Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

22

4.8K 79 0
By septemberoyal

JHO

"Sige na mga ate, ako na lang maghihintay kay bea."sabe ko kina ate ly at ate amy.

"You sure bebe jho?"si ate amy at humikab na.

"Ako na pong bahala."sabe ko sa kanila tas nag smile pa sa dalawa.

"Sorry talaga, jho. Talagang mabigat na ang mga mata ko, eh."si ate ly.

"Sus okay lang talaga saka mag re-review na rin ako habang hinihintay yung pasaway na yun."sabe ko pa sabay pakita ng dala kong notes.

Nag beso na sa kin sina ate ly ate amy tas nagpaalam na sa kin. Hinatid ko sila ng tingin paakyat sa room nila. At ng mapag isa ako ay sinimulan ko ng tawagan sya pero di nya talaga sinasagot kaya niratrat ko na lang sya ng text pero di rin talaga nag re-reply.

Sinubukan kong tawagan si maki pero ring lang ring ang phone neto. Sa asar ko ay naihagis ko ang phone ko...... Sa kabilang sofa.

"Walang hiya kang pasaway ka, asan ka na ba?"nasabe ko sa sarili ko. "Siguro nag bar na naman sila. Naku beatriz ka! Masasapok na talaga kita ng bongga!"

Lage kong sinasabe kay beatriz na ayokong nag ba-bar sya dahil siguradong mapapadame ang inom nya. Saka baka ano pang mangyare sa kanya dun lalo na't ang iksi ng suot nya ngayong short!

Di na kase sya nakapagpalit pa kanina ng umalis sya. Alam kong alibi lang nya ang pagpunta nya "daw" sa kanila. Di totoo'ng pinapapunta sya ni tito at sigurado akong dumiretso ito kay maki. At pag nagpupunta sya sa isa pa nyang "bestfriend" ay malamang sa alamang gigimik ang mga 'to at ang madalas nilang puntahan ay bar.

Gusto kong puntahan kung nasan sila pero di ko naman alam, di nga ako sinasagot, eh!

( Inaway mo kase eh. Yan tuloy lumayas. )

Sya kaya yung nanguna. Sasabihin nyang
"Yung gusto ko kaseng kaharutan may kaharutang iba" Ano ang gusto nyang palabasin maharot ako!? Humaharot ako sa iba?!

( Hindi ba? )

HINDI 'NO! Kung yung tinutukoy nya na "kaharutan"ko ay si Deanna, di yun totoo!
Natutuwa lang ako sa bata kase ang lakas ng humor ng babaeng yun pare-pareho silang tatlong rookie, mga funny na tao. Saka nakikita ko sa kanya si Janel--- younger sister ko na nasa batangas.

Eh sya nga tong maharot! Kung sinu sino ang hinaharot! Di lang ka-teammates namen, di lang taga ateneo kundi maging sa ibang universities. Di ba nga sabihin nyo sa kin, sino ngayon ang maharot?

Di na nga kame halos magkasama at tuwing training na lang kame minsan nagkikita tapos ganto pa? NAKAKAASAR SYA!
Gustuhin ko man minsan na mag heart to heart talk kame kase may gusto akong ikunsulta sa kanya pero wala nga kameng time tas pagod pa kame sa training.

Napa tingin ako sa wall clock ng dorm at....
POTEK! 11:50 PM na! At hanggang ngayon wala pa si beatriz!

Muli kong kinuha yung phone ko,alam kong di nya sasagutin ang call ko kaya ti-next ko na lang.

( tingin mo mag re-reply sya sayo nyan? )

Kahit na, basta alam nyang nag aalala ako sa kanya.

Tinungo ko ang Twitter at IG nya at nakahinga ako ng maluwag kase nasa condo lang talaga sila at di gumala sa bar. Buti na lang talaga! Pero may napansin ako sa picture meron silang isa pang kasama at di ko sya kilala.

Tiningnan ko pa yung ilan pang in-upload na pictures ni maki at napapakunot noo ko sa mga sumunod.

1st pic: Yung girl nakaakbay kay beatriz at itong kamay naman ni bea ay nakahawak sa bewang neto tas parehong may hawak na beer incan!

2nd pic: naka kandong naman si ate mong girl kay bea na naka upo sa single sofa!

