BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

By mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... More

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[31] Betrayal

240K 7.8K 1.2K
By mimhytot

“A-Anong kinamatay ng kapatid niya?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Storm.

Bumuntong hininga muna siya at uminom ng kapeng binili niya bago ako muling hinarap at tiningnan ng seryoso sa mga mata. Pinagmasdan niya muna ako ng matagal bago unti-unting nagpakawala ng malalim na paghinga.

“I killed her.” Mahinang bulong niya.

Saglit akong natigilan at natulala sa kanya matapos marinig ang sagot niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa mga mata niya at pilit na hinahanap sa itsura niya ang ekspresyon na nagbibiro lang siya. Ngumiti siya ng pilit sa akin bago niya iniwas ang mukha niya at humarap sa harapan naming dalawa.

Nanatili akong nakatulala sa mukha niya kahit na nakatagilid na siya ngayon sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Pakiramdam ko ay maging ang paghinga ay nalimutan ko na dahil sa pagkagulat.

Impossible. Hindi totoo ‘yun. Nagsisinungaling lang siya, hindi ba? Kung siya talaga ang pumatay sa kapatid ni Jack, bakit magkaibigan pa rin sila? Tama. Isa lang itong malaking joke. Impossibleng si Storm, na siyang palaging nandyan para sa akin, ay magiging dahilan ng pagkamatay ng isang babaeng napaka-importante sa buhay ni Jack.

Ibinalik ni Storm ang tingin niya sa akin at binigyan niya ako ng pekeng ngiti.

“Hindi ka naniniwala?” nakangiting tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. “Hindi.” Sagot ko.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka ibinalik ang tingin sa harapan namin habang nanatili pa rin akong nakatitig sa mukha niya kahit na nakatagilid ulit siya sa akin.

“Ganyan pala kaganda ang emahe ko sa’yo.” Saad niya at saka ngumiti ng pilit.

“Why not? Eh napakabuti mo namang tao sa akin. Wala akong makitang dahilan para umiba ang tingin ko sa’yo.” Mabilis na sagot ko.

Dahan-dahan siyang napayuko at itinuon ang tingin sa kapeng hawak-hawak niya.

“Eh ngayon? Hindi pa ba dahilan ang sinabi ko para umiba ang tingin mo sa akin?”

Napabuntong hininga ako at saka inilipat ang tingin sa harapan namin. “I think you left a very good impression to me that even you admitted that you killed Jack’s sister, I still couldn’t believe it.”

Nakita ko sa sulok ng mata ko na tumingin siya sa akin. “Do you trust your intuition that much?” tanong niya.

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan sa mga mata niya. “It’s not my intuition that I trust, Storm. It is you.” Seryosong sagot ko.

Hindi niya nagawang makasagot sa sinabi ko at nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko na tila sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko. Napakunot ang noo ko nang bigla siyang matawa ng pilit. Muli niyang ibinalik ang tingin sa harapan namin at saka uminom ng kape niya. Matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya muling nagsalita.

“Alam mo ba kung bakit madalas tayong nasasaktan?” biglang tanong niya.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at pinanuod ko siyang seryoso lang na nakatitig sa kapeng hawak-hawak niya.

“Bakit nga ba?” tanong ko.

“Because we trust too much.” Mabilis na sagot niya. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa akin at seryoso akong tiningnan sa mga mata. “So please don’t trust me, Summer.” Malungkot na bulong niya.

Saglit akong natigilan sa narinig dahil hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya. Mabilis kong iniwas ang mukha ko at nanginginig na binuksan ang kape ko at nilagok iyon. Nagmistulang tubig ang kape at binaliwala ko ang pait na lasa nito at inubos ko iyon nang isang inuman lang.

“I think that’s too much to ask. How can I not trust the only friend I have?” inis na tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. “I know that’s too much to ask, Summer, but can’t you do that for me? Can’t you do that for your friend?”

Hindi makapaniwalang ibinalik ko ang tingin sa kanya. “How can you ask me such favor, Storm? I don’t want to disbelieve you!” Napataas na ang boses ko.

“But I don’t want to disappoint you, too!” Napataas na rin ang boses niya.

Parehas kaming natahimik at nanatiling magkatitigan hanggang sa ako na ang unang nagbawi ng tingin.

“What makes you think I’ll be disappointed with you?” mahinang tanong ko.

“Because that’s what I’m best at. Disappointing people that trust me so much.” Sagot niya.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at kaagad kong nasalubong ang mga mata niya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin at tila pilit niyang binabasa ang nasa isip ko.

“Fine, if you really trust me, why can’t you believe me when I said I really killed Snow White?” kunot noong tanong niya.

“Because I know you will never do things that will hurt Jack.” Seryosong sagot ko.

Unti-unti ay nawala ang kunot sa noo niya. “You trust me that much?” tila nanlulumong tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango pero laking gulat ko nang bigla na lang may luhang tumulo mula sa mga mata niya.

“S-Storm.” Mahinang tawag ko sa kanya.

“It was my fault, Summer,” seryosong saad niya. “Nakabangga ng grupo namin ang isang gang noon dahil sa akin…dahil inagaw ko ang girlfriend ng leader ng gang nila. Now you see, I’m a total jerk.”

Hindi ako makapaniwalang napanganga matapos marinig ang sinabi niya. Napayuko siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa can na naglalaman ng kape niya.

