Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

23

6K 88 8
By septemberoyal

BEA

"Ano masakit pa ulo mo?"si trey.

Di ako sumagot nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Ni ayaw kong igalaw ang ulo ko kase nahihilo ako.

"Sige pa. Inom pa more."si trey pa rin at tumayo na sa pagkakaupo sa bed ko.

"Nag alibi na nga lang si ate ly kay bundit kase nga po hinahanap ka."sabat ni jia. "Kaya yare ka kay ate ly mamaya."

"Galingan mo ang explanation kung ayaw mong magalit ang kapitana naten."panakot ni gizelle.

Bakit ang dame yata nila ngayon dito? Wala kayang pasok ang mga 'to?

"Tara na nga girls."si trey. "Wala tayong mapapala sa taong nagtutulog tulugan na lang."

Narinig ko ang mga yabag nilang papalabas ng room at pagsara ng pinto.
Saka pa lamang akong dumilat at muling pumikit din kase umiikot ang paningin ko. Sabayan ng sakit ng ulo. Hays! Spell hangover? B.E.A.

Pinilit kong tumayo kase naiihi na talaga ako at di na talaga kayang pigilin pa.

( Parang feelings mo lang ganern? Di na kayang pigilan, nag susumigaw na. )

Wag mo akong umpisahan. Ang aga aga.

(Okay.......... Mamaya na lang.😜)

Pagka ihi ko ay nakaramdam ako ng may parang gustong lumabas sa lalamunan ko at bago pa ako magkalat ay tinungo ko ulit yung toilet bowl at dun sumuka! YUCK!

Nang mailabas ko na lahat ng nainom ko kagabe ay medyo umokay na pakiramdam ko. Naligo na rin ako kase naaamoy ko na ang sarili ko at di na maganda ang Amoy,di na pang-papi!hehehe....

Pagkapaligo ko ay bumaba na ko, nakaramdam na ko ng gutom. Tahimik na ang buong dorm kaya sure akong nagsipasukan na sila. Kung meron mang naiwan pa rito sure ulit ako na nasa kanya kanyang room na at nagpapahinga ng sandali. Ako, wala akong class ngayon ay meron pala dapat pero nag text na yung isa nameng classmate na wala daw si prof kaya swerte ako,parang ayoko ko kaseng pumasok ngayon kaya buti naman nakisama si Prof. Hihihi...

"Buti nakabangon ka pa."

Halos mapatalon ako sa pagkagulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Papasok na sana ako sa kusina para mag breakfast ng may nagsalita nga.

"Magugulatin ka na ngayon,ah!" Si maddie
pala! Tas ang loka tinawanan pa ko. "You should see yourself, bei. Nakakatawa itsura mo! Hahahahaha......"

"Sige lang tawa pa Madayag. Kabagan ka sana."ako at nag make face sa kanya.

"Grabe sya oh. Ano? Gutom ka na? Tara sabay na tayo."masayang aya nya at hinila ako papasok sa kusina.

"Wala kang morning class?"tanong ko.

"Meron."simple nyang sagot ng di ako nililingon.

Nagpresinta syang maghanda ng breakfast namen,actually, meron naman ng lutong agahan at nasa ref lang yun. Kame ng bahala ang magpainit kung sino ang gutom.At yun na nga ang ginagawa ni madz.

"Ikaw?"tanong nya sa kin at gets ko na ang tinutukoy nya.

"Wala si prof eh."

"Lucky break!"sya at inilapag sa mesa ang isang mug na kape.

"Para sa kin ba 'to?"nagtataka Kong tiningnan si maddie. At tumango lang sya bilang sagot sabay talikod sa kin. "Madz,you know naman na milk ang iniinom ko di ba?"malumanay kong sabe baka masamain nya. Matampuhin pa naman ito, parehas sila ni jho.

(Uy,naisingit pa talaga! )

Manahimik ka.

"Alam ko."tas muling humarap sa kin na may dala ng mangko. Inilapag nya rin ito sa harap ko. "Kainin mo rin daw yan."tas naglagay pa ng kutsara.

Nagtataka kong tiningnan ang mangko na may laman na sopas tas ibinaling ko tingin
ko kay maddie na kumakain na pala. Magkaharapan po kame guys.

