100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?

228K 3.4K 1.4K
By Girlinlove

Chapter 40

Hope’s POV

“Long time no see.” Biglang sinabi ni Enzo kay Eula. Teka, magkakilala sila?

“How have you been?” Tanong ni Eula. Kinulbit ko naman agad si Chelsea.

“Chelsea, magkakilala sila?” bulong ko kay Chelsea. Umiling lang sa akin si Chelsea. Hindi din niya alam.

Pagkaupo ni Eula, lahat kami nagsimula ng kumain. Napansin kong awkward talaga yung tatlo kaya kinulbit ko si Enzo.

“Enzo, may problema ba? Bakit ang tahimik niyong tatlo?” Napatitig na lang sa akin si Enzo tapos ngumiti pero yung pilit.

“Umm, nagulat lang. Because of Eula.” Bulong niya. Bakit siya bumubulong?

“Kilala mo ang pinsan ni Chelsea?”

“She was my childhood bestfriend.” Woah. Okay! Kaya naman pala awkward.

“Oh? Talaga? Oh eh anong nangyari?”

“She migrated to the States. Natapos ang friendship namin doon.” Maikli niyang sinabi, cold pa.

“Bakit parang galit ka? Okay ka lang ba?”

“We’re not in good terms. Me and Eula, I mean.” Sagot niya. Not in good terms?

“Bakit?”

“She left me. Need I say more?”

Sabagay kapag iniwan ako ni Miks o Chelsea magagalit talaga ako. Ngumiti na lang ako at hinawakan ang kamay niya. Nginitian naman niya ako pabalik. Shocks, ganito pala yung feeling ng “mutual understanding”. Kung alam ko lang ‘to dati matagal na akong lumandi. Pero, asa pa ako. Wala naman akong lalandiin, di ako maganda.

Buong lunch hindi nagsasalita si Bryle at Venice. Si Enzo naman ako lang ang kinakausap. Ay naku, ang ayoko pa naman sa lahat eh awkward ang mga friends ko. Kailangan kong ayusin ‘to.

Kaya noong matapos ang class noong araw na yun kinausap ko si Chelsea at sinabi ko yung kwento ni Enzo tungkol kay Eula, pumayag naman siya sa plano ko na hayaang magusap yung dalawa para may closure. Hindi ba? Alam kong may dahilan si Eula kaya siya umalis dati at unfair naman kay Enzo kung hindi niya malalaman yun, unfair din kay Eula kung magagalit sa kanya si Enzo kaya mas mabuting magusap sila.

Oh my god, ang bait ko talaga. Go, Hope!

Noong sumunod na araw sinundo ako ni Enzo sa classroom, pero sinabi niya na gusto niyang kaming dalawa lang ang maglunch. Naudlot tuloy yung plano namin ni Chelsea na pagusapin si Enzo at Eula. Sige, sosolohin ko muna ang manliligaw ko.

“Hope.” Tawag niya sa akin. Nakaupo siya sa harap ko, nandito kami sa ilalim ng centennial tree habang kinakain yung tinake out namin sa canteen.

“Oh?” sabi ko habang subo subo ko yung legs ng chicken. Ang sarap. Bigla siyang tumawa. “Bakit?”

“You’re like a baby.” Tapos bigla siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng bibig ko. Bwiset na chicken ‘to! Masarap pero makalat! Kakahiya.

“You’re my baby.”

Oh my god! Yan na naman yang ‘Baby’ na yan! Shocks, ganito ba talaga? Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nililigawan? Ganito ba talaga ang pakiramdam na kasama mo yung taong gustong gusto mo? Oh sa akin lang ‘to? Kasi si Enzo Gutierrez ‘to? Ang Robin Scherbatsky ng buhay ko. Ang Hua Ze Lei ko. Ang Rui Hanazawa ko. Yung lalaking mula namulat ako sa salitang ‘pagmamahal’ eh siya ng inaasam asam ko?

“Why are you staring at me like that?” tanong niya.

“Enzo, alam mo naman yung nararamdaman ko para sa’yo hindi ba? Kung hindi pa, fine sige aamin na ako. First year pa lang ako, ikaw na ang gusto ko. Gustong gusto talaga kita. Kung gaano kagusto ni Pooh ang honey, kung gaano kagusto ni Hello Kitty ng ribbon, kung gaano kagusto ni Popeye si Olive, ganoon. Ganoon kita kagusto.”

