We Belong Together

By TheQueenMotherHateu

86.5K 6.4K 9.8K

Highest Ranking: #23 Kimmon x Bbasjtr Fanfiction More

Season 1 #1 The Iodine Tincture
#2 The TukTuk
#3 The Meat Skewers
#4 The Hoodie
#5 The Cinema
#6 The Kiss
#7 The Sunrise
#8 The Jumbo Hotdog
#9 The Lunch Box
#10 The Secret Recipé
#11 The Sofa
#12 The Poor Lamb and The Sick Masochistic Lion
#13 The Khong Man and The Sin Sod
#15 The Pool Party
#16 The Hangover
#17 The Emancipation
#18 The Chut Thai
#19 The Chut Thai Chakkraphat
#20 The Damp Cloth
#21 The Monkey
Season Finale #22 The Knife
Season 2 #23 The Night Market
#24 The Unknown Words
#25 The Monster
#26 The Confession
#27 The Healing
#28 The Celebration
#29 The Choice
#30 The Karma
#31 The Monthsary
#32 The Blood
Special #32 The Moth and the Lamp
#33 The Cliché
#34 The Unexpected Guest
#35 The Million Reasons
#36 The End
#37 The Other Side of the Story
#38 The Last Goodbye
#39 The Quietus
#40 I Won't Forget About Us
Epilogue: Kimmon Varadom-Suradej?
Special #1 Wedding Disaster Pt.1
Special #2 Wedding Disaster Pt. 2

#14 The Breakfast Talk

1.7K 153 139
By TheQueenMotherHateu

Bas' POV

"Nalalapit na kasal."

Gulat na gulat yung balunbalunan ko sa sinabi ni P'Kim.

Ako at si P'Kim. Ikakasal?

Magiging mag-asawa kami tulad ng mga nakikita ko sa woolgathering ko?

Syempre gusto ko! I volunteer!

Ito yung panaginip ko.

Ito yung pangarap ko.

May mahihiling pa ba ko?

Lolokohin ko yung sarili ko kapag sinabi ko na ayaw kong magpakasal sa kanya.

Gustong-gusto ko makuha yung title na 'asawa' ni P'Kim.

Gusto ko maging Varodom ang apelyido ko.

Wala na nga akong pake kahit tuktuk taxi pa yung 'bridal' car ko eh.

Simple or festive, private or public.. kahit ano okay lang sakin. Hindi  na mahalaga ang details ng kasal basta si P'Kim ang groom. Gusto ko.

Tinanggap ko na sa sarili ko na ako yung bride saming dalawa eh.

Nahiya na yung khong man at sin sod dahil ginawa nya kong bride-to-be ng 'di iniinform.

May choice pa ba ko?

Kahit magwelga pa ako sa Chatuchak Market at magsuot ng karatulang may nakalagay na "Ako ang GROOM sa aming dalawa".... walang maniniwala.

Sabi nga nila acceptance is the key to happiness.

"Nong.. bakit hindi ka sasalita? Wala ka bang nais sabihin ukol sa ating kasal?"

Na interrupt yung mga musings ko sa kasal dahil biglang nagsalita si P'Kim.

"Nong?" Tawag nya ulit sakin.

Napatingin na ako sa kanya.

"P'Kim...."

"Kanina pa ako nagtatanong kung anong nais mong khong man ngunit 'di ka nagsasalita. Gusto ko din malaman ang iyong palagay sa mungkahe kong kasal nating dalawa na nais kong idaos pagkatapos ng dalawang buwan."

Ha? In 2 months agad?

"P'Kim, teka lang. In 2 months? Hindi ba masyadong mabilis yang gusto mo?"

"Ngunit may nangyari na sa ating dalawa kaya nais kong makasal na tayo sa lalong madaling panahon. Binilang ko na yun mga araw ng paghahanda sa kasal. Sa aking palagay ay handa na lahat pagkaraan ng dalawang buwan."

Teka. Teka. Teka. Hindi ko nanaman ma absorb 'tong trip ni P'Kim.

"P'Kim walang magaganap na kasal in 2months."

Matigas yung tono ng boses ko.

Nawala yung ngiti P'Kim dahil sa sinabi ko.

"Ayaw mong makasal sa akin nong?" Halos mautal pa sya sa pagtatanong.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Gustong gusto ko makasal sayo P'Kim...."

Tumingin ako ng diretso sa mata nya nun sinabi ko yan.

"Pero hindi pa ngayon. Hindi in 2 months. Hindi this year. Maybe kapag handa na ako." Dagdag ko pa.

"Nong.. hindi maari yang nais mo. May nangyari na sa atin. Kaya nararapat lamang na ika'y aking panagutan."

Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha ko. Sa tingin ko hindi kami nagkakaintindihan ni P'Kim.

Hindi ko alam kung san nya hinuhugot yung mga idea na sinasabi nya. Thailand na ang pangalan ng Thailand pero yung paniniwala nya pang "Siam Era" pa... na kapag nakita yung talampakan ng babae kelangan mong pakasalan.

"P'Kim hindi dahil may nangyari na sa atin eh kelangan na natin magpakasal."

Nagsalubong na yung kilay ni P'Kim dahil sa sinabi ko.

