✔Book Apart

Galing kay luxylightbringer

31.3K 1.9K 566

A love between two people from two different world. === Dahil sa kuryosidad, nakulong si Chichi sa isang mahi... Higit pa

PROLOGUE
1.Meet my disgusting Brother
2.Don't read a strange book
3.Welcome to Miroianah
4.I'm inside the book.Seriously.
6.Formal meeting
7. Intruding techniques
8.A Royal Dinner
9.Ice Cream Flavors
10. A Letter for Her
11.Invitation
12.Another Dinner
13. Kidding
14.The Book's Warning
15.He miss...
16.I'm Annoyed
17.His Request
18.Sean is handsome!
19.There's a Thief!
20.He doesn't care!
21.I'm Proud of You
22.Book is not a book?
23.Kid's War
24.Too Close
25.Side Lip Kiss
26.Ruined Date
27.Stalking with Tintin
28.He ask me to dance!!
29.We're the Chosen Parents?
30.Heartaches
31.Everything has Changed
32.Shane's Tantrums
33.Hair clip
34.Merielle will come
35.Fairy godfather?
36.I'm HIS'
37.Argued Feelings
38.
39.Belle's Secret
40.TinkerShane
41.Just for You
42.Only a Friend?
43.Quarrel
44.Charlie and TinTin
45.Stress Reliever
46.Who's getting marry?
47. Rejected
48
49.The Proposal
50.The Ring which symbolizes his Love
51.The Date
52.Last Kiss
Shannon
53.Got Home
54.Cold Shake
55.The Pie Crave
56.Pony, Pies and Ring
57.Sean is Confused
58.Chelsea's Revenge
59.Soccer Game
60.I Am His' Again.
EPILOGUE
😊
missing chapter
missing chapter
missing chapter
missing chapter

5.We ran away

625 41 8
Galing kay luxylightbringer

Isang napakagandang umaga, sa palasyo ng Miroianah. Isang hindi ordinaryong senaryo na naman ang matutunghayan sa syudad. Ang prinsipeng palagi nalang tumatakas sa palasyo ay wala humpay sa pagtakbo dahil sa mga kawal na humahabol sa kaniya. At sa paulit ulit na senaryong ito ay paulit ulit rin siyang nahuhuli at pinaparusahan.

Nakatulala ako sa pahina ng libro. Hindi ko alam kung paano gagawin ang pateng ito.

Prince? Kung ganun kailangan ko pa maghanap ng prinsipe at ipahuli sa mga kawal!?

Madali sanang basahin ang parteng ito pero paano ko naman gagawin yun!? Pwede bang mag story telling nalang ako?

"Hey.. chi!" nakita ko si Belle na bihis na bihis at may malaking bag.
Para syang mag ka-camping sa dala nya.

"Are you going somewhere?"tanong ko.

"yes! nakalimutan kong sabihin, Every weekend lang ako umuuwi dito, kasama ko si Leondre sa mga trip, Pumupunta kami sa iba't ibang lugar para makakuha ng magagandang shots ng wonders of miroianah"

"Huh? para saan?"

"It's my our job Chi.. Basta! Ang bilin ko lang... alagaan mo ang bahay ko ah?"

"oo naman.. Makakaasa ka"

"Thanks.. and goodluck pala sayo at eto phone, tawagan mo ko pag may kailangan ka"sabi nya at binato sakin ang phone na may tatak na strawberry.

Muntik ko pa ngang hindi masalo.

"Strawberry phone? Seryoso?"natatawa kong sabi.

Nakakatuwa na strawberry phone dito at may apple sa reality world! haha!

"vphone yan,class A, pinaka mahal pa yan at latest"pagmamayabang nya.

Napanganga ako sa sinabi nya, hindi ko akalaing sa mundong ito ay may cellphone din.

Bigyan ng award ang phone na to!

Bumaba na sya ng hagdan pero hinarang ko agad sya dahil may kailangan pa akong itanong. Sadyang hindi pa kasi malinaw ang mga nakasulat sa librong ito.