"Kain na."naka smile nyang utos sa kin. "Ubusin mo rin daw yang kape mo."

Halos mangalahati ko na ang kinakain ko ng maisipan ko na ulit magtanong.

"Uhm, madz..... Daw ka ng daw kanina pa. Anong....daw na sinasabe mo?"

Itinigil muna ni maddie ang pag kain tas seryoso akong tiningnan. "Dapat ang tanong mo ay.... Sino?"

Napakunot noo ako. Tao pala kala kung ano na yung sinasabe nya.

"Si jho. Si jho yung nagbilin sa kin na pag nagising ka na ay paki init ko daw yung sopas na niluto nya."

Si jho nagluto?! Aba himala yata! Eh tamad kaya yang maghihiwa ng mga rekado. Tikim pwede pa pero sabe ni madz, si jho daw eh.

"Sure ka? JHO? Baka naman JU ( isa pang palayaw ni jia )?"ako.

"Parang ayaw mo yatang maniwala, ah."si madz.

"Para kaseng ang labo ata. Si jhoana? Magluluto for me? I doubt it!" Ako at umiling iling pa tas muling bumalik sa pag kain.

"Okay. Bahala ka kung ayaw mong maniwala."si madz at nagkibit balikat pa.

Sandaling katahimikan.....

Tapos na kong kumain pero nakaupo pa rin ako at kanina pa akong nagdadalawang isip kung iti-text ko ba si jho or mamaya na lang.

"Oh, med mo."inilapag ni madz ang isang banig na paracetamol sa harap ko. "Uminom ka daw nyan para mabawasan yang sakit sa ulo mo."

"What time umalis si jho?" Wala lang,naitanong ko lang.

"Pagkatapos ng training nagmamadali na sya. Siguro.... Around 8:30?"

"Ah, okay."sagot ko tas nagpresinta na akong maghugas ng kinainan namen.

"Baka naman ma-late ka na nyan, ha."sita ko kay madz kase nag aayos pa ng mesa. "Iwan mo na yan. Ako na lang gagawa nyan later."

"Wala na rin naman eh. Tapos ko na."parang batang sabe neto.

Napangiti ako dahil ang cute ni maddie.
Nagpaalam na sya sa kin para mag ayos ng
sarili.

"Ihahatid mo ko?"si madz.

"Yup! Kaya tara na baka ma-late ka na talaga."ako tas pinag buksan ko sya ng pinto ng BABY ko. Syempre sa passenger seat. Ayokong mag mukhang driver ni madayag.

Pagkapasok ko at di ko pa binubuhay ang engine ng BABY ko ay may sinabe si maddie na nakapag pahinto sa kin.

"I miss you, bei."si madz na diretso ang tingin.. "Actually namimiss ka na namen ni trey."at saka pa lamang tumingin sa kin.

Bakit may lungkot ang kanyang mata?

"Di ka na namen nakakasama. Wala na nga tayong bonding eh. Nakalimutan mo na yata ang BATCHIES mo?"

Humarap ako sa kanya, di pa naman ako naka seat belt. "Oi, hindi ah!"

"Lage mo na lang kasama si jho."may himig pagtatampo si madayag. "Tsk! Oo nga pala! BEH-STFRIEND mo nga pala si jho."

"Sorry."ako. Guilty ako. Totoo naman kase eh,mas madalas ko ng nakakasama si jho sa mga gala ko. Sya agad ang naiisip ko kung gusto kong umalis. Kaya tama si madz, wala na kong time sa kanila ni trey.

"Akala ko ba ihahatid mo ko?"pag iiba ni maddie ng topic.

Ay oo nga! Ihahatid ko nga pala 'to!
Halos paliparin ko na ang car ko para makarating si maddie sa building kung saan ang class nya.

Pababa na sya ng kotse ko ng pigilan ko sya kaya isang nakakunot noo'ng maddie ang humarap sa kin.

"Uhm,gala tayo later. Sagot ko."ako.

"Alam mo wag na lang. Nakaramdam ka lang ng guilty kaya gagawin mo yan."

Okay. Fine. Nagi-guilty nga ako. Akala ko kase okay lang sa kanila yun pala medyo nagtatampo na ang batchies ko.

