SHE KNOWS LOVE (Published und...

By anjbuenaphr

326K 5.2K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Eighteen.1

8.2K 130 10
By anjbuenaphr

Hindi inaasahan ni Margaux na magiging bisita niya si Paul isang linggo matapos niyang ma-confine. Mabuti na lang at naroon ang kanyang ina kaya napigilan ang balak niyang pagpapalayas kay Paul. Ngunit nang makilala ng kanyang ina kung sino ang bisita niya ay kitang-kita niya kung paanong nagngingit ang kanyang ina. Ramdam niya ang galit na pilit lang nitong itinatago. Nasa garden sila noon ng ospital dahil gusto niyang magpahangin.

"Sabihin mo na ang sasabihin mo, Paul. Kailangan ko pang magpahinga." Malamig niyang sabi kay Paul. Nakita niyang nilingon nito ang kanyang ina na nasa kanyang likuran. "Hindi aalis si Mama. Sabihin mo na ang sasabihin mo."

Naramdaman naman niya ang paghawak ng kanyang ina sa kanyang balikat. "Kailangan n'yong mag-usap."

"Pero, Ma-"

"Hindi naman ako lalayo. Babantayan kita." Agap ng kanyang ina. Wala siyang nagawa kundi harapin si Paul nang lumayo na ang kanyang ina.

Hindi kumilos si Paul. Nanatili lamang itong nakatayo malapit sa kanyang wheelchair. The awkwardness was a contain. At nahihirapan siyang ikalma ang sarili dahil galit siya sa kaharap niya.

"Gusto ko lang masigurado kung talagang nagka-miscarriage ka." Sabi ni Paul at ganoon na lang ang pag-ismid niya. Wala talagang pagpapahalaga sa kanya si Paul.

"Kung gusto mo pumunta ka sa PGH. Tingnan mo ang records ko do'n noong ma-confine ako." Sagot niya at tiningnan niya nang hindi natutuwa si Paul. "Paul, naman. Hindi naman ako kasing sama mo. Hindi ko ipagkakait sa'yo ang baby kung nabuhay man s'ya."

Nag-iwas ng tingin si Paul. "Nabalitaan ko na...sina Kevin pala ang naka-trouble mo."

"Trouble talaga ha. Alam mo, Paul. Non-sense na 'tong pag-uusap natin.Tutal naman nasiguro mo nang hindi ako nagsisinungaling. Pwede ka nang umalis. At sana rin 'wag ka nang bumalik. Nakaka-stress ka eh." Sabi niya.

Narinig ang pagbuga ng hangin nito. "Pasensya na sa nangyari. Magulo ang isip ko no'n kaya sumunod na lang ako kina Mommy. Bata pa kasi tayo eh. Ayoko rin naman na masira ang pangarap nina Mommy para sa'kin."

"At sa tingin mo wala akong pangarap kaya iniwan mo 'ko. Galing mo." Puno ng panunumbat ang mga salit ni Margaux. Kung kaya lang niyang makatayo ay inabot na niya ito at pinagsusuntok.

"Huwag mo sa'kin isisi ang lahat, Margaux. From the start, we both know that we are just playing around. Alam mong hindi seryoso ang relasyon natin. And besides, ikaw ang bitter at magulo ang buhay nang magkakilala tayo. Ikaw naman mismo ang problema. In fact, you only made me your escape paradise. Para lang makawala ka sa totoong mundo mo. Kung ginawa ko man 'yon, it is only because you don't look like you want to be treated good. Nagpunta ka sa'kin dahil ikaw mismo sinisira mo buhay mo. Ikaw ang lumapit hindi ako." Mahabang sabi ni Paul pagganti sa panunumbat niya.

"Gago ka talaga." Puno ng galit at hinanakit niyang saad.

He only snorted. "Admit it, Margaux. If I need to fix myself. You also need it. Tayo ang sumira sa buhay mo. Hindi lang ako."

Nangilid ang luha ni Margaux. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Paul. He was so hard on her. Wala talaga itong pagpapahalaga sa kanya.

"Umalis ka na." Saad niya kay paul bago pa nito makita ang pagluha niya. Hindi na kailangang ipamukha sa kanya ni Paul kung gaano kababa ng tingin nito sa kanya.

"Hindi naman natin minahal ang isa't-isa. We only needed each other. Nothing more. Aaminin ko sa'yo na nasasaktan ako kasi akala ko may babalikan akong anak. On that part, I want to kill myself. Gago talaga ako. Pero ano pang magagawa natin? Shits do really happen. I just hope maka-recover ka. And face a better life. Alam ko hindi ko dapat sinasabi sa'yo 'to kasi malaki ang kasalanan ko sa'yo. But...we both need it. Just good luck."

"Margaux." May tumawag sa kanya at paglingon niya ay papalapit na si Jaiden. Seryoso ang mukha nito at kaagad niyang nakita ang matalim na tinging ipinukol nito kay Paul. Kinabahan tuloy siya.

"Paul."

"Jaiden." Pagbabatian ng dalawang binata.

Kaagad na lumapit si Jaiden sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Tumingin muna ito sa kanya saka muling bumalik kay Paul.

