Ang Girlfriend Ng Hearthrob A...

By PrincessViolet_004

175K 4.7K 233

Paano kung ang landas ng isang TOMBOY at isang HEARTHROB ay magtagpo dahil lang sa isang natapong ICE CREAM... More

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O
Prologue
CHAPTER 1 - Introducing 'That's My TOMBOY' ^__^
CHAPTER 2 - My First Day As A Senior / Introducing The Mighty Bestfriend
CHAPTER 3 - Introducing Xander, The Hearthrob
*SPECIAL CHAPTER: 1- Meet Queen B
CHAPTER 4 - Lustayin Ang Pera Ni Myrtle. MWAHAHAHAHA :D
CHAPTER 5 - Friends?? :)
CHAPTER 6 - Cutting Kasama Si Friend ^^
SPECIAL CHAPTER: 2 - The Fashionista And The Boastful Kid
CHAPTER 7 - The Girl At The Cafeteria
CHAPTER 8 - A Trip To Palawan Part I
CHAPTER 8 - A Trip To Palawan Part II
CHAPTER 8 - A Trip To Palawan Part III
CHAPTER 9 - Taken na sya </3
SPECIAL CHAPTER: 3 - A Night With Troy Austin
CHAPTER 10 - Wouldn't Change A Thing
CHAPTER 11 - AYOKONG MAGING MUSE!!!!!!!!!!!
CHAPTER 12 - When Gwen Hanson Strikes! >.<
SPECIAL CHAPTER: 4 - The 2 Geeks
CHAPTER 13 - I'm alone, every now and then...
CHAPTER 14 - A Party Of Models
CHAPTER 15 - Gwen Hanson Strikes Again
SPECIAL CHAPTER 5: Meet Miss A
CHAPTER 16 - The Deal
CHAPTER 17 - First Day As His Girlfriend
CHAPTER 18 - First Fight As A Couple? o.O
SPECIAL CHAPTER 6: A Day With Max & Ayellie
CHAPTER 19 - Voiceless -____-
CHAPTER 20 - A Date With Xander & Sky Part I
CHAPTER 20 - A Date With Xander & Sky Part II
CHAPTER 21 - Practice Game
SPECIAL CHAPTER 7: A Photoshoot
CHAPTER 22 - Practice! Practice! Practice!
CHAPTER 23 - Let The Game, Begins! Part I
CHAPTER 23 - Let The Game, Begins! Part II
CHAPTER 23 - Let The Game, Begins! Part III
CHAPTER 23 - Let The Game, Begins! Part IV
CHAPTER 24 - She's In Danger
SPECIAL CHAPTER 8: Friend
CHAPTER 25 - Knowing His Feelings
CHAPTER 26 - Broken Hearts </3
CHAPTER 27 - HER Story
SPECIAL CHAPTER: 9 - Queen B's Birthday
CHAPTER 28 - Cold Xander
CHAPTER 30 - It's Official
SPECIAL CHAPTER: 10 - Happily Inlove
CHAPTER 31 - Moving Closer..
CHAPTER 32 - Little Turtles/Mini Concert
Author's NOTE!
CHAPTER 33 - Epic Fail
CHAPTER 34 - Untitled
CHAPTER 35 - Bestfriends Again
CHAPTER 36 - When SHE Came Back Part I
CHAPTER 36 - When SHE Came Back Part II
CHAPTER 37 - Her Sickness
CHAPTER 38 - Dangerous Myrtle
CHAPTER 39 - Second To The Last
CHAPTER 40 - Last Pages
Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O_O - Epilogue
Author's Note
TEASER FOR BOOK 2!

CHAPTER 29 - Hello Sa MagPinsan

1.9K 51 1
By PrincessViolet_004

CHAPTER 29 - Hello Sa MagPinsan

MYRTLE's POV

Nasa library lang ako at I busied myself from reviewing dahil lintik na teacher sa Values Ed, bigla ba naman mag surprise quiz? -_____-+

Pagkatapos kong magreview, sumaglit lang ako sa canteen at bumili ng sandwich tsaka tubig. Wala ako sa mood kumain ng heavy meal.

Umakyat na ako papuntang room at 20 minutes pa bago magstart ang klase. Bubuksan ko na sana yung binili ko ng mapansin ko yung styro sa table ko.

Lumapit ako at tumingin sa paligid pero wala naman silang pakialam sakin. Binuksan ko yung styro at chicken curry ang nasa loob at may kanin na din. Umupo ako tapos kinain ko na lang yung nasa styro, feeling ko kasi para sakin yun eh.

