My Enchanted Tale

By RenesmeeStories

6M 117K 11.2K

MY ENCHANTED TALE EDITING AND REVISING. "Ayisha Ryleen Heartlock a simple girl who dares to defy fate. Will... More

WARNING
Prologue
1 ❀ Charm World
2 ❀ Believe
3 ❀ Brand New Life
4 ❀ First Day
5 ❀ Mind Reader
6 ❀ Charm Five
7 ❀ Fire
8 ❀ Bipolar
9 ❀ Flame
10 ❀ When It's Raining
11 ❀ Her Power
Charm 12 ❀ Those Eyes
Charm 13 ❀ Training
Charm 14 ❀ Eyes of Fire
Charm 15 ❀ Twisted Power
Charm 16 ❀ More Complicated
Charm 17 ❀ Sweet Side
Charm 18 ❀ Mortal World
Charm 19 ❀ Enchanted
Charm 20 ❀ Idiot
Charm 21 ❀ Great Day
Charm 22 ❀ Khyra's Dare
Charm 23 ❀ Game Twist
Charm 24 ❀ Stranger
Charm 25 ❀ Unjust
Charm 26 ❀ Upshot
Charm 27 ❀ Rival
Charm 28 ❀ Strange Feelings
Charm 29 ❀ Sorry
Charm 30 ❀ Stalker
Charm 31 ❀ Sapphire
Charm 32 ❀ Training
Charm 33 ❀ Certified
Charm 34 ❀ Training
Charm 35 ❀ Official
Charm 36 ❀ Feelings
Charm 37 ❀ Solution
Charm 38 ❀ Happiness
Charm 39 ❀ Wedding
Charm 40 ❀ Key of Hearts
Charm 41 ❀ Unexpected
Charm 42 ❀ Traitor
Charm 43 ❀ Pain
Charm 44 ❀ Light of Death
Charm 45 ❀ Lost Princess
Charm 46 ❀ Twisted Identity
Read: Summary
Charm 47 ❀ Fairytale
Charm 48 ❀ The Book
Charm 48 ❀ What Jealousy Can Do
Charm 49 ❀ Liahnna and Fiona
Charm 50 ❀ Fairies
Charm 51 ❀ Say It Again
Chapter 41* Academy's Festival [Part3]
Chapter 42* The Masquerade Ball
Chapter 43* Surprise Surprise
Chapter 44* Broken into Pieces
Chapter 45* My Happy Ending
Chapter 46* Breaking Up
Chapter 47* Will Cry No More
Charm 48 ❀ Hypnotism
Charm 49 ❀ Right Here in My Arms
Charm 50 ❀ Blazing Anger
Charm 51 ❀ Twisted Reality
Chapter 52* Shit Happens
Chapter 53* Her Power
Chapter 54* Truth Revealed
Chapter 56* Tame the Monster
Chapter 57* She'll be Back
Chapter 58* Final Assail ( Part 1 )
Chapter 58* Final Assail ( Part 2 )
Chapter 59* Ever After
Chapter 60* Last Pages ( Part 1 )
Chapter 60* Last Pages ( Part 2 )
Epilogue
Please Read
SC: Louie's Reaction
SC: Bella & Kyle

Chapter 55* The Start

40.6K 979 85
By RenesmeeStories

My Enchanted Tale [55]

===

The battle begins now.

===

*CHAPTER 55~ THE START*

[Ayisha's POV]

"Ang boba mo! Umalis ka sa harapan ko!" Sigaw ko sa isang babaeng katulong dito. Sabi ko magdala ng mga armas, ang dinala sakin, isang espada lamang. Napakaboba! Pinapainit niya ulo ko!

"Alis! Mapapatay Kita!" Sigaw ko. Dali dali naman syang umalis. Nasa kwarto ako ngayon. Sariling kwarto ko dito. Naka-upo ako sa salamin, nagsusuklay ng buhok ko at pinagmamasdan ang magandang kulay ng mata ko. Pula.

Napangiti ako. Mamaya magsisimula na ang digmaan.

"I'm the monster they will regret to know." Nakangising wika ko sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Ngayon na magsisimula ang laban. Ayokong matalo kami. At kating kati na din ang kamay ko. Gustong gutso ko na din pumatay.

Lumabas ako ng kwarto. Nakasalubong ko ang ilang mga tao dito sa palasyo. "Asan si tanda?" Tanong ko dun sa isa.

