Best thing i (N)EVER had

septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... Еще

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

26

4.5K 73 0
septemberoyal

JHO

5:45 PM

Di ko na matutupad yung pinangako ko kina ate ly. Mag aala-sais na ng gabe at hanggang ngayon andito pa rin ako! Kaharap ang di pa rin nagsasalitang si baham. Yung kaninang sinabe nya yun na ang huli at di na rin nasundan pa.

(Ano ba yung huling sinabe nya sayo?)

Na.... Ano....miss daw nya ako?

Hay naku! Kasasabe ko lang di ba? Wala ng epekto sa kin yung mga ganung litanya nya sa kin. Wala na kong maramdamang kilig sa kanya kahit nung una kameng nagkita after our bad breakup more than a year ago. Oo. Aaminin ko nakaramdam ako ng kaba pero, alam nyo yun,yung kabang parang wala lang? Gulo ko ba? Kase di na katulad nung dati. Yung para bang makita ko lang sya parang di na ko makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Pinakikiramdaman ko nga ng mabuti ito ngayon, kung meron pa rin bang ganung feels at sa tingin ko........

"Di kita masisisi kung di mo na ako paniwalaan." sa wakas nagsalita rin ang lalakeng ito! "Sa mga ginawa ko sayo, alam kong mahihirapan akong ibalik yung trust mo sa kin pero......gusto kong magbakasakali kaya.....pwede ba nateng ipagpatuloy-----"

"w-wait!"ako na naguguluhan sa mga pinagsasabe neto. "wait nga lang! Ano bang ibig mong sabihin?"

Humugot sya ng malalim na hininga. "Gusto kong manligaw ulit."

Ano daw?

( hala! nabingi? )

"Alam kong di mo 'to magugustuhan pero gusto ko ulit sumugal para sa trust mo.Para sa pag ibig mo."seryoso po talaga sya!

"Pumapayag akong makipag meet sayo kase sabe mo gusto mong maging friends ULIT tayo at para na rin magcatch up sa mga nangyare sa tin.Pumayag ako kase bago naging tayo NOON ay naging mabuti rin tayong magkaibigan at para respeto na rin sa mga pinagsamahan natin NOON." ako.

"Oo alam ko.Yun dapat talaga ang plano ko maging friends tayo ulit,pero nung magkita tayo ulit,lahat bumalik sa kin.Yung masasaya nateng memories,yung mga times na super inlove tayo sa isat isa,mga awayan,selosan then yung mga pagbabati naten pagkatapos nun.....at yung......yung mga araw na niloloko kita,yung mga iyak mo na ako ang may dahilan at yung araw na.....na di ko dapat ginawa sayo....." halos naging pabulong na lang ang mga huling sinabe nya. "sinaktan kita.....ng sobra."

Malambot ang pagkakatingin nya sa kin na para bang nagi-guilty sa ginawa   nya dati.Ako naman,ay napa ayos ng upo.Di ko  akalain na mangyayare ito kase  noon pinapangarap ko na gagawin nya ito NOON,pero huli na eh.

"Louisse, im sorry.Im so sorry."nangingilid na ang luha neto. " Gusto kong itama ang lahat.Ibalik yung dating tayo,yung dating
akin lang at sayo lang.Gusto kong---"

"Stop." di ko na kayang pakinggan pa ang mga pinagsasabe ng lalakeng ito.

"Kung kinakailangang pati magulang mo,si jaja,liligawan ko.Gagawin ko.Kung kinakailangang pati sa kanila hihingi ako ng tawad----"

"Di ba sabe ko tama na?  Tama na baham!" mariin kong sabe.

"Gusto kong patunayan sa family mo na seryoso ako.Seryoso ulit ako sayo at this time pangangatawanan ko na." sya pa rin.

"Hindi mo na kailangang gawin yun."

"Gagawin ko."pursigido talaga ang isang ito.

