BOOK 2: Confession of a Gangs...

Av vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 Mer

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 19: Do the Moves

13K 226 25
Av vixenfobia

Confession 19: Do the Moves

 

Anong… Ano ba itong pakulo ni Oz? Oz Bezarius with a dozen of colourful balloons in hand? What the heck! Nilalagnat ba ang isang ito? Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kahihiyang binibigay niya sakin ngayon sa harap ng mga chismosang estudyante dito. Paano kung kumalat ang pakulo niyang ‘to sa buong Steins? The famous Casanova and the badass transferee… Isn’t that strange? Hindi maganda sa pandinig. Seriously.

Bumaba ito ng isang step at tumayo sa kanan ko. “Here,” abot niya ng balloons sakin.

“Ano bang kalokohan ito, Oz?” mahinang reklamo ko sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig.

 

He leaned forward and I stiffed. “Pwede kunin mo muna? Nangangawit na ako Alice,” he whispered. Nakakainis na lalaking ito, siya gagawa ng ganitong kalokohan tapos uutusan pa akong kunin sakanya ang sangkaterbang lobo. Ano namang akala niya sakin? Grade schooler. Bwisit. Wala na akong nagawa kun'di ang kunin na lang ang lobo sakanya. He smiled and wrapped his left arm around my shoulder. Siniko ko siya sa tagiliran para tanggalin niya pero hindi naman siya natinag. Hinimas niya lang ang nasaktan saka ako pinanlakihan ng mata habang nakangiti pa rin. “Pwede bang wag mo akong ipahiya dito? Ihuhulog kita sa hagdan, subukan mo,” banta niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakaakbay sakin saka pasimpleng kinurot. Ginaya ko ang pagngiti niya habang naniningkit naman ang mga mata ko. Napa-aww naman ito ng walang sound. “Kapag hindi mo inalis ‘to, sisiguraduhin kong matutuklap lahat ng balat mo. Pati ‘yan!” diin ko pa sa huling salita kaya naman dali-dali nitong inalis ang kamay niya sakin. Humarap naman ako sa mga audience namin at pinanlakihan sila ng mga mata. “Baka gusto niyang lumayas o tutuhugin ko muna ‘yang mga mata niyo ng balloon sticks?” sarkastikong tanong ko sakanila. Nakarinig muna ako ng ilang bulung-bulungan at reklamo pero nag-alisan naman sila. Nilingon ko si Oz na patawa-tawa lang sa gilid. “Tinatawa-tawa mo diyan?!”

 

“Wala.”

 

“Tss. Tadyakan ko leeg mo sa mga kalokohan mo e! Layas nga!” saka ko siya malakas na hinawi sa gilid at nagdadabog na itinuloy ang paglalakad ko. Letse. Anong oras na. Bago pa manlang ako makarating sa 4th floor, lumawit na lahat ng lalawit sakin. Aish!

“You’re totally back.” Inirapan ko lang siya. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya at nahabol na ako. Avantage nga naman ng mahahabang biyas.

Hindi ko na siya kinausap hanggang sa makarating kami sa room. Oh well, all eyes on me. What would I expect? Bukod sa gumawa ako ng eksena sa hallway with the gangsters, ilang araw na hindi pumasok dahil nadrugged, kasama ko pa ngayon ang great Oz Bezarius na alam naman nilang hindi ko ganoon kasundo mula first day of school. Tss.

‘Totoo nga ang chismis na magkasama sila,’

 

‘Ayon ‘yung lobo na binigay oh,’

 

‘Bagay naman sila ah,’

 

‘Siguradong nasa bulletin na ‘yang dalawa,’

 

‘Ang sweet nila. Sana maranasan ko rin ‘yan,’

Ilan na naman sa bulungan nila. Tss. Kinikilig na sila niyan? Shallow stupids. “Sure ba silang bulong ang ginagawa nila?” inis kong tanong sa sarili.

“Kung naririnig mo, malamang hindi.” Nilagpasan na niya ako at dumiretso sa upuan niya. Sinaksak ko na lang siya sa utak ko at tinanguan ang Spade Montelava na hyper makakaway mula sa upuan niya.

