Bribing Mr. President

By CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." More

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 31

26.5K 608 75
By CincoMedicatus

Countdown na tayo? :)

 

x

Chapter 31

 

 

Kareeza’s POV

 

 

Halos madapa ako habang tinatakbo ang exit ng Vinocco building. Pinilit kong wa’g intindihin at pakinggan ang tawag ni Nate sa likoran. Tama na talaga. Kailangan ko na talagang matuto. Masyado na kasi akong sinasagad ng lalaking ‘yon. Ano bang akala niya sa isang katulad ko? Lumalaklak ng anesthesia at hindi man lang marunong masaktan? Kinagat ko ang labi ko nang rumehistro na naman sa aking utak ang nangyari kanina sa loob ng unit ni Nate. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. Kaya lang hindi ko alam kung para saan ang pagsisising ‘yon. Nagsisisi ba siya dahil sa ginawa niya o nagsisisi siya kasi hindi siya nag-ingat at nahuli ko siya?

Napamura ako sa iniisip ko. Ba’t ko pa kailangang malaman? Para ano? Para humanap na naman ng rason na palagpasin ang pananakit niya sa’kin? Walang hiya. Tama na. Hindi porke’t uso ang katangahan ngayon ay makiki ride in narin ako.

Agad akong nag-abang ng taxi para makaalis na sa makasalanang building na ‘to. Walang hiya. Doon ko pa naman sinuko ang kimchi ko tapos.. Hay! Ay ewan ko!

Napatili ako nang may biglang pumarada na Montero sa harapan ko. Kumunot ang noo ko kasi hindi pamilyar ang sasakyang ‘yon. Akala ko aalis na ito sa harapan ko pero hindi kaya naisipan kong lumapit doon mismo sa salamin. Agad namang bumaba ang bintana ng sasakyan.

“Akala ko kung sino..” Pabulong kong sabi.

Napabuntong hininga ako at sumakay na sa kotse ni Siobhan. Pinilit kong ngumiti sa kanya nang maaninag ko siyang nakatitig sa’kin. I don’t why he “did” that but I’m thankful. Alam kong nag-aalala rin siya sa’kin kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya kasi di niya ako pinabayaan.

“Di pa ba tayo aalis?” Tanong ko sa kanya. Sinilip ko pa siya saglit para makita ang reaksyon ng mukha niya pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Dinig na dinig ko ang malalalim niyang hininga na para bang nagpipigil siya.

Kalaunan ay pinaandar na niya ang kotse niya.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Wala rin naman akong balak umimik. Ang daming sumasagi sa isipan ko. Kung ano na nga ba ang ginagawa ni Nate at Karen ngayon. Kung okay lang ba siya. Kung nasaktan ba siya. Mabilis kong kinagat ang dila ko at pumikit nang mariin. Ibang klase. Posible pa palang mag-alala ka sa isang taong nanakit sa'yo.

Ibang lebel na yata ang katangahan ko. Nakakatakot na ah.

Huminga ako nang malalim nang magtubig na ang mga mata ko. Bakit ganoon? Wala naman akong natatandaan na nagkulang ako sa kanya. Siguro sumobra ako? Nasakal ba siya? E walang hiya naman! Sana sinabi na niya lang. Masakit na kasi.

 

Tumingin ako sa labas ng bintana at pasimpleng pinahid ang luhang tumakas sa kanang mata ko. Of all people I know, si Nate lang ang pinaka huling taong naisipan ko na gagawa nang ganito. But at the end of the day, nagkamali na naman ako.

Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam na ako ng matinding ginaw. Mabuti nalang at suot suot ko parin ang jacket ni Siobhan.

“Should we go somewhere else?” Napalingon ako kay Siobhan bago tiningnan ang lugar kung saan kami. Bumuntong hininga ako at umiling.

Hindi ko man lang namalayan na sana tapat na pala kami ng bahay.

Bababa na sana ako nang maramdaman ko ang kamay ni Hanz sa kaliwang braso ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. Hinawakan ko yun at hinaplos. May bakas na sugat kasi ang kamao niya.

“Gamotin natin?” Aya ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang isa kong kamay. Tiningnan niya ako sa mata. “Okay ka lang ba?”

 

Ngumiti ako nang matabang sa kanya. “Siyempre hindi. Ikaw ba naman ang makakitang nagtatalop ng mangga ang taong mahal mo.” Tumawa ako sa biro ko pero agad napawi yun nang tuloyan nang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

“I’m sorry.” Umiling ako sa sinabi ni Hanz.

“Wala ka namang kasalanan.” Kagat labi akong ngumisi sa kanya.

Tumingala ulit ako nang magtubig na naman ang mga mata ko. Nakakahiya. Sa lahat ng pwede kong iyakan ay si Siobhan pa talaga. Siya kasi ang taong akala ko ay mapagtatagoan ko ng emosyon ko.

“Tama na, Kareeza.” Malamig niyang sabi. Tumango ako sa kanya at suminghot.

