Songs Of The Heart Series 1:...

By Shan_sky

62.6K 2.3K 136

gxg: A song binded them together ( Nov. 2017 - Sept. 2018 ) More

Prologue
Chapter 1: Sa iyong Mga Mata
Chapter 2: Hon-Ni
Chapter 3: Our gu'nyt
Chapter 5: Dapat ng Lumingon
Chapter 6: Jelly-Me
Chapter 7: Payong
Chapter 8: Crush
Chapter 9: Shiver
Chapter 10: Munting Kurot
Chapter 11: Hawak Kamay
Chapter 12: Hokage ni Icee
Chapter 13: Friendship over Love
Chapter 14: Bakit ba?
Chapter 15: Friends in Love
Chapter 16: Bahala Na
Chapter 17: Jelly is in the air
Chapter 18: Hurt
Chapter 19: Binulong sa Hangin
Uusbong na Pag iibigan
Chapter 20: Lost in her Eyes
Chapter 21: Itutuloy
Chapter 22: It's Done
Chapter 23: Rosas
Chapter 24: Hoping and Hopeful
Chapter 25: Duwag
Chapter 26: Kiss in the rain
Chapter 27: Kiss me Quick
Chapter 28: Especially 4u
Chapter 29: Your touch
C30: Simula pa Nung Una
Sa lahat
Epilogue: In our Eyes

Chapter 4: Bagay tayo

2.1K 85 1
By Shan_sky

SHAICEE'S POV:

Hanggang 4:30 ang klase ko ngayon. Ang drama presentation nina Alice ay 1:30 kaya lunch muna kami ngayon sa canteen. Magkatabi kami ni Alice, 'yung iba niyang kagroup ay nakikita kong nag-rerepaso pa ng script nila. Bumili ako ng hotdog in tomato sauce, si Alice naman ay chopsuey.

"Kaw talaga Ice, hilig mo sa processed food," sita niya.

"Okay lang, minsan lang naman 'to. Ay sa weekend, ipagluluto kita ng pasta. Name it!"
"Wala ako sa weekend. Uuwi ako ng Calamba diba?"
"Ow...sorry. 'Nga pala."
"So kamusta?"
"Alin?"
"Puso mo? Blooming na blooming ka Te! Anyare ha?" tanong ni Alice na may naunuksong mga mata at taas pa ng kilay.

"Anyare ka dyan! Pakana mong lahat, baliw ka!"
"Baket? Successful naman ah? At least, na open na ang line sa inyong dalawa."
"Bakit ba mahalaga sa 'yo na mapansin niya ako?"
"Bes, sa akin ka pa ba mahihiya? I know you like, Neri.. A.Lot. Ako naiinip sa 'yo eh."
"Am I too obvious na ba?"
"Hindi naman. Sa akin lang kasi kilala kita, best friend kita eh."
"Pa'no mo ko nahalata?"
" 'Yang mga tanong mo about her, 'yung nahuhuli kitang madalas siyang sulyapan. Minsan nga, parang siya lang ang tao sa mundo. Then, accidentally nung nakitext ako sa 'yo,
ay, naki Fb pala, nascroll ko 'yung gallery mo, puro captured pictures ni Neriza ang nando'n. Obssess ka na yata sa kanya eh. Kaya help na kita, mahirap na."

"Alice, hanggang do'n lang 'yon okay? Magka-kilala, classmate. Malabong maging kami. Mukhang straight na straight pa, or may Jam na siya?"
"Kaibigan lang niya si Jam okay? Tiwala lang!"
"Ready na ba kayo mamaya sa presentation niyo?"
"Ako pa?!"
"Yeah right."

Tuluy-tuloy ang kuwentuhan namin ni Alice ng biglang may pamilyar na boses akong narinig, sobrang lapit. Nag-angat ako ng mukha. Kumabog ang dibdib ko na makita ang nakangiting mukha ni Neriza. Magkatext pa kami kanina bago ako pumasok. Simpleng goodmorning at ingat pagpasok lang 'yon.

"Hi! Puwedeng tumabi? Maki-upo?" she asked. Inalis ni Alice ang bag niya sa ibabaw ng table. "Sure, sure! Ikaw pa," sagot niya sabay ngisi. Sasabunutan ko na talaga 'tong babaeng 'to eh! Hindi na nga ako makakilos!

"Pina-uwi kasi si Jam, nahihilo raw. Puyat kasi ng puyat kaka-COC."
"Diba ikaw rin, addict ang grupo mo sa COC na minsan nakikita ko sa Fb, pati do'n nagka-clash kayo?"
"Minsan na lang 'yon. Tapos na kayo kumain?"

"Eh, patapos na rin." sabi ni Alice. Sila lang nag-uusap kasi bigla-bigla akong nailang. May nilabas siya sa paperbag niyang tupperware at pinatong sa mesa.

"Tamang-tama, nag bake kasi ako ng banana bread kaninang umaga, try lang," sabi ni Neriza sabay tanggal ng takip ng lalagyan. Kumuha agad si Alice ng isa at biglang nilagay sa pinggan ko.

"Oh, ayan beshie. Pinili ko 'yung pinaka-malaki para sa 'yo," sabi ni Alice. Ang weird.

"Ay! Kanya talaga 'yan," sabi ni Neri. Sumagot si Alice, "Wow! Ang sweet sweet nemen..."

"Hahaha! Oo, sa kanya 'yan. Napansin ko kasi na lagi siyang bumibili niyan sa canteen. Tikman mo na.... Ice."

Bigla naman akong nailang sa presensiya ni Neriza. Why can she act so normal gayong ako itong ilang na ilang? Kinuha ko ang tinidor at kumurot nung bread. Malambot siya at ang bango.

"Hmmmm.... Sharap," sabi ko.
"Haahaha! Ano ba 'yan, para kang bata kumain," may ilan kasing nalaglag sa bibig ko.

"Sarap, masarap siya. Dapat magbenta ka rito sa school."

Hindi ko pa rin siya tinitingnan ng deretso kasi baka mahuli niya sa mata kong kilig na kilig ako.

"So Ner, bakit mo pala napansing lagi siyang kumakain ng banana bread?" Alice asked.

"Ah... nakikita ko lang. Eksakto lagi na pag mag-kakasabay sa pila rito, 'yun ang binibili niya?"
"Aah okay. Pero espesyal talaga kasi malaki 'yung kay Ice eh."
"Alice isa," warning ko.

"Ay siyanga pala, fiesta sa amin sa Linggo, punta kayo para matikman niyo naman ang specialty ko. Sa Bacoor lang naman."

"Aaaay di ako puwede nasa Laguna ako. Pero itong si Shaicee puwede. Puwedeng puwede! Diba Ice, diba?" tanong ni Alice habang sinisiko niya ako.

"Punta ka.... Ice. Mag-iinvite din naman ako ng ilang classmates natin. Magluluto ako ng chicken pesto pasta."

Biglang napa-angat ako ng mukha at napatingin kay Alice. "Ay nakuu!!!! Shaicee! Pumunta ka sa fiesta! Naku, di mo naitatanong Neri, favorite ni Ice basta kahit ano'ng may pesto."

"Talaga? So, I'll count you in ah."
"Naku Neriz, huwag ka ng mag-imbita ng classmates natin. Kay ice palang solve ka na!"

Inapakan ko ang paa ni Alice. "Araaaaay!!!!"

"O bakit?" nabiglang tanong ni Neriza.

"W-wala, wala. M-may, may naalala lang ako."

"Kala ko napa'no ka na eh. So pa'no, magready na ako sa play natin mamaya. Ice, magcheer ka ha."
"Sure."

Nag-paalam na si Neriza. Puwede bang akin na lang lahat ng banana bread? Akin lang?

"Nyemas Pards! I feel romance na, ayiiieeee...."
"Alice! Nagpatikim lang ng binake niyang tinapay, romance na?"
"Come to think of it. Bakit siya gagawa ng tinapay na especially made kasi sa 'yo pa ang pinakamalaki? Bakit hindi sa 'ken? Sa kanya, o kaya kay Jam?"

"Naniwala ka naman? Sabi niya diba, umuwi na si Jam? Malay mo kung nakalimutan lang niya ibigay? Nasabi na lang niyang akin kasi inunahan mo agad."
"Lam mo ikaw? Ang nega mo!"
"Hindi ako nega bes. Expecting the worst lang ako. Tigilan mo na kakatukso sa akin okay? Lalo na if she's around? Please?"

"Ah Ice, alam mo namang pupunta na ako ng states next year diba? Maiiwan na kita. So dapat, nakiki-mingle ka na iba. Huwag kang patali sa isa o dalawang tao lang. Explore the world. Gusto ko sanang sa grupo ka ni Neriza mapunta next year, di ka mapapariwara."

"Grabe! Ano ba tingin mo sa akin, rebelde? Atsaka ako na bahala sa buhay ko. Mahal ko si Neriza at kapag lumapit ako sa kanya, lalong mapariwara ang buhay ko dahil masasaktan lang ako."

"What?! Did I hear it right? You love Neri?"

"Yes. Hindi lang simpleng crush 'to kaso sabi ko nga, hindi puwede. Baka pandirihan niya ako, ayokong umiwas siya."

"Ikaw bahala."

Pumasok na kami sa English class namin. Busy na sila mag-ayos sa harap ng mga props nila. Di ko alam ang theme ng play nila pero Neriza will portray a prostitute then Alice will play a role of a drug addict. Parang pertaining sa society ang tema nila.

Tahimik lang ako sa likod ng classroom pero sa isang tao lang naka-tuon ang attention ko. Kay Neriza - ang babaeng nagbigay sa akin ng banana bread. Hmmm... short for B.by? Hehe!

Natapos silang magset at wala pa rin si Sir. Nakita kong nag-pahinga si Neriza at naupo. Kinuha ko ang cp ko sa bag at tinext siya.

"Hi Hon... Galingan mo mamaya ah."

">.<"

"Luh bakit po galit?"

"Hon mo mukha mo! Ang suplada mo kanina! Kapag kaharap ako, ang hirap kunin ng atensyion mo. Ngayon sa text, hon hon ka dyan!"

"Sornaaaa.. Eh kasi makulit si Alice."
"Sige na."
"Pa'no ako babawi?"
"Pumunta ka sa fiesta."
"Owkaays."
" ^___^ "
"Goodluck sa play. Magchi-cheer ako."
"Magtago ka."
"Ha? Bakit?"
"Baka madistract ako sa ngiti mo."
"Hahahah! Baliw!"
" :-) "

_____
Magaling ang grupo na Alice, eh natural-born leader naman talaga 'tong si Alice eh. Superb. Di rin naman papatalo si Neriza. Magaling din siyang umarte at silang dalawa ng highest sa play nila.

Pinilit kong magpaka-normal, kunyare nagse-cellphone ako pero vini-video ko siya. After ng play ay nagpicture taking muna sila. Assignment namin ay isang simpleng reaction paper sa play kasi wala ng natirang oras. Simple lang din ang reaction ko do'n eh. "Best Actress: Honey ko."

After english namin ay vacant tapos isa pang Math subject. Naglalakad na kami sa hallway ng humabol si Neri.

"Ice, Alice!" napalingon kami.
"Sabay na ako sa inyo. Di na papasok mga kagrupo ko sa next subject, magbibilyar daw sila."

"See Shaicee? I told you, good influence si Neriza."
"Ha? Bakit?"
"Wala."
"Sa'n kayo?"
"Lalafang?"
"Sama."
"Sa Mcdo kami," sagot ni Alice. Ito na naman akong hindi makapag-salita.

"Sige shoot! Game!"
"Cr muna tayo, mag-alis lang ako ng make-up."
"Sige ako rin."


Mga ten minutes din kami sa loob ng Cr. Hindi pa rin ako makatingin kay Neri at di ko alam kumbakit parang naiinis siya sa kin. Paglabas ng Cr ay kinuha ko sa kamay niya ang isang paperbag.

"Ako na magdadala niyan, di ka na magkanda-ugaga eh. Ano ba laman nito?"
"Now you're talking."

Umuna si Alice ng lakad at may kinausap bigla na classmate namin. Ewan ko pero parang scripted na naman ang pag-iwan niya sa 'min.

"Ano laman nito kako?" tanong ko ulit.

"Mga props ngaaaa.... Dadalhin ko mamaya sa pinsan ko, hiniram ko."
"Yung malapit sa amin?"
"Yep!"

Pagtapat namin kina Alice ay tinawag ko na siya. "Bes, tara na?"

"Naku Ice, nakalimutan ko. Magvivideo games pala ako kina Brianna, thirty minutes pa naman eh. Sunod ako."

"Gano'n?" sabay irap ko sa kanya. "Susunod ka ha! Kung ayaw mong masapak kita."

"Oo nga! Susunod ako." Then she winked. Alam na this, haaay!

Pagdating sa Mcdo ay iniwan ko na si Neriza na maupo. Kinuha ko na lang ang order niya. For the meantime ay kinuha ko ang pera niya pambayad. Ayokong mailang siya sa akin. Parang normal friends lang na KKB, gano'n.

"Here comes the fries!!! With chocolate Sundae at your service mo Madam," masigla kong sabi habang nilalagay ko isa-isa sa mesa.

"Eh si Alice ano kanya?" She asked.
"Yaan mo 'yon. Video games? Di na susunod 'yon."
"Okay. Tara, kain na tayo."

Tahimik kaming kumain ni Neriza. Di kami nag-uusap, hahahha. Parang pareho kaming nakikiaramdam. Alam mo 'yung titingin ako sa kanya tapos mag-babawi ako pag napatingin din siya sa 'kin? Di ko kasi alam pa'no at anong topic.

"Ice..."
"Hmmm?"
"Ang cute mo."
"Hehe! Alam ko na 'yan matagal na."
"Hahahahah!"

Silence....

"Hon?" Tawag ko kay Neriza.
"Hmmm?" She looked at me in the eye.
"Puto ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi.... Bagay ka sa Dinuguan kong puso."
"Hahaahahaha! Ang corny mo Ice, hahah! Bakit? Broken hearted ka ba?"
"Oo eh."
"Sino namang tanga nag-padugo sa puso mo aber?"
"Joke lang! Bilisan mo na nga, malapit na mag-time."

Dinala ko ulit 'yung paperbag niyang puro props. Pagdating sa school ay magka-hiwalay ulit kami dahil si Alice na ang katabi ko.
Nanunukso ang mga mata at ngiti ng bruha. Siniko niya ako.

"Ano ha? Ano? Okay ba first date?"

"Date?!'!" Napalakas yata ang boses ko kasi nakita kong napalingon si Neriza.

"Asshuuu!! Ano inoder niyo sa Mcdo?"
"Puto at Dinuguan!"
"Ha? Mero'n ba no'n do'n? Wala naman e!"
"Meron! Kanina lang! Hahahhaha!"

------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
327K 25.4K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
2.8M 80.9K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****