"Walang alam ang parents ko sa  "totoong"  dahilan ng breakup naten." nakita ko syang napakunot noo kaya nagpatuloy ako.  "Ang sabe ko lang sa kanila na wala na tayong time for each other.Lalo na ako  kase student-athlete ako at madalas marame akong ginagawa at di na kita maisingit sa schedule ko.Nakakatawa kase pinagsabihan pa ako ni mama,sabe nya dapat daw marunong akong pagbalansehin lahat,time management.Sinabihan din ako ni papa na makipag ayos ako sayo agad at bawiin yung breakup naten." tas bahagyang natawa ng maalala ko yun.  "Wala silang alam sa mga pinaggagawa mo sa kin noon.Ayokong siraan ka sa mga magulang ko kase alam kong mahal ka nila at masasaktan sila ng sobra.Lalo  na  si papa kase para sa kanya,ikaw yung perfect na  "son in law"  nila.Kaya kahit gustung gusto kong magsumbong sa kanila dahil niloko mo ko.....Di ko ginawa  kase may respeto pa rin ako sayo."pati ako nangingilid na  rin ang luha.

Para ding nagflashback sa kin ang lahat.At ang highlight nun ay yun ngang breakup namen.Parang bumalik ang naramdaman kong sakit noon.At sakto  pang dito sa lugar na to nangyare ang lahat!

Napayuko sya ng marinig nya yun. "Dapat sinabe mo.Dapat alam nila ang totoo....Sinaktan ko yung nagiisang babaeng nag mahal sa kin ng totoo." tas umiiling ito at maya maya pa ay unti unti syang nag angat ng tingin. "Oo.Ikaw lang louisse, ang nag mahal sa kin at tinanggap ako kung sino ako."napabuntong hininga sya. "2 months lang ang naging relasyon namen ni erika. 2 months na wala akong ginawa kundi ang sumunod sa kanya,sa mga gusto nya.Para akong naging  "yaya" nya,Utusan nga minsan." tas mapait na tumawa. "Sa 2 months  namen nakakaramdam na ko ng iba pero binalewala ko yun,then umabot ako sa point na nagtatanong na ko sa sarili ko kung pag ibig ba talaga yung nararamdaman ko sa kanya o simpleng atraksyon?"

"Oh,anong sagot ng self mo?" bigla kong tanong sa   kanya.

Muli  mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Bago pa kong makarating sa kanya ay narinig ko syang may kausap...."

Galeng di nya sinagot tanong ko! Nice one  baham!😠

"Kausap nya yung isa nyang friend tas narinig ko name ko then umiral yung pagiging tsismoso ko kaya lihim akong nakinig. Sabe nung friend nya kung kelan daw ba nya ako ididispatya? Tas narinig kong sabe nya next week,dun na ako nagpakita.Kinumpronta ko nga sya,di na sya tumanggi pa,sinabe nyang game lang ang lahat at pinagpustahan daw nila ako.Inamin din nyang meron syang totoong boyfriend kaya wag daw akong mag ilusyon na papatulan  nya  talaga ako."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya.Di ko lubos maisip na ganun yung nangyare  sa kanya. Meron pa lang ganung klaseng babae? Meron pa lang babaeng  "player"?

"Di ko na hinayaang marinig ko  pa yung masakit na salita kaya nagwalkout na ko.Pagkatapos nun di na kame nagkausap pa,automatic na yun." tas tumingin sa kin ng diretso. "Nasaktan ako syempre,kase ikaw ba naman,lalake pina-ikot at pinaglaruan ng isang babae?"tas mahinang tumawa. "Basag ang ego ko at nakakalalake kaya yun! Pero alam mo dun ako naliwanagan kung ano ba talaga ang sagot sa mga tanong ko."

Di na ako naaksayang magtanong pa.Ayokong mapahiya na naman.Uubusin ko na lang yung juice ko.

"Nagkamali ako ng desisyon nung iwan kita para sa kanya.Nabulagan ako sa thought na yung pinpantasyahan ng karamihan sa  min sa university ay magiging girlfriend ko! Iniwan ko yung babaeng minahal ako ng buo at kung ano ako." sandaling huminto sya kaya napatingin ako sa  kanya na nakatingin rin pala sa kin. "Pinag isipan at pinakiramdaman ko kung ano ba talaga at iisa lang ang sagot sa mga tanong ko..........Louisse,Mahal kita. Mahal pa rin kita."

Biglang pumasok sa ilong ko yung iniinom ko kaya nasamid ako.Nataranta naman itong kasama ko at mabilis na tumayo at lumapit sa kin.

"Okay ka lang ?" nagaalala sya habang hinahagod yung likod ko.

Tumango ako bilang sagot at nag thumbs up pa👍.Nang mahismasan na ko ay saka pa lamang umupo muli si baham sa upuan nya.

"Di mo kailangang sagutin agad yun,pag isipan mo.Maghihintay ako kahit matagal,basta maghihintay ako." sabe nya tas ngumiti. "Mas mabuti sigurong umuwi na tayo." si baham.

