SHE KNOWS LOVE (Published und...

By anjbuenaphr

326K 5.2K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.1
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter fifteen.2

7.8K 143 4
By anjbuenaphr

"Ano?"

Napakurap sabay ngiwi si Maragaux sa reaksyon ni Bogie nang yayain niya itong uminom. Doon kasi siya tumuloy pagkagaling sa death anniversary. Hindi na niya ikinagulat ang reaksyon ni Bogie. Nainis lang siya dahil mukhang hindi siya pagbibigyan nito.

"Sagot ko naman." Sabi niya sabay upo sa couch malapit sa counter ng bilyaran.

"Kahit na." Ani Bogie saka inilapat ang kalahating katawan sa billiard table. Tumira ito at pumasok sa isang hole ang 2-ball.

"Sige na. Hindi naman tayo maglalasing." Pagpupumilit niya.

Inismiran siya nito. "Tumigil ka nga. Isusumbong kita sa nanay mo eh."

"Ang KJ mo naman." Aniya.

Hinarap siya ni Bogie. "Ako? KJ? Eh kung ikaw kaya ibola ko dito. Di'ba graduate ka na kay Pareng Empi?"

"Eh 'di lights tayo." Sagot niya sabay tawa.

Halatang napikon ito dahil padabog nitong inilapag sa tako sa mesa. "Mamilosopo ka pa. Ikaw, Alex Margaux, magpakatino ka ha. Usapan na natin 'to di'ba? Wala nang inom-inom."

Hindi ikinatuwa ni Margaux ang ikinilos ni Bogie. Alam niyang matagal na niyang tinigilan ang pag-iinom. Dahil wala namang naidulot na maganda ang alak sa kanya. Natuto siyang maglasing kay Paul. At tulad ng ibang masasamang impluwesya, si Paul din ang nagpakilala sa kanya sa isang walang kwentang buhay.

"Minsan lang naman, Bogs. Pagbigyan mo na 'ko." Pamimilit niya sa kaibigan.

Kumakamot sa ulo na lumapit ito sa kanyan. "Pag-usapan na lang natin 'yang problema mo. Ano bang nangyari sa death anniversary ng kuya mo? Sabi ko na kasi sa'yo eh. 'Wag ka nanag pumunta."

"Wala namang nangyari. At saka porke ba gustong uminom may problema na agad? Di'ba pwedeng may pang-inom lang." Sagot niya nang nakasimangot.

"Margaux, kilala naman siguro kita 'no." Ani Bogie.

But she again snorted. Hindi niya masakyan ang pagpigil nito sa kanya. Ang simple lang naman ng gusto niya. Alam naman niya ang ginagawa niya. Ngunit bakit parang walang nakakintindi sa kanya? Tila lahat ng tao sa paligid niya ay hindi maganda ang ginagawa niya.

"Dami mo namang kinuda. Nagyaya lang uminom eh." Paghihimutok niya.

Tumabi ito sa kanya. "Hindi ba kayo nagkikita ni Jaiden kaya ka nagkakaganyan?"

Natigilan si Margaux nang maisip ang itinananong ni Bogie. Tatlong araw na silang hindi nagkikita ni Jaiden. Abala daw kasi ang binata dahil sa kuya nito. Panay naman ang text at tawag ni Jaiden ngunit siya naman ang umiiwas. She hated what she was doing but she can't help it. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang nararamdaman niya kay Jaiden. Sa tuwing makikita niya ang binata ay masaya siya. Ngunit palaging may kalakip na takot at pagkalito.

"Pwede mong sabihin sa'kin kung anong nararamdaman mo." Saad ni Bogie.

"Ayokong pag-usapan." Agap niya.

Masama ang naging tingin ni Bogie. "Ayan ka na naman, Margaux. Ako 'to. Si Bogie 'to. Kaibigan mo 'ko di'ba?"

Nag-iwas siya ng tingin saka tumayo. "Uwi na nga lang ako. Wala kang kwentang kausap."

"Margaux-

"Ano ba?!" galit niyang sabi sabay bawi sa kanyang braso. Tinangka kasi siyang abutin ni Bogie.

"Margaux!" Pasaway na banggit ni Bogie sa pangalan.

Tuluyan nang nasira ang mood niya. Mabilis na bumilis ang tibok ng puso niya at parang nanginginig siya.

"Uwi na 'ko." Aniya na pinigipil ang galit.

"Samahan na kita."

"Bogie, pwede ba?" Tuluyan na siyang nainis. "Gusto kong uminom kaya ako nagpunta dito. At never mo 'kong inihatid pauwi. So please lang pwede? 'Wag mong gawin ang mga bagay na ayaw kong ginagawa mo para sa'kin."

"Ano 'to bumabalik ka sa dati? Ano ba kasi ang sinabi sa'yo ni Althea? Sinisi ka na naman, ano? Pwede ba, Margaux. 'Wag kang magpapaniwala d'yan sa kapatid mong 'yan." Ani Bogie.

Hindi na niya sinagot si Bogie at tinalikuran na lang niya ito. Itinuloy na niya ang paglabas ng club house. Narinig niya ang pagtawag ng kaibigan niya ngunit nagbingi-bingihan siya. Magulo ang isip niya. At ayaw na niya itong kausap. O kahit na sino pa.