“That’s very sweet.” Sabi niya habang nakangiti. Sobrang gwapo.

“Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya dahil dito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na nililigawan mo ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkagusto ka sa akin. Ilang beses ko ng kinurot yung sarili ko para siguraduhing realidad pa ‘to. Enzo, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na kasama kita ngayon.”

“Hope, when will you see your worth? You’re special. And I’m the lucky one here. I’m lucky I got you.”

Napatitig na lang ako sa kanya. Ayokong maniwala. Buong buhay ko naman hindi ako naging special. Hindi ako matalino, hindi ako maganda, walang nanliligaw sa akin, ngayon lang.

“Hope.”

“Hmm?”

“Thank you for everything.” Biglang sinabi niya.

“Bakit?”

“We’ve been through a lot you know? And you’re the only person who never left my side even if I’ve shown you its worst side. So, thank you. Thank you for being here. For being with me.”

Yun na ata ang pinakasincere na sinabi niya sa akin. Noong panahon na yun gusto kong maniwala na special ako. Gusto kong maniwala na mahal niya ako. Na ngayon hindi ako na lang ang nagmamahal, mahal na din ako ng taong mahal ko.

“Enzo…”

“Hmm?”

“Huwag ka munang magigive up sa akin ha? Ngayon palang kasi ako naniniwalang may kayang magmahal sa akin. Huwag ka munang mawawala.” Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya yun pero yun talaga ang nasa isip ko…

Ayokong umasa sa kanya ng sobra, kasi baka gumuho yung mundo ko kasi sa ngayon, halos sa kanya na lang umiikot ito.

Nginitian na lang niya ako at pinisil ang kamay ko para sa assurance.

“It’s time, I’ll see you later? After class?” Tanong niya.

“Sige.” Tumayo na kami at naglakad na papunta sa classroom ko.

Pagdating namin sa 5F, napangiti ako kasi hindi na sila masyadong nastastarstruck kay Enzo. Yung ibang boys nga makikipagfistbump pa sa kanya. Nasasanay na kasi silang lagi akong hinahatid at sinusundo ni Enzo. Minsan nga, aasarin pa nila ako pero in a good way kasi inaasar nila ako kay Enzo.

Hay, ganito pala ang feeling ng may nanliligaw sa’yo. Ang sarap.

“Hey, I’m going back to my room. See you later, pretty?” bigla niyang sinabi. Minsan talaga yung mga sinasabi ni Enzo masyadong cheesy! Pero sobrang epektibo naman sa akin kasi kilig na kilig ako.

“Oo. Kita tayo maya. Sa may likod ng gym.” Napakamot siya ng ulo.

“Why there?” Eh kasi paguusapin ko kayo ni Eula.

“Eh sige na. Maiba naman. Ha? Wag mo na akong sunduin sa classroom, deretso ka na doon.”

“Are you going to surprise me?”

“Kung isusurprise man kita, hindi ka dapat nagtatanong ng ganoong tanong! Sinong nagtatanong ng ‘isusurprise mo ba ako?’ at paano ko sasagutin yon? Kaya Enzo G. kita na lang tayo maya.”

“Fine fine, Hope G.”

“Hope Y. kasi. Ano ba yan hindi mo alam ang surname—“

“Testing lang. Mas bagay ang Hope G eh. ;)” He winked!

Hope G… Hope GUTIERREZ?! Noong nakita niyang nagets ko bigla siyang nagnakaw ng halik sa cheeks ko, nag yihiiii naman yung mga nakakita na classmates ko, at si Enzo biglang tumakbo sa hall habang nagflyflying kiss.

“ENZO BAWAL TUMAKBO SA CORRIDOR!!!” sigaw ko.

“AND YOU CAN’T SHOUT! Bye, BABY.” Tapos tumalikod siya at umalis na.

Pagupo ko sa upuan ko…

“BABY?!” Sabay sabay sinabi ng mga babae (at yung ibang lalaki) na classmate ko. Imbis na mairita, kinilig ako. Eh wala eh, baby daw ako. BOOM VANESS!

