Rewind

By stupidlyinlove

158K 3.1K 390

[On hold/Hiatus] Sabi nila, deserve ng lahat ang second chance pero hindi lahat nabibigyan nito. What if you'... More

Rewind
Present 1: Ego
Present 3: Chance
Rewind 1: First Meeting
Rewind 2: First Talk
Rewind 3: First Deal
Rewind 4: Closeness
Rewind 5: Comparison
Rewind 6: Suspicion

Present 2: Life-taker

11.7K 292 26
By stupidlyinlove

Present 2: Life-taker

------------♡------------

"Bakit naisipan niyong pumunta sa liblib na bar na 'to?" agad na tanong ko kina Pao nang makarating ako dito sa isang bar, "Akala ko ba bilyar lang malapit sa school? Buti na lang alam ko 'to."

"Eto kasing si Dom," turo ni Bry.

"Para maiba lang. Tsaka konti kilala, o wala talaga." pagdadahilan ni Dom.

Napatango kaming lahat. Umorder na rin kami ng maiinom nang mapatingin ako sa paligid---magulo, maingay, punong-puno ng mga taong puro pagchichill lang ang ginagawa dito pero kung tititigan mo silang mabuti, mahahalatang may kanya-kanyang mga problema.

"Sya nga pala," napatingin kami kay Pao nang magsalita siya, "Himala at pinayagan ka ni Phia pumunta dito kahit may quiz sa tuesday."

I shrugged.

"Hindi ka pinayagan?" sabay-sabay na tanong nila.

"Alam niyo naman, tinatanong niyo pa."

Napainom na lang ako ng alak sa hawak kong baso. Mabigat yung loob kong pumunta dito pero tingin ko kelangan ko din ng ganito paminsan-minsan--oras sa sarili at sa kaibigan. Hindi naman sa lahat ng oras ay kelangan kong sumunod sa kanya diba?

"So 'di alam ng girlfriend mo nasaan ka ngayon?" 

Napailing ako dahil hindi ko napaalam kay Bless kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko alam pero nakukunsenysa ako kahit papaano.

"Hah!" napangisi si Pao, "Ako din naman hindi pinayagan ng girlfriend ko pero pinaalam ko pa din kung nasaan ako. Ang kulit eh."

"But we're proud of you, bro." pang-aasar pa nila.

Hindi ko na lang din pinansin ang sinabi niya at uminom na lang. Naririnig-rinig ko na lang silang nagkukwentuhan at nagtatawanan nang biglang magvibrate yung phone ko sa bulsa ko.

Kukunin ko na sana nang may humawak sa balikat ko. Napalingon ako at nabigla.

"Sabi na it's you, Theo! Oh my gosh!"

Bago pa man ako makapagsalita, agad niya akong niyakap. Hindi ko din alam kung ano pang sasabihin. Hindi ko inakalang sa ganitong lugar kami ulit magkikita ni Ashley.

"Oopss, haha." at humiwalay siya sa pagkakayakap, "Sorry, naexcite lang ako. Tagal nating di nagkita."

Napangiti na lang din ako, "Ayos lang, Ash."

"Ehem," napalingon kami sa mga kaibigan ko. muntik ko nang makalimutang kasama ko sila.

"Oh my, Dominic and Paolo, kamusta?" lumapit din si Ash sa kanila at niyakap sila.

"Ayos naman," sagot ni Dom, "Tagal mong nawala chaka di nagparamdam. Ikaw ang kamusta?"

"Eto, ganon pa din naman." nakangiting sagot niya. Halatang masaya siyang nakita kami, "Kakabalik ko lang din from Singapore last week."

"Ahh," sabay-sabay na tango namin.

Napansin naming nakangiti lang si Bryan. Hindi pala niya kilala si Ash.

"Nga pala, Ash, si Bryan, blockmate namin this year." turo ni Pao kay Bry at saka niya inoffer yung kamay niya kay Ashley, "Bry, si Ashley, blockmate namin nung first year at ex---"

"Mga bro, samahan niyo ko dun, may titignan ako." biglang singit ni Dom at inakbayan ng sabay yung dalawa. Sabay-sabay kaming nagtaka.

"Huh?"

Bago pa man makahindi yung dalawa at bago pa ako makareact, namalayan ko na lang na iniwan na nila ako dito kasama ni Ash.

