~*~
(Rence POV)
"Ugh! It's gross!" Irita kong sigaw.
Nakakasulasok ang amoy ng halimaw. Taga-dagat ampotek pero di man lang alam kung paano maligo. Fvck!
Nilingon ko si Cashmere, at gayun na lamang ang pagkunot ng aking noo sa nakita. Nakatayo lamang ito at tila natutuwa pa sa nangyayari. How dare you bubwit!
"Hey, I need hands up here!" Parinig ko sa kanya ngunit tila yata wala syang naririnig.
Is she deaf?
"Cashmere I said I need help!" Muli kong sabi, this time I'm pointing directly at her.
Sa akalang maririnig nya ako ay hindi pa rin. Napatiim bagang na lamang ako. What is she doing?!
Nanggigigil na ako at nagsimula nang isipin na iihaw ang dambuhala na ito, pero agad din iyong natigil nang may itim na apoy ang tumurok sa mata ng halimaw dahilan upang matumba ito at malagutan ng hininga.
Inilibot ko ang paningin naghahanap kung sino ang gumawa n'yon, subalit wala akong natagpuan. Dahan dahan kong nilingon ang aking kasama, imposibleng sya ang gumawa 'nun hindi ba?
Saktong paglingon ko ay sya namang paghiwa nya sa isang galamay ng pugita. Napalunok ako at ilang beses na kumurap. May mali ba? Tama ba ang nakikita ko?
"Prince!" Kaway ni Cashmere sa direksyon ko. "Help me with this delicious worms please!"
Tila yata napako na ako sa aking kinatatayuan, this is insane right?
"I said I need help!" Inis na nyang sabi bago ipadyak padyak ang kanyang mga paa.
Wala na akong nagawa kundi ang lumapit at bigyan sya ng isang alanganing ngiti. Di pa man ako nakakapagsalita ay agad na nyang ipinahawak sa akin ang isang malaking galamay at nadagdagan pa at nadagdagan pa. Iniwas ko na lamang ang tingin sa gumagalaw pa na hawak ko, baka masuka ako ng wala sa oras, bawas pagkakalaki. Pwe! I hate this day.
"It's done! Now the last thing is the eyes, help me to take it Prince." Nagpapuppy eyes pa ang bubwit.
Eh ano pa nga bang magagawa ko hindi ba? Tutal lalaki lang din naman ako at may kahinaan rin, so......
"Never."
"Wah? Ne, just last one please Prince?" Hinabaan pa nito lalo ang kanyang nguso kaya napaiwas ako sa kanya ng tingin.
"Damot." Bulong nya. "Let's go."
Nauna na syang naglakad habang nagdadabog, habang ako nakisabay na lamang habang hila-hila ang mga galamay. Don't tell me, dadalhin namin ito sa bayan?
Oh please, don't.
"Hey bubwit." Tawag pansin ko kay Cashmere.
Parang wala itong narinig at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumigil, nang siguro'y maramdaman nya iyon ay napatigil na rin sya.
"Ano bang gagawin natin sa mga 'to?" Bago ilapag sa daan ang mga galamay na kasalukuyan pa ring gumagalaw.
"Kakainin." Maikli nyang saad.
Agad nanlaki ang aking mga mata. Swear, this is crazy!
"Don't tell me you didn't eat calamares before? You're missing half of your life then!" Mas gulat nyang saad.
The situation is getting more complicated. This is what they call calamares? Living in the land instead living in the deep ocean? I'm eating calamares, and not a monster.
"Wait, before the calamares. Paano ka biglang nawala gayong hila-hila mo ako?" Nakakunot na tanong ko sa kanya, pag-iiba ko ng topic at baka maoffend ko ang bata.
"Hinila ako ng pusit tapos ibinato ako nang kagatin ko sya, ang sarap nya eh!" Kumikinang ang matang sagot nya.
Napatampal na lamang ako sa aking noo bago mabilisang umiling. This is too much to handle.
~*~
(Cashmere POV-Present)
Pagkasindak? Pagkamuhi? Galit? Ano nga ba ang dapat kong unahin na maramdaman, or worse wala na talaga akong maramdaman.
Parang mas gusto ko pa yatang mamuhay ng normal. Noong tao pa lamang ako at naniniwalang namatay ang mga magulang ko sa aksidente kaya ako na lamang mag-isa kahit na naryan naman sila Lola. Noong mga panahong pag-aaral, kaibigan at trabaho lamang ang iniisip ko, pinoproblema kung anong mangyayari sa akin kinabukasan. Normal na buhay bilang tao. Naibalik nga ang alaala ko ngunit sobrang gulo naman, unting panahon lamang akong nawala at tila nabago na ang lahat. Pagod na ako sa mga problema. Nais ko nang magpahinga, pagod na ang puso't isip ko sa bawat pag-intindi sa mga ginawa ng kasamaan.