Kasabay ng pagsara ko ng styro ang pagpasok ng teacher namin sa Values kasabay nya si Xander. Agad na umupo sa tabi ko si Xander. Naglabas kami ng one whole sheet of paper at nagnumber from 1-80. Astig talaga ng teacher na toh, quiz pa ba ang 80 items?? (~~)

Pinaskil nya sa board yung questions, "Start answering now. I'll give you 40 minutes to answer this" sabi nya. Shit naman! 30 seconds lang bawat item? Yung totoo? >_<!

Binuksan ko na yung pen ko at nagstart na magsagot ng questions.

55-61. List down the multiple intelligence.

O____O

ANO YUN?! ANO YUNG MULTIPLE INTELLIGENCE?! HALAAAAAAAAA!!!!!!!!

Napakagat ako sa labi habang tinitignan ko yung tanong. Huhuhuhuhu. Ano yung mga yun?! :(

Napatingin ako sa side ni Xander, nakaubob lang sya sa table nya kaya pinoke ko sya gamit yung ballpen kahit nagagalit pa din ako sa mga pinaggagagawa nya kagabi -___-+

"What?" he asked me in a cold tone

"What are you doin?" I questioned him with a cold tone too

"Sleeping?" sabi nya ng patanong

"We are having a long quiz Mr. Ramolino" sabi ko in a cold tone pa din

"Yeah I know, don't state the obvious" sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Then why are you sleeping?" I asked

"I don't know the answers" sagot nya tapos natulog ulit sya. WTH?!!!!

Napafacepalm na lang ako tapos sinagot ko na yung ibang tanong. Pagkatapos ng 40 minutes, pinasa na namin yung mga papel namin at nagpaalam na yung teacher namin.

Wala na kaming last subject dahil absent ang teacher namin sa Physics. Nakatayo ako, nakaharap sa upuan ko, inaayos yung mga gamit ko sa bag nung narinig ko yung usapan nila Xander at Max.

"Hey dude! Anong plano mo bukas? Saturday naman tomorrow eh" Max

"We'll go to our private resort. Of course, you're invited!" Xander

"Talaga! Wow naman! Sige sige, sama ko na din si Ayellie ah?" Max

"Sure sure" Xander

"Just make sure na marami kang beers na ihahanda! Hahaha! Advance Happy Birthday dude!" Max

ASDFGHJKL??!!!!!

BIRTHDAY NI XANDER BUKAS?!

Napatingin naman ako sa side nila at nakita kong nakatingin sila sakin, "So, I'm sure invited yung girlfriend mo" sabi ni Max habang nakangiti ng mapangasar

"Actually, she's not invited" nalungkot naman ako sa sagot nya, "Sorry ha? Wala ng space na room para sayo eh" sabi nya then he smirk at umalis sa classroom.

Napaupo ako sa tabi ng upuan ko at sinubsob ko yung mukha ko sa mga braso ko, "Myrtle, nagbibiro lang yung gagong yun. Sure akong invited ka. Alam kong galit ka sa kanya at ewan ko sa kanya kung galit din sya sayo pero sure akong welcome ka sa party nya bukas" sabi ni Max habang hinahagod yung likod ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Pinunasan ko yung mga luha ko at hinarap si Max, "No. I won't come. Sya na nagsabi" sabi ko at tumayo tapos umuwi na ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko at sinalampak yung katawan ko sa kama habang umiiyak akong nakatingin sa ceiling at yakap yakap ko yung stufftoy na binigay nya sakin nung nasa Palawan kami.

Pagkatapos kong umiyak, nagbihis ako ng pambahay at nagsuot ng jacket. Humingi ako ng pera kay Mommy.

"Myrtle! Can you buy me some Kitkat?" tanong ni Alixia. Inabot nya yung pera sakin tapos tumango lang ako at lumabas ng bahay. Naglakad lakad ako sa malapit na 7/11 sa subdivision namin. Binili ko muna yung Kitkat ni Alixia tapos nagorder ako ng siopao tsaka coke.

Umupo ako sa dulo at tinignan yung pagkaing nakalagay sa table ko. Maya maya, may umupong nakahood na black na lalaki sa katapat kong upuan. May nilapag syang maliit na card sa table.

"Mom wants to see you tomorrow. I meant what I said earlier. Sya ang nagiinvite sayo" sabi nya habang nakatitig sakin. Kinuha ko yung invitation card tapos tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit, "Tell your Mom, thanks" sabi ko. Tumango lang sya tapos umalis na din sya agad.

