KARMA'S Appetite Series 1: Ch...

By DraxAndme

18.2K 612 46

A group of friends and their "KARMA". "Naging mabait naman ako, Lord, di'ba? Naka-move on naman na siguro ak... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12

Chapter 11

1.1K 33 2
By DraxAndme

Author's Note


Dahil may iilang nabitin sa story ni Krit, here you go.  Ayaw ko sanang gawin ito.  But it pushed me to my limit.  Wala pong sisihan.  Hahahaha. 

Sa ngayon lang makakabasa ng story niya, LUCKY YOU! ^^






(An almost happy ending...)




Pagkamangha ang unang lumarawan sa mukha ng mga kaibigan ni Krit habang napapatitig sa kanya. She carefully walked down the stairs. Sa kabila ng may kataasang heels na suot na sapatos, kumportable naman siya at saktong-sakto iyon sa mga paa niya kaya hindi siya nag-alangang humakbang. Her wedding gown fitted her right. Ramdam na ramdam na niya ang pagsisimula nang panghabang-buhay na kasiyahan kahit hindi pa ikinakasal.

"Ang ganda mo," usal ni Alhe at nilapitan siya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang. Naiiyak na niyakap siya nito. "Ang saya ko para sa'yo."

"Huwag ka ngang OA, Alhe. Hindi pa siya ikinakasal."

"Huwag ka namang kontrabida, Aiea. Bawas-bawasan mo naman iyang kapaitan mong taglay kahit ngayon lang."

"Sssh! Tama na," saway ni Shana at nilapitan siya. Niyakap din siya nito. "You're glowing every day. I can't wait to see you with the man you love, making vows and be together to the road of forever."

"Walang forever," matabang na kontra na naman ni Aiea. Sumeryoso ito at nginitian siya. "Alam mong masaya ako para sa'yo, di'ba?"

Krit nodded. "Nararamdaman ko, Aiea, kahit ang pait-pait na." Tumawa ang mga kaibigan niya pati na ang mga staff sa shop na kinalulunlan nila.

"Minsan ka rin naging bitter. Huwag mong ipagkaila. Gaya nang hindi ko ipagkakailang susuportahan kita diyan sa pagsira mo sa buhay mo." Another load of laughter filled the room. "I think I can trust him. Ang ayaw ko lang ay umiyak ka."

Nilapitan niya ito at niyakap. Sa kanilang lahat, kahit hindi halata ay ito ang pinakamatanda. Alam niyang may pinaghuhugutan ito kung bakit ganoon ito magpayo o magsalita. But Aiea is still her friend. Nag-aalala lang ito sa kanya kaya hindi niya dinidibdib ang mga pinagsasasabi nito.

"Thank you," naiiyak nang sabi niya. "Sa wakas matutuloy na rin."

Pagkatapos ng dalawang taon, matutuloy na rin ang pinaplanong pagpapakasal ni Krit sa fiancé niyang si Cyril. Nag-propose ito sa kanya nang idaos nila ang unang anibersaryo bilang magkasintahan. Sinunod nila ang pag-plano pero sa kasamaang palad ay naunsyami dahil na rin sa desisyon niya.

Almost two years ago, Alhe was brokenhearted and nowhere to be found. Sa sobrang stress niya, si Cyril na mismo ang nagsabing e-postpone na muna nila ang balak. Ang gusto niya kasi, lahat ng importanteng tao sa kanya ay present sa pinakamasayang araw ng buhay niya.

Nang bumalik naman ito, si Raise naman ang nagpaalam dahil din sa buhay-pag-ibig nito. Naiintindihan naman niya. Kaya muli siyang humiling sa mapapangasawa at nirespeto nito ang desisyon niya. After a month, Mad followed. Hindi nila alam ang dahilan ng pag-alis nito pero nararamdaman niyang ipapaalam nito kapag bumalik na ito.

