30 Days With Mr Weirdo ☑️

By m_gaspary

71.1K 2.6K 383

[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of Novemb... More

Paunang Salita
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15a
Kabanata 15b
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Author's Note
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Epilogue
Kumusta?

Kabanata 39

827 37 8
By m_gaspary


Nagising ako pagkatapos akong silawan ng sinag ng araw sa aking tinutulugang kama. Gusto ko sanang takpan ang aking mata pero nang hilahin ko ang aking kamay ay hindi ko magawa. Para bang sobrang higpit na pumigil sa akin para gawin 'yun. Nang lumingon ako sa aking uluhan ay nakita kong nakagapos pala ako sa headboard na may dalawang carved na poste sa giliran. Nung tumingin ako sa bandang ibaba ko ay kaagad kong napansin na naka-damit pantulog ako. Well, kung tutuusin para akong nasa panahong 1900s. Naka-putting night gown. Ah, binihisan nila pala ako pagkatapos akong saksakin ng bruhang 'yun. Gusto ko sanang tignan ang sugat kong hapdi na hapdi pa rin, fresh from surgery ata, pero hindi ko magawa dahil sa sinumang gunggong na gumapos sa akin sa kama. Kainis!


Lumingon-lingon ako sa aking paligid. Kaagad ko ring napansing mala-antigo ang silid magkasingtulad kina Zenon nung una ako nagising sa mansion. May intricate moldings, may chandelier at ang disensyo ng kama ay parang nasa late 1800s to 1900s ata. May sariling kisame ang kama at nakapalibot ng apat na posteng may manipis na tela na animo'y mosquito net, kung saan ang dalawa kong kamay ay nakagapos ngayon.


Pilit kong pumiglas, trying to release myself from its tight grip. Pero hindi ko magawa kahit nilabas ko na ang mala-Taguro (Ghost Fighter character, kalaban nina Eugene and the gang) kong kapangyarihan isandaang pursyento. Natigilan ako nung may bumukas sa pintuan sa 'di kalayuan. Diretso akong nakatingin dun. Nang makita ko ang lalaking ngayo'y nakatayo sa harapan nito at hawak-hawak ang door knob ay kinaiinis ko.


"Baste, bakit mo ako ginapos dito?" tanong ko sa kanya. Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nasa loob ng kanyang bulsa ang kanyang mga kamay. Hindi siya sumagot hanggang sa umupo siya sa tabi ko at bahagyang ngumiti. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ano ba kasi ang gusto mo't ginapos mo pa ako dito? Nasaan ba tayo?" He giggled. Nagulat ako kung bakit. Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang magiging sagot niya. "Alam mong hindi ka na nakakatawa, Baste. Alam mong alam kong ikaw ang nag-utos sa bruhang 'yun na barilin ako sa tiyan─" Napatigil ako bigla. Teka, ang baby ko. Ang baby namin ni Goyo?


Mas naging intense ang pagpumiglas ko sa harapan niya. "Sabihin mo sa akin, Baste, ano'ng nangyari sa akin pagkatapos akong barilin ng bruhang 'yun? Ano'ng nangyari sa anak ko? Sagutin mo ako, hayop ka!" Napasigaw na ako sa galit. Hindi ko akalain magagawa ko na sa kanya 'to gayong sa kanyang piling ako lumaki. Eh, siya ang naging foster father ko, 'di ba? Hindi ko ring akalaing aabot na kami sa sukdulan, magsisigawan kami at magpapatayan. Ang salitang 'hayop ka' ay hindi sumagip sa utak ko kailanman and above all, not to him. Oh my freaking gulay. Pero dahil sa panggagago niya sa akin, kailangan ko na 'tong gawin kahit alam kong masakit. All I knew was he was my only father figure I had pagkatapos akong iwan ng tinuturing kong pamilya.


"Aaminin ko, Mika. Inutusan ko si Trisha para gawin ang plan B kung sakaling hindi maging successful ang plan A," aniya.


"So, ang paglapit mo sa amin, 'yun ang plan A niyo?" tanong ko.


