Carrying The Billionaire's Ba...

By journialisqui

2.2M 41.6K 8.4K

Amanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she'... More

Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
Maikling Info <3
Maikling Paalala Ni Owtor
Prologue
Paalala Saiyo Ni Owtor
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Special Chapter (Lucian's POV)
Special Chapter (Part Two)
Special Chapter (Part Three)
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Special Chapter (Lucila's POV)
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
PAGBATI๐Ÿ’•๐Ÿ’•๐Ÿ’•
Importanteng Mahalagang Note T_T
Chapter Twenty Five (Part One)
Chapter Twenty Five (Part Two)
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Twenty Nine (Part Two)
Happy Valentine's Day๐Ÿ’•๐Ÿ’•
Chapter Twenty Nine (Part Three)
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five (Part One)
Chapter Thirty Five (Part Two)
Chapter Thirty Six (Part One)
Chapter Thirty Six (Part Two)
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
PLEASE READ! NOTE FOR THE LAST 12 CHAPTERS! PLEASE READโœŒ๐Ÿ’•
Chapter Thirty Eight (Part Two)
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six (Part One)
Chapter Forty Six (Part Two)
Mahalaga Mensahe (Paumanhin)
Chapter Forty Six (Part Three)
Chapter Forty Six (Part Four)
Chapter Forty Seven (Part One)
Chapter Forty Seven (Part Three)
Chapter Forty Seven (Part Three)
C
Chapter Forty Seven
Special Chapter (TiffanyโคPhoenix)
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Eight (Part Two)
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty (Last Chapter Part One)
Chapter Fifty (Last Chapter Part Two)
Chater Fifty (Last Chapter Part Three)
Epilogue (9/24/18)
Special Chapter (Caiden's POV)
ANNOUNCEMENT ๐Ÿ’• (Please Take Time to Read ๐Ÿ˜Š)
TEASER ONE๐Ÿ’•
TEASER TWO ๐Ÿ’•๐Ÿ’•
BOOK THREE IS UP ๐Ÿ’•
Merry Christmas ๐Ÿ’•
Self Published Book for CTBB (Announcement ๐Ÿ˜)

Chapter Nineteen

33.3K 668 67
By journialisqui

Chapter Nineteen

Paano Sasabihin













[A/N: Waaahhh! Annyeonghaseyo guyseu :) Ito ay maikli lamang. Gusto ko lang talagang mag-update ngayon kaya maikli lang ito. Dapat kahapon pa talaga ito. Anyways. Short and very short update lang ito mga bb hahaha. Kaya pagpasensyahan ang update na ito mga bb. Salamat sa patuloy na pagtitiyaga niyo kay Owtor. Sa pagmamahal kina Amanda at Lucian <3 Thank you for your votes and comments <3 Pinapasaya niyo ko guys kaya thank you <3 Saranghae <3

So ayun. Dahil nandito na sa Pilipinas ang aking baby Park Hyung Sik ay mag-a-update ako HAHA. Walang konek iyon hahaha. I love you Park Hyung Sik akin ka na lang T_T. Umuwi ka sa bahay naghihintay ako HAHAHA~

Enjoy reading :) Saranghaeyo <3 Wo Ai Ni <3]









***












Parang kumalma ang puso ko dahil sa yakap ni Lucian. Halos makalimutan ko na ang nangyari. Tanging siya at ang mga yakap na lang niya ang mahalaga sakin ngayon.








"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Lucian at humiwalay sa yakap. Umiling siya. Kinapa ko ang noo niya dahil iba ang init ng buong katawan niya. Napasinghap ako nang maramdam ang init niya. Hinawakan ko ang leeg niya para makumpirma ko nga kung nilalagnat siya pero binaba niya ang kamay ko at hinawakan iyon.








"Nakatulog ka ba?" malambing na tanong niya.








"Nilalagnat ka, Lucian." sabi kong hindi pinansin ang tinatanong niya. Wala ng mahalaga sakin ngayon kung hindi ang kaalamang nilalagnat siya!








Binalot ng pag-aalala ang sistema ko. Nilalagnat din siya! Jeez! Paniguradong dahil iyon sa nangyari kagabi. Nagpakabasa siya sa ulan at hindi ko alam kung gaano niya katagal ginawa iyon pero panigurado akong iyon ang dahilan kung bakit siya nilalagnat ngayon.









"I'm fine because you're here. Kumain ka na ba? Paniguradong napagod ka dahil sa pag-aalaga mo sa kanya kagabi." narinig ko ang pagseselos sa boses niya na pilit niyang tinatakpan ng pagiging masuyo. Nakaramdam ako ng kirot dahil doon. I didn't mean to make him jealous.








"Kumain ka na ba, Lucian? Dapat nagpahinga ka na. Nakatulog ka ba?" nag-aalalang sabi ko. Kita ko na masama ang pakiramdam niya pero pinipilit lang niyang huwag ipahalata sakin. 









"Hindi ako nakatulog pero ayos lang ako..." nakangiting sabi niya. Pati pagngiti niya ay halatang may iniinda siya.








Umiling ako sa kanya at hinawakan siya sa leeg niya. "Ang init mo. Uminom ka na ba ng gamot?" kinakain ng matinding pag-aalala ang sistema ko.








Umiling siya at lumayo. Mahinang bumahing siya. "Excuse me." mahinang sabi at umiling. Nagkusot din siya ng sentido. "Damn head ache..." bulong niya. Mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalala.









Napailing ako at hinawakam siya sa braso. "Kumain ka na tapos uminom ng gamot." sabi ko. Kailangan niyang uminom ng gamot at magpahinga para gumaling na siya agad.










"Huwag mo na ko intindihin. Magpahinga ka na kung tapos ka ng kumain." sabi niya at hinaplos ang pisngi ko. Bakit ba ako pa rin ang inaalala niya?









His bloodshot eyes told me he's not feeling well. Kita ko ang pagod sa mga mata niya pero hindi nawawala ang concern at pagmamahal doon. Talaga bang mahal na niya ko? Napakagat ako sa labi sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Na para bang alam niya na ang sagot sa sarili kong tanong.









Hinawakan ko siya sa braso at hinila sa kwarto niya. "Amanda..."










"Huwag ka ng matigas ang ulo, Lucian. Mahiga ka na at ipagluluto kita ng makakain." sabi ko sa kanya at hinila na siya paakyat.










"Wag mo na kong ipagluto, babe. Wala rin akong gana." sabi niya nang makapasok kami sa kwarto niya. Naupo siya sa kama niya. Kita ko na hinahaplos niya ang braso tanda na giniginaw siya.









Napailing ako at kumuha ng jacket sa closet niya at bumalik sa kanya para iabot iyon. Alam kong masama talaga pakiramdam niya. Hindi niya maitatago sakin iyon dahil nakikita ko at nararamdaman ko. 









