatapos ay pinatong ko din ito sa ibabaw ng mesa --may gumalaw sa kama.

  

Gumalaw sya.

At naramdaman kong may kamay na yumakap sa bewang ko, hinilig nito ang ulo nya sa may leeg ko. Nilamig ako dahil malamig ang buhok nya. Hinalikan ako nito sa gilid ng labi ko at pataas hanggang sa may tenga ko. Kinilabutan ako.

  

"Please". Sunod-sunod nya akong hinalikan sa labi.

Anong please pinagsasabi nito. Uneasy ang pakiramdam ko.

  

"L- Lau-reen, hey", sabi ko, napahawak ako sa balikat nito. Di sya tumitigil sa paghalik sa akin. Napapasagot akong humalik sa ginagawa nya kahit pinipigilan ko.

Kinuha nya ang kamay ko na nakahawak sa balikat nya and she placed it on her breast. Napalunok ako.

  

"Lau-reen, wait, si Luigi 'to. Lasing ka", tinanggal ko ang kamay ko at umupo ako.

Natigilan sya saglit. At napaupo ito bigla sa tabi ko. "Shocks", mahinang sabi nya, "Nakakahiya ako, sorry, I..."

Pinutol ko sya, "It's fine. It's fine. Don't worry about it, nakainom ka kasi", kahit ako hindi ko alam ang sasabihin ko, at alam ko na-tense ako sa ginawa nya.

"I'm sorry", pagulit nito.

"It's ok", sabi ko naman.

"I'm a mess", naiiyak nyang sabi.

"Hey, hey, no, you're not", sabi ko.

 "Yes I am! I'm worthless. I'm cheap", umiyak sya ng mahina.

Tumingin ako sa kanya, nakayuko na naman ito sa mga tuhod nya.

"Ano ka ba, wag mong sabihin yan, hindi totoo yan".

Tinaas nya ang mukha nya pero tumingin ito sa ibang direksyon, "Totoo naman diba, kung kani-kanino ako nasama. Tapos ngayon, itong nagawa ko sa....",

Pinutol ko sya, "You make mistakes, but that doesn't mean you're worthless".

  

This time tumingin na sya sa akin, I saw pain in her eyes  and I didn't like it. Something inside me is protesting. She should not be saying all these things. No, all these should not be coming from this girl. Not from this girl.

Nagsalita si Laureen, nagca-crack ang boses nito, nagagalit sya, "It's true! I'm cheap, second-rate, worthless, insigni....."

I don't know what got into me, I grabbed her face and kissed her. Di na nya natuloy pa ang sinasabi nya. I kissed her harshly, intensely. I wanted to crush her lips so she can't say these things anymore.

  

She was not responding.

It made mo more eager, impatient.

  

I teased her with my tongue. I teased her to open her mouth.

.......And then, she finally responded. 

********************************************************************


Nakarinig ako ng nagriring na iphone.

  

Alam kong akin 'yon. Tunog 'yon ng alarm ko. Bago ako tuluyang natulog kagabi, sinet ko ang alarm clock nito.

  

Dinilat ko ang kanang mata ko at inabot ang iphone ko. 6:00am na. In-off ko ang alarm at sinoli ito sa mesa.

Naramdaman kong may nakadagan sa kaliwang braso ko. At may nakapatong na kamay sa may bandang dibdib ko.

  

Hinilig ko ang ulo ko sa direction nya. At napadikit ang labi ko sa noo nito. Para bang napahalik lang ako. Nilayo ko ang mukha ko. Tulog pa ito.

Tulog pa si Laureen.

Napangiti ako. Kung ganito agad ang mukhang makikita mo sa umaga pag gising mo, di na siguro kelangang literal na magsabi ng 'good morning', good na agad ang morning mo.

Nawala ang ngiti ko. Anong pinagsasabi mo Luigi? Anong nangyayari sa'yo?

Gumalaw ito. Humigpit ang pagyakap nya sa dibdib ko at unting bumaba ang kamay niya sa may bewang ko. Natigilan ako. Inangat nya ang mukha nya at unti-unti itong nagdilat ng mga mata, "mornin' Luigi", mahina nitong sabi sa malambing na boses.

 Di ako nakagalaw, di ako nakasagot. Ano ba 'tong babaeng 'to, baket ba mas madalas syang gumawa o magsabi ng mga bagay na hindi ko ineexpect.

Seconds of silence.

  

And.......

"Whaat!", napasigaw si Laureen, bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at umupo ito at nagtakip ng kumot.

Boom! Ayun! Nagsink-in din sa kanya sa wakas! Yun ang mas ineexpect kong gagawin nya.

  

Napaupo din ako sa sigaw nya. Nagkatinginan kami. Bakas sa mukha nya ang labis na pagkagulat nito.

