Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 12

12.5K 268 36
By Dream_Secretly

KASALUKUYAN AKONG ginagamot ni kuya nang pumasok si mommy kasama si lola, si tita michelle kasama ang asawa niya na si tito ronald, at si tito joey kasama ang asawang si tita divine.

"Mom!" Biglang sigaw ni kuya nang lapitan ako ni mommy at biglang sinampal.

"Pinahiya kami ng babaeng 'yan at pinaiyak niya si samantha!" Sigaw ni mommy.

Umawang ang labi ko nang may mga luha na namang tumulo galing sa mga mata ko pero ngayon, wala na akong nararamdamang sakit. Siguro dahil nasanay na ako at naging manhid.

"Sinaktan rin nila si aria!"

"Tumigil ka zoel! Wag mong sigawan ang mommy mo nang dahil lang sa babaeng 'yan!" Rinig kong sigaw ni lola habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa 'kin.

"Akala ko ba inayos niyo na ang papeles niyan? Bakit nandito pa rin iyan?" Mapait na tanong ni tita divine.

"Baka gusto niyang tayo pa mismo ang maghatid sa kaniya sa puder ng tatay niyang demonyo." Nanunuyang sabat naman ni tita michelle.

"Hindi demonyo ang daddy ko!" Iling ko.

"Aba't sumasabat ka pang babae ka!" Singhal ni lola. Akmang susugurin niya rin ako nang harangan ako ni kuya.

"Stop it!" Madiin at ma-otoridad niyang sigaw na ikinatigil nilang lahat. "Kinakahiya kong naging parte ako ng pamilyang ito! Kung tutuusin mas demonyo pa ang mga ugali ninyo kesa sa sinasabi niyong tatay ni aria!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Kuya!" Hindi niya dapat pinagsasalitaan ang mga pamilya niya ng ganiyan. Baka mapasama lang siya...

"Anak..." Rinig ko ang pagka-basag sa boses ni mommy.

"Iyan ba ang natutunan mo sa babaeng iyan zoey?!"

"Tama na!" Sigaw niyang muli atsaka ako hinarap at tinayo sa upuan. "Aalis na kami...." malamig niyang wika.

"Kuya..." Tiningnan ko ito. Hindi dapat siya umalis ako lang dapat.

"Zoey! Anak...wag kang umalis. Iiwan mo na naman ba ako?" Rinig kong hikbi ni mommy.

Parang tinusok ang puso ko. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin si kuya. Inis niya akong binalingan ng tingin. "Stop it aria. I mean what i say." Nagtatagis bagang niyang sinabi.

"Kawawa si mommy kuya..." Mahinang sabi ko.

Hindi makapaniwalang umiling lang ito.
Tiningnan nito si mommy atsaka bumuntong hininga. "Alam mo ba kung bakit kami umalis ni daddy? Hindi 'yon dahil sa nangyari sa'yo mom at hindi rin dahil kay aria...dahil sa'yo mismo! Natatakot si daddy na baka mawala ang pagmamahal niya sa'yo kapag patuloy pa rin niyang nakikita kung paano mo unti unting pinapatay si aria kaya kami na ang lumayo. Akala namin magbabago ka kapag iniwan namin siya sa'yo...pero hindi. Nakaka-dissapoint kayo mommy." Mapait niyang wika atsaka na ako hinila ulit palayo.

Pero hindi pa man kami tuluyang mapalayo sa kanila mommy nang mapahinto ulit ako. Umawang ang labi ko at nasapo ang dibdib. Habol ang hiningang kumapit ako sa braso ni kuya para kumuha ng suporta.

"Aria anong...." Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng muntik na akong bumagsak.

"K-Kuya...ang s-sakit...." Nahihirapang kong sabi.

"Damn!" Mabilis niya akong binuhat at tinakbo papunta sa kotse niya.

Narinig ko pang sumunod sa'min sila mommy bago ako nawalan ng ulirat.

NANGHIHINA at nahihirapan akong huminga nang magising ako. Tumutok ang mga mata ko sa puting kisame at pilit inaalala kung nasaan ako. Hindi kulay puti ang kisame ng kwarto.

Nasaan ako? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit nama-manhid ang katawan ko?

Binuka ko ang bibig ko pero walang boses na lumabas mula roon. Nanunuyo ang lalamunan ko at parang gusto pang bumigay ng mga mata ko.

"Aria...."

Walang buhay ang mga matang tinitigan ko siya. Gusto kong magtanong...marami akong gustong itanong. Pero bakit hindi ko magawang mag-salita?