"Wear this." sabi ko at inabot ang jacket niya. Kita ko ang pagngiti niya. Na para bang masaya na siya na ginagawa ko sa kanya ito. Sumakit ang puso ko dahil doon.










"Amanda... Hindi mo na kailangang gawin ito. Magpahinga ka na. Ayos lang naman ako." ngiti niya.









Hindi ko na siya pinansin at sinuot ang jacket sa ulo niya. Dinig ko ang mahina niyang mura at mumunting tawa na para bang hindi niya inaasahan ito at natutuwa siyang ginagawa ko ito. Tinaas niya ang mga kamay para maisuot ko pa ng maayos ang jacket sa kanya.










Nagkatinginan kami pagkatapos. Hinawakan niya ang baywang ko. "Sana ganito na lang tayo lagi." malungkot na sabi niya kahit nakangiti siya. Sana nga, Lucian. Handa naman ako eh.








"Magluluto ako ng pagkain mo. Mahiga ka na muna diyan." pag-iiba ko sa sinasabi niya at baka saan pa mapunta ito.








Mahina siyang tumawa dahil sa pag-iiba ko. Masuyo niya kong tinignan. Nag-init ang puso ko sa klase ng tingin niya. Inayos ko ang buhok niya. Kinapa ko ulit ang noo niya. Mainit pa rin siya. "Ang tigas kasi ng ulo mo eh." sabi ko. "Mahiga ka na muna."









"Thank you..." masuyong sabi niya. Tumango ako at inalalayan na siyang mahiga. Kinumutan ko siya hanggang leeg.









"Dito ka lang ah?" sabi ko. Tumango siya. Lumabas na muna ko nang kwarto niya.








I texted Phoenix. Nakita ko na may text siya na sinabing maaga siya umalis dahil may importante siyang meeting at inaasahan niyang uuwi ako.









Ako:

  Good morning, Phoenix. Salamat :) Nakauwi na ko. May sakit si Lucian ngayon kaya aalagaan ko muna siya. Mag-iingat ka.









Nang masend iyon ay nagluto na ko ng pagkain ni Lucian saka iyon dinala sa kwarto niya. Dejavu. Ganito rin ako noon sa kanya nung unang beses siyang magkasakit. Nahihirapan ako kapag ganitong may dinaramdam siya. Ayoko ng ganito siya. Doble ang balik sakin.









Pumasok na ko ulit sa kwarto ni Lucian. Nakita ko na nakapikit na si Lucian at nakatagilid habang nakakumot. May mainit na bagay ang humawak sa puso ko at pag-aalala para kay Lucian. Nararamdaman ko ang pagnanais na alagaan siyang mabuti. Alam kong kailangan niya ko. Kaya aalagaan ko siya ng husto para mabilis siyang gumaling.








Nilagay ko ang tray sa lamesa at lumapit sa kanya. Kinapa ko ulit ang noo niya. Sobrang init niya. Naramdaman niya ang paghawak ko sa kanya kaya dumilat siya. Mapupungay ang mga matang tinignan niya ko.







"Amanda..." napapaos na tawag niya sa pangalan ko. May kumirot sa puso ko.









"Bangon ka na, Lucian. May dala akong pagkain. Kumain ka na." masuyong sabi ko sa kanya. Tinulungan ko siyang bumangon.








"Iwan mo na diyan, Amanda. Kaya ko na. Baka mahawa ka pa. Ayokong magkasakit kayo ni baby." sabi niya na inaalala ang kalagayan naming dalawa ng anak ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kiliti sa puso at ang init doon.








"Hindi ganoon kahina ang resistensya ko. Kaya babantayan kita."








Umiling siya at masuyo akong tinignan. "Huwag ka ng matigas ang ulo, Amanda. Gusto kong alagaan mo ko pero ayokong magkasakit ka." malambing na sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinaplos ng daliri niya ang kamay ko.







Ngumiti ako sa kanya. "I appreciate na nag-aalala ka. Pero aalagaan pa rin kita." sabi ko. Kahit ayaw niyang alagaan ko siya ay gagawin ko pa rin iyon. Alam ko naman na inaalala niya lang ang kalagayan ko na baka mahawa ako sa sakit niya pero hindi iyon magiging hadlang para alagaan siya. 








"Amanda please..." halos nagmamakaawang sabi niya. Napakagat ako sa labi. Bakit ba ayaw niyang alagaan ko siya?









"Bahala ka." sabi ko sa kanya para hindi na niya ko pilitin. Kinuha ko ang tray at binigay sa kanya ang pagkain. "Kumain ka na." sabi ko.







Kinuha niya ang pagkain. Napamura siya. "Damn head ache." bulong niya. Napakagat ako sa labi. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko.









Tumango siya at ngumiti. "Iwan mo na ko. Huwag kang aalis sa bahay ah?" sabi niya. Halos matawa ako sa huli niyang sinabi. Saan naman ako pupunta? Tumango ako sa kanya.









"Kainin mo lahat iyan." sabi ko. Tumango siya at masuyo akong nginitian. "Salamat." sabi niya.









Lumabas na ko ng kwarto niya. Naghanap ako ng mask sa kwarto at thankful na nakahanap sa kit na nakalagay sa kusina. Kumuha na rin ako ng maligamgam na tubig at bimpo para punasan siya saka bumalik sa kwarto ni Lucian bitbit din ang dalawang mask.








Parang kahapon lang ay si Timothy ang inaalagaan ko ngayon ay si Lucian na. Kawawa naman ang baby ko. Nagkasakit dahil sakin.










Nakita ko na nakabalot siya ng kumot. Nilapitan ko siya at sinimulan na siyang punasan. Pinunasan ko ang noo at leeg niya. He moaned before opening his eyes. Nagising ko ata siya. "Amanda..." nahihirapang sabi niya. 








"Magpahinga ka lang..." masuyong bulong ko.








"Amanda ang tigas ng ulo mo. Magkakasakit ka niyan eh." sabi niya at pilit na bumangon pero pinigilan ko siya.








"Huwag ka ng bumangon." sabi ko. Kinuha ko iyong mask at sinuot ko. Kita ko na nakakunot noo siya. "Para hindi ka na mag-alala. Hindi ako mahahawa." sabi ko.








"Amanda naman---"









Pinutol ko na siya sa pakikipagtalo sakin. Ang kulit niya! Gusto ko siyang alagaan eh. Hindi ako matatahimik kung wala akong gagawin. Hindi ako matatahimik kung wala man lang akong gagawin para sa kanya. "Lucian naman eh. Naiinis na ko. Gusto kitang alagaan. Gusto kitang bantayan. Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit."








Malungkot siyang ngumiti. I can feel the pain starting to creep in my heart. "Hindi mo na ko kailangang alagaan dahil lang nakokonsensya ka, Amanda. Ayos lang. Hindi kita sinisisi. Huwag mo ng isipin iyon."








Nakaramdam ako ng kirot dahil sa sinabi niya. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko. Nagkamali siya ng unawa sa gusto kong sabihin sa kanya.