"So, how are you, Theo?"

Napatitig ako sa kanya. She never changed. Ganon pa din siya, jolly and enthusiastic. Of course, she's still beautiful and sexy.

"Theo?" she waved her hand on my face and chuckled, "You're spacing out."

"Ah, sorry." I shook my head and drank.

"It's okay. Hahaha. But seriously,  Theo," hinarap niya ako sa kanya, "You're much different than before. But don't get me wrong. I mean different in a nice way."

Di ko nalamayang napangiti ako, "In what way?"

"You're much bulkier and strongers than before." she chuckled, "In short, mas naging macho ka!"

Napailing ako habang napapangiti. I was about to respond when my phone vibrated again.

"I think, may inspiration ka noh?"

Napatingin ako sa kanya and somehow, medyo nailang ako sa tanong na yon. Bigla kong naalala si Bless.

"Uhm, oo?"

"Si Sophia ba yan?" nakangiting tanong niya.

"Paano mo nalaman?" pagtataka ko.

"Wild guess, I think?" she shrugged, "Pero kamusta naman kay---"

"Bro!" sigaw ni Pao galing sa medyo malayo, "Nagtext si Phia sa girlfriend ko para itanong kung nasaan ka. Sinabi daw niya. Pasensya na."

Tsk. Hindi talaga siya tumitigil.

I sighed, "Hayaan mo na. Ayos lang."

"Hindi niya alam na nandito ka?" agad na tanong ni Ash.

Umiling ako at uminom.

Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang likod ko, "May problema kayo noh?"

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsabi sa kanya pero nang maalala ko kung ano ang meron samin at mga pinagsamahan namin noon, kusa nang lumabas lahat sa bibig ko.

"Sa totoo lang, ako lang ata may problema o kami? Ewan."

"Ano bang problema?"

"Habang tumatagal kasi mas hindi ako nagiging komportable sa mga ginagawa niya. The way she treats me, nakakasakal. Gusto kong mag-enjoy paminsan-minsan ang kaso palagi niyang pinipigil para mag-aral--"

"Para naman pala mag-aral--"

"Oo pero alam mo yun, gusto kong magsaya at kalimutan yang mga stress na yan," napahinga ako ng malalim at napasuklay ng kamay sa buhok, "Kaso minsan, nakakainis dahil hindi niya maintindihan. Alam niya kung anong pinagdadaanan ko, pero eto lang ang naiisip niyang paraan."

"Anong ginagawa mong solution for that?"

I shrugged,  "Being cold? Ewan. Ayaw ko lang sabihin sa kanya dahil masasaktan ko siya. Pero alam ko, nararamdaman niya. Ayaw niya lang magsalita."

"Boring na ba? No thrill at all?" she curiously asked.

Napatango ako, "Nakakasawa lang talaga minsan. At oo, pakiramdam ko nagiging boring na 'tong relasyon namin. Paulit-ulit lang lahat ng nangyayari."

"Kung ganon din naman pala, na parang nahihirapan ka at takot kang masaktan mo siya, why don't you, hmm..." she hesitated, "Why don't you break up with her instead?"

At doon, para akong tinamaan ng kidlat. Break up with her? I--I can't. Alam ko, hindi ko kaya.

"Hindi ko pa kaya," napapikit ako at mabilis inimagine yung mundo ko ng wala si Bless--madilim, malamig, at magulo.

Weird na pakiramdam ko boring itong relasyon namin, na kahit siya walang magawa sa mga nararamdaman ko, na minsan naiinis ako sa pagiging optimistic niya sa lahat ng bahay kahit na sobrang sama na ng mga nangyayari sasabihin niyang may plano ang Diyos at hindi kami pababayaan. Nakakairita pero at the end of the day, I find myself going back to her.

"Because?"

"Dahil siya lang yung meron ako," walang isip-isip pa na sagot ko, "Na kahit maging ano pa ako, hindi niya ako iiwan. Na kahit anong mangyari, hindi siya susuko sakin."

"Ouch, pinapatamaan mo ba ako?" she laughed.

Napatingin ako sa kanya at naalarma. Nakalimutan kong si Ash pala ang kausap ko.

"Hindi," at pinilit ko lang tumawa, "Sinasabi ko lang na kelangan ko siya sa buhay ko lalo na ngayon."