"Oh wait! may itatanong ako! Sino yung Prinsipe na sinasabi dito!? sya ba ang bida sa kwento!?Hindi ko to kilala!"

"Pasensya na pero walang nakakakila sa prinsipe.  Hindi ko pa sya nakikita. Pero kung gusto mo, nasa dulo nitong city ang bridge papunta sa palasyo nila... Kaso mag iingat ka, medyo maraming bantay dun"

"Ganun? May pa misteryoso effect pa? Papaano naman ako makakalapit sa isang maharlika?" Namomoblema kong sabi.

Kung tutuusin para lang akong langgam sa mundong ito! Sobrang liit ko at siguradong hindi ako makakalapit sa mga royals!

Nagkibit balikat naman si Belle kaya lalo akong namroblema. Grabe ang laki ng naitulong nya.

"wala tayong magagawa, yun ang nakasulat eh, o sige bye bye na!"

Umalis na si Belle kaya ako ay naupo ulit sa sofa.

Kailangan matapos ko na agad ang librong to, kung hindi baka malagot na ako pag uwi sa bahay!

Isang araw na ang lumipas ng makapasok ako sa pesteng librong ito. Sana naman hindi nagpapanic sila Iñigo at lola sa bahay.

Napatingin ulit ako sa libro. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit wala itong title.

"Okay.. una palang mahirap na"bulong ko.

Tumayo na ako at inayos ang damit ko. Mabuti at binigyan ako ng damit ni Belle. Kahit mukhang wala syang masyadong naitulong ay may pakinabang din sya.

Color violet off shoulder dress ang suot ko, at naka boots na color black. Gumaling narin ang sugat ko dahil sa mala magical na ginawa ni Belle sa akin. Ewan ko nga kung paano nya yun nagawa. May superpowers kaya sya?

May purple hat din ako na sobrang cute! tapos naka half pony ang curly hair ko. Napangiti ako dahil ramdam ko na napakaganda ko sa ayos ko.

Sinuot ko din ang coat ko at yung maliit na shoulder bag na lagayan ng libro tsaka lumabas na. Kailangan makita ko ang Prince at ipahuli sya sa kawal. Hindi ko nga lang alam kung papaano yun mangyayari.

Hello? bakit naman dadakpin ng mga kawal ang isang prinsipe diba!? Napakaimposible nun pero kailangan ko parin gawin.

Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa sentro ng bayan. Nakita ko agad ang maraming tao sa fountain. Yun kasi ang center ng buong bayan at doon din nagaganap ang mga patimpalak at iba pa.

"wow.. may mga musician.." bulong ko habang nakatingin sa mga lalaking tumutugtog ng nga instruments.

Ang galing nila mag tugtog eh, tapos hinahagisan sila ng pera. Naghagis din ako ng 50 Miro dahil na enjoy ko ang pagtugtog nila.

Mabuti nalang at binigyan ako ni Belle ng pera, sabi nya okay lang daw na gastusin ko ang pera nya sa well-secured-money-vault nya sa bahay dahil kada uwi nya ng weekend ay malalagyan ulit yun.

Buti pa sya, real quick ang pera.

"Paano kaya ako makakapunta sa palasyo? mukhang malayo paglalakarin, Kailangan sumakay ako"tanong ko sa sarili.

Pero hindi ko naman alam ang sakayan dito! tsk!

"Bakit palagi nalang sya tumatakas no?"

"Sabi nila, may pinupuntahan daw syang babae"

"talaga!? kainggit naman! Sabi nila napakagwapo daw ng prinsipe"

"Ang kaso wala namang nakakakilala sa mukha nya"

Narinig ko ang usapan ng mga babae sa tabi. So kung ganon, palagi pala talagang natakas ang makulit na prinsipeng yun!?

Siguradong magaling sya magtago.

"TUMABI KAYO!!!"

