100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[72] #100STHHHulingHiling

27K 757 240
By Girlinlove

Surprise! There's an update. After x months. 

Last chapter will be Chapter 75 so 3 chapters more to go, and we're done! Thanks for staying with me kahit matagal ako magupdate. Promise, I will try not to let you down sa ending. 

You might not remember the past events (please re-read) but here's a rundown: 

- Enzo proposed to Hope after their graduation kung saan sinabi ni Enzo ang sakit niya sa buong batch niya noong nagvaledictorian speech siya

- Last chapter: Pumunta si Mico sa bahay ni Hope para itanong kung sigurado si Hope sa kasal kay Enzo. Sabi ni Hope na tigilan na siya ni Mico kasi si Enzo ang mahal niya. Umalis si Mico, nasasaktan. 

So let's start? 

Chapter 72

Hope's POV

Babalik na sana ako ng bahay pero nakita ko si Enzo na nakatingin sa amin. Si Mico naglalakad papalayo. Tiningnan niya ako, tumakbo ako sa kanya. Niyakap ko siya, tapos umiyak ako.

"I know how much Mico means to you, Hope."

"Ayoko siyang nakikitang nasasaktan." Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa bigla niya akong tinanong.

"Kung wala ba ako... si Mico ang pipiliin mo? Siya ba ang mamahalin mo?"

Napatingin ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo. Walang kwentang sagutin yan dahil hindi ka naman mawawala. Nagkita tayo. Nagkatagpo. For a reason. At kahit sa pangalawang buhay ko alam kong ikaw ang pipiliin ko.

Ngumiti siya.

"Sana sa pangalawang buhay ko, wala akong sakit. Sana kaya kitang alagaan. Sana kaya kitang protektahan. Habambuhay." Lalo naman ako naiyak sa sinabi niya.

"Teka lang, bakit nandito ka? Akala ko ba bukas pa tayo magkikita?"

"Pupunta lang sana ako kay Lola para kamustahin siya, pero hindi ko ipapaalam na nandoon ako sa inyo. But I saw you and Mico walking together. I decided to follow you. Sorry."

"So narinig mo lahat?"

"Yeah."

"Galit ka ba sa kanya? Sa sinabi niya?" Napatigil si Enzo.

"I don't have any right. Siya ang may karapatang magalit sa akin. Dahil hindi siya makalaban ng ayos sa akin dahil sa lagay ko. I know it's unfair. It has always been unfair. But... if I have to use this ailment to have you, I will. Over and over again. Even if it's unfair. Buong buhay ko, unfair. Ngayon lang ako magiging unfair. Masama ba yun?"

Napatingin na lang ako sa kanya tapos niyakap ko siya.

"Hindi ka unfair. Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw ang pipiliin ko." Naramdaman kong napatawa siya.

"Wanna go somewhere?" tanong niya. Pinunasan ko yung mata ko.

"Saan?" Ngumiti lang siya. Saan na naman ako dadalhin nito?

**

Maya maya pa, nasa may school na kami.

[Now Playing: Huling Gabi by Quest and Moira dela Torre]

"Ang dami nating memories dito ano?" Sabi niya sa akin.

"Hello, mas madami akong memories. Alam mo bang 1st year pa lang pinagpapantasyahan na kita? Kung saan ka pupunta, saan ka kakain, anong mga org activities mo, anong subjects mo, saan ka nakatambay. Alam ko lahat yun ano! Eh ikaw? Last year mo lang naman ako napansin!" Reklamo ko sakanya. Totoo naman. Patay na patay kaya ako.

"Who told you that?" tanong niya.

"Umm? Ako?"

"Who told you na last year lang kita napansin? Fine, I have a confession to make." Confession!? Day before the wedding?! Hoy subukan mong maglabas ng kung ano mang magpapasakit ng puso ko, itutulak kita!

"Ano yun?!" Kabado ko sinabi kaya medyo natawa siya. Napakamot na lang ako ng ulo.

"I did notice you, Hope. First year pa lang. I'm no valedictorian if hindi ako observant." Anong ibig niya sabihin?! "I always see you looking at me. I always notice na palaging may tatlong group of persons na nakasunod sa amin. I didn't know that it was you, Miks and Chelsea that time, of course. Pero I know you exist. I noticed you."

Ano ba 'to!? Bakit ako namumula? Hindi ko maintindihan yung feeling. Papakasalan ko na 'to pero sa sinasabi niya para akong bumabalik doon sa 1st year na nagfafangirl ako sa kanya. Tapos sasabihin niya na nanotice niya ako noon?!