"Kailan ka dumating?"

"Last week. Pero babalik din ako kaagad. Sembreak lang kasi kaya nakauwi ako." Sagot ni Paul.

"Bumisita lang s'ya pero paalis na rin naman eh." Sabad niya sabay tingin kay Paul.

"Kayo na pala." Imbes na umalis na ay sinabi pa ni Paul iyon.

"Oo. Bakit? Bawal ba?" Si Jaiden ang sumagot.

"Wala naman akong sinabing gano'n. Why hitting me like that?" Ani Paul halatang hindi ikinatuwa ang inasal ni Jaiden. She sensed fight again.

"Guys." Pagsaway niya sa mga ito.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Walang kangiti-ngiting tanong ni Jaiden.

"Binibisita ang ex ko. There's nothing wrong with that. May pinagsamahan naman kami ah." Tila nang-aasar pang sagot ni Paul.

"Umalis ka na, Paul. Hindi ka kailangan dito." May galit na sagot ni Jaiden.

Tumawa si Paul. "Wow. A hero boyfriend?"

"Tama na, please." Aniya sa mga ito. "Paul, umalis ka na." Hindi kumilos si Paul. "Paul, ano ba? Umalis ka na sabi eh."

Wala nang iba pang sinabi si Paul at kumilos na lang papalakad at bago pa tuluyang umalis at hinawakan pa nito ang kamay niyang nasa armrest ng wheelchair.

"I'm sorry." Sabi nito saka bumitaw at tuluyan nang lumakad palayo. Narinig naman niya ang marahas na paghinga ni Jaiden.

She then let her tears fall down. It flowed rapidly. Totoo ang lahat ng sinabi ni Paul. Ito lamang ang tanging taon nagsampal sa kanya ng katotohonan sa kanya. Kung gaano na unti-unting nawawasak ang buhay niya. Na kahit na anong gawin niyang paggawa ng tama ay walang silbi dahil hindi niya matanggap sa kanyang sarili na ang kanyang pagkakamali. Na pilit niyang isinisisi sa mga taong nakapaligid sa kanya ang lahat ng masasamang nangyari sa kanya. She thought the world made her miserable while in fact it was her.

"Margaux-"

"Jaiden, please." Agap niya. Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi.

"Bakit ba kasi kinausap mo pa 'yon? Mabuti na lang-"

"Jaiden." Aniya at pinigil ito. "Tama na. Tama na ang ginagawa mo. Hindi mo kailangang iligtas ako sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang maging superhero ko palagi. 'Wag mong gawing trabaho 'yon. Hindi mo 'ko obligasyon."

"Margaux." Tila hindi naman makapaniwalang sabi nito. "Obligasyon ko 'yon dahil mahal-"

"Mahal?" Sabi niya na muli pinutol ang mga sasabihin nito. "Pa'no mo nasasabing mahal mo 'ko? Ni hindi mo ako lubos na kilala."

"Kilala kita."

She snorted. Kailangan niyang gawin iyon kay Jaiden. Upang gisingin ito katotohanan. "Alam mo ba ang pinag-uusapan namin ni Paul bago ka dumating?"

"Hindi." Mabilis nitong sagot. "At hindi ko na kailangang malaman."

"Nabuntis ako ni Paul." Agap niya at nakita niyang natigilan ito. "Pumunta s'ya dito kasi akala n'ya makikita n'ya ang anak. Pero ang totoo hindi natuloy 'yon. Nakunan ako."

Hindi umimik si Jaiden. Naupo lang ito sa garden chair at malayo ang naging tingin. At bumilang ang ilang sandali ng katahimikan sa pagitan nila. Naisip ni Margaux na marahil in-absorb ni Jaiden ang narinig nito.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito kalaunan. "May dala ko. Ibinigay ko kay Tita."

"Umalis ka na." Imbes ay tugon niya. Lumingon sa kanya ang binata ngunit nag-iwas siya ng tingin.

Tila timinbang ni Jaiden ang sinabi niya at matapos ang matagal na pagtitig sa kanya at tumayo ito. Saka walang salitang naglakad palayo.

"Anak." Muling lumapit ang kanyang ina sa kanya. "Mauuna na daw si Jaiden sa kwarto mo. Ihahanda daw ang dala n'yang pagkain."

Muli siyang napaluha. "Pakisabi, Ma, ayoko muna ng kausap. Pauwiin n'yo na muna s'ya. Sabihin n'yo magpahinga na muna s'ya. Sobra nang pag-aalaga ang ginagawa n'ya sa'kin. Kung pwede rin, Ma, pakisabi sa kanya 'wag na rin s'yang babalik dito."

"Sigurado ka?" Anang kanyang ina na titig na titig sa kanya. Tumango siya. "Sige, sasabihin ko."

"Salamat, Ma."

Continue Reading

You'll Also Like

128K 2.3K 9
Kaaway ni Eliza si Alec Buenaventura, isang negosyanteng wala nang inisip kundi ang sariling interes. Kaya naman nang malaman niya ang diperensiya ni...
161K 2.8K 10
PUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin...
123K 2.5K 12
Nang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the mo...