Stupid Innocent Princess

By Sorrow_Ink

54.5K 926 99

Paano kung isang araw may makilala kang inosenteng babae? Iyong tipo ng babaeng wala kaalam-alam sa mga bagay... More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER#1
CHAPTER#2
CHAPTER#4
CHAPTER#5
CHAPTER#6
CHAPTER#7
CHAPTER#8
CHAPTER#9
CHAPTER#10
CHAPTER#11
CHAPTER#12
CHAPTER#13
CHAPTER#14

CHAPTER#3

1.8K 74 6
By Sorrow_Ink

~KHIA POV~

"Khia, nasaan ang mga magulang mo?" tanong ni aling Niha.

"Naglalaba po," sagot ko habang nagpatuloy sa pagkain.

"Bwesit kang bata ka! Saan?" Inis na tanong ni aling Niha.

"Sa kanal po," simpleng sagot ko.

Tapos na akong kumain kaya tinapon ko na ang plato ko sa labas.

Rinig ko pa ang sigaw ni aling Niha, pero hindi ko na pinansin kasi hilig naman nya iyon. ^_^

Naghanda na ako sa pag pasok, pagkatapos ko naman ay agad akong naglakad papuntang skwelahan.

Payapa naman akong nakarating sa room at pag pasok ko nandoon na si Ma'am, nagtatawag.

"MA'AM!" sigaw ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

"BAKIT?" sigaw pabalik ni Ma'am.

"Papasok na ako Ma'am ha?" paalam ko.

"Hahaha," pagtawa nila.

"Dalian mo na," Ma'am said.

Agad akong tumakbo papuntang upuan ko. Akmang uupo na sana ako pero biglang may sinabi si Ma'am na shark.

"WHAAAA!SHARK!" sigaw ko at agad na tumakbo paalis sa room.

Huhuhu, may shark daw. T_T

~PRINCE POV~

Shit! Mamatay talaga ako nito sa katatawa, hahaha.

"Biruin niyo ‘yon tinawag niya akong shark?" nakatulalang saad ni Clark.

"Pfff, hahaha. Akala niya shark iyong Clark,"

"Grabe, hahaha." pag tawa ni Ram.

Nakangiting napailing na lang ako, hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa kay Imperial, pft.

~KHIA POV~

Gusto ko ng tubig!

Tumakbo ako papuntang canteen nang makita ko si ate na iinomin iyong tubig.

"Whaaa, akin na lang ‘yan!" sabi ko.

Mabilis kong inagaw iyong tubig ni ate at ininom ito.

Nakatulala lang siya sa akin kaya naman nginitian ko siya at ibinalik iyong tubig niya.

Agad akong pumunta kay ate tindera.

"HOY!" sigaw ko kay ate tindera.

"Oh, nandito ka pala, Khia." she said.

"Ate tindera pautang ha?bukas na lang kita babayaran pag nakapulot ako ng pera," I said.

"Hin—" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil gutom na ako.

"Sige ka! Pag ako namatay, mamamatay rin si spiderman,si superman at especially si mickey mouse na palagi mong pinapanood," pananakot ko kay ate.

"Hala? Talaga?" natatarantang tanong niya.

Tumango naman ako.

"Sige! Dalhin mo na iyong gusto mo! Ako na magbabayad!" she said.

Napangiti naman ako, pft hahaha.

Agad akong kumuha ng pagkain at kinain ito.

"Hoy! May nagaaway daw sa court!" rinig kong sabi ni ate girl.

Agad akong pumunta sa court. Nakita ko naman si kuyang baliw at ‘yong isa pa na may hikaw, nagsusuntukan sila.

"BOXING LIVE!" masayang sigaw ko.

First time kong makakapanood nito!

Agad kong pinatabi ang mga tao at tawa lang sila nang tawa!

Pumunta ako sa may gilid nila kuyang baliw kaya napatigil sila sa pag susuntokan. Inalis ko ang tsinelas ko at inupuan ito

"Sige kuya, ipanalo mo iyan nakapusta ako saiyo" nakangiting sabi ko.

Nakatulala lang sila sa akin.

Binuksan ko ang nova ko at sinimulang kainin ito.

"WHOAAAA, BOXING!" sigaw ko pa.