Tumango siya with a slight hint of a smile with malice. "Oo. Alam ko namang hindi basta-basta makipagsundo si Zenon at ang Goyong 'yun lalo na tungkol sa 'yo. They're both into you and I don't really understand. If kumpara kay Trisha, I'd understand. But to you?" He chuckled. "No."


"Wow, so ngayon, lumalabas na puro acting lang pala 'yung mga sinasabi mo sa akin na you care for me, you're fathering me, ang ganda mo, ang sexy mo, Mika? 'Yun ba ang ibig mong sabihin, Baste?"


"Parang ganun na nga. Kailangan, eh. Pag-uutos," aniya.


"All this time?" tanong ko. Kaagad siyang tumango. "Utos kanino? Don't tell me our parents are damn nasty and cruel?" diretso kong sabi na kaagad niyang kinaiirita. Kumunot kaagad ang kanyang noo, halos magkadikit ang kanyang mga kilay and he slightly clenched his fist on me. Tinaasan ko lang siya ng kilay and smirked. "You can't say anything right now, right? Bakit? You can't believe I'm saying these things to my own family, my own blood, right, Baste?" Hindi pa rin siya makapagsalita. "Hush now, my dear. Alam kong pinatay mo ang aking anak for a purpose." Shit, ang sakit. Sino bang ina ang may kayang sabihin ang katagang 'yun kaninuman? Wow. Gusto kong umiyak at mag-drama sa harapan niya ngayon, pero hindi pwede. Kailangan kong magtapang-tapangan ngayon, lalo na't this is for the betterment of everyone. I have to stop Baste and I have to let Goyo live.


"Pasensya na, Baste. But if you want to see my pleading for my life just because, hindi mo 'yun kailanman makikita at maririnig sa akin. Lalo na't pinatay mo ang aking anak sa aking sinapupunan. I knew from the very beginning na sooner or later ay papatayin mo rin ito, especially you knowing Goyo is fathering it. Nung nalaman ninyong dalawa ng walang kwenta mong kasabwat na kailangan niyong mag-proceed sa plan B, kaagad niyo akong sinet-up. You ordered Trisha to kill me that time, 'di ba?"


"Hindi, Mika. It was not my intention to kill you nor the baby. I tell you that!" halos pasigaw na sagot niya sa mga alegasyon ko. Napatayo rin siya when he said those words. He planted his hands on his waist and looking straight through me. Nakatingin rin ako sa kanya. Mata sa mata.


Hindi ko inasahang unti-unti ring tumulo ang luha ko. At hindi ko rin ito mapahid dahil sa nakagapos ako. "But you did, Baste. You killed my baby. Kahit nakagapos ako ngayon, ramdam na ramdam kong wala ng laman ang tiyan ko. My baby's gone. At ikaw ang may pakana. Hindi na 'yun mababago. Akala mo bang you already got my heart when you told me I was your younger sister? And you cried in front of me dahil pinaglaban mo ako? But the truth is, matagal na akong patay. When I knew my true identity, I already died. When I knew I have to kill the only man I love and the only man who accepted me for I really am, I already died, Baste. And that's the truth. Now, kinidnap mo ako para malayo sa kamay nina Zenon and Goyo thinking na mapipilit mo akong maisagawa ang misyon. Pwes, I tell you right here, right now, hindi ko gagawin 'yun. Naiintindihan mo, Baste. Hindi!"


When I said that, bigla siyang gumapang sa kama at umupo sa tiyan ko with his hands choking me. Nagngingitngit siya sa galit as he slowly tightened his grip. I started to feel losing my breath. "Hindi, pwede, Mika. You have to do it or I kill you!"


"Kill...me... right...now...Baste...kill me...now!" paulit-ulit ko 'tong sinabi habang sinasakal pa niya ako. "Patayin mo ako ngayon, Baste para .... Mawalang...silbi....na ang misyon," dagdag ko. Saka niya ako binitawan. Humihingal ako at napaubo ng malakas pagkatapos nun.