Good thing, Cyril can wait. Walang ibang masabi si Krit maliban sa pasensya at salamat dahil sa hindi matuluy-tuloy nilang pag-iisang dibdib. Wala raw kasi itong ibang nais kundi ang buo niyang kasiyahan kaya kung kailan siya magiging handa, kung kailan kompleto ang mga taong mahal niya, wala raw magiging problema.

"Wipe your tears," ani Raise na engage na rin sa lalaking pinakamamahal nito. Ito na mismo ang pumunas ng mga pisngi niyang basa na ng luha. "You're very lovely. Ang swerte ni Cyril sa'yo."

"Ako rin naman." Tumango-tango ang mga ito. "Sana nandito rin si Mad. Gusto kong makita na masaya rin siya para sa'kin."

"Darating siya at siya mismo ang nagsabi. Kung saan man siya, masaya na siya para sa nalalapit mong kasal. Alam na niya iyon at tiniyak na makakadalo," sabi ni Shana. Ito ang tinawagan ni Mad na malapit na itong umuwi.

"I'm expecting everybody. Ayaw kong may kulang."

"Present kaming lahat," ani Aiea. "'Wag ka nang ma-stress."

"Hindi maiwasan. Lalo na kapag naiisip kong hindi na naman matutuloy dahil may mangyayari na naman."

"Huwag kang ganyan. Think positively," wika ni Shana. "Matutuloy na 'to. Sigurado kami. Sisiguraduhin namin."

Napangiti na siya. "Salamat."

"Magbihis ka na. Planuhin natin ang pagtatapos ng pagkadalaga mo." Ngumisi si Raise. "Tinawagan ako ni June kanina. May naisip na siyang plano."

Nag-aalinlangan si Krit. Mukhang alam na niya kung ano iyon.





"Good afternoon!"

Hinayaan ni Krit si Cyril na kabigin siya at siilin ng halik. Dalawang linggo na silang hindi nagkikita dahil sa kanya-kanyang gawain para sa kasal. Idagdag pang may restaurant siyang inaasikaso para e-turn over ito sa napili niyang apprentice na papalit sa kanya. Ito naman ay ang kompanya nito sa bunso nitong kapatid.

"Kagigising mo lang?" tanong niya. Napansin niyang magulo pa ang buhok nito at naka-pajama.

"No. Tinatamad lang ako." Hinila siya nito at naupo sa couch. She sat on his lap and encircled her arms around her nape. "Bakit paganda ka ng paganda?"

Nag-init ang mukha niya. "Ikakasal na lang tayo nambobola ka pa."

"I'm serious."

"Oo na. Hindi na kasi ako makapahintay na maging Mrs. Vergara."

Kumislap ang mga mata nito. "One month pa. E-move kaya natin ang date?"

"Kailan?"

"Bukas."

She chuckled. "Malapit na iyon," aniyang kahit siya ay talagang natatagalan ng husto sa pagsapit ng araw ng kasal nila. "Kaunting hintay pa."

"Sweetie..."

"Bakit?"

"Na-miss kita. Sobra."

"Ako rin. Tapos ka na sa opisina?"

Marahan itong tumango. "I doubt Neril's dedication but I trust her. May nilagay na akong tao na magpapatino sa kanya kung saka-sakaling magloko o tamarin."

Kaya nga hindi ginambala ni Krit si Cyril kahit pa nga gustong-gusto na niya itong makita. Sa biglaan kasing pagtawag ni Mad na uuwi na ito, ora-orada silang nag-desisyon na magpakasal agad bago pa may mangyari na naman. They settled everything a little rush but she didn't care. Kahit may pumalpak, ayos lang. Ang importante, mabasbasan na silang dalawa.

"Kaya ni Neril iyon," aniya at inihilig ang ulo sa balikat nito. "Can I sleep here tonight?" Hindi ito sumagot. "Kung hindi pwede... hindi talaga?"