"S-sino p-po y-yun?" Kinakabahang tanong nung isa.

"Ang boba mo! Umalis ka sa harap ko!" Sigaw ko. Dali daling tumakbo yung pinag tanungan ko. Bakit ba ang bobo ng mga nandito? Nakakainis na ah!

Hinanap ko nalang mag-isa si tanda. Mamaya kasi, bobo nanaman yung mapagtanungan ko. Nakakainis lang.

"Hoy tanda! Ano na? Hindi pa ba tayo susugod sa kanila?!" Tanong ko. Nung makita ko sya, aba't ang matandang to nginitian lang ako

"Hindi ko sinabing ngitian mo lang ako." Inis na sabi ko. Napa ayos naman sya ng tayo.

"Hayaan mo silang sumugod dito. Kung sila ang susugod dito mas maganda, dahil may mga trap akong pinahanda." Sabi ni tanda.

Napangiti naman ako dun, buti 'tong matandang to hindi bobo.

"Mabuti naman akala ko bobo ka din e." Medyo bored na sabi ko.

"Anong sabi mo?!" Sigaw nya, tapos bigla syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa baba. Tinggal ko naman yung pagkakahawak Nya.

"Wag mo akong hawakan. Nakakairita. Baka ikaw unahin ko ng wala sa Oras." Inis na sabi ko, saka umalis doon. Baka kung anong magawa ko sa matandang yun.

Pumanik ako sa pinakamataas na palapag ng palasyo. Napangiti ako, kitang kita ko sa taas ang lawak ng buong lugar.

Kaso puro itim at puti at mga kasamaan lang ang nakikita ko. Pero kahit papaano, maganda pala ito.

Napatingin ako sa isang dako. Napangiti na lang ako.

Magsisimula na.

***

[Bella's POV]

"Humanda na kayo!" Sigaw ko. Papunta na kami ngayon sa mundo ng mga dark sorcerers. Ang Plano. Mamiminsala lang kami.

Tapos babalik kami sa charm world, at siguradong hindi papaawat ang mga dark sorcerers kaya sila mismo ang susugod sa charm world.

At pag nangyari yun, mas maganda dahil, sa charm world ang laban kung saan mas malakas ang pwersa at kapangyarihan namin.

***

Malapit na kami ngayon sa Beelzebub.

"Kakayanin natin 'to. Kailangan natin maibalik si Ayisha sa charm world." Madiin na wika ko kila Louie.

Ngumiti naman sila saakin at tumango.

Medyo pahuli kami sa mga susugod. Yung mga nauna, halos puro kawal. Sakay sila ng mga kabayo. At parang mga knight and shining armor ang dating. Yung Iba nakasakay sa malaking eagle. Kami naman nasa pegasus.

*

Kaunti na ang malapit na kami. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sana okay padin si Ayisha. Sana malabanan nya ang kasamaan na kakain sa pagkatao nya.

"Malapit na tayo. I'll protect you no matter what." Sabi ni Kyle saakin. Ngumiti ako sa kanya. Pampalakas ng loob.

Ang usapan, may isang maiiwan saamin para mapunta sa kulungan ng dark sorcerer para naman, mailigtas o kaya matulungan ang mga charmers na nandun.

-

Dandahang bumababa ang mga eagles, pegasus, sa battle ground dito.

Pagkababa ko, hinawakan ni Kyle ang kamay ko. "Hindi ako papayag na ikaw ang maiiwan." Sabi ni Kyle saakin.

Hindi ko nangagawang sumagot pa, noong biglang magsisigaw lahat ng nasa unang linyang susugod.

"Fvck? It's a trap!" Galit na sigaw ni Kyle. Damn! Hindi namin akalain na may trap. Yung mga naunang sumugod, bigla na lang nakuryente.

Hindi namin akalain na may invisible shield of electricity silang nilagay. "Be careful." Mahinang bulong ni Louie, pero abot naman sa pandinig namin.

Wala na agad ang Iba saamin dahil sa lakas ng impact at power ng electricity doon. Naging maingat ang mga kasunod na galaw namin. Hindi namin hinayaan na may sumunod pa sa mga nasawi.

Unti-unti biglang lumindol. Napakapit ako ng matindi Kay Kyle.

Sina Vien, Charlene naman hinawakan ni Night at Castle. Kasama din silang dalwa Ngayon. Si Liah nakasama din, ayaw Syang pasamahin ni Louie dahil baka mapahamak ang kapatid nya, kaso matigas ulo ni Liah.

