Cinderella is Married To A Ga...

By AcinnejRen

17M 356K 23.1K

[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging... More

Cinderella is Married to a Gangster!
Chapter 1: Tragedies
Chapter 2: Mistakes
Chapter 3: Encounter
Chapter 4: Survival
Chapter 5: Married
Chapter 6: Save
Chapter 7: Queen
Chapter 8: King
Chapter 9: Rage
Chapter 10: Determination
Chapter 11: Cruelty
Chapter 12: Guard
Chapter 14: Freedom
Chapter 15: Lies
Chapter 16: Rules
Chapter 17: Punishment
Chapter 18: Date
Chapter 19: Attraction
Chapter 20: Sadness
Chapter 21: Punishment
Chapter 22: Feelings
Chapter 23: Memories
Chapter 24: Surprises
Chapter 25: Another Surprise
Chapter 26: Queen Bee
Chapter 27: Cozy
Chapter 28: Death
Chapter 29: Honeymoon
Chapter 30: Dance
Chapter 31: Trust
Chapter 32: Death
Chapter 33: Villain
Chapter 34: Hidden
Chapter 35: Mystery
Chapter 36: Beginning
Chapter 37: Tears
Chapter 38: Run
Chapter 39: Okay
Chapter 40: Threats
Chapter 41: Escape
Chapter 42: Darkness
Chapter 43: Mission
Chapter 44: Bait
SP (Special Chapter)
Chapter 45: Family
Chapter 46: Engagement
Chapter 47: Cravings
Chapter 48: BeastMode
Chapter 49: Names
Chapter 50: 143
Chapter 51: Preparations
Chapter 52: Wedding
Chapter 53: Reception
Chapter 54: History
Chapter 55: Father
Chapter 56: Stalker
Chapter 57: Party (Part 1)
Chapter 58: Party (Part 2)
Chapter 59: Party (Part 3)
Chapter 60: Chase
Chapter 61: Truth
Chapter 62: Status
Chapter 63: Death
Chapter 64: Proposal
Chapter 65: New Life!
Special Chapter
Author's Note:

Chapter 13: Romeo

264K 5.5K 181
By AcinnejRen


Chapter 13:
"The re-appearance of Romeo. Wait? Who is he again?"


Dalawang linggo na din simula nung isama ako ni Blaze kahit saan sya magpunta. Natutuwa ako dahil nakakapunta ako sa kung saan saan pero minsan nakakaramdam din ako ng pagkabagot. Katulad ngayon, nasa office lang ako ni Blaze habang nasa meeting sya sa may conference room.

Hindi naman ako makalabas at makapaglibot dahil may bantay sa pintuan at kabilin bilinan ni Blaze na wag akong palabasin hanggat hindi sya ang kasama ko.

Habang nagpapaikot ikot ako sa swivel chair ni Blaze, napako ang tingin ko sa handbag na dala ko.

Hindi ko alam kung ano ang laman ng handbag ko, iniabot na lang kasi yun ng mga maids kanina bago kami umalis ni Blaze.

Binuksan ko yung bag para i-check ang laman nito at una kong napansin yung cellphone, iphone kasi ito. Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako nakakahawak ng iphone. Hindi ko din naman kasi afford yung cellphone na yun.

Pagbukas ko sa cellphone, tumambad agad sa akin ang mukha ni Spade. Bakit may picture si Spade sa cellphone na ito tapos kasama pa ako?

That's when I realize something.

Binilhan nga pala ako ni Spade ng cellphone nung nagkita kami sa mall para daw ma-contact namin ang isa't isa. Kaso lang sa dami ng nangyari nakalimutan ko na yung cellphone, ni hindi ko na nga matandaan kung saan ko ito huling nailagay.

Sunod kong chineck ang messages at naloka ako lalo na nung makita kong nasa 300 plus na ang message na galing kay Spade. 

Spade:

Why won't you contact me? Pls magreply ka naman.

Okay. Madali naman akong kausap eh.

Keira:

Hello :)

Spade:

Thank god!

Anong nangyare sayo at bakit ngayon ka lang nagreply?

Demanding?

Keira:

Sorry. Busy lang :)

Spade:

Okay.

Pupuntahan kita ngayon.

Wait for me.

Pupuntahan nya ako? Teka hindi pwede! Baka magalit si Blaze, ang pagkaka-alam ko pa naman magkaaway silang dalawa.

Spade:

What floor are you in?

I'm already outside the building

Paano nya nalaman kung nasaan ako?

Keira:

Wag ka na tumuloy

Baka mapahamak ka lang.

Nandito si Blaze at madaming bantay sa labas

Sana naman natakot na sya sa sinabi ko. Since hindi na sya nagreply sa txt ko, kinalikot ko na lang ang cellphone na bigay nya. Nag-do-download ako ng apps nung biglang may kumatok sa may pintuan.

Binuksan ko ito at laking gulat ko nung makita ko si Spade. At ang mga kawawang bantay ko ay nakabulagta na sa likod nya.

He smiled at me then tuloy tuloy syang pumasok sa office ni Blaze na para bang wala syang ginawa. Umupo sya sa couch na para bang pag-aari nya rin ito.

"Yo, did you miss me?" Tanong nya.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo wag ka ng tumuloy, nandito si Blaze at nagkalat din ang mga men in black nya dito"

"Sisiw lang naman yung mga yun, kita mo nga nakarating ako dito ng walang kahirap-hirap, kahit nga ata ni isang galos wala akong natanggap. Weak naman yung mga yun" pagmamayabang nya.

