Cavanata 42
Marahas n'yang hinilamos ang kamay sa mukha niya saka matalim akong tiningnan.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo." Naiinis niyang sabi.
"Totoo naman kasi sinasabi ko! At HINDING-HINDI mo ako papasok dyan!" nanggigil kong sabi.
"Nasisirian ka na ba talaga o sadyang maluwag iyang mga turnilyo mo?" nakahalukipkip niyang sagot sa akin.
"Totoo naman kasi ang sinasabi ko! Bakit ba hirap kang paniwalaan ako?"
"God heaven forbid me if I crash this little creature of yours." Matiim ang mga titigniya sa akin habang nagsasalita alam ko naman hindi para sa akin ang sinasabi niya kahit pa kung maka tingin siya ay parang tutunawin na ako.
"Tara na bago mo pa masagad ang pasensya ko sayo at maitapon na talaga kita." nanggigil niyang wika.
"Ayoko nga hindi mo ako mapapasakay dyan." mariin ko ding sagot habang tinururo ang pintuang iyon na kumakain ng tao.
Alam na alam ko... Pinamarusahan niya ako sa mga nagawa ko, at ang nakakainis ayaw niya tumigil sa pang-aapi sa akin hindi pa ba sapat ang pagpapahirap niya sa akin sa bahay niya?
Ang makatanggal pusong takot ko kanina?
Ngayon ito naman? Gusto niya akong pumasok sa pintuan na iyon na kumakain ng tao? Bakit hindi na lang talaga niya gawin ang sinasabi niyang itatapon ako?
Kung hindi ko lang talaga pinanghahawakan ang sinabi nung pulis na malaki ang posibilidad na sa kanya ako hahanapin ni Badong, hindi ko na talaga titiisin ang pang-aapi niya sa akin, lalayasan ko na siya!
"You know what?! I getting late because of this shit! So move now!" naglalabasan na ang mga ugat niya sa leeg sa lakas ng sigaw niya kaya naman nag echo sa buong lugar boses niya.
Napatingin sa amin ilang pababa ng sasakyan pati mga dumadaan.
Napaikot ang tingin ko sa kanila.
Bakit ganoon? Hindi ba sila nababahala sa pintuang kumakain ng tao?
Nang mapabaling ang tingin ko sa isinumpang pintuan tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko, naiyak na ko ng makita ko ang isang matandang lalaking sumakay huli na hindi ko na siya nabalaan... sumara na ang pinto.
Kawawa naman siya konte na nga lang ang natitirang mga sandali sa kanya kinuha pa ng napaka samang pinto na ito.
"Hindi ka talaga sasakay?" naglalagatukan ang mga ngipin nya habang matalim na nakatingin sa akin.
"Ayoko." Final kong sagot.
"Sige kung ganoon mag hagdan ka! Akyatin mo hanggang 57 floor." Sagot niya habang naglalakad na papunta doon sa pinto.
"Luke!" nanginginig ang boses kong tawag sa kanya, kasi naman di ba... kahit siguro siya ang pinaka masamang tao na nakilala ko hindi ko pa din maaatim na makita siyang kinakain ng halimaw.
"Stop with your non-sense rant Coring, I am really pissed off! So you better hurry, choose will come with me or you will use that damn stairs pero siguraduhin mong nasa 57 floor ka na within five minutes." Pinaka titigan niya ako na para bang hinahamon niya akong pumasok sa bwisit na pinto na iyon.
Ibinaling ko ang hagadan malapit sa pintong kumaian ng mga inosenteng tao.
"Maghahagdan ako!" matigas kong sabi.
Marahang tumaas naman ang kilay niya pati gilid ng labi.
"Are you sure?" tanong pa niya na parang talagang niinis ako.
"Oo, sure na sure hindi mo ako malilinlang na ipasok d'yan sa kampon mo ng kasamaan." Marii kong sabi.
Nailing na may konting ngiti siya sa labi.
Gwapo na sana kasi nakangiti siya na parang naaliw na naiinis ang galing niya talaga kaya niya mag multi-tasking ng expression ng mukha, kaso ninyo hindi niya ako malilinlang sa maganda niyang mukha! Hah, hinding-hindi niya ako mapapasok sa pinto na yaan!
"100% sure? 57 floor ang aakyatin mo Coring." Nang-iinis niyang sabi.
"Oo, siguradong-sigurado." Determinado kong sabi saka humakabang para lagpasan siya.
"Sige, sabi mo eh..." tumatawang sabi niya na para bang tuwang-tuwa pa siya nag maghahagdan ako.
~Masyado ako minamaliit ng unggoy na ito aba baka hindi niya alam! Ilang bundok ang nilalakad at inaakyat ko makapag lako lang ng paninda.
Tumayo siya sa loob ng pinto na kumakain ng tao, marahan niyang nilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.
"Well then, Good luck Coring..." nagtaas baba pa ang isang kilay niya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Bagay na bagay siya sa loob ng pinto mukha siyang Prinsipe ng kadiliman.
Bwisit s'ya.
Bago pa man magsara ang pinto nakangiti ko siyang sinagot ng buong kompyansa.
"Watch me..."
---oOo---
Enjoy reading ^____^V
Crazybhabiemhine