Xander, why? :(

=====

Nandito ako sa tapat ng bahay namin at inaabangan ko yung van. Pumunta pala sa bahay kagabi si Tita Melody (mom ni Xander) para sabihin na susunduin nya na lang ako sa bahay namin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 3:30 AM pa lang at kinakain ako ng lamig dito. Nakarinig ako ng tunog ng kotse at napalingon ako sa left side.

Bumaba sya mula sa sasakyan nya at lumapit sya sakin, "Sakin ka na daw sumabay" sabi nya at kinuha nya yung mga gamit ko.

"A-akala ko ba van ang susundo sakin?" tanong ko sa kanya. Tumigil sya sa paglagay ng bag sa likod ng sasakyan nya, "Puno na yung van. Ngayon, kung gusto mong sumisik pa dun hindi kita pipigilan" sabi nya kaya napayuko na lang ako.

"Ngungulit pa eh" bulong nya pero rinig ko naman =___=

Binuksan ko na yung pinto sa passenger seat tapos pumasok na din sya at nagstart na syang magdrive.

XANDER's POV

Palinga linga ako sa katabi ko. Wala eh. Miss ko na sya.

Tumigil ako sa isang gilid. Nasa NLEX kami papuntang private resort namin. Pinatay ko yung engine tapos naglean down ako sa katabi ko.

Mahimbing lang syang natutulog. Inayos ko yung ilang strands ng buhok sa mukha nya.

Ang tanga ko kagabi. Masisisi nyo ba ako? Tao lang naman din ako, may pakiramdam, nasasaktan. Kaya lang naman ako nagiging cold sa kanya dahil gusto ko ng lumayo, para di na masyadong masakit sakin.

Pero...

Kahit anong layo ko pala, babalik at babalik pa din ako sa kanya.

Bumalik ako sa upuan ko nung nakita kong gumalaw sya kaya dali dali kong pinaandar yung sasakyan.

Nakarating kami sa resort around 9 AM. Ginising ko na din sya tapos lumabas ng sasakyan ko at kinuha yung mga gamit. Pumasok kami sa hotel namin at binigay naman samin yung susi ng kwarto.

Hinatid ko sya sa kwarto nya at iniwan ko na sya dun.

Pagkababa ko sa lobby, sakto naman ang pagdating nila Max at Ayellie, "Bro, san kwarto namin?" tanong ni Max

"Kunin nyo na lang sa may reservation desk" sagot ko, tumango naman sya sakin tapos umalis na din.

Lumabas ako ng hotel at sinalubong ako ni Mommy, "Kasama mo na ba sya?" tanong nya sakin.

"Yes Mom. Nagpapahinga na sya sa kwarto nya" sagot ko. Kinuha ko yung mga gamit nila Mommy at dinala sa kwarto nila.

MYRTLE's POV

Nagising ako around 11:30. Nagugutom na kasi ako -____-+

Nagbihis lang ako sandali at lumabas ng kwarto. Nagulat ako nung bumukas yung katapat na pinto at lumabas si Xander.

"Buti gumising ka na. Kakain na daw" cold nyang sabi tapos umalis na sya. Sumunod naman ako sa kanya at pumunta kami sa shoreline kung san may nakalatag na mga makukulay na tela.

"Myrtle! Finally you're here!" sabi ni Tita Melody at niyakap nya ako. Ngumiti ako sa kanya tapos pinaupo nya ako sa tabi ni Xander. Gusto ko sanang umalis kaso ayaw ni Tita Melody kaya wala na akong nagawa.

Nakatingin lang ako sa dagat habang pinakikiramdaman ko yung katabi ko.

"XANDER!!!" napalingon kaming dalawa ni Xander sa tumawag sa kanya. Isang lalaki at babae ang tumatakbo palapit samin at parehas silang matangkad.

Umupo yung babae sa kabilang side ni Xander at hinalikan sya sa pisngi, "Antoinette?" sabi ni Xander

"Hmp! Toh naman! Parang 2 years lang di tayo nagkita di mo na ako kilala?" tapos nagpout yung Antoinette.

"Yuck! Tigilan mo nga yan Antonya!" sigaw nung lalaking nasa likod ni Antoinette

"Uy bro! Buti nakadating kayo!" tapos nag fist to fist sila ni Xander

"Syempre! Hindi po pa rin nakakalimutan yung birthday mo" sabi nung lalaki.

"Hey Euri! Umalis ka na nga dito! Magmomoment pa kami ni Xander!" shinoo nya yung lalaking kasama nya

"Antonya manahimik ka dyan ah" sabi nung lalaki tapos naupo sya sa tabi ni Antoinette. Napatingin naman sakin yung lalaki at ngumiti, "Hi" sabi nya.

Napatingin naman samin si Antoinette at Xander, "Uh..hello" sabi ko at ngumiti ng alanganin.