Napatingin ako sa sumigaw, sya yung man in a horse kagabi! Yung pinagbintangan akong nagnakaw ng alahas. Mukhang may hinahabol na naman siguro syang magnanakaw ngayon.

"Get out of my way!!" Nakita ko ring ang isa pang lalaki na tumatakbo, binubunggo nya lahat kahit yung mga tinda! Mukhang sya ang target ni man in a horse.

Pero teka? parang pamilyar sya.

"Don't block the way!!" inis na sabi nya at mabilis na tumatakbo. Hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya dahil dun sya nakatingin kay Man with the horse.

Di ko tuloy makita ang mukha nya.

"Move!" inis na sigaw nya at itinumba yung isang malaking stall. Naharangan tuloy yung daan at naistock si man in a horse.

Tumakbo ulit sya ng mabilis, hindi ko namalayan na papunta pala sya sa direksyon ko.

Nagpoproseso sa utak ko ang paglapit nya. Hindi yata gumana ang adrenaline rush ko kaya nastock ako sa kinatatayuan ko.

"H..hey! hey!!" Saktong pagharap nya sakin ay nabunggo nya ako at pareho kaming natumba ngunit hindi nga lang sa inaasahang posisyon. Nasa ibabaw ko sya.

Sh*t.

Magkaharap ang mukha naming dalawa at parehong nanlaki ang mata namin ng dalawa ng makita ang isa't isa.

"Piggy!?/Pony!?"we said simultaneously.

Sya yung lalaki kahapon! Si Piggy!

Hindi ko akalaing makikita ko ulit sya at sa ganito ulit na sitwasyon, hinahabol na naman sya ng mga kawal.

"Pony?/Piggy?" we said in chorus. pareho kaming napataas ang kilay.

Kailan pa ako naging si Pony??

"AYUN SYA!!!!"

Napatingin kami pareho kay man in a horse. Malapit na nilang maalis yung harang kaya agad na nagpanic si Piggy.

"Sh*t!"

Mabilis syang tumayo pero natumba ulit sya sakin.

"Aray!!" inis na sabi ko dahil dinaganan nya ako.

"eh bakit kasi—" pareho kaming napatingin sa kamay namin at nanlaki ang mata ng makita ang posas sa kamay naming dalawa

How did this happen!?

"Pano napunta yan dyan!?"gulat kong sabi.

"Naposasan nila ang isa kong kamay kanina"

At aksidente akong naposasan ng magkabunggo kami!? What the heck!?!?

Tumayo sya kaya tumayo narin ako at pilit inaalis ang posas saming dalawa. Wala itong susi kaya sinubukan ko nalang buksan gamit ang kamay pero hindi parin epektibo!

"Pano to alisin!?!"nagpapanic kong sabi.

"HULIHIN SYA!!"

Tumakbo bigla si Piggy kaso nahila nya rin ako dahil sa posas na nakakabit sa aming dalawa

"Aray!!" bulyaw ko. Napatingin sya sakin at umirap.

"Tara dalian mo!!" hinawakan nya ang kamay ko at tumakbo kami pareho.

Oh mon dieu. I feel something in my tummy.

Ngayon ay hinahabol kami ni man with a horse and company. Lahat sila nakasakay sa kabayo kaya lalo akong na tense sa kanila.

Parang napanuod ko na to sa movie dati?

"Any idea why they want to seize you!?"sigaw ko habang tumatakbo kami.

"None!!" nasabi nalang nya.

"TUMIGIL KAYO!!!" narinig kong sigaw ni man in a horse.

"Tumigil daw!!"sabi ko.

"Are you insane to follow him!?"inis na sabi nya at sandaling sumulyap sakin.

"Wala naman akong kasalanan eh!!"

"Don't mind him! just follow me!"

Ang bossy nya!

Tumigil kami ng makita ang isang kabayo sa tabi at agad nya yung kinuha.

He's a thief!