“Mabuti naman at pumasok ka na,” bungad niya.

I nodded. “Masyado na kong nag-eenjoy sa bakasyon ko,” natatawang sagot ko rito. He chuckled at tumango-tango bago humarap sa front. Narinig ko namang bumubulong ng isang ritwal ang katabi ko. Baliw na.

 

Dumating na ang professor namin at nagsimula ng magdiscuss. Mabuti na nga lang at pinayagan niya pa akong kumuha ng mga namiss kong quizzes dahil may medical certificate naman daw ako. At ang ipinagtataka ko, wala kahit na isang nag-uungkat ng naging away ko sa tatlong manyakis na gangster ng wolves. Kilala kaya nila ang gang na ‘yon?

Napatingin ako kay Oz ng mag-abot siya sakin ng isang punit at lukot na papel. Ganito na ba kahirap ang isang ito? Nagtitipid sa papel. Kunot-noo ko siyang tiningnan pero sumenyas lang itong buksan ko ang papel.

Lunch  at the cafeteria. Wag kang tatakas dahil sakin ka sasabay. Kay Oz Bezarius ka lang sasabay.

 

“Anong kalokohan naman ito?” pasigaw kong bulong sakanya. Hindi naman ako pinansin nito at seryoso lang na nakikinig sa professor namin. Tss. Akala mo naman totoong nakikinig, if I know natutulog na ang diwa niyan. Ang boring kaya magdiscuss nitong matandang ito.

Nangalumbaba na lang ako at inubos ang oras sa labas ng bintana. May mga naglalaro ng tennis sa labas. Ang aga naman ng game nila. Never akong nakapag-lawn tennis dahil sa hindi ako sanay, hanggang table tennis lang ako. Cool naman ang larong ‘yon, mukhang mga t-rex position. Wala sa loob na napatingin ako sa katabi kong kanina lang seryoso, ayon, humihilik na. Sabi na nga ba, nagkukunwari lang ‘tong nagsisipag mag-aral. Saan ba nanggaling ang isang ‘to? Matagal ko rin siyang hindi nakita tapos ngayon naman isang jologs na scene ang ibinungad niya sa umaga ko. Anong pakulo naman kaya ‘yon? Puro kalokohan. Kung makautos pa na sakanya ako sasabay mamayang lunch, like a boss. In his face. Tatakasan ko siya.

Hindi naman nagtagal at naisipan na rin ng boring naming professor na i-dismiss na ang klase niya. Mabuti naman dahil hindi na rin talaga ako makakatagal sa bagal ng pagsasalita niya. Dapat sa mga matatandang professor nagreretiro na at nagpapahinga na lang sa bahay e. Binalingan ko ulit ng tingin ang katabi kong mahimbing pa rin ang tulog. Pagkakataon ko na ito. Maingat kong iniangat ang sarili ko sa upuan bitbit ang bag ko at dahan-dahang dinaanan siya. Daig ko pa ang magnanakaw sa ginagawa kong ninja moves.

“Sabay ka na sakin Alice.” Napahinto ako ng marinig ang boses ni Spade.

Bigla namang kumislot ang katabi ko at pikit-mata pang tumayo. Aish! Sira na ang plano kong pagtakas sa isang ito. “Ha? Sakin sasabay si Alice kaya maghanap ka ng sayo,” bored na sabi nito saka hinatak ang kamay ko palabas ng room. Ni hindi ko na nga nagawang sumagot kay Spade. Bakit ba ang bilis maglakad ng isang ito?!

I am effing aware with their stares. My goodness! Dahil sa ginagawa ni Oz ngayon, mas nakuha na namin ang atensyon ng mga estudyanteng nadadaanan namin. “Oz! Bitawan mo ako,” bulong ko habang ganoon pa rin ang set-up namin. Para akong batang nahuli ng tatay na nakikipaglaro pa kahit gabi na at kinakaladkad pauwi ng bahay. Pilit kong binabawi ang kamay ko sakanya but he intertwined our fingers. Damn! I feel the weird heat creeping up my cheeks and this fast heart beats. Kinakabahan ba ako? Bakit ganito?