“Hoy teh, yung kakirihan level mo, from 1 to Denice Cornejo, hmmm… Let me see—“ Bago pa matapos ni Miks ang pangaasar sa akin pinigil ko na. Good mood ako. Sisirain na naman ng baklang ‘to ang mood ko.

“Tumigil ka bakla. Inggit ka lang, yung ex imaginary jowa mo hindi pa rin pumapasok.”

“Excuse me, we’re over.” Bitter niyang sinabi.

“LAKAS AH. Una sa lahat, walang “WE” sa Mico at Miks, at pangalawa walang magiging OVER kasi wala namang nagstart. Umayos ka.”

“Malandi ka, porket nakabili ka ng malakas na gayuma sa Quiapo at ginamit kay Enzo eh ganyan ka na makapagsalita. Sinasabi ko sa’yo Hope, may kick back yang gayuma mo. Baka one day maging palaka na lang si Enzo.”

“ALAM MO IKAW! Lakas mo talagang manira ng mood eh ano?”

“Ops, bago pa kayo magaway diyan sasabihin ko lang na hindi sanay si Eula na makita kayong ganyan.” Sabat ni Chelsea. Ay oo nga pala nandito si Eula. Sinama siya ni Chelsea sa section namin kasi well… magpinsan sila. Pero dapat ata sa Section A siya kasi exchange student siya eh.

“Oy, Chelsea mamayang dismissal ah? Sa likod ng gym.” Tapos nagwink wink pa ako sa kanya at alam kong nagets niya kasi tumingin siya kay Eula na walang kaalam alam sa mangyayari sa kanya. Ngayon palang Eula, YOU’RE WELCOME.

“You guys are so cute.” Biglang comment niya. “It’s good that I’ve met all of you.”

Nasabi ko bang weirdo din ‘tong si Eula?! I swear. I mean, hindi naman literal na weirdo. Minsan lang kung kailan kailangan mahaba ang sagot niya eh mga two words lang ang sasabihin tapos minsan naman biglang out of the blue magsasabi ng mga ganyan. Feeling ko kaya naging magkaibigan sila ni Enzo dati.

Natapos ang araw na ang natutunan ko lang ay ang paghihiganti ni Simon sa El Fili, ang trajectory sa Physics ay mahirap intindihin pero nageenjoy ako sa mga drawing sa book, kung paano gumamit ng Windows Publisher para sa magazine making, at masarap matulog sa CL.

Noong nagaayos ako sa locker bigla akong nilapitan ni Cindy.

“Hope, bakit wala si Enzo? Hindi ka ata sinundo? LQ kayo?” Napansin agad yun?

“Ah, sabi ko wag na muna. Hehe.”

“Naks, ang haba ng hair ayaw ng nagpapasundo.” Tumawa na lang ako. Eh wala eh, head and shoulders ang gamit eh.

Noong matapos kami ni Chelsea, iniwan namin si Miks—well ako gusto ko siya iwan talaga, pero nagpaalam sa kanya si Chelsea eh. Si Eula naman ang sabi namin itotour namin siya sa school. Pumayag naman siya.

Noong nakarating na kami sa likod ng gym, nandoon na si Enzo naghihintay. Ano ba yan, ilang oras ko pa lang siyang hindi nakikita gwapong gwapo na naman ako sa kanya. Seryoso bang nanliligaw sa akin ‘to? Shocks Hope, unti unti ng nagkakaroon ng kapangyarihan ang pangalan mo. Ito na. Pagasa!

Pero hindi ka nandito para sa sarili mo, nandito ka para kay Enzo. Kailangan niya ng closure kay Eula. At para hindi na sila awkward sa lunch, ang hirap kumain eh!

Noong makita niya ako, agad siyang kumaway at lumapit sa akin pero napatigil noong nakita niyang kasama ko si Chelsea at Eula.

“Hi Hope.” Tapos bineso niya ako (Oo, ganito talaga ako kaswerte. Beso beso lang. Nagmamaganda pag may time)  “Hi Chelsea… Eula.” Ayun na naman. May pause na naman pagdating kay Eula. Kailangang mawala yan!

“Okay fine, ako na ang magoopen since idea ko naman ‘to. Enzo, naiilang kasi ako kapag tahimik kayo sa lunch at… at alam kong hindi maganda yung naging goodbye niyo ni Eula kaya nandito ako para pagusapin kayong dalawa—“

“We don’t need that—“ tatanggi pa siya eh nageffort na ako!