Natawa ito sa pagpupumilit niya. "Sweetie, I'm trying my very best to control myself. Baka kapag dito ka matutulog, hindi ko na magawa."

"Pero na-miss kita ng sobra," paglalambing niya. "Can't you try your very very best?"

Wala siyang narinig na sagot. Tiningnan ito ni Krit sa mukha. He was torn between yes or no. Yes dahil alam niyang gustong-gusto rin nitong makasama siya. No dahil nahihirapan na rin ito bilang lalaki. Hindi naman siya ganoon ka-insensitive. But all through the years, he respected her and waited.

Lumabi siya. "Okay. Uuwi ako. Pero magpapahinga na muna ako. Pagod ako sa work at-"

Napangiti siya at napakapit ng husto rito nang buhatin siya nito. Inilapag siya nito sa kama at agad tinabihan. Isiniksik niya ang sarili sa katawan nito nang yakapin siya. She's dead tired! Salamat sa mga kaibigan niyang maaasahan talaga, mas napadali ang lahat ng kakailanganin sa kasal. Pero pagod pa rin siya dahil biglaan lahat.

"Madaling araw na ako magigising kung hahayaan mo ako," sabi ni Krit.

"Tinutulak mo ba ako o kinokonsensya?" ani Cyril na halatang pinapatulan lang ang panunukso niya, base na rin sa natutuwang boses nito.

"Both," natatawang niyang sagot. "Cyril..." tawag niya sa pangalan ng lalaking hindi niya pagsasawaang banggitin.

"Ano? Gusto mo sa couch ako?"

Umiling-iling siya. She looked into his eyes. "Sinukat ko 'yong wedding dress ko kanina."

"And...? I bet you're the most beautiful woman in the world," buong-pusong pahayag nito. She could see the promising ever after in his eyes.

"And I can see myself spending the rest of my life with you."

Inilapit nito ang mga labi sa kanya at kinintalan siya ng halik. "Two weeks... and our life will become one. The rest of your life with me will be spent with good and happy memories. I promise." Lumunok ito. His eyes became watery. "I love you, future Mrs. Vergara."

Nanubig na rin ang mga mata niya. "I love you, Cy."






Naunang nagising si Krit. Ipinaghahanda niya si Cyril ng agahan at nang matapos ay nag-desisyong gisingin na rin ito. Papunta siya ng kwarto nang mapansing makalat ang working table nito. Lumapit siya roon para ayusin.

She was putting everything in the drawer when she noticed something. Kinuha niya ang invitation ng kasal nila at tiningnan para kanino iyon. Ang alam niya kasi, na-distribute na iyon sa lahat ng guest kaya nakakapagtakang may natira pang isa.

Napatitig si Krit sa pangalang nakasulat. It was for Cyril's ex- Claudette. Mukhang hindi pa nito naibibigay sa dalaga ang imbitasyon. Marahil nag-aalinlangan dahil sa hindi magandang paghihiwalay ng mga ito kahit ilang taon na rin ang nakararaan.

Nilagay niya ang invitation sa loob ng bag at ginising niya ang lalaki. Napangiti ito nang masilayan siya at bumangon. Agad siya nitong niyakap

"Good morning," bati ni Cyril. He rubbed his nose at the side of her neck and smelled her.

"Amoy pagkain, no?" tanong ni Krit at natawa.

He chuckled. "Mabango ka pa rin."

"Halika na."

Hinila niya si Cyril papuntang kusina. Inasikaso niya ito na parang asawa na talaga siya nito. Krit stopped when she felt he's following her every move. Nakangiting tinaasan niya ito ng mga kilay na parang nagtatanong.

Nagkibit-balikat ito. "Magpatuloy ka lang. I love watching you taking care of me."

Inilapag niya ang pagkain sa mesa. "Baka magsawa ka kapag naging araw-araw na," nakangising biro niya. Wrong move dahil kinunotan siya nito ng noo.