Buti naisip mo pa talaga!😔Tumango lang ako.

"Hatid na kita?" aya nya at tumayo na sa upuan neto.

Nasa labas na kame ng resto ng mag insists muli si baham na ihatid ako pero tumanggi na ako.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.Di ko na matiis,kanina pa kong dead batt at siguradong kanina pa nag umpisa yung pa birthday surprise namen kay beatriz! At siguradong hinahanap na ako ng mga yun,lalo na ni beatriz!

"7:25"

"7:25 na!"gulat kong sabe.Napasapo na lang ako  sa noo.Talagang tatalakan ako neto ni donya! Pinapara ko ang lahat ng taxi na dumaraan sa min pero lahat dedma sa kin kaya lalo akong natataranta.

"Natataranta ka."natatawang sabe ni baham na nasa tabe ko lang pero  may pagitan sa min.

"Kasalanan mo 'to!"

"Ako!?"

"Di ba sabe ko sayo kanina na uuwi na ko? Yan,tuloy! Late na ko!" galit kong sabe sa kanya at inirapan ko sya.Muli ay pumara ako pero tulad ng dati nilagpasan lang ako. ARGHHHHH!!!!!!

"Tara hatid na kita."

Napakunot noo ako ng makilala ko kung sino itong mayari ng kotseng tumigil sa harapan ko.......Si baham pala.Nakangiti itong lumabas ng kotse at lumapit sa kin muli. Bakit di ko namalayan ang pag alis neto kanina?Nakatingin pa rin  ako sa kanya siguro nahalata nya na gusto kong magtanong kaya inunahan na nya ako.

"Birthday gift ko sa sarili ko. Naalala mo? di ba sabe ko sayo dati na makakabili rin ako ng kotse para di na hassle kung gusto nateng umuwi sa batangas makakauwi tayo  kahit anong oras."tas nag smile sa kin.

Oo naalala ko na. Yun ang  panahon na sobrang perfect para sa kin.Yun ang panahon na super inlove kame at halos ayaw nameng maghiwalay sa  isat isa. Lage nyang sinasabe sa kin na pangarap nyang magka kotse para daw nadadala nya ako kung saan ko gustong pumunta. Ako daw  ang boss,eh.  And speaking of birthday,naku naman! BIRTHDAY NGAYON NI BEATRIZ!!!  Siguradong magtatampo ang batang yun pag wala ako dun!

"Di ba sabe mo kasalanan ko kung bakit ka late sa pupuntahan mo? kaya  may solusyon ako dyan sa pinuproblema mo.Sabay ka na sakin,promise hanggang labas lang ako ng eliazo.Di ako magpapakita sa kanila."sabe neto.

Tinitigan ko syang mabuti.No choice na ko mga bes! "Sabe mo yan,ha?"

Natawa naman ang mokong na 'to! "Oo nga!"

Pinagbuksan nya ako ng pinto sa passenger seat,inalalayan nya akong palapit sa kotse.Di pa ako tuluyang nakakapasok ng may bumusina ng ilang ulit at parang nakikilala ko yung businang yun kaya napatigil ako at lumingon.

Bigla akong kinabahan ng mag park sa likuran namen ang itim na benz,na kilalang kilala ko. Mas dumoble ang kaba ko ng bumaba sa kotseng yun ang may ari na kilalang kilala ko!

Bakas sa mukha neto ang pagkainis, magkasalubong ang mga kilay neto.Huminto sya sa harapan  ko at tumitig sakin ng diretso.Hala,galit sya! Galit si beatriz!

Ilang beses akong napalunok,ibubuka ko na sana  ang bibig ko para magpaliwanag kaso naunahan nya ako.

"Tara UMUWI na TAYO." plain nyang sabe pero may diin.Tango lang ang naisagot ko.

Tumalikod na si beatriz at ako naman ay akmang susundan na sya ng pigilan ako ni baham kaya napatigil ako at napatingin sa braso kong hawak nya.

"Akala ko ba,ako ang maghahatid sayo sa eliazo?" malakas ang pagkakasabe  neto.Gusto kong plasteran ang bibig ng lalakeng ito! Ang ingay eh! Kaya malamang narinig yun ni beatriz. "Di ba sabe    mo may pupuntahan ka pa kaya nga hatid na kita." ay inulit pa talaga ng mokong na 'to! Sinamaan ko sya ng tingin pero di umubra.Naku naman!

