Love Songs for No One

Oleh pilosopotasya

860K 31.9K 26.2K

"In love ka na once accepted mo na 'yong person na 'yon kahit ano pa man siya. Buong-buo 'yong acceptance, hi... Lebih Banyak

love songs for no one
aesthetics for no one
opm playlist for no one
part one
00 | zero
01 | one
02 | two
03 | three
04 | four
05 | five
06 | six
07 | seven
08 | eight
09 | nine
10 | ten
part two
01 | One
02 | Two
03 | Three
04 | Four
05 | Five
06 | Six
07 | Seven
09 | Nine
10 | Ten
part three
01 | onE
02 | twO
03 | threE
04 | fouR
05 | fivE
06 | siX
07 | seveN
08 | eighT
09 | ninE
10 | teN
last note for no one

08 | Eight

11.9K 655 961
Oleh pilosopotasya

"Napanaginipan kita."

"Ako?" Tinuro ni Kaye ang sarili, nagtataka.

"Ay, hindi. Itong kotse."

Natigilan si Kaye. "'Yon 'yong sasabihin mo?"

"Uhm. . ."

"Napaka anti-climatic naman, may pagngiti ka pa talaga? Sayang naman 'yong kaba ko." Tumawa ito. "Anong nangyari sa dream mo? Maganda ba nangyari? Nagka-love life na ba ako?"

"Talagang love life ang priority?"

"Char lang," anito. "Pero 'di nga, anong nangyari? Masyado mo ba akong iniisip kaya napapanaginipan mo na ako?"

"Dati pa 'to," natatawang ani Rayne. "Noong hindi mo pa birthday celebration."

"Ah." Tigil. "Hindi ka pa tumatakbo sa isip ko."

"Hala."

"I mean, hindi pa kita kilala nito."

"Ngayon ba kilala mo na ako?"

Ngumiti si Kaye. "I hope?"

"Magre-ready na pala ako."

"Sa?"

"Tatakbo na ako sa isip mo, tamang-tama, plano kong mag-exercise after graduation."

"Gusto ko 'yan." Tawanan. "Bagalan mo lang tumakbo, para hindi ka mapagod. Anyway, ano nang nangyari sa panaginip mo?"

"Uyy, interested. . ." panunukso ni Rayne.

"Syempre. Gusto ko malaman 'yong pagtakbo ko sa mind mo."

Biglang lumakas ang tawa ni Rayne to the point na napatingin ang ilang dumaan sa harap nila. Umubo siya nang umubo dahil nasamid din ng laway.

"Iba ka po, Karen Jade Cal. Ang taas ng confidence level ng pagka-shy type."

Tawanan ulit.

"Anyway, sa panaginip ko, nagtitingin ako sa twitter mo—"

"Stalker."

"We all have a stalker tendency within us, okay."

"Sobrang defensive, napa-english."

Pinalo na ni Rayne sa balikat si Kaye sa sobrang tawa. "Lowkey fan lang naman ako, no. Wala pa naman ako sa point na gagawin kong DP or cellphone wallpaper picture mo."

"Ay, talaga?"

"Muntik lang! Pero I can manage!"

"Yie. Bakit kailangan i-manage pa?"

"Hala ka."

Tawa nang tawa si Kaye. "Anong mayroon sa twitter ko Ms. Lowkey Stalker na wala pa sa point na ako ang wallpaper niya na nakaka-sad talaga?"

"Kainis!"

Gustong manakal ni Rayne. Kaso baka maging yakap. Huwag na lang pala.

"Back to my panaginip. May nakita akong tweet mo na nagpakaba ng buong existence ko sa mundo. As in."

"Anong tweet?"

"Hindi ko sobrang maalala 'yong tweets talaga pero ang gist d'on, may nakita kang babaeng pumukaw sa atensyon mo."

"Ikaw?"

Tumawa si Rayne pero kinabahan talaga siya deep inside. "May ano. . . may pinost kang video sa twitter. Maraming tao sa video tapos nakita ko sarili ko sa mga taong 'yon."

"Paano mo nalamang ikaw 'yon?"