"Weh, sinasabi mo lang yan para hindi ako mahurt eh! Okay lang. Paano mo ako manonotice eh kapag nakatingin ako sa'yo, which is all the time by the way, eh hindi ka naman napapatingin sa akin!?"

Binigyan na lang niya ako ng smile tapos hinawakan niya mukha ko.

"Hope, all those times that you're looking away, I'm looking straight at you. All those times na akala mo hindi kita napapansin, nakatingin ako. Maybe it just wasn't the right time to meet you. But look, everything went perfectly well. We met. We fell in love."

"Kaya ako naniniwala na kapag meant to be, it will be eh. Kahit anong mangyari."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla niya binitawan kamay ko, tapos tumingin sa malayo.

"Anong problema?"

"Hope."

"Oh?"

"Paano kapag hindi ko kayanin? Paano pag... bumigay na yung puso ko? Paano?"

Hindi ko napigilan. Naiyak ako. Hindi naman napapagusapan 'to eh. Hindi siya deretso magtanong.

"Paano kung hindi ko maibigay sa'yo yung 'Forever'? Paano kung sa huli masasaktan ka lang? Paano kung masaktan kita ng sobra? Hindi ko yun kay, Hope kasi sobrang mahal kita. Ayaw kitang masaktan." Bigla niyang pinagsusuntok yung pader na katabi niya.

"Enzo, please. Enzo—"

"Paano pag masaktan kita?! Paano pag mawala ako tapos umiyak ka ng umiyak!? Ano pang magagawa ko?! Ano pa!? Hope, sorry. Sorry ang selfish ko. Sorry. Please patawarin mo ako, Hope."

"Enzo please kumalma ka. Hindi 'to mabuti sa'yo please. Kumalma ka—"

"See. Ito. Palagi na lang ikaw ang nagaalala. Paano naman ikaw? Palagi mo akong iniisip. Paano ka, Hope? Kailan kita mapapasaya? Kailan kita hindi pagaalalahanin?"

Tumigil ako sa pagiyak at tiningnan ko siya ng deretso.

"Alam mo wala akong reklamo kapag inaalagaan kita, wala akong pakialam kung palaging ako, pero may pakialam ako kapag iniisip mo na hindi mo ako napapasaya o wala kang nabibigay sa akin. Maiinis talaga ako sa'yo pag iniisip mo yan. Oo, hindi ako ganoon katalino, pero sa lahat ng maling desisyon na pinili ko, yung ikaw ang piliin ko, yun yung kaisa isang desisyon na hindi ko pagsisisihan. Oo, minsan mahirap. Minsan masakit. Minsan hindi ko maalis sa isip ko na paano kung bukas wala ka na? Paano kung bukas hindi na kita makita? Paano kung yung oras na magkasama tayo yung last na magkasama tayo? Palagi akong natatakot, Enzo. Pero dahil doon, narealize ko, na kaya ako takot na takot kasi mahal na mahal kita. Takot ako mawala ka kasi gusto kong kasama ka. Pero anong mangyayari kung puro ako takot? Wala. Kaya mas nagiging mas importante sa akin yung bawat oras na magkasama tayo."

Bigla niya akong niyakap.

"I don't know what I did in my past life to have you in this life. Alam ko sobrang cliché, sobrang cheesy, pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Sobrang positive mo, sobrang puro energy lang ang binibigay mo. Lahat ng wala ako, napupunan mo. Lahat ng pagaalinlangan ko, inaalis mo. Thank you, Hope."

Niyakap ko siya pabalik. Magkayakap lang kami. Walang nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero ganito yung pakiramdam na sobrang sigurado mo sa isang tao, na yung presensya lang niya sapat na. Naramdaman niyo na ba yun? Yung hindi niyo na kailangan magsalita para sabihin na mahal niyo ang isa't isa. Kahit tahimik, kahit walang nagsasalita, basta magkasama kayo sapat na.

Maya maya pa hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami sa buong school. Napadpad kami sa cafeteria.

"Hoy! Diyan ka palagi ka kumakain oh! Yan yung table mo, tapos yun yung akin" sabay turo sa table na nasa may bandang kanan. "Oha, perfect view. Perfect na kita kita, pero hindi masyadong halata na O.A yung pagstalk ko sa'yo." Sabay tawa ko na proud na proud ako sa mga fangirl skills ko. Tumawa din siya.

"Are you proud? I always see you kaya looking at me." Napatigil ako.

"Seryoso ba?! 4 na taon kita tinitingnan, pero wala namang time na nakita kong nakatingin ka din?!"

"Siyempre hindi din ako nagpapahalata."