Kasalanan ko 'to. Kung sana hindi ako nabuhay, edi sana walang naghahangad ng ganid na kapangyarihan na ikatatalo ng ilang dyosa.
Tama, kasalanan ko 'to. Nais ko nang mawala upang matapos na ang lahat ng ito. Wala na akong poproblemahin, gayundin sila.
Ngunit kahit ilang beses kong kumbinsihin ang aking sarili, wala ring saysay. Sa akin nagsimula ang problema, at inaasahan ng karamihan na ako rin ang tatapos.
"Kung anu-ano na namang tumatakbo sa isip mo."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Amanda lamang pala, may hawak itong isang plato na may lamang tinapay at baso sa isa pang kamay, siguro kape ang laman.
"Umagang-umaga nakakunot ang noo mo. Kumain ka na muna upang magkaroon ng laman ang tyan mo sa paglalakbay." May ngiti sa labi nyang inabot sa akin ang kanyang mga hawak bago tumayo. "Maghahanda lamang ako ng mga kagamitan."
Sinundan ko lamang sya ng tingin bago titigan ang iniabot nya sa akin. Apat na araw na rin ang nakakalipas simula nang unang ensayo namin nang hindi ginagamit ang aking kapangyarihan, and everything went well except from my thoughts. Hindi na ako kinausap ni Amanda tungkol roon, at pati na rin si Catherine ay hindi na nagsalita pa. Tila ayaw nilang makagambala.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Siguro tama na ang paglilibang, kailangan ko nang harapin ang lahat.
Akmang hihigop na sana ako ng kape nang isang pagsabog ang nagpayanig sa buong lugar, kasunod 'nun ang pagdampi ng malakas at malamig na hangin sa aking katawan. Ang presensyang ito, Ice?
~*~
(Frank's POV)
All I need to do is to jump from this cliff. Yeah, madali lang ang bagay na 'to kung wala sana ang cliff na ito. It means, cliff is dangerous, stay away from danger. Ang galing ko talaga!
Isang malalim na hininga ang aking hinugot, hindi ko alam na magaling pala ako sa ganito. Talent ang paghinga ng malalim. Hahahahaha. Sige tawa lang Ice, muntanga ka.
Sinubukan ko muling silipin ang ibaba at hindi ko talaga maiwasang muling mapalunok. Matapang naman ako eh, pag hindi nag-iisa.
"Kaya mo 'to." Sambit ko. More like, pagpapatibay sa sarili ko.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman muli ang presensya ni Cashmere. Tama nga ang hinala ko, sa lugar nga na iyon dinala sya ni Amanda. Kahit nag-aalinlangang tumalon ay wala na akong magagawa pa. Buhay na ng pinahahalagahan ko ang nakasalalay rito eh.
'Pinahahalagahan mo rin ang buhay mo di ba Ice?'
Pakyu ka sagad isipan. Ibe-brain wash mo pa ako. Magbabago pa isip ko neto dahil sayong barahubas ka.
Pikit mata kong binalot ang aking sarili nang makapal na yelo, siguradong aapoy ako sa daraanan kong iyon.
Isa.....dalawa......
Tinalon ko na agad ang napakataas na bangin. Wala na akong pake kung sumigaw man ako ng ubod lakas. Wala rin namang makakarinig hindi ba? Ramdam ko ang hangin na pumapasok sa aking bibig, nagkandagutay-gutay na rin ang dila ko sa loob ng aking bunganga at pakiramdam ko nag-eexpand ang balat sa aking mukha. What the.
Sinubukan kong isara ang aking bibig ngunit mata ko naman ang pumalit sa pagkakabinat nito. Taena.
Nawala ako sa aking paghaharumentado nang maramdaman ko ang init. Kakaibang init. Minulat ko ang aking mata nang matagpuan ko na ang sariling patihulog sa tuyong lupa.
Nandito na ako.
Isang malakas na pagsabog ang nalikha ko sa aking pagbagsak dahilan upang magkaroon ng maraming alikabok sa paligid.
Huli na nang maramdaman ko ang malakas na paghampas sa aking batok dahil nawalan na ako ng ulirat. Ngunit bago 'yun ay narinig ko syang nagsalita.
"Sh*t! Si Ice 'yan Amanda!"
Great, just great.
~*~
(Author's Note)
Konichiwa! Hello sa mga nagcomment at walang sawang sumusubaybay sa Moon Academy, prams nga paps di ko inaasahan 'to. Maraming maraming salamat. Hi kay @mohammadmalang at sa kaibigan mong minumurder na ata ako. Hahahahaha. Char!
Hanggang sa muli, maraming revelations pa ang dapat ireveal! Ciao~
Visit our facebook page: http://wattpad.hountonidaisuke.facebook.com/
HountoniDaisuke