Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

27

5.1K 81 12
By septemberoyal

BEA


Nakatigil ang kotse ko malapit sa moro,di muna kame dumiretso sa dorm.Kase sabe nya kanina di ba mag papaliwanag sya,di kame makakapag usap ng maayos at matino kung dun sa dorm kame mag uusap.At isa pa, mga tsismosa kaya ang mga yun.Mahilig pang mag comment kahit di hinihingi,wag nyong masamain yung sinabe ko guys ha,siguro gusto lang nilang makatulong pero minsan kelangan din na kung sino muna yung involve sila muna ang maguusap para maayos.Pero guys love ko silang lahat.💙❤

And speaking na kelangan kung sino muna ang mga involve,sila ang magusap muna. Tulad namen ngayon ni jho, 12 minutes na kameng nakatigil dito pero walang naimik sa min. Ayoko namang mag umpisa ng sasabihin dahil di naman ako yung dapat mag paliwanag sa ming dalawa.

Kung maka ilang ulit kong narinig ang paghigit ng malalim nyang hininga,di ko pa rin sya tinatapunan ng tingin simula pa kaninang umalis kame dun.Nakatanaw lang ako sa labas,maski nga car stereo ko di ko binuksan,ayoko ng ingay ngayon!

"Beatriz........" alanganin nyang panimula.Alam kong nakatingin sya sa kin,nakikita ko sa gilid ng mata ko.

"Sabe ni ate ells nagkita daw kayo ni audrey." kalmado kong tanong sa kanya.

"Uhm,a-ano........"

"Asan si audrey?" ako.

"Beh......"

Saka ko pa lamang syang tiningnan na nakatingin pa rin pala sa kin. Nakikita ko sa kanyang mga mata na nagi-guilty sya,yun naman ang gusto ko eh,ang ma-guilty sya.

"H-hindi totoong........a-andito si........s-si audrey."pahina ng pahina nya itong sinabe saka tumingin din sa labas.

"So kelan pa?" ako na di ko alam kung pano ko itatanong sa kanya.

Muli nya akong tiningnan pero nakakunot noo na sya. "Anong kelan pa?"

"Jhoana,alam kong alam mo kung ano yung sinasabe ko." tumataas na ang boses ko dahil nagsisimula na kong mainis.......Ay di pala kanina pa pala ako nabibwiset!😡😡😡

"Ano ba kase yun?" si jho.

Lalo lang ako nainis sa sinagot nya. Nagma maang-maangan pa talaga para makalusot sya ngayon. Iniwan ko sya saloob ng kotse at lumabas. Kelangan kong makahinga ng maayos dahil naninikip ang dibdib ko.Napatingin ako sa suot kong watch,8:45 na pala.Siguradong hinahanap na nila kame pero wala akong pakelam ngayon gusto kong marinig ang paliwanag nya.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse ko.Kahit nakatalikod ako ay naramdaman ko ang paglapit nya at paghinto sa likuran ko.

"N-nangamusta lang sya.......Saka........kinon-gratulate lang nya ako."

Napailing ako. "Nangamusta at kinon-gratulate......Ka?" ulit ko sa sinabe nya tas hinarap ko sya. "For god sake jhoana! Ilang months na ang nakalipas ngayon lang nya naisipan na i-congratulate ka? huh! Nakakatawa!" sarcastic kong dagdag.😒😡

Di sya nakakibo. Alam kong bukod dun ay meron pang mas malalim na dahilan kung bakit nakipag communicate ulit ang lokong yun kay jho. Malakas ang kutob ko guys.

"Ano? Tama ako di ba?" sabe ko ng di sya nakasagot. "Tama ako na di lang yun ang pakay nya sayo."

" Gusto nyang i-rebuild ang friendship namen." sagot nya.

" Sigurado kang FRIENDSHIP lang ang gusto nyang i-rebuild sayo?" putol ko sa kanya.

"Sa tingin ko naman wala namang masama dun kase bago naging kame ay naging mabuti muna kameng magkaibigan.Kababata ko pa."paliwanag nya. "Beatriz,walang alam ang pamilya ko sa totoong issue namen ni baham kaya kame nag break kaya para sa kanila ay wala kameng problema kung maging magkaibigan ulit kame----"

"Yun na nga eh!" putol ko sa kanya. "Para sa parents nyo walang problema kung maging mag kaibigan ulit kayo,a-ako rin naman eh(liar ka bea!) okay lang sa kin kung maging mag kaibigan ulit kayo.Pero di ko maiwasang di magalala sayo....Niloko ka nya, pinagpalit ka sa iba,ilang months mo sya iniyakan,nagpakatanga ka nga di ba sa kanya pero bakit di mo magawang sabihin sa family mo yung pinag gagawa nya sayo?Ano to pinuprotektahan mo pa rin sya? Until now?"