Hindi ko na napigilan ang hampasin siya ng mahina sa braso niya. "Sinabi ko ng gusto kitang alagaan. Gusto kitang alagaan, Lucian! Ano bang hindi mo maintindihan doon? Hindi ko gagawin ito dahil nakokonsensya ako. Nahihirapan akong makita kang may dinaramdam. Gusto ko nandito lang sa tabi mo habang inaalagaan ka. Habang binabantayan ka. Nag-aalala ako saiyo. At gusto kong masigurong ayos ka. Iyon ang gusto ko. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit na ayaw mong alagaan kita. Dito lang ako." puno ng pag-aalalang sabi ko.








"Hush baby..." sabi niya at hinaplos ang pisngi ko. Mapungay ang mga matang tinignan niya ko. "You made me happy hearing those things from you. I will be alright. Please do not worry." masuyong sabi niya.









"Then let me take care of you." sabi ko sa kanya. Tumango siya at inayos ang mask na suot ko bago siya ngumiti. "Thank you, babe. Hindi mo alam kung gaano ako kasayang ginagawa mo ito."









Inayos ko ang unan niya at ngumiti ng masuyo sa kanya. Hinaplos ko ang buhok niya. "Pagaling ka na agad..." masuyong sabi ko sa kanya at pinupunasan na siya ulit.










Ngumiti siya. "Of course you're taking care of me."








"Huwag mo ng uulitin ito."








"As long as you won't leave...."









May kumurot sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Tinignan niya ko at may pagsusamo sa mga mata niya. I smiled to him as my heart starting to melt.









Masama talaga pakiramdam niya dahil nakatulog siya agad. Binantayan ko siya. Pinainom ng gamot sa tamang oras.









Nung tanghalian ay tinext ako ni Timothy para kamustahin ako. Kinamusta ko rin siya at sinabi na huwag siyang magpapakapagod dahil kagagaling lang niya sa sakit. Sinabi ko rin sa kanya na nilalagnat si Lucian at inaagalagaan ko siya ngayon. Na nag-aalala ako ng husto. Sinabi lang sakin ni Timothy na mag-iingat ako at huwag magpapakapagod. Nagpasalamat din siya sa pag-aalaga ko sa kanya kagabi. 









Nang hapon ay mas lalong tumaas ang lagnat ni Lucian. Mas lalo akong natakot at nag-alala. Tinext ko na rin si Phoenix. Mamaya pa raw siya uuwi kasi may mahalaga pa siyang inaasikaso. Sinabi ko naman na ayos lang at ako na bahala kay Lucian. Na mag-iingat siya.











"Dalhin na kaya kita sa ospital..." nag-aalalang sabi ko. My heart almost broke. I am so worried! Hindi naman siya ganito nung nagkasakit siya noon.








Hinawakan niya ang kamay ko. "I'll be fine." sabi niya and smiled to assure me that he will. Halata naman sa kanya na nahihirapan siya. Nasasaktan ako. Nag-aalala ako ng husto. Nangilid ang luha ko. "Punta na tayong ospital..."








Umiling siya at masuyo akong nginitian. How can he still smile to me ganitong nag-aalala ako ng husto? Malambing din niyang hinaplos ang buhok ko. "It's just a flu. I'll be fine. Just don't leave me, babe."










"Sigurado ka ba?" tanong ko, nag-aalala pa rin. Hindi ko maiwasan. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Hinalikan niya ang noo ko. Halos mapapikit ako sa rahan ng halik niyang iyon.








"Please do not worry too much. Ayokong mag-alala ka. I'll be fine because you're here."









"Hindi ko mapigilan. Hindi ako sanay na ganito ka. Nahihirapan akong makita kang nahihirapan." amin ko sa kanya. Kita ko ang pagngiti niya sa sinabi ko. Na para bang pinasaya siya ng nasabi ko pero kita ko na nag-aalala rin siya.








"I'm sorry. Huwag ka na mag-alala babe." sabi niya. Tumango ako. "Basta promise me you'll be alright. Na magpapagaling ka agad."









Ngumiti siya kahit nanghihina. "Oo naman. Para saiyo." hinaplos niya ang buhok ko. Hindi ko na siya napigilang yakapin. "Lucian..."









"Hush baby... I'm fine. Bukas magaling na agad ako." sabi niya.







Natulog lang ulit siya pagkatapos uminom ng gamot. I am praying to God na maging ayos na agad siya. Hindi ko siya iniwan at lagi ko siyang pinupunasan ng bimpo para bumaba ang lagnat niya.








Umuwi si Phoenix nang bandang alasingko ng hapon.








"Babe..." si Phoenix iyon nang pumasok sa pinto ng kwarto ni Lucian. Nakasuot pa rin siya ng pang-opisina. Nakahalf fold na lang ang polo niya hanggang siko. "Anong na nangyari, babe? Ayos ka lang? Si Lucian?" nag-aalalang tanong niya.









"Phoenix." lumapit siya at niyakap ako. "How is he?"









"Nilalagnat pa rin siya, Phoenix. Kasalanan ko talaga ito." sabi ko at hindi napigilan ang pagkakabasag ng boses.










Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. "Hindi mo kasalanan. Gago lang talaga si Lucian kaya nangyari ito. Kasalanan niya. Masyado siyang nagbida-bida kagabi kaya siya nagkasakit. Siraulo kasi."









Kahit paano gumaan ang loob ko kasi nandito na si Phoenix. Hinaplos niya ang buhok ko. "Sana maging okay na siya."










"Of course, he will. Dahil nandito ka." he smiled at niyakap ako ulit. Napangiti ako. Buti na lang nandito rin si Phoenix.









"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi pa ko nakakapagluto. Hindi ko kasi siya maiwan." sabi ko.









"Hindi pa naman ako gutom." sagot niya. Tumango ako.








"Magluluto lang ako. Dito ka muna kay Lucian? Huwag ka na lang lalapit sa kanya baka mahawa ka."








Bahagya siyang tumawa. "I'm strong babe. Flu is nothing to me. Nag-iinarte lang iyang si Lucian dahil binabantayan at inaalagaan mo."









Namula pisngi ko sa sinabi niya. "Hindi naman. Talagang masama ang pakiramdam niya."







Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko. "Ayos lang iyan si Lucian. Matanda na siya. Huwag ka na masyadong mag-alala, babe." sabi niya.









"Hindi ko kasi maiwasan. Pakibantayan mo muna siya ah? Magluluto lang ako ng pagkain natin." sabi ko. Tumango siya at ngumiti. "Ako na bahala, babe." sabi niya.








Lumabas na muna ko at nagluto ng pagkain namin para sa hapunan. Nang matapos ay pumasok na ko sa kwarto ni Lucian bitbit ang mga pagkain na para sa kanya.