"Gusto kong bumawi sa nyo. Actually, na mimiss ko na rin naman kayo eh. Kaya pumayag ka na."ako. "Please?"

Nakatingin lang sa kin si maddie maya maya ay nag smile na sya sabay tampal sa noo ko. "Oo na nga! Pa-cute ka masyado."

"Yown! Okay i text trey later. Basta oo na, ha?"masayang sabe ko.

"Oo na nga! Kulit neto! Sige na ba-bye na."tas bumeso sa kin bago bumaba ng kotse.

Hinintay ko na makapasok si madz sa building bago ako umalis.










"Di ka pumasok?!"si jho na nakakunot noo.

Sinundo ko sya kase balak kong mag lunch date kame ngayon.

( yan ang "manok"ko dumidiga na. Sige bakuran mo na hanggat maaga pa baka may sumalisi pa. Mapurnada pa eh 'no.)

Dame mong alam! Aayain ko lang mag lunch...... Date. Hehehehe...... Halata ba?

(Yan ang sinasabe ko. Mag de-deny sa umpisa tapos dun din pala ang patutunguhan ng FEELINGS. )

Eh, sa natatakot ako eh. Ayokong maulit ang lahat tas ano? Ako ang luhaan sa ending? Shaklap nun dude!

"Wag mo kong ngingitian lang, beatriz. Bakit di ka pumasok?"nakataas na ang isang kilay neto.

Napakamot ako sa batok. "Wala kameng prof saka yun lang naka-sched na class ko for today, eh." Tiningnan ko ang reaction nya at mukha namang naniwala na si "mayora". "Let me carry that."sabe ko tas kinuha yung ilang libro na dala nya.

Naglalakad na kame papunta sa kotse ko ng magtanong ulit sya.

"San tayo pupunta?"

"Magla-lunch date------ i mean kakain ng lunch! Oo yun nga yun! Hehehe......"tas pasimpleng napakagat ng labi. Gusto ko ring kagatin dila ko,minsan walang preno eh!

"Dun ang cafeteria, ah? Eh, ba't papunta tayo sa parking?"takang tanong ni jho tas huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Sa labas tayo magla-lunch."ako. "Para..... Para maiba naman..... Di ba?"

"Ah, okay. Tara?"si jho tas nauna ng naglakad palapit sa BABY ko.

Dinala ko sya sa isang buffet resto at tulad ng inaasahan ko naparame ang Kain ng beh ko, pati tuloy ako nahahawa na sa kaganahan nyang kumain. Alam kong ang next class nya ay 3:00 pa kaya mahaba haba pa ang pagsasamahan namen. Kaya lulubusin ko na to.

"Pagkatapos naten mag lunch, San mo gustong pumunta?"ako na katatapos ko lang kumain. Pinanonood ko na lamang kumain si jho.

"Gusto kong matulog."sya ng di tumitingin sa kin. Busy sya guys sa pag himay ng hipon.

Napansin kong nahihirapan sya sa pag babalat neto kaya nag volunteer na kong himayan sya. Bawat balat ko ng hipon ay inilalagay ko agad sa Plato nya. Ang sweet ko di ba?

(Oo naman, dude! #BREEZYNAHOKAGEPA)

"Matutulog ka?!"ako.

"Oo! Bakit?"si jho na panay ang subo.

Napa nguso na lang ako kase ang inaasahan kong isasagot nya ay magaaya syang mag mag mall.

"Wag ka ngang mag pout."saway nya sa kin. "Gusto kong bawiin ang pagpupuyat ko ng dahil sa KADRAMAHAN mo."

Oo nga pala. Napuyat sya sa kakahintay sa kin tas inasikaso pa nya ako tas nagkadramahan pa nga pala kame!
Yes guys. Naaalala ko ang lahat ng nangyare kaninang madaling araw at medyo nahihiya ako kay jho kaya nagkunware na lang ako na walang naaalala.

"Ikaw! Ikaw nga dapat ay natutulog pa kase nga masakit ang ulo mo gawa ng pag walwal mo kagabe. Ininom mo ba yung med na ibinilin ko kay madayag?"

Tumango lang ako tas may naalala ako kaya nagtanong na ko kay jho. "Beh, ikaw ba talaga ang nagluto ng sopas kanina?"