I even raised my left hand, signaling a stop sign.

I stayed a few more minutes inside. Kinalma ko muna ang sarili ko kasi baka pagpasok ko sa bahay ay bigla nalang akong bumigay. Ayaw ko pa namang nakikita ako nila Mama na ganito. Binaon ko ang sarili ko sa upoan ng front seat at pumikit.

Nang maramdaman ko nang okay na ako ay napagdesisyonan ko nang lumabas ng sasakyan at magpaalam kay Siobhan. Inaya ko pa siyang pumasok sa loob pero tumanggi na siya. Baka daw kasi magtanong si Mama tungkol sa nangyari sa kamay niya. I sighed. Oo nga naman. Sa sobrang bangag ko ay hindi ko na naisip na baka nga mangyari yun.

Dahan dahan akong pumasok sa bahay at laking pasasalamat ko na wala sila Mama. Siguro nagpapahinga na sila. Tinakbo ko na agad ang kwarto at mabilis na ni-lock ang pinto.

Nang makita ko na ang higaan ko ay agad akong tumalon doon at doon na binuhos ang lahat. Ni-on ko pa nga ang speaker ko at nagpatugtog nang napakalakas para lang hindi nila marinig ang hikbi ko. Ganoon kasi ang ginagawa pag umiiyak ako. Ayoko kasing may makakarinig.

Dumapa ako sa kama at pilit na iniaalis ang mga nakita ko kanina sa loob ng unit ni Nate. Gusto ko siyang tanongin kung saan ba ako nagkulang o sumobra. Kasi kahit anong gawin at analisa ko sa lahat, wala akong makita eh. Masyado ba talaga akong nabulag?

Nang makita kong nakapatong si Karen kay Nate sa sofa, para akong nanlamig at namanhid. Ang masakit pa doon ay para bang ayaw akong paalisin ng mga paa ko. Kung hindi ko narinig ang mga mura ni Siobhan ay hindi na ako makakaalis sa kinatatayuan ko.

Napabalikwas ako nang mag vibrate ang aking cellphone. Kinapa ko muna ang bulsa ko at agad tiningnan ang screen.

Nate calling…

 

Gusto kong matuwa at maglulu lundag sa saya. Pero alam kong hindi dapat. Suminghot ako bago nag-isip kung tatanggapin ko ba ang tawag. In the end, yung tanga kong puso na naman ang nasunod.

“Hello..” Ngumiwi ako sa tono ng boses ko. I sucked a deep breath.

Hanggang kailan kaya ako ganito? Nakakasawa din pala.

Nag hello ako ulit kasi wala akong narinig na boses sa kabilang linya. Nagkamali ba siya ng tinawagan? Parang piniga na naman ang puso ko. Grabe ha. Talagang sinagad ko na ang pagiging tanga.

Huminga ako nang malalim at napagdesisyonan nang ibaba ang tawag nang marinig kong huminga si Nate nang malalim.

“I’m outside.” Aniya sabay buntong hininga.

Napasinghap ako sa sinabi niya at nagda dalawang isip kung haharapin ko ba siya o hindi. Naisip ko agad sila Mama. Siyempre magtataka sila kung bakit ayaw kong harapin ang salawahan sa labas. Tsk.

“Okay.” Yun nalang ang sinabi ko at agad bumangon sa kama. Kumuha narin ako ng bagong damit sa walk in closet pagkatapos ay lumabas na ng bahay.

Nang makalabas na ako ng bahay ay agad kong nakita si Nate na naka-upo sa hood ng kotse niya. Nakapanlumbaba siya at halatang nag-iisip. Magulo na naman ang buhok niya at kunot na kunot ang noo. Problemado, walang duda. Napakagat ako sa labi ko.

Tumikhim ako nang tuloyan na akong makalapit sa kanya. Agad naman siyang nag-angat ng tingin. Ngumiti siya sa’kin at umayos ng tayo. Nakatayo lang din ako malayo sa kanya. As much as possible ay gusto kong dumistansya sa kanya. Pakiramdam ko kasi pag napalapit ako sa kanya ay bibigay na naman ako.

“Babe..” Nabasag ang boses niya at lumapit sa akin. Walang abog naman akong umatras. Para siyang nagulat sa ginawa ko.

Kibit balikat naman siyang umatras narin at bumalik sa pagkaka upo sa hood ng kotse. Suminghap ako at agad nag-iwas ng tingin. Ilang minuto din kaming tahimik at sa totoo lang, gusto ko na siyang sumbatan pero umurong na naman ang dila ko.

Bakit kaya ganoon? Ako kasi todo ingat para lang wa’g masaktan si Nate pero bakit pagdating sa kanya, parang ang dali dali lang na saktan ako.

“Nate, it’s kinda late. Ano bang kailangan mo?” Pagbasag ko sa katahimikan.

Nakita ko siyang nilingon ako at agad namang nagbaba ng tingin.