Napatingin na lang ako kay beatriz na nakailang hakbang na rin palayo sa min.Napatigil ito sa paglalakad at maya maya pa ay nilingon ako at mabilis na lumapit muli sa min. Tiningnan nya ng sandali ang katabe ko at kung mamalasin pa ay napatingin din sya sa braso kong hawak hawak ni baham then muli tumingin sa  kin na ngayon ay madilim na ang mukha neto at pansin kong namumula na sya........ sa......GALIT?

"Ako na ang maghahatid sa kanya." mariin nyang sabe na di tumitingin kay baham at diretsong nakatingin sa  kin. "Tutal dun din  naman ang UWI  ko." Tinapunan ko naman  sya   ng  "sorry look" pero wa epek  mga bes!

"Lets go!" sabe nya.

Kaya hinarap ko si baham at nagpaalam ng maayos. "A-ano......S-sa kanya na ako sasabay."  Naramdaman ko ang paghawak ni beatriz sa kamay ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Magkasalubong pa rin ang mga kilay neto. "Sige,baham.Una na kame."tas nginitian ng pilit.

"Pero---"

"Lets go,jhoana!" ma-awtoridad na sabe ni bea na medyo napalakas  pa kaya napatingin sa kanya si baham na nakakunot  noo na rin.

"Alis na kame." pinasigla ko na lang  ang boses  ko kahit sobrang kinakabahan ako sa mangyayare mamaya.Naramdaman kong pinisil ni bea ang kamay ko kaya kasabay nun ang pagtanggal ng kamay nya sa braso ko, tinalikuran ko na si baham at nagpatianod kay bea hanggang sa makasakay ako sa  "baby" nya.





















BEA

Pagkarinig ko pa lang kung asan si jho ay parang gusto ko ng kumaripas ng takbo papunta roon.Alam ko kung san banda yung resto na sinabe ni wong.Di na ako nag atubili pa at mabilis pa sa kidlat  na umalis ako ng dorm kahit pa na tinatawag ako nila jia ay di ko pinansin,maski nga  ang ALYDEN na nakasalubong ko pa sa may pinto ay dedma  sa   kin.

Pinaharurot ko agad  ang  "baby"  ko papunta  sa kung asan si jho at parang nang iinis pa ang edsa. Ang traffic dito dude! Kung ilang beses akong napapamura  dahil halos di nagalaw ang mga sasakyan.

Siguro halos isang oras ako nasa byahe bago ako nakarating doon.Magpapark na sana ako ng mapansin kong palabas na ng  resto si jho,nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang  kasama nya at lalapitan ko na sana sya ng bigla akong napapreno ng makita ko ang kasunuran nya.

Tama ako ng hinala.May kasama syang nagpunta dito,pagkasabe pa lang kase ni wong ay bigla kong naisip ang pwede nyang maging kasama rito at eto na nga.Kitang kita ko mula rito sa loob ng nakahinto kong kotse ang magkasunurang paglabas nilang dalawa hanggang magkasabayan na silang maglakad.Huminto sila kung san pwedeng mag abang ng masasakyan.

Kinuha ko phone ko  tas dinayal ko ang number ni jho pero tulad pa rin ng kanina,out of reach.Inulit at inulit at inulit at inulit ko pa ng ilang beses pero ganun pa rin,kaya sa sobra kong  inis ay  naihagis ko ito sa backseat!

"Ahhhhh!"ako at napapalo sa manibela ko. Parang gusto kong labasin sila at hablutin si jho sa kanya,pero parang gusto ko ng umuwi. Naiinis ako! Ayoko silang panoorin pero ayokong umalis hanggat di ko kasama si jhoana.

Iniiwas ko ang paningin ko sa kanila pero parang magnet na  napapatingin talaga ako.Di naman kalayuan ang distansya ko sa  dalawa pero di nila ako  mapapansin  kase may  dalawang kotse muna ang nakatigil din dito  bago yung  "baby" ko,kita ko rito ang bawat galaw nila at pansin kong nagkakatuwaan ang dalawa  kase panay ang ngiti at tawa nung lalake.At ito naman si jho,sisimangot  pero mamaya ngingiti na rin sa ka DATE.

"San pupunta yung lokong yun?"tanong ko sa sarili ng mapansin  kong biglang umalis yung lalakeng yun  at di talaga nagpaalam kay  jho,na  busy naman sa  pag papara  ng taxi.