Si Ash at Fiona naman inalalayan ang bawat isa, Dahil sa lakas ng lindol, may Ibang matutumba na.

Si Louie naman akala mo, hindi naapektuhan, sanay na sanay na talaga sya.

Hindi pa din na tigil ang lindol. Nakita ko si Charlene na parang pinipigilan ang shock waves sa lugar namin.

Hawak sya ni Castle dahil, nahihirapan si Charlene.

Maya maya nawalan ng kaunting shock waves saamin. Gawa na din siguro ng ginawa ni Charlene.

Pero yun ang akala namin, bigla na lang may naglitawang mga matitinik na halaman sa lupa, agad kaming humingi ng tulong kay Vien para makalipad kami.

Nagalaw ang mga tinik na halaman na yun, at parang kinakain nila ang mga nasa lupa pa. Wala na agad kaming laban.

Si Charlene naman, naglagay sya ng power force sa sarili nya, para hindi sya maapektuhan at naging bulaklak ang iba sa mga tinik na halaman. Yun ang ginawa nya para hindi makain ang iba sa mga kasamahan namin.

Kaso, habang nakakain ang Iba sa kasamahan namin, lumalaki din ang halaman. Charlene is doing her best.

Gumawa na ko ng liwanag, I use my light power para liwanagan ang mga tinik na halaman na yun. Gumana naman ito, at nalanta yung Iba.

Tumulong na rin sina Fiona. Fiona freeze the other side na may mga halaman na tinik. Si Louie naman sinusunog nya yun. Si hubby naman ginamit na din ang water power.

Nawala naman ang mga halamang may tinik. Kaya bumababa na kami. Madami ding namatay ng dahil sa nakain sila ng halamang yun.

Nagsimula ng sumugod ang Iba saamin noong labanan ng ibang electricity charmer ang electricity. Nawala na yun, kayat nakasunod na kami.

Kaso biglang gumuho ang bahagi ng lupa Kung saan nandoon ang mga unang sumugod.

"Damn this!" Sigaw ni Louie.

Dali daling inayos ni Charlene ang gumuhong lupa, pero huli na sya may mga nalaglag na. Pero may na iligtas pa naman sya.

Nakita namin ang parang maitim na usok na papunta sa kinalalagyan namin. Tinitigan ko itong mabuti.

Mga halimaw. Mga insekto. Dali dali akong gumawa ng light shield dahil sa nangyari. Pero hindi lahat inabot ng light shield ko. Halos kakaunti lang. Malapit na saamin yung mga insekto.

Kinilabutan ako sa nakita ko. Talagang naghanda sila ng todo para sa labanan na ito. Si Vien nag release ng malakas na Air Force para kahit papano mapaatras yung mga insekto.

Agad na gumawa ng shield si Vien pagkatapos nun. Kaya halos lahat na kami ang may shield na. Malapit na saamin ang mga insekto, naghanda ako ng lakas ko, dahil panigurado malakas na impact ang magaganap.

Malapit na, Vien also enhances her shield. Ang hirap pala may mga trap sila.

Halos mapaatras at natumba ako, dahil sa lakas ng impact, buti na lang nasa likod ko si Kyle at inalalayan ako, ganun din si Night sa likudan ni Vien.

May ilang nakapasok na insekto, dahil hirap na hirap na kami ni Vien sa pagpapatibay ng shield. Malakas Kasi ang mga insekto. Sinuntok at sinipa lang ito ni Castle dahil nga malakas siya.

Nagrelease si Fiona ng ice force kaya't madami sa mga insekto at bumagsak na sa lupa dahil sa pagyeyelo, si Louie naman sinunog na ang mga ito. Kyle also uses his water power para labanan yung mga insektong sinisira yung shield.

Fvck! Ang lakas ng mga ito. Yung ibang mga charmes are doing they're best para tumulong saamin.

Napakaraming insekto kaya kahit gaano kami kalakas hindi sila mauubos ubos. Nakita ko si Liah na nanghihina na dahil sa sobrang lakas na fire force na pinakawalan nya. Yung ibang mga insekto na nakapasok sa shield ay kinakalaban ni Night at Castle.