"Are you doubting my feelings?" Marahan siya nitong hinila para maupo sa kandungan nito. "Nagdadalawang-isip ka na ba na pakasalan ako?" Hindi pa man siya sumasagot ay may nakita na siyang namuong lungkot at sakit sa mga mata nito.

"Sweetie, ano ka ba? Hindi, no!" Niyakap niya ito nang pagkahigpit-higpit. "Wala akong pagdadalawang-isip. Hindi ko kinikwestyon ang nararamdaman mo para sa'kin. I know you love me."

"Very much," he added.

"Alam ko. I was just kidding."

Bumuntong-hininga ito na parang kay bigat ng dinadala nito. "Okay."

"Sorry!" She cupped his face and kissed him tenderly.

"Emotional ako ngayon. Hindi mo ako mabibiro agad-agad."

"Pansin ko nga. Are you stressing yourself out because of the upcoming wedding?"

Umiling-iling ito. "Ang dami ko lang iniisip."

"Like?"

He shrugged his shoulders. "I don't know. Siguro dahil pumapasok sa isip ko na parang ang smooth lahat sa atin. Minsan, nakakatakot. As if we are being pampered with something so good and soon enough, worst thing will happen."

"Dahil ba ilang beses nang na-move ang kasal natin kaya ka nakakaisip ng ganyan?"

Marahan itong tumango. "We never quarreled. Masyado nating naiintindihan ang isa't-isa. Hindi gaya nang sa mga kaibigan mo, wala tayong away na kailangang magkalayo tayo pansamantala. Pero... tuwing nakaplano na ang kasal, may nangyayaring hindi maganda sa paligid natin. And in the end, ours is affected. Parang may humahadlang. Siguro na-trauma lang ako. I'm sorry for thinking this way."

Umiling-iling siya. "Don't be. Kahit ako, may nararamdamang ganon. Nasabi ko rin iyan sa mga kaibigan ko. But they assured me. Walang mawawala at tuluy-tuloy na 'to." Buong pagmamahal na tinitigan niya ito sa mga mata. "Kung saka-sakali man na may mangyari nga, wala na akong pakialam. Kahit tayong dalawa lang ang nasa simbahan, Cy, at ang pari, itutuloy natin ang kasal. Masyado na nating pinatagal ang paradang ito. Ayaw ko nang maudlot pa. Basta ba't walang aatras sa ating dalawa."

"I won't! I waited for that day to happen."

Ngumiti siya. "Ako rin."

Nang hagkan siya nito ay napapikit si Krit. Tama ito. Masyado silang maswerte dahil hindi nila dinaranas ang klase ng pangyayaring gaya nang sa mga kaibigan niya. Isang beses lang siyang nasaktan nito at iyon ay nong hindi pa sila. Understandable naman iyon dahil walang lebel ang relasyon nila nong panahong iyon at mahal na niya ito. Kaya nasaktan siya nang makita ang eksena nito at ng ex nito.

After that, everything in their relationship was so perfect to be true. They are both happily in love with each other even years had passed. Kaya sana, magtuloy na talaga sa happy ending ang istorya nila.

"Mahal na mahal kita, Krit. I know God gave you to me. Kung para saan na nauudlot ng panandalian ang kasal natin, alam kong may dahilan. Basta sa'ting dalawa, walang bibitiw," ani Cyril.

"Hindi ko bibitawan ang taong alam kong ipinagkaloob sa'kin. Lalo na ngayon. I am yours, Cy. Mind, heart and soul. Kung naghintay ka para magiging buo ang kaligayahan ko, sisiguraduhin ko naman na pareho tayo ng matatamasang saya sa araw na iyon. I promise."

"You are enough, Sweetie."