"Phoenix kain ka na." sabi ko. "Salamat." pasasalamat ko nang kinuha niya sakin iyong tray at nilapag sa table.








"Hihintayin na kita." sabi niya. Umiling ako. "Pakakainin ko pa si Lucian. Alam kong gutom ka na. Sige na. Mauna ka na para makapagpahinga ka na rin."









"Hihintayin na kita. Mas mapapasarap kain ko kapag kasabay ka." he smiled. Tumango ako. "Sigurado ka ah? Okay lang naman ako mag-isa kumain."









Ngumiti siya. "Sabay na tayo. Bibihis lang ako."










Tumango ako sa sinabi niya. "Okay. Salamat. Susunod na lang ako sa baba."









Ginising ko na si Lucian nang lumabas na si Phoenix. "Kumain ka na muna." sabi ko sa kanya. Tinulungan ko siyang bumangon. "Kumain ka na ba?" tanong niya.








"Pagkatapos mo." sagot ko. Hinalo ko ang sabaw ng nilaga at hinipan. "Dapat kumain ka na." sabi niyang nag-aalala. 







"Mamaya na. Busog pa ko. Saka sabay kami ni Phoenix." sabi ko.









"Nandiyan na si Phoenix?"










Tumango ako. "Oo. Tulog ka pa nung dumating siya. Kalalabas niya lang para magpalit." sagot ko.








Tumango siya. Ako na nagsubo sa kanya nang pagkain. "Salamat, Amanda." sabi niya. Tinignan ko siya. "No need for that. Masaya ko gawin ito, Lucian. Ang alagaan ka." I smiled to him. Masaya ako kapag inaalagaan si Lucian. Na parang iyon talaga ang nakatadhana kong gawin. Ang alagaan siya palagi at mahalin. 








"Ang tagal ko nang huling maramdaman ang pag-aalaga mo. Nang mawala ka... Parang huminto ang buhay ko. Ngayong bumalik ka na... Saiyo na nakadepende ang buhay ko."







"Lucian..." nagsimula nang tumakbo ang puso ko sa sinabi niya. 







"I am the father of your child, Amanda. At handa akong panagutan kayo."









Hindi ko alam kung bakit sobra akong naaapektuhan sa sinabing iyon ni Lucian.









"Ayos ka lang, Amanda?" tanong ni Phoenix na nagbalik sakin sa tamang wisyo.








Iniwan ko na muna si Lucian nang makatulog siya pagkatapos kumain. Nilapag ko ang tray sa sink bago ako pumunta sa upuan para makakain na kasabay si Phoenix.








"Ayos lang. Kain na tayo." sabi ko sa kanya. "Kumain ka ng marami para lagi kayong malakas ni baby." sabi niya at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko. Napangiti ako sa pagiging sweet niya. "Salamat Ninong Phoenix." ngiti ko.








Tumawa siya. "Excited na rin akong lumabas ang baby niyo. Sana lalaki para marami kaming maituro ni Lucian."










"Na ano? Naku, Phoenix. Palakihin niyo ang anak ko ng mabuti ah?"








Ngumiti siya. "Palalakihin natin ang bata na kasing bait mo at kasing gwapo namin." natutuwang sabi niya. Nag-init ang puso ko dahil sa sinabi niya.










Napangiti ako roon. Kahit alam ko na hindi ko makikita ang paglaki ng anak ko... Panatag na ko dahil mababait ang pamilya ni Lucian. Mamahalin nila ang bata. Hindi ako nag-e-expect na porket mahal ako ni Lucian ay hundred percent nang makakasama ko ang bata. Ayoko na masyadong umasa. Ipagpapasa-Diyos ko na lang lahat.









Masaya kaming kumain ni Phoenix. Marami siyang kwento sakin. Lagi pa niya kong pinapatawa. Nang matapos kami kumain ay niligpit ko na ang kusina at tinulungan niya rin ako. Pagkatapos nun ay sabay na kaming pumunta sa kwarto ni Lucian. Natutulog pa rin ito. Lumapit ako kay Lucian at kinapa ang noo niya. Napausal ako ng pasasalamat dahil bumaba na ang lagnat niya.









"Alam mo Amanda... Nagpapasalamat ako dahil bumalik ka na."








Napatingin ako kay Phoenix sa sinabi niya. Nakaupo siya sa may sofa. Naupo naman ako sa tabi niya nang maayos ko ang kumot ni Lucian.









"Alam mo ba na halos tumanda ako ng ilang taon dahil kay Lucian nung nawala ka?"







Nangunot ang noo ko dahil doon. "Bakit? Ano bang nangyari nung nawala ako?" tanong ko. Gusto ko malaman... Ano ba ang mga ginawa ni Lucian nang mawala ako?










Ngumiti siya sakin at tumingin kay Lucian bago niya binalik ang tingin sakin. I can see tenderness in his eyes. "Huwag mong isipin Amanda na sasabihin ko ang mga bagay na ito dahil gusto kong maawa ka kay Lucian o magsisi ka ah? Ayaw niya ring malaman mo ang mga ginawa niya dahil ayaw niyang balikan mo siya dahil lang doon. Saka ang sabi niya baka magalit ka pa lalo sa kanya. At kung sakali man daw... Ay ayaw niyang mag-alala ka."










"Anong ibig mong sabihin doon?" tanong ko. Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko.









"Nang umalis ka... He was a mess and so broke. Hindi niya alam ang dahilan nang biglaan mong pag-alis. Alam mo bang hinintay ka niya ng araw na iyon? Hinintay ka niya sa dalampasigan. Hinintay ka niya ng tatlong araw roon. Kung hindi pa namin siya pinagtulungan nina Samuel at Caiden ay baka hanggang sa bumalik ka ay nandoon pa rin siya."









Nagulat ako sa sinabi ni Phoenix. "Anong ibig mong... Sabihin? Naghintay si Lucian sakin ng tatlong araw sa labas?" hindi makapaniwalang sabi ko. Oh my gosh! Lucian did that? Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon!









Nakaramdam ako ng matinding sakit sa puso ko. Napakagat ako sa labi. Lucian waited for me?









"Hinintay ka niya, Amanda. Nung umalis ka ay umasa siya na babalikan mo siya. Hinanap ka niya nun kung saan-saan. Kasi okay naman daw kayo kaya hindi niya maintindihan kung bakit ka umalis. Nagwala siya ng araw na iyon. Nakita ulit namin kung paano siyang nawasak."







Ngumiti siya ng malungkot na para bang nahihirapan siyang alalahanin ang nangyaring iyon kay Lucian. Nanikip ang dibdib ko.








"We saw how torn he is. Kung gaano siya kawasak ng iwan mo. Tatlong araw na matiyaga ka niyang hinintay sa labas. Magdadala lang kami ng pagkain sa kanya. Ang tigas ng ulo niya. Nang magawa naming pagsabihan siya ay halos patayin naman niya ang sarili niya sa pag-inom. Halos hindi na nga siya kumakain. Nagpakalasing siya para makatulog at makalimutan ang pag-iwan mo sa kanya at umasa na babalikan mo siya."









