A Rebel Heart (#1)

Galing kay parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 Higit pa

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 10

340 9 0
Galing kay parachutelemon

Kabanata 10

Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Kinatok ako ni Kuya Commulus at sinabing dapat maaga daw akong magising at ng maaga rin akong makapunta doon sa police station.

Ang sabi pa niya, mahiya naman daw ako. I don't even know what the hell is he talking about. Hindi na ako sumabat pa dahil alam ko namang galit pa siya sa akin.

Matapos magbihis ng maong skinny jeans, white loose cropped top, and a white sneakers ay lumabas na ako ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang may marinig na pumutok. A shower of confettis are falling on the floor.

Napangiti ako nang makita sa harap ko si James na may dalang maliit na birthday cake. Sa tabi niya ay si Kuya Cirrus at Seaver na parehong naka-party hat.

"Happy birthday Heann!" Sabay sabay nilang sigaw. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nila. Napapikit ako ng mariin.

Oh shit. It's my birthday today! How can I forget? Ganito na ba ang epekto ng masyadong maraming iniisip? Nakakalimutan mo na kaarawan mo?

Or it is just me?

Niyakap ako ni Seaver at sinundan din ito ni Kuya Cirrus.

"Happy birthday Heanndra." Natatawang bati ulit ni Seaver.

"Too bad you're going to celebrate it sa police station!" Tumawa si James kaya binatukan siya ni Kuya Cirrus.

Somehow, this will help me start my day. Ngumiti ako sa kanila at nagpa-thank you na din. Inihatid nila ako pababa hanggang doon sa sasakyan na naka-park sa harap ng bahay. I saw Kuya Commulus na parang may inaayos doon sa likod ng sasakyan.

"Kuya Commulus will give you a ride today. Wala iyong sasakyan ko." Humina ang boses niya sa last sentence na sinabi kaya nahiya nanaman ulit ako. Naiisip ko na naman na sinira ko iyong sasakyan niya at nakakaguilty iyon!

"Hey don't be sad it's your birthday today! Huwag mo na lang pansinin si Kuya Commulus." Pagpapagaan ni Seaver sa loob ko nang makita na masyado akong malungkot.

So much for my birthday.

Tinawag na ako ni Kuya Commulus kaya nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa sasakyan.

Walang umiimik sa aming dalawa ni Kuya Commulus mabuti na lang at may music na tumutugtog kaya medyo maingay pa rin naman.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang convenience store. Ibinaba ni Kuya Commulus ang bintana ng sasakyan sa kanyang side at agad na may kinawayan doon.

Napasulyap din ako doon and saw a girl. She's wearing a floral, above the knee tube dress and a beige ballet shoes. A black sling bag is hanging on her shoulders. Ang medyo wavy niyang buhok ay sumasayawsayaw habang hinihipan ng hangin.

I know her! She's Ate Agnez, Kuya Commulus's childhood bestfriend. Kilala ko siya dahil minsan nakausap ko siya sa Skype noong tumawag sa akin si Kuya Commulus.

Nakangiti siyang lumapit sa sasakyan namin. Nanlaki iyong mga mata niya nang makita ako sa loob. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at sumakay na sa likod.

"Heanndra! You're here. Kailan ka dumating?" She asked in her sweet voice.

Nakita kong napatingin si Kuya Commulus sa rear view mirror pero agad ding binalik ang tingin sa daanan.

"Uhh, last month pa po." Sagot ko kanya at tumango naman siya sabay ngiti sa akin.

Itinigil ni Kuya Commulus ang sasakyan sa harap ng pamilyar na police station.

"Alright." Kinalas ko ang seatbelts ko.

Akmang lalabas na sana ako nang hinawakan ni Kuya Commulus ang kamay ko. Nilingon niya si Ate Agnez sa likod at bumalik ulit sa akin. Tumikhim muna siya ng ilang beses bago nagsalita.

"Happy birthday. Mag-ingat ka dito. Susunduin kita mamaya." Deri-deritso niyang sabi kaya napatulala na lang ako.

Ano yun?

