Beating Heart

Autorstwa celenneeeee

106K 3.3K 601

Book 1 of Beating Heart quadrilogy -- Kismet brought Nadine Williams in Drudgens City to fulfill the fate sh... Więcej

Prologue
Questions
Above and Beyond
Snagged
Terrence
Mood Swings
Unknown
Passed
Liam's Disagreement
Final Decision
Hidden Feelings
Portent
Hazy Vision & Dispersed Voices
Heart In A Chasm
Gloomy Days
Turning Into Prey
Converged Paths
A Prince
A Big Dog Sighting
Hidden Concern
Plea for Forgiveness
Snippet of Their Kind
Lifetime Promise
Game of Revelation
Two Patrollers
Preview
Undisclosed Killer
His Warning
Directress
Sacred & Irrevocable
The Need To Protect
Underworld
Adhara
The Demon's Problem
White Wizard
Convincing The Wizard
Suspecting
Tree Sapling

Natural Enemies

1.1K 71 26
Autorstwa celenneeeee

Terrence has an older sister? At siya ang directress ng campus? Hindi ko inaasahan 'yon. 


Now it makes sense why a lot of students know him and my friends, may koneksyon sila sa directress ng Les Varde. Given na kapatid ni Terrence si Ms. Angelina, nangangahulugan lamang din na pinsan ni Arleen ang nakatatandang kapatid ni Terrence. 


Nasa gitna pa rin ako ng pag-iisip nang biglang bumagal ang paglalakad ni Jecho para pantayan kami ni Kiel dito sa likuran. 


"Ngayon pa lang humihingi na 'ko ng paumanhin kay ate Angelina," bulong niya. "Medyo topakin 'yon. Parang si lola Dina lang, pero mas malala." Napalunok ako. 


Nakarating kami sa main building ng Les Varde. Umakyat kami sa ikaapat na palapag ng naturang gusali at dito ay tinahak namin ang huling pinto ng palapag. 


Hinanap ng mga mata ko si Terrence ngunit doon ko lang napag-alaman na hindi namin siya kasama. Hindi ba dapat ay kasama namin siya?


Hindi agad binuksan ni Arleen na siyang nasa unahan namin lahat ang matibay na pinto na magtutungo sa amin sa loob ng opisina ng directress. Nakita ko ang pag-ayos na ginawa ni Rupert sa collar ng damit, maging ang pag-ayos ni Arleen sa kanyang suot na palda. Inayos din ni Kiel ang pagkakasakbit ng bag ko sa kanyang balikat.


Tumingin din ako kay Jecho na nag-ayos ng buhok. Dahil sa aking paninitig ay napatingin siya sa'kin. "Ayaw ni ate na mukhang tanga kang haharap sa kanya," pagdadahilan niya. "She has a lot of rules, and you gotta comply if you want her to be nice to you."


Hindi pa man ako nakakasagot, humarap agad si Arleen para i-check ang itsura ko. Inayos niya lang saglit ang blazer ng uniform ko bago kumatok at pinihit ang doorknob ng opisina.


"Ms. Angelina? Naririto na po kami." Ms. Angelina? Hindi niya ito tinawag na ate? The directress probably wants formality pagdating dito sa unibersidad.


Halos maiwan kong nakabukas ang aking bibig nang makita ko ang kabuuan ng office niya. The place was spacious enough for our number. The directress' workspace has a touch of Spain about it. There was an old bookshelf stuffed with heavy books in the far corner. The walls were decorated with vintage photographs of the school.


Kapansin-pansin rin ang office table na nasa gitna mismo ng kanyang opisina na napupuno ng mga makakapal at patong-patong na papel, at ang conference table malapit sa kanyang aklatan na wari ko'y ginagamit para sa mga pagpupulong.


"Miss, we're here," sabi ni Rupert.


Sa likod ng office table ay naroroon ang isang napakataas na bintana. Mula rito ay nakita namin lahat ang nakatatandang kapatid ni Terrence na nakatayo at tahimik na nakatingin sa labas ng gusali.


Ngunit hindi ko nakita ang kabuuan ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa amin, at ang kanyang nakatalikod na pigura lamang ang nakaharap sa'ming magkakaibigan. She was wearing a gray formal attire coordinates. Ang buhok nito'y lagpas balikat, at tulad ng buhok ni Terrence ay makikita ang tsokolate nitong kulay.


Doon ko lang napansin ang desk name stand na nakapatong sa office table.


