Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

21

5K 80 3
By septemberoyal

BEA

Nauna akong bumaba kesa kay jho pagkasabe ko nun. Alam ko namang kasunod ko lang sya pero di ko sya nilingon pa. Naasar na ko eh!

"Oh dude, where are you going?"si ate amy na nakasalubong ko sa pinto.

"Uhm....."di ko alam ang isasagot ko.

"Saan punta mo bei?"hala! Pati si ate ly nagtanong din.

"Ano kase eh...."nakita kong kabababa lang ni jho. Naka kunot noo itong palapit sa min.
"Nalimutan kong pinapupunta pala ako ni dad sa house ngayon."alibi ko.

"As in now na? Kain ka muna ng dinner kaya."si ate ly.

"Wag na ate, sa bahay na lang nagluto naman si mom, eh."sana lumusot!

"Okay."sagot neto. "Dito ka ba matutulog ngayon?"

"Sa---"

"Uuwi sya ate ly."putol sa kin ni jho. "Di ba? Uuwi ka?"makahulugan nya akong tiningnan na para bang nagsasabing "umayos ka bea".

Agad ko ding binawi ang tingin ko sa kanya.
"Actually, i don't know kase makikipagkita rin ako kay maki. MISS na daw kase nya ako."

"Oh sige ganto na lang, call me kung uuwi ka pa, ha? Para mahintay kita. Ingat ka."si ate ly pa rin.

"Okay."simpleng sagot ko tas nag smile ako.

Tumuloy na sa kusina si ate ly at si ate amy naman bago ako iwan ay tinapik na muna ako sa balikat tas umiling iling pa.
Para saan naman yun? Alam kaya nyang nag aalibi lang ako?

Palabas na sana ako ng tawagin ako ni jho. Kaya napahinto ako pero di ko sya nilingon.

"Umuwi ka ha."pahabol ni jho.

Di ako sumagot at tuluyan na kong umalis.
Pagkapasok ko sa BABY ko ay tinawagan ko agad si maki.

"Where you? Tara kita tayo?"ako.

"Ayokong gumala ngayon."sabe neto sa kabilang linya.

"Okay. Punta na lang ako dyan."sabe ko naman sabay end ng call. In-start ko na ang car ko, sa condo ako ni maki pupunta.

After more than 30 minutes ay nakarating din ako sa condo nya. Diretso agad ako sa unit nya, after ng ilang bell ay pinagbuksan ako ni......

"JANA!?!"gulat kong sabe tas niyakap ko sya ng mahigpit.

"Ay dyan pa talaga nag yakapan! Pwede pasok naman kayo?"sarcastic na sabe ni cel.

"Oi nandito ka din?"masayang bati ko Kay Celina.

"Ay hindi! Aparisyon lang ako!"pilosopong bawi neto sa kin. "Bea talaga!"

Niyakap ko na lang sya habang natawa.
Baka mapikon pa 'to. Nasa ganung ayos kame ng lumabas mula sa room nya si maki.

"Tara dinner na muna tayo."aya nya sa min. "Alam ko namang mapapalaban tayo kay bea mamaya."sabay kindat sa kin.


10:45 na ng gabi pero hanggang ngayon nasa condo pa rin ako ni maki. At yung tinutukoy nya kaninang "mapapalaban" ay sa inuman yun.

More than an hour na kameng na inom pero di pa ko "tinatamaan" kase di naman ako umiinom ng marami, pa onte onte lang. Pero alam kong namumula na ko.
Sina jana H.at si cel ayun mga lasing na.

Nag game silang dalawa ng pataasan ng maiinom na shot ang referee ay si maki na medyo tipsy na rin. Ako naman ang audience nila. Kaya ngayon mga tumba na! Lol!

Painom na ko ng beer ng biglang tumunog phone ko. Sasagutin ko na sana pero ng makita ko kung sino yung natawag ay pinili
kong wag na lang. Pinabayaan kong mag ring ng mag ring lang yun.

"Wala ka bang balak na sagutin yang call?"si maki na tumabe sa kin tas nag bukas ng beer in can.

"Hayaan mo sya dyan."ako tas muling tumungga ng beer.