"Ngunit 'di ba't ako'y iyong iniibig kaya binigay mo ang iyong sarili sa akin?"

"Oo. Gusto kita. Mahal kita."

"Kung gayon, nararapat lamang talaga na ika'y aking pakasalan bilang respeto at dahil ika'y iniibig ko din."

This guy! Na-appreciate ko naman yung gusto nya. Pero sa tingin ko talaga hindi pa ito yung right time para dun.

17 pa lang ako.

"P'Kim... magpapakasal tayo pero at right time."

Napailing nalang sya sa sinabi ko.

"Sa tingin ko ngayon na ang tamang panahon."

Ako naman yung napailing.

Mukhang walang may balak magpatalo saming dalawa sa usapang 'to.

Dadaanin ko nalang sya sa secret weapon ko: Drama.

"P'Kim.. hindi mo ko naiintindihan. Nagdesisyon ka na para sating dalawa. Paano naman yung gusto ko? Ni hindi pa kita sinasagot bilang boyfriend ko."

Mukhang nag-alala sya sa sinabi ko.

"Tama ka sa iyong sinabi, hindi mo pa ako nobyo ngunit binigay mo na sa akin ang iyong sarili. Kailangan natin itama ang iyong pagkakamali. Nararapat lamang na ika'y aking panagutan."

Say what?! So kasalanan ko pa pala? Well ako nga yun nang seduce sa kanya.

Guilty as charged ako don!

Nakakafrustrate na sya ha. Argh!

Akala ko gagana na yung palusot ko eh.

"P'Kim hindi mo ko naiintindihan!" Iritable na yung boses ko.

"Ano ang hindi ko maunawaan?"

"Na hindi pa 'to yung right time para magpakasal tayo."

"Ngunit kailan pa? Wala ako nakikitang mali kung magpakasal tayo ng maaga."

Walang patutunguhan 'tong paguusap namin. Desidido talaga sya.

"P'Kim 17 palang ako. Gusto ko may mapatunayan muna ako sa buhay ko bago ako magpakasal."

"Hindi naman kita ikukulong sa bahay ko kapag nakasal tayo. Hahayaan pa din kitang abutin ang mga pangarap mo." Sobrang sincere ng boses nya.

May point sya dun.

Ano nga bang inaarte ko?

But still. Masyado pa akong bata para sa ganitong bagay.

Hindi naman parang mainit na kanin ang kasal na pwede mong iluwa kapag napaso ka.

Halos isang buwan palang kami magkakilala tapos kasal agad?

I believe na hindi kailangan madaliin ang lahat. Gusto ko pang magkakilala kami ng lubos. Gusto ko ready na ako mentally and financially bago magpakasal.

Tsaka hindi pa ako sigurado kung papayag sila Ma at Pa. Ayoko maging problema para sa kanila.

Kahit acceptable na sa community ang m2m relationship, hindi pa rin ako sigurado sa point of view ng parents ko.

"P'Kim gusto kong makasal sayo pero hindi pa ngayon. Gusto ko handa na ako pag pinakasalan kita. Kung mahal mo ko.. iintindihin mo ako."

Nagbuntong hininga nalang ulit sya ng malakas bago nagsalita.

"Nauunawaan na kita. Ipagpatawad mo kung naging padalos dalos ako sa pagdedesisyon. Nais ko lang talaga panagutan ka sa aking nagawa sa iyo dahil seryoso ako at mahal kita."

Sa wakas!!

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Hihintayin mo na ako maging ready?"

Tumango sya.

"Hihintayin kita ngunit..."

Napalunok ako, hindi pa ata tapos.

"Pero??"

"Nais kong malaman kung kailan mo ako sasagutin bilang kasintahan mo. Ayokong isipin na ika'y aking nakuha nang walang tayo."

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kung ano na nanamang trip ni P'Kim.

"Hindi pa sa ngayon. Dapat mag effort ka pa sa panliligaw sakin."

Sinabi ko lang yan pero sa loob loob ko kami na talaga ni P'Kim.

Gusto ko lang sya pahirapan ng konti.

"Sisiguraduhin ko na mapapasagot kita sa lalong madaling panahon."

That's the spirit my P'Kim!!

Kinuha ko na yung chopstick na nilaglag ko kanina. Makakain na ko ng matiwasay!

Humupa na ang kakulitan ni P'Kim!

"We'll see... we'll see.."

Patapos na kami kumain nun nagsalita sya ulit.

"Sumama ka sakin sa katapusan. Ipapakilala kita sa aking mga magulang."

[Author's Note:

Sana lahat ng lalake may itlog gaya ni P'Kim na handa kang panagutan after sex!!!

Comment and vote kayo please. Lapit na pumasok sa top 100 itong fanfic!! Haha!!

stoked_souL salamat sis! Napuyat nanaman kita haha! ]

The QueenMother Hateu

Continue Reading

You'll Also Like

82.5K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
146K 2.4K 48
This story has many conflicts: First one, the AIDS conflict. Nagkaroon ng lack of knowledge sa parteng ito so sorry. Second, napakachildish masyado a...
2.1K 387 37
#BestfriendBoyfriendAndI PANGAKO NANG KAIBIGAN BA? O PANGAKO NG PAG MAMAHALAN? Sino ang mas mahalaga? Sino ang dapat mas mauna? sub...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...