Angelina Madelyn Laurier Clarkson
School Director


"Miss?" pag-imik ng kapatid ni Terrence. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon naming lahat. "Everyone, quit the formali—" Nang sandaling magtama ang aming mga mata, agad na naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "I forgot I've invited a visitor."


Although they are related, Ms. Angelina and Terrence do not resemble each other at all in appearance. Her almond-shaped eyes were complemented by her neatly formed brows, ang matangos niyang ilong ay umayon sa kanyang mamula-mulang labi. Her poise in our presence beamed with sophistication. Tila ba isang malaking kapalpakan sa buhay kung magkakamali kami ng kilos sa harap niya.


Ngunit sa kabila ng malaking kaibahan nila ni Terrence, hindi maipagkakaila ang katotohanan na sila'y magkapatid dahil sa presensyang bitbit ng bawat isa sa kanila. 


Ngingitian ko na sana ang directress bilang pagbati, ngunit para akong tuta na kinain ng takot matapos kong ibaba ang aking paningin sa sahig. Pareho sila ng nakababata niyang kapatid, nakakapanlamig ang titig nila na para bang sa isang sulyap lang ay alam agad nila ang buo kong pagkatao.


Natatarantang umimik ang nasa may unahan ko nang mapansin ang pananahimik ng kaharap naming babae. "Ate, this is Nadine. Siya 'yung bago naming kaibigan na nakwento namin sayo."


"Tinatanong ko ba, Arleen?"


Hindi ko napansin na nakakagat na 'ko sa'king labi dahil sa labis na nerbyos. Nagagawa ko pang titigan si Terrence ng mata sa mata. Pero ang nakatatanda niyang kapatid? Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga kung labanan ko man ang madiin nitong paninitig.


"Fuck shit, ayoko na," mahinang usal ni Jecho bago nilaksan ang boses para sabihin, "Kailangan ko na po palang umalis, ate—este Ms. Angelina. May kailangan daw po kaming tapusin ng mga kagrupo ko."


Akmang tatalikod na sana si Jecho para humakbang palabas, pero mabilis pa sa segundo siyang pinigilan ni Kiel at hinila pabalik. "Stay here, nawawalan ka na naman ng bayag."


Umawang ang labi ni Jecho sa sinabi nito. "Kahit magpakitaan pa tayo, meron ako! Malaki!"


Walang imik na nagtungo si ate sa conference table. Hudyat 'yon para pumunta kami ro'n at maupo. Naramdaman ni Arleen ang nerbyos ko kaya naman tumabi siya sa akin para siguruhin na maayos lang ang lahat. 


Terrence is intimidating, but his sister is much more intimidating. Paano ba ako malalagay nito? Bawat kilos niya ay napakapino na tila ba nanggaling sila sa pinakamataas na angkan na meron ang siyudad na ito.


Nanatiling walang imik si Ms. Angelina nang sandaling maupo kaming lahat. Walang nagsasalita at walang kaingay-ingay ang paligid, dahilan para lalo akong 'di mapalagay sa aking pwesto.


Bahagya kong inangat ang aking paningin para tingnan ang babaeng nasa unahan naming lahat. Sa aking ginawa ay nakita ko ang mariin niyang pagtitig sa direksyon ko habang tinatakpan ang kanyang ilong.


"A-ate, okay ka lang?" si Jecho. "Nahihirapan ka ba?" Sumulyap siya sa akin bago tumingin ulit sa directress.


"Siya ba?" tipid na tanong ng babae bago dahan-dahan na naupo, hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa ilong.


Tumango si Arleen. "Kung hindi mo kaya, pwede naman namin siyang ilabas—"


"No, kaya ko." Dahan-dahan inalis ni Ms. Angelina ang kamay mula sa kanyang ilong. 


The directress is aware of my presence, possible due to the insurgents' invasion that occurred as a result of my existence on this campus. Hindi na ako magugulat pa kung masama ang impresyon nito sa akin.


"Give me an update," sambit ng directress bago inalis ang mabigat niyang paninitig sa'king direksyon, "on the incident in Rovern village."


Napaayos ng upo si Rupert. "The victim is a male college student, and is believed to be 20 years old, residing in Rovern. Upon checking his record, minsan na siyang sinampahan ng reklamo dahil sa pangha-harass na ginawa niya sa kanyang ex-girlfriend."


"And?"


Pumunta ang atensyon naming lahat kay Arleen. "Nakakuha kami ng CCTV footage ng biktima bago siya pinatay."


"Nahagip ba sa footage kung paano siya pinaslang?"


"Hindi, ate. Pero nakita sa footage na may kasama siyang babae bandang alas-dos ng madaling araw."