“Diyan ka lang. Subukan mong umalis-”

 

“At ano na naman ang gagawin mo?” matapang kong putol sakanya.

“Magugutom ka. Lunch time na kaya. Psh.” Anong klaseng reason naman ‘yon? Tss. Umalis na ito at pumunta sa counter ng nakapamulsa pa ang dalawang kamay. Feeling cool.

I unconsciously grab the left part of my chest kung saan ay hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Nakadrugs pa rin ba ako? Teka, baka lagpas na sa oras ang inom ko ng gamot kaya ganito. Dahil ba sa nalipasan na ako ng gutom? Tss. Simpleng holding hands lang ‘yon kaya bakit naman doon magrereact ang katawan ko? And of all people, kay Oz Bezarius pa? It can’t be.

I shook my head calming my nerves. Whoo. Kaunting hinga ng malalim and I know, magiging normal din ito.

“Oh!”

 

Napadilat ako ng maramdamang may tumama sa mukha ko. Isang karton ng chocolates. Bigla yatang nagwala ang mga lamang loob ko noong makita ‘yong box. Sinamaan ko muna ng tingin ang lapastangang naghagis nito sa mukha ko pero wala namang itong pakialam at naupo lang sa katapat kong upuan dala ang tray ng pagkain namin.

“Ano naman ‘to?” inis kong tanong.

“Chocolate,”

 

Naningkit ang mata ko sa pilosopong sagot niya. “Alam ko. I mean, bakit mo ako binigyan?”

 

“Para kainin mo,”

 

Aish! Wala ng pag-asa ang isang ito. “Tss. Pilosopo,”

 

“Wag ka mag-isip ng kahit na anong espesyal tungkol diyan.” Humarap ito sakin at inilapit pa ang mukha. Awtomatiko namang napaatras ang ulo ko sa ginawa niya. “Nakita lang kitang naglalaway sa chocolate, kaya dapat magpasalamat ka,” ngisi pa nito.

Damn this man! Kailan naman ako naglaway para sa isang chocolate?!

***

 

“At ano namang gagawin natin dito? Oz naman, inaantok na ako.” Yea right. Kanina pa ako reklamo ng reklamo sa lalaking ‘to dahil inaantok naman talaga ako. Who wouldn’t? Eh nakakaantok pala ‘yong gamot na ibinigay sakin ng doctor na ‘yon. Mukhang nakalimutan niya yata na college student ako. Tss. At isa pang nakakainis, hindi talaga ako makatakas sa kasama ko. Paano naman, kanina niya pa hawak ang kaliwang kamay ko at kinaladkad na naman ako dito sa soccer field. Nasa ilalim naman kami ng puno kaya mapresko at ‘yon pa ang nakapagdagdag sa antok na nararamdaman ko. Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang nakasandal at siya naman, nakahiga sa tabi ko at ginagawang unan ang kaliwa niyang braso habang nakahawak pa rin ng mahigpit ng kanan niyang kamay ang kamay ko. Seriously, nakakailang pero nasasanay na lang ako.

“Oz! Makinig ka naman, pwede? Dumilat ka nga,” yugyog ko pa sa katawan niya. Imbes kasi na sagutin ako, ipinikit pa ang mata niya. Nakakabwisit talaga ang isang ito.

Nagbuntong hininga na lang ako dahil mukha namang walang pag-asang makinig sakin ang lalaking ‘to. Ni hindi nga binibitawan ‘yong isang kamay ko, pakiramdam ko nga nagpapawis na sa higpit ng hawak niya. Sure naman akong nang-iinis lang ito kaya ganito ang ginagawa niya ngayon sakin. Hindi si Oz ang tipo ng lalaking magpapacute, magpapasweet at gagawa ng kung anong move… at ano naman ‘tong iniisip ko? Nakakadiri.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa katawan ng puno at ipinikit ang mga mata. Sobrang inaantok na talaga ako at sa presko ng hangin dito sa field, talagang ninanakaw nito ang dilat at hyper kong diwa.