"Bakit nakahubad ka? Bakit.....?", napatingin ito sa suot nyang long sleeves, "Bakit iba na ang suot ko? Anong ginawa mo sa akin?"

"Hey, let me explain first", pagdedepensa ko, tinaas ko ang mga kamay ko in defense.

  

"Bastos!", dumampot ito ng unan at binato sa mukha ko.

  

Sapul ako.

  

"Araay! Huy, teka lang!", sabi ko at hinarang ang mga kamay ko sa mukha ko.

  

"Anong ginawa mo saken?", tuloy tuloy ang pagbato nya ng unan sa akin.

  

Sa wakas naubusan din ito ng unan na ibabato.

  

Nakahawak na ito sa kumot na nakatakip sa katawan nya. Nakatingin sya sa akin.

Ako ang nagsalita, "Hey, kung di mo maalala ang mga nangyari last night, tutulungan kita maalala, kung naguguluhan ka, papaliwanag ko. Pero maligo na muna tayo at magbihis. Ipapaliwanag ko sayo lahat mamaya sa sasakyan, ok?", sabi ko sa kanya.

"Hindi ako sasabay sa'yo", matigas na sagot nya.

"At paano ka uuwi?", tanong ko.

  

Di ito nakasagot agad, at ng sumagot ito, "Bahala na".

"Hindi pwede", ako naman ang matigas.

  

"Anong hindi pwede?", naiirita nyang sagot.

"Hindi pwede na hindi ka sumabay sa akin!", sabi ko sa kanya.

"At baket hindi pwede?", naiirita nyang tanong.

"Dahil nag-promise akong ihahatid kita pauwi", sagot ko sa kanya.

  

Hindi sya nakapagsalita. Siguro naman nasabihan sya ng Lolo nya tungkol dito.

"Ako na ang bahala mag-explain kay Lolo kung bakit hindi ako nakasabay sa'yo", sabi nya.

"At sinong mage-explain sa dad ko na hindi ko sinunod ang utos nya?", naghahamon kong tanong. Di talaga magpapatalo ang babaeng 'to.

  

Walang sagot mula sa kanya.

Huminahon ako, "Look, I didn't receive any text or update from my Dad, ikaw ba meron from your Lolo? We don't know what's happening back in Manila. The least we can do to help them is get our selves back to Manila safely", pagpapaunawa ko sa kanya.

Tumahimik sya sandali at maya-maya pa ay tumango sya, "Ok", mahina nyang sabi.

"Ok", sabi ko rin.

"Tatayo na ko", nakatingin sya sa akin.

  

Di ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Sabi ko tatayo na ako", ulit nya.

  

"Ok, tumayo ka na", sagot ko. Ano bang isasagot ko?

"Wag ka tumingin sa akin kasi tatayo na ako", mataray na sabi nito.

Sus! Yun pala ang gusto nyang sabihin, ang labo kasi nito. Kaming mga lalaki, hindi kami mga manghuhula, kung may gusto kayong mga babae, sabihin nyo.

  

"Aaaah, ok", tumalikod ako. Pero nakita ko pa din ito tumayo mula sa full length mirror na nakalagay malapit sa cabinet.

"Sexy", bulong ko. Ang cute nya, ang sexy nitong tignan na nakasuot lang ng long sleeves ko. Wala ng iba. Kita ko ang  mapuputi at mahahabang legs nito.

  

"Ano?", tanong nya.

  

Nilayo ko ang tingin ko sa salamin, "Wala, bilisan mo na para di tayo ma-traffic", yun ang sinabi ko.

"Ok", sabi nya ,"Wag ka titingin ah".

  

"Ok", sabi ko din. Sus, nakita ko na yan.

  

Narinig kong nagsara ang pinto sa shower at maya-maya pa ay pumatak na ang tubig sa loob. Tumayo na din ako para ayusin ang mga gamit ko. Pinulot ko ang mga damit na naka-kalat sa sahig.

Nilagay ko lahat ng mga hindi ko na gagamitin sa bag ko. Nakalabas na lang ang mga susuotin ko.

Tumigil ang pag-patak  ng tubig sa shower. Tapos na siguro sya. Bumukas ang pinto, nagsalita si Laureen, tinawag ako nito, "Ahmm, Luigi?" Nakasilip ito.

  

"Yes?"

"Kasi, ano eh, ahmm", di nya masabi ang sasabihin nya.

"Ano yun?", tanong ko, may kutob akong gusto nya akong utusan. Nung inaayos ko ang mga gamit ko, na-realize ko wala syang damit dito sa kwarto ko. Bukod sa dress nya kagabi.

  

"Kasi, pwede bang humingi ng favor?", tanong nya.