"H-Hubby..." Mahinang bulong ko. Dahil hirap na hirap na talaga ako. Napatigil si hubby sa ginagawa nya, at hinawakan ako sa balikat mula sa likod, he back hug me, dahil hindi ko na kaya pa, nanghihina na din ako sa lakas ng mag insektong yun.

Bigla na lang ako nakaramdam ng malakas na impact kaya napa-upo kami ni hubby, ganun din ang nangyari sa Iba. Napatingin ako sa paligid. Wala ng mga insekto dahil sa lakas ng fire force na ne-release ni Louie. Galit na galit sya, kaya nakapag release sya ng ganun kalakas na apoy.

Kapalit naman ng ginawa nyang yun ang pagluhod nya. Siguradong halos lahat ng lakas nya nawala dahil dun. Nilapitan sya ni Liah, at hinawakan. Siguro alalang-alala si Liah sa kapatid nya ngayon.

May lumapit naman na healing charmer kay Louie at ginamot sya, para ma-regain ang lakas nya, pag kasi si Louie pa ang gumamit ng healing power of fire baka hindi na nya kayanin at tuluyan syang mawalan ng lakas.

May mga healing charmer din na lumapit kay Vien, mukang nanghina din sya. Maging saakin. "Wifey! Okay ka Lang ba? Sabihin mo! Fvck this! Sinabi ng wag ka ng sumama e!" Alalang sabi ni Kyle.

"I'm alright. Okay Lang ako. Wag ka mag-alala, kailangan natin makuha si Ayisha." Sabi ko kay hubby. Natapos akong gamutin ng healing charmer.

Kahit papano madami pa naman kami, pero madami na din ang nawala saamin. Maya maya pa, may malakas na lagabag kaming narinig. Parang nalindol nanaman sa lakas nito.

Unti-unti natanaw namin Kung saan ito nagmumula. The giants.

Limang giants ang papunta dito, doble ang laki nito kumpara sa kinalaban noon ni Ayisha. Nakaharap kami sa limang giants at handa na silang kalabanin.

Malakas silang umungol at tumakbo papalapit saamin, ganun din ang ginawa namin, tumakbo kami at sumugod sa kanila.

Fiona freezes all the giants, nahirapan syang mag freeze nun dahil, pag na freeze nay yung isa, nakakawala sa freeze yung isa. Pero nagawa nya naman na freeze silang Lahat, kaso napaupo sya sa lupa dahil sa sobrang panghihina. Nilapitan sya ng healing charmer para gamutin sya.

Sumuntok naman si Charlene sa lupa at nag crack ang lupa sa pwesto ng isang giant, at tuluyan itong nasira at nalaglag ang naka freeze na giant. Sinara ulit ni Charlene ang lupa. At pinagpag nya. One down! Four to go!

Agad na nilapitan ni Castle yung kasunod na giant, tumalon ng mataas si Castle at biglang sinuntok ito sa muka, dahilan para matumba yung giant. Kaso, nasira yung pagkaka freeze nya, kaya nakakagalaw na ulit yung giant, tumindig ito at agad na sinugod si Castle upang suntukin. Kumilos naman agad si Castle at sinalubong ang kamao na susuntok sa kanya.

Isang malakas na impact ang nangyari, sabay ang pagtalbog ni Castle at nung giant. Sumadsad pa si Castle sa lupa, agad na pinigilan ni Charlene. Charlene made an earth square bed para mapigilan ang patuloy na pagsadsad ni Castle sa lupa. Charlene did great dahil nagawa nya ito, ang laking crack din ang ginawa ni Castle sa lupa dahil sa pagsadsad nya dito.

Nilapitan ni Charlene si Castle at tinulungan na makatayo. Hawak kamay silang tumakbo at sinugod ang giant na nakahiga pa din Dahil sa lakas ng imapact ng sabay nilang pag suntok ni castle kanina. Malapit na si Charlene at Castle sa giant. Tumalon silang dalwa ng mataas at naglanding sila sa ibabaw ng giant.

Napaatras ako at napatakip ng mata Dahil sa lakas ng imapact at alikabok na galing sa Lupa Dahil sa lakas ng impact ng pag talon ni Charlene at Castle bumaon sa Lupa yung giant.

Sinundan naman ito ni Liahnna ng counter attack move at agad na sinunog ang giant. Two down! Three to go!