“Why are you hiding your blue eyes?” Sa wakas, nagsalita rin siya. Hindi naman na ako nag-abalang dumilat at tingnan pa siya, naramdaman ko lang na mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang nakaintertwine ang mga daliri namin.

“Ayoko ng blue. Natatakot ako,” halos pabulong kong sagot. Sa lahat ng pwedeng katakutan, talagang ang sarili ko pa.

“Anong ikinatatakot mo? Nakita na rin naman ng lahat ‘yan,”

 

Doon na ako napatingin sakanya. Kung sabagay, may point naman ang lalaking ito. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko magsuot ng black lenses kung pwede naman nilang isipin na lenses lang din ang blue eyes ko. Pero iba pa rin kasi talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko sa salamin ang sarili ko wearing my blue eyes. Feeling ko ano mang oras, gagawa ako ng kabrutalan sa kahit na sino.

“I know I’m handsome enough to bewitch you, pero hindi mo naman kailangan matulala pa sa mukha ko,”

 

Napapitlag naman ako sa biglaang pagkaway niya sa mukha ko gamit ang magkahawak naming kamay. I rolled my eyes on him at muling ipinikit ang mga mata. Sinisira niya ang konsentrasyon ko.

“So Colix is your younger brother.” Napangisi ako sa monotone na boses niya. Finally, nalaman niya na rin. Mas matagal lang talaga kaysa sa inaasahan ko. Biruin mo, ngayon niya lang nalaman sa tagal na naming nakakasalamuha ang isa’t-isa.

“Sino namang nagsabi sayo?”

 

“Nagsabi? Wala. Psh.”

 

Pasimpleng ngumiti na lang ako at hinayaan ang hangin na tangayin ang gising kong diwa hanggang sa naramdaman ko ang isang mabigat na kung anong pumatong sa hita ko. I opened my eyes half, enough to see what the crap is happening. And there, I saw Oz, ginawang pillow ang hita ko.

“What are you doing?” I asked half asleep.

“Sleeping,”

 

 

 

Aldous’ POV

 

“I saw them at the soccer field. Sila na ba?” Napaisip ako sa tanong ni Aoi habang abala lang itong ubusin ang pasta niya- ‘yan na daw ang lunch niya, hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan kanipis ang katawan ng babaeng ito. “Ang sweet nga nila e. Boto ka ba kay Oz para kay Alice?” tanong muli nito habang nginunguya ang pagkain niya. Nakatingin lang ito sakin na inaantay naman ang sagot ko.

Nasa room kami ngayon, vacant time kasi at wala rin ang next subject kaya dito na namin naisipang tumambay. Hindi ko naman alam kung anong naisipan ng babaeng ito at nakitambay pa sakin. Hindi tuloy ako makapagsenti. Kaya ito nga, kasama ko siya sa room dahil wala naman daw siyang ibang kakilala sa block namin na pwedeng samahan. Out of sight rin naman si Clover at Charm kaya no choice na, kawawa naman kasi siya.

“Hindi ko alam kung sila na. Wala rin naman akong pakialam kung magkagustuhan sila,” kibit-balikat kong sagot. Hinampas naman niya ako ng mahina sa kaliwang braso kaya napatingin ako sakanya hawak ang braso ko. Feeling close naman si Aoi. “Manananching ka na lang, mananakit ka pa. If you want my muscles, all you need is to ask,” I hissed at her saka hinimas ang braso ko. Nakita ko namang natigilan ito at namula kaya napangisi ako. Typical girl.

“Baliw ka,” nahihiyang sabi nito bago ibalik ang tingin sa kinakain niya.

Nangalumbaba naman ako sa harapan nito at tinitigan siya. Cute naman pala ang isang ito, haponesang-haponesa ang dating. With her blushing cheeks at hindi mapakaling mga mata, obvious na obvious ang pagkailang sa mukha niya. “Kung mahal talaga ni Oz si Alice, edi hahayaan ko na sila,”

 

Nag-angat naman ito ng tingin habang sinasalubong ang mga mata ko. “Kahit hindi mo pa ganoon kakilala si Oz?”

 

“Ha?”