At bago ko pa ma-start muli ang engine ng kotse ko ay merong kulay pulang kotse na huminto sa tapat ni jho at lumabas dun ang  "ka-date" nya. Muli ay pinanood ko lang silang  "magharutan" sa gilid ng daan.Tsss......😒

"Shit!" bigla  akong nagpanic ng makita ko ng pasakay na si jho sa kotse ng lokong yun. "No no no!" kaya mabilis kong in-start ang kotse ko at pinaandar palapit sa  kanila at bumusina ng bumusina.

And thank god at lumingon din si jhoana! Di ko na pinatay ang makina ko at dali dali akong lumabas tas lumapit agad sa dalawa. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni jho ng lumabas at nilapitan ko sya.Oo sya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. Iuuwi ko na si jhoana.

"Tara.UMUWI na TAYO." diniinan ko talaga yun  para dama nya........At nung kasama nya. Tumalikod agad ako dahil di  ko  matiis na  kaharapan ko yung taong nanakit sa  kanya ng sobra noon.Yung taong iniyakan nya ng ilang buwan.  At  ngayon,ka-date  naman nya!😡

Buong akala ko,nakasunod na sa kin si jho...pero napahinto ako ng marinig ko ang "pangit" na boses ng KA-DATE nya.

"Akala ko ba,ako ang maghahatid sayo sa eliazo.Di ba sabe mo may pupuntahan ka pa,kaya nga hatid na kita."

Napalapit ako agad sa kanila.Tinapatan ko ang lokong 'to tas tinapunan ko ng onteng tingin at parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko ng mapatingin ako sa kamay netong nakahawak sa braso  ni jhoana.😡😡😡

"AKO na ang maghahatid sa kanya tutal dun din naman ang UWI ko." then muli ay kay jho ako tumingin.  "Lets go." aya ko na kay jho.

"A-ano....sa kanya na  ako sasabay." narinig  kong  sabe nya sa lalakeng yun. Kaya bago pa humaba ang pagpapaalamanan nila ay  kinuha ko ang isang kamay neto,sign na gusto ko ng umalis. "Sige baham,ha. Una na kame." tas nakita ko pang nginitian ni jho yung loko.

"Pero......"

"Lets go,jhoana!"

May balak pang umapela eh! Kaya nag aya na ulit ako this time nilakasan ko na para marinig neto. At buti naman narinig(akala ko bingi eh!) pero ang lalong nag pasalubong ng  kilay ko ay kung pano  nya  ako tingnan pagkatapos kong sabihin yun.Di ko lang gusto yung pagkunot noo nya sa kin.

"Alis na kame." paalam ulit ng babaeng ito.Di na   ako nagaksaya la ng panahon at hinila na si jho palayo sa lalakeng yun.








Habang nasa byahe kame pabalik sa katipunan ay walang  naimik  sa  min,ni car stereo di ko binuksan kaya  tahimik ang loob ng  kotse.Wala lang,ayoko  lang  ng maingay ngayon,wala akong sa  mood! #BADTRIP

Ramdam ko ang madalas  na pagsulyap sakin  netong nasa passenger seat kanina  pang patingin  tingin  sa kin.Ako naman kunyare di ko pansin yun at diretso  lang ang tingin ko sa daan habang nagmamaneho.Ayoko syang  pansinin. Naiinis ako sa kanya.

Papasok na kame ng ateneo ng magsalita na 'tong katabe ko. "Beh........" di ako sumagot. "Beatriz.......ui,pansinin mo naman ako."

Pero dahil nagtatampo ako sa  kanya ay dedma sya sa kin. Sige lang ako  sa pag mamaneho hanggang  nasa loob na kame ng   campus at patungo na sa eliazo.

"Beatriz,magpapaliwanag ako." sabe pa neto tas humarap pa  talaga sa kin.

Saglit ko syang tiningnan tas inihinto ko ang kotse ko sa  gilid. "Siguraduhin  mong kapani paniwala yang paliwanag mo  sa  kin para maniwala talaga ako."







Продолжить чтение

Вам также понравится

330K 19.1K 72
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
2.7M 64.6K 131
[BOOK ONE IN THE LIFELINE SERIES] life·line ˈlīfˌlīn/ noun "A person you can always depend on to help you in a really messed up situation where you n...
122K 5.6K 25
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
461K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...