"Sige na bumababa kana. Male-late na kami sa pupuntahan namin." Pagbasag niya sa katahimikan namin.

Napalunok ako at tumango na lamang.

Kumaway ako kay Ate Agnez at nagpaalam na.

"Bye Heann!" Pahabol ni Ate Agnez nang makalabas na ako. Tinitigan ko ang aming sasakyan palayo hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng station. Nadatnan ko ang isang pulis na medyo malaki ang tiyan na nakaupo sa reception area ng station. Napatigil siya sa pagkain ng mani nang tumigil ako sa harap niya. He looks like Santa Claus without his long, white beard.

"Uhm, where is SPO1 Martin Colston?" Tanong ko. Lumunok muna siya bago nagsalita.

"Nasa loob pa siya may meeting. Hintayin mo na lang." Seryoso niyang sabi at bumalik sa pagkain ng mani.

Umupo ako sa isang bench doon at naghintay pa ng ilang saglit. Hindi katagalan ay bumukas iyong pintuan sa isang silid at isa-isang lumabas iyong mga lalaking naka-uniform ng pang pulis.

Agad kong namataan si Martin kaya lumapit ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ng kasamahan at saka bumaling sa akin.

"You're early!" Deklara niya at saka tumawa. There goes his angelic smile again.

"Uh ano bang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kanya. Sinundan ko siya sa paglalakad papunta sa mga cabinets na nandoon. Mukha yatang may hinahanap siya. He looks busy.

"Maglilinis ka. Anyway I am sorry hindi kita mababantayan ngayong araw. My men and I are busy." Sagot niya habang tinitingnan ang isang folder.

Babantayan? Bakit naman ako babantayan? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Babantayan? Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko at agad humalukipkip sa harap niya. Tumigil siya sa pagbabasa doon sa folder at hinarap ako.

"Ah! Tumawag kasi si Governor kanina sa akin. Ang sabi niya he wants to make sure na ginagawa mo ang trabaho mo kaya he wants someone to watch you while you work." Ngumiti ulit siya sa akin at binalingan ulit ang folder.

What the hell? Seryoso ba si Daddy sa pinagsasabi niya? Ano naman ang gagawin ko dito sa police station?

Matapos basahin iyong folder ay agad niya itong isinara at hinarap ulit ako.

"Since my men and I are busy, I have here my brother to look after you..." sabi niya habang may kinakawayan sa labas at sumenyas pa siya na lumapit sa amin iyong kinakawayan niya.

Sinundan ko ito ng tingin at napatulala na lang sa nakitang lalaki na papalapit sa amin ngayon.

Nandito na naman siya. Anong ginagawa niya dito? And what? Brother? Magkapatid sila?

Weh?

Si flyer boy, I mean Clicko if I remember his name right, ay papalpit ngayon sa amin. Nakasuot siya ng manipis na white t-shirt, black shorts and a black baseball cap. I can see his abdomen from here.

"Heanndra, this is my brother Clicko. Clicko, this is Heanndra Governor Andranno's daughter." Pagpapakilala ni Martin sa aming dalawa. Tuwang tuwa pa siya na hindi ko maintindihan.

I wanted to extend my hand for a handshake because that's what you do if you were first introduce to each other but the Heanndra within me just don't wanna do it.

Napakagat ako sa labi ko nang sumulyap ako kay Clicko. Hindi man lang siya makatingin sa akin instead he's looking at his slippers like there is something interesting in there.

Tumingin din ako doon. Well, he's feet looks nice. It's so..., manly.

"Okay. So I'll leave you two alone? Clicks, ikaw na bahala." Mapanuksong ngumisi si Martin sa kapatid bago bumaling sa akin at saka ngumiti.

"Shut up Kuya!" Mahinang sabi ni Clicko at yumuko na lang. Tumawa si Martin habang umiiling.

"Good day Heanndra!" He made a small salute using his middle and index finger at saka umalis na.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"So? Anong gagawin ko?" Pagbasag ko sa katahimikang nabuo sa aming dalawa dahil sa pag-alis ni Martin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumama agad ang kulay lubog na asul niyang mga mata sa akin. Niligay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang shorts at saka naglakad palabas.