She sighed and patted my back, "You just don't need her, Theo. You love her, that's why. Magkaiba yung dalawang yun. Siguro dumadaan lang tayo sa mga stages na ganyan, magsasawa, maboboringan, etc. But once na nawala sayo, doon mo marrealize na yun na pala yung hinahanap mo, na dun ka pala makukuntento, na pilit kang naghahanap ng 'mas' pero yun na pala yung 'pinaka'. In short, tinake for granted mo lang talaga."

I processed all those words she said and studied her. Gusto kong itanong kung hugot ba yang mga sinabi niya. Kung nagsisisi ba siyang pinili niyang iwanan ako dati?

Bago pa man ako makasagot, napatingin kami sa isang komosyon sa gitna ng bar. Hindi ko alam pero parang may kung anong tumutulak sakin para tignan kung anong meron doon.

"Theo!!" nabigla ako nang parang nagmamadaling pumunta sakin si Bry, "Shit pare!"

Para akong kinabahan, "B-bakit?"

"Si Phia."

"Huh?" walang sabi-sabi, agad akong hinila ni Bryan sa kung anumang gulo sa gitna.

***

"G*go ka pala eh. Bakit mo pinipilit kung ayaw?!"

Hindi ako pwedeng magkamali, boses yun ni Dom na mahahalatang nakikipagtalo. Hindi ko alam pero hindi talaga maganda yung pakiramdam ko sa paligid. Para bang lahat nagsslowmo. Namalayan ko na lang na nakasingit na kami sa mga tao at nandito na sa gitna.

Nadatnan ko nang hawak ng isang malaking lalaki si Dom sa kwelyo, "Bakit sino ba kayo sa akala niyo? Bodyguard nitong babaeng 'to?" napangisi siya, "Eh sa gusto ko siyang masayaw at hawakan eh!"

"Tama na, please!"

"B-bless..." I whispered.

Doon mismo, sa gitna nung lalaki at ng mga kaibigan ko ay ang babaeng hindi ko aakalaing makakarating dito. Agad tumibok ang puso ko ng mabilis dahil sa kaba. Nihindi ako makagalaw sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko alam kung bakit ganitong kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Aba, marunong palang sumigaw tong si miss." at nakita kong hinawakan nung lalaki yung mahal ko sa bewang kahit pilit siyang nilalayuan ni Bless.

Dahil doon, bumalik ako sa realidad. She needs me this time.

"Bless!" sigaw ko na dahilan para mapunta sakin lahat ng tingin nila, ng tingin niya. "Gago, bitawan mo si Bless!"

"T-theo..."

Walang anu-ano, sinugod ko ng isang suntok yung gagong lalaking nambabastos sa girlfriend ko. Namalayan ko na lang na sumali na din yung ibang kasama nitong lalaking sinuntok ko. Mabuti na lang at nandito ang tropa ko. Hindi naman ito ang unang beses na napaaway ako.

Halos matumba itong lalaking bastos dahil sa suntok na pinakawalan ko pero agad din niyang nabawi yung balanse niya at napangisi, "Ahh, ikaw pala yung boyfriend. Gusto ko lang makasayaw 'tong girlfriend mo. P*ta, ang ganda't ang puti kasi."

Agad kumulo uli ang dugo ko dahil sa mga sinabi niya. Susugurin ko na sana nang bigla akong pigilan ni Bless.

"Tama na, Theo. Lasing lang siya. Hayaan na natin." pakiusap niya, "Tawagin mo na sina Pao para tumigil. Parating na yung mga guard o."

Papayag na sana ako nang bigla na namang magsalita yung bastos, "Isang suntok lang ba kaya mo? Hah! Mahina ka pare. Mahina. Siguro kaya ka nagagalit kasi hindi ka pa nakakascore dyan sa babaeng yan at ayaw mong may makaun---"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at agad ko na siyang pinaulanan ng mga suntok. Naririnig ko na lang yung pagpigil ni Bless sa akin at ng iba pa na hindi ko mapansin dahil sa galit. Marami pang suntok at sipa ang pinakawalan ko nang mapansin kong puno na ng dugo ang mukha niya.

"Please, Theo, tama na o."

And there, I heard her sobs. That made me stop.