Nilakad niya ang kalye patungo sa main road kung saan dumadaan ang mga jeep. Pakiramdam ni Margaux ay gusto niyang manakit. Naiinis siya kay Althea. Dahil siya pa rin ang sinisisi nito sa aksidente ng kuya niya. Ganoon din siya sa kanyang ama. Madalas nitong sabihin sa kanya na mahal siya nito ngunit hindi naman niya iyon naramdaman sa ilang taon niyang pagtira sa bahay nito kasama ng pamilya nito. Si tita Lucile. Mga mata pa lang nito ay nang-uusig na. She saw the pain and anger in her eyes. Na alam niyang ang galit ay para sa kanya. Masakit para sa kanya na kahit kailan ay hindi na siya matatanggap nito. Lastly, her own mother. Until that moment, Margaux felt alone on her fight. Ipinamigay siya ng kanyang ina dahil sa kahirapan. Hindi rin siya pinandigan nito tulad ng kung paano siya hindi kayang ipaglaban ng kanyang ama. Nakabalik lamang naman siya sa buhay ng kanyang ina nang hindi na niya kayang tumira sa mga Montelibano. At hanggang sa kasalukuyan ay wala siyang naririnig na paghingi ng tawad mula sa kanyang ina tungkol sa pag-iwan nito sa kanya. Dahilan upang hindi sila magkaroon ng mas malapit na relasyon. She seldom talks to her. At tila ganoon din ito. Tila umiiwas din sa kanya.

Walang tao nang marating ni Margaux ang waiting shed. Pumasok doon at nag-abang ng jeep. Isinuksok niya ang dalawang kamay sa suot niyang denim blazer. She breathed out in frustration. Hanggang sa magulat siya sa lalaking lumapit sa kanya. Hindi siya kaagad nakakilos.

"H-Hi." Ani Paul sa kanya.

Gustong isipin ni Margaux na namamalik-mata lang siya. Na imahinasyon lamang niya ang imahe ni Paul na nasa harap niya at kinakausap siya. Naikuyom niya ang mga palad na nasa loob pa ng blazer niya. Her lips narrowed trying to control her rage. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa namumuong galit.

"Pupuntahan sana kita sa club pero nakita kitang naglalakad. Tinatawag kita pero hindi ka naman lumilingon." Sabi pa nito.

Wala siyang narinig na may tumawag sa pangalan niya. At bakit tinatawag siya nito? Anong kailangan nito sa kanya?

"Kumusta ka na?" Tanong niya nang hindi pa rin siya umiimik. Ni hindi rin siya kumikilos.

"S-Si...'yong-"

"Anong kailangan mo?" Sa wakas ay nagawa niyang maglabas ng salita kahit sa nanginginig na tinig.

Paul looked hesitant. Kaagad na rin niyang nasagot ang sariling tanong. Kaya lalong tumindi ang nararamdaman niyang galit para sa dating kasintahan. Wala naman itong magiging ibang dahilan upang bumalik sa buhay niya. But it was too late.

"Ahm, last week pa 'ko dumating eh. Actually..." Mukha talagang nag-aalangan ito sa sasabihin nito. "Si...Mama nang nagpauwi sa'kin kasi gusto n'yang kausapin kita."

"Tungkol saan?" She asked coldly.

Tinitigan siya nito. Sabay bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. She saw him swallowed.

She got it.

"I lost the baby." Puno ng sakit niyang sabi nang maintindihan ang uri ng tingin ni Paul.

"What?" Natural magulat si Paul. Ngunit ang gulat na iyon ay mag kasamang galit. Kaya lalo siyang nagngalit. "Paanong-"

Umangat ang kamay niya at dumapo ang palad niya sa pisngi nito. Kitang-kita niya kung paano ngumiwi si Paul. Sinigurado kasi niyang malakas ang pagsampal niya.

"Wala kang karapatang magtanong!" galit niyang sabi at bago pa man makabawi si Paul at muling lumapat ang palad niya sa pisngi nito. Sa kabila naman.

"Margaux-" Pinilit pa nitong humarap sa kanya ngunit nagpaulit-ulit ang pagsampal niya dito. She was really out of control. Galit na galit na siya.

"You monster! Sinira mo ang buhay ko!" sigaw pa niya habang pinaghahampas ang dibdib nito. Wala siyang pakialam kung nasasaktan man ito.

Sinikap ni Paul na hagipin ang mga kamay niya upang pigilan siya ngunit nagpumiglas siya. She felt disgusted being touched by him.

"Margaux." Ani Paul ngunit alerto ito upang pigilan siya sakali mang sumugod siyang muli. "Alam mo kung bakit nangyari sa'tin 'yon. At hindi ko sinira ang buhay mo. You are ruined when we met, remember? 'Tapos idadamay mo pa ang baby ko."

Humakbang siya palapit kay Paul. "Paul de Asis, putang ina mo! Go to hell and burn your fuckin' ass. Magsama-sama kayo ng pamilya mong pulos hayup."

Walang nasaigot si Paul sa sinabi niya. Halatang nagulat ito. Kaya bago pa man niya mapaslang ang taong nasa harap niya ay lumayo na siya dito.

Continue Reading

You'll Also Like

60.6K 1.2K 9
Sa edad na sixteen, Toni was madly in love with Jun. Ngunit tutol ang kanyang mga magulang na makipagrelasyon siya rito. Napagpasyahan ng mga itong p...
127K 2.2K 11
PUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE...
128K 2.3K 9
Kaaway ni Eliza si Alec Buenaventura, isang negosyanteng wala nang inisip kundi ang sariling interes. Kaya naman nang malaman niya ang diperensiya ni...