CONCEALED VAMPIRE

By Author_S

565K 12.1K 1.3K

All Rights Reserved. Copyright 2013: A Fiction/ Vampire/ Mystery/ Tragic/ Comedy/ Romance Story written by Au... More

CONCEALED
PROLOGUE : [ ISANG PATIKIM ]
Author's Note + Introduction :)))
BLOOD 1: LEGEND [ The Vampires' Ancestors ]
BLOOD 2: THE BEGINNING
BLOOD 3: NIGHTMARES
BLOOD 4: CHANGES
BLOOD 5: BIG NIGHT
SPECIAL CHAPTER: DANIEL'S THOUGHTS
BLOOD 6: CONFUSED
BLOOD 7: CIPHERS
BLOOD 8: ROMANCE
BLOOD 9: QUALMS
BLOOD 10: TRUTH AND LIES
BLOOD 11: IDENTITY UNVEILED!
BLOOD 12: HIDDEN FATE
BLOOD 13: MOMENTS
BLOOD 14: UNEXPECTED
BLOOD 15: CONFESSIONS
BLOOD 16: JEALOUS
BLOOD 17: DEATH
BLOOD 18: FAITH
BLOOD 19: DAY 1
BLOOD 20: AFTER DEATH?
BLOOD 21: REVELATIONS (1)
BLOOD 22: DAY 2
BLOOD 22: DREAMS OF REALITY
BLOOD 23: RETALIATION
BLOOD 24: CURLED TRUTH
BLOOD 25: INSIDE QUEN'S MIND
BLOOD 26: INSIDE QUEN'S MIND (2)
BLOOD 27: DEEP IN SAM'S MIND
BLOOD 28: RESOUNDED FEELINGS
BLOOD 29: LOVE FROM HATRED
BLOOD 30: DREAMS OF REALITY (2)
BLOOD 31: IMPRINTED DESTINIES
BLOOD 32: MISERIES OF PAST
BLOOD 33: LOVE CURSE
BLOOD 34: REDEMPTION (1)
BLOOD 35: REDEMPTION (2)
BLOOD 36: THE VISITORS
BLOOD 37: FLINCH OF THE FINAL VOYAGE
BLOOD 38: MOMENTS OF LOVE
BLOOD 39: ROOTING THE ROOTS
BLOOD 40: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (1)
BLOOD 41: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (2)
BLOOD 42: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (3)
BLOOD 43: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (4)
BLOOD 44: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (5)
BLOOD 45: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (6)
BLOOD 46: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (7)
BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)
BLOOD 49: HATRED
BLOOD 51: RESOLVED
BLOOD 52: FIRST KISS
BLOOD 53: AFTERKISS
BLOOD 54: THE MISSION
BLOOD 55: THE MISSION 2
BLOOD 56: ACTION
BLOOD 57: WANTED
BLOOD 58: ?
BLOOD 59: UNEXPECTED
BLOOD 60: TRUST
BLOOD 61: ROCK
BLOOD 62: I DONT WANT HIM TO DIE
BLOOD 63: RESURRECTION
BLOOD 64: SACRIFICE
BLOOD 65: BRIGHT SUN
BLOOD 66: UNVEILED TRUTH
BLOOD 67: TRUE STORY
BLOOD 68: FACE OFF
BLOOD 69: FACE OFF
BLOOD 70: FINALE
AUTHOR'S NOTE :)
EPILOGUE
SURPRISE!!!!

BLOOD 50: REVELATIONS (2)

5K 137 19
By Author_S

SAM’S POV

“Kamusta si Kath?”

Yun kaagad ang itinanong ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Kakagising ko lang mula noong nagkaengkwentro kami ni Kath. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pero sigurado akong tagumpay niyang naibalik ang alaala niya. Pero bakit ganun ang mga inakto niya? Bakit galit na galit siya sa akin? Posible kayang may alaala siyang hindi nabalikan?

“Nasa kwarto niya. Nagpapahinga kasama si Daniel.” Sabi naman ni Julia.