  

"Basta kaya", napapangiti ako.

  

"Pwede bang kunin mo yung mga gamit ko sa kwarto ko?", nahihiyang tanong nya.

  

Ngumiti ako sa kanya, "Yun lang pala eh, oo naman. Alin don at saan ang kwarto mo?". Kinuha ko ang suot-suot kong long sleeves kagabi sa loob ng bag ko at sinuot ulit iyon.

  

"Pinakadulong kwarto. Kunin mo na lang yung bag ko sa loob ng cabinet, andon na lahat ng mga gamit ko, inayos ko na kagabi", nahihiya pa din sya.

"Ok, wait here", sabi ko sa kanya. Lalabas na sana ako.

"Teka, eto oh", may inaabot syang maliit na bag, o wallet ba yun.

Lumapit ako sa may pinto para kunin ang inaabot nya. Nakaamoy ako ng mabangong scent.

  

"Anong gagawin ko dito?", tanong ko sa kanya.

"Naka-lock kasi yun eh. Nandyan sa loob ng wrislet ko yung key", sagot nya.

  

Aah, wrislet pala ang tawag dito. Binuksan ko ito at hinanap ang key sa kwarto nya. Nakita ko na. Iniabot ko ulit sa kanya ang wrislet nya.

"Jan mo na lang muna ilagay sa kama, baka mabasa ko dito eh, di ko alam bakit andito yan".

  

"Ok", sagot ko at nilagay ko iyon sa kama.

"Thank you", sabi nya.

"Welcome", sabi ko, "Mamaya e-explain ko sayo kung bakit nanjan sa cr ang wrislet mo", ngumiti ako at lumabas na ng pinto.

  

Mabilis lang ako nakabalik. Kumatok ako sa pinto ng shower. "Laureen, here are your things".

Binuksan nya ang pinto at kinuha ang bag nya, "Salamat".

"No prob", sagot ko.

Hinintay ko syang lumabas sa cr. Nagtanggal na ako ng damit ko, tinupi ko ang mga iyon at nilagay na sa bag ko. Nagtapis na lang ako ng tuwalya.

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng shower, palabas na si Laureen.

DUG! May bumagsak, "Are you ok?", tanong ko sa kanya.

**********************************************************************

Laureen's POV

Lumabas ako ng shower, dala ko ang bag ko sa isang kamay ko -- nakita ko sya, nakatayo sya at nakatapis lang ng twalya. Nabitawan ko ang bag ko at napalunok ako.

Ang macho.

Maganda talaga ang built ng katawan nya. Walang kabilbil-bilbil ang lalaking ito. Malalaki din ang mga muscles nya sa braso.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko syang topless, nakita ko na ito before sa mural painting event ko na walang shirt nung natapunan sya ng pintura.

  

Pero iba ngayon, nakatapis lang ito ng tuwalya. Times-ten ata ang appeal. My gooooood!

Jaw-dropping.

"Pssst, ok ka lang?", tanong ni Luigi.

Napakurap-kurap ako ng mabilis. Nakakahiya. Nasa harapan ko na pala sya. Hawak-hawak nito ang kanang braso ko.

  

"Ha?", maang-maangan kong tanong.

"Sabi ko kung ok ka lang ba?", tanong ulit nya.

  

"Ah, oo naman ok ako, baket naman hindi",  pinipilit kong mag-sound na kalmado.

"May amats ka?", tanong nito ulit.

  

"Oo eh", wala akong masabi.

  

"Oh teka, upo ka na muna", hihilain nya sana ako papunta sa kama. Pinigil ko sya.

My gooood, pinigil ko sya kasi parang nangangatog ang mga tuhod ko,  "Di ok lang sige, maligo ka na".

"Sure ka?", tanong nito.

  

"Yeah", umalis ka na kasi sa harap ko para makagapang na ko papunta sa kama. Waaaaah. Haha

  

"Ok, ako na magbuhat nito", yumuko sya, pinulot nito ang bag ko na nahulog. Naamoy ko sya, mabango ito pero may halong amoy-alak. Pero parang nagustuhan ko ang kombinasyon. Sexy.

Nauna syang maglakad pabalik sa kama. Nasa kinatatayuan ko pa din ako. My knees are still shaking.

Ng makabalik sya sa pwesto ko, nararamdaman kong nagtataka na sya kung bakit don pa din ako nakatayo.

  

"Hey, are you really fine?", nakakunot ang ulo nya.

"Ah kasi, ano eh, parang pinupulikat ako", wala na akong maisip na palusot. Baka bumigay ang mga tuhod ko pag nag-attempt akong maglakad.

"Ha?", parang nag-alala ang mukha nya. "Halika, buhatin na kita", di pa ako nakakapagreact, binuhat na ako nito.