Nakawala na sa pagkakafreeze yung isa pang giant, malapit na ding makawala yung dalwa pa, kayat i-ni-freeze ulit ni Fiona yung dalwa, Samatalang yung isa, patakbo na sumusugod saamin, pero bigla itong natigil sa sa ginawa ni Night. Pinatigil Nya ito by it's shadow.

Pagkapatigil na Night doon sa shadow, lumipad si Vien at sinugod ito, Vien releases an air bomb, kaya't nadamage ang isang Braso ng giant at naputol ito. Si Night naman ang sumugod Ngayon, tumalon sya ng mataas at nagland sya sa balikat ng giant, agad Nya itong sinuntok sa muka, nilagyan pa ni Vien ng Air Force ang gagawing pag suntok ni Night kaya't nanging malakas ang impact ito, at tumalbog ng malayo ang giant, si night naman ay Hindi napasama Dahil agad Syang pinalipad ni Vien.

Katulad ng kanina, Hindi na makabangon yung giant kaya't sinunog ulit ito ni Liahnna. Three down! Two to go!

Natagal sa pagkakafreeze yung ika-apat na giant. Agad itong tumakbo papalapit Kay Fiona, humarang naman si Ash sa unahan Nya, Fiona help Ash na labanan yung giant. Ash is doing his best, kahit Mano Mano Lang Syang makipaglaban, Dahil sa time manipulator lamang sya. Sinugod ni Ash yung giant pumunta sa balikat nito.

Nagwala naman yung giant Dahil Asa balikat Nya nga ito, kukunin Nya sana si Ash, pero tumalon si Ash sa ulo ito, kaya't Nalito yung giant. Dahil sa kagustuhan nung giant na makuha si Ash, hinaya Nya sa ulo Nya yung kamay Nya, at agad na pinukpok ang sarili nyang ulo. Gusto kong Matawa, ang tanga nung giant. Pinukpok Nya sarili nyang ulo ng pagkalakas lakas.

Naka ilag naman si Ash doon at pumunta sa paanan nung giant. Si Charlene naman gumawa ng Vines at agad na inihagis Kay ash. Ash, immediately tie the vines sa paa nung giant. Pinulupot Nya ito paikot, habang parang bangag pa yung giant Dahil sa pagkakapukpok Nya sa sarili Nya.

Lumakad na yung giant at na out of balance ito. Kayat natumba ito. Fiona made an ice sword at agad Nya itong ibinato Kay Ash, nakuha naman agad ni Ash yun at tinarak sa nakahigang giant. Umalis si Ash sa ibabaw nun, at lumapit Kay Fiona.

Agad namang sinunog ni Liah ang nanghihina ng giant. Four down! One to go! Isa na lang ang kailangan naming labanang giant.

"Our time." Nakangiting sabi ni hubby, nakawala na din sa pagkakafreeze yung huling giant. Hawak kamay kami ni Hubby na sinalubong yung natakbong giant napapunta saamin. Agad akong hinawakan ng mahigpit sa kamay ni Hubby nung malapit na yung giant. Ini-flip Nya ko, sabay bato saakin papunta sa giant.

Saktong landing ko naman sa ulo ng giant. Agad ko Syang ginamitan ng light circles, dahilan para, magwala sya, Dahil panigurado wala na Syang Makita pa. Agad na gumawa si Hubby ng water ropes at pinulupot sa katawan nung giant.

Tumalon ako pababa at sinambot naman ako ni Hubby. At inayos ko ang pagkakatayo ko. Si Hubby naman ang tumalon papunta sa ulo nung giant na nagwawala Dahil wala na itong Makita Dahil, binulag ko sya kanina, hirap din makagalaw yung giant Dahil sa water ropes nakapulupot sa kanya.

Sinipa ni Hubby yung muka ng giant kayat natumba ito. Napakalakas na ungol ang pinakawalan ng giant, dahilan para makawala ito sa water ropes, si Hubby naman na malapit sa giant ay napaatraas Dahil sa lakas ng ungol.

Agad tumindig yung giant at pinagsusuntok ang Lupa. Fvck! Andun si hubby! Tumakbo ako papunta Kung nasan si Hubby. Susuntok sana yung giant sa pwesto Kung nasan ako, buti na Lang napigilan yun ni Hubby gamit ang water power.

Nung makalapit ako Kay hubby sabay kaming tumalon, para makapunta sa ulo nung giant. Hubby cover the head of the giant with water, kaya Hindi makahinga yung giant, ang ginawa ko naman ginamitan ko din ng light force kayat tuluyan na napahiga yung giant at sabay kami ni Hubby na tumalon paalis dun.