"Alam niyo na ba ang pagkakakilanlan ng babaeng 'yon?"


"Hindi pa, pero inaalam na namin. We'll give you an update."


"Si Trinity? Nasaan siya?"


"Kasama niya ang medical examiner, inaalam nila ngayon ang mismong sanhi ng pagkamatay ng biktima," wika ni Jecho. 


"Pumunta ako sa kabilang bayan, may namatay din doon na lalaking biktima," singit ni Kiel. Tumango ako, narinig ko rin ang balitang 'yon sa dalawang ginang na nag-uusap nung pumunta kami sa crime scene. "Base sa mga deskripsyon na binigay ni Arleen sa biktima, mukhang pareho lamang ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki sa kabilang bayan at ng biktima sa Rovern."


"There's a possibility na iisang tao lang ang gumawa ng krimen na 'yon," tumatangong tugon ni Ms. Angelina.


"I'm afraid the killer is not a human being," si Rupert.


"An insurgent then?"


Umiling siya. "We doubt that the insurgent has something to do with these killings. We have been keeping an eye on someone. Sa ngayon ay mahirap magbitiw ng mga salita laban sa nilalang na 'yon hangga't wala kaming sapat na ebidensya laban sa kanya."


Nilalang? So nagsasabi ng totoo si Rupert sa akin nung sabihin niyang hindi insurgent ang may kagagawan ng krimen. Ang person of interest nila sa kasong 'to ay hindi basta-basta insurgent lamang. 


"What is preventing you from obtaining evidence?"


Sumagot si Arleen. "We are waiting for Trinity. Ang ebidensyang makakalap namin ay manggagaling sa autopsy result na ipepresenta ni Trinity sa atin."


Pinagkrus ni Rupert ang maskulado niyang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. "As what I've said, we doubt that the insurgents committed the killings. Masyadong malinis ang pagkakagawa ng krimen, bagay na hindi kayang gawin ng mga insurgent. Hinihintay namin ang magiging result ng autopsy ng mga biktima, at sa oras na lumabas na may kinalaman ang aming pinaghihinalaan, aaksyon kaming lahat."


Tumango ang directress. "I'll look forward to that case. Give me an update when there is progress."


Akmang may sasabihin pa sana ang kapatid ni Terrence nang dumapo sa direksyon ni Kiel ang kanyang mga mata. Nagpabalik-balik ang paningin niya sa akin at kay Kiel, only to realize na tinitingnan niya pala ang bag ko na hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni Kiel.


I could sense that she is silently judging us. Nagmamadali kong inagaw kay Kiel ang bag habang siya ay nagtanong. "Are you two together?"


"Hindi po."


"I wish."


Halos sabay kaming nagsalita ni Kiel. Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa kanyang sinagot. Can't he see that the directress looks displeased?


"Walang lugar sa unibersidad na ito ang kalandian," sambit ni Ms. Angelina habang madiin na tinitingnan si Kiel.


Naglakbay ang paningin niya mula kay Kiel patungo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay mabigat ang loob niya sa akin gayong wala naman akong ginagawang masama.


"My brother was telling me the truth," sabi niya. "I can't get through your head, I can't read you either. Sabihin mo sa akin, anong klaseng nilalang ka?"


Umawang ang aking labi. Drudgens seemed to be teeming with bizarre beings, to the point na maging ako ay napaghihinalaan na rin bilang isang kakaibang nilalang.


"Alam mo bang dahil sayo ay halos madamay ang mga estudyanteng naririto sa LVU noong gabing lumusob ang mga insurgent?"


"Ate, biktima lang din si Nadz sa nangyaring paglusob," pagsabat ni Arleen.


"She's not at fault, hindi niya inaasahan ang mga insurgent," ani Rupert.


"Let's not blame Jean here, miss. Pwede ba 'yon?" kwestyon ni Jecho, kulang na lang ay pangunutan ng noo ang directress.


Umiling si Kiel. "Saksi ako sa mga nangyari nung gabing 'yon at nakasisiguro akong hindi rin ginusto ni Nadine ang nangyaring paglusob, miss."


'Di makapaniwala na tinitigan ni Ms. Angelina ang mga kasama ko. "Naririnig niyo ba ang mga sinasabi niyo? You risked your lives to protect her, sinabi sa akin ni lola Dina na walang utang na loob ang babaeng 'yan."


"She was shocked, ate, natural lang na gano'n ang maging reaksyon niya," si Arleen. "At isa pa, maayos na rin kami ngayon. Iyon ang importante rito."