"Nandito na ako anak. Hindi ka pababayaan ni daddy. Hindi ko hahayaang mawala ka sakin." Basag ang boses at nangingilid ang mga luhang sabi niya.

Hindi ko maintindihan....

Bakit siya nandito? Nakalaya na ba siya?

Sinubukang kong magsalita pero ungol lamang ang lumalabas sa bibig ko. Sinubukan kong igalaw ang kanang kamay ko at unti unti itong i-angat sa ere.

Bumakas ang takot sa mga mata ko nang makitang may dextrose na nakatusok doon. Ibig sabihin ay nasa ospital ako.

Doon lang naging klaro sa'kin ang lahat.

Ang hindi lang klaro sa akin ngayon ay ang panghihina nang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin.

Muli kong tiningnan si daddy na hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mga mata ang takot at pag-aalala. Muli kong sinubukang mag-salita pero tulad kanina ay ungol lamang ang lumalabas sa bibig ko.

Napailing ito at hinaplos ang buhok ko. "W-Wag mo munang piliting mag-salita. Magiging okay ka rin, pangako 'yan anak."

Inabot ko ang pisngi niya atsaka pinalis ang mga iilang luhang bumagsak roon galing sa mata niya. Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit mahirap. Ayokong nakikita ang takot sa mga mata niya.

Gusto kong sabihin na okay lang ako kahit hindi. Gusto kong sabihin na masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko. At gusto kong sabihin na buong puso na akong sasama sa kaniya.

Sana lang ay naipabatid ko 'yon sa kaniya gamit ang mga ngiti ko.

Zoel Pov

"Anong ginawa niyo sa kaniya?!"

I look at him. Hindi ko rin naman siya masisisi kung magalit siya ngayon. Katulad ko ay nasasaktan at natatakot din siya dahil sa nangyari kay aria.

She's so fragile....

Hindi ko alam kung paano nila nasi-sikmurang saktan ang ganon ka-bait at ka-inosenteng babae.

"Umuwi ka na sky. Tatawagan nalang kita kapag may balita na sa kaniya." Seryosong sabi ko sa kaniya para pigilan siya sa pagwawala sa harap ng pamilya ko.

Kumpleto kaming mga De guzman ngayon sa bahay ni mommy, ang dati naming naging tahanan. Tinipon silang lahat ni lola pagkatapos ng party sa mansiyon. At Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa alam ang dahilan niya kung bakit may ganito pa. Siguro magsasaya sila dahil wala na si aria.

Napabuntong hininga nalang ako nang tuluyan nang umalis si sky na halatang masama pa rin ang loob sa nangyari.

Alam kong hahanapin niya si aria. Hindi iyon titigil hanggat hindi nakikita ang kapatid ko.

"Zoel, umupo kana muna." Rinig kong utos ni lola.

Malamig ko lamang siyang tiningnan bago ako umupo sa tabi ni papa na kanina pa tahimik. Tinapik niya ako sa balikat para pakalmahin. Ayokong magalit sa kanila pero hindi ko mapigilan hanggat naaalala ko ang itsura ni aria kanina sa loob ng ICU nang iwan ko ito sa daddy niya. Kita ko kasi ang paghihirap niya pero patuloy pa rin siyang lumalaban. Kahit nahihirapan ay nagsisikap pa rin siyang humihinga para mabuhay.

"Zoel...anong nangyari kay aria?" Mahinang tanong ni mommy.

Lahat kami ay bumaling sa kaniya na para bang may kamangha-mangha sa sinabi niya. Napailing ako at napaismid. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya kay aria o sinisigurado niya lang na wala na ito tulad ng matagal na niyang gusto. "She's 50/50. Masaya na ba kayo?" Malamig kong sabi na ikinasinghap nilang lahat.

Ito naman ang gusto nila matagal. Naging malupit sila kay aria kaya hindi na ako magtataka kung magdidiwang sila ngayon dahil nag-tagumpay silang paalisin si aria. Hindi lang nila napaalis dahil muntik na nila itong napatay.

"Anong sabi ng doctor? Ano bang nangyari sa kaniya?" Alalang tanong ni dad.

Napabuntong hininga ako atsaka diretsang tiningnan si mommy na nag-aantay ng magiging sagot ko. "May sakit siya sa puso, malala na daw sabi ng doctor. Nakuha niya ang sakit na 'to noong mga panahong ilang ulit umiinom ng pampalaglag si mommy. Hindi man niya napatay si aria noong nasa sinapupunan niya pa 'to, sigurado namang magta-tagumpay siya ngayon. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba siya."

Natahimik naman silang lahat at namumula ang mga matang umiwas ng tingin sa 'kin. Kita ko ang pagsisisi sa mga mata nila...pero huli na ang lahat. Hindi maliligtas ng pagsisisi nila si aria.