"Oh si beh mo pala 'tong nagko-call sayo."sabe pa nya tas muntikan nyang sagutin yun pero nahablot ko din agad.

"May problema kayo 'no?"si maki na matamang tinititigan ako. "Kwento ka na, mga bangenge na mga yun."sabay nguso kina cel at Jana na tulog na yata sa lapag.

Bumuntong hininga ako. "Naaasar ako sa kanya."panimula ko tas uminom ulit. "Nakakaasar na sya.... Sila."

"Why naman?"

"Lage silang magkasama, lage ring magka kwentuhan. Feeling ko mas gusto na nya ang company ni wong kesa sa kin."parang bata kong sumbong na di tumitingin kay maki. Naikwento ko Kay maki last time ng magkita kame yung tungkol Kay Wong at Kay jho,kaya may alam sya sa dinadrama ko ngayon.

"Di ba sabe mo nung last week kaya sila madalas magkasama kase parehas sila ng sched sa acads."

"Oo nga pero hanggang sa dorm ba naman sila pa rin ang magkadikit? Pano na ko? Wala na nga kameng time for each other tas may nakikisalo pa. At may oras pa talaga sa kanya si jho."

"Alam mo kung ano tawag dyan sa na fe-feel mo? SELOS! NAGSESELOS KA BEA!"

Napahinto ako at napatingin kay maki na nakatingin din pala sa kin.

"Sabe mo din di ba, you like jho,kaya malamang sa alamang ay nagseselos ka sa rookie na yun."

Nagseselos nga ba ako kaya ganun na lang ang pagka inis ko kay wong. Pero mag bestfriend lang kame!

"Umamin ka nga bei,"tas matamang tinitigan ako sa mata ni maki. "You like jho as a bestfriend lang or....."pabitin nyang sabe bago muling uminom ng beer.

"Or what?"ako.

"Or...... You starting falling na sa kanya?"

Natahimik ako sa huling sinabe ni maki.
Na fa-fall na ba ako sa bestfriend ko?
HINDI. HINDI PWEDE!

"OF COURSE NOT!"biglang sagot ko. "Hindi pwedeng mangyare yun! Ayoko na!"

"Okay. Sabe mo eh."tas nagkibit balikat.

"Pero....... Sa tingin mo?.....ganun ba ko ulit?"biglang kambyo ko.

"Parang..... Ewan ko. Pero dude, iba ka kase kay jho. Kumpara sa pagtrato mo sa ibang kateammates mo even sa min. Sa min kase pang tropa lang, ganun pero sa kanya, kay jho parang may something eh."

"I-I don't know.... Maki, hindi pwede."napabuntong hininga ulit ako. "May rules kame. Walang talo talo."malungkot kong sabe.






*flashback*

( 6 months ago )

"Jho..... Beh......BISEXUAL AKO."

Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya ay bigla akong dumapa at isinubsob ko ang pagmumukha ko sa unan.

Ayokong makita ang reaksyon nya. Ayokong makita ang disappointment sa kanyang mukha.
Actually, ni-ready ko naman ang sarili ko para sa kung anuman ang sasabihin nya at sa magiging reaksyon nya pag inamin ko na ang gender ko.

Di ko lang gusto yung thought na iiwasan nya ako, pandirihan. Tuwing naiisip ko yun ay nalulungkot talaga ako. At baka ito na rin yung maging dahilan ng pagkawasak ng friendship namen ni jho.
Ayokong mangyare yun! Ayoko syang mawala!

Parang gusto kong maglaho na lang bigla!
Gusto kong bawiin yung sinabe ko at sabihing joke lang yun pero gusto ko na kaseng magpakatotoo sa kanya. Kaya nga ginawa ko na at bahala na!

"Oh tapos? Anong bago dun?"

Ano daw? Ba't parang....

Napa balikwas ako ng upo. Kung kanina hiyang hiya ako sa kanya at ayokong makita nya pagmumukha ko,ay napatingin na talaga ako sa kanya.

"Y-you.... You mean...you k-knew it already?" Ako na di makapaniwala.

"Uh-huh. Actually, ng buong team."parang wala lang sa kanya ng sinabe nya yun.