Pero hindi iyon ang nasa isip ni Krit. May kailangan pa siyang gawin. Kung si Cyril, nagpaubaya para sa mga kaibigan niya, ganoon din ang gagawin niya sa pagkakataong iyon. Wala man itong sinasabi sa kanya, alam niyang may isang tao sa buhay nito na gusto nitong makadalo.







"Ate, kamusta?"

Niyakap ni Krit si Neril. Hinila siya nito at pinaupo sa sofa na nasa loob ng opisina nito. Tumawag ito sa sekretarya para humingi ng maiinom bago siya tinabihan.

"Mabuti. Ito, excited."

Ngumiti ito at kinilig. "Ako rin. Ipinagdarasal kong matutuloy na ito. Medyo hindi maganda ang mood ni Kuya Cyril nong hina-hand over niya sa'kin itong opisina niya. Pero naiintindihan ko. Stress lang siya."

"Pasensya ka na, ha? Na-trauma lang ang kuya mo dahil ilang beses na naming naipagpaliban ang kasa. But this time, sigurado na. Wala nang makakahadlang sa'min."

"I'm glad to hear that," nasisiyahang tugon nito. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito, Ate? May kailangan ka ba?"

Nahihiyang tumango siya. "Sana."

"Sige. Name it. Huwag lang masyadong mahal, ha?" pabiro nitong sabi.

Natawa siya. "Hindi bagay ang hihingin ko. Pabor lang sana."

"Sige. Ano ba iyon? Basta kaya ko."

Saglit na nag-isip si Krit. Wala siyang ibang naiisip na paraan at si Neril lang ang makakatulong sa kanya.

"Pwede mo bang pakiusapan si Claudette na makipagkita sa'kin? Kahit ako ang pumuntang America at doon mismo sa opisina niya kami mag-usap."

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Ginugulo niya ba kayo ni Kuya Cy?"

Umiling-iling siya. "No. Hindi iyan. Ahmm... Kasi, alam kong gusto ni Cyril na pumunta siya sa kasal. Alam mo naman sigurong importante siya sa buhay ng kuya mo, di'ba?" Neril nodded. "Hindi ko alam bakit hindi pa rin naibibigay ni Cyril ang invitation. Kaya-"

"He did. Pero ibinalik ni Ate Claudette."

Nanlumo siya sa narinig. "Ganon ba?"

"Matigas talaga si Ate Claudette. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Pero hindi iyon ganoon noon. Nasaktan lang siguro talaga dahil nga hindi siya hinabol ni Kuya." Mas lalo siyang nalungkot dahil sa sinabi nito. "Pero hindi ko gustong may iba kang isipin, Ate Krit. You entered my brother's life years after they broke up. Hindi mo kasalanan iyon."

"Alam ko naman iyon. Kaya lang, naiintindihan ko siya. Babae rin ako, Neril. Kahit hindi naman kami nagkakilalang talaga, alam ko mahirap."

"She must learn how to move on. Hindi lang si Kuya Cyril ang lalaki sa mundo." Bumuntong-hininga ito. "But I know it's easier to say than to do it. Kaya... hindi ko siya e-ju-judge."

Hinawakan niya ang kamay nito. "But can you still try to do it for me? Subukan lang natin."

"Alam ba ni Kuya Cyril 'to?"

Umiling siya. "Wala rin siyang sinabi na naibigay na niya pero ibinalik. I want to try it, Neril. Baka makumbinse ko siya."

Napaisip ito. "Though I doubt it, susubukan ko."

Tumayo si Neril at kinuha ang cellphone nito. Ipinagdasal ni Krit na sana ay pumayag si Claudette. She will try her luck. Para sa kaligayahan ng lalaking mahal niya.

"Hello?" a groggy voice answered the call. Naka-loudspeaker iyon kaya naririnig niya.

"Ate Claudette, it's me, Neril. Are you sleeping? I'm so sorry to wake you up."

"It's okay. I need to anyway. Bakit napatawag ka?"

"Kamusta ka na muna?"