"Hindi mo gagawin ang misyon, Mika? 'Yan ba ang gusto mo?" Tumango ako sa kanya. He smirked. Naluhod pa rin siya sa ibabaw ko habang may kinuha siya sa bulsa ng kanyang dark blue denim pants. His phone. He dialed something and called someone. "Hello, ipasa mo ang telepono sa mga 'yan!" Kinalaunan ay ni-loud speaker niya ito at ipinarinig sa akin ang kaibilang linya.


"...Mika! Aray...Ah! 'Wag kang magpapaniwala sa Basteng 'yan!" sabi ni Zenon habang umuungol sa sakit ng tunog latigo. Nagulat ako. My gosh, ano'ng ginawa niya sa kanya? Bakit siya ginanun? Hindi ba siya pinrotektahan ng kanyang mga body guards? Eh, sa sandamakmak niyang butlers at security buddies, na-kidnap pa rin siya ni Baste?


"...Mika, mahal kita... ah! Sobrang mahal kita," ani ni Goyo this time. Boses niya 'yun. Oh my freaking gulay. "Mika, 'wag kang mag-alala, Mika, ginusto kong .... Magpadakip sa taong 'yan para mailigtas ka lang, Mika." Ano ka mo? Mailigtas?


"Ano'ng ibig mong sabihin, Goyo?"


"Mika, kailangan kang mabuhay at ako'y kailangang mamatay. Gawin mo ang tama. Gawin mo ang nakatakdang mangyari. Kailangan mo akong patayin. Ito ang kasaysayan at kahahantungan ko. 'Yan lang ang makakalutas ng lahat ng problemang 'to, Mika!" sabi ni Goyo, hinihingal at umuungol pa rin sa hapdi ng mga natamong sugat.


"Hindi, Goyo, hindi!" sigaw kong sabi. Sa oras na 'yun, hindi ko inakalang lumabas ang mga luha sa aking mga mata. Pleading him not to tell me those words. Sobrang sakit. Shit, hindi ko 'yun kayang gawin. 


"'Wag ka ngang gunggong. 'Di ba sabi ko sa 'yo nun...ah! Aray...ah... Hindi kailangang...ah...madungisan ang malilinis ka kamay ni...Mika sa berdugong tulad mo," ani ni Zenon.


"Pero─" Pinutol ni Baste si Goyo nang inalis sa akin ang cellphone.


"Tama na ang mga walang kwenta ninyong pag-uusap. Mas naiinis akong pakinggan ang drama ninyo. Tapusin niyo ang dalawang 'yan─" Pinutol ko si Baste nang nagpumilit akong pumiglas sa aking pagkagapos.


"Baste! Bakit mo ba sila sinasaktan? Alam kong malaki ang galit mo kay Goyo dahil siya ang naging rason ng naging miserable mong buhay pero bakit hahantong tayo sa ganito?" sabi ko.


"Kung hindi ka lang sana nag-drama pa ay sana tapos na tayo dito. Hindi tayo nagkaalitan, naging masaya ang pamilya natin, mas naging masaya at normal ang pamumuhay ng iba. Tuloy, dahil sa kadakilaan mo, nasaktan tuloy ang mga heroes mo. Tsk. Tsk. Tsk."


"So, kung gagawin ko ang misyon ko ayon sa nakatakda ay maipapangako mo bang titigil ka na sa mga kahibangan mo?" tanong ko sa kanya.


"...'Wag, Mika," sabi ni Zenon sa cellphone. 


"Aba, oo, Mika. Talaga. 'Pag patay na si Goyo with your own hands, tapos na ang lahat," diretso niyang sagot sa akin. Oh my, paano na 'to? Ano ba ang dapat kong gawin? Mika, dapat kang mag-isip. 


Hindi na talaga gumagana ang utak ko sa oras na 'yun dahil sa bilis ng pangyayari. Nawala sa akin ang anak naming ni Goyo dahil sa aking katangahan. Hindi natuloy ang mga plano namin ni Zenon na protektahan si Goyo no matter what dahil rin sa akin. Lalo na ang kasal. Sana ay hindi ako naniwala na gusto na makipagbati ni Trisha sa akin. Sana kung hindi ako pumiling mapag-isa at humiwalay kay Zenon ay sana buhay pa ang anak ko. Sana ay mas na-protektahan ni Zenon si Goyo tulad ng sinang-ayunan namin.