 

“I mean, kapatid ka ni Alice kaya dapat inaalam mo muna ang background ng manliligaw sa ate mo. You’re a guy, alam mo ang likaw ng bituka ng mga lalaki. Kung nagkaroon lang din sana ako ng kapatid na lalaki, masaya sana. At least, alam kong may isang lalaking poprotekta sakin,” seryosong sabi nito.

 

“Aoi…”

 

“Honestly, I envy Alice.” Napaseryoso naman ang mukha ko sa sinabi niya. Malungkot itong ngumiti. “She has everything. The face, body, brain, family, bravery, strong personality, appeal, a little brother and a guy who’s obviously like her,” mahabang sambit nito sa mahinang boses pero sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig. “Sana… sana katulad niya ako. Sana-”

 

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap na lang siya. I don’t know why I am doing this, I just feel like she needs this… lalo na noong makita ko ang spark sa gilid ng mga mata niya, na parang isang buka pa ng bibig niya may babagsak na maiinit na likido doon. Iniisip ko pa lang na iiyak si Alice at mama sa harapan ko, hindi ko na kaya. Kaya naman hangga’t maaari, ayoko ring makitang umiyak ang babaeng ito kahit na hindi naman kami close. Nakakairita lang talaga makakita ng babaeng umiiyak.

“Colix…”

 

“Can you just shut your mouth? Obviously, hindi naman kaya ng mga mata mo ang bawat sinasabi mo. Tss.” Naramdaman kong tumango ito. “Kumain ka na lang para naman tumaba ka. Napakanipis mong babae,” sabay bitaw ko sakanya saka tumayo ng nakapamulsa pa ang dalawang kamay.

I turned para sana lumabas na ng room and saw Charm… with Spade. At ano namang ginagawa ng lalaking ‘yan dito? Sa kabila ang building niya ah. Nakatingin lang sakin si Charm wearing no emotions at all. Hindi ko nga mabasa ang mga mata niya kung anong iniisip niya. Mayamaya lang ay inilipat nito ang tingin kay Aoi na wala namang kamalay-malay. Muli kong tinitigan si Charm na nagsimula ng maglakad papunta sa upuan niya habang nakaakbay sakanya ang nakangiting Spade. Ano namang nginingiti nito? Bwisit.

“Yo Colix!” bati nito na tinanguan ko lang naman.

Sandali kong pinasadahan ng tingin si Charm at inilipat kay Aoi. “Una na ako,”

 

“Sige. Later na lang ulit. Salamat ha?”

 

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalabas ng room.

“Minsan talaga, may mga lalaking sana ipinahid ng lang sa kumot ng mga tatay nila. Sinisira nila ang Earth,” rinig kong sabi ni Charm sa inis na tono. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon, pero nakaramdam talaga ako ng inis lalo na noong tumawa si Spade.

Oz’s POV

 

“Sakay,” utos ko sa inis na inis na Alice. Sinamaan niya lang ako ng tingin at hindi kumilos kaya pinagbuksan ko pa siya ng pinto ng sasakyan at itinulak siya papasok sa loob saka ako umikot papunta sa driver’s seat. Tiningnan ko lang siya na nakacross-arms at nakatingin sa labas ng bintana. Napailing na lang ako and leaned forward. Naramdaman naman yata nito ang paglapit ko kaya gulat niya akong tiningnan.

“A-Anong ginagawa mo ha?!” nauutal nitong tanong. Hindi ko siya pinansin at mas lumapit pa. “Ano ba Oz?! Ano bang ginagawa mo?”

 

“Ano sa tingin mo?” I grinned.

“H-Hoy! Lumayo ka nga- ha?” nahinto ito sa pagrereklamo at pinagmasdan ang paglock ng seatbelt niya.

“Para kang walang sariling sasakyan. Matuto kang magsuot ng seatbelt mag-isa,”

 

“Ano?! Eh bakit kasi hindi mo na lang sinabi ha? May palapit-lapit ka pa-”

 

“Kinabahan ka naman?” putol ko sakanya saka inistart ang sasakyan.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-iwas nito at nanatili ng tahimik. Napailing na lang ako habang nagmamaneho. Hindi naman na siya nagtangkang magsalita kaya medyo nakakailang dahil bulong lang siya ng bulong sa sarili niya saka titingin ng masama sa direksyon ko. Binuksan ko na lang ang radio para naman makaiwas sa mga ritwal ng katabi ko.

