The Not So Charming Prince (c...

Door coloritblack00

18.3K 4K 1K

-COMPLETED- Yes, there's a white horse. Yes, there's an extremely goodlooking guy. Yes, there's an ordinary g... Meer

WARNING
Description
PROLOGUE
1 (Isay)
2 (Gabriel)
3 (Isay)
4 (Gabriel)
5 (Isay)
6 (Gabriel)
7 (Isay)
8 (Gabriel)
9 (Isay)
10 (Gabriel)
11 (Isay)
12 (Gabriel)
13 (Isay)
14 (Gabriel)
15 (Isay)
16 (Gabriel)
17 (Isay)
18 (Gabriel)
19 (Isay)
20 (Gabriel)
EPILOGUE
Letter To A Friend
Author's note
Special Chapter #2
Connect with me

Special Chapter #1

340 100 27
Door coloritblack00



Special Chapter:

"Halloween Ala Dalisay Edition"


---


"...and according to my classmate, the lady was bloody!" pagkukuwento ng anak niyang si Yumi.

Sa totoo lang, kanina pa siya nanlalamig. Hindi naman kasi niya ikakaila na matatakutin talaga siya.

Idagdag pa na mukhang may talent sa pagkukuwento ang anak. Kasi mukhang pati si Dalisay ay hindi na rin maipinta ang mukha.

The kids decided to spend the Halloween eve with in their room. Akala pa naman niya ay maaaswang niya si Dalisay.

Come on, Halloween naman.

Papayag siyang aswangin ni Dalisay sa kama nila.

Kaya lang ay may sariling plano ang mga anak nila.

Tatlong taon pa lang si Gabe. Ang bunso nila.

Gabriel Jr. Obviously, si Dalisay ang nagpangalan dito. At ano pa ba ang magagawa niya? Ito naman palagi ang nasusunod.

"Oh? Tapos?" tanong ni Dalisay sa anak.

Napapangiti siya sa mag-ina. Si Gabe naman kasi ay tahimik lang din. Iisipin mong naiintindihan talaga ang pinag-uusapan nila.

"The lady was bloody. Tapos my classmate told me na nag-a-ask ng help 'yong ghost," sabi pa ni Yumi.

Biglang nayakap ni Dalisay ang sarili. Hinimas-himas pa nito ang mga braso.

"Nakakatakot naman 'yon. Ghostbombs!" sabi nito.

Halos mamatay sila kakatawa ng anak. Dalisay will always be Dalisay.

Sa kabila ng nagdaang taon, marami pa rin talagang hindi nagbabago.

"Multong bomba? May bomba 'yong multo?" Tatawa-tawang sabi niya. "Baka goosebumps?"

Lalong lumakas ang tawa ng anak niyang si Yumi. Si Gabe naman ay nakisabay lang din sa tawanan nila.

Sinamaan siya ng tingin ni Dalisay.

Napalunok siya.

Uh oh.

Mabilis na napingot ni Dalisay ang tenga niya. Sa totoo lang, mas natatakot siya kay Dalisay ngayon kaysa sa kuwento ni Yumi kanina.

"Gusto mo bang mabasagan ulit ng itlog?" nagbabantang tanong nito.

Naiisip pa lang niya, napapangiwi na siya. Mabilis siyang umiling bilang sagot.

Binitiwan naman kaagad nito ang tenga niya.

Sinamaan niya ito ng tingin na sinalubong naman nito nang pagtaas ng kilay.

"Ano? Lalaban ka?"

"Hindi! Mukha bang lalaban ako?" labas sa ilong na sabi niya.

"You're always talo kay Mommy, Daddy," biglang sabi ni Yumi. "Anyway, back sa story na..."

Nanahimik na sila. Aaminin niya, sa paglipas ng mga taon, hindi pa rin nawala ang takot niya sa dilim. O mga nakakatakot na bagay.

Kaya nagsumiksik na naman siya kay Dalisay.

"Para talagang bakla." Narinig niyang bulong nito.

"Every night, nagpapakita raw ang lady. Palagi raw namamatay ang mga ilaw kapag nasa paligid na ito..." At tiningnan sila ng anak sa mga mata.

"Tapos una ay maririnig daw nila ang pag-iyak nito. Ang pag-ask ng help. Then sa isang sulok bigla itong susulpot!"

Napasiksik siya lalo kay Dalisay dahil sa kaba. Naramdaman niyang hinahaplos na rin nito ang braso niya.

Gano'n si Dalisay kapag pinapakalma siya.

"Tulong. Tulungan mo ako." Iniba pa ni Yumi ang boses. "Gano'n daw palagi ang sinasabi nong bloody na lady."

"At kapag matutulog na raw, palagi raw nitong hinihila ang paa nila!" malakas na boses na sabi nito. Halos napalundag pa nga siya dahilan para lingunin siya ni Dalisay.

Hindi niya alam kung okay lang bang magpasama sa CR dahil naiihi na siya sa takot.

Nakita niyang napailing-iling si Dalisay bago kinarga ang natutulog na palang si Gabe. "O, 'siya. Bukas mo na ituloy ang kuwento mo Yumi. Balik na sa kuwarto mo," sabi rito ni Dalisay.

Sumimangot ang anak. "But I want to sleep here. Dito na lang kami ni Gabe matutulog," sagot nito.