"Buhok ko. Puti."

Tumango-tango si Kaye habang nangingiti, tiningnan ang buhok niya at hinawakan na rin ang ilang hibla. "Sino bang hindi mako-caught ang attention sa buhok mo?"

"Anyway!"

Ang hirap mag-concentrate kapag may ganitong ganap si Kaye. Pahawak-hawak sa buhok. Nakakaloka.

"Ikaw nga 'yong nag-caught sa atensyon ko?" tanong nito muli. "Sa dream, I mean."

"Noong una, parang normal lang," aniya. "Tapos napa-'holy shit' ako nang ilang beses sa panonood ng video, muntik nang magpunta ng heaven 'yong shit sa sobrang daming beses kong binanggit."

"Bakit?" natatawang tanong ni Kaye. "May nangyari pa ba?"

"Halos 1 minute video 'yon, then finocus sa akin. Tapos, tumayo ako sa video, sinundan ng camera. Lumingon pa nga ako sa video. May mahinang boses d'on na nagtatanong ng, ano pong pangalan mo, ate?"

"Grabe 'yon!"

Tumawa si Rayne. "Ang caption pa nga ng tweet, alam kong di ko na siya ulit makikita kaya kukuha na ako ng remembrance."

Tawa nang tawa si Kaye. "May chance na gawin ko."

"Yikes, so, sino kaya ang stalker?"

"Pumunta na ako sa pag-wallpaper," natatawang sabi ni Kaye na hindi naman na-gets ni Rayne. "I mean, okay. Sige. Continue."

"Tapos, ayon. Nalaman mo pangalan ko, sa dulo ng video – binanggit mo 'yong rayne, saan kita makikita ulit? Ayaw ko nang magising pero pumapasok din sa isip ko, parang may bumubulong na ayos lang daw magising dahil totoo namang nangyari at pagkagising ko, makikita ko pa rin 'yong mga tweets. Kumbaga real life lang din, continuation  ng panaginip."

"Then nagising ka?"

"Medyo!" aniya. "Ginigising na kasi ako ng ate ko dahil aalis kami pero ilang beses akong natulog ulit, tapos ilang beses din bumabalik-balik 'yong tweets na para bang naglilimbo 'yong real world sa dream world."

Hindi malaman ang itsura ni Kaye kung natutuwa ba sa sinabi ni Rayne o mas naging curious pa.

"Weird din kasi sa panaginip ko, may control ako? Alam ko sa sarili kong isang reply ko sa 'yo d'on – ipaalam ko na ako 'yong babaeng nasa video; the rest can be history. Buhay talaga 'yong utak ko n'on, eh. May choice ako."

"Nag-tweet ka? Sa panaginip?"

"Hindi."

Napakunot ang noo ni Kaye. "Bakit hindi mo ginawa?"

Ngumiti si Rayne, tumingin sa langit. "Natakot siguro ako kahit panaginip. . ."

"Saan?"

"Kapag pinush ko pa 'yong idea, maraming magbabago. Siguro gusto ko lang talaga i-preserve 'yong innocence ng buong relasyon."

"Innocence talaga?" Sumunod si Kaye sa pagtingin sa kalangitan. "Paano pala kita makikilala n'yan kung hindi mo ipapakilala sarili mo?" Nag-snap ito ng daliri. "Kailangan ko ng cooperation, Rayne."

Tumawa siya, nilingon si Kaye na nakatingin na rin sa kanya. "Panaginip lang din naman 'yon." Ngumiti siya – isang pagtanggap ng katotohanan. "Hindi totoo."

"Kahit na. Kung sa dreams nga na maraming pwedeng mangyari, hindi mo ginawa. Paano pa kaya sa totoong buhay?"

Tumawa si Rayne.

Nagpatuloy si Kaye. "Paano tayo magkikita n'yan?"

"Well." Tumaas ang kilay ni Rayne at tumingin sa paligid. Binaling niya ang tingin sa katabing si Kaye. Inisip ang ilang oras nang ginugugol nila sa isa't isa. "Tingnan mo nga naman kung nasaan na tayo."