“But the thing is…hindi nila kami kayang labanan. Kaya—”

“Kaya ginamit nila ang kapatid ni Jack laban sa inyo?” putol ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot. Hindi naman ako makapaniwalang natawa in disbelief. “Gosh! They’re bunch of cowards!” galit na saad ko.

Inis akong napakagat sa labi ko habang iniisip ko kung paano nasayang ang isang buhay dahil sa kaduwagan ng kung sino man ang mga taong iyon. At ang masaklap pa rito, hindi ko maimagine ang pinagdaanang sakit ni Jack matapos mawalan ng kapatid.

“Nasaan na sila ngayon? Nakulong ba sila?” frustrated na tanong ko.

“Buried six feet under the ground.” Matipid na sagot niya.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko. “Y-You mean patay na sila?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Natawa siya ng pilit at saka muling uminom ng kape. “Sa tingin mo ba’y basta-bastang babae lang ang kinunan nila ng buhay? Pinatay nila ang ka-isa-isang babae sa buhay ni Jack at Thunder. Tingin mo ba’y hahayaan sila ng dalawa na mabuhay pa?”

“W-Wait.” Gulat na pigil ko sa kanya. “You said Thunder?”

Napakagat siya sa labi niya at napayuko. “Jack’s sister is Thunder’s first love,” sagot niya.

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakanganga.

“So that explains why Thunder loathes you?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti siya ng pilit at saka dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa noo ko nang biglang sumakit ito. Pakiramdam ko’y hindi magawang i-absorb ng utak ko ang mga nalalaman ko.

“So do you already hate me too now?” mahinang tanong niya.

Tiningnan ko siya at nanatili siyang nakayuko habang nakatingin sa lata ng kape na hawak-hawak niya.

“Sa totoo lang? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin ako umaalis sa tabi mo at hindi pa rin kita kinamumuhian ngayon.” Honest na sagot ko.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Tiningala ko siya at nakita kong kunot noo siyang nakatingin sa akin.

“Stop trusting me this much, Summer. I’m begging you. Please.” Tila naiinis na saad niya.

“But why?” kunot noong tanong ko.

“Because I can’t be trusted.” Diretsong sagot niya.

Nanatili kaming magkatitigan sa isa’t-isa hanggang sa siya na ang unang nagbawi ng tingin at muling naupo sa tabi ko.

“Betrayal never comes from your enemies. Always remember that, Summer,” saad niya pagkaupo.

“So what are you trying to point here? That you’re going to betray me?” tanong ko.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at seryoso akong tiningnan.

“Summer, you trust me so much that you even believed I am not capable of hurting Jack. But the truth is, I already have hurt him twice.” Kunot noong saad niya.

“We can always hurt the people we love, Storm.” Mabilis na sagot ko.

“No, that’s not the point, Summer,” tila naiinis na saad niya. “You see, I was the reason behind why Jack’s sister died. But despite of that? He still considered me as his best friend. I never heard any words from him blaming me about his sister’s death. But do you know what I gave him in return? I betrayed him by loving too the only girl he ever loved aside from snow white.”

Saglit akong natulala sa kanya nang marinig ang huling sinabi niya.

“S-Si Jasmine ba ang tinutukoy mo?” mahinang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon. “I told you, I’m similar to storm.” Dagdag niya at saka iniwas ang tingin.

Hindi ko na nagawa pang sagutin siya. Tila bigla na lang akong nabuhusan ng malamig na tubig at nawala sa sarili. So this is what he meant by not trusting him so much? Because it will lead me to disappointment?

Matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Do you hate me now?” tila malungkot na tanong niya.

Tinitigan ko muna siya ng matagal bago ako nagpakawala ng malalim na paghinga. “Before I answer that, can I ask you a question?” tanong ko.

“Yes.” Mahinang sagot niya.

“Why, Storm? Why did you do that?” nanghihinang tanong ko. “He’s been really a good friend to you. Why? Why betray someone who did nothing but to trust you?”

Natawa siya ng pilit at saka tuluyan nang inubos ang kape niya.

“I honestly don’t know.” Sagot niya at saka ibinalik ang tingin sa akin. “I knew it was wrong. He trusted me so much but I ended up stealing the girl he loves. But what should I do? I couldn’t stop myself from falling. Just like right now. My heart flutters by just looking at you at this moment.” Malungkot na saad niya.

***

Poor Storm! </////3 Sinaktan na naman niya ko sa update na ‘to huhubels. ToT

Ang shaket shaket gumawa ng mga ganitong chapter. Ako muna iiyak bago kayo. HAHAHA! :’(

So ayun! Comment kayo ha! Uhm malapit na po itong matapos though hindi ko matantya if ilang chapters pa. Mga 15-20 pa siguro hahahaha! :D

Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa nito. Really thank you so much! :”> <3

Please tweet with a hashtag of #BTWHNIJ or #BTWHisNameIsJackFrost :)

Btw! Nakita niyo naba kung sinong gumaganap bilang thunder at yung mga friends ni Jack? Check niyo lang po sa facebook and twitter ko. :)

So ayun lang!I hope nag-enjoy kayo. <////3 hahaha! Time check: 1:35 good night!

- Mims

Continue Reading

You'll Also Like

928K 29.3K 111
(Finished) When Sierra Evans, a popular 'it' girl, suddenly receives a message from Orion Lincoln Velasco, her boyfriend's younger brother. The messa...
Memoria By Raiselle

Historical Fiction

3.6K 224 27
WATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 2)-COMPLETED A rich girl falls in love with an activist and must face the odds against them during a turbulen...
57.5K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
119K 6.7K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.