Natumba yung giant. Katulad kanina, sinunog ito ni Liahnna. Wala ng mga giants Ngayon. We already finish it all.

"Done." Nakangiting sabi ko. Humakbang kami para umabante kami mas makalapit kami sa battle field.

Habang naabante kami, nagitla na Lang kami ng biglang tumalbog ang isa sa kasamahan namin ng malayo. Damn! Ano yun?

Hinawakan ni Hubby yung kamay ko. "Invisible grotesque." Sabi ni Hubby. Oh shit! Malalakas na kalahating tao at hayop, at ang mahirap pa invisible sila.

Pagkatalbog ng isa may tumalbog nanaman. Nakiramdam ko ang dami dami nila.

Nagitla na Lang ako, ng mag-release si Vien ng Air Force, muntik na din Siguro sya. Lahat kami nagsimulang makiramdam sa paligid.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Nakiramdam akong mabuti. Pakiramdam ko may parang nahagikhik sa gilid ko, sa unahan ko naman may natakbo, sa likod ko naman parang may nalipad. Shit! Ang daming invisible grotesque.

I opened my eyes, I activated my light sensor eyes. Nagitla ako sa nakita ko. Ang dami nila at higit sa Lahat ang papanget nila.

Nakikita ko sila, oo, Dahil sa light sensor eyes ko. Agad akong kumilos ng Makita kong isa na susugudin ako, sumipa ako ng mataas ng Dahil dun, nagawa ko naman Dahil, malayo ang naging talsik nito mula saakin.

Nakita kong nagulat sila sa bigla kong pagsipa, Siguro muka akong tanga sa ginawa ko kanina, sisipa ka, pero mukang wala namang kalaban. Invisible Kasi!

"Sa unahan mo cha!" Sigaw ko Kay Charlene ng muntik na Syang suntukin ng isang grotesque. Mabilis naman kumilos si Cha at nakapaglagay ng isang earth shield sa una Nya, nagitla na Lang sya ng biglang itong gumuho. Ngayon nararamdaman Nya na ang mga grotesque.

"Be careful! It's invisible grotesque!" Sigaw ni Louie, tapos bigla na Lang Syang nagbato ng Apoy, malapit sa kinalalagyan ni Liah, akala ko Kay Liah Nya pa patamain, yun pala sa invisible grotesque na malapit Kay Liah.

Nag sila na silang naging alerto. Samantalang ako, tinitingnan ko ang mga grotesque na ito. "Your eyes, it's yellow." Biglang sabi ni Hubby. I smiled at him. First time ko kasing ginamit ang light sensor eyes ko.

"Don't worry, part of my power." Paninigurado ko sa kanyang okay lang ako. Tumango naman sya.

Naiinis ako sa mga grotesque na to. Ang papanget nila, tapos parang nang-aasar sila ng todo sa mga kasamahan namin na Hindi sila nakikita. They are sticking their tongue out. Saka natawa na lang sila. Napapatingin tuloy bigla yung mga kasamahan ko sa iba Ibang dako pag natawa sila. Tuwang tuwa silang pinagtritripan kami.

"Sa likod mo Vien!" Sigaw ko ng may sisipa sana sa kanya, nakapag release naman sya agad ng Air Force kaya't tumalbog yung grotesque.

Lahat kami nakaramdam na sa mga grotesque. Nagsimula na ding sumugod ang mga grotesque, kaya naghanda na din ako.

Mano Mano ang Laban Ngayon.

High kick.

Butterfly circles.

Upper cut.

Rabbit foot.

At Iba pa, ginamit ko Lahat ng moves na natutunan namin sa training. Lahat kami nakikipag-suntukan, at Mano manong lumaban. Magaling naman Lahat ng nandito Dahil nagawa nilang matukoy Kung nasanan ang mga grotesque. Sobrang laking tulong ng mga naging training namin noong nakaraang mga Araw.

Wala kaming tigil sa paglaban ng mga grotesque. Medyo nakaramdam na din ako ng Pagod at panghihina, Dahil natatamaan din naman ako ng mga grotesque.

"It's almost time! We need to move out, out of here and go back!" Mahinang bulong saakin ni hubby. Nanghinayang ako ng sobra. Pano na si Ayisha?

"How about Ayisha?" I asked. Tahimik na napa-iling iling si Hubby.