Kaya siguro hinuhuli sya ng mga kawal na ito, dahil magnanakaw sya! Siguradong patong patong na ang parusa sa kanya!

"Jump on!!"sabi nya sakin.

"what!?"

"I said jump on!!"pag uulit nya.

Napatingin ako sa kabayo at kinabahan.

Hindi pa ako nakakasakay sa kabayo in my entire life! Well.. nakasakay ako sa Pony ng merry-go-round pero iba to!

"Uhh.. can we just run away?!"tanong ko.

"We're already running away!! Can you just fvcking jump on!?"

Medyo napalayo ako dahil sa sigaw nya. Beast mode?

"Eh.. hindi pa ako nakakasakay dyan!! hindi ko alam—Ahh!"

Nagulat ako ng buhatin nya ako at isinakay agad sa kabayo. Nasa likod ko naman sya at agad pinatakbo ang kabayo.

Ang bilis nya magpatakbo kaya nilipad tuloy yung hat ko, nakaramdam ako ng panghihinayang dahil ang cute cute pa naman nun at bagay sakin.

"Yung hat ko! Huhu!"

"Anong gusto mo? Yung hat o ang mahuli ng kawal?!"

"Wala kaya akong kasalanan!"

"Meron na, parehong tayong nagnakaw ng kabayo" ngisi niya.

"Waahh!! Ikaw ang magnanakaw!"

"Wag kang malingkot! Gusto mo ihulog kita!?"

"Do it if you want, para mahulog ka din!" Tugon ko at pinakita ang posas naming dalawa.

"Tch!"

Sa bilis ng takbo namin ay sumasagi sa isip ko na baka mahulog ako bigla, mabuti at nasa harap ako, parang mas safe kasi pagdito kasi nasa magkabilang side ko lang ang kamay nya.

"Bakit ba kasi ayaw mo nalang magpahuli!? Nadamay pa ako! Nagnakaw ka pa ng kabayo!"inis na sabi ko.

"I'm not a fool para magpahuli, and I can pay for this horse"sabi nya at sumulyap sakin saglit.

Hindi ako makapagsalita dahil nararamdaman ko ang hininga nya sa gilid ng leeg ko.

Pano kasi yung mukha nya nasa gilid ng mukha ko!

Oh mon dieu, pumupula ata ang mukha ko! Dahil nararamdaman kong umiinit ang piangi ko. Pigilan mo Chi.. Pigilan mo kung ano man yan!!

"TIGIL!! TUMIGIL KAYO!!"

Napatingin ako sa likod namin. Nanlaki ang mata ko dahil mas dumami pa sila na nasa likod namin. Puro sila nakasakay sa kabayo at medyo nakakatakot ang mukha nila.

Hindi nila kami pwede mahuli! madadamay pa ako at baka hindi ko na matapos ang libro!

"Wala bang mas ibibilis pa to!?!?"inis na sabi ko.

Nagsmirk sya bigla at lumapit pa sakin. Nakaramdam na naman tuloy ako ng pagkailang pero hindi ko nalang ipinahalata.

"fasten your seatbelt" Hindi ako makagalaw ng sabihin nya yun.

Parang sexy ang nya dun?

Bilang bumilis ang takbo namin kaya napahawak ako sa tali na hawak nya rin.

Wala naman kasing seatbelt! Itong lalaking to, makaimagine ng seatbelt sa kabayo! Naka krimstick ba sya?

"Ayoko pa mamatay!!"sabi ko.

Narinig ko syang tumawa at mas binilisan pa ang takbo. Tila parang nang aasar pa sya.

"Don't worry Pony"

Puro puno na pala ang napuntahan namin, kung saan saan kami lumusot hanggang sa nailigaw namin yung mga lalaki.
Tumigil kami sa isang pond at doon bumaba.

"how's the ride?"nangaasar nyang tanong.

"It was hell!"nasabi ko nalang at inalis ang tali ko dahil ang gulo na.

"haha! I see.. you look like hell!" inirapan ko nalang sya.