"Anong name mo? I'm Euri" sabi nya sabay lahad ng kamay sakin. Kinuha ko naman yung kamay nya, "Myrtle" sabi ko.

"Gosh Euri! Dumadamoves ka agad?" sabi ni Antoinette. "Paki mo ba Antonya?" inis na sabi ni Euri, natawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa.

"Hi, I'm Antoinette. Xander's future wife" sabi nya tapos nakipagshake hands sakin. Nafroze naman ako sa sinabi nya kaya tumingin na lang ako sa dagat.

Natapos magihaw yung mga tanders at umupo na din sila tapos nilapag nila yung mga pagkain. Nagpray na muna kami tapos kumain na din.

Ang ingay namin kasi laging nagbabayangan si Euri at Antoinette. Kung di ko lang alam na mapinsan toh baka mapagkamalan kong magkarelasyon sila. (Picture ng magpinsan sa right side :))

Pagkatapos namin kumain, niligpit namin yung mga plato. Pagkatapos nun, humiwalay ako sa kanila at naglakad lakad. Naramdaman ko naman na may sumusunod sakin kaya napalingon ako agad. Si Euri pala.

"Natakot ba kita?" tanong nya tapos napakamot sya sa batok nya, "Medyo" sagot ko. Sumabay sya sakin sa paglalakad.

"Girlfriend ka pala ni Xander? Nakwento sakin ni Tita Melody" sabi nya.

"Ah..oo.." tapos ngumiti ako ng pilit.

"Ano naman si Xander bilang boyfriend? Describe mo nga" sabi nya. Umupo kami sa buhanginan. Magsusunset na pala.

"Si Xander? Mabait naman sya. Sweet, masayahin, pala kwento, tsaka minsan bigla na lang magsusurprise ganun. Bakit mo natanong?"

"Ah wala lang. Akala ko kasi naunahan nya na ako eh" sagot ni Euri

"Nauunahan? Saan?" tanong ko

"Alam mo kasi, niyaya ko sya dati na paramihan kami ng babae bago kami magkita ulit kaso umayaw sya. Akala ko kasi naunahan nya na ako. Alam mo na, people change" sabi nya, ngumiti lang ako, "Pero, paniguradong manghihinayang si Xander kapag pinakawalan ka pa nya" dagdag nya

"Ba't mo naman nasabi?" ni hindi ko nga alam kung may nararamdaman yun para sakin o wala eh :3

"Basta sure ako. Hindi naman kasi lahat ng bagay kailangan ng explanation" sabi nya.

"Si Antoinette, gaano sila kaclose ni Xander?" tanong ko

"Naku wag kang magselos sa Antonya na yun. Lagi kasing ganyan yan. Kapag nakikita nyang may kasamang babae si Xander na iba, ganun sya kumilos. Pero wag mo na lang pansinin yung sinabi nya kanina, may boyfriend yung Antonya na yun" bitter nyang sabi

"Sigurado ka bang magpinsan kayong dalawa?" tanong ko

"Oo naman. Close lang talaga kaming dalawa. Kaso galit ako dun kasi ayoko sa boyfriend nya. Ang angas kaya" sabi nya.

"Eh ikaw? May girlfriend ka?"

"Bakit? Makikipagbreak ka ba kay Xander tapos magiging akin ka?" binatukan ko sya.

"Baliw! Hindi noh!"

"HAHAHAHAHAHAHA!!! Halatang mahal mo si Xander ah" napatigil naman ako sa sinabi nya. Mahal ko si Xander?

Pagkatapos namin magusap, tinulungan nya akong tumayo. Pinagpag ko naman yung legs ko kasi may mga buhangin na dumikit.

Nagjojoke lang sya habang naglalakad kami pabalik ng hotel. Napatigil ako sa paglakad nung nakita ko si Xander sa may cottage, may kayakap na babae.

Continue Reading

You'll Also Like

142K 3.2K 68
"Don't you dare mess up with the bad girl." SO I'LL BE RE EDITING THIS FOR YOU TO UNDERSTAND IT SIGURO NG MAS OKAY GANON SYEMPRE JEJESTERS PAKO NETO...
21K 818 51
(BOOK 2 OF GANGSTER TO THE GANGSTER) Continuation.... Gangsters Love. the gangster who felt in love to each other but?kaya ba nila?if may mamatay sa...
171K 5.7K 64
Kapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang ma...
27.8K 1.2K 51
(I Have Seven Daddies Book 2) ---***--- Prologue: Being an Idol is not easy. Maraming pagsubok kang kailangang lamapasan. At syempre, bago ka maging...