"AY?! CRUSH MO DIN AKO NOON???" Malakas na tanong ko, tumawa siya sabay sagot ng "No." Aray! Sinamaan ko tuloy ng tingin. Ayan kasi ang lakas ko magassume eh. Nagmamaganda eh. Sinabi lang na nakatingin sa akin, crush agad.

"Ang honest mo masyado, minsan di na nakakatuwa." Tumawa pa lalo siya.

"I love it when you make me smile."

"I love you." Nagkatitigan kami tapos kinilig ako ng malala tapos tumayo ako at tumalon talon. "Ano ba, Enzo! Kinikilig ako! Never ko naimagine na once in my life, magkatabi tayo dito sa caf tapos maglalandian tayo enebe. Yung first year fangirl feels ko nasasatisfy!"

"Hindi kita maintindihan, ikakasal na tayo bukas pero lahat ng ginagawa ko parang pakiramdam ko pakiramdam mo kahapon lang tayo nagmeet"

"Ano ka ba! Hindi mo talaga magegets kasi mahirap iexplain yung buhay ng fangirl eh. Kahit totoo ka na, pakiramdam ko nasa dreamland pa rin ako."

"Pero seryoso, Hope, mahal mo ba ako o mahal mo lang yung idea na 'to? Kasi matagal mo na akong crush?" sabay tanong niya sa akin.

"Alam mo ikaw, wala kang tiwala sa akin ano?! Hindi pa ba obvious na patay na patay ako sa'yo dito? Ikaw pa nga mismo yung nagsabi na hanggang ngayon pakiramdam ko kahapon lang tayo nagkita. At isa pa, kung inlove lang ako sa idea mo, eh di sana noong sinabi mo na may sakit ka eh di sana umalis na ako." Bigla naman siyang nalungkot. "Oh ayan na naman yang pout na yan. Enzo, oo natatakot ako na may sakit ka, nab aka mawala ka. Pero yung sakit mo, never naging factor para mabawasan yung pagmamahal ko sa'yo. Mas lalo pang tumibay. Mas lalo ko pang narealize na kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok, ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Enzo, ikaw. Kahit paulit ulit."

"Alam mo ba, Hope, sobrang insecure ko?" sinabi niya bigla habang naglalakad kami papunta sa football field.

"Ikaw?! Eh nasa'yo na ang lahat. Nasa'yo pa ako. Wink wink" Ngumiti naman siya.

"Seryoso. Insecure ako. Insecure ako sa anong sasabihin sa akin ng tao, insecure ako sa kung anong gagawin nila kapag nalaman nila na may sakit ako. Insecure ako sa'yo. Pakiramdam ko kulang ako para sa'yo. Pakiramdam ko hindi ako worth it sa love mo." Hindi ko napigilang hindi ngumiti. Patagal ng patagal kasi, paopen na siya ng paopen sa akin. Mas nakikilala ko pa kung sino talaga siya.

"Hindi naman mali maging insecure eh, or magkaroon ng self-doubt. Ako din insecure. Minsan tinatago ko lang sa pagiging masaya ko. Ang daming nagsasabi sa akin na ang bobo ko naman wala mangyayari sa buhay ko, kaya wag na daw ako magdream ng mataas. Tapos noong naging tayo, hindi mo lang alam yung mga sinasabi ng iba, na kesyo ginayuma daw kita, or baka binablack mail kita or kung ano man kasi imposible daw na yung isang tulad mo magkakagusto sa akin. Pero alam mo, nasa atin naman yun kung paano natin haharapin yan eh. Ako, nagiging positive ako. Kasi kahit anong isipin at sabihin nila, ang mahalaga yung kasama kita. Na kahit sabihin nila kinulam kita, alam ko ang totoo na mahal mo ako. MAHAL MO NAMAN AKO HINDI BA?! SAGOT!" Nagulat siya noong sumigaw ako, sabay tumawa ng tumawa.

"Oo, mahal kita. Sobrang mahal na mahal na mahal na mahal kita."

Umupo kami sa may gitna ng field.

"Tanda mo? Ito rin yung same spot na sumigaw tayo ng sumigaw ng frustrations sa buhay after ng football game?" Sinabi niya sa akin. Napangiti ako, tanda niya pa yung mga yun.

"Oo tanda ko pa."

"Sigaw ulit tayo?"

"Sige."

Nagsimula siya.