"WHAT!?!?"

"Grabe ang reaksyon, ha. Exaggerated lang, beatriz?" Si jho.

Bakit nila alam? Sina ate ly at si mommy den lang naman ang pinagsabihan ko tungkol sa gender ko. At alam kong di nila magagawang ilaglag ako.

"Sino? I mean, pano nyo.... MO nalaman na.... A-ano a-ako----"

"Sus! Its obvious kaya!"tas nag make face pa.

Obvious? Ako?

"Simula pa lang ng magkita tayo, may na sense na ko sayo. Tas nung naging close na tayo nakumpirma kong BI ka."

Pasabog yun sa kin ha! After all this time ng "pagtatago"ko sa kanila, yun pala alam na ng buong team! Wow ha! Pero mabuti na rin 'to, di na ko mahihiya pa ilabas kung ano ang tunay na ako.

"Beatriz,"di ko namalayan na katabe ko na pala si jho! "Wag mong isiping di ka tanggap ng team. Dahil di totoo yan. We all love you! Mahal ka namen maging sino or ano ka man."hinawakan nya ang magkabila kong kamay.

Ba't ganun may spark akong naramdaman?
"Tanggap ako ng team, eh ikaw, okay lang ba sayo na BI ang bestfriend mo? Yung totoo lang, jho? Okay lang ba?"mataman ko syang tinitigan.

"Alam mo? Nung time na kailangan ko ng masasandalan, nandyan ka. At di ko inaasahan yun mula sayo. Di mo ko iniwan,kaya eto ako si Jhoana Maraguinot na ngangako na tanggap kita kung anuman yang gender mo."

Naluha ako sa narinig ko sa bestfriend ko kaya niyakap ko na lang sya. Tanggap ako ni jho,tanggap nya ang gender ko. Thank you lord!May isang minuto rin siguro kameng magkayakap, unang humiwalay si jho.

"Para ka talagang bata."natatawa si jho sa kin habang pinupunasan ang mata kong nabasa ng luha ko.

Napa pout naman ako ng marinig ko ang salitang "bata". Lalong natawa si jho sa kin tas mahinang tinampal ang labi ko.

"Masyado kang pa cute, beatriz!"

"Di, ah! Natural ko 'to!"ako habang hawak ang labe ko.

"Umandar na naman sya! Ang hangin po."kunyare naiinis tas inirapan ako.

Kung saan saan pa nakarating ang usapan namen at puro tawa namen ang maririnig mo dito sa room nila.

"Ay beh. Dapat may rules tayo."suggestion ni jho bigla.

"Rules?"ulit ko sa sinabe ni jho.

"Yup! Rules!"sya tas humarap sa kin pero nakaupo pa rin. "Dapat wala ng taguan ng sekreto, dapat kung may tampo or inis tayo sa isat isa ay sabihin agad para di na lumala, walang seen zoned nakakainis kaya yun, pag may nililigawan ka na dapat pakilala mo sa kin para makilatis ko----"

"Baka naman takutin mo, ha!"sabe ko tas tumawa. May naisip din akong idagdag para Patas kame. "Dapat kung may manliligaw sayo, dadaan
muna sa biceps ko. Para alam nila na yare sila sa kin kung gagaguhin ka lang nila." Pinakita ko pa talaga biceps ko.💪

"Yabang neto!"sya sabay hampas sa kin.

"Cute naman!"sabe ko tas nahampas na naman ako sabay tawa nya.

"Meron pa, beh. Ito yung #1 sa rules naten."sabe nya at sumeryoso. "Bawal ma inlove..............sa kin."

Napahinto ako ng sinabe nya yun. Pero maya maya din ay natawa na ko. "As if!....di kita type 'no! Baka ikaw?"

"Ako pa talaga? Tsss.... FYI lang Miss De Leon, STRAIGHT po ako and WALA na akong FEELINGS! UBOS NA!"tas inirapan ako.

( OUCH!!! )

Natawa sya sa pinagsasabe nya kaya nakitawa na rin ako. Muling nanahimik kame pero sandali lang yun ng magsalita ulit si jho.

" Wait nga lang, ano ba yung mga tipo mo?"