Napatingin ako kay Lucian. Ganoon siya sobrang naapektuhan sa pag-alis ko? Hindi ko alam na gagawin niya ang mga iyon. Parang naramdaman ko ang paghihirap niya. Sumakit ang puso ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. "I'm sorry... Hindi ko alam na ganoon. Akala ko... Balewala lang sa kanya kapag iniwan ko siya. Akala ko kasi... May relasyon sila ni Lucila."









Napatingin ako kay Phoenix nang haplusin niya ang buhok ko. "Sobrang naapektuhan siya nang iwanan mo. Marami siyang ginawang kagaguhan dahil doon. Nang malaman namin kung nasan ka sa tulong ni Caiden ay pinuntahan ka namin agad. Pero iyon nga ang nangyari. Sinisi niya ang sarili niya sa muntik ng pagkawala ng anak niyo. Ikaw lang ang nagpaiyak sa kanya ng ganoon. Na halos para na siyang pinatay. He was so regretful that he hurt you. Sobrang pagsisisi niya. He's making himself drunk so he could forget. He's punishing his own self, Amanda. At nagpapasalamat ako dahil unti-unti mo na siyang kinausap. Alam mo ba kung gaano siya kasaya na kinausap mo na ulit siya? Wala siyang bukambibig kung hindi ikaw. Walang iba na kayang pasayahin siya ng husto kung hindi ikaw. At wala siyang babaeng minahal kung hindi ikaw lang."








"Phoenix..." hindi agad nagsink in lahat ng sinabi ni Phoenix. Masyado akong nagulat sa mga sinabi niya. At hindi ako makapaniwala na sinabi rin ni Phoenix na mahal ako ni Lucian. Talaga ngang mahal niya ko dahil pinsan na rin niya ang nagsabi. May kakaibang init ang naglakbay sa puso ko.









"Nakikiusap ako, Amanda. Bigyan mo siya ng pagkakataon. Mahal ka ni Lucian kahit napakagago niya dahil sinaktan ka niya ng ilang beses... Mahal na mahal ka niya. Alam namin iyon dahil pinagmamalaki niya iyon. Alam namin lahat dahil kami ang kasama niya. Kaya Amanda... Sana mapatawad mo na siya at bigyan mo sana siya ng pagkakataon para patunayan iyon."









Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at pinunasan ang luhang lumandas siya mga mata ko. "Hey... Hindi ko sinabi ito para maguilty ka. Damn. Tahan na. I didn't mean to make you upset." nag-aalalang sabi niya. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa mga nalaman. Sumisikip ang dibdib ko. 









"Phoenix patawarin niyo ko. Hindi ko sinasadya."








Umiling siya at ngumiti. Kita ko ang unawa at pag-iingat sa mga mata niya at pagsisisi sa mga iyon. Para saan ang pagsisisi? "Kami ang patawarin mo, Amanda. Patawarin mo kami. Patawad."







Niyakap niya ko. "Phoenix...."










"Shh. Tahan na. Naiintindihan ka namin. Natural lang ang naging reaksyon mo. Ang ginawa mo. Lucian didn't give you any assurance. Tapos sinabi pa ni Lucila saiyo ang mga iyon. Natural lang na magalit ka. Naiintindihan ka namin, Amanda kaya nga humihingi kami ng tawad saiyo. Sa mga ginawa ni Lucian saiyo. Patawarin mo sana kami. At sana mapatawad mo na rin siya."










Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. "Salamat, Phoenix dahil inintindi niyo ko. Salamat."








Niyakap niya ko ng mas mahigpit. "Babe tahan na. Mapapatay ako ni Lucian kapag nalaman niyang pinaiyak kita. Alam mo naman ang gagong iyon pagdating saiyo. Masyadong protective at possessive."









Bahagya akong tumawa at niyakap siya pabalik. "Salamat kasi hindi niyo siya iniwan. Sana mapatawad niyo ko sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Nasaktan lang din ako kaya ko nagawa ang mga iyon."










Hinigpitan niya ang yakap sakin. "It's okay babe. We understand. Masaya ko na unti-unti na kayong naging maayos. Iyon ang gusto naming mga pinsan ni Lucian. Gusto namin kayong maging masayang dalawa ni Lucian. Mahalaga ka na rin samin, Amanda kaya hangad namin ang kaligayahan niyo ni Lucian."









"Salamat ng marami, Phoenix. Napakaswerte ko na makilala kayo. Salamat."









"Kami ang maswerte dahil nahanap na ni Lucian ang magpapaligaya sa kanya. At ikaw iyon, Amanda. Salamat dahil dumating ka sa buhay niya. Salamat kasi binago mo siya. Salamat kasi binigyan mo siya ng pagkakataong magmahal ulit. Salamat dahil minahal mo siya."











Masuyo kong hinahaplos ang buhok ni Lucian habang tinititigan siya. Nakaupo ako sa kama sa tabi niya habang nakatagilid siya at nakaharap sakin. Nakakumot pa rin siya at tulog na tulog.









Humiga ako sa tabi niya. Nang makapag-usap kami ni Phoenix ay sinabi niya sakin mga ginawa ni Lucian. Sumakit ang puso ko dahil sa mga nalaman. Nasaktan ko siya ng husto. Hindi ko sinasadya.









Lumapit ako sa kanya at niyakap ang isang braso sa kanya saka isiniksik ang sarili sa kanya. He's still sleeping.









"I'm sorry sa lahat, babe. Sana maintindihan mo kung bakit ko ginawa iyon."








Tumulo ang luha ko. I feel bad sa lahat nang nangyari kay Lucian. I save myself from hurting na hindi ko naisip na masasaktan ko siya. Hindi ko naman alam na ganoon. Hindi ko alam na mahal na niya ko. He never said.









Umalis ako kasi akala ko... Iyon ang tamang gawin tutal may Lucila na siya nun. Akala ko tama na iwan siya kasi sinaktan niya ko. Hindi ko naman alam na mahal na niya ko. He never gave me an assurance kaya anong iisipin ko? I need to save myself and my baby. Iyon ang tamang gawin ng mga sandaling iyon. Masisisi niyo ba ko kung iyon ang ginawa ko? Masyado akong nasaktan. Naniwala ako kay Lucila dahil wala namang binigay na assurance si Lucian sakin.









Nakaramdam ang puso ko ng kapayapaan nang makausap si Phoenix. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin niya sakin na nagpapasalamat silang magpipinsan na dumating ako sa buhay ni Lucian. Na masaya sila para saming dalawa. Na hangad nila ang kaligayahan namin. Na mahalaga ako sa kanila. I feel that I belong. Naramdaman ko na mahalaga ako sa kanila. Naramdaman ko na gusto nila ko para kay Lucian. May dahilan ba para hindi maging masaya ang puso kong malaman na gusto ako ng mga malalapit kay Lucian para sa kanya? Naramdaman ko na masaya si Phoenix para samin ni Lucian. Masaya ko malaman ang huling sinabi ni Phoenix.








