SHE KNOWS LOVE (Published und...

By AkoSiAnjBuena

328K 5.3K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Seventeen.2

8.1K 147 6
By AkoSiAnjBuena

Ang kanyang ina ang kaagad na nakita ni Margaux nang muli siyang magkamalay. Alam niyang nasa ospital siya.

"Margaux, Diyos ko!" Biglang kilos ng kanyang ina at lumapit sa kanya. "Aina, tawagin mo ang nurse. Gising na ang ate mo."

"Ma..." mahina niyang tawag sa kanyang ina. Iniangat niya ang kanyang kamay upang abutin ito. Napansin naman niya ang paglabas ni Aina ng kwarto.

"Anak..." Sabi nito sabay bunghalit ng iyak. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Mabuti naman at gising ka na. Anong masakit sa'yo?"

"Nauuhaw ako." Nanghihina man ay nagawa niyang sabihin iyon.

Mabilis na kumilos ang kanyang ina at inabot ang bulak saka binasa iyon. "Hindi pa pwedeng baso, anak. Heto muna."

Idinampi nito ang bulak sa kanyang labi. Sinubukan niyang sipsipin iyon. Kahit paano ay naginahawahan siya.

Bumukas naman ang pinto at muling pumasok si Aina. Kasunod na nito ang isang nurse at doktor. Pati na ang kanyang tatay Rod at si Justin. Nakita rin niya ang kanyang daddy na mabilis na lumapit sa kanya.

"How do you feel, Margaux?" Kaagad na tanong ng doctor at iniksamin siya kaagad. Nilentahan nito ang kanyang mga mata. "Nahihilo ka ba?"

"Nauuhaw lang po." Sagot niya.

"That's normal." Anang doktor. "I think you're okay for now." Hinarap nito ang mga magulang niya. "Mukhang successful ang ginawang operation sa kanya. But we still have to observe her. Pwede pa rin s'yang makatulog anytime. Sa ngayon, eh, pwede n'yo s'yang kausapin. Just take it easy. She's still weak."

Tumango ang kanyang ina. Nagpalaam na ang doktor at naiwan ang nurse upang irecord ang ilang kailangan pa. Matapos niyon ay nagpaalam na rin ito. Kaagad namang lumapit sina Aina at Justin sa kanya. Naupo ito sa gilid kama.

"O, dahan-dahan kayo. Mahina pa ang ate n'yo." Pagsaway naman ng kanilang ina.

She pushed a smile. "Okay lang ako, Ma."

Pumalatak ang kanyang ina. "Hay naku. Hindi ka nakikinig. Kasasabi lang ng doktor, hindi ba?"

Hindi na niya pinansin ang kanyang ina. Nilingon niya ang kanyang tatay Rod. Nginitian niya ito. Ganoon din ito sa kanya.

"Sa labas muna kami. Aina, Justin. Kumain muna tayo." Sabi nito at pinalapit ang mga kapatid niya.

"Thank you." Aniya sa kanyang tatay Rod.

Totoong lubos ang pasasalamat niya dito dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya. Pati na ang pagtanggap nito sa kabila ng nangyari noon sa pagitan ng kanyang ina at ng kanyang daddy. He was the most understanding father he knew. Her mother was the luckiest being his wife.

Tumango lang si Tatay Rod at lumabas na kasama ang mga kapatid niya. Saka niya nilingon ang kanyang daddy. Lumapit ito sa kanya.

"Kasama ko si Althea." Sabi nito.

"Marvin." Agap ng kanyang ina. "Wag na. Kailangang magpahinga ng anak ko. Tama nang pumayag akong ikaw ang gumastos sa pagpapa-ospital ni Margaux. Pero hindi na ako papayag na mang-insulto pa ang anak mo dito."

"Anak ko rin si Margaux, Letty." Anang kanyang ama.

"Ma." Sinaway niya ang kanyang ina.

Nagbuntong-hininga naman ang kanyang ina. "Hindi kailangan si Althea, Marvin. Okay na ang anak ko. Pakisabi na lang sa kanya."

Hindi sinagot ng kanyang daddy ang kanyang ina bagkus lumingon sa kanya. Humihingi ng permiso sa kanya. But she was too weak to entertain such a heavy ride. Alam niyang hindi gagawa ng masama si Althea. Hindi naman ito ipagsasabi ng kanyang daddy kung hindi magandan ang intensyon ng kapatid niya.

"Some other time, Dad. Pangako mag-uusap kami. Pakisabi na lang sa kanya na okay na 'ko." Sabi niya at pilit na ngumiti.

Nakakaunawang tumango ang kanyang ama. Lumapit pa ito at hinaplos ang kanyang ulo. "Babalik ako. Magpagaling ka, okay? Saka na lang kita papagalitan kapag kaya mo na."

Tumawa siya nang mahina sabay ngiwi. She knew she had to explain big time. Saka biglang naisip si Jaiden.

"Ma, s-si Jaiden?" Tanong niya.

"Pinauwi ko muna. Ilang araw na kasing walang tulog ang batang 'yon. Laging nakabantany sa'yo. Mabuti nga't napilit na ng kuya n'yang umuwi. Pero sabi n'ya babalik daw s'ya." Sagot ng kanyang ina.