“Listen, Enzo—“ (naks, Hope!) “—Kailangan mo ‘to. Childhood bestfriends kayo at may meaning yun. Kaya, mas okay kung magaayos kayo. Isang buwan lang si Eula dito. Hindi ba mas okay kung makakapagusap kayo ng masinsinan?”

Kita kong gusto talagang tumanggi ni Enzo pero biglang sumingit si Eula at sinabing..

“Yeah, Enzo. I really need to talk to you.” tinitigan lang ni Enzo si Eula sabay tingin sa akin. Nginitian ko si Enzo, napahinga na lang siya ng malalim at umoo na lang.

“Usap lang kayo dito. Kain lang muna kami ni Chelsea. Magtext na lang kayo kapag okay na kayo ha? Byie!” Tapos pinagtabi ko sila at umalis na kami ni Chelsea.

Yes, Hope. One good deed at a time. <3

**

“Ano kayang pinaguusapan nila doon?” tanong ni Chelsea habang dinidilaan niya ang ice cream niya.

“Ewan ko lang. Pero ako, ayoko ng awkward sa lunch table. Isa pa, mas okay naman na magkasundo ang pinsan mo at manliligaw ko hindi ba?”

“Naks, Hope! Talagang ramdam na ramdam mo na yang panliligaw ni Enzo ha? Kamusta ba siya? Kailan mo ba siya sasagutin? Paano ba siya manligaw bukod sa pagsundo niya sayo palagi sa room?”

“Ay naku, Chelsea. Palagi niya akong tinetext at tinatawagan sa gabi, tinatanong kung nagawa ko na baa ng assignment ko. Kapag nahihirapan ako sa English palagi niyang iscascan yung notes niya tapos sa hindi mo ko maintindihang dahilan, eh naiintindihan ko yung mga notes niya. Sa weekends bumibisita siya dito para makuha talaga ang loob ni Lola at Ate tapos ngayon close na sila. Mga simpleng bagay na ganon Chelsea pero sobrang nakakakilig lalo na’t alam mo na gustong gusto ko talaga si Enzo.” Hinawakan bigla ni Chelsea yung kamay ko.

“Masaya ako for you, Hope. Finally! Nakita din ni Enzo yung worth mo.” Tumitig ako sa kanya tapos niyakap ko siya.

“Makakakita ka din ng lalaking para sa’yo, Chelsea.”

“Kailangan ko munang magmove on kay Bryle.” Pabiro niyang sinabi. Alam ko namang nakakamove on na siya eh, lalo na ngayon at nakakajoke na siya tungkol sa kanila.

“Narinig ko yung pangalan ko.” Biglang sulpot naman ni Bryle tapos tumabi kay Chelsea. Si Chelsea naman biglang namula. Shocks. Masama bang kiligin para sa dalawang ‘to? Haay. L

“So, Chels, magmomove on ka na sa akin?” pangaasar na biro ni Bryle.

“Oo, kaya wag kang masyadong dumikit.” Tapos tumawa sila parehas. Buti na lang kahit papaano ayos na sila. Masaya ako para kay Chelsea, ito naman kasing sii Bryle hindi nawawalan ng babae eh.

“Love, nasaan pala si Enzo? Oh, by the way I told Enzo na akin lang ang ‘LOVE’ he can’t call you that. I’m selfish y’know.” Sabay akbay niya sa akin. Miss na miss ako nito.

“Masyado kang clingy, Bryle!”

“Simula ng nagkaEnzo ka na hindi mo na ako pinapansin. Akala ko ba ako ang bestfriend mo sa Tres Gwapitos? Nagtatampo na talaga ako.”

“Hello? Palagi din po kayong magkasama ni Venice. Baka ako pa ang dapat magtampo.”

“Uy, selos si Love.” Tapos kiniliti niya ako. Seryoso ba ‘tong si Bryle!?

“Chelsea, yung ex mo oh!” asar ko, tumawa lang si Chelsea.

Nagpatuloy pa ang kulitan hanggang sa makita naming magkasama si Enzo at Eula, mukhang hinahanap kami. Noong makita ako ni Enzo lumapit agad siya sa akin.