"HINDI KO PA RIN MAINTINDIHAN KUNG BAKIT AKO ANG NAPILI NG SAKIT NA 'TO. HINDI KO PA RIN BUONG MATANGGAP NA ANG UNFAIR NG MUNDO FOR GIVING THIS TO ME. PERO NGAYON, HINDI NA AKO MASYADO MAGREREKLAMO KASI KAHIT MAY SAKIT AKO, BINIGYAN MO AKO NG 'HOPE'. LITERALLY AND FIGURATIVELY. KAHIT NAHIHIRAPAN AKO, KAPAG NAKIKITA KO SIYA NAWAWALA LAHAT YUN. SIYA YUNG DAHILAN KUNG BAKIT GUSTO KO PANG LUMABAN, KUNG BAKIT GUSTO KO PANG MAGEXTEND YUNG MGA ORAS KO. KASI GUSTO KO PA SIYA MAKITA, MAKASAMA, GUSTO KO PANG TUMAWA SA MGA JOKES NIYA, GUSTO KO PANG MAKITA YUNG MUKHA NIYA KAPAG NAHIHIYA SIYA, O KAPAG TUMATAWA SIYA. GUSTO KO PA MAKITA YUNG MUKHA NIYA NA KAHIT LUMULUHA NA SIYA, ANG GANDA GANDA PA RIN NIYA. Lord, I just want to be with her. For a very long time. I just want to..."

Unti unti na siyang umiyak, hindi ko namamalayang umiiyak na din pala ako.

"I just really want to be with her, God. I just really want to make her smile. I just want to love her for a long time. Is that too much to ask?"

Hinawakan niya ang kamay ko, mahigpit. Tiningnan ko lang siya, nakatingin din lang siya sa akin. Wala na. Wala ng may makakahigit nito. Hindi ko alam kung gaano kami kalakas dalawa, kasi kahit ganito ang nangyayari sa amin, nandito kami, magkahawak kamay. Patuloy na lumalaban.

Ako naman ang nagsimulang sumigaw.

"LORD GOD, ILANG BESES KO PONG PINAGPRAY SA INYO NA SANA MAPANSIN LANG AKO NI ENZO, PERO HINDI KO PO ALAM KUNG ANONG BANSA ANG SINAVE KO NOONG PAST LIFE KO AT BUKAS AY IKAKASAL NA KAMI. HINDI NIYO ALAM KUNG GAANO AKO KASAYA NGAYON. SOBRANG SAYA NG PUSO KO. HINDI KO ALAM KUNG GAANO MAGPAPASALAMAT KASI WALA NA AKONG MAHIHILING PA. SIYA LANG NAMAN PALAGI ANG LAMAN NG MGA DASAL KO. SALAMAT KASI BINIGAY NIYO SIYA SA AKIN. PERO PWEDE PO BANG HABAAN NIYO PA ANG ORAS NAMIN NA MAGKASAMA? PLEASE. LORD. WAG NIYO MO PO MUNA KUKUNIN SA AKIN SI ENZO... KASI... HINDI KO PO ATA KAKAYANIN. WAG MUNA. MASYADO PA AKO MASAYA. MAGIGING MADAMOT PO MUNA AKO AT HIHINGIN KO NA IBIGAY NIYO MUNA SA AMIN ANG ORAS. PLEASE LANG. PLEASE."

Umiiyak lang ako. Nakayakap siya sa akin. Pinapakalma niya ako. Hindi ko alam pero sobra na yung bugso ng damdamin eh, hindi ko na mapigilan.

"Hope... just remember. That no matter what happens, I love you. I love you. Hindi ko na alam kung paano ko pa ieexpress yung pagmamahal ko sa'yo. Pero sobrang mahal na mahal kita. Ikaw lang ang kaisa isang babaeng nagparamdam sa akin nito. Yung kapag makikita kita, nawawala lahat ng sakit. Pag kasama kita nakakalimutan ko pansamantala yung mga problema ko. Pag kasama kita, I just want the time to stop. I have a weak heart, pero the first time that I realized I was in love with you, hindi mo alam kung gaano kabilis siya tumibok."

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at tinapat ito sa puso niya.

"I know my heart may be dysfunctional, but there's one thing that it didn't fail me... the fact that it beat for you; it chose you. I will always be thankful that it chose to love you, that it chose to fall for you."

Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Fiella Michelli Hope I. Yazon. FMHIY. Forever My Heart Is Yours. Always remember that. I love you, Hope."

"I love you too, Enzo Miguel Gutierrez."

And then we sealed it with a kiss.

Lord, please. Please. Wag niyo po muna siyang kukunin sa akin. Wag muna.

**Meanwhile in Mico's lair:

"Anong ginagawa mo dito?"

"Can I ask you something?"

"Ano yun?"

He just stared at me.

What is it now? 

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
2M 60.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
52.5K 967 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...