"Ayoko lang pati magulang ko problemahin yung personal life ko." sagot sa kin ni jho na mataas na rin ang boses. "Kung anuman ang naging problema namen ni baham sa min na lang yun at saka malaking posibilidad na magkita kame sa batangas or kahit saan.Ayoko lang ng may lageng may iniiwasan."

Napailing ako at nag walkout para kaseng  nagkakalokohan na kaya bago pa akong mabad trip ng sobra ay aalis na muna ako.Binuksan ko ang pinto ng kotse pero napatigil ako ng hawakan nya ang braso ko,libu libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng gawin nya yun.

"Wag naman ganto beatriz." apela ni jho. "Pagaawayin ba naten ang walang kwentang issue na 'to?"

"Kung walang kwenta pala ang issue na 'to,wala dapat tayong pinagtatalunan ngayon.Pero meron eh.At naiinis ako sa thought na baka isang araw magising ka na lang na inlove ka naman sa taong yun na once mong kinasuklaman dahil sa sakit na pina ramdam nya sayo." ako.


Unti unti kong naramdaman ang pag bitaw nya sa braso ko at alam kong nakatingin lang sya sa kin.Nakayuko ako guys,parang ayoko syang titigan sa mata.Ayokong makita nya na maiiyak na ko.

"Ngayong araw dapat masaya ako pero di ko magawa.Wala ang parents ko,wala rin si kuya.Naging okay naman ng about 3 hours pero binawi rin agad." saka ko sya tiningnan di ko matiis eh. "Ikaw dapat yun eh.Alam kong pag nalaman ni madz ito, sure ako magtatampo sa kin yun ng sobra.......pero yun ang na feel ko kanina." huminto ako ng sandali. "Nakabawi na yung buong team sa kin kase meron pa lang birthday surprise silang hinanda for me at yung inaasahan kong may dala sana ng cake ay yung taong pinakamalapit sa kin,sa buhay ko,next sa family ko......" hinarap ko sya. "Alam kong nagiisip bata naman ako pero......Jhoana,umaasa ako......Umasa ako na,ikaw yun. Kase ikaw yung least sa lahat ng na pwedeng makalimot sa special day ko pero......Ikaw pala ang nakalimot." malungkot kong sabe.

Nakita kong biglang nagbago ang itsura ni jho.Siguro ngayon alam na nya.Alam na nya na kung ano yung importanteng araw na 'to sa kin.Para akong bata,alam ko na ang nasa isip nyo guys pero kase umasa talaga ako na sya yung punong abala sa pa birthday surprise nila sa kin pero mali nga ako di ba? Hu-mopia ako.Saklap naman guys!☹

"Jhoana,birthday ko ngayon." malungkot kong sabe. "Di ko inaasahan na kung sino pa yung taong pinakamalapit sakin ay sya 'tong nakalimot sa special day ko. Tas malalaman kong nakikipagdate ka ulit sa ex mo." alam kong nangingilid na ang luha ko. "Kahit man lang makita kong andun ka okay na sa kin yun pero,ITO? ITO talaga ang pa BIRTHDAY mo sa kin? Ang ganda at ang saya ng gift mo. Natutuwa ako,grabe." sarcastic kong sabe.

"Di ko naman nakali---"

"Enough."putol ko sa kanya tas binaling ko sa iba ang tingin ko. "Tama na jhoana. Okay na.Gets ko na." at tuluyang binuksan ang kotse at pumasok dun. In-start ko at umalis.Iniwan ko si jho doon at sinadya ko yun. Ayoko munang makita sya at makausap,ayokong marinig ang mga paliwanag nyang di naman totoo.

Palabas na ko ng ateneo ng tawagan ko si jia at pinakisuyo ko sa kanya si jho na sunduin ito malapit sa moro.Kahit nagtatampo ako at may sama ng loob sa kanya ay inaaalala ko pa rin sya. Baka kase kung mapano yung babaeng yun.

Dumiretso ako sa room ko pagkauwi ko sa bahay.Di pa ako tuluyan nakakapasok ay naguunahan ng tumulo ang luha ko na pinipigilan ko para di makita ni yaya. Alam kong gusto ni yaya kanina tanungin ako pagkalabas ko pa lang ng kotse ko kase alam kong naniningikit na ang mga mata at namumula pa ang ilong ko.Kase habang nabyahe ako pauwi ay naiiyak na talaga ako.