Marami na ding nakahiga sa sahig at halos mawalan na ng buhay. Napuruhan din kami ng todo Dahil sa mga grotesque na yun. Hindi Kasi patas, Hindi namin sila nakikita. At malalakas din sila.

Nagsama sama kaming mga nakaligtas pa sa isang dako. We already need to go back. Para mas makapaghanda pa, sa pagsugod ng mga dark sorcerers sa charm world.

Kakaunti na Lang Kami. "Suko na kami!" Pekeng sigaw ni Castle. Alam nyang parte Lang to ng Plano. We need to accept that we are defeated kahit Hindi naman talaga.

Sumakay na ang Iba saamin sa mga eagles at Pegasus na kadadating Lang ulit. Sumakay at nauna na ang Iba. We really look defeated. Kung titingnan mo ang battle field, halos ang daming namatay saamin.

Napaluha na lang ako. Pano si Ayisha? Hinawakan ni Hubby yung kamay ko at nag lead sya ng way pasakay sa Pegasus.

I look at him in the eyes, Hindi pa ko pede umalis, Hindi ko pa nakikita si Ayisha. Hindi pede.

Binitiwan ko yung kamay Nya at tumakbo papunta sa battle field. "Damn holy crap! Go back! Wife!" Malakas na sigaw ni Hubby saakin ng bitiwan ko ang kamay Nya at tumakbo.

Takbo lang ako ng takbo, alam ko sinundan nila ko Dahil sinisigaw nila ang pangalan ko. "Bella! Bumalik ka!" Sigaw nila.

Hindi ko sila pinansin.

Para kong naistatwa at napatigil sa pagtakbo Dahil sa mga arrow na papunta saamin, sa mga pana na tatama saakin. Madami ito, at nakatututok ito Kung saan ako nakatayo. Na bigla ako. Gusto ko man kumilos Hindi ko magawa.

Gustuhin ko man gumawa ng shield, ayaw makisama ng katawan. Gustohin ko man tumakbo pero ayaw ng paa ko. Nanginginig ako. Malapit na itong tumama saakin.

"Wife!!" Malakas na sigaw ni Kyle, lumingon ako sa kanya ng parang slow mo. He's heading towards may direction malapit na sya. Hindi maipinta ang muka Nya takot na takot sya, Dahil baka tamaan ako ng mga arrows.

Nakarating sya saakin at niyakap ako. Konti na Lang. Matatamaan na kaming dalwa. Napapikit na Lang ako.

Kamatayan na Yata namin.

Pero malakas na impact ang naramdaman ko. Walang tumamang arrow saamin, napamulat ako. A water shield with a fire shield ang nakapalibot saaming dalwa ni hubby. Tumingin ako sa paligid.

Galing Kay Louie yung Apoy. Nasunog yung mga arrows na tumama sa shield.

Nawala yung shield ng maubos yung mga panang tatama saamin. Mukang Mali ang desisyon kong bumalik.

"Let's go back!" Sigaw ni Louie. Agad akong tumango at tumakbo pabalik. All I wanted was to save Ayisha, pero ayaw ko ding mapahamak ang iba. Kaya Siguro mabuti ng sumunod ako sa Plano.

Kaso kailangan may maiwan dito. Maybe. Ako dapat yun. "Kelangan may maiwang isa di ba? I will." Pinal na sabi ko.

"Aaaaaah!" Agad na nanlaki ang mata ko ng Makita ko Kung sino ang sumigaw at Kung bakit ito sumigaw.

Si Louie. Natamaan sya ng pana sa Braso. Shit!

"Kuyaaaaa!" Sigaw ni Liahnna at Dali daling nagtatakbo sa Kuya Nya. Tumakbo na din kami papunta Kay Louie, ng biglang parang may papadating, nayanig nanaman ng kaunti ang battle field.

"Shit shit shit Kuya!" Hindi maintindihang sabi ni Liahnna na alalang-alala na sa Kuya Nya.

"Shit! Okay Lang ako! Umalis na kayo! Ako ng magpapaiwan dito! Tutal ako ang may kasalanan Kung bakit naging masama si Ryleen. I'll pay for the consequences of what I have done." Sabi ni Louie.

"No Kuya! Hindi pede!" Sigaw ni Liah.

"Look. Liah, makinig ka Kay Kuya. Umalis ka na. Ayaw kong mapahamak ko. Go! Follow me Liah or else!" Sigaw ni Louie, habang tinitiis ang sakit.