Siguro 'weak' para sa kanya yung mga tauhan ni Blaze pero ibahin nya ang baliw kong asawa.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I wanted to see you" Seryosong sagot nya.

"Ngayon nakita mo na ako, pwede ka ng umalis" pagtataboy ko.

"Kadarating ko pa lang pero pinapalayas mo na ako kaagad. Di mo ba ako na-miss? I even risked my life just to see you." Kunwa ay nagtatampong ani nito.

"Baliw ka ba? Wala naman akong sinabing pumunta ka dito at ilagay mo sa bingit ng kamatayan ang sarili mo"

"Oo baliw na ako, baliw na baliw sayo"

Hindi ko alam kung seryoso ba sya o pinipilosopo nya lang ako, nakuha nya pang bumanat samantalang napakaseryoso na ng sitwasyon. Gusto ko na syang batukan sa totoo lang.

Pero pareho kaming natigilan nung may biglang kumatok sa may pintuan. Agad akong lumapit dito, binuksan ko ito pero konti lang para hindi makita ng kung sino man ang nasa loob.

Tumambad sa akin ang secretary ni Blaze na idol yata si Betty La Fea sa style ng pananamit.

"Mam are you okay?" Tanong nito sa akin.

"Oo naman, I'm okay. What made you think that I'm not okay?"

"Y-yung guards nyo po kasi wala ng malay"

"Ta-talaga? Anong nangyari?" Tanong ko kunyari kahit na alam ko naman kung ano talaga ang nangyari sa kanila.

"May nakapasok pong intruder. Inutusan po ako ni Sir Blaze na samahan kayo habang hindi pa nahuhuli ang intruder"

Naku, lagot na.

"Wag mo na akong samahan. Kaya ko naman ang sarili ko" tanggi ko.

"Hindi po talaga pwede, malalagot po ako kay Sir kapag hindi ko sya sinunod"

You know what is worse? Yun yung, may tinatago ka na nga tapos yung tinatago mo naman, heto at kinukulit ka. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Spade na kilitiin ako para mabuko kami ni Betty dito.

Mahahalata na ang pagtataka sa mukha ni Betty, iniisip nya siguro na may saltik ako sa utak dahil galaw ako ng galaw. Hindi na ako nakatiis kaya sinipa ko si Spade.

"Oppff" impit na daing ni Spade, mukhang nasaktan sya sa pagsipa ko sa kanya.

"Ano yung tunog na yun?" Nagtatakang tanong ni Betty.

"Ha-hangin lang yun na galing sa veranda" pagsisinungaling ko.

"Ahh okay po. Mam Keira papasok na ako ha" paalam ni Betty.

Bubuksan na sana ni Betty yung pintuan pero hinawakan ko ito. Ang lagay tuloy, para kaming naglalaro ng hilahan, yun nga lang hindi tali ang hinihila namin kundi yung pintuan.

"Okay lang talaga ako dito. I can manage on my own" 

"Hindi po talaga pwede, magagalit po si Sir Blaze kapag hindi ko sya sinunod"

"Kahit dyan ka na lang magbantay sa labas ng pintuan, wag ka na pumasok!"

"Hindi po talaga pwede!"

Nag-aagawan padin kami sa pintuan nung biglang dumating si Blaze.

"WHAT THE FUCK IS GOIN ON HERE?!" Sigaw nya.

"Ayaw po kasi akong papasukin ni Mam, para pong may tinatago sya sa loob" Agad na sagot ni Betty.

"Is that true?" Nakataas ang kilay na tanong ni Blaze.

"Hindi ah. Ano naman ang itatago ko?" Sagot ko kahit na ang totoo kinakabahan na ako. Spade kung andyan ka man, tumalon ka na lang sa building. :') Mabubuhay ka naman siguro kahit na nasa 30th floor tayo.

Binuksan ni Blaze ang pintuan at tumabi naman ako para makapasok sya. Agad ko ding nilingon si Spade pero wala na sya sa kinatatayuan nya kanina.

"Well everything seems to be in order. Stay here with Mariz, I'll come and get you when everything is settled" Blaze said after inspecting the room.

So Mariz pala ang pangalan nya, ako na lang kasi ang nagpangalan sa kanya ng Betty dahil mukhang idol nya manamit si Betty la fea.

Pagkatapos nun ay iniwan na kami ni Blaze. Naupo na lang ako sa may couch habang panay naman ang kalikot ni Mariz sa cellphone nya. Pasimple ko syang pinapanuod nung biglang tumunog ang cellphone ko.

Spade:

Sorry my visit was cut short.
Bawi ako next time, kung bakit ba naman kasi napaka-higpit ng kapatid mo eh.
Anyways that was fun :D
I enjoyed your company kahit na saglit lang tayong nagkasama

Kapatid? Sino ang tinutukoy nyang kapatid ko? Si Blaze ba? Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang mag-asawa kami ni Blaze at hindi magkapatid?

Mag-rereply sana ako sa kanya kaso bigla namang na-lowbat yung cellphone ko. Next time ko na lang siguro ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

******

⚜️

Author's Note:

This chapter is dedicated to: MissAria24 :) Happy birthday sayo!

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
387K 5.2K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
47.1K 897 72
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...