“So? Kamusta?” Nageexpect ako na close agad sila pero mukhang awkward pa rin yung dalawa eh. Hayaan mo, Hope. Magiging ayos rin yan. At least nakapagusap na sila.

“Oy Love, date tayo bukas. Tayo naman ang magkasama sa lunch. Miss na kita.” Biglang alok ni Bryle.

“Sige ba—“

“Why? I don’t agree with that. Lunch is my time with Hope. Get your own time Ortega.” Biglang sinabi naman ni Enzo.

“Ang damot mo naman dude, isang lunch ko lang hihiramin si Hope. Sabagay, baka hindi na siya bumalik ;)” Tapos sinamaan ng tingin ni Enzo si Bryle. Possessive much?! “KIDDING. I was just kidding! Calm down lover boy.” Tapos lahat naman kami nagtawanan na.

Paguwi ko sa bahay sinimulan ko agad gawin yung composition na pinapagawa sa akin ni Miss Inigo. Nakagawa na ako ng 1st Paragraph atsaka nakagawa na din ako ng tono ng kanta eh, nahihirapan lang ako sa English tsaka parang hindi ko ramdam yung kanta. Buti na lang tinutulungan ako ni Enzo, ginawa ko munang tagalog tapos itratranslate niya sa English eh. Ito yung unang paragraph

Alam mo ba kung anong pakiramdam kapag nakikita ko kayong magkasama?

Nagngingitian at naguusap, na parang kayo’y tinadhana

Alam mo bang namimiss ko na, mga oras na tayo’y magkasama

Na tumatawa at magkasama, sana’y ganon habambuhay

But baby…

Oo. Baby. Naalala ko kasi si Enzo habang ginagawa ko ‘to. Bakit malungkot? Kapag kasi nagagawa ako ng kilig na kanta parang sasabog sa kakornihan kaya ganito na lang. Noong gumawa ako ng love song may isang linya sa composition na ‘Mas mahal kita na parang mahal ng bee ang bulaklak’ Oh hindi ba? Ang sagwa! Kaya sad song na lang, iniisip ko kasi paano kung magbrebreak kami ni Enzo kasi hindi na ako sapat. Oh hindi ba? Saklap. Kaya ayun, nakakaisip ako ng mga linya para sa kanta!

Anyway! Sinend ko yan kay Enzo tapos siya ang nagtranslate! Gusto niyo makita translation niya? (Obvious mas maganda)

 

Do you know how it feels? When I see the both of you together.

Smiling ang talking, feeling that you are meant for each other.

Do you know how much I miss those times when we’re together?

Laughing and bonding, trying to stay that way forever.

But baby…

Noong binigay niya sa akin yan lalo akong nainspire ituloy kasi may tono na ako, bumagay siya lalo sa translation ni Enzo at nagawan ko siya ng strum sa gitara!

Papatulong pa nga sana ako kay Enzo sa translation kaso…

From: Enzo Gutierrez

No more Mr. Nice Guy from me. Do your project. It’s English. You have to improve it. Starting from now, we’ll talk in English okay? I’ll help you with your skills. I know you can do it. Xx

Pumayag ako sa ako na lang ang gagawa ng project ko kasi kahit tinutulungan niya ako sa mga lessons ko, ayaw niyang siya ang gagawa ng mga assignment ko. As much as possible itututor lang niya ako, pero effective naman kapag siya eh. Kaya nga ngayon ginagawa ko na ‘tong kanta ko.

Sumunod ang ilang araw wala namang masyadong nangyayari, si Mico absent pa rin, magkasama pa rin kami ni Enzo at araw araw kinukulit ko sila ni Eula. Minsan kapag maguusap kami ni Enzo isasali ko talaga si Eula sa usapan kaya unti unti nawawala yung awkwardness sa lunch table namin. Medyo  malungkot nga lang kasi wala pa rin si Mico.

One time nagpunta ako sa teacher’s office para ibigay kay Miss Inigo yung composition ko. Ipapacheck ko pa lang actually. Kung tama ba yung grammar, kung sapat na yung verses, ganon, bago ko naman irecord. Kasi baka naman mamaya mali mali pala yung grammar tapos nirecord ko eh bigyan pa ako ng mababang score.