"Wala bang ibang upuan si maki at kumandong pa talaga 'to kay beatriz?" Kausap ko po si self.

3rd pic: At talagang nakapagpataas ng kilay ko. Naka back hug ang damulag kay "unknown girl" tas nakahalik pa sa cheek itong si girl kay beatriz! At itong pasaway na batang ito ay ang lapad ng ngiti! Wala na ngang mata eh! Hmp!

"Enjoy na enjoy, ha."sarcastic kong sabe.

Marami pang pictures ang sumunod:
Mga cheers nila sa beer, pag tungga nila,may selfie sila maki at bea, selfie nila bea at cel, groupie nilang apat syempre magkatabe sila bea at nung "babae" nya, may solo din si beatriz at kung anu ano pa! Basta marame!

Pinanood ko din yung video nila na nagkakasayahan habang may contest sina cel at yung girl na yun.
Meron pa pala siguro kaka upload lang neto. Si beatriz habang vini-video-han ni maki.

IG story ni maki:

"Hoy umuwi ka na!"si maki habang nakatutok kay bea ang phone neto.

"Ayaw!"parang bata netong sagot.

"Umuwi ka na. Lagot ka kay ate ly."panakot ni maki.

"Oi, nagpaalam ako kay ate ly!"sigaw neto.

"Eh kay jho? Nagpaalam ka?"

"Di nya ako bati, eh."tas nagpout pa. Tas tinawanan sya ni maki then dun na nag end.

Para akong tinamaan sa video ni Beatriz.
Kaya pala di pa ito nauwi kase galit pa ko sa kanya? Ganern? Hays!

"Hay naku naman Beatriz! Umandar na naman ang pagiging immature mo."kausap ko pa rin si self. "Kung di lang ako na cu-tan sayo dito baka dyan ka na talaga matutulog
kina maki."

Muli dinayal ko ng dinayal ang phone ni beatriz hanggang sa wakas ay sinagot din ng pasaway na 'to.

"H-hello?"si beatriz.

"Umuwi ka na Beatriz. Di na ko galit."






12:45 am na pero andito pa rin ako sa sala ng dorm namen. At hanggang ngayon di pa rin umuuwi si beatriz, Panay text at tawag ko naman sa kanya pero di na nya sinasagot.

( Sa madaling salita, na SEEN ZONED ka! Hahahaha! )

Oo na! Pinalandakan mo pa eh 'no!

Magt-text na sana ulit ako ng may naririnig na kong yabag mula sa labas ng pinto tas maya maya pa bumukas na rin ang pinto at iniluwa dun ang kanina ko pang hinihintay!

"Beatriz."mahina kong tawag sa kanya sapat na para marinig nya.

Napalingon sya sa gawi ko tas binawi rin agad dahil nila-Lock nya yung door at ng matapos yun ay wala itong imik na naglakad ito.

Akala ko hihinto sya sa kin pero hindi!
Nilagpasan lang nya ako kaya bago pa sya makahakbang sa hagdan ay mabilis ko syang sinundan sabay hawak sa braso neto
Napa tigil sya at napatingin sa kin.

Blanko ang itsura nya ng nakipagtitigan sa kin. Namumula ang mukha nya at halatang naparame ang inom ng damulag na 'to.

"Now what, jhoana?"

Paktay na! Jhoana na ang tawag sa kin.
Pag ganto na ang tinawag sa kin or buong pangalan ko na ay galit or asar na sya.
So.... Ano ngayon sa dalawa? Galit ba sya or asar lang?

( pwede...... BOTH? Para kabahan ka! Hahahaha! )

PESTE KA! Di ka nakakatulong!

Di ako nakapagsalita agad. Parang na urong dila ko eh.

"Akyat na ko, nahihilo na kase ako."cold nyang sabe tas tinalikuran ulit ako.

Tiningnan ko na lamang syang paakyat. Di ko rin makakausap ito ng matino kase nga nakainom ito kaya siguro bukas na lang----ay mali mamaya after ng morning training namen.

Siguro nga marame ang nainom ng damulag na 'to kase gumegewang sya paakyat at halos mapasigaw ako ng biglang nadapa si beatriz sa hagdan. Nagkamali sya ng hakbang kaya napasubsob sya at mabuti na rin lang napakapit sya sa handlers neto kaya di sya mahuhulog sa baba.

