-Chapter 13: Box-
"YESSSSSSSSSSSSSSS!!!!!" unconciously bigla akong napatayo at sumigaw.
Lahat sila biglang tumingin saakin. Yung iba gulat at yung iba naman tumatawa dahil nagmukha akong tanga!
AMPPPPP!! CHELSEA NAMAAAANNN!!!
Pati si Sir Macansantos nagulat.
narinig ko na ngumisi yung katabi ko. Tiningnan ko siya. Ngumingisi siya na parang nang-aasar at the same time, natutuwa dahil nagmukha akong katawa tawa =____=
Tiningnan ko siya ng masama then umupo na ako.
"Sorry po sir.." sabi ko.. Making sure na lahat is maririnig yung sinabi ko.
"It's okay Concepcion.." nag smile siya. "Kunin niyo na yung test paper niyo ni Dela Cruz." sabay kami ni Paolo tumayo at kinuha yung test paper namin kay sir.
Hanggang sa nakaupo na kami ulit ni Paolo, ngumingiti pa rin siya. Halata na inaasar niya ako >_< Tsk. Chelsea naman kase! Parang pinahiya mo yung sarili mo sa buong klase!!! HUHUHUHU TT______TT
"Ngiti ngiti mo diyan?" Tiningnan ko siya ng masama.
Ngumisi na siya ngayon. "Haha. Nakakatawa ka kasi eh.Masyado kang na excite ngayong isa ka sa highest sa geometry exam naten."
"Hindi ako dun na excite noh!" =_=
Confuse na tiningnan niya ako. "San pala?"
"SECRET. sakin nalang yun noh."
"Tsk.. sa bet ba naten?"
"SECRET ULIT." nag tongue out ako sakanya then inalis ko na tingin ko sakanya at nakinig na sinasabi ni sir macansantos.
Okay..Kasalanan ko ba na masyado akong na excite dahil nalaman ko na tie kame? Na same kami ng score? Hindi naman diba?
Natutuwa lang talaga ako dahil tie kami. It means, WALA YUNG BET. WALANG MANGYAYARI DUN SA BET NA SINASABI NIYA >:)
MWAHAHAHHAHAHAHAHA >:)
Okay, I know, I'M A LITTLE DISAPPOINTED. Knowing na.. Na ginawa din niya yung best niya dun sa exam! So it means, Hindi niya muna hahayaan na maging kame. Siguro, ayaw pa niya? PERO BAT NIYA AKO NILILIGAWAN KUNG AYAW NIYA MAGING KAME?! =____=
Hay chelsea... ANG GULO NG UTAK MO! =_= Wag mo na nga isipin yun! Ang mahalaga ngayon ay wala na yung bet.
Walang naging mas mataas sainyo ni Paolo....
Ayos lang naman yun diba? hindi naman ako atat na magkaboyfriend diba? hindi naman ako ata makipag date sakanya diba?
DIBA DIBA DIBA DIBA? =_____=
Nung recess na, kumain kami ng mga GFFs ko sa cafeteria.
"Grabe ka girl! Wagas sigaw mo kanina sa classroom ah!" natatawang sabi ni Lorraine.
"Oo nga! Hahahahaha." pagsang-ayon naman ni Rhia.
"Bat ba tuwang tuwa kanina nung inannounce ni sir na highest kayo ni Paolo?" tanong ni Kate.
"Ilang beses ka na naman naging highest tuwing math exam natin eh, pero first time kanina sumigaw at sobrang tuwa. Lol." -Myka.
"Err kasi..."
"Kasii???" sabay sabay nilang tanong.
"Wala lang? Hehehehe." I awkwardly answer.
"If we know, May something yan.." -Rhia.
"Oo nga..."-Myka.
"Share mo naman." -Kate.
"Di ka na masyado nag sh-share samin!" -Lorraine.
AMP! Hello?! PARATI KAYA AKO NAG SH-SHARE SAKANILA! SHINARE KO NGA SAKANILA NA NANLILIGAW SAAKIN SI PAOLO EH, NA CRUSH KO SI PAOLO! Tapos yun yung di nag sh-share?! TT_____TT Ouch.
"Psht..Sige na nga. K-kwento ko na sainyo yung nangyari."
Ayun. Ikinwento ko sakanila yung bet na chuchu na ginawa ni Paolo.At saka yung mga ibang moments at usapan namin ni Paolo. Lol.
And Guess what?
KINILIG SILA DUN!
DAFUQ LANG? =____= Ano bang nakakakilig dun?
"Waaa!! Ang sweet!!!"
"Kinikilig akooo!!!"
"Same heree!!"
"Ya! Wag nga kayong maingay =_= tili nang tili eh. wala namang nakakakilig at sweet dun!"
"WEH?!" sabay sabay nilang sinabi.