"bakit ka ba hinahabol ng mga yun?!kahapon pa yun ah!"

"None of your business"

"Great. Just great"sarcastic kong sabi.

"Buti hindi kana nagsleep walk? Nahanap mo na bahay mo?"tanong nya.

"Uhh.. Nah.. pero may tinutuluyan na ako ngayon"

"aww.. you're hopeless.."pangaasar nya.

Hobby nya ang mang asar no?

"Thanks for your concern huh? I really appreciate it Mr. Piggy"sabi ko at umirap.

"Mr.Piggy? Mukha ba akong baboy!?"
natawa naman ako sa reaksyo nya. Well hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin.

Piggyback ride nga diba?

Pero dahil inasar nya ako kanina ay aasarin ko din sya.

"Honestly? Yes"sabi ko at ngumiti ng nakakaasar.

"Seriously are you blind?"nakangiwi nyang sagot.

"Nope, Eh ikaw? bakit mo ko tinawag na Pony kanina?"

"It's your pajama's design" sabi nya ng nakasimangot.

Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako pero pilit kong pinigilan.

Aaminin kong ang cute ng pinagbasehan nya ng code name ko, napansin nya pa pala ang design ng pajama ko?

"Oh.. is that so...Well it's Piggy kasi ni-Piggyback ride mo ko kahapon"

Tinignan nya lang ako pero hindi na sya nakasimangot, siguro'y nasatisfy na ang kalooban nya tungkol sa piggy na yun.

Nakatingin lang sya sakin kaya medyo kinakabahan at nailang ako. Bakit ba ganyan sya makatitig sakin?

Nagulat ako ng ilapit nya ang mukha nya sakin and he then suddenly touch my nose bridge using his finger. It makes me stop for a moment at nanatiling nakatulala sa kanya.

Pakiramdam ko nagwawala ang puso ko dahil sa ginawan nya.

"Akala ko nunal, dumi pala"sabi nya habang tinitignan ang daliri nya.

I snap out and get back to this world. Bigla akong na disappoint, ewan ko ba kung bakit.

Ngumiti sya at lumayo na.

"I think you're blushing.."sabi pa nya.

Nanlaki ang mata ko at napahawak agad sa mukha ko.

"Hindi ah!! natural yan!! tsk!"

"Okay.. tara na"

"Sandali! pano tong handcuff!? I don't want to stay longer with this? And with you!"inis na sabi ko.

"oh really? Bakit naman ayaw mo kong kasama?"

"Duh! I don't like being with you! you're so freaking disgusting! and you're a thief! mamaya sabihin magkasabwat tayo!"

Nakita kong nag iba ang timpla ng kanyang mukhang, bakas ang pagkainis at sumama pa ang aura na nakapalibot sa kanya.

"I'm not a thief okay!?"

"Oh fool yourself not me Mr.Piggy!!"

"Ganito pa trato mo sakin after helping you yesterday? And don't call me Mr. Piggy!"Sabi nya.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Nakalimutan ko nga palang tinulungan nya ako kahapon, nakaramdam tuloy ako ng pagka guilty.

Pero kasi kriminal sya at hinahanap ng nga kawal! Pano kung oati ako ay madamay?

"And I don't like to be with you too, let's go" he said at naglakad na.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya. Hindi ko naman sinasadya ang mga sinabi ko kanina, nadala lang ako ng emosyon.

He don't like to be with me? Ouch.

"w..where are we going?"

Hindi sya sumagot, tuloy tuloy lang sya sa paglalakad at hindi manlang lumilingon sakin.

Galit sya!

"h..huy..saan tayo pupunta?"

"Find a way to take off this fvcking handcuff!"masungit nyang sabi at hindi manlang tumingin sakin.

Napatikom nalang ako ng bibig dahil mukhang mas iinit pa ang ulo nya kung makikipag usap pa ako.

Ilang minuto na kaming naglalakad, Hindi nya ako kinakausap o tinitignan manlang! Masasabi kong grabe sya magalit, napakasungit na nga, ang init pa ng ulo.