"BEATRIZ!" at mabilis ko syang inalalayan patayo. Bumaba na rin muna kame,pinaupo ko na muna sya sa sofa at tinungo ko ang kusina pero dahil sya si beatriz na makulit ay sinundan ako sa kusina.

Naglabas ako ng malamig na tubig at inilagay ko ito sa plangganang maliit tas inilublob ko yung towel ko na dala ko kanina (malinis 'to mga bes, ha. Wag kayong ano! )

Inilapag ko yun sa harapan nya at walang sabe sabeng ipinunas ko ang basang towel sa pagmumukha ng pasaway na babaeng 'to.

"What the---- hey ano ba?!" Gulat na gulat itong napalayo ng upo at sinamaan ako ng tingin. Di rin ako nagpasindak sa kanya sinamaan ko rin sya ng tingin.

Napairap na lang sya kase alam nyang di ako papatalo sa kanya.

"Tsss..."tatayo na sana sya ng pwersahan kong pinaupo ko ulit sya.

"Ano ba, jhoana? Matutulog na ko!"

"Wag ka ngang sumigaw. Nakakabulahaw ka sa mga natutulog!"mahina pero mariing sabe ko.

Tatayo muli sya ng magsalita ulit ako. "Maupo ka ISABEL!" Napipikon na rin kaya ako.

Buti naman nakinig din ang pasaway na 'to. Hihilamusan ko na sana ulit sya ng inagaw nya sa kin yung towel at nagsarili syang punasan ang mukha nya at leeg.

"Pano ka nakauwi? Hinatid ka ba nila?"malumanay kong tanong saka umupo sa katabeng upuan.

"No."tipid nyang sagot.

"Nag drive ka ng lasing?!" Naiinis ko syang tiningnan. "Alam mong delikado pero sumige ka pa rin! Pano na lang kung naaksidente ka, ha! Kaskasera ka pa naman pag nakakainom ka."

"Nakauwi naman ako safe,ah."pilosopong sagot neto sa kin.

"Kahit na! Parang di ka pinagsasabihan, ah! Andame nyo dun kina maki, ba't di ka na lang nagpahatid isa sa kanila?"

Seryoso syang napatingin sa kin. "Apat lang kame na nandun. Bakit parang alam mo?"

Sarcastic akong napangiti. "Duh, andame kayang in-upload ni maki sa IG nya."

"We're just four."ulit nya.

"Okay. Sabe mo, eh."tas muling umirap. "Si maki, si cel,ikaw and....... Di ko kilala yung isang kasama nyo dun."

"High school friend."

"Matagal na kayong di nagkita 'no?" Tas tumango lang sya. "Di masyadong halata." Sarcastic kong dagdag. "Titimplahan kita ng milk mo."

Tumalikod ako para pag timplahan ang damulag. Sasalinan ko na sana ng mainit na tubig ng may maramdaman akong yumakap sa kin sa likod. Napatigil tuloy ako lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kin.

"Akala ko ba di ka na galit?" Malambing netong sabe. Nangilabot ako ng magsalita sya malapit sa tenga ko! Tas isinubsob pa nya ngayon ang mukha nya sa may leeg ko!

Saglit ko syang sinulyapan at nakita kong naka pout ito kaya mahina kong tinampal ang pisngi neto.

"Oh, nananakit ka pa ngayon!"

"Nakakainis ka kase."ako.

"Kaya nga ako umuwi kase sabe mo di ka na galit. Tas ngayon....."

"So you mean,wala ka talagang balak umuwi?" Napataas ang boses ko tuloy.

Tumango sya kaya pilit akong kumawala sa back hug nya at ng magawa ko yun ay hinarap ko sya.

"Eh di bumalik ka dun! Sana pala di na ko nag text at tumawag sayo ng ilang beses. Sana di na ko nag effort na hintayin ka ng gantong oras! Sana natulog na lang ako! Sana---"

Tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kanang kamay nya.
Potek! Di ko namalayan ang paglapit nya, mga bes!

"Wag ka ngang maingay!"mahina pero mariing sabe neto. "Baka magising naten sila."

Napatitig na lang ako sa kanya habang nakatakip ang isa nyang palad.

DUG DUG..... DUG DUG..... DUG DUG.....