"Parang di ka naniniwala."sagot nya tas seryoso akong tiningnan. "Oo ako nga. Bakit? masarap naman ah! Sila ate ly nga nagustuhan."parang bata nyang sabe.

"Andame mo namang sinabe! Oo at hindi lang sagot."ako "OUCH!"

Pinalo ba naman ako sa kamay! Eh, ang lansa pa naman ng kamay nya! Hay naku naman jhoana!

"Magpasalamat ka na lang kaya 'no."tas inirapan ako. "Buti nga inaalala ka pa."bulong nya pero narinig ko naman.

"Thank you, beh."ako at inilagay ko na ang huling hinimay kong hipon sa plato nya.

"Your welcome."tas inirapan ako ulit.

Napatawa ako ng mahina tas nailing pa.
Bakit lahat na lang ng gawin ni jho sa paningin ko ay "cute" ?
Ang lakas na ba ng sipa sa kin ng.......... PAGIBIG!?!?
















JHO

"HUY!!!"

Saka pa lamang ako napahinto sa pagpaparoot parito ko sa room namen ni kim.

"Para kang pusang di matae dyan!"si ate ella.

Dito na muna sa dorm maglalage itong si donya hanggat di natatapos ang stint namen sa SVL kaya mahaba haba ang pagsasamahan namen ng aking "ina" at dito rin sya sa room namen ni kim idinagdag pansamantala. Nagbigay na lang ng extra bed para sa donya.

"Maupo ka nga!"si ate ells tas muling inatupag yung phone nya.

"Ate.... 10 na, wala pa sila."parang bata kong sumbong tas napanguso pa.

Naiirita akong tiningnan ni ate ella. "Tigilan mo nga ako maraguinot sa ka-artehan mo."

"Namimiss mo agad ang beh mo?" Sabat naman ni kim na kalalabas lang sa cr.

Tumango ako." Masama ba?"at inirapan sila. Tas muling tumayo at sumilip sa bintana.

"Wag mo nga kameng irapan!"si ate ells. FYI lang po Ms. Maraguinot, 2 hours pa lamang po nawawala si de leon. At ang kasama naman nya ay mga batchies nya,kaya wag kang OA, okay?"

"Ihhh...."ako tas napapadyak pa.

"Oi, manahimik ka nga!"si donya pa rin.

Natatawa naman si kim sa min para daw kameng "tunay na mag-ina" kung umasta ni ate ells. Dahil kung pagalitan ako at pagsabihan ako ng donya ay para talagang isang INA.....INAHIN! Lol!
Grabe din yang mangbara. Lidso mga bes!
Pero ang maipagmamalaki ko dyan; di ka nya iiwan sa ere (same sila ni beh), pag mali ka di ka nya kukunsintihin(masasabon ka pa!), at papayuhan ka tagos sa puso't kaluluwa mo. Kaya love na love ko yan eh!

11:27PM na sa phone ko at hanggang ngayon ay di pa rin ako makatulog. Panay lang ang tingin ko sa phone ko baka sakaling may text si beatriz pero lalo lang akong napapa simangot dahil ni isa wala. Nag tingin din ako sa Twitter at IG nilang tatlo at ayun nga andame nilang photos together at halata mong na miss nila ang isat isa. Ang lalapad at ang lalaki ng mga ngitian nilang tatlo: si Maddie,si Trey at syempre si Beatriz!

Bago kame umuwi kanina ni bea ay nasa loob pa lang kame ng kotse nya ay nagpaalam na sya sa kin na magba-bonding daw silang tatlo kaya pumayag naman ako. Alam ko namang di mahilig sa alak ang dalawa tanging si beatriz lang ang may pagka "lasengga" sa tatlo. Kaya kampante akong uuwi si beatriz ng matino.

Biglang tumunog yung phone ko kaya agad kong kinuha at sinagot kahit di ko pa tinitingnan kung sino natawag. Bumaba rin ako baka kase maka istorbo ako kina ate ells at kim. Nasa hagdan na ko at pababa na ng sagutin ko yung call.

OTP:

"Hello?"ako.

"Hi"

Napahinto ako at tiningnan agad ang phone ko kung sino yung natawag at napasapo na lang ako sa noo ko ng makita ko yung name nya.