Ngayong nabulilyaso ang mga plano ko, ano ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong isipin? Ang tanging nasa isip ko lamang ay mailigtas sa kapahamakan ang dalawa, lalo na si Goyo my labs. 


Napabuntung-hininga ako. At unti-unting umalis si Baste sa ibabaw ko at nakatayo na sa aking tabi, diresto pa rin ang tingin sa akin. "So, ano na ngayon? Ano'ng desisyon mo? I'll immediately release these two men if you do your job, Mika. Whether you like it or not. Kung hindi, isang tawag ko lang ay patay na ang dalawang 'to."


"Bakit? ... bakit andiyan sila? Bakit andiyan si Zenon? Paano mo sila kinidnap? Napakasama mo talaga, Baste. Hayop ka talaga," sabi ko in the calmest mode possible.


"Hep. Hep. Hep. If you're thinking kinidnap ko sila, pwes, you're wrong. They surrendered to me," aniya.


"A-ano? Ano'ng sabi mo? S-sumuko sila? Para saan?" tanong ko.


"Hindi ko naman talaga planong torturin sila like I'm doing now. But because they chose to do that, I'm too generous to give it to them. Gusto nila eh, eh 'di binigay ko ang hinihingi nila," sabi niya.


"Pero bakit mo naman ginawa, eh alam mo namang masama 'di ba? Alam mo namang wala ring kahihinatnan 'to? Bakit mo ba kami gustong saktan, ha, Baste?"


"Like I said, they want me to torture them─"


"For what? Alam kong hindi sila gagawa ng ganyan kung walang mabigat na kapalit, Baste!"


"In exchange of your release, as simple as that. Hindi mo ba talaga naisip ang possibilities, Mika? Look, personal silang pumunta sa kuta ko at humingi ng napakalaking pabor. I told them they have to surrender their selves to me in kapalit ang paglaya mo sa puder ko. They knew I'll torture them to death. Which I'm quite surprised they did surrender. Eh, ano pa ba ang magagawa ko 'di ba? So, I did.... at the moment," aniya.


"Napaka-bastardo mo talaga, noh? Wow, ganun ka nap ala ka baboy ngayon?" tanong ko with sarcasm na alam kong ikaiirita niya. Kaagad kong napansin ang biglaang pagtaas ng kanyang kilay sa harapan ko.


"W-well, parang ganun na nga," diretso niyang sabi. "So, ano na? You know, we're wasting too much time and the date is nearing na rin. Kaya kailangan mo nang mag-desisyon ngayon na," sabi niya.


"Palayain mo sila at gagawin ko ang gusto mo," sabi ko. Nagulat siya sa sagot ko. Halos mabitawan niya ang cellphone niyang alam kong hindi pa na end call. Dinig na dinig ko pa rin ang mga ungol ng dalawang lalaking nasa peligrong sitwasyon. Like Baste told me, kailangan kong magdesisyon real quick.


"T-talaga? A-are you really sure?" tanong niya ulit.


"'Wag, Mika!" sigaw ni Zenon sa kabilang linya. Hindi na rin nagsalita si Goyo. "Goyo, sumagot ka. Pigilan mo si Mika sa gawin niya. Gago ka talaga kailanman!" dagdag niya. Kahit ilang beses nagsusumamo si Zenon kay Goyo na pigilan niya ako sa desisyon ko. Hindi niya ginawa. Parang na-sense ko na ito ang tama. Ito ang dapat na mangyari. Lalo na't nalalapit na ang ika-2 ng Disyembre. Ang nakatakdang oras na siya'y mamatay. Sa mga kamay ko. Sa kamay ng kanyang mahal.


"Tama ang narinig mo. Hindi ko na kailangang ulitin pa ang binanggit ko. I will kill Goyo on the second day of December like you've always wanted me to! Kaya ngayon din palayain mo sila!" I ordered him in a loud voice. He immediately grabbed his phone and placed near his ear.