"Ilang araw ba 'kong tulog?" Tanong niya.

"Kung hindi pa nagising ngayon ay panglima na sana." Sagot ng kanyang ina.

Naghalo ang lungkot at pag-aalala sa kanya. Nalungkot siya dahil wala ito nang magising siya. Nag-aalala dahil napagod ito. She felt guilty. Siya ang dahilan kung bakit nasangkot si Jaiden sa gulo. She felt she deserved that she was hurt. Siya rin ang naglagay sa sarili sa alanganin. Tulad ng laging nangyayari madalas. Marahil tama nga si Althea. Mahina siya. Hindi niya kayang gumawa nang tama sa lahat ng oras.

"Wag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano. Dapat ay magpagaling ka." Anang kanyang ina.

"Tama ang mama mo. Don't worry too much. I'll handle everything. Naireklamo ko na ang grupo ng nakaaway n'yo sa bar. Hindi biro ang nagawa nila sa'yo. At kapag kaya mo na, we will file a case." Sabi naman ng kanyang ama.

Inayos ng kanyang ina ang kumot niya habang nasa kabilang gilid ng kama ang kanyang ama. She felt happy. Iyon ang unang pagkakataong naroon ang kanyang mga magulang para sa kanya. Napangiti siya. She then realized that she was still lucky having her parents. Kahit pa hindi ordinaryo ang kanyang pamilya. It was still considered a family.

She sighed lightly. Masakit pa rin ang likod niya at bahagya na siyang nahihirapan sa kanyang pagkakahiga nang patagilid. Ngunit kailangan niyang tiisin iyon kung gusto niyang gumaling siya.

"Thanks, Dad for coming. Pero ayoko nang mag-file ng kaso. Gusto ko lang makaalis na dito." Sabi niya habang napapapikit. Para kasing inaantok na naman siya.

"You're welcome. Ikaw ang masusunod." Sabi nito at naramdaman niya ang paghalik sa kanyang sentido ngunit hindi na niya magawang imulat ang kanyang mga mata. Tila nanghihina na naman siya.

"I think makakatulog na naman s'ya." Narinig niyang sabi ng kanyang ina. She tried to stay awake. Ayaw pa niyang matulog. Masyado nang mahaba ang naitulog niya. Marami siyang nais itanong sa kanyang ina. But she was really weak.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. She tried opening her eyes. But she felt so drunk. Tila naubos ang lakas niya ng sandaling pakikipag-usap na iyon.

"Jaiden." Anang tinig ng kanyang ama.

Kahit na sa nanghihinang katawan ay nagawa ng puso ni Margaux na mag-iba ng tibok. She felt excited just simply hearing his name.

"Good afternoon po. How's she?" She heard it right.

Si Jaiden nga ang dumating. Ngunit kung kanina ay nagpipilit siyang manatiling gising nag-iba iyon nang dumating ang binata. She felt disoriented. Parang ayaw na gusto niyang makita si Jaiden. Nahihiya siya. Hindi niya kayang harapin si Jaiden dahil sa gulong ibinigay niya sa buhay nito.

"Nagising na s'ya kanina." Sagot ng kanyang ina.

"Oh, thank God." Sabi ni Jaiden at naramdaman niya ang pagdampi ng kamay sa kanyang ulo at humaplos iyon hanggang sa kanyang pisngi.

"Pero nakatulog din agad. Mahina pa s'ya siguro." Sabi ng kanyang ina.

She wanted to open her eyes. Kahit na parang walang-wala na siyang lakas. Ngunit isang mapait ng katotohanan ang tila gustong pumigil sa kanya.

"Hello, sweatheart." Pabulong na sabi ni Jaiden. "I'm here now."

She remained still. Gising pa ang diwa niya kaya ramdam pa niya ito. Kasunod niyon ay ang paghawak sa kanyang kamay. She knew it was Jaiden. Nataranta ang kalooban niya. Ngunit mas pinili niyang magpanggap na tulog na lang.

"Nakapahinga ka na ba?" Tanong ng kanyang ama kay Jaiden.

"Opo." Sagot lang ni Jaiden. Panay ang haplos nito sa kanyang pisngi.

She wanted to move. Gusto niyang gantihan ang paghawak nito ngunit ayaw sumunod ng isip niya. Dahil sa kabila ng kagustuhan niyang tingnan ito ay isang desisyon ang binuo ng isip niya. Masakit man ngunit kailangan niyang gawin dahil mahal na mahal niya si Jaiden.

Continue Reading

You'll Also Like

245K 6.1K 27
"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖...
117K 3.3K 18
PHR # 970 Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, wel...
14.7K 1.1K 42
Mercury met Keithlyn Morgan in the worst situation. Biktima ito ng human trafficking sa bansang Mexico. Sa illegal auction na mismong dinaluhan niya...
33.3K 736 13
Ayaw nang masaktan at mabigo ni Jenise sa pag-ibig dahil quota na siya kung iyon din lang ang pag-uusapan. Kaya nang mag-offer ang best friend niya n...