Maiyak iyak si Liah na umiling. "No." Mahinang sabi Nya.

"I'll count Liah. Go my baby sister! Hindi ko makakapayag may nangyari Sayo!" Sigaw ni Louie. Lalong lumakas yung pagyanig. Malapit na sila.

May mga nakakabayong dumating. "Damn it! Go!" Dahil sa lakas ng sigaw ni Louie, Dali Dali kaming umalis at iniwan sya. Shit! Dapat ako yun! Dapat ako yung naiwan! I wanted to go back but I can't!

Shit!

Dali Dali akong sinakay ni Hubby sa Pegasus. Ganun din ang ginawa Nina Night at Castle Kay Vien at Charlene. Saka si Ash at Fiona at Liah sa isang Pegasus.

Dali daling lumipad ito, leaving Louie, some charmers na sugatan at naghihingalo na at mga namatay na kanina.

"Kuyaaaaa!" Malakas na sigaw ni Liah habang naiyak.

****

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makarating kami sa palasyo, Lahat kami sugatan kaya't inasikaso kami ng mga healing charmers. Grabe din ang pag-aalala ni Mama Elsa at Papa Rolan. Dahil nga Medyo nahuli kami.

"Our princess. Kala namin kukunin ka saamin." Halos maiiyak iyak na sabi ni Mama.

Lumapit ako sa kanya at naiyak sya. "Hindi ko man Lang nagawa ng Bawiin sa kanila si Ayisha. Mama." Umiiyak na saad ko.

Hinaplos Nya lamang ang likod ko at hinagod ito, kahit papano sa tulong nun, gumaan ang pakiramdam ko.

"Si Kuya. Si Kuya. Yung Kuya ko." Mahinang iyak ni Liah, habang binabanggit ang pangalan ng Kuya Nya.

"Prince Stanford of Fire Circle Land ang naiwan?" Tanong ni Papa. Tumango ako sa kanya. Napabuntong hininga sya.

Malaking kawalan din si Louie.

"We'll survive this battle." Sabi ni Papa, nasinang-ayunan ng Lahat.

Umupo ako sa isang tabi, kasama si Hubby. He's humming para gumaan ang pakiramdam ko saka nakasandal ako sa dibdib Nya.

Sobrang thankful ako Dahil nandito si Hubby sa tabi ko. Kung wala sya, Hindi ko na alam ang Gagawin ko.

"Be careful of the one you'll chose
The faith is in your hand
Many people will suffer
Many will die, many will feel pain
But in the hands of light it will diminished."

Parang biglang nag-flashback sa Utak ko yung propesiya na Ipinakita saamin Nina Charlene noon.

Unti-unti ng nagiging malinaw ang propesiya saakin. Yung binabalaan o sinasabihan ng ikalawang verse. Si Louie yun. Hindi si Ayisha. Nung una akala ko si Ayisha. Pero, Ngayon malinaw na saakin si Louie nga yun.

Yung pinamilian ni Louie, it's either saktan si Ayisha o Hindi. Pero ang Napili ni Louie ay saktan sya, Dahil sa takot na baka mamatay ito. That untold prophecy na Sinabi saamin Louie ang puno't dulo ng Lahat.

The faith is in the hand of Louie. Pero nung iwan Nya si Ayisha. Nagbago ang Lahat. Ayisha chose to be a monster because of the pain. Dahil doon, nagsimula ang panibagong digmaan. Ang digmaang nagaganap Ngayon.

"But in the hands of light it will be diminished."

Ang mga huling salita sa Verse 2. In the hands of light it will be diminished. Hindi kaya?

Hindi kaya si Louie lamang ang makakapigil ng Lahat ng ito? Hindi kaya si Louie ang light na tinutukoy na makakadimished ng paghihirap namin Ngayon sa digmaan?

That prophecy, is really a puzzle.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 109K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
90.2K 293 29
Smut 18+ ONLY! ⚠️WARNING⚠️ ⚠️CONTAINS MUTURE CONTENT⚠️ ⚠️VERY SEXUAL 18+⚠️ 22 year old Raven Johnson is just going to her yearly doctors appointment...
1.5M 100K 83
What's dead should stay dead. When you mess with the natural order, things could go horribly wrong. Having a six-hundred year old rotting soul, for e...
125K 3.5K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။