"Mawalang galang na po...." Napatingin ako kay manang ng pumasok ito sa dining area. Malungkot ito at nangingilid ang mga luha. Napatingin ako hawak niyang maliit na box at papel. "May iniwan si aria sa kwarto niya, isang sulat para sa lahat at regalo para sa mommy niya." Sabi nito sa basag na tinig.

"Anong regalo manang?" Tanong ni mommy atsaka kinuha ang box na inabot ni manang sa kaniya.

Nang buksan niya ito ay umawang na lamang ang labi niya nang makita ang isang light necklace. Nagliliwanag ang ganong klase ng kwintas sa dilim.

"Pang-kinse..." Malungkot na bulalas ni mommy atsaka nag-angat ng tingin sa'min. "Ito ang pang-kinseng light necklace na binigay niya sa'kin. Ulit ulit lang ang regalo niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang regalo niya sa'kin sa tuwing kaarawan ko."

"Mukhang nasa sulat ang sagot..." Muli akong bumaling kay manang.

Tumango ako nang tingnan ako ni manang na parang humihingi ng permisong basahin ang sulat.

To my dearest family,

           I'm sorry. Sorry kasi dumating ako sa buhay niyo. Sorry kasi marami akong nasira sa pamilya niyo. Sorry kasi kasalanan ko lahat at sorry kasi kahit ayaw niyo sa'kin ay pinagtutulakan ko pa rin ang sarili ko sa inyo. Mahal na mahal ko kayo.
         Lola, mahal kita kahit sinasaktan mo ako at binubugbog. Mahal kita at hindi ako galit sa'yo. Sana wag ka nang masyadong magalit, natatakot kasi ako na baka may mangyari sa'yo. Ngayong wala na ako, sana parati ka nang masaya lola. Mamimiss kita.
       Sa mga pinsan ko, alam kong ayaw niyo sa'kin pero ako gustong gusto ko kayo. Pasensiya na kung pinapahiya ko ang pamilya natin. Pasensiya na kung nagulo ko ang buhay niyo. Sana lagi niyong ipagtanggol ang isa't isa, natutuwa kasi akong makita kung gaano niyo pinapahalagahan ang isa't isa. Mahal na mahal ko kayo.
       Sa mga tita at tito ko naman. Alam kong ayaw niyo rin sa'kin pero okay lang kasi tanggap ko namang walang magkakagustong maging parte ang isang katulad ko sa pamilya niyo. Tito..Tita sana maging maayos kayo palagi, alagaan niyo ang sarili niyo at wag parating subsob sa trabaho. Ang swerte ng mga pinsan ko sa inyo. Mahal ko rin kayo.
       Sa pinaka-gwapo ko namang kuya, maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita kuya.
       At para sa mommy ko naman  na nagsilang sa'kin. Mom, i love you. Kahit parati kang galit mahal pa rin kita. Sana ngayong wala na ako maging masaya kana. Bumalik na sila kuya, eh. Alam kong mahal ka nila ni tito kaya mom sana wag mo na silang pakawalan ngayon. Ako nalang ang lalayo maging masaya ka lang. At sana hindi mo itapon ang light necklace na binigay ko sa'yo ngayon kasi iyon na ang huli mommy. Gusto kong lumiwanag ang mundo mo kaya iyon ang parati kong binibili sayo, alam kong tinatapon mo lahat ng bigay ko kaya pa-ulit ulit kong binibili iyan para kung sakaling magsawa kang itapon ay itatago mo nalang. Mahal na mahal kita mommy, ang gusto ko lang ay maging masaya ka. Kayong lahat.

Sana ngayong wala na ako. Sana maging masaya kayo. Hindi na ako manggugulo sa inyo at kung sakali mang magkikita tayong lahat pangako ako na ang iiwas. Iisipin ko nalang na hindi ko kayo kilala para hindi ko na ulit kayo masaktan. Mag-iingat kayong lahat. Mahal na mahal ko kayo.

                                - Aria

Continue Reading

You'll Also Like

722K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
22.4K 2K 22
𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟐 𝗥𝗮𝘁𝗲𝗱 𝟭𝟴 | 𝗧𝗵𝗲𝗺𝗲𝘀, 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲, 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗡𝘂𝗱𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝗲𝘅 Unedited 𝐓𝐡𝐞 𝐝𝐲𝐧𝐚𝐬...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
Fierce By Nina

Teen Fiction

9.4M 196K 54
Set up by her parents, Blair is intent on doing all she can to push Gael away. But little by little, she has a change of heart...and uncovers a damni...