"Hahaha, stupid talaga,"

"Stupid,"

"Pfff, napaka inosente niya,"

"Hahaha, tanga." rinig ko sabi nila.

"Thank you," nakangiting sabi ko.

Hindi ba nila alam na ang meaning para sa akin ng stupid ay...

S-PECIAL
T-ALENTED
U-UNDERSTANDING
P-RETTY
I-NDEPENDENT
D-ILIGENT

Oh! Diba ^_^

Nag alisan sila kaya naiwan akong mag isa! Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas ko, napatingin naman ako sa gitna ng court.

"Ano kaya iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Agad kong nilapitan ang isang bagay na nakita ko.

"Wow," manghang sabi ko nang makita ang isang kwentas.

Agad ko itong kinuha.

Isang silver necklace na may butterfly pendant.

"Aha! Isasanla kita" masayang saad ko at agad na umalis.

Magkakapera na rin ako sa wakas!

~PRINCE POV~

Naglalakad ako ngayon papuntang canteen nang makita ko si stupid girl na masayang kumakain.

Napangiti na lang ako.

Umorder ako ng pagkain ko at agad na pumunta sa upuan ni stupid girl.

"Oh, kuya blonde ikaw pala," nakangiting bati niya.

"Hahaha, Prince ang pangalan ko," I said to her.

"Wow , Prinsepe." she said.

Napailing na lang ako.

"Masaya ka ata?" nakangiting tanong ko.

"Madami akong pera eh" nakangiting sagot niya.

"ahh, kaya pala,"

Napatingin ako sa pinggan niya at tapos na pala siyang kumain. Nagulat na lang ako dahil bigla niyang tinapon iyong pinggan sa bintana.

What the!

"Bakit mo tinapon?" gulat na tanong ko.

"Hehehe, tapos na ko kumain," sagot niya.

Bigla na lang niyang tinaas ang paa niya sa lamesa at kumuha ng libro

"Pfff, hahaha," tawa ko.

Grabe ito!

Naka jogging pants siya tapos naka Jersey short tapos naka t-shirt na red.

Para lang siyang nasa bahay nila.

"Bakit hindi ka magsuot ng uniform ng school?" tanong ko.

"Kasi nawala siya at hinanap naman ni dora si spongebob tapos dumating si barney at niyakap si doraemon na anak ni pokemon, kaya nagalit si oggy dahil hindi niya mahanap si hello kitty," hindi ko na siya pinatapos.

"Ano bang sinasabi mo?T_T " tanong ko.

"Ay! Sorry. Iyong uniform ko nasa bahay," she said.

"Nag aano do'n?" tanong ko.

"Nagwawalis," sagot niya.

"Hahaha, uniform nag wawalis?"

"Dinamitan kasi ni aling Niha ‘yong walis namin,"

"Sino hahaha si hahaha aling Niha?" tawang tanong ko

"Iyong matandang kadiri, " maiksing sagot niya.

"Matandang kadiri?" takhang tanong ko.

Binitawan niya ang libro at humarap sa akin.

"Kasi nung minsan ginigising niya ako tapos hinahanapan niya ko ng ano ng lalaki, eh diba babae ako kaya ayon nagalit sa akin" sagot niya.

" SHIT! HAHAHAHA,"

~KHIA POV~

Nilayasan ko na lang si Prinsepe tawa kasi siya nang tawa eh.

Pumasok ako sa room namin kaya natigil sila sa pagkaklase.

"MS,IMPERIALLLLL" sigaw ni
Sir.

"Sir may ipis sa buhok niyo oh" sabi ko sabay turo sa ulo niya.

Agad naman niyang kinapa ang ulo niya.

"Bwahahaha," tawanan namin.

"Wala ka namang buhok Sir" I said while laughing.

" MS, IMPERIALLLL!!!" galit na sigaw ni Sir.

"SIR! IYONG BRA NIYO NAKALABAS NA," sigaw ko.

Agad namang kumaripas ng takbo si Sir.

"Feeling naman, hahaha may bra" pagtawa ko.

Napaupo na lang ako sa sahig habang tumatawa.

"Hahahaha," tawanan ng mga classmate ko

Ang galing ko wala tuloy klase, hahaha.

__________________________________________________

Thanks for reading.

Continue Reading

You'll Also Like

700K 8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
559K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
1.1M 51.8K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.