Dumiretso ng tingin si Kaye sa kanya. "We're here. . ."

"Oo."

"Magkakilala," dugtong ni Kaye.

Tumango si Rayne. "Uh hmm."

"Sa totoong buhay," nakangiti nitong pagtatapos.

"Oo nga." Ngumiti rin si Rayne. "Para ngang hindi pa rin totoo, eh."

"Hanggang ngayon?"

"Mahirap lang itatak sa utak. Parang nasa limbo pa rin ako ng panaginip at katotohanan," aniya. "Minsan ba naisip mong mangyayari 'to?"

"Never kong naisip." 

"Lalo naman ako!" Tigil. "Ang weird tuloy."

Umiling si Kaye. "Okay nga, eh. Mga bagay na hindi natin anticipated na mangyari pero nangyayari pa rin sa atin."

"Tulad nito?"

Tango. "We weren't expecting this would happen. . .right? But magiging kulang kapag nawala."

"Kulang talaga?"

Malawak ang ngiti ni Kaye, nakapikit ang isang mata na para bang nahihiya na nagpapa-cute. (Or both!)

(Or sadyang cute? Hmm.)

"Medyo, eh."

"Pero may tanong ako."

"Ano?"

"Bakit. . . bakit mas tanggap ka kaysa kay Jake Zyrus?"

"W-What?" Natawa bigla si Kaye. "Ang layo naman ata ng talon ng topic?"

"Kanina ko pa kasi iniisip! Tapos pag tinititigan kita, napapaisip ako ba't iba 'yong pagtanggap sa 'yo kaysa sa ibang lesbians. Lalo na kay Jake Zyrus."

"Yiee, tinititigan mo ako?"

"Hala ka. Sa dami ng sinabi ko, 'yon lang ni-react mo?"

Tawanan.

"Hmm, I'm not sure, eh. First of all, Jake Zyrus is a transman, not lesbian."

"Dati kaya lesbian muna siya."

"Well. . ."

"So, bakit mas tanggap ka? Dahil mas matangkad ka? Mas mukha kang lalaki? Masculine? Tapos siya, sinasabing trying hard?"

"No, no, I don't think 'yon talaga ang dahilan. Maybe. . . because ngayon lang siya dumating? I mean, galing siya from Charice, eh. As a girl. Minahal siya ng mga tao as Charice with long hair and powerful voice. And kahit na sabihin nating gusto natin ng change, may mga times na hindi natin tanggap 'yong changes. Siya, from girl to lesbian to transman."

"Ah, gan'on? Pag ikaw nagbago, keri lang?"

"Changes sa akin? Wala naman, ah!"

"Pumogi ka kaya. Nakakainis na nga, eh. Hindi ko matanggap!"

Lumawak ang ngiti ni Kaye. "Tama na, Rayne. Masyado mo na akong pinupuri."

"Ayos 'yan, para bigla kang sumabog."

"Sa kilig?!"

"Hindi. Sa laki ng ego—alam mo, ikaw lang ata 'yong kakilala kong inaasar ko na nga, tumatawa pa rin."

"Ang kulit mo kasi," natatawang sabi ni Kaye. Tinakpan ang bibig. "Napapagod na nga akong tumawa at ngumiti."

"Alis na ba ako?"

"Huwag." Sumeryoso ang mukha ni Kaye hanggang sa pinilit nitong sumimangot. "Dito ka lang. Sanay naman akong mapagod."

Napapikit si Rayne at umiling. "Ang mali naman pakinggan."

"Rayne!"

"Bakit!"

"Ano ba 'yang iniisip mo!"

"Hala, inaano kita?!"

Hinawakan ni Kaye ang kaliwang braso ni Rayne. Nagulat si Rayne nang bigla itong ngumanga at kinagat siya! Sa braso!

"Kaye Cal, ano 'yan!"

Lumawak ang ngiti ni Kaye, pinunasan ang braso ni Rayne na may kaunting pagpula na dahil sa kagat. "Marka ko."

"Watdahek!"