"Biglang naging interesado ka sa mga type ko,pero sige......"kunyare nagiisip."Syempre yung cute, may height, singkit (?),
Uhm... Saka.... Maputi."ako.

Biglang napaisip si jho. "Parang si.......MADDIE!
O.M.G. si Madayag ang crush mo!"exaggerated nyang sabe.

"Ha!? Ah....eh...O-oo na lang."ako at napakamot sa ulo.

Sa totoo lang, di ko naman talaga crush si maddie pero yung mga qualities na sinabe ko ay yun ang ideal girl ko. Siguro nagkataon lang na qualities yun ni madz.
Hay naku naman! Baka makarating ito Kay madz. Nakakahiya. Isipin pa nyang pinagpapantasyahan ko sya. Naku naku, madaldal din kase ang isang ito. Mana sa nanay nanayan nyang si ate ella tas madalas pang nakakasama nya sina ana, si jaime, si gizelle. Hawa Hawa na 'to guys!

"Ano? Okay ba yun sayo?" yung rules ang tinutukoy nya.

"Okay."ako.

Inilabas nya ang pinky finger nya kaya ganun din ang ginawa ko.

"Walang talo talo?"si jho.

Tumango ako. "Walang talo talo!"





*end of flashback*







"Maks, di talaga pwede." malungkot kong ulit at sinaid ang beer na hawak ko.

"Dapat gawin mo bei, i-analyzed mo ng mabuti yang feelings mo for her baka kase
masyado ka lang na o-overwhelm dahil masyado na kayong "close" to each other kaya na-mimisinterpret mo yung sweetness nya sayo. Di ba nga sabe mo sa min, gusto mo maranasan na magkaroon ng ate. Baka lang pang sister LANG yung feelings mo kay jho. Ano kaya? Umiwas ka na muna sa kanya."

"Bakit ko naman gagawin yun?"napakunot noo ako sa suggestion ni maki.

Tumabe pa syang mabuti sa kin tas inakbayan ako. "Minsan kase dude, kung gusto ng isang tao na makapag isip kailangan nyang mapag isa."

"So you trying to say is mag soul searching ako?"tumango naman sya. "Di pwede yun! Nasa gitna na kame ng season! Di ako papayagang magbakasyon. Ano ang idadahilan ko? Sasabihin ko sa kanila na "magso-soul searching lang ako kase ginugulo ni jho ang sistema ko? Ganun?"sarcastic Kong sabe with matching make face.

Tinawanan naman ako ni maki sabay tanggal ng pagkakaakbay sa kin. "Kaya mong sabihin sa kanila yan? Eh kung kaya mo, sige sabihin mo. Tutal totoo naman eh. Nagsisimula ng magulo ang buong sistema mo dahil dyan sa beh mo!"tas tumawa ulit this time mas malakas na. "Ganto kase yan dude, kung iiwasan mo sya, kahit konte lang. Maiiwasan mong mahulog ng tuluyan sa kanya. Di ba yun naman ang gusto mo? Ayaw mo ng maulit yung nangyare sayo dati. So naisip ko lang kung lalagyan mo ng boundary yung sa inyo ni jho,makakaiwas ka sa isa pang heartache na paparating. Sabe mo nga na kumpirmadong straight ang bff mo at malabong magkagusto sya sa tulad mo."

Napa isip akong muli sa sinabe ni maki.
Pag nakakainom talaga itong babaeng 'to merong nasasabing makabuluhan kaya nga pinaiinom muna ng tropa sya para matino ang usapan! Baligtad 'no? Pero totoo yun!

( nilaglag mo talaga si maki 'no? )

Shhhh! May "tama" na rin yan saka di naman nya maririnig eh. Lol!

Tumunog ang phone ko kaya sinilip ko kung sino ang natawag.

"Di mo pa rin ba sasagutin yan?"si maki. "Nagaalala na sila sayo, lalo na yung beh mo."

Napa buntong hininga muna ako bago ko sinagot yung call.

"H-hello."ako.



"Umuwi ka na, beatriz...... Di na ko galit."







Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 49.2K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
471K 13.7K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
461K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
872K 40.4K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...