I need air. I can't breeeeathe!

Lalong naging masculine ang dating nito sa akin. Very manly.

Nilapag nya ako paupo sa kama, "Masakit ba?", lumuhod sya at itinaas ang jeans ko, tinignan nito ang mga binti ko.

  

"Konti", I lied again. Paninindigan ko na.

"San dito?", tanong nya.

"Sa may kanan", sagot ko.

Minasahe nito ang kanang binti ko. Parang kinilabutan ako sa ginawa nya. Hinaplos-haplos nya ito. Kung nakakabusog lang ang paglunok, busog na ako.

  

Isa pa, kakaligo ko lang ah pero parang ang init naman.

"Wag ka na kasi magsuot ng masyadong matataas na sapatos", sabi nito.

"Oo nga eh", sumang-ayon na lang ako. "Thank you, nagiging ok na. Sige maligo ka na", sabi ko sa kanya.

"Sure ka ha?", tanong nito.

  

"Yeah", ngumiti ako sa kanya. Utang na loob! Pumasok ka na sa shower!!!

  

"Ok, rest mo lang muna kung sumasakit pa, mabilis lang ako", at tumayo na ito at naglakad papasok sa cr.

  

Whew! Kalokaaaaaaa! Kaloka ang mga pangyayari!

  

Naghintay ako ng konti bago ako tumayo, baka biglang lumabas si Luigi mabuko pa ako.

Ng makatayo ako tinanggal ko na ang tuwalya sa buhok ko. Nakadamit na ako ng lumabas ako ng cr, suot ko na ang jeans at shirt na binaon ko, yung damit na sana ay susuotin ko kung hindi ako nakahanap ng masusuot sa mga gamit ni mommy.

  

Umupo ako sa harap ng salamin at nilagyan ng baon kong mousse ang buhok ko. Hirap pala pag kulot ang buhok, ang daming arte. High-maintenance. Ayan ok na. Ang ganda ko.

  

Naglagay din ako ng make-up. Di pa ko masyadong magaling mag-apply pero mapagtyatyagaan na. Hehe

Di ko namalayan na lumabas na pala si Luigi ng shower until nagsalita ito.

  

"Hindi na masakit?", tanong nya.

  

"Hindi na, hindi na masakit", convincing kaya ang pagsisinungaling ko? "Tapos ka na pala", napatingin ako sa kanya. Nakatapis lang ulit ito ng tuwalya, basa ang buhok. Napaharap ulit ako bigla sa salamin.

"That's good", sabi nito.

  

"Yeah", sagot ko.

Nakikita ko sya sa salamin, nagbibihis na sya. Nagsuot ito ng short sleeved-polo. Pero nakatapis pa din ito ng tuwalya sa lower body nya.  OMG! Dito sya magbibihis? As in dito? Humarap sya. Tumingin sa salamin. Nagulat ako. Nagkatinginan kami. Nakakahiya, sana hindi nya ko nakita na nakatingin sa kanya kanina.

  

"Done?", tanong nya habang nagbibihis.

  

"Ah yeah", sabay tumingin ako kunwari sa mga kuko ko.

Maya-maya pa nagsalita ulit ito. "Ok, let's go?", tanong nya habang inaayos ang buhok nya gamit ang kamay nito.

  

"Ok". Tumayo na ako at bubuhatin na ang bag ko pero naunahan nya ako. Binuhat na nya ito, pati na din ang bag nya at ang isang plastic na blue. Inabot nya sa akin ang wrislet ko.

"Here", sabi nya.

  

"Thanks".

Bumaba na kami at pumunta na kung saan naka-park ang sasakyan nya. Wala ng ibang sasakyan don isa na lang, yun na siguro ang sasakyan nya.

  

Binuksan nya ang passenger's seat at hinintay ako makaupo bago sinara. Gentleman naman pala ito. At kanina ang bait-bait nito nung nagsinungaling ako na namumulikat ang binti ko.

  

Nilagay nya sa likuran namin ang mga bag namin, pag-upo nya sa driver's seat nagsalita sya, "Jan na lang yan para madaling kunin mamaya".

  

Tumango ako.

"San kita ihahatid?", tanong nya.

Sinabi ko ang address ng condo ko.

"Ok".

Tumango lang ako ulit.

Gumalaw sya, akala ko hahalikan ako nito, may inabot lang pala sya sa gilid ko. Seatbelt.

He fastened it. Natigilan kami parehas sa ginawa nya. Ng magsalita ito ay sumeryoso ang boses nito, "Kung hindi mo pa din maalala lahat, ask me whatever question about last night, I'll answer with all honesty", yun lang at pinaandar na nya ang sasakyan.

Continue Reading