Hindi ko alam kung saan na kami napunta o kung may hinahanap ba kami.

Medyo nahuhuli ako sa kanya kasi naman galit sya, mamaya sungitan pa ako, kaya ang dating tuloy namin ay parang hinihila nya ako.

Tinignan ko nalang ang paligid habang naglalakad para naman hindi awkward.

"Aray!" nauntog ako sa likod nya dahil bigla syang napatigil.

"Ba't ka tumigil!?"

Hindi nya ako pinansin, parang nakatulala sya. And I found him weird, para syang nakakita ng multo.

Tinignan ko kung saan sya nakatingin. May isang babae na may hawak na basket at namimitas ng bulaklak sa di kalayuan.

Honestly, ang ganda nya, Nakapink dress sya, maputi, matangos ang ilong, kulot din ang buhok nya like me pero dark brown at mas kulot yung kanya at hanggang kilikili nya lang. At sobrang angelic ng face.

That makes me feel a little bit insecure. Ganda eh. Saan ka pa? Alam kong maganda ako kaso may mas maganda pa yata sakin.

At dun sya nakatingin. Si Piggy. Nakita kong naka half-smile at masaya ang mata nya na makita ang babaeng to.

t..teka nga? Don't tell me.... May gusto sya dun!?

"Hey miss!" Hindi ko alam kung tama bang tawagin ko sya eh. Malay ko ba.

Tumingin sya samin at lumapit.

"Hi.. May kailangan ka?"tanong nya sakin at napatingin din sa kasama ko, kay Mr.Piggy.

Napansin kong medyo natulala sya at namula. Oh mon dieu alam ko na ibig sabihin nito.

"Uhh.. pwede mo ba kami tulungan?"sabi ko kaya parang na snap out sya at tumingin sakin.

"O..oo naman.. ano ba yun?"

Natulala din ba sya kay Piggy!? what the heck.

"May kahit anong bagay ka ba na pwedeng maka unlock sa handcuff na to?" sabi ko at pinakita ang kamay namin.

"Ahh.. wala pero maghahanap ako sa bahay ng kahit ano, gusto nyo ba?"

"oo naman! salamat!"


Napaka nice naman pala ng babaeng nasa harap namin. Walang bahid ng kamalditahan ang mukha nya, sobrang angelic. Parang siya yung tipong bida sa isang story? Leading lady?

"Uhh.. sa kasama mo okay lang ba yun?"tanong nya at napatingin kay Piggy na nakatulala parin at naka half-smile.


Napakunot ang noo ko ng tignan nya.

Ganito ba talaga to!?

Siniko ko sya kaya napatingin sya sakin. Biglang kumunot ang noo nya na parang may ginawa na naman akong masama.

Ganun!? kapag ako kaharap nya nakasimangot sya!?

"Kung okay lang daw ba na pumunta tayo sa bahay nya!"medyo inis na sabi ko.

"Pero okay lang kung ako nalang ang kukuha, maghintay nalang kayo dito kung gusto nyo"sabi ni Ganda at napatingin kay Piggy ng nakangiti.

"No.. we'll go with you"sabi nya at ngumiti ng maliit.

Papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa, bakit nakakaamoy ako ng kakaiba sa kanilang dalawa? At ang nakakapagtaka pa, itong masungit na lalaking katabi ko ay kanina pa nakangiti at sobrang bait ng mukha nya pagdating sa babaeng ito.

Mukhang bet nila ang isa't isa ?

"Okay.. tara na"

***

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

247K 8.7K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
46.3K 2.4K 34
After encountering the mysterious truck-kun, Lumina, a simple call center agent was reincarnated as Juliet Lucienne who happens to be the Villainess...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
91.7K 2.2K 50
In this world I can choose to; conquer and destroy, do bad deeds, kill like just eating on my daily life, etc, etc... Instead of doing all those bori...