Daniel's POV
Limang araw na rin mula ng mawalan ng malay si Kath. Nag-aalala na ko. Baka kasi hindi niya makayanan ang pagbalik sa nakaraan niya. Hindi ko rin sigurado kung tatanggapin niya ang nakaraan niya. Hindi ko alam. Pero wag sana siyang sumuko.
Mula sa veranda ay tumalon ako pababa. Pupunta sana ako sa tabing dagat ng biglang kumirot ang dibdib ko. Sobrang sakit. Bigla akong may narinig na sumigaw.
Napakaripas ako ng takbo dahil alam kong si Kath yung sumigaw. Pag bukas ko ng pinto, wala na siya sa kama niya. Kaagad kong tinignan ang paligid. Nahagip ng mata ko ang isang pigura sa isang sulok ng kwarto.
"Kath?" Tawag ko.
Walang sumagot.
"Kath? Ikaw ba yan?"
Wala pa ring sumagot kaya sinubukan kong lumapit sa kanya. Nakita ko siyang wari'y natatakot dahil sa panginginig niya.
"Bakit ganun? B-bakit ganun, Daniel?" Nanginginig ang boses niyang nagsalita.
"Mabuti at gising ka na." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil nararamdaman ko ang kakaibang aura na bumabalot kay kath.
Unti-unti ko syang hinagkan at niyakap. Nanginginig siya. Ngayong malapit na ako sa kanya, nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya. Alam kong may bahid iyon ng galit pero mas marami ang lungkot.
Para akong natutunaw ng ibinuhos niya ang iyak niya nang idikit niya ang kanyang mukha sa dibdib ko. I patted her back to comfort her.
Maya-maya, narinig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa amin. Wala pa ring tigil ang pag-iyak ni Kath. Wala siyang ibang sinabi kundi bakit yun ang nangyari.
"Anong nangyari?!" Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Quen na humahangos pa.
"Kath?!!!!" Sigaw naman ng sumunod na si Julia.
"Anong nangyari--" Napahinto si Sam ng makita si Kath na nakayakap sa akin, "Kath--"
Magsasalita pa sana ako ng bigla kong naramdaman na naglaho ang katawan na nakayakap sa akin kanina.
"IKAW!" Napalingon kaagad ako sa nagsalita.
Napakabilis ni Kath. Paano niyang nagawang makapunta sa harapan ni Sam ng ganung kabilis.
Para kaming nabuhusan ng yelo sa sumunod na nangyari. Lumipad ang katawan ni Sam palayo kay Kath. Nakita na lang namin ang kamay ni Kath na humawi rito.
"Paano mo nagawa iyon?!!" Mabilis na nakarating si Kath sa lugar ni Sam na hawak hawak ang balikat. Halatang nasaktan siya sa ginawa ni Kath.
"Paano mo napatay ang mga magulang natin?!" Muling tanong ni Kath. Dinampot niya si Sam na parang stuffed toy lang. Nakahawak ang kamay ni Kath sa leeg ni Sam.
Susubukan sana namin siyang pigilan pero may biglang hangin na humati sa daan. Ito na ba ang kapangyarihan ni Kath? Pero hindi pa siya nag-18?
"W-wag k-kayong makialam." Bulong ni Sam na hirap magsalita.
Kay Sam ang kapangyarihan na iyon?
"Paano mo nagawa yun Kuya? Pati si Niell dinamay mo!!!" Ramdam sa boses ni Kath ang galit.
Anong sinasabi niya? May hindi ba siya natatandaan? Did she miss something from her past memories?
Nawala kami sa pag-iisip ng kuminang ang mga mata ni Kath. Kulay berde ito. Ngayon ko lang nakita ang mga mata na iyon ulit. Bigla niyang itinaas ng mga kamay niya at lumabas ang mahabang kuko mula roon.
"Mapalad ka at nabuhay ka pa hanggang ngayon, hindi ko na hahayaang mabuhay ang kriminal na gaya mo!"
"Kath!!! Wag!!!!" Sigaw ni Julia.
Pero huli na ang lahat. Ibinaon ni Kath ang kanyang mga kuko sa kanang balikat ni Sam. Narinig ko ang pag-ungol ni Sam.
Bakit hindi siya lumaban? Bakit hindi niya magawang pigilan ang kapatid niya? Sa pagtanggal ng kamay ni Kath na nakabaon kay Sam, muling sumigaw sa sakit si Sam.
"Stop it, Kath!" Sigaw ko pero parang nilamon na siya ng galit. Hindi niya na nakontrol ang sarili niya. Hindi ko rin alam kung ano ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong namamangha na natataranta sa nakikita ko.
Itinapon niya ang nanghihinang katawan ni Sam sa sahig, "Ganyan ang naramdam ko noongunti-unti mo akong pinatay!" Sigaw niya, "At habang unti-unting namamatay ang mga kasamahan at ang pag-ibig ko!" She then clenched her teeth.
What the hell she's talking about? Hindi si Sam ang pumatay sa kanya. Bakit? Anong nangyayari sa mga naaalala niya?
"Ngayon, ipaparamdam ko yan sayo!!!"