Pasubsob akong dumapa sa bed ko at doon ako umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako......ng sobra!




















JHO


3 days na ang nakalipas simula nung gabeng nagka sagutan kame ni beatriz,nung araw na dapat masaya sya kase birthday nya pero nagkainitan kame at nauwi nga sa away. At 3 days na rin na di sya sa dorm natutulog,umuuwi sya sa kanila.Lage lang nyang sinasabe na namimiss na daw sya ng daddy nya kaya pinagbibigyan nya ito kase  aalis na naman daw sila kasama ang mommy nya for bussiness trip sa  dubai naman.Alam kong alibi nya lang yun pero ang totoo ay iniiwasa nya ako.☹☹☹

Kilalang kilala ko na si beatriz pag nagtatampo ito or may sama ng loob ay ganto ang kilos nya.Di namamansin at pag kinausap mo naman ay cold sya sayo pero sa mahigit na isang taon nameng mag bff ay ito pa lang ang (sa pagkakatanda ko) away namen.

Oo,masasabe ko ngang away ang nang yare sa min non.At first time ko makitang ganon ang reaksyon ni bea.Galit sya. Ibang bea ang  nakita ko nung gabeng yun.Kita ko sa mga mata nya ang pinipigilang galit ng gabeng yun at parang dala nya pa rin ito hanggang ngayon.Galit pa rin si bea!😢

Katatapos lang ng game namen against UST at mga bes natalo ang team sa game 2 ng best of 3 semi finals ng SVL. Kaya nga medyo down kame pero babawi ang team para manalo sa game 3 at makaharap namen ang naghihintay ng NU sa finals.

Nasa locker room pa rin kame ng arena at mga nagaayos ng sarili dahil pagkatapos nameng mag shower ay uuwi na rin kame  sa dorm. Alam na ng team na may away kame ni bea(wala ka namang maililihim sa mga ito eh) pero kahit mga tsismosa ang mga yan lage silang gumagawa ng way para makapag usap kame ni bea tulad ngayon.Kaya pala singit ng singit ang mga ito sa pag shower sa min ni beatriz ay yun pala ay plano na nila ito sa min kanina pa.

Tapos na silang lahat at kame na lang ni bea ang di pa nakakapag ayos ng sarili. Halos sabay kameng natapos magshower at nagtaka kame dahil wala na ang teammates namen dito sa locker room. Kahit nagtataka ay wala kameng kibuan ng damulag na 'to, pareho kameng busy sa pag aayos ng sarili. Naunang natapos si bea at pansin kong nagmadali talaga sya.

(ayaw ka atang makasabay lumabas.)

Parang ako,gusto ko? tsss.....Eh, di mauna sya! hmp!

"What the-----hey open the door!" narinig ko na lang sabe neto.

Saka ko lang sya tiningnan.At ayun ang bata,katok ng katok sa pintuan ng locker room.Nagkibit balikat na lang ako at pinag patuloy ang pag aayos  ng sarili.

"Ate ly! Andito pa ako!" muling sigaw neto.

Sandali nga lang, tama ba ang pagkarinig ko? "Andito pa AKO" Teka nga,Sarili lang nya ang tinutukoy nya ah!😠 aba't----

"Plano mo ' to 'no?" biglang sabe neto sa likuran ko kaya bahagya akong napapitlag. "Aminin mo? God,jhoana! kinuntsaba mo talaga ang buong team 'no!" halata sa  boses at aura neto ang pagkainis.

"Huy wag mo nga akong pagbintangan!" sabe ko ng di humaharap sa  kanya  pero nakatingin ako sa repleksyon nya sa salaming nasa harapan namen at ganundin ang ginawa nya. "Wala akong alam dyan,ha!"

Asar nyang kinuha ang phone nya at maya maya ay may tinawagan na sya.Di ko na sya pinansin at inayos na ang mga gamit ko.Then narinig kong napapamura na ang bata kaya sigurado akong walang sumasagot sa kanyang mga tawag.

Sinubukan ko namang pihitin ang door knob neto pero katulad ni beatriz ay bigo ako kaya muli akong bumalik at naupo na lang sa isang bakanteng upuan na nandun pero ang damulag, ay walang tigil sa pagpaparoo't parito tas muling tatawag sa phone nya at mag mumura pagkatapos. Palihim akong natatawa sa itsura nya.Nagkanda haba ang nguso neto tas sabayan pa ng magkasalubong ang kilay neto.