Sa pagrerecord, nakuha ko na yung strumming at tono ng kanta, nabase ko na rin sa lyrics, sakto na lahat. Pumayag naman si Venice na tulungan ako magrecord kasi mayroon siyang recording room sa bahay nila (rich kid talaga) kaya pag okay si Miss Inigo dito, irerecord ko na siya.

Sabi ni Miss Inigo okay naman daw ang ginawa ko, napuri nga ako kasi ang ganda daw at kung nagpatulong daw ako. Sabi ko dugo’t pawis ko po yan. Literal. Nanosebleed ako habang ginagawa ‘tong kanta at pinagpawisan ako kakaisip. Sabi niya maganda daw ang kanta at kung brokenhearted daw ba ako. Actually Miss Inigo, in love ako. Sobrang in love nagawa ko yung kanta kasi iniimagine ko kapag nagbreak kami hindi ko kakayanin.

Wait, Hope. Break agad? Hindi pa nga kayo eh!

Noong papalabas na ako ng Teacher’s Office, pinagiisipan ko kung kailan at paano ko sasagutin si Enzo. Nagdadaydream pa ako ng biglang may marinig ako…

“Ilang araw ng absent si Mr. Loyola, ilang quizzes at seatworks na ang namiss niya. May sakit ba siya? Kapag nagpatuloy siya ng ganito baka ibagsak niya ang 3rd Quarter, delikado siya may honors pa man din siya.” Sabi ni Miss Arjona.

“I know, sobrang dami na din niyang namimiss sa class ko. Malapit na ang 3rd Quarterly Exams at kahit sabihin nating magaaral siya ng mabuti, mahihirapan siya.” Sagot naman ni Miss Chavez.

Oh my gosh. Hindi ko pa nga naibibigay kay Mico yung mga soft copies ng mga lessons. Shocks!

Lumapit agad ako sa mga prof namin at sinabing kukunin ko ang lesson ngayong week na namiss ni Mico, lahat naman sila pumayag at sinabing kung makakausap ko daw si Mico sabihin ko na pumasok na daw.

Oo na, pupunta na nga ako kina Mico, matagal tagal na din akong hindi dumadalaw sa kanila ah. Isa pa, kailangan kong ibigay sa kanya ang mga lessons na ‘to para kahit nagiinarte siya o kung ano man ang dahilan niya ng hindi pagpasok eh maisip niya na may naghihintay pa na mga responsibilidad para sa kanya, at kapag natauhan siya oh eh di may mga print outs ng mga lessons na maaral niya. At sino ang papasalamatan niya? Eh di yung pagasa niya, ako! Si Hope!

Paalis na sana ako ng school ng biglang may humatak sa bag ko, pagtalikod ko si Enzo pala at ngiting ngiti sa akin.

“Hey pretty, where are you going?” Gosh, pretty daw.

“May pupuntahan lang.”

“Hey, did you forget that I asked you to go shopping with me after class today? I have to buy stuffs for my TLE project.”

“Hala, nakalimutan ko. Pero kasi, kailangan ko talagang puntahan ‘to eh.” Bago pa magbago ang isip ko nakita kong naglalakad si Eula sa may likod namin kaya tinawag ko agad siya.

“Eula! May gagawin ka ba ngayong hapon?” Tanong ko sa kanya pagkalapit niya.

“Me? No, nothing in specific why?” Tapos tiningnan ko si Enzo na mukhang naintindihan naman yung ginawa ko. Kumunot lang noo niya, nagsmile lang ako.

“Kailangan kasi ng kasama ni Enzo mamili ng gamit para sa TLE niya kaso may lakad ako ngayong hapon, pwede bang samahan mo siya?” Napatingin si Eula kay Enzo tapos sa akin.

“Sure, I have no plans… I mean, if that’s okay with Enzo of course.” Tapos parehas kaming tumingin kay Enzo na mukhang wala ng choice kung hindi ang umoo.

“Fine. Let’s go, Eula. Thanks. Bye, Hope.” Cold na pagkakasabi niya. Nagtatampo siguro. Bigla ko tuloy hinigit yung kamay niya.

“Uy, wag ka ng magtampo. Sorry na.”

“Saan ka ba kasi pupunta?” Nakapout pa niyang sinabi. Enzo, nakakainis ka! Ganito ka pala! Isip batang seloso!

“Kay Mico—“

“Again. What’s new. Sino bang gusto mo? Ako o siya?” Nagulat naman ako sa tanong niya.