Tumawa si Kaye. Hindi pa rin binibitawan ang braso ni Rayne kahit nakatanggap ito ng ilang palo. Hinimas nito ang braso - ang tattoo niya.

"May mga nababasa ako sa comments na kaya nila ako gusto dahil hindi raw ako marumi tingnan," sabi ni Kaye. Pinipindot ang simpleng tattoo ni Rayne sa braso.

"Ay, wow. Aray. Nasasaktan naman ang maduming si ako."

"Masakit ba? Itong tattoo mo? Traditional, right?"

"Batok, kay Whang Od. Kung masakit. . .sakto lang. Kayang tiisin."

"Matiisin ka pala."

"Mataas pain tolerance ko, huwag ka magulo."

"Try nga natin?"

"Ha—aray! Kaye! Masakit!"

Paano, kinagat na naman siya ulit! May teeth mark na sa braso niya! Kainis!

(Eh, bakit kinikilig siya!)

Hihi.

"Mataas daw pain tolerance. . ."

"Ikaw kaya kagatin ko?!"

Biglang tinaas ni Kaye sleeves ng suot na suit at polo. Inangat, tinapat kay Rayne.

"Ano 'yan?"

"Kala ko ba mamarkahan—I mean, kakagatin mo ako?"

"Baliw."

"Ayaw mo sa braso? Saan mo gusto?" Hinawi ni Kaye ang buhok kahit hindi naman sobrang haba talaga at iginilid ang ulo, mas inilabas ang leeg. "Dito na lang? Bampayer na ako but pwede naman din ako mag-double bampayer."

Napatitig si Rayne sa balat ni Kaye sa leeg. Napalunok. Sinubukan niyang idikit ang hintuturo sa leeg ni Kaye na kinabigla rin nito. Sabay pa silang huminga nang malalim. Inilapit niya kaunti ang mukha sa leeg nito at napansin ang pagtigil nito sa paghinga.

Ngumisi si Rayne at mahinang kinurot ang leeg ni Kaye. "Rawr," bulong niya malapit sa leeg nito.

Pagkaupo niya nang maayos, nakalingon na sa kanya si Kaye. Nakatitig. Ngumiti siya. Napapatitig siya sa pagpikit ni Kaye nang ilang segundo saka ito dumilat at ngumisi. Hinimas nito ang braso at leeg, namumula ang tainga nito.

"Parang gusto ko na rin magpa-tattoo," anito.

"Ay, oh? Ano?"

"Dito." Tinuro ni Kaye ang parte ng leeg kung saan kinurot ni Rayne. "Ipapa-tattoo ko, rawr."

Biglang tumawa si Rayne. "Ang korni!"

"Ikaw, eh. Ang korni mo rin, eh."

"Kainis."

"But alam mo ba? May mga nagmamakaawa sa akin sa mga nababasa kong comments na huwag magpatattoo. Kasi 'di ba they're comparing us. . . and ako lang ang walang tattoo."

"Bakit? Gusto mo bang magpa-tattoo?"

"Oo nga, 'di ba? Dito?" Turo ulit sa leeg. "Rawr."

"Kainis! Pwera pa d'on."

"Hmm, I have thoughts but not to the point of actually doing it, hindi tulad mo."

"Ay, itong tattoo ko medyo impulsive yolo-ing lang. Biglaan like this week, naisip ko, the next week, umakyat na kami ng bundok para magpa-tattoo."

"Woah, gan'on lang? So may chance din na naisip mong magpakasal, bukas, magpapakasal ka na?!"

"Grabe naman sa OA 'yon!" Tumawa si Rayne. "Pero may chance. Kung super head over heels naman ako sa tao, why not?"

"Tao? Hindi lalaki?" Lumawak ang ngiti ni Kaye.

Biglang kinabahan si Rayne. Parang nahilo rin siya sa mabilisan pag-angat ng dugo sa ulo. Natahimik siya, natawa, pero hindi alam kung anong sasabihin. Nanlamig ang mga kamay.

"So. . .about the tattoo."

Ngumiti si Kaye sa kanya, as if sinasabi nitong ituloy ang usapan. Na huwag matigil. Tuloy lang.