"Palayain mo sila," halos pabulong niyang sabi sa kanyang kausap. At that moment, patuloy pa rin sa pag-iingay si Zenon, pleading me to stop this plan. Pero, hindi ko na kailanman narinig ang boses ni Goyo sa oras na sinabi kong papatayin ko siya sa nakatakdang araw.


Goyo, alam kong hindi mo pa naiintindihan ang mga plano ko. And telling you that I'd kill you in front of everyone was my last option para mabuhay ka lang. At sana sa araw na 'yun ay sabihin mo sa akin ang mahal mo ako for the last time. 


Goyo, I'm really sorry. All I wanted was to protect you as much as I could. Ngayong kailangan na kailangan nating matapos ang lahat ng 'to, sobrang bigat naman ang kapalit nito. Goyo, mahal kita. Sobrang mahal kita at kailanman ay hindi ko inisip na maaaring mangyari sa ating dalawa 'to.


Goyo, kahit ganito na ang kahihinatnan ng lahat, I will still make sure you're okay until the end. Kailangan ko lang gawin ang last step na nasa utak ko na for the very long time. At 'yun ay maisasakatuparan sa araw na papaslangin kita.


Kaagad akong inalis ni Baste sa pagkagapos at unti-unting bumangon at inayos ang sarili. Napalunok ako't nakatitig sa wooden floor. "Tara na," sabi niya.


"Saan tayo?" tanong ko.


"Sa sala. Andun ang pamilya natin... naghihintay," aniya.


"You mean, sina Tita Alice at si Tito─" Pinutol niya ako through nodding his head. This is it pancit. Hindi ko inasahang alam na alam nina tita at tito ang buong katotohanan sa katauhan ko. Hindi ko rin sila nakikita pa, ni hindi ko sila binisita pagkatapos kong malaman ang lahat. And now, I am about to face them. Napalunok ulit ako. I felt that I'm not yet ready.


"Ano'ng petsa na pala ngayon?" tanong ko.


"November 30," sagot ni Baste. When I heard that, my pounded so fast I couldn't breathe any longer. Lalo na't papalapit nang papalapit na kami sa sala kung saan sila ay andun. Hay naku.


Dear heart, kayanin mo 'to. Goyo, para sa 'yo ang last step ko. And when I'm done with it, you'll live. You'll live, Goyo. Napapikit na lang ako sa takot, kaba, at lungkot. Puno ng nginig ang buong katawan ko. At sobrang higpit ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. 


***End of Kabanata 39***


--------

Finally, I've updated a new chapter! Oh my freaking gulay. Oh no, Mika finally made a decision to kill Goyo? Pero, sinabi rin niya na gusto niyang mabuhay si Goyo my labs? At ano'ng ibig sabihin niya when she said her "last step?" Paano rin niya haharapin ang buong angkan ng mga Bernal with her newly revealed identity na hindi siya isang Garcia? What's next? Abangan. So, ano'ng say niyo sa kabanatang 'to? Yikes! Stay tuned for more!

By the way, a big thanks from me for reading "30 Days With Mr. Weirdo" hanggang sa kabanatang ito. It really means a lot. Yikes, 2K reads na tayo my friends! Go for the book's first 3,000 reads! #GoFor3KReads Malapit na, guys!

Continue supporting me as an author. Nagustuhan niyo ba ang istorya? Feel free to vote, give comments, and share your thoughts for this chapter. Salamat po talaga!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 109 32
Sino sino ba sa mga taong sumasailalim ng kwartong ito ang tunay na salarin? Isa ka ba sa mga mangmang o isa ka sa mga nakakaalam ng tunay na sikreto...
664K 25.6K 52
The Watty Awards 2020 Winner Paranormal Category #1 in Paranormal 11/17/18 #5 in Thriller 12/05/18 🌟UPG Trilogy Book 2🌟 There are tons of unsolved...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
3.4K 67 12
a recommendation book for readers of the historical fiction genre. you can also promote your stories here! Started: August 23, 2019 (uploaded on Nove...