"Kailangan mong magwalis muna." Pormal na sabi niya sa malayo kaya dali-dali akong sumunod sa kanya.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang flower box. Nasa loob noon ang isang walis na may mahabang handle at isang dustpan na gawa sa lata ng biscuit.

Kinuha niya ito at binigay sa akin. He's so poker. Wala man lang akong makitang emosyon sa kanyang mukha.

"Magwalis ka mula dito sa tinatayuan natin hanggang doon sa dulo..." turo niya sa malayo.

What? Hindi naman yata parte iyon ng station? Bakit hanggang doon ay lilinisin ko?

"Bakit hanggang doon? Masyado naman yatang malayo iyon para linisin ko pa?" Tanong ko na nilagay ang kamay sa noo dahil tumatama na ang init sa mga mata ko.

"Nagrereklamo ka na ba? Hindi ka pa nga nagsisimula. Marami pa ang gagawin mo. Pagkatapos nito, didiligan mo pa ang lahat ng halaman dito." Masungit na sabi niya sabay turo ulit sa napakahabang flower boxes na gawa sa semento.

"Bilisan mo. Dapat maaga kang matapos para maaga rin akong makaalis dito dahil may pupuntahan pa ako." Masungit ulit na dugtong niya at agad ng naglakad sa kung saan.

Nagtatanong lang naman ako ng maayos! Bakit hindi na lang din sumagot ng maayos?! Sayang to, magpapasalamat pa sana ako dahil sa ginawa niyang pag-salba sa akin noong nasa waterfalls kami.

Whatever, napakaantipatiko.

Tinalikuran ko siya at agad na nagsimulang magwalis. Tirik na tirik ang araw at masyado itong masakit sa balat. Bakit ba hindi ako nagdala ng sumbrero? Kainis naman eh!

Halos isang oras yata akong nagwalis. Sinusulyapan ko paminsan-minsan si Clicko na nakaupo lang sa isang bench. Nakasandal iyong likod niya sa malaking puno at nakatingala na mukhang natutulog. Hindi ko masyadong makita dahil natatakpan ng baseball cap niya ang kanyang mukha. May earphones ring nakasaksak sa tenga niya.

Thinking about him na mukhang natutulog lang doon samantalang ako ay pawis na pawis at hirap na sa pagwawalis ay gusto ko siyang suntukin.

Wala ba siyang puso? Bakit hind niya na lang ako tinulungan para madaling matapos ang lahat ng gawain? Hindi ba sinabi niya na dapat maaga akong matapos dahil may pupuntahan daw siya? Edi sana tumulong siya!

Matapos magwalis ay pinuntahan ko siya sa bench at pinagmasdang mabuti.

Mukhang hindi naman siya tulog. Gumagalaw kasi ang Adam's apple niya, its means na napapalunok siya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdila niya sa kanyang labi.

Napataas ako ng kilay at agad na pinaypayan ang sarili.

The hell?

"Hoy tapos na ako!" Mataray na sabi ko at tinapik ang hita niya gamit ang tuhod ko. Nagulat yata siya sa ginawa ko kaya napabalikwas siya at umupo ng maayos.

Halos matawa pa ako dahil tumabingi iyong suot niyang cap. Matalim niya akong tinitigan at padabog na tinggal ang earphones sa tenga at inayos ang suot na cap.

"You can now water the plants. Ano pang hinihintay mo?" Aniya.

Nagpalinga-linga ako. There should be a water hose right? Sa haba ba naman noong flower box, sigurado naman akong may water hose sila dito na ginagamit to water the plants.

"Where's the water hose?" Wala sa sariling tanong ko habang sinusubukang taliin ang buhok ko kahit wala naman akong pangpusod. Naiinitan na ako at medyo nauuhaw na rin.

Natigil ako sa pagpusod nang tumikhim siya at nagsalita.

"Walang water hose dito." Seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Eh kung wala pa lang water hose, how should I water the plants?