"Pasalamat ka at makikilala mo pa yang mukha mo." at tuluyan na akong tumalikod sa lalaking yon para yakapin si Bless nang bigla akong hatakin ng babaeng pinakamamahal ko.

"Theo!!!"

And everything happened too fast. Ang tangi ko na lang nakikita ay isang kutsilyo at dugo.

Dugo ng babaeng nagligtas sakin mula sa kutsilyong pwedeng bumawi ng buhay ko.

***

"Kumapit ka, please. Pakiusap, kumapit ka."

Hindi ko na alam kung anong iisipin ngayon. Alam ko lang, natatakot ako. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

Hawak ko ang kamay niya at umaasang kakapit lang din siya ng mahigpit sa kamay ko at hindi bibitaw.

Diba hindi niya ako iiwan?

"T*ngna Bryan, bilisan mo! Bi..lisan mo." utos, pakiusap, hindi ko alam.

"Oo, teka pre!"

"Huminahon ka, bro." sinubukan pa nila akong pakalmahin.

"Paano ako hihinahon?! Gag--"

"Sshh, d..don..t c..cussss, tt..the..o l..looo..ve." she tried to smile.

"Huwag mo nang piliting magsalita. Tipirin mo yung lakas mo." pakiusap ko sa kanya.

"G..goo..d th..thing you..re ssss..safe huh?" she said proudly.

"Bakit?" sinubukan kong kumalma pero hindi ko na naligilan yung boses ko dahil sa kaba, takot at galit, "Bakit mo sinalo yung dapat para sakin?! Sana..sana ayos ka ngayon. Bless, please, kumapit ka, parang awa mo na."

Pilit ko pa ding hinahawakan ng mahigpit ang kamay niya habang hawak ko yung sugat sa dibdib niya kung saan siya tinamaan para pigilan ang pagtulo ng dugo pero bakit hindi tumitigil?!

"A..yaw k..kong ma..sssak..tan ka--"

"Tingin mo gusto kitang masaktan ah? Bakit sa lahat kelangan ikaw pa ang masaktan---"

At doon, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Wala akong magawa kundi ang maiyak sa harap ng mga kaibigan ko at sa harap niya.

Wala akong ibang maramdaman kundi takot. Daig pa nito yung takot nung kaharap ko ang mga magulang ko para sabihing hindi ako nakapasa ng retention. Bakit ganito? Bakit siya pa?

"M..may pl..plano S..siya." she smiled again and this time, she held my hands tighter, "Y..you j..just nee..eed to p..pra..y and be..believe."

I wanted to argue. Gusto kong sabihing wala namang nagagawa ang mga dasal. Pero nang tignan ko ang mga mata niya, doon ko naramdamang kelangan kong maniwala. Na kahit ano, posible.

I closed my eyes and tried to pray. Matagal na din noong huli akong nagdasal. Pero sa ngayon, wala akong ibang matakbuhan kundi Siya. Wala akong ibang mapakiusapan kundi Siya.

Parang awa mo na, iligtas mo siya. Hindi ko kayang mawala siya sakin. Mahal na mahal ko si Bless.

I prayed harder. I prayed with all my heart. Ngayon lang ulit ako nagtiwala at naniwala.

At naniniwala ako sa sinabi niya sa akin dati na siya siguro yung blessing na bigay Mo sa akin.

"I...lo..ve y..you."

Pero wala akong ibang naramdaman kundi ang unti-unting pagbitaw ng kamay niya sa kamay ko.

"Bleeeess!"

------------♡------------

Vote if you like the chapter.
Comment for some reactions, insights or anything that you feel or think about this chapter.

*Sorry talaga ang lame ng pagkakasulat ng action part. Lol, di talaga ako marunong magsulat ng action. :))

*Sa mga naguluhan sa characters, makikilala niyo din sila soon--their whole names, personalities and roles. :)

*Sorry sa late update. Huhu.

*Sana continue supporting kahit ganito siya. Tinatry ko talaga mag-improve yung writing ko for all of you. :)

*Thank you for reading! :*

Dedicated sa pinakakalog na si, A!! :))

You can tweet me: @stupidly_inlove.

XoXo,

Jandra <3

Continue Reading

You'll Also Like

40K 1.9K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
182K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.6M 101K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.