"Hindi mabuti. Dahil ikakasal na ang kuya mo. All I can pray is for it not to happen. Again. So far dinidinig naman ako."

Naag-aalalng tumingin si Neril sa kanya. Tumango-tango siya na parang sinasabing ayos lang sa kanya ang narinig niya. She understands Claudette.

"Ate, naman. Huwag namang ganon," pakiusap ni Neril dito.

Claudette laughed. "Mahal na mahal mo rin siguro ang babaeng mahal niya."

"Mahal din kita."

"Pero hindi niya ako mahal. At ni minsan, hindi niya ako minahal o sinubukang matutunan man lang."

Nang suminghot ito, parang may pumiga sa puso ni Krit. Umiiyak na ito tiyak. Nakokonsensya siya ng husto kahit hindi naman dapat.

"Mahal ka niya," she voiced out. Sumenyas si Neril na tumahimik na muna siya but it's too late. Narinig na siya ng babae na nasa kabilang linya.

"Who are you?" matigas ang boses na tanong nito. Gone the vulnerable Claudette, few seconds ago.

Lumunok siya. "Krit. Cyril's fiancée."

"Oh! The future wife," may pang-uuyam sa boses na sabi nito. "What do you want?"

"Can we meet?"

"No."

"Claudette, saglit!" pigil niya bago pa man nito putulin ang tawag. "I really want to talk to you. Kahit isang beses lang. Kahit five minutes lang. Or three minutes. Just give me a chance to talk to you."

Hindi ito sumagot pero nakikita niyang nasa kabilang linya pa ito. Nakapikit na naghintay siya. Habang pinagdarasal na sana ay pumayag ito.

"Just five minutes. This week. Alam ni Neril kung saan ang opisina ko."

Tumulo ang mga luha niya sa sinabi nito. "Thank you."

Nang mawala ito sa linya ay nangangambang binalingan siya ni Neril. "Ate, sigurado ka ba? Alam mong pwedeng maging baliw anumang oras si Ate Claudette kapag nakita ka niya."

Natawa siya sa itinakbo ng isip nito. "I'll be fine. Thank you, Neril," aniya kahit medyo kinakabahan.

"Pero-"

"Tao lang si Claudette na nasaktan. Kung may gawin man siya sa'kin, iintindihin ko siya. Basta, 'wag mo na lang muna sabihin ito sa kuya mo, okay? Magpapaalam ako sa kanya na magiging busy ako kaya hindi muna kami magkikita."

"Patay ako sa kanya kapag nalaman niya 'to."

"Ako na ang bahala. Last na 'to, Neril."






Krit thanked the woman who assisted her. Pinaupo siya nito sa sofa at dinalhan ng juice habang naghihitay sa opisina ni Claudette. Kanina lang siya dumating sa New York. Sinundo siya ng mga magulang ni Raise at agad hinatid doon. Sinabihan niyang mag-co-commute lang siya papunta sa bahay ng mga ito pagkatapos niyang kausapin ang pakay.

Bumukas ang pinto. Napatayo siya at napatitig sa napakagandang babaeng kung hindi umatras sa sarili nitong kasal ay wala sanang isang Cyril Vergara sa buhay niya. Ngumiti siya. Claudette remained poker. Nang maupo ito ay naupo na rin siya kahit hindi ito sumenyas o nagsalita.

"Salamat at pumayag ka," ani Krit at tinitigan ito. Ayaw niyang kumurap man lang para malaman nitong sinsero siya sa sinabi.

"Sabihin mo na lang sa'kin ang gusto mong sabihin."

Tumango-tango siya at kinuha ang invitation sa bag. Inilapag niya iyon sa mesa. Claudette raised an eyebrow.

"Gumastos ka para lang ihatid sa'kin iyan?" Patuyang tumawa ito. "You're crazy."

"Siguro nga."