Natigilan ako nang gumalaw si Lucian. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at yumuko para hindi niya mapansin kung magising man siya. Pero being Lucian alam kong masyado na niya kong kilala. Naramdaman ko ang kamay ni Lucian sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.










"Anong problema?" nag-aalalang tanong niya. Bahagya niyang inangat ang sarili kaya pinigilan ko siya.









"Huwag kang bumangon."











Hindi siya nagpapigil. Naupo siya sa pagkakahiga at itinuko ang isang kamay sa gilid ko. Yumuko siya para tignan ako. "Anong nangyari? You're crying?" puno ng pag-aalalang sabi niya.









Umiling ako at pinunasan ang wala ng luhang pisngi. Halata bang umiyak ako?







Hinawakan niya ang pisngi ko. "Tell me... Anong problema?"









Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Higa ka na ulit. Tabi tayo." malambing na sabi ko sa kanya. Pilit na winawala ang pagtatanong niya. 









"Baby... What's the matter?"









Napakagat ako sa labi at tinignan siya. Ayaw talaga niyang bitawan ang tanong niyang iyon. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Nag-aalala lang ako. Pero kampante na ko kasi bumaba na ang lagnat mo." sabi ko sa kanya. Masaya talaga ako na bumuti na ang temperatura niya.










Napamura siya. "Hindi na dapat ako nagkasakit! Huwag ka na masyadong mag-alala please. I'm fine." sabi niya. I can see na worried talaga siya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. My heart melts.










How can I love this man over and over again? Akala ko isang beses ka lang pwedeng magmahal pero mali pala dahil heto ako minamahal ng paulit-ulit si Lucian.










"Tulog na tayo..." sabi ko sa kanya. Kita ko na may pag-aalala pa rin sa mga mata niya kaya ngumiti ako. "Lucian..."










Tumango siya. "Alright." sabi niya. Yumuko siya para halikan ako sa noo. Humiga siya sa tabi ko. Niyakap ko agad ang isang braso sa kanya. I heard him chuckled a bit before placing his arms around me. Hinila niya ko palapit sa kanya. "My baby is worried..."








Naramdaman ko ang halik niya sa uluhan ko. Isinandal ko ang pisngi sa dibdib niya at mas sumiksik sa kanya. I can hear his heart beating fast and loud tulad ng akin. Ang isa sa paborito kong musika. "Sleep well babe. Good night. Thank you for taking care of me."








"Good night. Pahinga ka na, Lucian." sabi ko. Naramdaman ko ulit ang paghalik niya sa uluhan ko bago ako niyakap.











"Wo Ai Ni..." bulong niya. Napangiti ako as my heart race. "Mahal Kita..." mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya iyon o tulad ng dati ay hindi. Basta mahalaga sakin... Handa na kong mahalin siya ulit ng walang pag-aalinlangan.











Nakatulog ako nang maayos sa tabi ni Lucian. Nagising ako tulog pa rin siya sa tabi ko. Napangiti ako at kinapa ang noo niya. Wala na siyang lagnat. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil doon.










Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Masaya ko siyang pinagmamasdan. Ang magkasalubong na kilay na para bang kahit sa pagtulog ay may iniisip. Ang matangos na ilong. Ang perpektong mga panga. Ang malalambot at mapupula niyang labi na gustong-gusto kong nakikita kapag nakangiti.









Hinayaan ko ang sarili na pagmasdan si Lucian na tulog sa tabi ko. Pinagsawa ko lang ang sarili na titigan siya. Isa ang bagay na ito sa mga gusto kong laging ginagawa kapag kasama siya.










Habang nakatitig kay Lucian ay bumibilis ang tibok ng puso ko. I want always a waking moments with him.









Biglang pumasok sakin lahat ng pinagdaanan naming dalawa. Ang masasaya at malulungkot na sandaling kasama siya. Ang mga pag-aalala, pag-aalalaga, pagmamalasakit, ang pagiging sweet niya. Ang pagiging mabait. Lahat. Parte na iyon ng buhay ko. Na hindi ko kahit kailan pagsisisihang naranasan iyon kasama siya. Doon ko naisip na kaya niya ginagawa marahil iyon ay dahil mahal na niya ko.









Hindi ko maiwasan na maging masaya. Thinking that Lucian is in love with me... Makes me the most happiest girl in the world. That finally I am lucky to have my dream came true. Oo natupad na ang pangarap kong mahalin ni Lucian. Mahal na niya ko. Parang noon lang ay pinagdarasal ko pa iyon pero heto na. Ipinagkaloob na sakin ng Diyos. Sinasabi na ni Lucian na mahal niya ko at mas pinaparamdam pa.










Doon ko napagtanto na hindi na dapat ako matakot pa. Hindi na dapat ako matakot na sumugal dahil sigurado na kong mahal niya ko.










Doon ko napagtanto na mahal na mahal ko pa rin siya kahit marami ng nangyari. Na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko.








Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pinigilan ko lang. Pero ngayon... Masyado nang nag-uumapaw ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya na hindi ko na kaya pang pigilan. Inangkin na niya ang puso ko hanggang sa kaduluduluhang ugat nito. Kanya na ulit ang puso ko. Kanya naman talaga.










Hindi na dapat ako matakot na aminin din sa kanya na mahal ko pa rin siya. Yes. I am still in love with Lucian. At hindi ko na pipigilan ang sarili ko na mahalin siya pabalik. Hindi ko na pipigilan ang sariling iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko rin siya.









Pero paano ko sasabihin?








Paano nga ba? Hindi ko ata kaya na bigla na lang sabihin sa kanya na mahal ko siya. Paniniwalaan kaya niya? Sigurado ako na paniniwalaan niya. Kailangan ko lang ng tiyempo para sabihin iyon. Feel the right moment, Amanda. Iyong sandali na hindi niya makakalimutang mahal ko siya.









Kumalabog ang puso ko nang dumilat si Lucian at magtama ang mga mata namin. Ngumiti siya. "Good morning..." masuyong bati niya at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako.








"Good morning. Kamusta ang pakiramdam mo?"








"Sobrang saya kasi ikaw ang una kong nakita pagkagising."






Namula ang pisngi ko pero hindi naiwasan ng puso ko ang matuwa sa banat niya. Ang hilig talaga niyang magbitiw ng mga salitang nagpapabaliw sa puso ko. Isa iyon sa maraming bagay na minahal ko sa kanya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Wala ka ng lagnat. Pero kamusta ang pakiramdam mo?"








Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Sobrang buti na dahil ikaw ang nag-alaga sakin." sabi niya. Halos magwala na naman ang puso ko. Umayos ka nga, heart. Baka marinig ka ni Lucian. Nakakahiya! Umagang-umaga nagwawala ka na naman!