Amp lang? =____=
"Sus.. Kung alam lang namin, kinikilig ka din eh..Ayiiee!!" pangungulit saakin ni Myka.
Haaayy.
"Di nga ako kinikilig. In fact, Nagulat at natulala ako nung sinabi niya yun."
"Ahy Lol.. Sabagay...Nakakaspeechless din yun if ever.." -Rhia.
"Sinabi mo pa." pagsang-ayon ko kay Rhia.
"Si Paolo talaga.. MAPARAAN." sabi naman ni Lorraine.
Confuse na tiningnan ko siya. "Huh? Anong maparaan dun?"
"ANG SLOW MO! ALAM MO YUN?!" -Myka.
"Hinde! Hinde ko alam yun! =___= Zzz."
"It just means na..Gusto niya makipag date sayo without him asking you kasi it's kinda hard for boys na magtanong sa girl kung pwede ba makipag date. or.. Gusto niya na maging kayo kaagad-agad by using that bet.."
Napatingin naman kami lahat kay Kate nung sinabi niya yun.
Huh?
"Ganun ba yun?" inosente kong tanong sakanya.
Nag smile siya. "Yeah."
"Tama si Kate Girlfriend!!" Pag-sangayon nung tatlo kay Kate.
"Ibig sabihin! Excited na si Paolo maging kayo na!" -Lorraine.
"At saka gusto niya makipagdate sayo!" -Rhia
"Ohh..Baka hindi naman sa ganun.."
"Malay Naten.. Baka atat na siya maging girlfriend ka.." -Myka
Nag smile lang ako.
Sumubo na ako ulit nung pagkain ko at buti nalang naiba yung usapan nung nagkwento si Myka about kay Leo..Well, May something kasi sila eh. M.U ata.
Tahimik lang ako habang kumakain at nakikinig sakanila..
Ewan... I don't know.. Pero...nasaktan ako sa sinabi ni Kate...
"It just means na..Gusto niya makipag date sayo without him asking you kasi it's kinda hard for boys na magtanong sa girl kung pwede ba makipag date. or.. Gusto niya na maging kayo kaagad-agad by using that bet.."
Totoo kaya yun? Gumawa si Paolo ng bet na ganun kasi atat na siya maging kame? Pagod na ba siya kakaligaw saaken?
Pero...
Hindi eh....
Alam kong ginawa din niya yung best niya sa exam eh...
Kasi ang bet naman diba is 'kung MAS MATAAS AKO sakanya, dun magiging KAME'...
EWAN. NAKAKAINIS!! BAT BA HANGGANG NGAYON INIISIP KO PA RIN ETO?! =____= TAPOS NA TO DIBA?!
CHELSEA PWEDE BA WAG KA NA MAG ISIP NANG MAG ISIP!! =_______= I'm sure wala naman matutunguhan eh!
Dahil na feel ko na hindi na ako mapakali at hindi na ako kumportable, inexcuse ko muna yung sarili ko sa GFFs ko..
Well, di naman sila nagtanong kung may problema ba dahil magaling ako umarte na okay lang ako.
Gusto ko muna mapag-isa..
Lumabas na ako ng cafeteria at pumunta muna ako sa locker ko dahil kukunin ko na yung mga libro ko for the next subject..
Nung binuksan ko yung locker ko, Nagulat naman ako dahil may nakalagay dun na maliit na box na may kasamang red rose..
Oh yeah.. Nakalimutan ko, MAY NAGLALAGAY PA RIN PALA NG GANITO SA LOCKER KO. Akala ko naman tumigil na siya. pero andito pa rin. 1 week na kasi siyang di naglalagay ng notes sa locker ko eh.
Confuse na tiningnan ko yung box at bubuksan ko na sana yun pero may nakadikit pa rin na note dun.
"Hi :)
Please never open this box if you still don't know me...
-ANONYMOUS"
WOW. ENGLISHERO ANG LOLO NIYO! =_= nagpapanosebleed siya? XD
Haaayyy. Sino ba nagbibigay nito? =___= Bat hindi ko napapansin na may naglalagay ng patago ng kung anu-ano ang ibang tao sa locker ko? =_____=
Demanding naman siya! MAGBIBIGAY BIGAY NG GANITONG GIFT, TAPOS HINDI IPAPABUKAS SAAKIN HANGGAT DI KO SIYA NAKILALA! EH TRY KAYA NIYA MAGPAKILALA SAAKIN!! =_____= SIYA PA TO NAGBIBIGAY, SIYA PA NAGPAPAHULA! KAASAAARRR!!!
Wala namang masama kung bubuksan ko tong box? Di naman niya malalaman na binuksan ko to kahit di ko pa siya nakikilala diba?
Baka naman, pag binuksan ko to, malalaman ko kung sino siya....
Tiningnan ko yung box at kinuha to....