Akmang iimik pa sana si Ms. Angelina, pero naagaw ni Rupert ang atensyon namin lahat matapos ang agaran niyang pagtayo mula sa upuan na para bang siya ay nagulat. 


"Ruru, you good?" kwestyon ni Jecho. 


Hindi niya sinagot si Jecho at mabilis siyang naglakad patungo sa bintana ng office at sumilip do'n.


Hindi rin nagtagal ay tumayo si Ms. Angelina at lumingo kung saan-saan. I caught her sniffing the air.


"We... we have visitors—asan ang kapatid ko?"


Doon lamang nagkatinginan ang lahat. Kinuyom ng directress ang kanyang kamao bago maawtoridad na sinabi, "Let's go to the lobby."


Agad kaming sumunod sa kanyang sinabi. Umiirap na iniwas ng directress ang mga mata niya sa akin bago kami lumabas ng office. 


She led the way, nagmamadali kaming naglakad at ang takong ng suot na heels ni Ms. Angelina ang naging hudyat ng ibang estudyante para bigyan kami ng dadaanan. 


We reached the lobby. Dito namin natagpuan ang taong hinahanap ng directress. Nakasakbit sa sa kanang balikat ni Terrence ang itim na backpack habang ang kanyang likuran ay nakaharap sa amin.


"What the fuck?" bulong ni Jecho sa sarili pagkatapos mamataan ang taong kausap ni Terrence.


"What are they doing here? Pumapasok sila sa teritoryo natin," sambit ni Arleen na ngayon ay 'di nasisiyahan sa nasaksihan.


Seeing my friends' reactions, I felt compelled to look into who Terrence was speaking with. Hindi ko kaagad naaninag ang mga taong kausap ng pinsan ni Arleen, pero natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae.


"We are not here for you, Terrence."


Tumingkayad ako para tingnan ang kausap ni Terrence, ngunit humarang si Rupert, Jecho at Kiel sa aking harapan na para bang pinoprotektahan ako ng mga ito laban sa kung sinuman na kausap ni Terrence.


Another familiar voice came in, lalo akong nataranta matapos mapagtanto kung kanino iyon nanggaling. 


"Back off, dude, kung ayaw mong tuluyan mawala ang katiting na respetong meron kami para sayo."


Tuluyan nang pumasok sa eksena ang directress. "At saan niyo nakuha ang kapal ng mukha para pumunta rito?"


Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita ni Ms. Angelina. They need to be stopped or else mauuwi sila sa pagtatalo. 


"K-kilala ko sila," bulong ko sa tatlong lalaking nasa aking harapan.


"What?" Napalingon ang tatlong lalaki sa akin. "How?" Nalilito akong tiningnan ni Rupert.


"They are my friends."


Jecho spat, "Your what?!" 


"My friends?" I sounded unsure. Bakit ba gulat na gulat sila?


Lumipat ang atensyon ko sa kausap ni Terrence nang marinig ko ang pagtawag na ginawa sa pangalan ko. "Nadine?"


Terrence and his sister were speaking with my friends, Stacey and Adam.


Hindi ko inaasahan ang pagbisita nila rito. I attempted waving my hand at them. It was good seeing my friends, but what are they doing here? Hindi man lang nila ako sinabihan na pupunta sila rito.


Adam was about to step forward to approach me, pero hinarang ni Terrence ang kanyang sarili. 


"Don't make this hard for us, Clarkson."


Stacey, Adam and Terrence are friends. Pero bakit ang bigat ata ng tensyon sa pagitan nilang tatlo? Stacey who introduced  Arleen's cousin to me looked as if she is getting done with Terrence, and Adam who was fond of Terrence looked like he was ready to shatter his bones at any moment.


Am I missing out something?


Akmang maglalakad na sana si Adam palapit sa kinaroroonan ko nang muli siyang harangan ni Terrence.


Umigting ang panga ni Adam at sinabi, "Sinasagad mo ako." Ikinagulantang namin lahat nang marahas niyang tinulak si Terrence na naging sanhi ng pagtilapon ni Terrence papunta sa pader ng lobby. 


The wall where Terrence slammed his back quickly cracked. Ang mga estudyanteng nanonood ay napasinghap.


"Adam!" sigaw ko.


Ni hindi man lang ininda ni Terrence ang pananakit ng kanyang likod. Nagbalik ang paningin ko kay Adam. He was strong. Strangely strong.


"Khalil, no!"