"Uhm." Nahihilo pa rin siya. "Sa ano. . . ayun, nag-research naman ako kaunti. Wala talaga akong balak magpabatok pero may sinusulat kasi akong story na may part na nagpunta doon 'yong characters. Siguro isinabuhay ko lang, gan'on."

"Immersion, nice. Parang sa mga artista rin, method acting. Sa 'yo, method writing?"

"Bata pa lang din kasi ako, gusto ko na talaga ng tattoos. Noong grade school ako, bumibili ako ng pangkulay ng buhok na ginagamit ko pang-henna tapos lagi akong naghe-henna ng sarili, akala ng kaklase ko n'ong grade 6 na hindi ako naliligo kasi everyday, hindi nawawala 'yong tattoo."

Tawanan.

"'Yong aesthetic ng tattoo talaga, natutuwa ako. Pati 'yong idea na may art sa balat mo na pwede mong tingnan, pwede mong i-appreciate. Sa akin lang, ha."

"Hmm, that's actually nice. Ang galing that you can do things like that."

"Kaya mo rin naman kung gusto mo."

"Medyo scary."

"Ang tattoo?!"

"No. I mean, yes. Scary din 'yan lalo na 'yong pain. But siguro 'yong. . hmm, paano ko ba sasabihin? 'Yong kaya mong. . . Wait. Nahihirapan ako, ah."

"Naguguluhan naman ako."

Tumawa si Kaye. "This is not about the tattoo na, ah. More on sa freedom? Siguro? That you can do anything you like with yourself? Sa part ko, out naman ako ever since but minsan, kahit na I am this out, I am. . I can't. . ."

"Hindi ka free?" tanong ni Rayne. "The price you pay for being in showbiz spiel na ba 'to?"

"N-Not really, eh. Bakit sila Jake Zyrus naman? Si Aiza Seguerra nga, nagpakasal na. They had their own relationships and wala silang pakialam sa sasabihin ng iba basta happy sila. Which is minsan, kinaiinggitan ko?"

"Dahil sa parents mo?"

"Not just them.  . . sa lahat? Frustrating minsan makabasa ng mga comments na okay lang sila sa itsura ko na masculine or soft butch but hindi nila tanggap kapag I'm into someone na, lalo na if it's a girl. Eh, ako ito, eh. Ganito talaga ako."

"Sinong nila?"

"Sila."

"Ay, bawal i-mention? May censorship?"

"People," ani Kaye. "Siguro this is just me rin na nagpapadala sa sinasabi nila but it just hurts sometimes, I guess? Like, ididikta nila ang gusto nila sa 'yo then nawawalan ka ng say sa sarili. Ang pusong mamon ko."

"Ang hirap maging tao, no?" natatawang sabi ni Rayne. "Kahit anong sabi nating ayos lang sa atin 'yong negativity, darating din tayo sa puntong masasaktan din tayo. Para bang biglang nag-switch on 'yong vulnerability mode ng pagkatao natin."

Tumingala si Kaye, tumingin sa langit at huminga ng ubod nang malalim. "Sometimes you just want to disappear without anyone else." Unti-unti, lumingon ito kay Rayne. "Except the girl you like. With you."

Hindi magawang ngumiti ni Rayne sa ilalim ng titig ni Kaye. Kaya kumurap siya at huminga nang malalim. Pinipilit pakalmahin ang puso saka nagkumento ng, "Nosebleed."

Ngumiti si Kaye, papunta na sa tawa. "Isa pang frustration ko sa sarili ko is madalas nalilimutan ko 'yong lyrics." Pinapagaan nito ang pinabigat na atmosphere nila. "Ang nakakainis pa, nalilimutan ko 'yong lyrics kapag performance talaga at hindi lang basta gig! Maygahd."

"Dahil sa kaba?"

"Yeah, medyo stage fright? Masaya na nga akong tanggap pa rin ako ng Team Kaye Cal ko kahit magkamali ako ng lyrics."

"Ibig sabihin, tanggap nilang tao ka. Ayos lang 'yan, ako nga rin nalilimutan ko minsan pangalan ko kapag kumakanta ka."