“Iiwan mo na ba ako?” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganoon ang una niyang sasabihin. Parang piniga ang puso ko dahil sa tono palang ng boses niya, parang desperadong desperado na siya.

Napabuntong hininga ako. “Bakit? Gusto mo na bang iwan kita?” Pabalik kong tanong sa kanya.

“Kasi Nate kung ayaw mo na, hindi na kita pipilitin.”

 

Napaangat siya ng tingin sa’kin. Nag-iwas naman ako agad ng tingin. Masyado kasing mabigat ang titig niya at pakiramdam ko, konting kalabit nalang ay patatawarin ko na naman siya.

“Hindi mo ‘ko pipigilan?” Pabulong niyang sabi.

Kinagat ko ang labi ko at umiling.

Parang napipi na yata ako. Hindi ko na kasi kaya pang magsalita. Nagsisimula na naman kasing magtubig ang mga mata ko. Napasandal ako sa isang porch at tumingala. Para na akong tanga sa postura ko ngayon.

Saglit kaming natahimik pareho. Napag-isip isip ko, kaya ko bang mawala siya? Kakayanin ko ba? Of course, I can. Posible namang maka move on ang isang tao. Oo, hindi siya madali ngunit kung willing kang mag move on, maaabot mo naman yun.

“Nakakapagod ka na kasing mahalin.” Sabi ko nang pabulong.

Naramdaman ko naman ang titig niya sa’kin. Nakayuko lang ako habang nakasandal parin sa porch.

“K-Kareeza naman..” Sabi niya at mabilis akong nilapitan. Para naman akong napaso nang mahawakan na niya ang dalawa kong braso.

“Alam kong may kasalanan ako kaya nga ako nandito, diba? K-Kareeza, this is me fighting f-for us. Alam kong namumuro na ako kakasakit sa’yo and I swear to God, hindi ko sinasadya ang mga ‘yon.” He cupped my face. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa’kin.

Tipid akong ngumiti sa kanya.

“Alam mo Nate, masakit pala noh? Ganito kaya yung naramdaman ni James noon? Pinahid ko ang luhang lumandas sa mata ko. ‘Yung pakiramdam na parang wala lang. Na sa lahat ng ginawa at pagsa sakripisyo mo ay parang wala lang talaga. Alam mo yun? Masakit. Kasi parang madali lang sa’yong itapon at kalimotan lahat.” Kinagat ko ang ibabang labi ko kasi parang mapapahikbi na ako.

Bigla siyang tumalikod sa’kin at tumingala. Narinig ko pa siyang nagmura at sinipa ang isang bato.

Tumawa ako nang mapait dahilan para lingonin niya ako. Ngumiti ako sa kanya. “Ay! Oo nga pala, hindi mo pala mararamdaman ‘yun kasi ikaw yung mismong nagpaparamdam nun eh.”

 

Napahikbi na ako. Bumuhos narin ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Suminghap ulit ako at naghakot ng hangin.

“I wish I could hurt you the way you hurt me. But I know that if I had the chance, I wouldn't do it.” Sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko na-organisa ang pananalita ko. Nagpasalamat nalang ako at maayos kong nasabi yun.

Totoo naman. Gustong gusto ko siyang saktan pero alam ko sa sarili ko na kahit makahanap ako ng pagkakataon na saktan siya ay hindi ko 'yun gagawin. Ganoon ko siya kamahal.

Nakaka putang ina.

There! I said it. Ang tagal ko naring hindi nakakapag mura dahil sa kanya. And quite frankly, nakaka gaan ng loob.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Pero ang mas nakakagulat ay ang panginginig ng mga balikat niya. Part of me feel so happy pero alam ko sa sarili ko na huli na ang lahat.

Patuloy lang ako sa paghikbi. Wala na akong pakialam kung marinig ako nila Mama at Popsy. I just want to let this go. Kahit ngayon lang, gusto kong ipakita na kaya ko ring manghina at mawalan ng pag-asa. Na tao lang din ako, marunong mapagod at sumuko.

Kumalas si Nate sa pagkakayakap sa’kin at mataman akong tiningnan. Pinunasan niya ang mga luha ko. Pakiramdam ko may mainit na palad ang humaplos sa puso ko. Siguro, kung simpleng away lang ‘to, marahil kanina ko pa siya niyakap at sinabihan na kaya namin ang lahat ng ito.

Then again, I was betrayed and cheated. At para sa'kin, hindi lang 'yun isang maliit na bagay.

Marahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa’kin. Ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Hilam na hilam narin ang mga mata ko. Sobrang hapdi na nga eh.

Nakita ko siyang natulala sa ginawa ko. And for the very first time, I saw a tear coming from his eye.

God! Did Nate Corpuz just cry in front of me?!

“A-Are you giving up on me?” Nabasag ulit ang boses niya.

Umiling ako sa sinabi niya. “No, Nate. This is me realizing my self-worth.”

Continue Reading

You'll Also Like

570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
13K 665 63
Status: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda alwa...
141K 4K 25
Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya, ang masaklap ito pa ang kinamp...