Pagkagising ko kasi, naroon na sina Mr. Jun, Mr. Ruth, Julia, at Quen sa kwarto. May pinag-uusapan sila pero hindi ko kaagad nalaman kung ano ‘yun. Medyo masakit pa kasi ang braso ko. Hindi ko talaga maitatanggi na si Kath lamang ang maaaring magpahina sa akin. Ni hindi ko kayang saktan ang nakababata kong kapatid. Mahal na mahal ko ‘yun eh. Kaso hindi ko pa rin maintindihan ang ginawa niya. Ngayong nagbalik na ang dati niyang kakayahan, mas mapoprotektahan niya na ang sarili niya.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong sa akin ni Quen. Inayos ko muna ang sarili ko para makaupo ako ng maaayos.

“Ayos lang naman ako. Medyo masakit lang itong braso ko.” Sagot ko. “Pasensya na kung pati kayo nadamay.”

“Ayos lang ‘yon.” Sabi ni Julia, “May mga bagay yata kaming hindi nalalaman, Sam?”

Tumahimik silang lahat. Nakatitig sa akin ang mga nakapaligid sa akin. Panahon na nga siguro para sabihin sa kanila ang lahat.

“Tama si Julia, Sam. May mga bagay ba kaming dapat malaman pa? Anong meron kay Kath? At bakit ka niya sinugod? Anong meron sa mata niya? Bakit ngayon lang namin nakita ang ganoong mga mata? Anong klase siyang immortal?” Sunod-sunod na tanong ni Quen.

“Isa siyang raposa.” Natahimik silang lahat ng sumagot si Ruth, ang nanay ni Daniel.

“Alam niyo po ang tungkol kay Kath?” Sabi naman ni Julia.

“Matagal na. Simula ng kupkupin namin siya.” Sagot naman ni Ruth.

“Pero Mam Ruth, akala po namin, ipinadala kayo ng konseho para bantayan ang dalawang ito? Pero bakit parang…” Sabi ni Julia.

“Look. We planned it all. Ako si Ruthina. Ako ang tagagabay ni Thryna o mas kilala niyo bilang Kath ngayon.” Sagot ni Mam Ruth.

“Teka. Isa-isa lang.” Halatang naguguluhan si Julia sa pagtaas ng kamay niya, bilang senyas ng paghinto, “Sam, do you know about this, too?”

 

 

 

 

 

 

 

Tumungo na lamang ako. Alam ko kasi iyon simula ng isilang muli sina Kath at Daniel. Mula noong panahon na iyon, unti-unting nagbalik sa gunita ko ang mga alaala kong nabura dahil sa ibinigay na sumpa ni Lia. Naalala ko kaaagad si Inang Ruthina na nagtago sa pangalang Ruth. Si Mr. Jun naman ay ang napangasawa niyang immortal.

“Wag kayong magalit kay Sam. Hindi niya naman gustong itago sa inyo ang lahat. Naalala niyo ba ang sumpa sa inyong magkakasama na nabiyak noong ipinaalala ni Quen ang lahat lahat?” Sabi ni Mam Ruth. Pipigilan ko sana siyang magsalita pa pero may isang bahagi ng utak ko na kailangan na rin nilang malaman.

“Teka? Alam niyo rin po ang bagay na iyon?” Sabi naman ni Quen.

“I was there.” Sabi niya. Naroon nga siya. Naramdaman ko ang aura niya. “May sumpa rin na ipinukol kay Sam. And actually, he suffered and still suffering from the curse even if he already freed himself. ”

 

 

 

 

 

 

Parang may dumaang anghel. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Napatingin sina Julia at Quen sa akin.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Julia sa akin at kay Mam Ruth. Bakas sa mata niya ang pagtataka. “Teka. Anong sumpa, Sam? Bakit hindi mo sinabi?”

Umiwas ako ng tingin sa kanya, “Hindi kasi pwede.”

“Lagi ka na lang kasing naka- “hindi pwede” Akala ko ba nasa isang team tayo? Bakit hindi mo ngayon gawin ang dapat gawin? Bakit hindi mo sabihin ang dapat mong sabihin?”  -Julia.

“Kasi ayaw kong mapahamak kayo!” Medyo nagtaas ako ng boses pero binawi ko kaagad ang tinig na ‘yun. Napayuko na lamang ako.

“Mapahamak? Isipin mo naman ang sarili mo, Sam. Mas napapahamak ka dahil sa mga sekretong meron ka. Nasisira ka sa amin ng dahil sa mga yan. Please.” Pagmamakaawa ni Julia. Hindi na nagsalita pa muli si Quen na kasalukuyang nakatitig na lamang sa amin.