HAHAHAHAHA.......Ba't ba ang cute mo pa  rin  kahit ganyan ang itsura mo?!😁

"Walang nakakatawa!" biglang sabe neto.Ang sungit naman this gurl! Meron siguro 'to?

"Kahit anong gawin mo,di nila tayo palalabasin dito." ako at pilit na di matawa o mangiti.May topak si de leon eh,hihihihi.....😁😁😁

"Tinanggi mo pa kanina pero ang totoo,ikaw talaga ang may pakana neto." si bea tas umirap sakin.

"Wala talaga akong alam dito!" ulit ko.

"Lage ka na lang bang walang alam?" sya at umupo rin pero may dalawang upuan ang pagitan namen.

Napaisip ako sa huli nyang sinabe.Double meaning ba yun?

"Pano kita di paghihinalaan? Eh, chillax ka lang dyan parang di ka nag  aalala ah! Di mo ba naiisip na baka tayo na lang ang naiwan  dito sa  arena? Na baka nakalimutan nilang andito pa tayo?"sya at patuloy lang sa pag dial sa phone nya.

Di ako sumagot at nanatiling tahimik lang.

" Yan lang ba ang gagawin mo? Ang tumanganga?" tas umismid. "Eh,kung tawagan mo rin sila,baka sayo sumagot na sila."

"Wala akong phone."simple kong sagot.

Muli syang umismid tas tiningnan ako kaya napatingin din ako sa kanya. Mukhang di naniniwala ang damulag na 'to ah.

"Nawawala yung phone ko.3 days na." ako.

"Bakit di mo SYA tanungin,baka alam nya kung asan phone mo?" si bea.

"Pano ko gagawin yun,eh wala nga akong phone." napipikon kong sabe.Alam ko naman kung sino yung tinutukoy nya.

Nagkibit balikat lang si bea. "Di ba EXCLUSIVELY DATING na kayo ULIT. So baka lang magkita kayo ulit tanungin mo kung nakita nya phone mo."

"Wala na kameng communication."mabilis na sabe ko.

" Wala ka lang phone kaya nasasabe mo yan."si bea

"Bakit mo ba iginigiit yan?" napakunot noo na ko talaga.

"Bakit DI BA?" mapanghamon netong sabe.

"Di talaga!" sagot ko naman.

Umiwas na ng tingin si bea sa kin saka tumawa ng sarcastic.Tumayo sya at muling sinubukang buksan ang pinto ng locker room. Pero ganun pa rin naka lock ito.

Di ko nagustuhan yung huling sinabe ng babaeng ito kaya nilapitan ko na sya. Kailangan nameng magkausap ngayon,sayang itong time na binigay ni ate ly sa min kung di ko gagawin yung dapat ginawa ko 3 days ago.

"Bea,we need to talk."lakas loob kong sabe sa kanya.

Napatingin sya sa kin. "Wala na tayong dapat pagusapan pa.Gets ko na."seryosong sabe neto at muling inatupag ang phone nya.

"Hindi.Kailangan nateng ayusin 'to." matigas kong giit.

"Di ba sabe ko,okay na? Di na----"

"Alam kong hanggang ngayon galit ka sakin at naiintindihan ko yun.Pero itong nangyayare sa tin? Di ko gets eh!" sabe ko. "Magkakasira tayo dahil sa ex ko? Bakit ayaw mo akong makipag kaibigan kay baham?"

Natigilan sya  pero ilang segundo lang ay napakunot noo na 'tong humarap sa kin.

"Alam kong di friendship ang gusto nyang mangyare sa nyo.Malakas ang kutob ko jho,may gusto pa sya sayo at may balak syang makipag balikan sayo."

Napabuntong hininga ako.Siguro kelangan ko na ding sabihin sa kanya yung pinagusapan namen ni baham. "Okay. May balak nga syang makipag balikan sa kin." at napayuko na lang.

Sarcastic syang tumawa pero this time mas malakas na.At naramdaman kong paglayo nya sa kin kaya nag angat ako ng tingin.Andun na pala sya ulit sa dati nameng pwesto kaya sumunod naman ako.

"I knew it! Ang lakas talaga ng instinct ko!" sabay tawa. "Di sya mage-effort kunin ang number mo kay audrey kung wala syang balak na mas malalim pa.At di sya mag aaksaya ng panahon na tawagan at itext ka kung di sya interesado ulit sayo.