Bumalik ang mga mata ko kay Terrence dahil sa pagtaas ng boses ng kanyang kapatid. Rupert and Kiel were about to stop him, but Terrence swiftly regained his feet and assaulted Adam back. Kanyang binalikan at malakas n'yang itinulak si Adam sa sahig at pinaibabawan ito para tapunan ng suntok. 


"Jericho, control the crowd!" malakas na utos ni Ms. Angelina kay Jecho na agad nitong sinunod. 


Ikinumpas ni Jecho ang kanyang mga kamay sa direksyon ng mga estudyanteng nanonood at sinambit, "Forget what you have seen, and leave the lobby now."


Wala sa wisyong nagtanguan ang mga estudyante at wala sa sariling naglakad paalis. Jecho assisted the students out of the lobby, who appeared to be in a trance at the moment.


Jecho's action caused me to wonder, pero nawala rin doon ang atensyon ko nang mamataan ko si Stacey. 


Stacey was about to go up against Les Varde's directress, but Arleen stopped her and grabbed her by the neck. Inangat ni Arleen sa lupa si Stacey na halos ikinawala ng aking sarili, I know what Arleen and the others are capable of!


"Arleen!" sigaw ko. "'Wag, please! Mga kaibigan ko sila!"


Two men had to work together to stop Terrence. Nahirapan si Rupert at Kiel kay Terrence dahil labis itong kinain ng galit kay Adam, but Terrence came to a halt when he heard what I said. Tila siya ay natauhan. Kinuha nina Rupert ang pagkakataon para hilahin si Terrence palayo kay Adam na ngayon ay duguan ang labi.


Binitiwan ni Arleen si Stacey, at lumagpak si Stacey sa sahig. 


"A-anong sabi mo?" tanong ni Arleen na ngayon ay humarap sa akin. 


"Kaibigan ko sila, kaya please. Huwag niyo silang sasaktan."


The directress' gaze was incredulous as she stared at me. "Nag-iisip ka ba? Sa dinami-rami ng maaaring mong kaibiganin, bakit sila pa?! Gusto mo ba talagang magkagulo tayong lahat dito?!"


"Ate," pigil ni Terrence sa nakatatandang kapatid.


Hindi na nakapagsalita pa si Ms. Angelina dahil sa dumating na mga security personnel. 


"Siguruhin niyong hindi na muling makakatapak ang dalawang 'yan dito!" galit niyang tukoy kayna Adam.


Stacey and Adam look concern, na tila ba takot silang iwan ako rito.


Lalapitan ko na sana sina Stacey, ngunit agaran ang pagpigil ni Kiel sa akin, bago lihim na umiling. "Not today, Nadine."


"Pero gusto ko silang kausapin," sagot ko habang tinitingnan ang mga kaibigan kong sapilitan na inilalabas ng mga security personnel ng Les Varde. 


"Huwag ngayon," bulong niya. "'Wag mo nang dagdagan pa ang tensyon."


Wala akong nagawa kung hindi ang bumuga ng hangin pagkatapos mawala nina Stacey sa paningin namin lahat. 


Galit na sumulyap ang directress sa akin bago bumaling sa kapatid nito. "Ayusin mo ang sarili mo, Khalil. Huwag kang haharap kayna papá ng ganyan ka. Marami na silang isipin ni mamá, 'wag mo nang dagdagan pa." Tuluyan niya na kaming tinalikuran at umalis.


Doon lang ako nakahinga ng maluwag. I don't think I can handle two Clarkson siblings at the same time.


Nagbalik din ang aking isip kay Stacey at Adam. I want to talk to them. Kinuha ko ang aking cellphone para i-dial ang contact number ni Stacey, pero cannot be reached ang kanyang telepono. 


Matapos ang ilang beses na ginawa kong pagtawag para makausap ang kaibigan ko, mabigat ang loob kong itinago ang aking cellphone, at humarap sa mga kasama kong ngayon ay naghihintay para sa akin. 


Tiningnan ko si Terrence na tila may malalim na iniisip.


"Masakit ba ang likod mo?" Hindi siya sumagot. "I'm sorry. Sorry sa ginawa ni Adam sayo." Terrence wouldn't fight back kung hindi siya inatake ni Adam.


Napunta ang aming atensyon kay Jecho na kadarating lang mula sa pag-assist ng mga estudyante. Mataman niya akong tiningnan at 'di nag-aksaya ng oras para ako ay tanungin.


"Why are you friends with them?"


"Jecho," pigil sa kanya ni Arleen. 


"Neeva, she has to know," pag-angal niya. Bumalik ang paningin ni Jecho sa akin at sinabi, "Those friends of yours are our natural enemies, Jean."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...