(Click the track on the side: Every Heart (English Version) by: BoA)

“Saan ba tayo pupunta? Namamanhid na ang katawan ko kakaupo dito,” reklamo niya.

“Manahimik ka lang sandali. Malapit na,”

 

Ilang sandali pa ay inihinto ko na ang sasakyan sa harap ng isang park katapat lang ng ice cream parlor. Malapit lang naman ito sa mansion nila kung tutuusin kaya hindi na hassle kung sakaling ihatid ko siya. Hindi naman na ito nag-antay na pagbuksan ko pa siya ng pinto at nagkusa ng lumabas ng sasakyan at nag-inat pa ng katawan. Hindi naman ganoon kalayo ang byahe namin pero parang pagod na pagod siya.

“Uminom ka ba ng gamot mo kanina?” tanong ko ng lagpasan ko siya patungo sa pinto ng ice cream parlor. Naramdaman ko namang nakasunod lang ito sa likuran ko.

“Yea. Kaya nga antok na antok ako kanina sa field,” bored nitong sagot. Dumiretso ako sa isang bakanteng upuan at doon na naupo. Sumunod naman agad ito at naupo sa tapat ko. “Anong ginagawa natin dito?” Kinatok ko nga ang ulo. Sinamaan naman niya ako ng tingin hawak ang ulo niya. “Ano na naman ba?!”

 

“Naospital ka lang, nawala na ang common sense mo. Kanina ka pa tanong ng tanong ng mga obvious.” She rolled her eyes. “Malamang kakain tayo ng ice cream. Ice cream parlor nga diba?” diniin ko pa talaga ng salitang ice cream.

“Oo na. I mean, why? Bakit? Hello, pagabi na tapos ice cream pa ang trip mo. Isip bata!”

 

“Magpasalamat ka na lang dahil treat ko ‘to. Grasya.”

 

Sakto naman na may lumapit ng crew sa table namin kaya hindi na siya nakasagot. Inabot ko kay Alice ang menu dahil ako lang ang binigyan ng waiter. Wala namang pakialam si Alice kung pinansin ba siya ng crew o hindi, ang mahalaga lang sakanya makakain na. Double dutch inorder niya kaya nakigaya na lang ako. Ano namang malay ko sa mga flavour na ‘yan? That’s girls thing. Kaya ko lang naman nalaman ang lugar na ‘to dahil sinabi sakin ni Gin. Tss. At kung ano mang trip mayroon ako ngayong araw, kasalanan rin ito ni Gin. Minsan talaga nagtataka ako kung kapatid ko ba ‘yon at kung professor ba talaga siya dahil sa kabaduyan niya.

“Balita ko tumapak ka sa teritoryo niya,” bungad sakin ni Gin pagkatapak ko pa lang sa bahay. Nasa hagdan lang ito na para bang inaasahan na ang pagdating ko.

 

Dumiretso ako sa sofa at inihilata ang sarili ko habang nakataas pa ang dalawang paa sa center table namin. “Ang bilis talaga ng balita,”

 

“Mabuti naman at nakalabas ka pa ng buhay.” Naramdaman kong tumabi ito sakin. “Ano ba kasing ginawa mo doon?”

 

“Si Alice…” simple kong sagot sakanya.

 

Tumango-tango naman ito at tipid na ngumiti. “How’s she? Balitang-balita ang ginawa niya sa tatlong lalaking ‘yon ah. Ang astig pala talaga niya ‘no?”

 

“Tss,”

 

“So why don’t you make a little move? Para naman masulit na ang mga panahon,”

 

“What? Don’t joke around dude,”

 

“I’m no kidding kiddo. Do it pagbalik niya and I have my eyes on you. Dalhin mo siya dito.” Sabay abot ng isang papel.

 

“Ice cream parlor?”