Nasamid si Kaye, mabilis ang lingon sa kanya. "Rayne!"

"Bakit!"

"Ang landi n'on?"

Tumawa si Rayne. Malakas. "Shit, sorry. Hindi ko sadya!"

"Bahala ka, hindi ko rin sasadyain. . ."

Nagtawanan ang dalawa. Napalayo ang kamay ni Rayne nang bigla niyang naramdaman ang daliri ni Kaye na tumama sa kanya. Paano, napapatong ito sa hood ng kotseng inuupuan, tumama sa kanya. Mukhang hindi naman ito napansin ni Kaye na tawa pa rin nang tawa.

"Alam mo, may frustration din ako," aniya sa gitna ng tawa.

"Hm? Ano?"

"Kaninong kotse to?"

Natahimik si Kaye. Nawala ang ngiti.

"Sa 'yo to, 'no?" tanong niya. Nang hindi sumagot si Kaye, nilingon niya ito. "Sa 'yo tong kotse?"

Bigla ba namang nagpa-cute si Kaye?!

"Pwede ba?"

"Ang alin?" pagtataka niya.

"Hatid kita."

Nanlaki ang mga mata ni Rayne. "Paano mga kaibigan ko?!"

"Taken care of," tuso nitong ngiti.

"Paanong—"

"Ang tagal na ng oras na lumipas." Sumilip si Kaye sa relos niya. "Nakauwi na sila ngayon. Probably in their beds already, dreaming."

"Hala, anong ginawa mo?!" gulat na tanong ni Rayne. Tiningnan niya ang phone, walang kahit anong text o tawag. Mag-u-umaga na rin. "Iniwan nila ako rito?!"

Napakamot ng leeg si Kaye. Nakangiti na naman.

"Sinadya mo bang dito tayo makarating?" tanong niya.

"Uhm. . ."

"Kahit paglalakad natin, sinasadya mo sa mga paliko-liko? Akala ko wala talaga tayong patutunguhan!"

Ngiting labas ngipin ang ginawa nito. "Mukha siguro tayong walang patutunguhan pero mayroon? Mayroon? Mayroon?!" nag-aalinlangan nitong joke. "Surprise?"

"You deceived me!" Bumaba mula sa pagkakaupo si Rayne sa hood. "Kaya pala paupo-upo na lang ako rito sa kotse, kaya pala sumandal ka na lang dito bigla. . ."

Tumawa si Kaye. "Wait."

"Bakit?"

Hinawakan nito ang pisngi niya, pinisil nang kaunti. "Ang cute, eh."

Sumimangot si Rayne. (Pinipigilang mapangiti sa mga paru-parong nakain ata niya kanina kasama ng ice cream.)

"Hatid kita?" Nagpamulsa si Kaye sa suot na pants. Umilaw ang headlights ng kanina lang na tinatambayang kotse. Tumunog din ito, nag-unlock. "Please?"

Gusto niyang sabihing pwedeng diretso sa ospital, nagpa-palpitate na ako dahil sa 'yo, eh pero ang nagawa lang ni Rayne ay tumitig kay Kaye nang hindi pa rin makapaniwala. Nanghihina ang buong kalamnan. Kinurot ang sarili para sana magising sa limbo ng katotohanan at panaginip.

Paano nga lang siya gigising pa kung gising na talaga siya sa umpisa pa lang?



Drag

● King - individual na pine-perform ang masculinity theatrically

● Queen - individual na pine-perform ang femininity theatrically

● Hindi ibig sabihin nito ay gay, lesbian etc na sila. Minsan, they just cross-dress. Depende ang sexual orientation sa tao mismo.


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: plsptsya@gmail.com

⚢ random meme of the chapter ⚢

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

874 31 20
Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Teagan Dellava knew that and yet she striv...
779K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
Diplomat Hotel Oleh briangggg

Misteri / Thriller

888 63 45
A hard working college student "Dollibae" has so much to accomplish in life, she's had so many struggles but she led them all into success. She met h...
1.8K 192 76
Likha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang...