CLASS 203 (Completed)

Od MAP-Angelo

34.2K 863 47

[Book 2 of Class 103] Isang nakakalungkot na bakasyon ang nangyari kay Kyle Flores, Isang Istudyante nang Kir... Více

Chapter 1 : Welcomming
Chapter 2 : Last Vacation
Chapter 3 : Only Hope
Chapter 4 : Case Study
Chapter 5 : Prediction
Chapter 6: Prediction II
Chapter 7: Undying Issue
Chapter 8: Other Side
Chapter 9: Founded
Chapter 10: Meet Again
Chapter 11: The Story
Chapter 12: Over Night
Chapter 13 : Big Question
Chapter 14: Why's
Chapter 15 : Trust Jason
Chapter 16 : So Many thoughts
Chapter 17 : Who did what?
Chapter 18 : The Video Clip
Chapter 20 : The Decision
Chapter 21 : The Decision II
Chapter 22 : What is the Way?
Chapter 23 : Solution
Chapter 24 : Their Death
Chapter 25 : Their Death II
Chapter 26 : Reasons
Chapter 27 : Survival
Chapter 28 : Survival II
Chapter 29 : The Survivor
EPILOGUE
Author's Note!

Chapter 19 : Their Point of View

894 15 1
Od MAP-Angelo

Chapter 19 : Their Point of View.

————————————————————

PABABA na sana ng hagdan si Renalyn ng napatigil siya. Nagtataka siya kung bakit ba patay-sindi ang kanilang ilaw sa salas.

"Kuya? are you there ?" Ngunit walang sumagot

"Yaya Maring??.. Yaya ?"

humakbang siya ng isa sa hagdan at muli ay hinahanap kung may tao ba na naroon. "Bakit ba hindi pa nila pinalitan kanina." Medyo naiirita niyang saad.
Pinagpatuloy niya ang pag-baba ng hagdan nang tuluyan ng mamatay ang ilaw na naroon.

"Omg!" mabuti na lamang at dala niya ang kanyang telepono at mabilis niya itong binuksan.In-on niya ang flashlight nito at inilawan ang paligid. "Omygash!" bulalas niya pa nang may marinig siyang nahulog na isang bagay mula sa kusina. Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso niya pero pinagpatuloy niya pa din ang paglalakad.

"Yaya Maring nasan ka ba ?!" Naiirita pero natatakot niyang  sambit . "Yay—H-huh? s-sino yan?" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang sa kanyang paglilibot ay may nahagip siyang nakatayo malapit sa may lamesa nila. Ibinalik niya ang ilaw doon ngunit wala namang naroon na kahit na sino. "Kuya! hindi ka na nakakatuwa ha! isusumbong talaga kita kay Daddy!" Inihakbang niya ulit ang kanyang paa ng biglang may humawak sa kanyang balikat. Lumingon siya dito at mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata! Nakita niya roon ang isang lalaking nakatayo mula sa likod niya—Hindi ito ang kanyang kuya!

Isang lalaking duguan! Ninais niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Para siyang tinakasan ng kanyang kaluluwa dahil sa nakita. Lalo namang tumaas ang mga balahibo niya nang ngumisi ito na nagbigay sa kanya nang kakila-kilabot na pakiramdam!

"Fvck!" sambit niya sa kanyang isipan. Kahit na gulat na gulat ay sinubukan niyang tumakbo, hindi na rin niya alam kung nasaan ang kanyang telepono, wala na sa isip niya na madalim at tila alam niya kung nasaan ang hagdanan nila, umakyat siya dito at walang anu-ano ay tumakbo siya paakyat. Balak niyang magtago sa kwarto niya at takasan ang lalaki kahit na imposible. Nagtataka siya kung bakit ba ang tagal niyang makarating sa taas.

"Malapit na!" saad ulit niya sa kanyang isip. Nang makita ang itaas ay parang nais niyang muling bumaba! "MAMATAY KA!"
"AAAAAAAHHHHHHH!




*

Kanina pa napapailing nang ulo si Sabrina. Nakahiga siya sa kanyang kama na tila ba ay nababangungot, nahihirapan na ding siyang huminga, kaya naman ay napaupo siya sa kama. Pinilit niyang habulin ang hininga ngunit hindi na niya magawa. Akala niya ay panaginip lang iyon, pero hindi na niya kaya ang nararamdaman.

Hindi din siya makapagsalita dahil sa tinutuon niya sa paghahabol ng hininga ang ginagawa.
Hinawakan niya ang kanyang leeg dahil pakiramdam niya ay sinasakal siya, ngunit wala namang sino ang gumagawa nito. 'Nasan na ba ang hangin!?' pagtatanong niya sa kanyang isip. Naramdaman niya ang paghapdi ng kanyang mata. Umiiyak na siya ng dugo , gulat siyang napahawak sa kayang pisingi at nanlaki ang kanyang mga mata, hinawakan niya ang kanyang leeg dahil sa hindi na niya kaya ang nararanasan

Hindi na niya kaya.... Mukhang mamamatay na siya!





*

"Oo diyan nga"

"Eh ano ngang Floor ma?!" naiiritang tanong ni Hyacinth sa ina, inutusan kase siya nito na pumunta sa condo ng kanyang Tita Odesa. Ihahatid niya dito ang mga requirements na kakailanganin nito sa isang trabaho.

'Bakit kase hindi na lang pina deliver e!' naiirita niyang saad sa isip.

"34th Floor nga, jusko namang bata to. kanina ko pa sinabi sayo ah"

"Oo na oo na , sige na ma!" madiin niyang saad at pinatay ang linya nang telepono. Pinindot na niya ang button para makapasok sa elevator. Tinignan naman niya ang Monitor na nasa gilid nito.

Ito ang advantage sa Condo dito, may CCTV Camera sa loob ng elevator at makikita din mismo sa labas nito ang nangyayari sa loob. Sa madaling sabi ay malayang makikita ng mga papasok sa elevator kung madami bang tao o wala.

Masaya siyang ngumiti dahil wala namang nakasakay sa elevator na iyon.

Hinintay niya itong bumaba at magbukas , ilang minuto pa ang lumipas nang magbukas ito.

Pag-angat niya ng ulo ay nabigla siya sa nakita. May tao sa loob ng elevator!

Pinagmasdan niya ito ng matagal at nakita niyang nakatalikod ito. Nagsimula nang tumaas ang kanyang balahibo at kinabahan.

'P-paanong may tao ? e w-wala naman kanina'

Nanatili namang nakabukas ang elevator na wari mo ay hinihintay siyang pumasok dito. Tinignan niya ang monitor at nakita niya sa camera na walang bakas nang lalaki, ngunit kapag tinitignan niya ang loob ay narito ito.

Hindi niya malaman ang gagawin, dahil nagdadalawang isip siya kung papasok ba o hindi. Ano ba tong nakikita niya? Totoo ba ito?

"Excuse me"

Pumasok doon ang dalawang tao na tila ay magkasintahan. Tila hindi nila nakita ang lalaki sa loob na nananatiling nakatalikod sa kanila.

"Miss papasok ka ba?" pansin ng dalawa , kanina pa nila nakikita na tulala ang dalaga.

"O-opo" dahan-dahang pumasok ng elevator ang babae.

'May kasama naman ako' Sambit niya sa kanyang isip. Kinakabahan man ay pinilit niyang kumalma.

*Ting*

Tinignan niya kung anong Floor tumigil at nasa 27th Floor na sila, bumaba naman ang dalawang kasabay nila at naiwan na siyang mag-isa.Ngunit mag-isa nga lang ba siya.

Kinakabahan siyang muli, pinagpapawisan siya kahit malamig.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba hindi na din siya bumaba sa 27.

Nakaramdam siya ng pag-galaw sa kanyang likuran. Mukha ngang may kasama siya. Napapikit siya at matiim na nagdasal.Pinapanalangin na sana ay magbukas na ang elevator at nang sa ganun ay malakabas na siya. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng pagkakataon. Dahil ramdama niyang kanina pa siya nasa loob, pero patuloy pa din naman sa pag-angat ang elevator.

*Ting*

Mabilis niyang iminulat ang mata at mabilis na tumakbo, pero napatigil din nang makita niya ang isang lalaki sa dulo ng pasilyo.

Ito ang lalaki na kasama niya kanina sa elevator!.

Para siyang hihimatayin sa nangyayari, Bakit ba ito nangyayari sa kanya!? Bakit?!

Tatakbo na ulit sana siya nang makita ang lalaki sa mismong harapan niya.

*

Binuksan ni Kyle ang pintuan ng kanilang kwarto. Tapos na ang imbistigasyon ng mga pulis sa kanila. Sa katunayan ay hinahanap na ng mga ito kung ano ba ang motibo sa krimen, napatunayan na din na walang sinuman sa kanila ang gumawa ng pagpatay. Sinabi din nang mga pulis na mukhang pinag-planuhan talaga ang pagpatay dahil sa walang anumang finger print ang nakita sa lugar ng pinangyarihan , maging ang CCTV doon ay wala ding kopya. Kaya naman nagtataka din ang Admin ng Kirin Art kung sino ba ang mga nagpunta sa kinaroroonan ng Data Room.

Tapos na ang imbistigasyon sa kanila pero ganun pa din ang hitsura ng karamihan, Tila ba puyat ang mga ito at may pinagdadaanan.

Umupo siya sa katabing upuan ng kaibigang si Joel na kasalukuyang natutulog, Hindi niya ito inistorbo dahil karamihan sa kanila ay ganoon ang posisyon.