"Hello? Louisse?"

"O-oh! Napatawag ka ata."ako at tuluyang bumaba ng hagdan. "Gising ka pa ah! Anong meron?"

"Ikaw? Ba't gising ka pa? It's almost 12 midnight na, ah! Review?"

"A-ah, no. Ano lang......"nampucha bes! Wala akong maisip na dahilan!

(Eh di sabihin mong may hinihintay ka! Sus ang dali lang!)

Anong may hinihintay? Wala 'no! Di ko hinihintay si Beatriz! Kahit hanggang ngayon ay wala pa rin silang tatlo.
Di lang talaga ako dalawin ng antok ngayon.

(Okay. Fine. Sabe mo eh! Oo na lang ako!)

"Louisse?"

"Ano kase.... Inaantok na pala ako! Hehehe.... Sige, ano....uhm, b----"

"Pwede ba tayong magkita?"putol nya sa kin.

Natigilan ako sandali. Biglang wala akong nasagot. Oo or Hindi lang naman pero parang nagtatalo ang isipan ko.


"Beh?"

Napapitlag ako ng marinig ko yung boses na yun. Napalingon ako sa may pintuan at ayun na nga bumungad sa kin ang naka kunot noo'ng si beatriz at nasa magkabilang side nya sina trey at Maddie. Agad kong in-end ang call tas alanganing ngumiti sa tatlo.

"Hi!"kunyare masaya para di mahalata ni beatriz na nagulat ako sa pagdating nila.

"What are you doing here?"tanong nya ng makalapit sa kin. Take note naka kunot noo pa rin sya bes!

Di ko muna sinagot kase nakipag beso muna ako kina Maddie at trey. Nagpaalam na rin silang mauna ng umakyat, napagod daw sila eh.

"Ikaw?"baling ko kay beatriz na naka upo na sa sofa. "Pahinga ka na rin."

Tiningnan lang ako ni beatriz at ako naman ay pasimpleng umiwas ng tingin. "Tulog na rin tayo?"aya ko pa. Patalikod na ko ng muling magsalita ito.

"Sino yung kausap mo sa phone?"

Hala sya! Seryoso po si de leon! Paktay ako!

"Si jaja."sagot ko.

"Ng ganetong oras?"

"Oo. May problema daw sya eh. You know....lovelife."pag sisisnungaling ko. Sorry sis!

Tumayo sya at nilapitan ako ng di inaalis ang titig(?) sa kin. Nang magkaharapan na kame ay bahagya akong napatingala sa kanya (tangkad eh!) At di rin ako nagpatalo sa titigan contest namen.


Dug dug..... Dug dug..... Dug dug..... Dug dug......


Ano bang ingay yun? Kahit gantong hating gabe may ganun?

Maya maya pa nabigla na lang ako na hinaltak nya ako palapit pa sa kanya! Namalyan ko na lang na yakap yakap na ko ni beatriz.

Si Beatriz na mahigpit akong niyayakap habang sumasagi sa tenga ko ang bawat paghinga nya. Ako, na napasubsob sa dibdib nya. Leche! Bakit hanggang ngayon ang bango bango pa rin ni beatriz? Nag gala na't lahat tas uuwing mabango pa rin? Hay naku beatriz! Nakaka ano ka talaga---- teka ano ba tong naiisip ko!

"I thought hinihintay mo ko kaya di ka pa natutulog."malambing nyang bulong. "Pero okay lang kase....."humiwalay sya sa pagkakayakap sa kin tas muli tinitigan ako sa mata. "At least ikaw yung huli kong makikita bago ako matulog."






AN:

Maraming salamuch talaga sa mga patuloy na nagbabasa netong fanfic ko!hehehehe!
Salamat sa mga nagtyatyaga kahit minsanan lang ako mag UD.
Sensya na guy's marame lang ako ginagawa at iniisip(?)

Hello nga pala kina:

Pasawaynasutil
KookieDiana
Ilenipse
Yamevangelista

Continue Reading

You'll Also Like

289K 11.7K 41
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹
461K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
244K 6K 52
โŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏ เชœโ€โžด ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐‹๐ˆ๐Š๐„ .แŸ โ› & i need you sometimes, we'll be alright. โœ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
1M 18.2K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...