Mam Ruth suddenly crossed her arms. “Ako na ang magsasabi. Ang sumpa na ibinigay kay Sam ay sumpa ng kamatayan.”

Napatigil si Julia. Namilog ang kanyang bibig, “K-Kamatayan?”

 

 

 

 

 

 

“Oo, kamatayan. Hindi sa kaniya, kundi sa inyo, including Kath and Daniel. Kasabay ng pagbura ng ala-ala ni Lia ay ang sumpang iyon. Tuso si Lia. Alam niyang babalik at babalik ang ala-ala ni Sam sapagkat masyadong malakas ang binatang ito gamit ang kapangyarihang ipinama sa kanya ng kanyang ama bago iyon pumanaw. Dalawa kasi ang ipinamana sa kanya ng kanyang ama, ang elemento ng hangin at ang kapangyarihang kumontrol ng nilalang sa pamamagitan ng isip o ang telekinetika. Alam kong simula’t sapul ay nagtataka na kayong lahat kung bakit hindi niya sinasabi ang kanyang kakayahan. Ito ang dahilan kung bakit nilakipan niya si Sam ng sumpa. Ang sumpa ay patungkol sa kamatayan niyo oras na malaman niyo ang totoong pagka-imortal ni Sam. ‘Yun ang ayaw mangyari ni Sam. Mas pinili niya ang maging misteryo ang tungkol sa kanya. Fortunately, you didn’t bother all to ask him kaya naging madali ang lahat para sa kanya. Pero mula ng magsimula ang panahong ito, nagbago na ang lahat.” Kwento ni Ruth.

“Anong ibig niyong sabihin na nagbago?” Tanong naman ni Quen na nakapamaywang.

“Mula ng isilang si Kath at Daniel, nagbago ang propesiya at ang naging katunayan noon ay ang pagbalik ng ala-ala ni Sam. Unti-unti niyang naaalala ang lahat. Hanggang sa maalala niya na ang taong paulit-ulit niyong pinapatay sa nakaraan ay ang kapatid niyang naisumpa ni Lia. Gusto ni Sam na magpakamatay ng makita ko siya. Nagulat siya na buhay pa ako. Kaya naman pinlano naming ito kasama si Jun. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Sam, ipinadala niya sa malayong lugar ang dapat na nakatakdang magiging magulang at kukupkop kina Kath at Daniel para bago sila sumapit sa tamang edad ay maging madali ang pagpaslang sa kanila. Kami ni Jun ang pumalit. Walang kamalay-malay ang konseho sa ginawa namin. Nagtagumpay kami pero tila nalaman na nila ang lahat dahil sa sunod-sunod nangyari kila Kath.”

 

 

 

 

 

 

Nakita ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Julia at Quen. Halatang naliliwanagan na sila sa buong detalye ng kwento.

“Sinimulan namin ang pagtupad sa propesiya ng tuluyan ng nagbalik ang ala-ala ni Sam. Ito ay noong nagsimula ng magbago si Daniel. Kami rin ang kumupkop sa kaya noong mga panahon na nawala siya. Hindi kasi niya makayanan na makita siya ni Kath na ganoon at sinabi rin ni Sam na huwag muna siyang magpakita hanggat hindi pa siya kumpleto. Batay sa propesiya na ginawa, mamamatay ng paulit-ulit ang dalawang nakatakda bago ito magpalit pero laking gulat namin ng hindi mamatay si Daniel sa proseso ng pagpapalit. Doon kami nagtaka kaya naman ay napagdesisyunan na naming bumaliktad sa konseho.”

“Bumaliktad?”

 

 

 

 

 

“Oo, sapagkat may isang bagay kaming nalaman.”

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ano po?”

 

 

 

 

 

 

 

“Ang nakakuha ng kalahati ng hiyas ay ang tatay nila Kath at Sam.” 

====================


an: happy reading :))) 

wag niyo kalimutan basahin ang chapter 1 ng Loving A Gorilla, add niyo sa RL niyo para mapasalamatan ko kayo personally. <3 u KaVamps. :)))

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.7M 75.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
30.3K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
9.3K 415 17
UNEDITED Trixsha Beal is one of the daughter of the wealthiest in Bacolod. What if she realizes she's not on her own body anymore? What if she time-t...