“I love reading the menu…”

 

Nabalik ako sa realidad at iniiwas ang tingin ko sa labas. Obvious naman magspy itong Gin na ‘to. Nasa labas siya ng ice cream parlor ngayon at talagang nagspy pa. Tinotoo niya nga ang sinabi niya. Tss. Humarap ako kay Alice na nakatitig sa menu. “Bakit?” tanong ko rito. Baka kasi bumanat.

“Because it has Me ‘n U,” natatawang sabi nito. Napaiwas naman ako ng tingin dito ng maramdamang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. What the heck Alice?! “Ang korni ‘no? Banat daw ‘yan ni papa kay mama noong panahon nila. Naiimagine ko tuloy ang mukha ni mama,” she managed to say between her laughs. “Ang jologs ni papa,”

 

“Tss,” akala ko babanat siya. Ano nga namang aasahan ko sa isang Alice Lax Grey?

“Pst. May alam kang mga jologs na banat?” Nilingon ko lang ito saka tinitigan na parang alien words ang mga sinabi niya. She heaved a sigh noong wala siyang natanggap na sagot mula sakin. “Ako na nga lang,” umismid pa ito. “Oz, pwede umalis ka na sa harap ko!” inis na sabi nito.

Napakunot ako ng noo. “Akala ko ba babanat ka-”

 

“Dito ka na lang sa tabi ko,” she then smiled. Napatitig na lang ako sakanya. Bumanat nga. Akala ko pa naman walang kabaduyan sa katawan ang isang ito. Pasimple na lang akong ngumiti at mabuti na lang biglang dumating ang order namin kaya doon na nafocus ang atensyon niya. Kumain na lang din ako. Cool down Oz, nag-aabnormal ang katawan mo.

“Ikaw pala ang nakahanap ng syringe na ginamit sakin?” panimula nito. Tinaguan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Masarap pala ito. Hindi na rin naman siya nagsalita after. Mukha namang naikwento na kasi sakanya ang mga nangyari.

Nag-angat ako ng tingin matapos kong kumain saka siya pinagmasdan. “Hoy babae, tapos ka na ba? Napakatakaw mo naman,” abot ko sakanya ng tissue. Para kasing bata kumain ng ice cream, maraming tira sa gilid ng labi. Akala ko ba sopistikada siya? Naiba na yata ang ihip ng hangin noong nakatikim siya ng ice cream.

“Tapos na. Tara.” Sinundan ko na lang siya palabas matapos kong magbayad. Sumakay naman agad ako sa driver’s seat at nagsimula ng magdrive papunta sa direksyon ng mansion nila. Nadaanan ko pa nga si Gin na nakadisguise na spy, akala naman niya hindi halata ang pakulo niya.

“Diretso mo diyan,” turo ng katabi ko. Nakalimutan na yata niyang nakapunta na ako sa mansion nila kaya alam ko na ang daan.

“Kung didiretsuhin ko ba ang daan na ‘to… makakarating ako sa puso mo?”

 

I smirked at her ng makita ang gulat niyang mukha. Akala niya siya lang marunong bumanat. Psh.

© Gingerlu

- - -

Look at the multimedia. Imagine Alice reaction was as epic as that everytime Oz did something crazy in her eyes. So cute XD Hope you enjoyed this one. I hope! Hahaha.

Dedicated to: -byuntaeful who made the video trailer of this story. Check that on the prologue guys. Thanks for that one, chingu :)

Fortsett å les

You'll Also Like

2.6M 69.9K 33
Gorgeous, Rich, and Bitch-- Three words describe this girl. Her dad sent her in their own university for her to study. Then, she pretend to be a nerd...
69.9K 1.8K 37
[COMPLETED] Vampire #91- rank as of Dec. 5, 2017 #722-Rank as of Dec. 4, 2017 #403- rank as of Dec. 24, 2017 #94- rank as of Dec. 25, 2017 #106- rank...
307K 5.3K 36
BOOK TWO GUYS! Book two of Black Princess: The Darkest Secret "Mess with her and you will die" That is the popular description for her. It suits her...
She's the Boss Av Zy

Ungdomsfiksjon

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...