"Hindi ako nagbibiro, Lucian."









Bahagya siyang tumawa at mas niyakap ang braso sakin. "Nagsasabi ako ng totoo." sabi niya sakin. Napasimangot ako sa kanya para pigilan ang ngiti.









Tumawa siya at hinalikan ako. Nanlaki mga mata ko sa gulat. "Stop doing that. Do not make me fall even harder. Baka hindi na ko makaahon."








Mas lalong namula ang mga pisngi ko na ramdam ko talaga ang pamumula nito at halos mapag-iwanan ako ng puso ko sa bilis nito. Yumuko ako para itago ang mukha. Tumawa siya kaya isiniksik ko pa lalo ang sarili sa kanya. "Do not laugh. Nakakahiya."









Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang uluhan ako. "I never imagine I would be waking up this happy after you left... Thank tou for giving me that chance to feel it again."









Tinignan ko siya. Mapupungay ang mga matang tinignan niya ako. "Lucian..." paano ko ba sasabihing mahal ko siya?










Ngumiti siya as he planted a sweet kiss on my forehead. "I love you, Amanda."








Nanatili ang mga mata ko sa kanya as my heart race like mad. Ang sarap sa pakiramdam na marinig sa kanya ang tatlong salitang iyon. Natulala ako sa kanya. He smiled. "Ipagluluto kita. Kayo ni baby." sabi niya. Hinaplos niya ang tiyan ko. "Baby... Pinagod ka ba ni Papa? Sorry. Pinagod ko kayo ni Mommy sa pag-aalaga sakin." kausap niya sa batang nasa sinapupunan ko. Nag-init ang puso ko dahil doon. Napangiti ako.









Tumango ako. "Ayos na ba pakiramdam mo?"












Tumango siya. "Dahil saiyo." ngiti niya. Ngumiti na rin ako. "Masaya ko malaman na okay ka na."









Niyakap niya ko. "Let's just stay like this even just for a while."








Nanatili kaming magkayakap doon. Nang makaramdam na nang gutom ay tumayo na ko para mag-ayos ng sarili. Sabay kaming lumabas. Nakita namin si Phoenix sa may sala nagkakape habang may binabasang mga papel na paniguradong tungkol sa business.














"Good morning..." bati niya at may mapanuksong mga ngiti. Namula ang pisngi ko. Natutuwa ang puso ko. Parang noon lang. Si Phoenix ang number one na lagi kaming pinagtitripan ni Lucian.







"Good morning..." bati ko. Lumapit siya sakin pagkababa niya ng kape at papel para halikan ako sa noo at yakapin. "Kamusta tulog mo?" malambing na tanong niya.









"Get off..." banta ni Lucian. Namula ng husto ang pisngi ko. Tumawa si Phoenix. Hindi pa rin niya ko binibitiwan. Hinarap niya si Lucian.









"Hindi naman kayo ah?" mapang-asar na sabi nito. "Damn you!" sabi niya sa pinsan. "Babe oh... Minumura ako." si Phoenix at tinignan pa ko. Napangiti ako sa kanya. Ang cute lang nilang magpinsan.









Tinignan ng masama ni Lucian si Phoenix na naaaliw sa pagkapikon ng pinsan. Napailing ako at kumalas na kay Phoenix. "Ewan ko saiyong dalawa. Magluluto ako ng almusal."








Hinawakan ni Lucian ang kamay ko. "Sabi ko ipagluluto kita."







"Paano ako?"








"Maghanap ka ng babae mo!" sabi ni Lucian sa sinabi ni Phoenix at hinila na ko.








"Sus. Pasalamat ka nga pinaubaya ko na si Amanda saiyo..."










"Gago sakin naman talaga siya. Kapag naging kami na... Hindi ka na makakahawak sa kanya."








Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Talagang bilib siya na magiging kami. Napangiti ako.







Minura ni Phoenix si Lucian. "Sorry ka na lang, Par. Boyfriend ako ni Amanda kaya di mo kami mapaghihiwalay." sabi ni Phoenix. Napailing ako kahit namumula ang mga pisngi sa mga sinasabi nila.








"Maghintay ka lang, Phoenix."









Tumawa si Phoenix. "Maghihintay ako sa wala kaya hindi na. Saka hindi ako pinaghihintay, Lucian. Ako ang hinihintay." mayabang na sabi niya.









"Upo ka muna rito, babe." sabi sakin ni Lucian nang hilahin ang upuan na uupuan ko. Naupo ako roon pagkasalamat.








Hinarap niya si Phoenix pagkatapos. "Kaya pala limang taon mo na siyang hinihintay pero wala pa rin." pang-aalaska niya sa pinsan. 








"Tang ina naman neto masyado akong pinepersonal. Gago."









Tumawa si Lucian. Napangiti ako sa kalokohan nilang dalawa. Naupo si Phoenix sa harap ko. "Babe oh, inaaway ako." sabi niyang parang bata sakin.









"Hayaan mo... Paghihintayin din natin siya para alam niya iyong feeling." sabi ko kay Phoenix. Humagalpak siya ng tawa habang nagmura naman si Lucian.








"I will wait even it takes a lifetime just to be with you." seryoso at masuyong sabi niya na nagpamula at tigil sakin. Sabi ko nga hindi na dapat ako nagsalita. Shit! Ayan na naman ang puso ko! Nababaliw na naman siya!










Nag-init ng husto ang pisngi ko. "Shit! Ang corny mo! Magluto ka na nga lang!" sabi ni Phoenix.









Tumawa si Lucian. "What? Matagal na kong naghihintay... Si Amanda na lang ang kulang." ngiti ni Lucian sakin. Kumalabog ng husto ang puso ko.









"Tss! Magluto ka na nga bago pa ko mawalan ng gana." si Phoenix ulit.








Tumawa si Lucian. "Anong gusto mong lutuin ko babe?" malambing na tanong niya.








Pumula pa lalo pisngi ko. "Kahit ano." sagot ko.








Ngumiti siya. "Paano ba lutuin iyong kahit ano?"








Sinamaan ko siya ng tingin. "Babe... Iwanan mo ulit. Ginagago ka."








Tumawa si Phoenix nang murahin siya ni Lucian dahil sa sinabi niya. Inirapan ko si Lucian. "Nawalan na ko ng gana..." sabi ko at tatayo na dapat pero agad lumapit si Lucian para pigilan ako.








"Hey. I'm just kidding. Sorry na. Wala naman kasi akong alam na lutuin na ang pangalan ay kahit ano."









Sinamaan ko pa siya lalo ng tingin. Tumawa si Phoenix pero napaungol bilang protesta nang halikan ako ni Lucian sa mga labi ko. Nanlaki mga mata ko at kumalabog ng husto ang puso ko sa gulat sa ginawa niya. Did he really kiss me in front of Phoenix? Damn it! Nakakahiya! Ramdam ko talaga pamumula ng pisngi ko. "Sorry na."