Itinaas niya muli ang kamay niya at akma sanang iababon niya ang kamay niya kay Sam mula sa likod nito nang biglang may lumipad na mesa papunta sa kanya.
"Pasensya na, Kath. Pero hindi namin hahayaang paslangin mo ang Kuya mo." Sabi ni Quen.
Tumayo si Kath na parang hindi nasaktan. "Wag kang makialam!!!" Humawi si Kath papunta kay Quen pero hindi niya ito naituloy. Humarang si Julia na tila hindi naman natinag. Ginamit niya pala ang telekinesis niya para harangin ang akmang paghagupit ni Kath.
"Tatayo ka na lang dyan?" Sabi ni Quen. Saka lang ako bumalik sa realidad. Pero noon tutulong na sana ako, nakita kong ginamit ni Quen ang kapangyarihan niya upang patalsikin si Kath.
Kaya naman, instead of helping them, nasuntok ko si Quen. Bigla naman akong nanigas sa pagkakatayo ko. Julia used her powers to me. Hindi naman kasi tama na gamitin ni Quen ang kapangyarihan niya laban kay Kath. “She’s under her anger. Kailangan lang natin siyang pakalmahin, hindi sakatan.”
Hindi rin iyon nagtagal sapagkat inatake siya ni Kath. Alam kong mali ang nangyayari pero hindi ko maaaring pabayaan si Kath. Masasaktan siya kapg nanhimasok na sina Julia. Gabay nanila ang kapangyarihan nila di tulad ni Kath.
"STOP IT!" Nanggaling ang boses mula sa pintuan ngunit walang natinag sa sinabi niya.
Kath threw a scratch to Quen’s shoulder kaya nagalit si Julia. She tried to manipulate Kath but she failed. Kath is much stronger for a telekinesis. Kaso, nagamit ni Julia ang kapangyarihan niya to shield them kaya galit na galit si Kath ng hindi niya matamaan ang dalawa.
Wala na talaga si Kath sa sarili niya. Tumingin ako muli kay Sam, tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"I said, STOP IT!"
Bigla na lamang may liwanag na sumabog sa loob ng kwarto. May kakaiba sa liwanag na iyon na biglang nagpakalma sa lahat ng tao sa loob ng kwarto.
Nang nawala ang kakaibang ilaw na iyon, tumambad sa pintuan si Mama. Naroon siya. Siya ang nagpasabog ng liwanag.
"What happened?!" Nag-aalala niyang tanong. Sinundan namin ang tingin niyang paikot sa kwarto. Lahat kami ay napatahimik na lamang sa nakita naming.
Napakagulo ng kwarto ngunit dalawang bagay lang ang nakapukaw ng atensyon namin. Kay kath at kay Sam na duguan at wala ng malay.
Tila napako ang tingin ni Kath kay Sam. Umiiyak si Kath halatang kumalma na siya. Napaluhod siya bigla habang pinagmamasdan si Sam.
"Sorry, kuya. Sorry."
Humagulgol siya ng iyak.
“Sorry, Kuya, Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry.”
Paulit-ulit niyang binibigkas ang mga katagang iyon. Pagkatapos ng sinabing iyo ni Kath, wala na kaming narinig kundi ang kanyang paghagulgol ng iyak. Susubukan muna sana nilang icomfort si Kath ngunit wala ng oras, mahinang mahina na si Sam, lalo at may dugo sa paligid.
Naiwan akong kasama siya. Walang umiiik. Hinayaan ko na lamang siyang umiyak muna upang umalwan ang kanyang pakiramdam. Maya-maya'y lumapit ako sa kanya at hinagkan siyang muli. Niyakap ko siya para malaman niyang may masama siya at hindi dapat siya malungkot.
"Wag ka nang umiyak. Maaayos rin ang lahat." Then, I let her lean on my chest. Muka sa kanyang paghikbi ay naramdamn kong nakaidlip na rin siya.
I carried her in her bed. Nang nilapag ko na siya, hinigit niya ang lower cloth ng shirt ko, "Dito ka lang please?"
A curve was drawn over my lips. "Oo, dito lang ako." Then I rested my body beside her.
She rested her hands on my chest kaya humarap ako sa kanya at niyakap siya,"Dont worry, you are safe with me."
I leaned my forehead against her. She gave me back a smile and she fell asleep and so did I.
"I love you, Kath, and I am glad that you are back." Bulong ko bago ako tuluyang makatulog.
=====================
A/N: THANK YOU SO MUCH SA PAGTAGKILIK SA CONCEALED VAMPIRE HA? HAHAHAHA.
ONG PALA, NILABAS KO NA ANG PROLOGUE NG ROMCOM NA SINASABI NIYO. <3 aYUN UNG POSTER >>>>>>>>>>
ANG TITLE NIYA AY "LOVING A GORILLA" HAHAHAHAHAHHA. :))))
ABANGAN NIYO ANG 1ST CHAPTER. XDDD THANK YOU.
CLICK THE EXTERNAL LINK TO READ THE PROLOGUE. :)
QUESTION: DID KATH REALLY MISS SOMETHING FROM HER PAST?