“Tinatanong pa ba yan? Siyempre ikaw. Ikaw dati pa, ikaw hanggang ngayon.” Bigla naman siyang ngumiti sa sagot ko. “Kaya nga wag ka ng magtampo, pupunta lang ako kay Mico kasi ibibigay ko sa kanya ‘tong mga notes na pinrint ko. Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Baka magalala pa sila Tita. Kaya ito.”

“Such a kind girl, Hope. That’s why I chose you.” Then inayos niya ang bangs ko, napatigil naman ang puso ko. “I’ll go with Eula then, text me when you’re with Mico okay? And if you need a ride home, I’ll go there.”

“Wag ka ng magabala. Kilala ko driver nina Mico! Okay na ako. Sige ha. Ingat kayo ni Eula.” Tiningnan ko lang si Eula na malayo ang tingin na parang iniiwasan kami ni Enzo. Noong mapatingin siya sa akin.

“Uy ingatan mo si Enzo ha? Balik mo sa akin! Joke lang.” Tapos tumawa siya ng awkward. Joke lang yun ano ba. Hindi sila umalis hangga’t hindi dumarating yung driver nina Mico na tinext ko na sunduin ako. Sabi sa inyo close kami eh.

Noong makarating ako kina Mico sinalubong agad ako ng mga maid nila na parang nakakita ng tubig sa gitna ng disyerto noong nakita nila ako.

“Ma’am Hope buti po dumalaw kayo.” Sabi ng isang maid.

“Bakit po?”

“Hindi na po talaga namin alam ang gagawin kay Sir Mico. Laging nasa kwarto, kapag lalabas ng bahay uuwi ng lasing o kaya bugbog sarado. Ma’am Hope, natatakot naman po kaming tawagan si Mrs. Loyola kasi baka mapagalitan kami.” Napahawak na lang ako sa noo ko, hay naku Mico ano bang nangyayari sa’yo?

“Ganoon po ba? Sige po try ko pong kausapin ha.” Agad naman silang umoo tapos pinapasok agad ako sa loob ng bahay. Ayos naman ang bahay, walang nagbago.

Umakyat ako sa 2nd floor papunta sa kwarto ni Mico.

“Mico? Mico?” Kumatok lang ako ng kumatok walang nagbubukas ng nakalock na pinto. “Mico buksan moa ng pinto, ano ka ba? Please.” Tapos may narinig ako na nabasag sa loob kaya agad agad kong tinawag ang mga maid at kinuha ang spare keys.

Pagbukas ko…

Oh my god.

Nakaupo si Mico sa may dulo ng kama niya. Nakatulala. Sa gilid niya madaming mga kalat kalat na bote ng alak, pagkain, band aid, mga tela ng damit at kung ano ano pa. Napatingin sa akin si Mico tapos tumulala ulit. Nilapitan ko agad siya.

“Mico. Ano bang nangyayari sa’yo? May problema ka ba? Kumain ka na ba? Tumayo ka na nga diyan please.” Hahawakan ko sana siya pero bigla naman niya akong tinulak. Malakas. Napahampas ako sa may gilid ng kama.

Gusto kong magalit pero nauuna ang awa ko sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba siya nagkakaganito?

“Mico, tama na. Kung ano man ‘to, maayos din yan. Tutulungan kita. Umayos ka na diyan. Dinala ko lahat ng namiss mo sa school. Baka bumagsak ka sa 3rd Quarter magagalit si tita, gusto mo ba yun?” Napatingin siya ng onti sa akin, oo alam kong ayaw mo yun Mico.

“Kaya kung ano man ‘to Mico, tama na.”

Tiningnan lang niya ako. Hindi ko alam pero sa tingin niya pakiramdam ko ang layo layo niya sa akin. Parang ang lamig lamig niya. Parang hindi siya si Mico na naging kaclose ko, parang siya yung mas matindi at mas malala na bully na Mico na kinainisan ko noon.

“Mico…”

Hihilahin ko na sana siya pero tinulak na naman niya ako, this time hindi na masyadong malakas pero napaatras pa din ako.

“Leave me alone.”

Paano? Sige nga. Sabihin mo kung paano kita lulubayan? Hindi pwede, Mico. Hindi. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
38.4K 2.6K 8
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...