"Tang ina naman, Lucian eh! Nawawalan ako ng gana." inis na sabi ni Phoenix.








Kumurap-kurap ako at tinulak na si Lucian saka tinakpan ang bibig gamit ang likod ng palad nang makabawi sa ginawa niya. Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko saka tinignan si Phoenix. "Utang na loob, Lucian. Tigilan mo na. Nakakawalang gana."






"Shit naman, Par! Gusto mo rin ng kiss?" natatawang sabi ni Lucian sa pinsan.











Kita ko ang pandidiri ni Phoenix. Halos matawa ako sa reaksyon niya sa sinabi ni Lucian. "Eww! Baka masapak kita."









Tumawa si Lucian. Hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko. Nakasimangot na tinignan ako ni Phoenix. "Pinagseselos niyo na naman ako babe." may pagtatampong sabi niya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya. 









"Pikutin mo na rin kasi..." sabi ni Lucian at tinalikuran na kami para magsimulang magluto. Anong pikutin sinasabi niya?









"Kung pwede lang..." sabi ni Phoenix. Tinutukoy siguro nila iyong mahal ni Phoenix.









Tumawa si Lucian. "Okay lang iyan, Par. Marami ka namang first born."







"Gago! Gumagamit akong protection. Maingat ako gago kaya wala pa akong first born! Saka hindi pa ko nakakafirst base sa kanya dahil nga walang kami. Siya lang hinihintay ko. Kung matagal na niya kong minahal baka naunahan pa kita." walang kahiya-hiyang sabi ni Phoenix. Jeez! Hindi ba siya nahihiya sa sinabi niya? My gosh! Ako ang nahihiya sa pagiging blunt niya! Jusko!











"Ang bagal mo kasi..." natatawang sabi ni Lucian. Hay! Bakit ba nila pinag-uusapan ito? Nakakahiya!









"Siya iyong mabagal. Ang tagal ko ng naghihintay no! Tang ina, limang taon, Lucian! Ako pa matagal? Saka... Ikaw lang naman iyong nanigurado na. Kung siya lang naman damn Par baka katulad mo na rin ako ngayon, Tatay na." tumatawang sabi ni Phoenix. Tumawa rin si Lucian.









Napailing ako kasi para ng sasabog ang pisngi ko. "Tigilan niyo na ang ganyang topic." Ako ang nahihiya eh!







Tumawa silang magpinsan kaya mas lalo akong nahiya. "Hindi na babe." sabi ni Lucian at Phoenox. Sumimangot ako sa kanila.












Tumingin ako kay Phoenix. "Limang taon mo na siyang gusto?"







Malungkot siyang tumango. "5 years and 6 months and 23 days."








Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Talagang kabisado niya ang taon, buwan at araw. Knowing that he's a playboy.  "Talaga? Hindi ko akalain na nahintay mo siyang ganoon katagal. Since?"







"Second year college, babe. Wala eh. Ganoon talaga kapag mahal mo." ngiti niyang namumula ang pisngi. Natawa ako. Phoenix is blushing! Nakakatuwa siyang makita na parang teenager na nagkukwento tungkol sa crush niya. Bilib talaga ako sa pagmamahal niya para roon sa babae. Napakaswerte naman nung girl. Dalawang Griffin ang nagmamahal sa kanya.








"Sa gwapo mong iyan, Phoenix? Hindi mo pa rin siya nabibihag? Sayang... Kung ako lang siya. Hindi na kita paghihintayin ng limang taon---"








"Really Amanda? You're saying that while I am here." I can sense mockery in his voice. And jealousy! Wait? He really is taking it seriously!









Napatingin ako kay Lucian. Kita ko ang pagsusuplado niya at pagseselos niya. Hindi namin napigilan ni Phoenix ang tumawa dahil sa reaksyon ni Lucian. Alam kasi namin ni Phoenix ang totoo. Lumapit si Lucian sakin. "Anong..." kinabahan ako bigla.










"You're not making me jealous..." sabi niya. "Hindi naman ah! Sinasabi ko lang----"







"You're not making me jealous, Amanda." sabi niya ulit at naitulak ko siya nang halikan niya na naman ako.









"Lucian!"







"What?" may pagkaaliw na sabi niya. "Bumalik ka na roon!" sabi kong nahihiya.








"Hayst! Layuan mo na, Lucian! Kanina pa ko nagseselos dito hindi ko naman siya hinalikan ah? Bakit kailangan mong halikan sa harap ko pa talaga?"








Napatakip na ko sa mukha sa sobrang hiya sa sinabi ni Phoenix. Narinig ko ang tawa ni Lucian dahil doon.










"Para malaman mong akin siya." he declared in a possessive, arrogant and confident way.









"Hindi tayo, Lucian." pagtatama ko. Ayaw ko mang putulin ang pang-aangkin niya ay hindi naman talaga kami.










"Hindi pa." pagtatama niya. "At sisiguraduhin ko babe... Sakin ka babagsak." seryoso at may determinasyong sabi niya. As if declaring a war and he knows he will win it. Kumalabog ang puso ko dahil alam na ng puso ko na talo na siya. Na handa na siyang sumuko kay Lucian.










Hindi ka nga nagkamali, Lucian. Yes... I already fell... With you.









Hindi mo na kailangang manigurado, Lucian... Dahil nangyari na.







Napakagat ako sa labi at nag-iwas ng tingin. Damn it! Halos mawala na sa katawan ko ang puso ko.








Paano ko ba sasabihin saiyo, Lucian? Oh, Love! Bakit mo ba ko pinapahirapan ng ganito? Jeez!









***

Waaaahhh! Ayan! Sorry na po bitin. Haha. So ayun. Pinutol ko siya hanggang diyan para kahit sa chapter na ito lang ay hindi siya madrama. Haha. Magkakaaminan na sila :) Yehet!Sana nagustuhan niyo ang update ni Owtor :) Pasensya na maikli lang po. Salamat ng marami mga bb:) Hinihintay ko na lang ang pinagawa kong cover para sa story ni Lucila at i-a-update ko na rin siya haha :) Sana nagustuhan niyo :) Good night, guyseu :) Saranghaeyo <3 See you next update :) Ba-bye <3 God bless <3 Lovelots <3

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 69.1K 54
You decided You left You hurt.. him Masisisi mo ba siya kung sa muli ninyong pagkikita ay nabago na siya ng galit na dinulot mo? "Sorry not sorry. I'...
54K 1K 17
Hindi ko ineexpect na mainlove sa taong nagnakaw ng ice cream ko kung hindi dahil dun hindi ko siya makikila. At ngayon ninakaw naman ang puso ko. H...
1.8M 22.6K 58
(Rated SPG) She thought she knew her limitations with alcohol but she's wrong and then she got drunk. She became wild and had her first sex with a to...
626K 22.9K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.