"Iniinsulto mo ba ako, Miss Seguva? Hindi pa ba sapat na magpakasal kayo ng lalaking minahal ko mula pa noon at kailangan e-torture niyo pa ako at padalhan ng imbitasyon?"

"Claudette, hindi sa ganon."

"Then what?!" sigaw nito. She could see her anger and pain. At nasasaktan siya para rito.

"I just want Cyril to be completely happy." Natigilan ito. "Ngayon lang tayo nagkaharap talaga pero kilala kita. Sa mga kwento niya, kilalang-kilala na kita."

"Si Cyril... nagkwekwento sa'kin?" Bumakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala.

Marahan siyang tumango. "At kahit hindi niya sinasabi, alam kong na-mi-miss ka na ni Cyril. Na-mi-miss na niya ang bestfriend niyang parating nandiyan para sa kanya."

May namuong luha sa mga mata nito. Tumayo ito. "Get out."

"Claudette-"

"I said get out!" muling sigaw nito.

"Hindi pa tapos ang five minutes ko," pagmamatigas niya. Hindi siya susuko. Mapapapayag niya rin ito.

Pero natigalgal si Krit nang muli siya nitong harapin ay may hawak na itong baril at itinutok sa kanya. Kinakabahang napatitig siya sa babae na walang halong biro ang galit na makikita sa mukha nito.

"Alam mong kaya kong sirain ang kaligayan ni Cyril. Kaya kitang patayin."

"Claudette-"

"Hindi ko alam kung mangmang ka para pumasok sa kuta ng kalaban mo. Akala mo siguro nakalimutan ko na ang lalaking iniibig mo kaya may kompiyansa kang pumunta rito. Puwes, nagkakamali ka, Miss Seguva. Dahil kung hindi lang din naman mapupunta si Cyril sa'kin, mas lalong hindi siya mapupunta sa'yo o kahit na kanino. You should have waited for the wedding and ignored me. Pero mukhang kamatayan mo ang e-ce-celebrate ng pamilya mo at hindi ang kasal mo."

Hindi makakibo si Krit. Napapalunok na lang siya. Was that it? Ang ikinababahala nila ni Cyril na mangyayari? Napapikit siya. Naiiyak siya sa sitwasyon niya. She saw her fiance's smiling face popped up in her mind. Naramdaman niya ang paglandas ng luha sa mga pisngi niya.

Mukhang tama si Cyril. They were pampered with good because worst is coming. At siya pa mismo ang nagdulot ng sarili nilang unhappy ending.

Nagmulat si Krit ng mga mata. She looked at Claudette.

"Ang sabi ko kay Neril, kapag may gawin kang hindi maganda sa'kin, iintindihin kita. Alam kong mahirap at sobrang sakit. No'ng nakita ko nga lang na hinalikan mo si Cyril, hindi na ako makahinga. Ano lang iyon kumpara sa pinagdaanan mo."

Hindi kumibo si Claudette. Nakatitig lang ito sa luhaan niyang mukha.

"Claudette, kung itutuloy mo man ang binabalak mo, may hihilingin sana ako at kailangan mong gawin para hindi kita multuhin."

Tumawa ito. "Go ahead. I don't mind doing it as your death wish."

"Pakisabi kay Cyril na mahal na mahal ko siya. At sorry dahil kasalanan ko na naman na hindi matutuloy ang kasal namin."

"Iyon lang?"

Krit nodded and smiled happily after filling her heart with memories she has with the man she loves. Bago niya klarong nakita ang pagdiin ni Claudette sa gatilyo. She closed her eyes. Saka tinanggap ang kapalaran niya at ni Cyril.




Continue Reading

You'll Also Like

349K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
152K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
88.5K 2.7K 18
"Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos." Little Cupcakes Series *This is the first installment in t...
16K 498 11
A group of friends and their "KARMA". Every bet has a consequence. Kahit pa sabihing sa sariling nararamdaman ka lang nakipag-pustahan. Kasi kapag...