Umiling-iling si Dalisay rito. "No. Doon kayo ni Gabe sa rooms niyo."

Nakasimangot man ay tumayo na ang anak. Lumapit ito sa kaniya at humalik sa pisngi.

"Good night, Daddy. I love you. Don't let the bloody lady take you. Mami-miss kita..." Bigla itong lumapit at bumulong. "But you can tell bloody lady to take mommy though," pilyang sabi nito.

Alam niyang nagbibiro lang ang anak. Madalas mang parang aso't pusa si Dalisay at Yumi, makikita mo pa rin ang pagmamahal.

"Hoy kampon ni Gabriella, 'wag ka nang bumulong at pumunta na sa kuwarto mo," sabi ni Dalisay.

Lumabas na ito sa kuwarto gano'n din si Dalisay na bitbit si Gabe.

Nang maiwan mag-isa ay bigla siyang kinabahan. Nagmamadaling sumunod siya kay Dalisay. Naabutan niya itong inilalagay na sa bed si Gabe.

Paglabas ni Dalisay sa kuwarto ni Gabe ay tinaasan siya nito ng kilay.

"Napakaduwag mong lalaki ka."

"At least alam ko kung ano ang goosebumps," pang-aasar niya rito.

Mabilis na kinurot siya nito sa tagiliran. "Magkatunog naman ah! Tunog sosyal din naman ang ghostbombs," katuwiran nito.

Natawa na lang siya. After all, may kasabihan nga sila.

Dalisay is always right.

Inakbayan niya si Dalisay habang papabalik sa kuwarto. "Nanlamig ang katawan ko sa kuwento ni Yumi. Painitin mo nga," nakangising sabi niya rito. Pinagalaw-galaw niya pa ang mga kilay.

Natatawang siniko siya nito. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana kanina pa. Para napaalis ko kaagad sila Yumi!"

Hindi niya napigilan ang tawa niya.

Being married to Dalisay is one hell of a roller coaster. Sa totoo lang, madalas pa rin silang mag-away. Maya't maya nag-aasaran.

Walang nagbago kay Dalisay.

Maliban na lang siguro na mas gumanda ito sa paningin niya no'ng naging ina na ito ng mga anak niya.

"Tutal Halloween naman ngayon, aswangin mo ako, Dalisay."

Napangisi siya nang marinig ang hagikhik nito. Well, what can he say? Making love with Dalisay was fun too.

Napatili si Dalisay nang bigla niya itong buhatin at bitawan sa kama ng makapasok na sila sa kuwarto.

Inulan niya ng halik ang mukha nito. Pinanggigilan ding kagatin ang leeg ng asawa. Umaalingawngaw sa kuwarto ang tawa nito.

Maghuhubad na sana siya ng shirt nang biglang mamatay ang ilaw sa kuwarto. Pareho silang natigilan.

Hahalikan niya na lang sana ulit si Dalisay nang makarinig naman sila ng iyak sa pagkakataong iyon.

Madilim man ay nagkakitaan pa rin sila ng mukha ni Dalisay. Parehong nanlalaki ang mga mata nila sa sumunod na narinig.

Tulong. Tulungan mo ako.

Saglit na nagkatitigan sila ni Dalisay bago nagmamadaling tumayo at tumakbo. Hindi na nila hihintayin pang makita ito.

Pagkalabas ay isinara kaagad nila ang pinto. Nanlalaki pa rin ang mga mata nila habang nagkatinginan.

Nagulat siya nang bigla siyang pinalo ni Dalisay. Sinubukan niyang salagin ang mga pagpalo nito.

"Aray! Masakit ha!"

Naiinis na pinalo ulit siya nito.

"Aray! Ano bang ginawa ko?" tanong niya rito.

Sinamaan siya nito ng tingin. Ang pango nitong ilong ay lumalaki ang butas dahil sa sobrang inis.

"Kasalanan mo 'to! Nagpakuwento ka pa kasi kay Yumi!" sabi nito.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. "Baliw ka ba? Paano ko naging kasalanan 'yon?" sagot niya rito.

Lalong naningkit ang mga mata nito. "So, ano? Ako ang may kasalanan?" naniningkit ang mga mata na tanong nito.

"Hindi. Sabi ko nga. Kasalanan ko," pagsuko niya.

Sandaling namayani ang katahimikan. Parehong kinabahan sa nangyari sa kanila kanina lang.

"So, ano na?" tanong niya rito.

"Teka. Nag-iisip ako," sagot nito.

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Nagsasalubong na rin ang mga kilay nito.

"Ano ba 'yang iniisip mo?" tanong niya rito.

"Kung paano ko papatayin ulit 'yang lintik na multong 'yan. Buwisit siya. Dahil sa kaniya nabitin ako!"

Oh, well. Ngayon pa lang ay naaawa na siya sa multong 'yon.

It's still a Happy Halloween to him after all.


-----


Since hindi pa ako makatulog at na-miss ko na rin ang dalawang baliw na 'to, nagsulat na lang ako ng Special Chapter nila.

Sayang lang kasi hindi na-aswang ni Dalisay si Gab. HAHA.

Happy Halloween! Aawwwooooo.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

80.2K 1.6K 35
PART 2 of As I Fall. Fall again with Gian and Aries as their love story continues.. They say first love never dies. At napatunayan 'yon ni Aries sa...
31.2K 937 33
Aila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely...
159K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...