A-ano yun? Saan galing yung tunog na yun?

May isang minuto siguro kame na nasa ganung posisyon. Bawat hinga nya ay nalalanghap ko ang Amoy alak nyang hininga. Namumula ang kanyang pagmumukha at alam kong mataas pa ang "amats" neto. Pero bakit ganun, naaamoy ko pa rin yung perfume nya?
Kahit nakipag inuman na sya ay ganun pa rin Amoy nya! Dapat di ba mangamoy alak din ang buong katawan ng taong uminom ng alak? Pero bakit si beatriz? ANG BANGO BANGO PA RIN! Lord why?!

"You okay?"si bea.

Saka pa lamang ako parang biglang natauhan, ipinikit pikit ko ang mata ko. At itinulak ko si beatriz.

"Lumayo layo ka nga sa kin, beatriz! Ang baho mo!"naiiritang sabe ko kahit di naman totoo.

"Galit ka pa rin ba?"parang di apektado sa sinabe ko kanina.

Muli tiningnan ko sya ng mabuti. Nakasandal na to sa lababo at nakatingin din pala sa kin. Malungkot ang mukha neto at parang..... UMIIYAK?!
Napakunot noo ako at nilapitan si beatriz. Tama nga ang nakita ko, UMIIYAK NGA SI BEATRIZ!!!
Nakayuko na sya ngayon at nagsisimula ng humikbi.

Luh! Umiiyak ang damulag! Pero bakit!?!

( kase nga di mo daw sya bati, eh. )

Ay! Nak ng tokwa! Yun lang ba dahilan nya?
Napaka ano naman ni beatriz---IMMATURE!

Lalong lumakas ang hikbi nya at napaupo pa 'to sa lapag ngayon! Ang drama nya po, pramis!

"Huy, tumayo ka nga dyan!"naiinis ako at pilit syang itinatayo. Pero dahil sya si bea na
matigas ang ulo nag matigas ito. Wala na kong nagawa kaya naupo na lang rin ako sa tabe nya.

"Tigil na. Di na talaga ako galit."nilambingan ko para maniwala ang bata.

"T-talaga?"parang bata nyang sabe tas nag angat sya ng tingin.

Saka rin lang ako lumingon sa katabe ko. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko?
Kung maiinis ba ko dahil sa ka artehan ng babaeng 'to or matatawa dahil sa itsura nya ngayon.

Nakasalampak sa kitchen habang naiyak, puno ng luha ang mga pisngi, namamaga na ang mata tas gulo gulo na ang buhok. Di ko na mapigilan ang matawa,humarap ako
sa kanya tas hinawakan ko ang magkabilang pisngi neto at pinunasan ang mga luha nya gamit ang thumb ko.

"Di na nga ako galit di ba? Kaya nga pinauwi na kita."sabe ko pa. "Oh, tahan na ang baby."

Inabot ko na rin ang tissue at yun na ang ipinunas ko kay beatriz. Pinatayo ko na rin sya at buti naman sumunod na sya.

"Matulog ka na nga. Bukas na tayo mag usap pag matino ka na."ako.

Iniligpit ko muna yung ginamit ko kanina
at pinainom ko na rin sya ng gatas. Inalalayan ko na sya paakyat,hinatid ko muna ang damulag na 'to sa tapat ng room nya baka mag u-turn eh, mahirap na.

"Sige pasok ka na."ako tas nag smile pa sa kanya.

Pero imbis na pumasok ay niyakap pa uli ako naikinabigla ko.

"Basta di ka na galit, ha?"sabe neto tas hinigpitan ang yakap sa kin.

"Oo na nga di ba?"nakukulitan na po ako.







"Love you."bulong ni bea tas humiwalay ng yakap kay jho. Hinalikan din nya ang noo neto bago tuluyang pumasok sa room nya na abot tenga ang ngiti.

Naiwan na nakatanga lang, pilit na inaalala kung ano yung huling sinabe ni bea. Binulong kase kaya di nya (gaanong?) narinig.










"Ano daw?"


Continue Reading

You'll Also Like

328K 18.9K 72
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
469K 13.7K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
604K 14.7K 34
Diana Featherington is the only child of the younger brother of the Baron Featherington. With the passing of both parents Diana has lived with the Ba...