Inisip na lang ni Kyle na baka nagabihan ang mga ito sa pagpunta sa burol ni Jerson kagabi.

Dumating na din ang kanilang guro sa Web Prog 6 na si Mr.Sison kaya mabilis na tinapik ni Kyle ang katabi para magising. Nagulat naman siya sa naging reksiyon nito na tila ba ay nakakita ng multo.

Napasigaw pa ito kagaya ng iba na naging dahilan ng kanyang pagtataka.

"Ayos ka lang ba par? para ka ding si Emerson e, nawawala sa sarili" deretso nitong sabi.

"A-ayos lang ako" sagot ng lalaki at inayos ang pagkakaupo.

"Oo nga pala, ano pala yung pinanuod niyong video kahapon? hindi ko na napanuod kase si Emerson hinila ako sa canteen" Nag-alala kase si Kyle na wala siyang mapapasang Activity sa pinapagawang activity kahapon. Narinig niya din kase ang bulung-bulungan nina Andrew.

"... at tsaka bakit galit na galit sina Dave kay ma'am ? ano ba yung pinanuod niyo? about sa....?" Inaasahan niyang sasagutin siya ng lalaki ngunit nanatili itong tahimik at tulala sa harapan. Patikhim namang umayos ng upo si Kyle at tsaka nanahimik na lang. 'Siguro mamaya na lang kapag hindi na siya inaantok' saad niya.

Nagsimula na din ang klase ni Mr. Sison pero nanatili namang walang kabuhay-buhay ang klase, tahimik at tila wala sa mood ang lahat. Ang iba nga ay nakakatulog na at bigla na lang sisigaw kapag nagigising, kaya naman hindi sila napipigilang pagalitan ng guro. Dahil dito ay maaga silang dinismissed ni Mr.Sison.

Dahil sa hindi naman makausap ni Kyle si Joel at ang iba ay napagpasiyahan niyang lumabas ng clasroom at puntahan ang kanilang adviser, para itanong kung ano ba ang ipinasang activity kahapon. Hindi pa man siya tuluyang nakakaakyat ng 6th floor ay nakita niya si Emerson na kapapasok lang. Tinawag niya ito pero sa unang beses niyang pagtawag ay hindi siya nito napansin. Lumapit siya dito at nakita niya ang sugat malapit sa labi nito.

"Anong nangyari sayo?" pagtatanong niya dito.

Inilihis ng lalaki ang kanyang mukha, medyo nagulat din siya nang makita ang kaklase.Hindi naman siya iniwan ni Kyle at muling tinanong.

"...Anong nangyayari sayo Emerson? napaaway ka ba ?"

"H-hindi...." Tumingin ito sa kanyang mga mata at nakikita niya dito ang depresyon.

"K-kyle.. Tulungan mo ako..."

Saad niya at tuluyan nang tumulo ang luha niya na kanina pa nagbabadya.






***

"Gago ka Aries! Gago ka! Sabihin mo nga saamin ano ba yung ginawa mo?" Nangangalaiting tanong ni Rafael sa kaklase, nabalitaan kase nila na namatay si Leonardo kahapon. At bago iyon ay tumawag pa ito sa kanila at tinanong sila kung nakikita din ba nila ang lalaking napanuod nila sa video.Hindi na din malaman ni Aries ang nangyayari. Tama nga ang balita noon. May sumpa ang Video na pinanuod nila!

Gulat din ang naramdaman niya nang malaman na pare-pareho pala silang binabangungot tuwing gabi.

"Ano Aries! magsalita ka!" nagwawalang tanong ni Rafael, umiiyak na din ito dahil sa takot at galit na nararamdaman.

"P-Pre..... Anong gagawin natin?" pagtatanong ni Franciss kay Aries na wala pa rin sa sarili.

Napatingin siya sa kaklase, ano pa nga ba ang maari nilang gawin?.

***






~*~

NEXT NEXT NEXT CHAPTER PREVIEW:

"Ikaw ba ang pumatay sa kuya ko?"

Nangingig sa galit na tanong niya.
Tumingin sa kanya ang lalaki at nagulat siya sa reaksiyon nito.

"Oo ako nga... at ngayong alam mo na, ikaw naman ang papatayin ko".

CHAPTER 20: THE DECISION.


Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

Manila Encounters Od ︎

Mystery / Thriller

96.7K 2.7K 102
These spooky tweets from #ManilaEncounters might keep you up all night :) - All rights reserved. Copyright © 2018
468K 4K 9
✓| Witches don't usually look like those in cliche books who looks like an old woman, hunchback, and a hooked nose. Just like how Luna Hamilton looks...
344K 820 3
UNDER HEAVY EDITING!!! Copyright © 2013 by ZhaneyFiel Disclaimer: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced. Al...
57.9K 1.6K 200
The stories you're about to read are not mine. These are all from popular facebook page "Spookify" and other references. Thank you and enjoy reading!