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at biglang tumabi sa akin. He's so close! Ilang hakbang na lang gagawin niya ay magtatama na ang aming mga siko.

"Nakita mo ba ang baldeng iyon?" Turo niya sa kung saan at sinundan ko naman ito ng tingin.

Nakita ko ang isang kulay blue na balde na nasa tabi lang ng faucet di kalayuan sa amin.

"May tabo sa loob niyan. Paandarin mo yung gripo tapos ilagay mo ang tubig na lalabas, sa balde. Diligan mo ang mga halaman gamit iyong tabo." He said with a poker face. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang shorts at bumaling ng tingin sa akin.

Nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi niya. I'll water the plants using those?!

What the hell? So kailangan ko pang buhatin iyong balde papunta sa flower box para madiligan iyong mga halaman?

"Ano? Ayaw mo? Sasabihin ko kay Governor ngayon din na ayaw mo " Panghahamon niya sa akin.

Imbes na matakot at magulat sa kanyang pagbanta ay nagtaka pa ako.

Isusumbong niya ako kay Daddy? Like right now? Paano naman iyon? Tatawagan niya si Daddy? Bakit? May number ba siya ni Daddy?

Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

Sino ka ba talaga Clicko? Why are you everywhere? Why are you associated with everyone na nasa paligid ko rin?

Hindi na ako nagreklamo pa. Kahit naman magreklamo ako ay wala ding mangyayari, maantala pa ang gawain at magsasayang pa ako ng oras. Gusto ko na lang matapos ito lahat at makauwi na ako.

Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta doon sa may faucet. Binuksan ko iyon at hinayaang mapuno ang balde.

I admit, hindi ako marunong magbuhat nito kaya hindi ko rin alam kong paano ko ito bubuhatin.

Napangiwi ako nang unang subok ko pa lang na buhatin ito ay nabitawan ko kaagad iyon. Nakaramdam ako ng sakit sa kamay kaya hinipan ko iyon at tiningnan at nakitang namumula iyon.

Damn it! Paano ko ito sisimulan kung ganitong hindi ko naman kayang buhatin itong balde!

Sinubukan ko ulit na buhatin iyon at napangiti ako nang matagumpay ko itong nabuhat. Pero agad ding napawi iyong ngiti at napamura ako nang sinubukan kong maglakad dala iyon pero tumatama ito sa tuhod ko dahilan para lumabas iyong tubig sa balde at nabasa ang ilalim na parte ng pantalon ko at ang sapatos ko.

"What the fuck?" Mura ko at binitawan iyong balde.

Seriously? Wala na bang mas sasama pa dito? Great!

A happy fucking birthday Heanndra!

Napasapo ako sa aking noo at ipinikit na lang ang aking mata. Gusto ko ng maiiyak at hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Feeling ko ang pathetic ko na para iyakan ito.

This is not me.

"Just tell me if you can't do it." Binaba ko ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko at nakitang si Clicko iyon.

Kinuha niya ang balde at walang kahirap-hirap na binuhat iyon papunta sa flower box.

Nang mapagtantong tinulungan niya ako ay mas gusto ko pang maiyak. Sinundan ko siya ng tingin and I saw how his back muscles flex tuwing kukuha siya ng tubig sa balde gamit iyong tabo at isinaboy iyon sa mga halaman.

Tiningnan ko lang siya hanggang sa matapos siya sa ginagawa at bumalik sa kung saan ako nakatayo ngayon.

"Don't put too much para hindi ka mahirapan. Iyong kaya mo lang." Aniya at nilagay sa tabi ko ang balde.

"And also, wear this." Nagulat ako nang kinuha niya ang suot na baseball cap at ipinatong na lang sa ulo ko.

Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo sa akin at pumasok na sa loob ng station.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

50.1K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
2.6K 210 38
Euphemia Gabrielle Sevilla is the epitome of beauty and kindness. She has everything. But she has been longing for something-- Home-- Until she met a...
593K 27.1K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
14.2M 431K 34
When Ashley found out that she was pregnant with twins, she couldn't wait to share the good news with her husband. But when he got home later that ni...