"Pero di pa naman ako pumapayag eh."

"PA NAMAN? So gusto mong bigyan sya ng isa pang chance?"

Di agad ako nakasagot dun ah.Napaisip ulit ako. Bibigyan ko nga ba si baham ng isa pang chance or hindi na? Actually,naguguluhan ako. May part ng pagkatao ko na nagsasabeng bigyan ko pa,tutal alam ko namang di nya talaga minahal ang erika na yun.Atraksyon lang at buyo ng mga kaibigan kaya "naligaw sya ng landas".May isang parte ng pagkatao ko na nagsumisigaw na WAG NA.HNDI NA.

Lumapit si bea sa kin at tinitigan nya ako sa mga mata. " Im just trying to protect you,jho."malamyos nyang sabe. "Ang gusto ko lang ay yung di ka na iiyak pa kase sinasaktan ka nya.Dahil everytime na nakikita kitang malungkot at umiiyak dahil sa isang taong walang kwenta ay nasasaktan ako."

Nakatingin lang din ako sa kanya at pinakikinggan ko lang sya.

"Ayokong masaktan ka ulit at dahil pa rin sa iisang tao lang. Baka may magawa akong di maganda sa kanya kung mangyare  yun ulit sayo." sandali syang natigil pero di nya inaalis ang pag kakatitig sa kin tas narinig ko ang pag buntong hininga neto.


"Jhoana........."














"Tama na daw yan."

Sabay kameng napalingon kung sino yung nagsalita.

"Kelangan na daw nateng umalis." si jia pala na nakapasok na na di namen namamalayan. "Pero kung di pa kayo tapos eh......Ituloy nyo na lang yan sa dorm." At saka kame iniwan ulit.

Narinig ko ang pagbuntong hinga nya.Kaya muli ko syang nilingon. "May gusto ka bang sabihin?"

Di sya sumagot pero nanatiling nakatingin lang sya sa kin,sa mga mata ko.Parang andameng gustong sabihin ng mga mata nyang nakatitig sa mga mata ko,parang ang lalim ng mga yun at gustong malaman ang mga yun.

Di ko alam pero parang may.........something(?) akong nafe-feel.Parang hinihigop ako ng mga titig nya sakin! W.E.I.R.D.


Dug dug.........Dug dug............Dug dug............Dug dug.........


Narinig ko na naman yung tunog na yun.Hanggang dito ba naman makakarinig ako na parang may dumadagundong na kung ano?

"Basta.Kahit ano pang sabihin mo,pinuprotektahan lang kita at poprotektahan kita sa ayaw o sa gusto mo.Ayokong makitang sinasaktan ka nya or pinaiiyak man lang." tas humakbang pa sya ng palapit sa kin ng di pa rin hinihiwalay ang pagkakatitig sa kin.

Ako naman ay di na nagawa pang umatras dahil feeling ko pinakuan na ang mga paa ko.Kaya eto magkaharapan na kame talaga ni beatriz,as in malapit na malapit! Para kameng nagpapaligsahan kung sino ang unang magbababa ng tingin at dahil ako ang di nakatiis, ako ang unang nagbaba,di ko nakayanan ang mga tingin nya sa kin.

Galit pa kaya sa kin ang batang 'to? Kase parang nakakadama na ko ng "kapayapaan" sa ming dalawa.🤔 Nag tone down na rin sya at ngayon nga mga bes,may pag-titig pa ang damulag sa kin ng ganere!

"...........MAHAL........." halos pabulong nyang sabe pero sapat na para marinig ko.

A-ano daw?😮

"...........LAGA KA.MAHALAGA KA SA KIN,JHOANA."















AN:

Welcome back to me!hihihihi......
dameng gawa kapoy na si ako!😩😩😩
Pero thanks sa mga nagbabasa pa rin kahit papano.✌✌✌
Pahinga mo na ang katawang lupa ko at itong brain ko masyadong nagamit sa ibang bagay.

Good night guys!💤💤💤





































Continue Reading

You'll Also Like

906K 41.4K 175
π’Šπ’ π’˜π’‰π’Šπ’„π’‰ the boy who lived falls for the girl who had no one
1.1M 49.2K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
460K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! πŸ˜‚πŸ’œ my first fanfic...
2.7M 64.6K 131
[BOOK ONE IN THE LIFELINE SERIES] life·line ˈlīfˌlīn/ noun "A person you can always depend on to help you in a really messed up situation where you n...